41
Pormalistikong Pagdulog sa Pelikulang Way back Home FELY N. VICENTE MAED-FILIPINO BB. ERNA SALAS GURO SA FIL 505 PAMANTASAN NG XAVIER- ATENEO DE CAGAYAN KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM DEPARTAMENTO NG FILIPINO

Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Way Back Home of Star Cinema starring Kathryn Bernardo and Julia Montes

Citation preview

Page 1: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Pormalistikong Pagdulog sa Pelikulang

Way back Home

FELY N. VICENTE MAED-FILIPINO

BB. ERNA SALASGURO SA FIL 505

PAMANTASAN NG XAVIER- ATENEO DE CAGAYANKOLEHIYO NG SINING AT

AGHAMDEPARTAMENTO NG FILIPINO

Page 2: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Balangkas ng PagsusuriI. Introduksyon

II. Buod

III. Sangkap ng Dula

IV. Mga Bisa ng Akda

V. Kongklusyon

Page 3: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

I. Introduksyon

Ang pormalistikong pagsusuri ay isang

pagdulog na nagsusuri, nagbibigay-interpretasyon o

paglalapat sa mga napapaloob sa isang akda. Ito ay

nakatuon sa paraan ng pagkakabuo ng akda, pagpili

ng mga salita at wika o dayalogong ginamit at

ang iba’t ibang kabuluhan nito. Ang pagdulog na ito

ay hindi nakabatay sa sino, ano, kailan, saan o bakit

kundi sa paano. Ito ay tinatawag na ngayon

makabagong panunuri o new criticism.

Page 4: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Sa pagsusuring ito sa pelikulang pinamagatang

“Way Back Home”, ang manunuri ay nakatuon sa anyo

ng pagkakagawa nito. Sa kung paano ang mga

pangyayari ay nagkawil-kawil, kung paano ang mga

pag-uugali ng mga pangunahing tauhan ay nagbago o

magbabago sa pagsulpot ng isang suliranin, kung

paano ang suliranin ay nagbunga pa ng iba pang

suliranin at kung paano binigyang solusyon ang

suliranin sa pelikula.

Page 5: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

II. Buod

Ito ay kwento ng dalawang magkapatid, si

Joanna (Kathyrn Bernardo) at Jessie (Julia Montes).

Nagkahiwalay ang dalawa noong sila ay mga bata pa

lamang. Di sinasadyang nabitawan ni Jessie si Joanna

nung siya’y nagkukumahog na matingnan ang mga

maliliit na pagong. Naiwanan sa may dalampasigan

si Joanna na nagtungo naman sa ibang direksyon na

inaakalang doon pumunta ang kanyang kapatid.

Page 6: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Lumipas ang labing-dalawang taon,

nahanap ni Amy (Agot Isidro) si Joanna sa

pamamagitan ng “Lukso ng Dugo”. Hindi

matanggap ni Jessie ang pagbabalik ng kanyang

nakababatang kapatid na siya namang inaasahan

sana ng kanyang mga magulang. Nabuhay siyang

may dinaramdam na insekyuridad at mga

kabiguan. Ginagawa niya lahat magalak lamang

ang kanyang ina. Nagsimula ang hidwaan nilang

magkapatid, nanatiling mapagkumbaba at

mapagpatawad si Joanna, samantalang, mainitin

at malupit si Jessie.

Page 7: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Ang kanyang kalupitan ay nagwakas nang sila’y

nagkasubukan ng paunahang makarating sa paglangoy sa

ibayong bundok. Kung matatalo siya ni Joanna ay

patatahimikin na niya ito. Sa kasamaang palad, hindi

nakasanayan ni Jessie ang paglangoy sa dagat. Nalunod si

Jessie sa kalagitnaan ng kanilang paglangoy. Nananalo na

sana si Joanna, ngunit pinili niyang lumangoy pabalik upang

matulungan ang kanyang kapatid. Na ospital si Jessie, at

napagpasyahan ni Joanna na bumalik sa pamilyang

kumupkop sa kanya sa Zambales. Sa huli, napagtanto ni

Jessie ang kanyang pagkakamali at humingi ng

kapatawaran sa kanyang kapatid. Nabuo ulit ang kanilang

pamilya.

Page 8: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

III. Pagsusuri

Tagpuan

Ang naging tagpuan sa pelikulang ito ay sa

dalampasigang may mga maliliit na pagong kung saan

aksidenteng nabitawan ni Jessie ang nakababatang kapatid

na si Joanna. Malaki ang naging kinalaman ng lugar na ito

sapagkat dito nagsimulang magkalamat ang samahan ng

pamilya Santiago.

Page 9: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Julia Montes bilang Jessica Lorraine S.

Santiago

Tauhan

Nakatatandang kapatid ni

Joanna na may malaking inggit

rito. Hinahanap-hanap niya

ang pagmamahal at atensyon

ng kanyang mga magulang

lalong lalo na ang kanyang ina

na si Amy. Sa kalaunan,

nagbago ang kanyang pag-

uugali at mas naging mainitin

pa ang kanyang ulo nang

bumalik ang kanyang kapatid.

Page 10: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Kathryn Bernardo bilangAnna Bartolome /

Joanna Liezl S. Santiago

Nakababatang anak nina

Amy at Ariel at kapatid ni

Jessie na nawala sa

dalampasigan. Nahirapan

siyang makibagay sa mga

taong kailan lang niya

nakilala. Mas naging

mahirap sa kanya ang

pakitunguhan ang

kanyang nakatatandang

kapatid na si Jessie.

Page 11: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Agot Isidro bilangAmelia "Amy" Santiago

Ina ng magkakapatid na

sina Jessie at Joanna. Hindi

nawalan ng pag-asa na

balang araw makikita niya

ang kanyang bunsong anak

na nawala sa dalampasigan.

Sa kagustuhan niyang

makita ang anak, ginugol niya

ang kanyang atensyon rito at

hindi inalintana na may mga

anak pa siyang

nangangailangan ng kalinga

at pagmamahal niya.

Page 12: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Tonton Gutierrez bilangAriel Santiago

Asawa ni Amy na siyang

walang sawang umintindi

rito. Hindi niya pinapakita

na siya’y nahihirapa’t

napapagod rin. Mas pinili

niyang ituloy ang kanilang

buhay kahit pa nawala ang

kanilang bunsong anak.

Mapagmahal na ama at

pantay ang turing sa

kanyang mga anak.

Page 13: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Sam Concepcion bilangAJ

Nanligaw kay Jessie na

nung una’y pinagtawanan

lamang nito. Itinago niya

ang kanyang

nararamdaman ng sa

ganun hindi na siya

mapahiya pang muli. Sa

kalaunan ay hindi pa rin

niya ito maikubli kahit pa

napahiya na siya.

Nagpatuloy pa rin ang

kanilang ugnayan.

Page 14: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Enrique Gil bilangMichael

Matalik na kaibigan ni

Joanna na sa

pamamagitan ng

kanyang mga fish jokes

napagagaan niya ang

pakiramdam nito.

Matagal ng may lihim na

pagtingin kay Joanna

ngunit hindi lang niya ito

masabi sabi sa dalaga.

Page 15: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Lotlot De Leon bilangLerma

Kinilalang ina ni Joanna

na siyang kumupkop rito’t

itinuring na parang tunay

na anak. Inang hindi

alintana kung sa kanyang

sinapupunan nanggaling o

hindi man si Joanna. Ang

mahalaga sa kanya ay

maipakita rito ang kanyang

wagas na pagmamahal.

Page 16: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Sulyap sa Suliranin

Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw o flashback nailahad ang

naging sanhi ng pagkawalay ng bunsong

anak nina Amy at Ariel na kung saan ay

aksidenteng nabitawan ni Jessie ang kamay ni Joanna dahilan upang

magkaiba ang daan na tinungo ng dalawa.

Banghay

Page 17: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Saglit na Kasiglahan

Nagkrus ang landas ni Amy at Joanna nang kapwa lumahok sa

kompetisyon sa paglangoy ang kanyang anak na si Jessie at ang nooy

hindi pa niya nakikilalang anak na si Joanna. Nagkataon na narinig ni Amy

ang pagkanta ni Joanna na siyang nagpalukso ng kanyang dugo dahil sa

iyon ang kantang kanyang inaawit sa tuwing inihehele niya ang kanyang

bunsong anak. Agad niyang nabatid na ito na ang matagal niyang

hinahanap na nawawalang anak. Hindi naman lubos maisip ni Ana (Joanna)

na magkakaroon ng kapalit ang kanyang pagkapanalo sa kompetisyon.

Page 18: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Nasambit pa nga niya:“ Kung ang kapalit ng pagkapanalo

ko, ang pagkawala ng pagkatao at

pamilya ko, sana hindi na lang ako

nanalo”. Sa kabilang dako naman, nagkaroon ng pagtatalo sina Amy at

Ariel dahil sa paggiit ng una na si Ana ang kanilang nawawalang anak.

Narito ang bahagi ng kanilang pagtatalo:“At kung hindi siya ‘yon? Then what? Hindi pa ba sapat na minsan ng nawala sayo ang anak mo? Paulit-ulit na lang ba tayong aasa’t masasaktan? Why wouldn’t you allow yourself to be happy? Why wouldn’t you allow this family to be happy?” pahayag ni Ariel.

Page 19: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

“ Im sorry kung naging hadlang ako sa kaligayahan

ninyo. And im sorry kung hindi ako katulad ninyo na kayang

kalimutan si Joanna ng ganun-ganun lang. And im so sorry

Ariel, kung hanggang ngayon mahal ko pa rin ang anak ko.

At gagawin ko ang lahat para maibalik lang siya” tugon ni

Amy.

“So ako? Dahil pinili kong ituloy ang buhay ko, hindi ko

na minahal si Joanna? Ganun? Dahil hindi ako umiyak sa

harapan ninyo hindi ako nasaktan nung nawala si Joanna.

Ganun ba ‘yon? Ganun ba ‘yon? “ Huling pahayag ni Ariel.

Page 20: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Naging malaking katanungan naman para kay Jessie

ang pangyayaring iyon at naihayag niya ang kanyang

saloobin.

Sa kabuuan naging simula ‘yon ng pag-inog muli

ng buhay ni Amy. Natagpuan niya ang kanyang anak

na matagal ng nawala sa kanila. Ngunit ang naging

kapalit naman nito ay ang pagkalamat ng kanilang

mga relasyon.

“ Dad, kung siya nga po talaga si Joanna, kung pwede pa pong mabuo ang pamilya natin, kahit ilang beses pa po niya akong talunin, okey lang po. Dad please pagbigyan niyo na po si Mommy”.

Page 21: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Tunggalian

Sa pelikulang ito, makikinita natin na tatlo

ang naging tunggulian. Ito ay tao laban sa sarili,

tao laban sa tao at tao laban sa pagkakataon.

Tao laban sa Sarili

Naging mahirap para sa mga pangunahing

tauhan na tanggapin ang katotohanan. Lalong lalo

na ang magkapatid na sina Jessie at Joanna.

Page 22: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Pinipigilan ko ‘yong nararamdaman ko. Kaya ako mismo ‘yong pumilit kay Daddy na sunduin si Joanna. I thought my feelings would change. I wanted my feelings to change. It never change. Naiinis ako AJ. Naiinis ako kasi nakikita ko ang saya-saya ng Mommy ko. She never smiled at me or look at me the way she does at Joanna. Galit na galit ako sa kanya nun. Kasi ayaw niyang sumama sa amin. Kasi nakita ko ang lungkot ulit ni Mommy ehh.. Alam mo ba ang ayokong maramdaman ulit?.. Guilt! Nagiguilty ako kasi natutuwa ako kasi pinili ni Joanna na huwag ng bumalik sa buhay namin” Madamdaming pahayag ni Jessie kay AJ.

“ Nakita na si Joanna… Yeah! Dapat… Akala ko nga ehh.. Ilang taon akong nagdarasal na sana makita na namin siya na makumpleto na kami. So that everything will be okey again. Pero bakit hindi ganun? Alam mo hindi nga ako natuwa nung makita namin siya eh. (akmang iiyak) Ang sama ko no?

Page 23: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

“ Pasensya na po huwag ninyo po sanang

mamasamain ang sasabihin ko sa inyo pero hindi po ako

makakasama sa inyo. Nagpapasalamat po ako dahil

nagkita tayo ulit. Salamat po dahil hindi ninyo ako

nakalimutan. Pero nandito po kasi ang buhay ko eh..

nandito po ang pamilya ko” Mahinahong paliwanag ni

Joanna sa harapan ng kanyang mga magulang.

Sa naibigay na dayalogo sa itaas, makikita na nag-

aalab ang mga damdamin nina Jessie at Joanna. Hindi nila

matanggap sa kanilang sarili ang katotohanang sila’y

magkapatid. Gusto nilang kumawala sa katotohanan nang

sa ganun hindi na sila makaramdam pa ng kahungkagan.

Page 24: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Tao laban sa Tao

Malinaw na nailahad sa pelikulang ito ang hidwaan sa pagitan ng magkapatid,

mag-ina, mag-asawa at maging sa magkakaibigan.

Hidwaang Mag-ina

“ Yes Mom can we please don’t talk about her. Cause they don’t want to be here”

Pagsusumamo ni Jessie.

“ Wala rito ang kapatid mo dahil…” Putol na pahayag ni Amy

“ Kasalanan ko! Common say it, it’s my fault. Kung di ko sana kayo sinuway eh di

sana nandito pa si Joanna. Ako may kasalanan di ba? Eh di sana nandito pa siya

hanggang ngayon. Ano? Kasalanan ko di ba? Kasalanan ko. No! Sige na! Sabihin

niyo na sa akin na kasalanan ko ito! Kasalanan ko kung bakit niya tayo

kinalimutan. Kasalanan ko kung bakit hindi siya sumama sa atin. Kasalanan ko

kung bakit ibang pamilya ang pinili niya. Kasalanan ko ito! Kasalanan ko ‘tong

lahat! Ayan Mommy inamin ko na. Ehhh ‘kaw? Kailan mo aaminin na ikaw ang

dahilan kung bakit nagkandaletsi-letsi ang pamilyang ito?” Naibulalas ni Jessie sa

tindi ng nadarama.

Page 25: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Pagkatapos niya iyong maibulalas ay isang sampal ang

natanggap niya mula sa ina. Mahihinuha natin sa

sagutan ng mag-ina na matagal ng ikinukubli ni Jessie

ang bigat sa dibdib dahil alam niyang siya ang sinisisi

ng kanyang ina sa pagkawala ni Joanna. Kaya

nabigyan siya ng pagkakataong mailabas ang tunay na

saloobin sa ina. Sa kabilang banda naman, ayaw

naman direktang sabihin ni Amy sa anak na siya ang

sinisisi nito. Ngunit magkaganun pa man, naipakikita

naman niya rito sa pamamagitan ng kanyang mga

kilos ang matamlay na pagtrato niya rito.

Page 26: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Hidwaang magkaibigan

“Hassle ka sa buhay alam mo ‘yon? Everyone asking me where

you are” Saad ni AJ.

“ Pasensya ka na huh? There was a time naman na hindi ako

hassle sa buhay mo” Tugon ni Jessie.

“ Yeah! There was a time that I was foolish enough to think that

when I tell you that I love you, you just say back. Pero pinagtawanan

mo lang ako” Giit ni AJ.

“ AJ” Tawag ni Jessie.

“ Am not gonna give you a chance to do that again” Huling

pahayag ni AJ.

Sa dayalogong iyon nina AJ at Jessie, malalaman natin na may

dati na silang naging alitan. Ang palitan nila ng mga salita ay patama

nila sa isa’t isa.

Page 27: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Hidwaang magkapatid.

“ Ana! I told you not to touch my things” pagalit na saad ni Jessie.

“ Ate sandali. Ate sorry… gusto ko lang naman…” Putol na pahayag

ni Joanna.

“ Gusto mong agawin lahat sa akin!” ani Jessie.

“ Hindi ate! Wala akong balak agawin…” Pagsusumamo ni Joanna.

“ Sinungaling ka talaga. Alam mo bang bata pa lang tayo mang-

aagaw ka na hanggang ngayon mang-aagaw ka pa rin!” dagdag ni Jessie.

“ Akala ko kasi ate matutuwa ka ehh..” nanginginig na sambit ni

Joanna.

Page 28: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

“ Mukha ba akong natutuwa? Pakialamira ka ehh.

Ginugulo mo lahat. Gusto mo kasama ka sa lahat. You want to

be friends with my friends? You can’t! Because they don’t like

you. You want to be part of the swimming team? You can’t!

Because hindi ka namin kailangan! You want to be part of

everything I am? You can’t! Dahil ayoko!” tuloy-tuloy na

pahayag ni Jessie.

“ Jessie, puwede bang kumalma ka lang? Ganyan ka ba

magalit dahil sa isang laruan lang? Ang O.A mong mag-react.

Puwede bang easy ka lang okey?” Awat ng kanilang

nakatatandang kapatid na lalaki.

“ Don’t tell me to take it easy. Because you don’t know

how I feel” Huling pahayag ni Jessie.

Page 29: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Sa batuhan ng mga pahayag ng

magkakapatid, makikita natin ang tindi ng galit na

nararamdaman ni Jessie sa kanyang kapatid na si

Joanna dahil iniisip nitong nais agawin ng huli ang

kung ano man ang mayroon siya. Mapapansin rin

natin na nais lang naman sana ni Joanna na

mapasaya ang kapatid ngunit iba pala ang magiging

kapalit nito. Umawat naman ang kanilang kuya sa

kanila ng sa ganun maibsan nang kaunti ang

tensyon sa pagitan nila.

Page 30: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Tao laban sa Pagkakataon

Makikita rin natin sa pelikula na bunga lamang

ng pagkakataon ang mga naging suliranin.

Nagkaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng mga

pangunahing tauhan dala na rin sa katotohanang

nais nilang maikubli. Ang naging dahilan ng suliranin

at ang nag-udyok pa sa iba pang suliranin ay

pawang hindi naman inaasahan. Nagkataon lamang

na magiging ganun kasalimuot ang kanilang mga

buhay.

Page 31: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Ang naging kasukdulan sa pelikula ay nung magkaroon sila ng

retreat sa may isla na kung saan nagpustahan ang magkapatid na

lumangoy sa dagat. Kung sino ang unang makalangoy patungo sa isla

ang siyang mananalo at maaari makamit ang hiling o gusto. Narito ang

bahagi ng kanilang pustahan.

“ Ate bakit ba hindi mo ako mapatawad? Ate? Ano ba ang naging

malaking kasalanan ko sayo?” tanong ni Joanna.

“ Nabuhay ka. Nabuhay ka’t lahat ng pagmamahal ni Mommy

binigay niya sayo. Wala na siyang tinira sa akin.” Direktang sagot ni

Jessie.

Kasukdulan

Page 32: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

“ Hindi totoo yan! Mahal ka ni Mommy.” Giit ni Joanna.

“ Hindi! Araw-araw pinagbabayaran ko yong pagkawala mo. Araw-

araw nakikipagkompetensya ako sa multo mo. At araw-araw natatalo

ako. Sana ako na lang ang nawala. Ang daya daya ehh.. ikaw dalawang

nanay ang nagmamahal sayo. Bakit napakadali ng lahat para sayo.”

Tugon ni Jessie.

“ Akala mo ganun lang kadali yun. Ang iwan ang nakasanayang

kong pamilya? Ang isantabi si Ana para maging si Joanna? At subukang

makipagsabayan sa buhay ninyo? At anong kapalit nun ate? Lahat ng

pananakit at pang-iinsulto mo sa akin ate. Hindi yon madali. Araw-araw

mong pinagbabayaran ang pagkawala ko? Ehh ako? Hanggang kailan

mo ako sisingilin sa pagbabalik ko ate? Sabihin mo? Anong kailangan

kong gawin para mapatawad mo na ako? Ano ang kailangan kong gawin

para matanggap mo na ako?” may pagpapakumbabang sabi ni Joanna.

Page 33: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

“ Nakikita mo ‘yon? Talunin mo ako!” ani ni Jessie.

“ Ate hindi ka sanay lumangoy sa dagat, delikado.”

Awat ni Joanna.

“ Wala akong pakialam. Kung matalo mo ako

patatahimikin na kita. Kapag nanalo ako maglalaho ka na

nang tuluyan sa buhay ko.” Hamon ni Jessie.

Sa pustahang yaon ng magkapatid, muntikan ng

malunod si Jessie dahil nga hindi siya sanay lumangoy sa

dagat. Habang siya ay nalulunod na, paulit ulit na nasambit

ni Jessie ang pangalan ni Joanna upang siya ay matulungan

nito.Nangibabaw naman ang pagkaawa ng huli sa kanyang

kapatid kung kaya’t iniligtas niya ito.

Page 34: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Kakalasan

Dahil sa muntikang pagkalunod ni Jessie, napagtanto ni Joanna na

kailangan na siyang magpakalayo layo upang matahimik na ang

kanyang ate. Narito ang bahagi ng kanyang pahayag.

“ Sorry po Mommy. Sorry po.” Paumanhin ni Joanna.

“ Sorry for what?” tanong ni Amy.

“ Hindi po dapat ako pumayag sa hamon ni Ate” Paliwanag ni Joanna.

“ Okey na anak. Im just glad you were there to save your sister.”

Tugon ni Amy.

“ Puwede po bang umuwi na ako sa Zambales? Dun na lang po ako.

Sana po maintindihan niyo. Gustong gusto ko po kayong makasama.

Pero ayaw ko na pong nakikitang nasasaktan si Ate” ani Joanna.

Page 35: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

“ Labing dalawang taon po tayong

nagkahiwalay pero mas napalayo po kayo kay ate.

Hindi po ako ‘yong totoong nawala. Si Ate Jessica po.

Kasama niyo po siya pero nawala po siya sa paningin

niyo. Kaya baka kailangan po na mawala ulit ako

para si Ate Jessica naman po ‘yong mahanap niyo”

Diin ni Joanna.

Ito ang nakitang paraan ni Joanna upang nang

sa ganun ay matahimik na ang kanyang buhay. Nais

niyang maipakita naman ng kanyang ina ang

pagmamahal at atensyon na ibinibigay nito sa kanya

sa kanyang kapatid.

Page 36: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Wakas

Nagtapos ang pelikula ng masaya sapagkat

napagtanto na ni Jessie ang kanyang pagkakamali at

natanggap na niya si Joanna bilang kapatid.

Binigyang-halaga na rin siya ng kanyang inang si

Amy. Naipakita na rin nito ang pagmamahal at

atensyong kanyang hinahanap simula’t sapol.

Naging magkasundo na rin silang magkapatid.

Nanumbalik din ang pagtitinginan nina AJ at Jessie,

at mas lumalim pa ang samahan nina Joanna at

Michael. Nabuong muli ang kanilang pamilya.

Page 37: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Ito yaong palasak na wakas sa mga

pelikulang Pilipino, ang tinatawag nating “happy

ending”. Ito ang kinagigiliwan nating uri ng wakas

sapagkat nais natin na maging masaya ang mga

pangunahing tauhan sa huli matapos nilang

mabigyang-solusyon ang kanilang naging

suliranin. Kung kaya’t masasabi nating naging

predictable ito sa mga manonood sapagkat alam

na natin ang kasunod.

Page 38: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

IV. Bisa ng Akda

Bisang Damdamin

Paulit ulit ko nang pinanuod ang pelikulang ito. Nabigyang-katarungan ng

mga karakter ang kanilang papel na ginagampanan. Bawat isa sa kanila ay

maayos na naipakita ang pag-uugali mayroon ang karakter na kanilang

ginagampanan. Nailahad rin nila ng mabisa at mahusay ang damdaming nais

nilang maipakita at maramdaman ng mga manonood. Ang kanilang mga

emosyon ay akma sa kanilang mga ikinikilos.

Naiparating sa akin ang walang kapalit na pagmamahal ng isang ina sa

kanyang anak. Ang hindi pagkawala ng paniniwala na mahahanap at

mahahanap rin niya ang kanyang anak. Para na ring ako ang isa sa mga

karakter sa pelikula dahil naramdaman ko rin ang kanilang naramdaman. Ang

galit, tuwa, inis at poot, ilan lamang yan sa mga damdaming nangibabaw sa

pelikula. Damdaming maging ang mga manonood ay makahinuha rito.

Page 39: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Bisang Kaisipan

Naipakita sa pelikula ang tinatawag nating close

family ties na kung saan isa ‘yan sa ating pagkakakilanlan

bilang mga Pilipino. Nakagawian na natin ang pagiging

malapit natin sa ating pamilya. Pinapahalagahan natin ang

pananatiling buo ng ating pamilya kahit pa sa mga

pagsubok na dumarating sa atin.

Naging positibo rin ang pananaw na naipakita ng

pelikula dahil sa kabila ng mga suliranin naranasan ng

mga pangunahing tauhan ay nananatiling buo ang

kanilang paniniwala na sa huli ay magiging kumpleto rin

ang kanilang pamilya.

Page 40: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

VI. Kongklusyon

Mabisang nailahad sa pelikula ang totoong nangyayari sa

ating lipunan ngayon lalong lalo na sa suliraning pampamilya.

Ang mga di maiwasang palitan ng mga maaanghang na mga

salita sa pagitan ng mga magkakapamilya. Ang mga inggitang

nangyayari sa pagitan ng magkakapatid. At ang simpleng

away-bati ng magkakaibigan. Magkagayon man, naipakita pa

rin sa pelikula na kahit anong mangyari, ang pagmamahal ng

isang ina ay wagas at hindi mapapantayan. At ang

pananatiling buo ng isang pamilya ang pinakamahalaga sa

lahat kahit pa marami ng pagsubok ang dumaan.

Page 41: Pormalistikong pagdulog sa pelikulang way back home

Ginamit naman nila ang fish jokes upang nang sa

ganun mapagaan ang ilang mabibigat na eksena. Ito ang

nagsilbing pampagaan ng mga naglalagablab na

damdamin ng mga tauhan.

Naipakita rin sa pelikula ang pagpapatawad at

pagtanggap. Na kung saan maihahalintulad natin sa

kasabihang, “Kakambal ng pagpapatawad ay ang

paglimot”.

Kung tayo ay nagpapatawad ay nangangahulugang ito na

natanggap na natin ang katotohanan at handa tayong

lumimot sa mga masasamang nangyari sa atin at maaari

na tayong makapagsimulang muli.