25
REBOLUSYONG EDSA NG 1986 Pebrero 22 – 25, 1986

Rebolusyong edsa ng 1986

Embed Size (px)

DESCRIPTION

At MENA when i was a substitute as an AP and Filipino teacher, hehe.

Citation preview

Page 1: Rebolusyong edsa ng 1986

REBOLUSYONG EDSA NG 1986

Pebrero 22 – 25, 1986

Page 2: Rebolusyong edsa ng 1986

Himagsikan ng lakas ng bayan ay isang mapayapang demonstrasyon

na nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula Pebrero 22 hanggang Pebrero 25

Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos

Page 3: Rebolusyong edsa ng 1986

napaslang si Ninoy Aquino noong 1983

Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong nilisan ni Marcos. Naganap ang mga demonstrasyon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA)

Page 4: Rebolusyong edsa ng 1986

Ang rehimeng marcos Nahalal si Ferdinand Marcos bilang

pangulo ng Pilipinas noong 1965, at natalo niya si Diosdado Macapagal na noon ay kasalukuyang nakaupo bilang Pangulo. Sa ilalim ng kanyang pamumuno naging aktibo si Marcos sa mga proyektong imprastraktura, agrikultura at pampublikong serbisyo na nagdala sa Pilipinas sa pinansyal na kasaganahan. Sa kabila ng bali-balita ng dayaan sa eleksyon, nahalal muli si Marcos noong 1969, at natalo niya si Sergio Osmeña Jr.

Page 5: Rebolusyong edsa ng 1986

Maraming mga alegasyon ng katiwalian ang lumitaw sa kanyang ikalawang termino ng kanyang pamumuno. Maraming mga tao ang naghirap, at dahil dito tumaas ang kaso ng krimen at mga kaguluhan sa bansa. Ito ang naging dahilan sa pagbuo ng mga rebeldeng grupo katulad ng New People's Army (NPA), at ng Moro Islamic Liberation Front na naglalayon na magkaroon ng isang hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.

Page 6: Rebolusyong edsa ng 1986

Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa halalan sa 1973. Dahil dito, noong Setyembre 21, 1972, sa pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni Marcos ang buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang lumalaganap na kaguluhan sa bansa. Sa ilalim ng batas militar, pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang ilan sa kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi lamang na tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at ang Manila Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today. Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2, na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.

Page 8: Rebolusyong edsa ng 1986

Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang tatlong taon, noong taong 1983, ipinahayag ni Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.

Page 9: Rebolusyong edsa ng 1986

Noong Agosto 21, 1983, pinaslang si Aquino habang siya ay papalabas ng isang eroplano saManila International Airport (na ngayon ay pinangalan sa kaniya). Nagdulot ito ng malaking galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon, nagsisimula nang humina ang kalusugan ni Marcos dahil sa kaniyang karamdaman na Lupus.

Page 10: Rebolusyong edsa ng 1986

Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang komisyon, sa pamumuno ng Punong Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon sa kanilang huling report, ang mga militar ang tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang. Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang pamahalaan.

Page 11: Rebolusyong edsa ng 1986

Snap election Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa

kakayahan ng pamahalaan, minabuting minungkahi ng Amerika[4] kay Marcos ang pagsasagawa ng dagliang halalan (snap election). Pinakinggan ni Marcos ang mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular Batasang Pambansa, isang unikameral na kongreso na kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa halalan, kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang presidente. Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at suporta ng oposisyon at maging ng taong bayan. Si Salvador Laurel ang naging pangalawang presidente ni Aquino.

Page 12: Rebolusyong edsa ng 1986

Naganap ang halalan noong Pebrero 7, 1986. Ang eleksyon na ito ang isa sa mga pinakakontrobersyal sa kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng malawakang dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng Halalan (Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang nagwagi. Ayon sa kanila, nanalo si Marcos na mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na nakakuha lamang diumano ng 9,291,761 boto. Ayon naman sa National Movement for Free Elections (Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto o Namfrel), isang akreditadong tagamasid ng halalan (poll watcher), nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng 7,053,068 boto. Dahil sa malawakang dayaan sa halalan nag-walk-out ang 29 na computer technician bilang protesta sa sapilitang pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos ang panalo.

Page 13: Rebolusyong edsa ng 1986

Dahil dito nagpahayag ang Kapulungan ng mga Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP) ng pagkondena sa nasabing halalan. Ganun din ang pinahayag ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ayon mismo sa pangulo ng Amerika na si Ronald Reagan, na siyang kaibigan ni Marcos, "nakakabahala" [6] ang mga bali-balita ng malawakang dayaan. Sa kabila ng mga malawakang protesta at pagkondena, pinahayag pa rin ng COMELEC na si Marcos ang nanalo sa pamamagitan ng 51 porsyento. Pinahayag naman ng NAMFREL na nanalo si Aquino ng 52 porsyento

Page 14: Rebolusyong edsa ng 1986

Ang rebolusyon sa edsa Dahil na rin sa mga balita ng malawakang

pandaraya sa eleksyon, nagbalak ang ilang mga sundalo sa pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo. Kinausap din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa suporta.

Page 15: Rebolusyong edsa ng 1986

Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press conference si Enrile at Ramos sa Kampo Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang kamangmangang ito."

Page 16: Rebolusyong edsa ng 1986

Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan ng Radio Veritas na pinapatakbo ng Romano Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga taong bayan na pumunta sa EDSA para suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa pamamagitan ng iba't ibang bagay na makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay ng pagkain at ng iba pa nilang pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan na maaaring dumating sa kanila laban sa puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa EDSA.

Page 17: Rebolusyong edsa ng 1986

Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas hanggang Cubao

Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa pamumuno ng mga pari at madre. Marami naman ang gumawa ng mga harang o barikada gamit ang mga sako ng buhangin at mga sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA katulad ng Santolan at Abenida Ortigas.

Page 18: Rebolusyong edsa ng 1986

Marami ding grupo ang kumanta ng "Bayan Ko”, na, simula pa noong 1980 ito ang naging makabayang awit ng oposisyon. Marami ding tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay (hand sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at hintuturo ay bubuo ng letrang "L".

Page 19: Rebolusyong edsa ng 1986

Mga Larawan Nung EDSA I

Page 20: Rebolusyong edsa ng 1986
Page 21: Rebolusyong edsa ng 1986
Page 22: Rebolusyong edsa ng 1986
Page 23: Rebolusyong edsa ng 1986
Page 24: Rebolusyong edsa ng 1986
Page 25: Rebolusyong edsa ng 1986