1. Gramatika sa Proseso ng Mabisang Pagpapahayag Ang retorika
ay may tungkuling pagandahin at patimyasin ang isang pahayag,
samantalang ang gramatika ay pinangangalagaan ang kawastuhan para
maging malinaw ang pagpapahayag.
2. Tatlong (3) mahahalagang bagay ang sinasaklaw ng wika:
Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita. Tamang paggamit ng salita
Tamang pag-uugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng
malinaw na kaisipan o ideya.
3. 1. Pag-aaral ng anyo uri ng mga salita .Kung may kabatiran
sa pagpapalawak ng mga salita, nagkakaroon ng pagkakataong makapili
at makagamit ng isang angkop na salita. Halimbawa: A. Siniliran
niya ng mga pinamili ang bag. (Mahina) B. Sindlan niya ng mga
pinamili ang bag. (Pinalakas)
4. 2. Tamang Paggamit ng Salita .Ang maling gamit ng salita ay
maaaring makabawas sa kalinawan ng pagpapahayag at nakapagpapamali
sa isang pahayag.mayroong salitang magkasing-anyo o magka- uri
subalit may tiyak at ibang pinaggagamitan. Halimbawa: magkaiba ang
gamit ng tingin, titig, tanaw, sulyap. A. Tingin - mababaw na
pagbibigay-pansin B. Titig - matagal na tingin, may diwa ng
pagsusuri. C. Tanaw - pagbibigay-pansin sa isang bagay na malayo.
D. Sulyap - panakaw na tingin
5. 3. Tamang Pag-uugnayan ng mga Salita Ang wastong
pagkaka-ugnay ng mga salita ay nakaktulong upang maging maayos ang
pagpapahayag. Halimbawa: - ang gamit at katuturan ng mga salita ng
magkakasingkahulugan ay di-dapat ipagkamali sa isat isa. A. Bumaba
ng bahay ang mga bata. (Mahina) B. Nanaog ng bahay ang mga bata..
(Pinabuti)
6. Semantika May kinalaman sa interpretasyon ng mga kahulugan
ng mga salita at pangungusap. Denotasyon Konotasyon Sinonim Antonim
Polisemi - salitang may dalawa o mahigit pang kahulugan na
magka-ugnay Hal: marka Homofon Parapreys
7. Galing sa salitang rhetor na mula sa Griyego na ang ibig
sabihin ay guro o isang taong magaling na mananalumpati o isang
mahusay na orador. Tumutukoy sa sining at agham maging pasalita o
pasulat na pagpapahayag. Ayon kay Socrates, ay isang siyensa o
agham ng paghihimok o panghihikayat.
8. Ayon kay Dr. Jose Villa Panganiban, ay sining ng maayos na
pagpili ng wastong salita sa loob ng isang pahayag upang maunawaan,
makahikayat at kalugdan ng mga nakikinig o bumabasa. Ayon kay
Simplicio Bisa, isang sining o agham sa pagsulat ng kathang
pampanitikan.
9. Sangkap ng Retorika Kaisipang nais ipahayag. Pagbuo ng mga
pahayag. Istilo ng pagpapahayag.
10. Saklaw ng Retorika WIKA SINING LIPUNAN PILOSOPIYA PANAHON
AT SITWASYON
11. bahagi ng pananalita/panalita (Part of speech), o kauriang
panleksiko, ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita na
pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko
at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.
12. May sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito ay
pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang- abay, pantukoy,
pangatnig, pang- ukol, pang- angkop at pandamdam.(Balarila ng
Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos)
13. 1. Mga Nominal a. Pangngalan (noun) - mga salitang
nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian,
pangyayari, atbp. b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali
sa pangngalan 2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o
nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita 3. Mga panuring (mga
modifier) a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing
o naglalarawan sa pangngalan at panghalip b. Pang-abay (adverb) -
mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri
at kapwa nito pang-abay
14. 1. Mga Pang-ugnay (Connectives) a. Pangatnig (conjunction)
- mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay b.
Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang
nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita 2. Mga Pananda
(Markers) a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging
nangunguna sa pangngalan o panghalip b. Pangawing o Pangawil
(linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno)
at panaguri
15. Pandamdam (interjection) mga salitang nagsasaad ng
matinding damdamin
16. PANG-UGNAY ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng
dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o
ng dalawang sugnay.
17. PANG-UKOL (preposition) ito ay kataga o salitang nag-uugnay
sa pangngalan o panghalip sa ibang salita sa pangungusap. sa para
sa ayon para kay tungkol sa na may Halimbawa: Ang kanyang nilutong
tinola ay para sa kanyang asawa at mga anak.
18. Mga Gamit ng Pang-ukol Nagpapakita ng kinalalagyan o
patutunguhan ng isang bagay. Halimbawa: Ang pera ay nasa loob ng
kuwarto ni Coby. Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Halimbawa: Ang bagong damit ay para kay Lita. Ang layon ng
pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip. Halimbawa: Ang
kanyang talumpati ay para sa kababaihan.
19. PANGATNIG (Conjunction) Ito ang tawag sa mga kataga o
salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap: at pati saka o ni maging subalit
ngunit kung bago upang sana dahil sa sapagkat
20. Gamit ng Pangatnig Dalawang salitang pinag-ugnay Halimbawa:
Ang langis saka tubig ay hindi mapagsama. Dalawang pariralang
pinag-ugnay Halimbawa: Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng
bahay ang kanyang hanapbuhay.
21. Uri ng Pangatnig 1. Panimbang -Ito ay nag-uugnay ng
dalawang salita, parirala, o sugnay. at saka pati ngunit maging
datapuwat subalit Halimbawa: Gusto niyang bumili ng damit, ngunit
wala siyang pera. Naglinis muna si Hannah, saka siya nagluto. 2.
Pantulong -Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala
o sugnay. kung kapag upang para nang sapagkat dahil sa Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit. Umasenso
ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.
22. PANG-ANGKOP (Ligatures) Ito ay ang salitang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan. Tatlo ang pang-angkop na
ginagamit: na, -g, at -ng.
23. Wastong Paggamit ng Pang-angkop Inilalagay ang na sa
pagitan ng salitang naglalarawan at inilalarawan na ang nauuna'y
nagtatapos sa katinig maliban sa n. Halimbawa: masarap na pagkain,
malinis na bahay, masinop na tao, maayos na pamumuhay. Ikinakabit
ang -g sa nauunang salitang nagtatapos sa letrang n sa magkasunod
na salitang naglalarawan at inilalarawan. Halimbawa: mahinahong
pakikipag-usap, maalinsangang lugar,
24. Ikinakabit ang -ng sa nauunang salitang nagtatapos sa
patinig (a, e, i, o, u) sa magkasunod na salitang naglalarawan at
inilalarawan. Halimbawa: bagong bayani, mabuting anak, masayang
naglalaro.
25. 1. Nang ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang
pangungusap; katumbas ng when sa Ingles. Halimbawa: Tulog na ang
mga anak nang dumating ang kanilang ina. ginagamit sa gitna ng
dalawang salitang-ugat na inuulit. Halimbawa: tapon nang tapon
Nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng
pandiwa at pang-abay. Halimbawa: Nag-aral nang mabuti si Juan.
26. Bilang salitang nangangahulugan din ng para o upang .
Halimabawa: Sumulat ka nang sumulat ng mga kuwento nang manalo ka
sa patimpalak. ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang
pangungusap; bilang panimula ng katulong na sugnay o sugnay na di
makapag-iisa. Halimbawa: Nang siyay umalis, dumating ang panauhin.
ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap; bilang
panimula ng katulong na sugnay. Halimbawa: Maghugas ka ng pinggan
nang makakain na kayo.
27. 2. Ng ginagamit bilang pananda sa tuwirang layon ng
pandiwang palipat. Halimbawa: Nagtanim ng palay si Jesusa na isang
magsasaka. ginagamit ang ng bilang pananda ng aktor o tagaganap ng
pandiwa. Halimbawa: Tinulungan ng dalaga ang kanyang lola sa
pagtawid. Ginagamit ang ng kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang
bagay o katangian. Halimbawa: Ang boses ng bayan ang dapat na
mananaig.
28. ginagamit bilang pantukoy Halimbawa: Maluwag ang looban ng
simbahan. ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas at tamang
pagkaka- ugnay ng mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng
malinaw na kaisipan o diwa. Halimbawa: Pinalo niya ng kahoy ang
magnanakaw. ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas ay sa.
Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nagpunta ng Baguio.
29. ginagamit bilang pang-ukol na nagpapakilala ng pangngalang
paari. Halimbawa: Tumatanggap ng plake ang kanyang anak. ginagamit
bilang tagatanggap ng kilos. Halimbawa: Ayaw siyang layuan ng
agam-agam.
30. 3. May ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan. Halimbawa:
May kasalanang ginawa sina Flor at Liza kagabi. ginagamit kapag
sinusundan ng pandiwa. Halimbawa: May tumawa dahil sa nasabing
balita. ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri. Halimbawa: May
magandang karanasan si Maja tungkol sa pag-ibig.
31. ginagamit kapag sinusundan ng pantukoy. Halimbawa: May mga
panoorin sa patyo ng simbahan. ginagamit kapag sinusundan ng
pang-ukol na sa. Halimbawa: May sa daga ang anak mong iyan.
32. 4. Mayroon ginagamit kung sinusundan ng panghalip.
Halimbawa: Mayroon kayong libreng gamot sa baranggay. ginagamit
kung sinusundan ng kataga.(po, pa, din, rin) Halimbawa: Mayroon po
kaming ipagtatapat sa inyo. ginagamit ang mayroon bilang panagot sa
isang tanong. Halimbawa: May pera ka ba? Mayroon.
33. ginagamit kung nanganghulugan ng pagka-maykaya o mayaman.
Halimbawa: Ang mga Malate ay mayroon sa probinsya ng Bicol.
34. 5. Kung ginagamit bilang isang pangatnig sa mga hugnayang
pangungusap; katumbas ng if sa Ingles. Halimbawa: Kung may problema
ka, puntahan mo lang ako. 6. Kong ginagamit bilang panghalip panaog
na ko at ng. Halimbawa: Ang tangi kong hangad ngayong taon ay ang
makapasa sa L.E.T.
35. 7. din/daw ginagamit kung ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig maliban sa w at y. Halimbawa: Magpapatingin
daw siya sa doktor ngayon. 8. rin/raw ginagamit kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na w at y.
Halimbawa: Ikaw raw ay makakasama sa bakasyon patungong Baguio. May
handa raw tayo sa darating na kaarawan ni tatay.
36. 9. Sina ginagamit kapag ito ay sinusundan ng mga pangngalan
na tinutukoy sa pangungusap. Halimbawa: Naglilinis sina Gel at
Lissette ng bahay. 10. Sila ginagamit bilang panghalip na panao;
katumbas ng they sa Ingles. Halimbawa: Umalis na sila kanina pang
umaga.
37. 11. Pinto ginagamit bilang bahagi ng daanan na isinasara at
ibinubukas. Halimbawa: Isinasara niya ang pinto upang hindi
makapasok ang magnanakaw. 12. Pintuan ginagamit bilang kinalalagyan
ng pinto. Halimbawa: Hindi pa napipinturahan ang pinto sa
pintuan.
38. 13. Pahiran Lagyan ng isang bagay sa pamamagitan ng pamunas
o sa pamamagitan ng kamay. Halimbawa: Pahiran mo ng langis ang
natutuyo mong balat. 14. Pahirin Alisin sa pamamagitan ng pamunas o
sa pamamagitan ng kamay.
39. 15. Subukin may bagay na nais patunayan to try. Halimbawa:
Subukin mong gumamit ng Ariel sa paglalaba. 16. Subukan May mga
bagay na tinitingnan nang palihim. Halimbawa: Subukan mo kung ano
ang ginagawa niya sa aklatan.
40. 1. Nasasalamin _____ sa mga kabataan ang pagiging pag-asa
ng bayan. a. daw c. din b. raw d. rin 2. Pinakiusapan ______ ng
mayor ang mga tao na huminahon. a. din c. rin b. raw d. daw
41. 4. Humahagulhol ______ malakas ang namatayan. a. nang c. ng
b. daw d. raw 5. Nilamon siya ____ alon haang namamangka. a. nang
c. ng b. din d. daw
42. Idyoma Ito ay may di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na
may kahulugang patlinhaga. Ito ay di-literal kung kaya
nangangailangan ng konotatibo at mallim na pagpapakahulugan.
Halimbawa: putok sa buho - anak sa pagkadalaga mababaw ang luha -
madaling umiyak naglulubid ng buhangin- nagsisinungaling hilong
talilong - litung-lito pabalat-bunga - hindi totoo
43. Tayutay Ito ay ang sinadyang paglayo sa karaniwang paraan
ng paggamit ng mga salita sa layuning gawing makulay, kaakit-akit
at lalong mabisa sa pagpapahayag. May ibat ibang uri ng tayutay ito
ay ang mga sumusunod:
44. 1. Pagtutulad (simile) Paggamit ng di-tuwirang pagkukumpara
ng dalawang bagay na magkaiba ng uri at gumagamit ng mga parirala
tulad ng tulad ng, kawangis ng, gaya ng, animoy at iba pa.
Halimbawa: Tulad ng isang ibon, tao rin ay namamatay. 2.
Pagwawangis (metaphor) Paggamit ng mga pahayag na nagpapahaiwatig
ng pagkukumpara ng dalawang bagay na magkaiba ng uri. Hindi na ito
ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, kawangis ng, gaya ng,
animoy at iba pa. Halimbawa: Ang kanyang buhay ay isang bukas na
aklat.
45. 3. Pagbibigay-katauhan (personification) Pagsasalin ng mga
katangian ng tao sa isang bagay. Naipahayag ito sa pamamagitan ng
paggamit ng pandiwa. Halimbawa: Sumasayaw ang mga alon sa
karagatan. 4. Pagmamalabis (hyperbole) Isang pahayag na eksaherado
o labis sa katotohanan. Halimbawa: Nagliliyab ang mga mata ng galit
na galit na lalaki.
46. 5. Pagtawag (apostrophe) Isang pagbulalas ng pagkausap sa
isang tao (karaniwang patay o wala sa isang tiyak na pook) o isang
bagay o bahagi ng kaligtasan na binibigyan ng katangiang pantao.
Halimbawa: Tukso, layuan mo ako. 6. Pagpapalit-tawag (metonymy)
Paggamit ng isang salitang panumbas o nagpapahiwatig ng kahulugan
ng di tinutukoy na salita; ang pagpapalit ng katawagan sa bagay na
tinutukoy. Halimbawa: Si Jessa ang tala ng kanilang nayon.
47. 7. Pagpapalit-saklaw (synecdoche) Pagbanggit ng bahagi
bilang pagtukoy sa kabuuan; maaari namang nag-iisang tao ang
kumakaktawan sa ibang pangkat. Halimbawa: Isang kayumanggi ang
pinangaralan sa larangan ng boksing. 8. Paghihimig (onomatopoeia)
Paggamit ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid ang
kahulugan nito. Halimbawa: Kumabog sa matigas na lupa ang bumagsak
na kargamento mula sa trak.
48. 9. Pagtatambis (oxymoron) Paglalahad ng mga bagay na
magkasalungat upang higit na magkatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Ito ay kadalasang mahaba. Halimbawa: Ang buhay sa mundo ay tunay na
nakakatawa: may lungkot ay may ligaya, mmay dilim at may liwanag,
may tawa at may luha. 10. Pagsalungat (epigram) Ito ay may kahawig
ng pagtatambis kaya nga lamang ay maikli at matalinhaga. Halimbawa:
Natalo siya upang muling manalo.
49. 11. Paglulumanay (euphemism) Paggamit ng mga salitang
nagpapaganda ng pangit na pahayag. Halimbawa: Ang lalakeng
naglalaro ng apoy ay humantong sa isang makabagbag damdaming tagpo
sa harap ng kapitbahay. 12. Parelelismo (parallelism) Isang
pagpapahayag na may halos iisang istruktura. Halimbawa: Sama-samang
nabubuhay, Sama-samang namamatay.
50. 13. Pagpapalit-wika (transferred epithets) ang pang-uring
ginagamit lamang sa tao ay inililipat sa mga bagay. Halimbawa: Ang
mapagkandiling plato ay naghain sa kanya ng pagkain. 14. Pag-uyam
(Irony o Sarcasm) paggamit ng mga salitang kabaligtaran na
kahulugan at taliwas sa katotohanan. Halimbawa: Siya ay may
magandang mukha na kung saan tanging ina niya lang ang
humahanga.
51. 15. Pagtanggi (Litotes) Gumagamit ng panangging HINDI upang
maipahayag ang makabuluhang pagsang-ayon. Halimbawa: Hindi ko
sinasabing ayaw ko sa kanya pero suklam na suklam ako sa kanya. 16.
Pagdaramdam Nagsasaad ng hindi pangkaraniwan damdamin. Halimbawa:
Nakakaawa ang sinapit niya. Dahil sa pagtataksil niya ay iniwan
siya ng kanyang asawa.
52. 17. Tambisan (Antithesis) Paglalahad ng mga bagay na
magkakasalungatan upang higit na mapatingkad ang bisa ng
pagpapahayag. Halimbawa: Siyay isang taon napanday ng panahon.
Naranasan niya ang maghirap at yumaman, nakilala, at di-ppansin,
lapitan ng mga kaibigan sa panahong mayroon siya at itakwil sa
kawalan niya. Kaya handa naniyang harapin ang pakikibaka sa
buhay.
53. 18. Tanong Retorikal Ito ay isang tanong na hindi naman
talaga kakailanganin ng sagot kundi ang layunin ay maikintal sa
isipan ng nakikinig ang mensahe. Halimbawa: Natutulog ba ang Diyos?
18. Pag-uulit (Alliteration) Pag-uulit ng mga tunog-katinig o
magkatulad na titik o pantig sa inisyal na bahagi ng salita.
Halimbawa: Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang
nangyari sa kaniya kasama ni Marco. (makikita, mga, mata, Maria,
masasayang, Marco)
54. 19. Konsonans Pag-uulit ng mga tunog-katinig o magkatulad
na titik o pantig sa pinal na bahagi ng salita. Halimbawa: Ang
aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habang
tumatagal. (pagmamahal, Rosal, tumatagal) 20. Asonans Pag-uulit ng
mga tunog-katinig o magkatulad na titik o pantig sa alinmang bahagi
ng salita. Halimbawa: Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan
pagdating ko sa amin. (ang, aking, alagang, aso, agad, amin)
55. 21. Anapora Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o ng isang
taludtod. Halimbawa: Ikaw ang aking pangarap. Ikaw ang bigay ng
Maykapal. Ikaw ang lahat sa akin. -LET
56. 22. Epipora Pag-uulit naman ito sa huling bahagi ng pahayag
o ng isang taludtod. Halimbawa: Ang Konstitusyon ay para sa
mamamayan. Gawa ng mamamayan. At mula sa mamamayan. 23. Anadiplosis
Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa unat huli. Halimbawa: Ang
mahal ko ay ikaw Ikaw ay nagbibigay ng ilaw Ilaw sa gabi ng dilim
Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal parin.
57. 24. Pagsususkdol (Climax) Baitang-baitang na pagsasaad ng
mga bagay o pangyayari hanggang sa umabot sa pinakamahalaga.
Halimbawa: Unang nararamdaman niya ang butil-butil na pawis sa
kanyang noo. Kasunod noon ang panlalamig ng buo niyang katawan.
Nagdilim ang buong paligid at siya ay bumagsak.
58. Panitikan Ito ay ang katipunan ng mga akdang nasusulat na
makilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong
anyo, pandaigdigang kaisipan at kawalang-maliw. (Webster, 1974) Ito
ay katumbas ng literatura sa wikang kastila. Ito ay mula sa
salitang Latin na litera na a ng ibig sabihin ay letra o titik.
(Mateo, 1996). Salamin ng buhay.
59. Anyo ng Panitikan
60. Anyong Tuluyan Anyo ng panitikan napatala o karaniwang
takbo ng pangungusap at gumagamit ng payak at direktang paglalahad
ng kaisipan.
61. Uri ng Anyong Tuluyan NOBELA -mahabang salaysay na nahahti
sa kabanata. MAIKLING KUWENTO -maikling katha na nagsasalaysay ng
pang-araw-araw na buhay na may iilang tauhan lang, pangyayari, at
may isang kakintalan.
62. DULA - sinasadula at tinatangahal sa tanghalan. ALAMAT -
nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay. PARABULA - katha mula
sa Bibliya
63. PABULA - kuwentong may aral at hayop ang pangunahing
tauhan. TALAMBUHAY - akda ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.
SANAYSAY - akdang tumatalakay sa isang paksa at naglalayong
maglahad ng opinyon o pananaw.
64. TALUMPATI binibigkas sa harap ng madla. BALITA naglalahad
sa mga pang-araw-araw na mga pangyayari sa lipunan, pamahalaan,
industriya at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa. ANEKDOTA
kuwento na ang pangyayari ay hango sa tunay na karanasan,
nakawiwili, at kapupulutan ng aral.
65. EDITORYAL isang sanaysay na naglalahad ng kuru- kuro o
opinyon ng isang editor. KASAYSAYAN itoy tala o mga nakasulat
tungkol sa mga pangyayari ng nakaraan.
66. ULAT nasusulat bunga ng isinagawang pananaliksik,
pagsusuri, pag-aaral, at iba pa. MITOLOHIYA kuwento hinggil sa
pinagmulan ng sansinukuban, Diyos, Diyosa, at iba pang mga
mahiwagang nilikha.
67. Anyong Patula Anyo ng panitikan na pataludtod, may sukat at
tugma o malayang taludturan at gumagamit ng masining at
matalinhagang.
68. Uri ng Anyong Patula TULANG LIRIKO -tulang naglalahad ng
mga masidhing damdamin, imahinasyon at karanasan ng tao at
kadalasang inaawit. TULANG PASALAYSAY -nagsasalaysay ng mga
pangyayari sa paraang pataludtod.
69. TULANG PADULA tulang sinadyang isulat upang itanghal sa
entablado. TULANG PATNIGAN tula sa pagtatalo, pangangatuwiran, at
tagisan ng talino.
70. Uri ng Tulang Liriko PASTORAL DALIT PASYON ODA ELEHIYA
SONETO KANTA
71. PANUBONG - mahabang tula ng nagpaparangal o paghahandog sa
isang taong nagdaraos ng kaarawan o kapistahan
72. Uri ng Tulang Pasalaysay EPIKO - mahabang tula tungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihan ng isang taong may pambihirang
katangian. AWIT - tulang romansa kung saan nakaharap sa mga
pakikipagsapalaran ng mga tauhan at hango sa tunay na buhay.
Halimbawa: Florante at Laura
73. KORIDO - tulang romansa kung saan ang mga tauhan ay may
kakayahang supernatural. Halimbawa: Ibong Adarna
74. Uri ng Tulang Padula ZARZUELA - dulang musikal na
karaniwang binubuo ng tatlong akto tungkol sa pag-ibig, kasakiman
at poot. MORO-MORO - nagpapakita ng hidwaan at labanan ng Kristyano
at di-Kristyano
75. TIBAG - ang paghahanap nina Reyna Elena at Constatino sa
krus na pinagpakuan ni Hesus. PANUNULUYAN - nagpapakita ng
pagahahanap ng matutuluyan nina Maria at Jose para doon isilang ang
sanggol na si Jesus.
76. SENAKULO - pagtatanghal tungkol sa paghihirap at kamatayan
ni Hesus.
77. Uri ng Tulang Patnigan DUPLO - paligsahan sa
pangangatuwiran na kadalasang masaksihan sa paglalamay sa patay.
BALAGTASAN - tagisan ng talino sa pamamagitan ng katwiran sa
pamamaraang patula
78. KARAGATAN - dula tungkol sa isang prinsesa na sadyang
humulog sa isang singsing sa dagat. Kung sinuman ang lalaking
makakakuha ng singsing ay pakakasalan niya.
79. Aklat ng mga Araw - batayan ng pananampalataya ng mga
Intsik Aklat ng mga Patay - naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at
tumatalakay sa mitolohiyang Ehipto. Awit ni Rolando - isinasalaysay
dito ang gintong panahon ng Kristyanismo sa Pransya.
80. Bibliya - ang pinakabatayan ng pananampalatayang Kristyano.
Canterbury Tales - naglalarawan ng pananampalataya at pag- uugali
ng mga Ingles noong unang panahon.
81. Divina Comedia nagpapahayag ng pananampalataya at
pag-uugali ng mga Italyano noong unang panahon. El Cid Campeador
naglalarawan sa katangian ng mga Kastila at kasaysayan ng mga
Espanya.
82. Illiad at Odyssey nagsasalaysay sa mitolohiya at alamat ng
Gresya Isang Libo at Isang Gabi naglalarawan ito sa pamahalaan at
lipunan ng Arabia at Persia
83. Koran batayan ng pananampalataya ng mga Muslim Mahabharata
pinakamahabang epiko ng buong daigdig na naglalarawan sa kasaysayan
ng pananampalataya sa India.
84. Uncle Toms Cabin nagbukas ng mga mata ng amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at naging simula ng paglaganap ng
demokrasya sa buong daigdig.
85. Panitikan Bago Dumating ang mga Kastila Alibata o Baybayin
ang tawag sa unag sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino.
Mga Awiting Bayan: 1. An-anoy - inaawit habang ang mga magsasaka ay
gumagawa ng pilapil sa kanilang bukirin. 2. Ayoweng - inaawit sa
pagkabyaw ng tubo. 3. Daeleng - awit tungkol sa mga pista o
pagdiriwang.
86. 4. Dalit o Himno - awit sa pagpuri o pagsamba. Ito ang isa
sa pinakamatandang awit ng pagdalangin sa Birhen. 5. Danyo - awit
sa pagsasamba o pananampalataya. 6. Diona - awit sa panliligaw o
kasalan 7. Dung-aw- awit sa pagpapahayag ng kalungkutan at
pagdurusa. 8. Kumintang - awit sa pakikidigma hanggang naging awit
sa pag-ibig. 9. Kundiman at Balitaw- awit sa pag-ibig 10. Oyayi -
awit sa pagpapatulog sa bata o paghehele sa sanggol
87. 11. Sambotani - awit sa tagumpay 12. Soliranin - awit sa
paggaod ng bangka 13. Umbay - awit sa paglilibing 14. Papag -
inaawit sa tuwing may bayuhan ng palay.
88. Epiko Bago Dumating Ang Mga Kastila Epiko Ng Ifugao ALIM -
kahawig ng Ramayan ng India. HUDHUD pakikipagsapalaran ni Aliguyon.
Epiko ng Muslim BIDASARI BANTUGAN INDARAPATRA at SULAYMAN Epiko ng
Tagalog KUMINTANG
89. Epiko ng Tagalog KUMINTANG Epiko ng mga Bisaya HINILAWOD
LAGDA MARAGTAS Epiko ng Bikolano IBALON at ASLON Epiko ng Ilokano
BIAG NI LAM-ANG
90. Panitikan sa Panahon ng mga Kastila Akdang Panrelihiyon at
Pangkagandahang Asal: 1. Doctrina Cristiana -unang aklat na
nailimbag sa Pilipinas 2. Nuestra Seora Del Rosario ikalawang aklat
na nailimbag sa Pilipinas 3. Urbana at Feliza - isinulat ni Padre
Modesto de Castro. Kagandhangasal at wastong pag-uugali.
91. Anyo ng Dula sa Panahon ng Kastila 1. Karagatan 2. Duplo 3.
Juego de Prenda 4. Moro-moro 5. Zarzuela
92. Mga Tulang Romansa 1. Awit 2. Korido
93. Panitikan sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan Tatsulok
ng Kilusang Propaganda: 1. JOSE P. RIZAL Dakilang Manunulat Iilang
akda: Sa Aking Mga Kabata Noli Me Tangere El Filibusterismo Mi
Ultimo Adios
94. 2. MARCELO H. DEL PILAR Dakilang Political Analyst Iilang
akda: Caiingat Cayo Dasalan at Tocsohan Sagot sa Espanya sa Hibik
ng Pilipinas
95. 2. GRACIANO LOPEZ JAENA Dakilang Mananalumpati Iilang akda:
Fray Botod El Bandolerismo sa Pilipinas Anak ng Prayle
96. Manunulat Panahon ng Himagsikan: 1. ANDRES BONIFACIO Ama ng
Demokrasyang Pilipino Iilang akda: Huling Paalam Katapusang Hibik
ng Pilipinas Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
97. 2. EMILIO JACINTO Utak ng Katipunan Iilang akda: Kartilya
ng Katipunan A La Patria Liwanag at Dilim
98. 3. APOLINARIO MABINI Utak ng Himagsikan Iilang akda: Ang
Himagsikang Pilipino El Liberal El Verdadero Decalogo
99. Mga Kilalang Manunulat JOSE CORAZON DE JESUS Makata ng
Pag-ibig at Hari ng Balagtasan Iilang Akda: Isang Punungkahoy
Maggagawa Bayan Ko
100. ALEJANDRO ABADILLA Akda: Ako ang Daigdig LOPE K. SANTOS
Ama ng Balarila Iilang Akda: Banaag at Sikat Pangginggera
101. AMADO HERNANDEZ Makata ng Manggagawa Akda: Isang Dipang
Langit Bayang Malaya Ibong Mandaragit Luha ng Buwaya
102. Ildefonso Santos Iilang Akda: Ang Guryon Gabi Tatlong
Inakay Sa Tabi ng Dagat
103. DEOGRACIAS ROSARIO Ama ng Maikling Kuwento sa Pilipinas
Akda: Dahil sa Pag-ibig Walang Panginoon Ang Geisha Dalawang
Larawan Bulaklak ng Inyong Panahon
104. SEVERINO REYES Ama ng Zarzuelang Tagalog Iilang Akda:
Walang Sugat Mga Bihag ni Kupido Huling Pati Halik ng Isang Patay
Kalupi
105. Mga Kilalang Manunulat LIWAYWAY ARCEO Iilang Akda: Uhaw
ang Tigang na Lupa Canal dela Reina Ang Mag-anak na Cruz
106. JULIAN BALMACEDA Iilang Akda: Sino Ba Kayo? Dahil sa Anak
Ang Palabas ni Suwan
107. FRANCISCO RODRIGO Iilang Akda: Sa Pula, Sa Puti NARCISO
REYES Iilang Akda: Lupang Tinubuan
108. N.V.M. GONZALES Iilang Akda: Lunsod, Nayon at
Dagat-dagatan
109. GENONEVA EDROZA MATUTE Iilang Akda: Akoy Isang Tinig
Kuwento ni Mabuti TEODORO AGONCILLO Iilang Akda: Maikling Kuwentong
Tagalog Mga Kilalang Manunulat
110. ELPIDIO KAPULONG Iilang Akda: Planeta, Buwan, at Mga
Bituin AMADO HERNANDEZ Iilang Akda: Luha ng Buwaya
111. LIWAYWAY ARCEO Iilang Akda: Nagbabagang Paraiso DOMINADOR
MIRASOL Iilang Akda: Mga Halik sa Alikabok
112. LUALHATI BAUTISTA Iilang Akda: Bata, Bata, Paano ka
Ginawa? Gapo Sakada Dekada 70 Bulaklak ng City Jail
113. EMILIO AGUINALDO - Rosalia Magdalo,Magdalo VIRGILIO
ALMARIO - Rio Alma CECILIO APOSTOL - Catulo, Calipso, Calypso
FRANCISCO BALTAZAR - Balagtas
114. ANDRES BONIFACIO - Agapito Bagumbayan, Maypagasa,
Magdiwang FELIPE CALDERON -Simoun, Elias JOSE CORAZON DE JESUS -
Huseng Batute, Pusong Hapis, Luksang Paroparo
115. JOSE DELA CRUZ -Huseng Sisiw EPIFANIO DELOS SANTOS - G.
Solon NESTOR VICENTE MADALI GONZALES - N.V.M. Gonzales SEVERINO
REYES - Lola Basyang
116. MARCELO H. DEL PILAR - Plaridel, Dolores Manapat, Piping
Dilat, Siling Labuyo, Kupang, Haitalaga, Patos, M. Dati. Carmelo,
D.A. Murgas, L.O. Crame, D.M. Calero, Hilario, FERNANDO MA.
GUERRERO -Fluvio Gil, Florisel
117. AMADO HERNANDEZ - Amante Ernani, Herninia de la Rivia,
Julio Abril EMILIO JACINTO - Dimas-ilaw, Pingkian NICK JOAQUIN -
Quijano de Manila GRACIANO LOPEZ JAENA - Bolivar, Diego Laura
118. ANTONIO LUNA - Taga-ilog JUAN LUNA - J.B. , Buan
APOLINARIO MABINI - Bini, Paralitico, Katabay JOSE MARIA PANGANIBAN
- Jomapa, J.M.P.
119. JOSE PALMA - Ana-haw, Esteban Estebanes, Gan Hantik
PASCUAL H. POBLETE - Anak-Bayan MARIANO PONCE - Nanding, Tikbalang,
Kalipulako JOSE GARCIA VILLA -Doveglion
120. LOPE K. SANTOS - Anak-Bayan, Doktor Lukas, Lakandalita Dr.
PIO VALENZUELA - Madlang-Away Dr. JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO y
ALONZO REALONDA - Jose Rizal, Dimas-alang, Laong-Laan, Agno,
Calambeo