5
Babaylan Babaylan ang sinaunang taguri sa katutubong Pilipino na pumapapel na tagapamagitan sa mga puwersang sobrenatural at sa mga tao. Malimit na babae ang babaylan, ayon sa saliksik ni Zeus Salazar at ni Alicia P. Magos, bagaman sa ilang pagkakataon ay may lalaki ring gumaganap niyon ngunit nakadamit o kumikilos gaya ng babaeng babaylan. Singkahulugan ng babaylan ang “baylan” (Bisaya), “daytan” (Bisaya), “katalonan” (Tagalog) at “maaram”(Kiniray-a). Papel sa lipunan Sa pag-aaral ni Magos, ang babaylan ay may samot-saring papel sa lipunan. Una, siya ay manggagamot na hindi lamang nagpapagaling ng pisikal na sakit bagkus maging ng sukal ng loob at dumi ng isip ng isang tao. Ikalawa, siya ay pari na nagsasagawa ng mga ritwal upang himukin o amuin ang puwersang sobrenatural. Ikatlo, siya ay pilosopo na nagbubulay at nagpapaliwanag hinggil sa uniberso; at ideologo, na nagtataglay ng malawak na hanay ng mga diwain hinggil sa daigdig. Ikaapat, siya ang tagapagdala ng kultura at nagtatakda ng panuntunang dapat sundin ng kaniyang mga kababayan. Para naman kay Salazar, ang babaylan ay bahagi ng estrukturang panlipunan at pang-ekonomiya, at katungko ang datu at ang panday. Kabilang sa mga tungkulin ng babaylan ang sumusunod. Una, ang pamamahala sa ritwal ng agrikultura, mulang pag- alam sa panahon ng pagkakaingin hanggang pagtatanim tungong pag-aani. Ikalawa, ang pamamahala sa buong mitolohiya ng bayan o barangay. Ikatlo, ang pamamahala at pag-iingat sa buong medisina ng barangay, lalo sa sikolohiya ng tao o bayan. Kapangyarihan May kakayahan umano ang babaylan, ani Magos, na makipag-usap sa mga kaluluwang yumao o kaya'y sa mga espiritu ng kaligiran. May kakayahan din ang babaylan na papasukin sa kaniyang pisikal na katawan ang mga espiritung sobrenatural, hangga't nais ng nasabing babaylan. Higit sa lahat, kaya ng babaylan na himukin at pabalikin ang kaluluwang nabihag ng masasamang espiritu. Sa tala ni Antonio Morga, ang mga kaanak ng maysakit ay karaniwang naghahandog ng mga prutas, ilahás na baboy, at pita-pitarilyang tuba sa Maykapal habang umaawit, nagdarasal, at nagsasayaw ang babaylan. Ang babaylan, ani Francisco Colin, ay mula sa naiibang uri, dahil naipapamana sa anak o naisasalin sa ibang piling tao ang kapangyarihan nitong manggamot o manghula. Hindi rin basta-basta ang pag-aanito ng babaylan. Ayon kay Robustiano Echauz, ang mga ritwal ay karaniwang ginaganap sa liblib na pook o sagradong bundok na makatutulong umano sa pagsagap ng kapangyarihan. Pananaw sa babaylan Mababago ang positibong pananaw hinggil sa babaylan nang dumaong sa Pilipinas ang mga mananakop na Espanyol. Para kay Morga, ang katalonan gaya lamang ng babaylan, ay mangkukulam umano na nanloloko ng mga tao at naghahasik ng kasamaan. Mapang- aglahi naman ang paglalarawan ni Miguel Loarca, na itinulad ang babaylan sa animo'y siraulong mananayaw na nananawagan sa demonyo. At kung sasaguniin si Ignacio Alzina, ang mga baylan ay tinutulungan o kunwang tinutulungan ng mga demonyo. Taliwas ang gayong pananaw sa pananaw ng mga Pilipino. Dahil ang babaylan, para sa kanila, ay bahagi ng lipunang gumaganap ng papel na tagapagsaayos ng ugnayan, kalusugan, at kabuhayan ng mga tao.

Ritwal ng agrikultura

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ritwal ng agrikultura

BabaylanBabaylan ang sinaunang taguri sa katutubong Pilipino na pumapapel na tagapamagitan sa mga puwersang sobrenatural at sa mga tao. Malimit na babae ang babaylan, ayon sa saliksik ni Zeus Salazar at ni Alicia P. Magos, bagaman sa ilang pagkakataon ay may lalaki ring gumaganap niyon ngunit nakadamit o kumikilos gaya ng babaeng babaylan. Singkahulugan ng babaylan ang “baylan” (Bisaya), “daytan” (Bisaya), “katalonan” (Tagalog) at “maaram”(Kiniray-a). Papel sa lipunanSa pag-aaral ni Magos, ang babaylan ay may samot-saring papel sa lipunan. Una, siya ay manggagamot na hindi lamang nagpapagaling ng pisikal na sakit bagkus maging ng sukal ng loob at dumi ng isip ng isang tao. Ikalawa, siya ay pari na nagsasagawa ng mga ritwal upang himukin o amuin ang puwersang sobrenatural. Ikatlo, siya ay pilosopo na nagbubulay at nagpapaliwanag hinggil sa uniberso; at ideologo, na nagtataglay ng malawak na hanay ng mga diwain hinggil sa daigdig. Ikaapat, siya ang tagapagdala ng kultura at nagtatakda ng panuntunang dapat sundin ng kaniyang mga kababayan. Para naman kay Salazar, ang babaylan ay bahagi ng estrukturang panlipunan at pang-ekonomiya, at katungko ang datu at ang panday. Kabilang sa mga tungkulin ng babaylan ang sumusunod. Una, ang pamamahala sa ritwal ng agrikultura, mulang pag-alam sa panahon ng pagkakaingin hanggang pagtatanim tungong pag-aani. Ikalawa, ang pamamahala sa buong mitolohiya ng bayan o barangay. Ikatlo, ang pamamahala at pag-iingat sa buong medisina ng barangay, lalo sa sikolohiya ng tao o bayan. KapangyarihanMay kakayahan umano ang babaylan, ani Magos, na makipag-usap sa mga kaluluwang yumao o kaya'y sa mga espiritu ng kaligiran. May kakayahan din ang babaylan na papasukin sa kaniyang pisikal na katawan ang mga espiritung sobrenatural, hangga't nais ng nasabing babaylan. Higit sa lahat, kaya ng babaylan na himukin at pabalikin ang kaluluwang nabihag ng masasamang espiritu. Sa tala ni Antonio Morga, ang mga kaanak ng maysakit ay karaniwang naghahandog ng mga prutas, ilahás na baboy, at pita-pitarilyang tuba sa Maykapal habang umaawit, nagdarasal, at nagsasayaw ang babaylan. Ang babaylan, ani Francisco Colin, ay mula sa naiibang uri, dahil naipapamana sa anak o naisasalin sa ibang piling tao ang kapangyarihan nitong manggamot o manghula. Hindi rin basta-basta ang pag-aanito ng babaylan. Ayon kay Robustiano Echauz, ang mga ritwal ay karaniwang ginaganap sa liblib na pook o sagradong bundok na makatutulong umano sa pagsagap ng kapangyarihan. Pananaw sa babaylanMababago ang positibong pananaw hinggil sa babaylan nang dumaong sa Pilipinas ang mga mananakop na Espanyol. Para kay Morga, ang katalonan gaya lamang ng babaylan, ay mangkukulam umano na nanloloko ng mga tao at naghahasik ng kasamaan. Mapang-aglahi naman ang paglalarawan ni Miguel Loarca, na itinulad ang babaylan sa animo'y siraulong mananayaw na nananawagan sa demonyo. At kung sasaguniin si Ignacio Alzina, ang mga baylan ay tinutulungan o kunwang tinutulungan ng mga demonyo. Taliwas ang gayong pananaw sa pananaw ng mga Pilipino. Dahil ang babaylan, para sa kanila, ay bahagi ng lipunang gumaganap ng papel na tagapagsaayos ng ugnayan, kalusugan, at kabuhayan ng mga tao. Malulupit ang mga sinaunang Kastilang naniwala sa mga pinagsasabi ng gaya nina Morga, Loarca, at Alzina. Sa gayong lihis na pananaw, ang mga babaylan, gaya ng katalonan, ay marahas na pinarusahan at ipinabitay dahil umano “sa paghahasik ng katutubong paniniwala at pagsamba sa mga idolo.” Maisasalin nang matagal sa kamalayan ng Pilipino ang gayong madilim na pagtanggap sa babaylan o kauri nito. Mababago lamang ito nang lumitaw ang mga bagong saliksik na nagpapahalaga sa dalumat at ambag ng mga babaylan at katutubo.

Karit (isang kamay)Ang karit ay isang kagamitan agrikultural na hinawakan. Ito ay may kurbang talim at kalimitang ginagamit sa pag-gapas ng mga butil o pagputol ng mga damo para sa dayami. Ang talim nito ay nasa loob para magamit sa pagputol ng puno ng halaman. Sabay nitong hinihila at pinuputol ang puno ng halaman. Ang puputuling bagay ay maaaring hawakan ng malayang kamay, ng isang patpat o kaya hindi na lang hahawakan (tulad sa pangagagapas). Kung hahawakan ang bagay ay papunta sa tagagamit. Kung hindi hahawakan, ang pagputol ay papalayo sa tagagamit.Ang talim ng karit ay nakabaliko sa isang gilid upang lalo itong mapalapit sa lupa. Dahil dito ay kanan ito o kaya minsan ay kaliwete. Ang panggapas na karit ay malimitang serrated.Ang karit ay pinalitan na ng karit na dalawang kamay na mas madaling gamitin. Subalit ginagamit pa rin ito sa ibang ng mundo o kaya sa mga lugar na ang pangdalawang kamay na karit ay hindi madaling magagamit. Ang malaking pagkakaiba ng pang-isang kamay at pangdalawang kamay na karit ay mas mahaba ang hawakan at talim ng pangdalawang kamay na karit at ginagamit ito ng nakatayo.

Page 2: Ritwal ng agrikultura

Ang talim ng karit na ginagamit sa mga pagputol ng katawan ng mga seryal na halaman na mayaman sa silica ay nagkakaroon ng sickle-gloss, isang uri ng pagpurol. Kapag nakikita ito sa mga sinaunang batong kasangkapan, nagpapakita ito ng pagunlad ng agrikultural na paggamit.Sa mga alamat ng mga Griyego, ang karit ay sandata na ginagamit ni Cronus at Perseus.

AnimismoAng animismo ay isang katutubong paniniwala na laganap sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ang isa sa mga katangian ng animismo ay ang paniniwalang may mga mabuti at masasamang ispirito at nilalang na nanatili sa mundo na dapat igalang o dili naman kaya’y sambahin.Ang animismo ay laganap sa Pilipinas noong pahanong bago dumating ang mga Kastila. Ang tawag nila sa pinakamakapangyarihan nilang diyos ay si “Bathala,” habang ang iba namang mga ispirito ay mga “diwata” at “anito”. Ito ay kaugnay din sa pagsamba sa kalikasan, sapagkat pinaniniwalaang ang mga anito ay nakatira sa mga puno, bato, hayop at iba pang mga bagay na matatagpuan sa kapaligiran. Mga Kilalang Diyos Maliban kay Bathala, may iba pang mga sinasabi ang mga animista ng sinaunang panahon. Ang ilan sa mga diyos na sinasamba ay sina Adlaw (araw), Tala (bituin) at Mayari (buwan), na siyang tatlong anak ni Bathala. Kabilang din sa listahang ito sina Lakampati, na siyang diyos ng mga pananim, Hayo, na diyos ng karagatan, at Anitong Tabo, na siyang diyos ng ulan at hangin. Sa Bisayas naman ay sinasamba ang diyos na si Kanlaon, pati sina Maguayan na diyos ng dagat at Kaptan na diyos ng hangin. Pagsamba sa mga IspiritoAng mga ispiritong ginagalang ng mga animista ay maaaring mga ispiritong nagmula sa kalikasan, at mayroon din namang mga ispirito ng kanilang mga ninuno. Para sa kanila, ang pagsamba sa mga ispirito ay magdudulot ng magagandang bunga, tulad ng mas maunlad na pananim at magandang panahon. Kinakailangan nilang gumawa ng mga bagay, katulad ng pag-alay sa mga ispirito, upang mapabuti ang kalooban ng mga ispirito sa kanila. Ang mga masasamang ispirito naman, ayon sa kanila, ay dapat iwasan o di kaya’y bigyan din ng mga alay, upang hindi sila magdulot ng mga panganib at sakuna. Mga Tagapanguna sa PagsambaAng mga taong nangunguna sa mga ritwal ng animismo ay tinatawag na mga babaylan at catalonan. Sila ang nangunguna ng mga ritwal ng pangungusap sa mga ispirito. Karaniwang gumagamit sila ng mga awit at sayaw upang simulan ang ritwal. Ang mga babaylan at catalonan ay lubusang ginagalang sa komunidad, at bahagi din ng kanilang mga gawain ay ang pagbibigay lunas sa mga karamdaman at ang pagbibigay ng payo ukol sa paggawa ng mga importanteng desisyon. Karamihan sa mga babaylan ay mga kababaihan. Mga Impluwensiya ng Animismo sa Ngayon Ngayon, tinatayang may dalawang porsyento pa rin ng mga Pilipino ang animista. Karamihan sa mga animista sa Pilipinas sa kasalukyan ay mga pangkat na katutubo. Maski na rin halos lahat ng mga Pilipino ay mga Katoliko, may mga paniniwala pa rin ang mga Pilipino na masasabing nag-uugat sa mga paniniwalang animismo. Halimbawa, laganap pa rin ang paniniwala ng mga Pilipino sa masasamang ispiritong tulad ng aswang at barang na nagdudulot ng panganib. Ang mga paniniwala sa mga duwende, nuno sa punso at mga diwata ay masasabing ugat din ng animismo. Pati ang paniniwalang Katoliko ng mga Pilipino ay nahahaluan din ng animismo. Ang pag-aalay ng itlog sa istatwa ni Sta. Clara upang makasigurong hindi uulan ay isang halimbawa nito.

Ang anito o idolo ay isang tao o bagay na hinahangaan o sinasamba.[1] Maaari rin itong anumang bagay na sinasamba sa halip na ang tunay na Diyos. Sa mga kapanahunan sa Bibliya, kalimitang mga istatwa ng hindi totoong mga diyos ang mga anito. Maaaring yari ang mga idolong ito sa kahoy, bato, o metal. [2] Tinatawag na idolatriya ang pagsamba sa mga diyus-diyosan o bulag na paghanga sa mga idolong nabanggit.[1] Mayroon ding naniniwala sa mga larawan ng mga diyus-diyosang sinasaad na nagbabantay sa tahanan, katulad ng nabanggit na mga "diyus-diyusang pangtahanan" o terafim (mula sa wikang Hebreo) ni Laban sa Aklat ng Henesis (Henesis 31:19), na katumbas ng mga penates ng sinaunang mga Romano at ng anito ng sinaunang mga Pilipino. Batay sa mga dalubhasa, nagkakaroon ng karapatan sa mana ng isang ama ang sinumang nagdadala ng mga terafim, babae man o lalaki.[3]

Page 3: Ritwal ng agrikultura

Sa ekonomika, ang inplasyon o implasyon (Ingles: inflation, literal na pamimintog, pagpintog, o paglobo[1]) ang pagtaas sa pangkalahatang antas ng mga presyo ng mga kalakal(goods) at mga serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng periodo ng panahon. Kung ang pangkalahatang antas ng presyo ay tumataas, ang bawat unit ng salapi ay makakabili ng mas kaunting mga kalakal(gaya ng mga produkto) at mga serbisyo. Dahil dito, ang inplasyon ay isa ring repleksiyon ng pagguho ng kakayahang pagbili ng pera na isang kawalan ng real sa halaga sa panloob na kasangkapan ng pagpapalit at unit ng kahalagan sa ekonomiya. Ang pangunahing sukatan ng inplasyon ang antas ng inplasyon na taunang persentaheng pagbabago sa pangkalahatang indeks ng presyo(na normal na indeks ng presyo ng mamimili) sa paglipas ng panahon. Ang inplasyon ay salamin ng pagtaas ng mga presyo sa pamilihan na nagiging dahilan upang harapin ng pamahalaan ang suliranin na nagbunsod sa mataas na presyo. Sa madaling salita, ito ang pagtaas ng halaga ng bilihin na dinudulot ng dami ng nakakalat na pera.

Mabuting EpektoKapag ang dahilan ng implasyon ay

ang pagtaas ng demand, ang mga negosyante ay nahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksiyon bunga ng pagkakaroon ng mataas na presyo ng mga produkto. Dahil ang mataas na presyo ay isang insetibo sa mga negosyante.

Di-mabuting Epekto ng ImplasyonMga Nagpapautang - Ang pagtatakda ng interes sa pautang na mas mababa kaysa sa naging antas ng implasyon ang dahilan ng pagkalugi ng mga nagpapautang. Ang interes na kanilang siningil sa umutang ay di sapat upang makasabay ang pagtaas ng presyo.

Mga Nag-iimpok - Hinihikayat ng pamahalan na mag-impok ang mga tao, lalo na ang may labis na salapi. Ang pag-iimpok

ay isang gawain ng tao na mahalaga sa ekenomiya. Ngunit sa panahon ng pagkakaroon ng mas mataas na antas ng implasyon kaysa sa interes ng salaping idineposito sa bangko ay nalulugi ang nag-iimpok.

Mga Tao na May Tiyak na Kita - Ang pagkakaroon ng tiyak na kitaay di-mainam sa panahon ngimplasyon dahil bumababa angpurchasing power ng tao. Ang mgaempleyado at manggagawa aytumatanggap ng tiyak na kita buwan-buwan na di-nagbabago tulad ngpagbabago ng presyo. Ang dami ngprodukto at serbisyo na kanilangkinukonsumo ay naaapektuhan sa bawat pagtaas ng presyo kada buwan.

MGA PALATANDAAN NG KAKAPUSAN1. Kakulangan ng Pagkain2. Pagkaubos ng ibang yamang mineral dahil hindi napapalitan ang mga ito.3. Polusyon4. Pagkapinsala ng mga likas na yaman.

Mga Solusyon sa Implasyon: Ang implasyon ay suliraning pang ekonomiya na patuloy na nararanasan ng bansa. Ang pglutas o pagbawas ng

epekto ng implasyon ay gampanin ng bawat isa sa atin, maging ikaw ay manggaga , negosyante, o mag-aaral. Hindi lamang upang solusyunan ang lumalalang problema ng implasyon.

Pagpapatupad ng tight money policy Sugpuin at parusahan Produksiyon para sa lokal na pamilihan Pagtatakda ng price control

Pataasin ang produksiyon