Upload
saturnino-guardiario
View
2.128
Download
46
Embed Size (px)
Citation preview
Mr. Satsky Guard
Ugnayan ng Sanhi at
Bunga
Punan ang puwang ng angkop na panghalip pananong.
1. ___ipagkakaloob ang medalya ng karangalan?
2. ___naganap ang aksidente?
3. ___ang bili mo sa gitarang ito?
4. ___sa dalawa ang pipiliin mo?
5. ___ang kulay ng kagitingan?
PANUTO: Isulat ang B kung ang parirala ay bunga at S kung ito ay sanhi.
1._____ Nag-aral mabuti si Alex _____ kaya matataas ang marka niya sa pagsusulit.
2. _____ Bumagsak si Joshua sa pagsusulit _____ dahil hindi siya nag-aral.
3. _____ May sugat si Andi_____ kaya iyak siya ng iyak.
4. _____ Bumaha sa EDSA_____ dahil sa malakas na ulan.
5. _____ Nasa ospital si Soomin_____ dahil mataas ang lagnat
Sanhi at BungaAng sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring
humantong sa isang bunga. Halimbawa, nakuha mo ang pinakamataas na grado sa pagsusulit dahil nag-aral kang mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod naman sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa bunga. Isiping lagi ang ganito: Anong ideya o pangyayari ang naunang naganap (sanhi)? Ano ang kinalabasan (bunga)?
Sa komunikasyon, madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi at bunga. Layunin nitong ipakita na kaya naganap ang isang pangyayari ay may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa gawaing ito, kailangan nating pag-aralan at tingnang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y kailangan ang likas na pagkukuro at matalinong paninindigan sa pagpapasya at pagpapakahulugan sa mga bagay na nakikita at nababasa natin.
Mga panandang ginagamit sa hulwarang sanhi at bunga: dahil sa, sapagkat, nang, kasi, buhat, mangyari, palibhasa, kaya, resulta, sanhi, epekto, bunga nito, tuloy, atbp.
Ang paggamit ng kasanayang sanhi at bunga ay higit na nakapagpapaliwanag at nakapaglalarawan kung bakit naganap ang isang pangyayari at kung ano ang nagging epekto nito. Karaniwang ginagamit ang ilang pahayag na tulad ng “dahil dito, kung kaya, naging bunga nito, ang sanhi ng, kapag ipinatupad ito at iba pa.
Sa paglalahad ng sanhi at bunga sinasagot ang mga katanungang “Bakit ito nangyari” at “ Ano ang naging epekto ng naturang pangyayari? Ang sagot sa unang tanong ay tumutukoy sa sanhi at ang ikalawang tanong ay tumutukoy naman sa bunga.
Halimbawang TekstoWalang patumanggang pagputol ng kahoy sa mga
bundok at kagubatan. Pagwawalang-bahala ng pamahalaan sa iligal na pagkakahoy. Ang hindi pag-uukol ng atensyon sa muling pagpapasibol at pagtatanim ng mga punungkahoy. Ang ating mga kabundukan ay kalbo na. Nararanasan na natin ang bunga ng mga gawaing iyon. Ang pagkakaroon ng tagtuyo’t kung katag-arawan at ang malalaking baha kung tag-ulan.
Kung dumarating ang malalaking baha, lahat ay napipinsala. Ang mga pananim ay nasisira. Ang mga kalye ay lalong nasisira. Maraming bahay, kasama ang mga kasangkapang nababad, ay baha ang nagiging sanhi ng pagkabulok at pagkasira. Paralisado ang mga sasakyan, tanggapan, at mga eskuwelahan. Malungkot isipin at sa palagay ko, dalawang uri lamang ng mamamayan ang natutuwa kapag may baha. Ang mga estudyante pagkat walang pasok sa eskuwelahan, at ang mga nagtutulak ng kotse at dyip na nasisiraan sa gitna ng baha.
Thank you for watching!God bless you always!
A little knowledge is a dangerous thing. Drink deep, or taste not the Pierian spring; There shallow draughts intoxicate the brain; And drinking largely sobers us again.
Alexander Pope