32
ISTASYON 1: GUIDE CARD (PATNUBA

Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

ISTASYON 1:

GUIDE CARD

(PATNUBAY)

Page 2: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Ha lika, umpisahan natin ang pagtalakay…

Alam kong maraming katanungan ang gumugulo sa

iyong isipan. Isa na rito ang mga pangyayari na kinapapalooban ng pakikipagsapalaran ko tungo sa aking layunin. Subalit sa paglalakbay nating ito, dalawang bagay lamang ang nais ko mula sa iyo: una, buksan mo ang iyong kamalayan, puso at isipan at hayaang dumaloy sa iyong katawan ang

epekto ng mga pangyayaring iyong mararanasan.

Ikalawa, imulat mo ang iyong mga mata at hayaaang mahigop ng iyong kaisipan ang mga mahahalagang impormasyon na posible mong matutunan patungo sa

paglalakbay na ito.

Marahil ay nakapaglakbay ka na. Kung hindi pa, ganito iyon. Kapag malayo ang biyahe, sa kahit na anumang uri ng sasakyan, dumaraan ito sa mga istasyon upang

magpahinga at kumain. Ganoon din tayo, dadaan tayo sa iba’t ibang istasyon na mayroong iba’t ibang gawain upang magsilbing pagkain ng ating kaisipan.

Ipapaliwanag ko muna sa iyo ang makikita mo sa bawat istasyon para alam mo ang

panahong gugugulin sa bawat bahagi at hindi ka mapag-iwanan ng iyong

Magandang araw sa

iyo! Marahil ay nakahanda ka nang

magsimula. Ito ang

modyul na pag-aaralan mo sa Ekonomiks sa Baitang 10.

Simple lang ang aralin sa bahaging ito ng

modyul. Kailangan

lamang na mag-ukol ka ng kaunting oras upang matagumpay mong

matugunan ang mga

pangangailangan ng araling ito.

Samahan niyo kami sa pag-aaral sa

Pagkonsumo sa Ekonomiks!

Page 3: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

sasakyan.

Page 4: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Ang unang istasyon (1) ay ang PATNUBAY (Guide Card). Ano ang

nakita mo …Tama ka! Ang ating layunin at mga araling ating daraanan sa

ating paglalakbay.

Ang ikalawang istasyon (2) ay ang MGA PAGSUBOK (Activity Card). Ito

ang may pinakamahaba at pinakamahirap na istasyong hihintuan mo.

Makikita mo rito ang iba’t ibang gawain na susubok sa iyong kasanayan at

pagkamalikhain. Binubuo ito ng mga aralin na tutulong upang matamo mo

ang iyong layunin. Kaya dapat ay marami kang baong pagkain na

pangkaisipan. Pero huwag kang mag-alala, nakawiwili ang istasyong ito at

tiyak na masisiyahan ka. Sinisigurado kong hindi ka maiinip.

Ang ikatlong istasyon (3) ay ang MGA PAGTATAYA (Assessment Card).

Makikita no rito ang mga karagdagang aralin at gawain na higit pang

magpapayaman sa iyong kasanayan.

Ang ikaapat na istasyon (4) ay ang PAGPAPALALIM (Enrichment

Card). Makikita mo ang pangalawa sa huling gawain na higit na

magpapayaman sa iyong pagiging mapamaraan.

Ang ikalimang istasyon (5) ay ang TAMA KA (Reference Card). Dito

mo makikita kung hindi ka naligaw sa iyong paglalakbay. Narito ang susi sa

pagwawasto sa mga gawaing isinagawa mo sa mga naunang mga istasyon.

Page 5: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

PAGKONSUMO KAHULUGAN NG PAGKONSUMO Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Simula sa gatas, gamot, bitamina, lampin, bakuna, at marami pang iba ay mga bagay na kaniyang kinokonsumo. Habang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo ng mga tao. Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Pagbabago ng Presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito. Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General Theory of Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang. Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa supplyng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap. Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang

Page 6: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

mangyayari sa mga susunod na araw o panahon. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo. Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi, upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang. Demonstration Effect - madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng mediakaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang. Ang Matalinong Mamimili Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil ang produkto ay sale kahit hindi mo naman kailangan? Binibigyan mo ba ng pansin ang kapakinabangan at kasiyahang nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo? Anuman ang iyong dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang ang value for money. Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at sapat na kaalaman upang maging matalino sa pamimili. Mga Pamantayan sa Pamimili Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili: 1. Mapanuri Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad.

Page 7: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

2. May Alternatibo o Pamalit May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili. 3. Hindi Nagpapadaya May mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. 4. Makatwiran Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang. 5. Sumusunod sa Badyet Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan. 6. Hindi Nagpapanic-buying Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buyingay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. 7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit. Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng

Page 8: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya. Ang sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na ito: a. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan. b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya. c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili. d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan. WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan. 1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay. 2. Karapatan sa Kaligtasan May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan. 3. Karapatan sa Patalastasan May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang pagsasamantala ng iba. 4. Karapatang Pumili May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila. 5. Karapatang Dinggin May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan. 6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa

Page 9: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

produkto na binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol. 7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili. 8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling lahi. LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang pananagutan ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang binabanggit: 1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit. 2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal. 3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong-lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig na komunidad. 4. Kamalayan sa Kapaligiran – ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan. 5. Pagkakaisa – ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.

Page 10: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

CONSUMER PROTECTION AGENCIES Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili: Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up. City/Provincial/MunicipalTreasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)timbangan at mapanlinlang na pagsukat. Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal. Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.” Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig). Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot. Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon. Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro Philippine Overseas Employment Administration (POEA)- reklamo laban sa illegal recruitment activities. Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp. Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain. MGA URI NG PAGKONSUMO Pagkonsumo ang paggamit ng isang bagay o serbisyo na makapagbibigay ng kasiyahan sa mamimili. May apat na uri ng pagkonsumo : 1. tuwirang pagkonsumo – pagkonsumo na tuwirang tumutugon sa pangangailangan ng tao. Halimbawa : pag-inom ng tubig, kapag nauhaw 2. produktibong pagkonsumo – ang paraan ng paggawa ng isang produkto upang makagawa ng isang produkto upang makagawa ng iba pang bagay Halimbawa : Ang paggamit ng tela at sinulid sa paggawa ng damit

Page 11: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Page 12: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

3. maaksayang pagkonsumo – ang paggamit o ang pagbili ng produkto upang matugunan lamang sa kagustuhan ng tao. Halimbawa : Ang paggamit ng ilaw na hindi naman kinakailangan; ang pabayang paggamit ng tubig na hinahayaang tumulo mula sa gripo. 4. mapanganib na pagkonsumo – ang pagbili at paggamit ng produkto ay banta sa kalusugan ng tao. Halimbawa : ang labis na paninigarilyo, paglalasing at paggamit ng droga MGA BATAS NA MAGPOPROTEKTA SA MGA KONSYUMER 1. Batas Republika Blg.3542 ( Nagtatag ng National Grains Authority ) Ang National Grains Authority ay itinatag ng pamahalaan upang mamahala sa pagbili ng mga inaaning palay at bigas ng mga magsasaka at ipagbili ito sa mga konsyumer sa murang halaga.Ang gawaing ito ay ginagampanan ng National Food Authority ( NFA) sa kasalukuyan. Sinisiguro din ng ahensyang ito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng bigas at pagkain sa bansa. 2. Batas Republika Blg. 71 ( Batas sa Price Tag ) Ang paglalagay ng price tag sa mga paninda ay mahigpit na ipinatutupad para ma-monitor at mabantayan kung tama ang presyo ng mga produkto ayon sa bansa. 3. Batas Republika Blg. 3740 ( Batas sa Pag-aanunsyo ) Ang pag-aanunsyo ng mga pekeng produkto ay mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito. 4. Artikulo 1546 – Kodigo Sibil ng Pilipinas(Batas sa Pagbebenta) Ang batas na ito ang nagbibigay garantiya sa mga konsyumer na walang nakatagong pinsala at depekto ang mga ibinebentang produkto. Ang sira, depekto, at pinsala ng mga produkto ay hindi dapat itago sa mga konsyumer. 5. Artikulo 188 – Binagong Kodigo Penal (Batas sa Trademark) Mahigpit na ipinagbabawal ng batas na ito ang panggagaya o paggamit ng tatak, lalagyan at pambalot, at pangalan ng mga rehistradong produkto at kompanya.

Page 13: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

ISTASYON 2:

Activity Card (mga

pagsubok)

Page 14: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Hanapin ang 10 na salita patungkol sa pagkonsumo sa ekonomiks. Sana mahanap mo silang

lahat upang may paunang kaalaman tayo sa pagharap sa mga susunod pang pagsubok…

(Lagyan ng linyang guhit ang mga ito)

P A G K O N S U M O O Y E T A S I S A D

P R O D Y U S E R A H E P M P M Q D R O

D P I D I E G O Y R D L A N E G R O L M

W A P S R Q J G R L K R N B L X A L N A

E D E R O I T A N N O R A M T M R B X M

K R D B H S E W A O S E N D B O I H F I

O E R D M O T A K O N O A O A G N I R M

N S O V Y M L O F I L R G K L M G G M I

O A W S S A S I M O T A U Y T E A A A L

M L E A H I N G F O Y A T N D I D S N I

I R N A N G L M H I I O A N E R L T O B

P I M O S O P O T A S Y N N K L E E O A

S A I K O R N N O P A Y A D K P R P R R

P I B E R K A R A P A T A N C A M S I R

D E M O N S T R A T I O N E F F F E C T

Kung handa ka na, simulan na natin

ang paglalakbay…

Pagkonsumo Mamimili Ekonomiks Demonstration Effect Karapatan Pamahalaan Kita Pananagutan Presyo Prodyuser

Magaling!

Page 15: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Handa ka na ba sa susunod na

pagsubok? Okay, kung handa ka

na sa susunod…halika na!

Page 16: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Ipagpalagay na mayroon kang Php500.00 at may pagkakataon kang bumili ng iba’t ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang iyong bibilhin?

Page 17: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

ISTASYON

Page 18: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Panuto : Piliin ang tamang sagot . Isulat ang titik lamang sa patlang

Page 19: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Page 20: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Page 21: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

III. Analohiya : Punan ng tamang salita upang mabuo ang paghahambing. 1. pagbili ng produkto : pagkonsumo ; paglikha ng produkto : _____________ 2. balat ng hayop : produktibo ; bawal na gamot : ____________ 3. Artikulo 1546 : Batas sa Pagbebenta ; Artikulo 188 : _____________

ISTASYON

Page 22: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Subukin natin!

Page 23: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo
Page 24: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Ibigay kung anong consumer protection agencies ang inilalarawan ng bawat bilang sa ibaba: __________1. hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered)timbangan at mapanlinlang na pagsukat. __________2. hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain. __________3. hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot. __________4. reklamo laban sa illegal recruitment activities. __________5. hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp. __________6. hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up. __________7. hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal. __________8. reklamo laban sa pagbebenta ng di-wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.” __________9. nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon. __________10. namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran

(polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig). __________11. hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguro

Page 25: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang sa ibaba at ibigay ang bawat tamang kasagutan. __________1. Nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. __________2. Madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. __________3. Sinusuri ang produktong bibilhin. __________4. Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. __________5. Ang paggamit ng isang bagay o serbisyo na makapagbibigay ng kasiyahan sa mamimili. __________6. Ang paraan ng paggawa ng isang produkto upang makagawa ng isang produkto upang makagawa ng iba pang bagay. __________7. Ang pagbili at paggamit ng produkto ay banta sa kalusugan ng tao. __________8. Pagkonsumo na tuwirang tumutugon sa pangangailangan ng tao. __________9. Ang paggamit o ang pagbili ng produkto upang matugunan lamang sa kagustuhan ng tao. __________10. Ang paglalagay ng price tag sa mga paninda ay mahigpit na ipinatutupad para ma-monitor at mabantayan kung tama ang presyo ng mga produkto ayon sa bansa. __________11. Ang batas na ito ang nagbibigay garantiya sa mga konsyumer na walang nakatagong pinsala at depekto ang mga ibinebentang produkto. Ang sira, depekto, at pinsala ng mga produkto ay hindi dapat itago sa mga konsyumer. __________12. Ang National Grains Authority ay itinatag ng pamahalaan upang mamahala sa pagbili ng mga inaaning palay at bigas ng mga magsasaka at ipagbili ito sa mga konsyumer sa murang halaga.Ang gawaing ito ay ginagampanan ng National Food Authority ( NFA) sa kasalukuyan. Sinisiguro din ng ahensyang ito ang pagkakaroon ng sapat na supply ng bigas at pagkain sa bansa.

Binabati kita sa matagumpay mong paglalakbay. Tunay

kang kahanga-hanga!

Page 26: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

ISTASYON 5:

Reference

Card (Tama ka!)

Page 27: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

http://vivianrasuncion.weebly.com https://tl.wikipedia.org/wiki/Pagkonsumo https://prezi.com/vmmrqavxybgu/pagkonsumo/ http://www.slideshare.net/lanceabalos/pagkonsumo https://economics000rainargifel.wordpress.com/pagkonsumo/ https://www.emaze.com/@AWLQQWT/PAGKONSUMO-AP-IV.pptx https://economics000rainargifel.wordpress.com/mga-uri-ng-pagkonsumo/ https://economics000rainargifel.wordpress.com/mga-salik-na-may-kinalaman-sa-pagkonsumo/ Ekonomiks Grade 10 Learning Materials Unit 1 page 60-71 Leaflet ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) at Bureau of Trade Regulation and Consumer Protection

Page 28: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

ANSWER Card

Page 29: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

P A G K O N S U M O O Y E T A S I S A D

P R O D Y U S E R A H E P M P M Q D R O

D P I D I E G O Y R D L A N E G R O L M

W A P S R Q J G R L K R N B L X A L N A

E D E R O I T A N N O R A M T M R B X M

K R D B H S E W A O S E N D B O I H F I

O E R D M O T A K O N O A O A G N I R M

N S O V Y M L O F I L R G K L M G G M I

O A W S S A S I M O T A U Y T E A A A L

M L E A H I N G F O Y A T N D I D S N I

I R N A N G L M H I I O A N E R L T O B

P I M O S O P O T A S Y N N K L E E O A

S A I K O R N N O P A Y A D K P R P R R

P I B E R K A R A P A T A N C A M S I R

D E M O N S T R A T I O N E F F F E C T

Page 30: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

Assessment Card ASSESMENT #1

1. B. Maaksaya

2. A. Pagkonsumo

3. C. Pag-aanunsyo

4. C. Presyo

5. A. Trademark

ASSESMENT #2 1. T-tuwiran

2. P-produktibo

3. MP-mapanganib

4. M-maaksaya

5. P-produktibo

6. T-tuwiran

7. P-produktibo

8. P-produktibo

9. M-maaksaya

10. M-maaksaya

ASSESMENT #3 1. produksiyon

2. mapanganib

3. batas sa trademark

Enrichment Card Enrichment Card 1 1-5 Pagbabago ng Presyo Kita Mga Inaasahan Pagkakautang Demonstration Effect 6-12 Mapanuri May Alternatibo o Pamalit Hindi Nagpapadaya Makatwiran Sumusunod sa Badyet Hindi nagpapanic-buying Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo

Page 31: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo

13-20 Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan Karapatan sa Kaligtasan Karapatan sa Patalastasan Karapatang Pumili Karapatang Dinggin Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran Enrichment Card 2

1. City/Provincial/MunicipalTreasurer

2. Securities & Exchange Commission (SEC)

3. Fertilizer and Pesticide Authority (FPA)

4. Philippine Overseas Employment Administration (POEA)

5. Professional Regulatory Commission (PRC)

6. Bureau of Food and Drugs (BFAD)

7. Department of Trade and Industry (DTI)

8. Energy Regulatory Commission (ERC)

9. Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB)

10. Environmental Management Bureau (DENR-EMB)

11. Insurance Commission

Enrichment Card 3 1. Kita

2. Demonstration Effect

3. Mapanuri

4. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo

5. Pagkonsumo

6. produktibong pagkonsumo

7. mapanganib na pagkonsumo

8. tuwirang pagkonsumo

9. maaksayang pagkonsumo

10. Batas Republika Blg. 71 ( Batas sa Price Tag )

11. Artikulo 1546 – Kodigo Sibil ng Pilipinas(Batas sa Pagbebenta)

12. Batas Republika Blg.3542 ( Nagtatag ng National Grains Authority )

Page 32: Strategic Intervention Material (SIM) Ekonomiks-Pagkonsumo