7
Talumpati Kahulugan: = Isang akdang pampanitikan na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. = Isang kapakipakinabang at masining na pagtalakay ng paksa na naglalayong makahikayat sa paniniwala at paninindigan ng nagtatalumpati. Mga Sangkap ng Talumpati: 1.Kaalaman = Nararapat na maghatid ng sapat na kaalaman o impormasyon ang isang talumpati.Magiging isang kahiya-hiya ang isang nagtatatalumpati kung kulang ang kaalamang ipinahahayag. 2. Kahandaan = Madalas na bunga ng walang kahandaan sa pananalumpati ang mawala sa kalagitnaan ng pagsasalita,matagal na pagtigil at pangangapa ng mga salita. Ang kahandaan sa pagtatalumpati ay kahalintulad ng tiwala sa sarili. 3. Kasanayan = Ang kasanayan ay isang mabisang sangkap upang maipakita ang kaalaman at kahandaan ng isang mananalumpati.Magsanay na magsalitang malakas at maliwanag sa parang nakikipag-usap. Ang pagsasalita ng malakas at maliwanag sa harap ng salamin ay isang magandang simulain. Sanayin din ang ekspresyon ng mukha ayon sa damdaming nais ipahayag. Uri ng Talumati ayon sa Pamamaraan 1. Dagli - hindi pinaghandaan 2. Maluuwag - may maikling panahon na ibinibigay sa mananalumpati upang pag-isipan ang sasabihin. Hindi isinulat at hindi isinaulo ang mga sasabihin 3. Pinaghandaan- isinulat, binabasa o isinaulo ang talumpati at may sapat na pag-aaral sa paksa. URI NG TALUMPATI: 1.Talumpating pampalibang = Kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.Nagpapatawa ang nagtatalumpati sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. 2.Talumpating nagpapakilala = Tinatawag din itong panimulang talumpati.Karaniwan itong maikli lalo na kung ang ipinakikilala ay kilala na o may pangalan na.Layunin nito ay ihanda ang tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa kahusayan ng tagapagsalita.

Talumpati

Embed Size (px)

DESCRIPTION

TALUMPATI UPDATED HANDOUT

Citation preview

Page 1: Talumpati

Talumpati

Kahulugan:

= Isang akdang pampanitikan na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. = Isang kapakipakinabang at masining na pagtalakay ng paksa na naglalayong makahikayat sa paniniwala at paninindigan ng nagtatalumpati.

Mga Sangkap ng Talumpati:

1.Kaalaman = Nararapat na maghatid ng sapat na kaalaman o impormasyon ang isang talumpati.Magiging isang kahiya-hiya ang isang nagtatatalumpati kung kulang ang kaalamang ipinahahayag.

2. Kahandaan = Madalas na bunga ng walang kahandaan sa pananalumpati ang mawala sa kalagitnaan ng pagsasalita,matagal na pagtigil at pangangapa ng mga salita. Ang kahandaan sa pagtatalumpati ay kahalintulad ng tiwala sa sarili.

3. Kasanayan = Ang kasanayan ay isang mabisang sangkap upang maipakita ang kaalaman at kahandaan ng isang mananalumpati.Magsanay na magsalitang malakas at maliwanag sa parang nakikipag-usap. Ang pagsasalita ng malakas at maliwanag sa harap ng salamin ay isang magandang simulain. Sanayin din ang ekspresyon ng mukha ayon sa damdaming nais ipahayag.

Uri ng Talumati ayon sa Pamamaraan1. Dagli - hindi pinaghandaan2. Maluuwag - may maikling panahon na ibinibigay sa mananalumpati upang

pag-isipan ang sasabihin. Hindi isinulat at hindi isinaulo ang mga sasabihin3. Pinaghandaan- isinulat, binabasa o isinaulo ang talumpati at may sapat na

pag-aaral sa paksa.

URI NG TALUMPATI:

1.Talumpating pampalibang = Kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.Nagpapatawa ang nagtatalumpati sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.

2.Talumpating nagpapakilala = Tinatawag din itong panimulang talumpati.Karaniwan itong maikli lalo na kung ang ipinakikilala ay kilala na o may pangalan na.Layunin nito ay ihanda ang tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa kahusayan ng tagapagsalita.

3.Talumpating pangkabatiran = Ginagamit sa mga kumbensyon, panayam, at pagtitipong Pansyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa.Kalimitag makikita sa mga talumpating ito ang mga kagamitang pangtulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang paksang tinatalakay.

4. Talumpating nagbibigay-galang = Matatawag din itong talumpati ng Pagbati, pagtugon o pagtanggap.Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa isang panauhin,pagtanggap sa isang bagong kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.

5.Talumpating nagpaparangal = Ito ay inihahanda upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa. Sa mga okasyong sumusunod naririnig ang ganitong talumpati: a. Palatuntunan para sa paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan. b. Pamamaalam sa isang yumao. c. Paglipat sa isang katungkulan ng isang kasapi. d. Pagpaparangal sa katangi-tanging ambag ng isang tao o pangkat.

Page 2: Talumpati

6.Talumpating Pampasigla = Ito’y pumupukaw ng damdamin at impresyon. Kalimitang binibigkas ito sa mga sumusunod; a. Coach sa kanyang mga manlalaro. b. Lider ng samahan sa mga maggagawa. c. Pinuno ng mga tanggapan sa kanyang mga kawani. d. Pagkatapos at magin sa mga pambayan at pambansang pagdiriwang.

Paghahanda sa Talumpati:

1.Layunin = Mapapagpasyahan ang layunin ng talumpati ayon sa okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon.

2. Paksa = Tiyakin na ang paksang tatalakayin ay abot ng saklaw ng mananalumpati.Iwasan ang pagkuha ng masaklaw na paksa nang maiwasan din ang pagiging maligoy at walang patutunguhang pagtalakay. Tandaan na ang ganitong pagtalakay ay kinaiinisan ng mga tagapakinig,tinutulugan at may pagkakataong “binu-boo”.

Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng Talumpati:

1.Tikas at Tindig = Alalahanin na ang unang kumukuha ng pansin ng madla ay ang tikas at tindig.2. Galaw at Kilos = Gawing natural at maluwag ang bawat kilos. Nakakatulong ito sa pagbibigay diin sa mahahalagang bahagi ng paksa gayundin sa pag-iisip.3. Kumpas = Hindi magandang tignan sa isang mananalumpati ang madalas na pagkumpas na wala naming ipinahihiwatig. Hindi dapat sabayan ng buka ng bibig ng kumpas.Ang pagkumpas ay dapat may kahulugan.

Dapat Tandaan sa Pagkumpas

1. Dapat galling sa kalooban ang natural na pagkumpas. 2. Dapat na ibagay sa mga salitang binibigkas ang pagkumpas3. Iwasan na nagkaroon ng angulo ang pagtaas ng bisig. 4. Ang pagkuumpas ay nagsisimula sa balikat nagtatapos sa dulo ng daliri.5. Hindi dapat gumamit ng napakaraming kumpas o kaya wala ni isa man. 6. Ang pagsulpot-sulpot ng napakaraming kumpas ay nakababawas ng diin.7. Hindi dapat isinasagawa ang pagkumpas na parang nagwawalis. 8. Kapag nauuna ang kanang paa sa pagtayo, ang kanang kamay ang

gagamitin sa pagkumpas, kapag kaliwang paa, ang kaliwang kamay ang gagamitin sa pagkumpas, at kapag dalawang kamay ang gagamitin ay dapat pantay ang sa pagkakatayo ang mga paa.

Mga Uri ng Kumpas

1. Palad na itinaas habang nakalahad – Nagpapahiwatig ng dakilang damdamin

2. Nakataob na palad at biglanf ibaba – nagpapahayag ng marahas na damdamin

3. Palad na bukas at marahang ibinababa – nagpapahiwatig ng kaisipan o damdamin

4. Kumpas na pasunttok o kuyom ng palad – nagpapahayag ng pagkapoot o galit at pakikipaglaban

5. Paturong Kumpas – nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghamak

Page 3: Talumpati

6. Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting itinitikom – nagpapahiwatig ng matimping damdamin

7. Ang palad ay bukas paharap sa nagsasalita – pagtawag ng pansin sa alinang bahagi ng katawan ng nagsasalita

8. Nakaharapa sa madla, nakabukas ang palad – nagpapahiwatig ng pagtanggi, pagkabahala at takot

9. Kumpas na pahawi o pasaklaw – nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang diwa, tao o pook

10. Marahang pagbaba ng dalawang kalamy – nagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas.

4. Tinig = Kailangang malinaw,masigla at parang nakikipag-usap lamang.

Mga Bahagi at Elemento ng Talumpati

1. Pambuungad o Intoduksyon – Layunin nito na kunin ang atensyon ng mga tagapakinig at ipakilala ang nilalaman ng mensahe. Ito ang nagsisilbing paghahanda sa mga tagapakinig sa talumpating ibabahagi. Maaaring ibahagi biilang pambungad ang isang anekdoto, o nakatatawag pansing pangayayari gaya ng pagpapatawa. Layunin naman ng pagpapakilala sa nnilalana ng mensahe na maiugnay ito sa pangunahing ideya, magbigay ng mahahalagang impormasyon, maitatag ang kredibilidad ang tagapagsalita at maipadama sa tagapakinig ang kahalagahan ng talumpati.

2. Pangunahing Ideya – ito ay pagbibigay ng malinaw na direksyon ng talumpati. Ipinakikita nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa paksa. Halimbawa ay Nais kong tukuyin s ainyo ang mga dahilan kung bakit kinakailangang buwagin na ang PDAP.

3. Katawan o Paglalahad – Ito ang paglalahad ng isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay. Kinapapalooban nito ng mga pangunaing puntos ng talumpati. Maaari itong isaayos sa sumusunod na pamamaraan:a. Spatial – kung saan isinasaayos ang detalye ayon sa lokasyon (mula sa

silangan patungong kanluran, timog patungong hilaga, mula sa kanan patungo sa kaliwa atb);

b. Kronolohikal – nagsisimula sa isang tikay na panahon paunlad ang pagsasaayos ng mga pangyayari;

c. Papaksa – kung saan ang ideya ay isinasaayos naman sang-ayon sa mga nahagi nito;

d. Sanhi at Epekto – kung saan inilalarawan ang mga sanhi ng mga pangyayari at ipinakikilala ang epekto o bunga nito;

e. Paghahambing at Pagtutulad – ipinakikilala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideyang inilalahad;

f. Suliranin - sinusuri muna ang suliiranin at matapos ayy isinasaalang-alang ang mga solusyon nito.

4. Paninindigan – ito ang bahaging ipinahahayag ang katwiran hinggil sa isyu. Layunin niyo ng hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig. Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati.

5. Konklusyon – paglalahad ng lagom sa mensahe o pagganyak sa mga tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring muling banggitin ang mga pangunahing puntos upang maliwanagan ang mga tagapakinig sa paksang tinatalakay. a. Pamimitawan – bahagi ng konklusyon na masining na pagpapahayag ng

wakas ng talumpati na nag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng mga nakikinig.

Hakbang sa Paghahanda ng Talumpati

1. Pagpili at Paglilimita ng Paksa a. Dapat batid at may kaalaman sa paksab. Kawili—wili at napapanahon ang paksac. Limitahan ang paksa ayon sa itinakdang oras

2. Pagtitiyak sa Layunin – ito ay naayon at naglalayong:

Page 4: Talumpati

a. Magbigay ng impormasyon na maaaring sagawa sa pamamagitan ng - Pagbibigay ng depinisyon- Paglalarawan- Pagpapaliwanag- Pagsasalaysay o pagsusuri

b. Manghikayat o mang-impluwensya sa kaisipan ng tagapakinigc. Pagbibigay inspirasyon d. Magbigay aliw sa mga tagapakinig

Matapos na matiyak ang panllahat na layunin ng talumpati ay isunod ana isaalang-alang ang tiyak na layunin nito. Ipahalag sa malinaw na pangungusap. Narito ang halimbawa:

Paksa: Kahalagahan ng Paggamit ng KontaseptiboPanlahat na Layunin: ManghikayatTiyak na Layunin: Hikayatin ang mga tagapakinig na gumamit ng mga kontraseptibo upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunod-sunod na anak.

Paksa: Mga Opresyon PangkaababaihanPanlahat na Paksa: Magbogay-impormasyonTiyak na Layunin: Magbigay impormasyon sa mgga tagapakinig sa iba’t ibang uri ng opresyon o pang-aabuso na nararanasan ng mga kababaihan

3. Pagsusuri sa Tagapakinig – dapat isinasaalang-alang ng tagapagsalita ang katangian at ekspresyon ng tagapakinig:a. Gulangb. Kasarianc. Katayuang sosyald. Ekonomiikale. Politikalf. Pinanggalingang pangkat-etnikog. Edukasyonh. Propesyon, i. relihiyon, j. lahik. saloobin

4. Pagsusuri sa Okasyon – dapatt alamin kung may tuntuning itinakda na dapat sundin. Alamin din kung gaano katagal ang dapat na pagsasalita, kung saang lugar upang malaman ang akmang istilo o paraan ng pagsasalita.

5. Paglilikom ng Materyal – kung di sapat ang kaalaman sa paksa ay magsaliksik, magbasa at kumuha ng karagdagang impormasyon.

6. Paghahanda ng Balangkas Narito ang patnubay sa pagbuo ng talummpatiPaksa: Lumusang pag-alis ng PDAP Panlahat na layunin: Hikayatin ang tagapakinig na supurtahan naibasura ang PDAPPangunahing Ideya: Tuluuyang alisin ang PDAP na nagdulot ng korapsyon sa mga politico.

I. PanimulaA. Mga balita/isyu tungkol sa PDAPB. Lawak at lalim ng suliranin ng PDAP kung bakit kailangang

gumawa ng aksyon(Transisyon: Hal. Tingnan kung anong nararapat gawin ng pamahalaan upanng mabigyang solusyon ang suliranin sa kurapsyon gaya ng PDAP)

II. Katawana. Mga Mungkahing solusyon sa suliranin ng PDAP

1. 2.

b. Mga Resulta/Epekto ng Pag-alis sa PDAP1.2. Nh

Page 5: Talumpati

(Transisyon: Ibig nna banggitin muli ang mga mungkahing solusyon)

III. Konklusyon (Paggamit ng Lagom)a. Pagbanggit muli sa mungkahib. Pagbanggit muli ng resultac. Paghikayat sa mga tagapakinig na magsagawa ng agarang aksyon

7. Paghahanda sa Talumpati – kailangang isagawa ay:a. Pagsasanay sa pagbigkasb. Paghahanda ng balangkasc. Pagbibigay pansin sa tinig, kilos at ekspresyon ng mukhad. Pananamit

Sanggunian:

Conti, Therezia O. et. al. Komikasyon sa akademikong filipino. Filipino 1. 2009. Grandbook Publishing, Inc., Pateros, Manila.

Casanova, Arthur P. et al. Pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina. 2001. Rex Book Store, Inc. Sampaloc, Manila

Aguilar, Reynaldo L. Pegtuan, Zenaida M. Santos, Deogracia DC. Sining ng komunikasyon Akademikong Filipino. 2009. Grandbook Publishing, Inc., Pateros, Manila.