13
ANO KAYA TATLONG BATAYANG KATEGORYA SA MGA LAYUNING PAMPAGTUTURO ? i-klik para sa sagot TATLONG BATAYANG KATEGORYA SA LAYUNING PAMPAGTUTURO

Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

ANO KAYA TATLONG BATAYANG KATEGORYA SA MGA LAYUNING

PAMPAGTUTURO ?

i-klik para sa sagot

TATLONG BATAYANG

KATEGORYA SA LAYUNING

PAMPAGTUTURO

Page 2: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

MITHIIN

TUNGUHIN

LAYUNIN

Ano ang ibig

sabihin ng

nasa

dayagram?

i-klik ang batayang kategorya

TATLONG BATAYANG KATEGORYA SA MGA LAYUNING

PAMPAGTUTURO

Page 3: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

•isang malawak na

pagpapahayag ng direksyon

para sa isang programang

pang-edukasyon. Sa pagbuo

ng palising pambansa

karaniwang binibigyang

liwanag ito ng mga dalubhasa.

MITHIIN

Page 4: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

MITHIIN• Sa taong 2020, inaasahang ang mga

mag-aaral na Pilipino ay mangunguna sa pagtatamo ng mga kasanayan sa larangan ng matematika at agham sa Timog Silangang Asya.

• Sa taong 2020, inaasahang ang bawat Pilipinong may sapat na gulang ay literate na at may kakayahang makapagtamo ng mga kasanayang kailangan upang makipagpaligasahan sa isang ekonomiyang pandaigdig at magagampanan ang mga karapatan at tungkulin ng isang mamamayan.

Page 5: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

MITHIIN• makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong

may kapaki - pakinabang na literasi - layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Page 6: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

• Naglalarawan ng set ng mga

pambansang prayoridad para

sa mga programang pang-

edukasyon at pampaaralan.

Repleksyon ang mga ito ng

pagpapahayag at mga

pananagutang panlipunan.

Subalit ang ganitong malawak

na pagpapahayag ng mithiin

ay hindi nagbibigay ng mga

patnubay sa mga guro para

malipat sa isang pagtuturong

pangklase.

MITHIIN

Page 7: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

Mas tiyak at mas may pokus

kaysa mga mithiin. Ang mga ito’y

nagbibigay ng direksyon para sa

isang tiyak na aralin.

Kumakatawan din ang mga ito

upang maisakatuparan ang isang

mithiin at padalisayin ang pokus

nito upang maiugnay sa mga

inaasahang pagkatuto ng mga

mag-aaral

TUNGUHIN

Page 8: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

TUNGUHIN

• Ang pagbuo ng isang

programang pampaaralan na

tumutugon sa kailanganin ng

mga mithiin ay mahirap gawin.

• Ang proseso ay kailangang

nakapokus sa mga tunguhing

may kinalaman sa mga aralin.

• Ito’y nangangahulugan ng pagbuo

ng mga tunguhing lohikal na

dumadaloy mula sa mga mithiin.

Page 9: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

• inaasahang ang bawat mag-aaral na nakatapos ng haiskul ay magtataglay ng kaalaman at kasanayang kailangan upang magampanan ang kanyang mga karapatan at tungkulin bilang isang mamamayan ng isang demokratikong pamayanan.

MITHIIN

• natutukoy ang may kinikilingang pahayag sa isang balita;

• mabisang naipahayag ang kaisipan sa anyong pasalita o pasulat

TUNGUHINSa asignaturang Filipino

Page 10: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

MITHIIN

TUNGUHINSa asignaturang Agham Panlipunan

• makalinang ng mga “may pananagutang mamamayan”

• maunawaan kung paano nagiging batas ang isang panukalang-batas

• malaman kung paanong ang kapangyarihan at pananagutan ay maingat na pinaghati-hati sa mga sangay ng ehekutibo, lehislatibo at hudisyal sa ating pamahalaan

• mapanindigan ng bawat mag-aaral ang kaisipan na ang mga mamamayan ay may tungkuling alamin ang mga isyung pambansa at malayang maipahayag ang niloloob sa pamamagitan ng pagboto

Page 11: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

Pagpapahayag sa tiyak na

pananalita ng mga pagkatuto o

gawain na inaasahang maipakita

ng mga mag-aaral pagkatapos

ng isang pagtuturo. Ang mga ito

ay nararaapat isaad sa isang

paraang tiyak, ang pagganap

dito ay nakikita at ang bunga o

kinalabasan ay nasusukat. May

dalawang pangunahing hakbang

sa pagbuo ng layuning

pampagtuturo.

LAYUNIN

Page 12: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

LAYUNIN

• Natatanong at nasasagot ang “Ano ang pangalan mo?”

• Nasasabi at naipapalakpak nang papantig ang pangalan

• Nasasagot ang tanong na “Saan ka nakatira?”

Page 13: Tatlong batayang kategorya sa mga layuning pampagtuturo

MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!