27
TUGMAANG DE GULONG

Tugmaang de gulong- tulang panudyo-bugtong-palaisipan

Embed Size (px)

Citation preview

TUGMAANG DE GULONG

ANO ANG TUGMANG DE GULONG? - Ito ay mga simpleng paalala sa

mga pasahero na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney,

bus at traysikel. -maaari itong nasa anyo ng

salawikain, maikling tula o kasabihan 

HALIMBAWA:

HALIMBAWA Ang ‘di magbayad sa

pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan.

Ms. na sexy, kung gusto mo'y libre sa drayber ka tumabi.

Ang 'di magbayad walang problema, sa karma palang bayad kana

HALIMBAWA Ang sitsit ay sa aso, ang katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo hihinto.

Huwag kang magdekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto.

KAHALAGAHAN Nagsisilbing paalala sa mga pasahero

Nakakatulong sa mga drayber upang mapadali ang trabaho

TULANGPANUDYO

ANO NGA BA ANG TULANG PANUDYO? Ito ay isang uri ng karunungang

bayan na ang kayarian ay may sukat at tugma.

Ang layunin nito ay mambuska o manudyo.

Nagpapakilala ito na ang ating mga ninuno ay may makulay na kamusmusan.

HALIMBAWA Bata batuta! Isang perang muta!

May dumi sa ulo,Ikakasal sa LinggoInalis, inalis,Ikakasal sa Lunes.

HALIMBAWA Pedro penduko matakaw ng tuyoNang ayaw MaligoPinupok ng Tabo.

HALIMBAWA I Allan tinakla ya king dalan, ikit neng kapitanBeril ne Pitaklan

BUGTONG Ang bugtong, pahulaan,

o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipanang bugtong).

BUGTONG May dalawang uri ang bugtong: mga 

talinghaga o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong, mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot

HALIMBAWA: Isang butil ng palay,

Sakop ang buong bahay.

Sagot: Ilaw

HALIMBAWA: Itim ng binili ko, naging pula ng ginamit

ko.

Sagot: Uling

HALIMBAWA: Sa buhatan ay ,ay silbi, sa igiban ay

walang sinabi.

Sagot: Basket

PALAISIPAN

ANO ANG PALAISIPAN? Ito ay isang suliranin uri ng

bugtong na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.

Sa karaniwang palaisipan, inaasahang malutas ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon.

ANO ANG PALAISIPAN? Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng

libangan, nunit maaari din namang magmula ito sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin.

HALIMBAWA Anong meron sa aso na meron din sa

pusa, na wala sa ibon, ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya, at kabayo na tatlo sa palaka?

Sagot: Letter A.

HALIMBAWA May isang bola sa mesa. Tinakpan ito

ng sombrero. Paano nakuha ang bola nang ‘di man lang nagagalaw ang sombrero?

Sagot: Butas ang tuktok ng sumbrero

HALIMBAWA Si Pedro ay ipinanganak sa Espanya.

Ang kanyang ama ay Amerikano, at ang kanyang ina ay isang Intsik. Bininyagan siya sa bansag na Prinsiya, nang siya ay lumaki ay nakapangasawa siya ng Haponesa at doon nanirahan sa Hongkong. Sa oras ng kamatayan siya ay inabot sa Saudi.

Tanong: Ano ang tawag kay Pedro? Sagot: Bangkay

PANGKATANG GAWAIN

Paghambingin ang mga katangian ng Tulang Panudyo, Tugmaang de Gulong Bugtong at Palaisipan.

Ibigay ang pagkakaiba at pagkakatulad ng tugmaang de gulong sa tulang panudyo.

Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bugtong sa palaisipan.

Bakit mahalagang pag-aralan at matutuhan ang mga akdang pampanitikan na tulad nito?

Paano sumasalamin sa kultura at uri ng pamumuhay ng mga tao, maging sa kalagayang panlipunan ng tao ang nilalaman ng tugmaang de gulong, tulang panudyo, palaisipan at bugtong?s

Masasabi mo bang may likas na talino ang ating mga ninuno batay sa mga anyong ito ng panitikan? Paano mo ito napatunayan?