18
Pangngalang Tiyak (Pantangi) at Pangngalang Di-Tiyak (Pambalana)

Uri ng pangngalan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Uri ng pangngalan

Pangngalang Tiyak (Pantangi) at

Pangngalang Di-Tiyak (Pambalana)

Page 2: Uri ng pangngalan

Masustansyang Prutas at

Gulay

Page 3: Uri ng pangngalan

Si Jill ay isang walong taong gulang na bata. Siya ay isang mag-aaral sa Immaculate Conception Cathedral School. Naging ugali na ni Jill ang magkwento sa kanyang mommy ng mga bagay na natutunan niya sa paaralan pag-uwi niya ng bahay.

Page 4: Uri ng pangngalan

Maligayang pagdating anak.

Salamat po mommy! Alam niyo po, may natutuhan na naman ako ngayong araw.

Talaga Jill? At ano naman iyon?

Tinuro po kasi ngayong araw ni Bb. Verde ang kahalagahan ng prutas at gulay sa katawan. Sabi niya po kapag kumakain kami nito ay hindi kami magkakasakit agad-agad dahil ito daw ang aming proteksyon. Totoo po ba iyon?

Page 5: Uri ng pangngalan

Tama ang guro mo Jill. Ang gulay at prutas kasi ay nagtataglay ng mga bitamina na kailangan ng ating katawan para labanan ang mga sakit.

Ahh! Kaya po pala mahalaga talaga ito.

Tama, naalala mo ba yong sinabi ng doktor mo tungkol sa tamang pagkain?

Opo! Sabi ni Dr. Cruz na dapat daw kasabay ng prutas at gulay ay umiinom din ako ng gatas para lalo pa akong lumakas.

Page 6: Uri ng pangngalan

Tama!Mabuti at naalala mo pa. O magbihis ka na at kumain. Pagkatapos mo ay aalis tayo.

Ha? Saan po tayo pupunta?

Sa Farmer’s Market at dadaan na rin tayo sa grocery para makabili ng paborito mong Nestle Fresh Milk.

Mamimili po tayo? Yehey! Sa wakas makakasama na rin po ako sa inyo sa palengke!

Page 7: Uri ng pangngalan

Oo, iisasama kita nang mapili mo ang mga prutas at gulay na gusto mo.

Yehey! Sige po. Magbibihis na ako.

~Wakas~

Page 8: Uri ng pangngalan

1. Bakit pumunta sa palengke ang mag-ina?2. Sa inyong palagay bakit kailangan nating kumain ng mga prutas at gulay?

Pagtalakay sa usapan…

Page 9: Uri ng pangngalan

Sa araw na ito ating tatalakayin ang mga Pangangalang Tiyak

(Pantangi) at Pangngalang Di-Tiyak (Pambalana.)

Page 10: Uri ng pangngalan

Ano ang pangngalan?

Pagbabalik-Aral

Pangngalan – tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook.

Page 11: Uri ng pangngalan

Ating balikan ang usapan nina Jill at ng kanyang mommy.

Ano-anong mga pangngalan ang napansin ninyo dito?

Page 12: Uri ng pangngalan

Pangangalang Tiyak o Pantangi – ito ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop o pook. Ito ay nagsisimula sa malaking titik. Halimbawa:

Jill Bb. Verde Dr. Cruz Farmer’s Market Nestle Fresh Milk

Ang Pangngalan ay may dalawang uri.

Page 13: Uri ng pangngalan

Pangalang Di-Tiyak o Pambalana - ito ay tumutukoy sa di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, o pook. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik lamang. Halimbawa:

mag-aaral guro doktor palengke gatas

Page 14: Uri ng pangngalan

PANGNGALAN

Pangngalang Tiyak o Pantangi

Pangngalang Pambalana

Jill mag-aaral

Bb. Verde guro

Dr. Cruz doktorFarmer’s Market palengkeNestle Fresh Milk gatas

Page 15: Uri ng pangngalan

Ano ang pangngalan at ang dalawang uri nito?

Pangngalan ang tawag sa mga salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop at pook. Ang dalawang uri nito ay ang Pangngalang Pantangi, tumutukoy sa tiyak na ngalan ng pangngalan at Pangngalang Pambalana, tumutukoy naman sa di-tiyak na ngalan ng pangngalan

Page 16: Uri ng pangngalan

Pagsasanay (SW # 2)

1. Tukuyin kung ang pangngalan ay Pantangi o Pambalanasa pahina 141-142 titik A at B ng Pluma 2.

2. Ibigay ang mga pangngalang pambala ng mga pangngalan sa pahina 143-144 ng Pluma 2

Page 17: Uri ng pangngalan

Ating Tandaan!

Kumain nang tama nang katawan ay hindi manghina.

Page 18: Uri ng pangngalan

PANGNGALAN

Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana1._____________ paaralan2._____________ aklat

Fr. Raymond 3._______________Luneta Park 4._______________

5. _____________ sapatos

Takdang Aralin

1.Buuin ang tsart ng pangngalan.