Click here to load reader
Upload
beejay-baje
View
1.291
Download
90
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Wastong Gamit ng Salita A. Pahirin at Pahiran B. Punasin at Punasan C. Operahin at operahan D. Subukin at subukan E. Pinto at Pintuan F. Hagdan at hagdanan G. Nang at ng H. Kung at kong I. May at mayroon J. Din at Rin daw at raw K. Sila at sina kina at sila L. Iwan at iwanan M. Sundin at Sundan N. Tungtong tuntong at tunton O. Dahil sa at Dahilan sa P. Kung ‘di kungdi at kundi
Citation preview
WASTONG GAMIT NG SALITA
BLESSIE JOE MYGEL BAJE
JAIME BANGHAL
TERHEVIC LIWANAG
PAHIRINAT
PAHIRAN
PAHIRIN ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng isang bagay
Hal.
o Pahirin mo ang iyong pawis.
o Pahirin mo ang iyong uling sa mukha.
o Pinahid ni Ameil ang dugong umagos mula sa kanyang labi.
PAHIRAN nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay
hal.
oPahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.
o Masarap na almusal ang pandesal na pinahiran .
PUNASINAT
PUNASAN
PUNASIN ay ginagamit kapag binabanggit ang bagay na tinatanggal
Hal.
o Punasin mo ang alikabok sa mesa.
o Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.
PUNASAN ay ginagamit kapag ang binabanggit ay ang bagay na pinatatangggalan ng kung ano man
Hal.
o Punasan mo ang mesa.
o Punasan mo ang iyong noo.
OPERAHINAT
OPERAHAN
OPERAHIN tinutukoy ang tiyak na bahaging tinitistis
Hal.
o Ooperahin bukas ang mga mata ni Geelyn.
o Kailan nakatakdang operahin ang bukol sa iyong dibdib?
oDok, operahin na po ninyo ang kumikirot kong tiyan.
OPERAHAN tinutukoy ang tao at hindi ang bahagi ng kanyang katawan
Hal.
o Ooperahan na ng doktor ang naghihirap na bulag.
o Inoperahan na si Erika kahapon.
oKasalukuyang inooperahan si Merielle sa Ospital ng Makati.
SUBUKINAT
SUBUKAN
SUBUKIN ay nangangahulugang pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay
Hal.
o Subukin mong gamitin ang sabong ito at baka hiyang sa inyo.
o Subukin mong kumain ng gulay at prutas upang sumigla ka.
o Susubukin ng mga tagalalwigan ang galing ng mga tagalungsod.
SUBUKAN Nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginagawa ng isang tao o mga tao
Hal.
o Subukan mo siya upang malaman mo ang kanyang sekreto.
o Ani ni Erap, “Wag n’yo akong subukan!”.
o Subukan mo ang iyong kasintahan hanggang sa makarating siya sa kanyang paroroonan.
PINTOAT
PINTUAN
PINTO ay bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas
Ginagawa ito upang ilagay ang sa pintuan
Hal.
o Isinara niya ang pinto upang hindi makapasok ang lamok.
PINTUAN ay ang kinalalagyan ng pinto
ito rin ang bahaging daraanan kapag bumukas na ang pinto
Hal.
o Nakaharang sa pintuan ang paso ng halaman kung kaya’t hindi niya maisara ang pinto.
HAGDANAT
HAGDANAN
HAGDAN ay mga baytang at inaakyatan at binababaan sa bahay o gusali
Hal.
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
HAGDANAN ay bahagi ng bahay na kinalalagyan ng hagdan
Hal.
o Matibay ang hagdanan ng kanilang bahay kaya hindi gumuho ang hagdan niyon matapos ang lindol.
NANGATNG
NANGAng nang ay karaniwang ginagamit na
pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay
Hal.o Mag-aral kang mabuti nang makapasa ka sa eksam.o Nagsisimula na ang programa nang dumating ang mga
panauhin.
Ang nang ay nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring.
Hal.o Nagpasa si Marvin ng proyekto nang maaga.o Nangaral nang mahinahon si G. Morales.o Nagdasal nang taimtim ang mga deboto.
NANG
Ginagamit ang nang sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.
Hal.o Suklay nang suklayo Mag-ipon nang mag-ipono Nagdasal nang nagdasal
NANG
Ang ng ay ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.
Hal.o Nag-aaral siya ng liksyon.o Bumili siya ng pasalubong para sa kanyang anak.o Nagtanim ng palay ang magsasaka.
NG
Ang ng ay ginagamit na pananda ng aktor o tagatanggap ng pandiwa sa tinig balintiyak.
Hal.o Pinangaral ng guro ang mga nahuling mag-aaral.o Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid.o Ibinaling ng bata ang kanyang atensyon sa liksyon.
NG
Ang panandang ng ay ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.
Hal.o Ang pera ng bayan ay kinurakot ng ilang
buwayang pulitiko.o Ang palad ng mga mayayaman ay karaniwang
makikinis.o Ang pagsabog ng bulkan ay nag-iiwan ng mapapait
na alaala sa mga ita.
NG
KUNGAT
KONG
KUNG ay pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap
Hal.
o Malulutas ang mga problema ng bayan natin kung isasantabi ng mga pulitiko ang kanilang pamumulitika.
o Aatend ako ng parti kung papayagan ako ng aking mga magulang.
o Kung hindi ka sana nagtaas ng boses ay hindi kayo nag-away ng iyong kaibigan.
KONG ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkopan lamang ng ng.
Hal.
o Gusto kong tulungan ka ngunit kailangan mo munang tulungan ang iyong sarili.
o Maaasahan sa mga gawain ang mga matalik kong kaibigan.
o Ang tangi kong inaasahan sa iyo ay ang maging tapat sa ating pag-ibig.
MAYAT
MAYROON
MAY ginagamit kapag sinusndan ng pangngalan
Hal.
o Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito.
o May virus ang nahiram niyang USB.
o Habang may buhay ay may pag-asa.
MAY ginagamit kapag sinusundan ng pandiwaHal.
o May pupuntahan ka ba mamaya?
o May tatapusin pa akong trabaho mamayang gabi.
o May nakita siyang nakakapanghilakbot na pagitain kagabi.
MAY ginagamit kapag sinusundan ng pang-uriHal.
o May mahabang buhok si Christal.
o May bagong cellphone si Aldrin.
o Ang magkakaibigan ay may mabuting pagsasamahan.
MAY ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na panao sa kaukulang paari
Hal.
o Bawat tao ay may kanya-kanyang problema sa buhay.
o Ang mga anak ni Aling Anna ay may kani-kanila nang kabuhayan.
o Masayang ipinagdiriwang ang pista roon sa may amin.
MAYROON ginagamit kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito
Hal.
o Mayroon pa bang natirang ulam?
o Mayroon po kaming isusumbong sa inyo.
o Si Marvin ay mayroon ding magagandang katangian tulad ni Joseph.
MAYROON ginagamit na panagot sa tanongHal.
o May pasok ba tayo? – Mayroon.
o May maaasahan ba akong tulong sa kanya? – Mayroon naman.
o May takdang-aralin ka ba? – MAyroon po.
DIN AT RINDAW AT RAW
RIN AT RAW ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig at sa malapatinig na w at y
Hal.
o Si Darwin ay katulad mo ring masipag mag-aral.
o Ikaw raw ang napipisil ng mga hurado na kakatawan sa ating pamantasan.
o May bahay rin sa Malabon sina Mr. Lingkod.
DIN AT DAW ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w at y
Hal.
o Masakit daw ang ulo ni Malou kaya hindi siya nakapasok sa klase.
o Magtatanghal din ng dula ang Kagawaran ng Filipino.
o Nakapagsulat din ng aklat si Kim.
SILA AT SINAKINA AT SILA
SILA AT SINA ang SILA ay panghalip paano
samantalang ang SINA ay panandang pangkayarian sa pangngalan.
karaniwang kamalian na ang sila ay ginagamit na panandang pangkayarian
Nanalo sila sa timpalak
Hal.o Mali : Sila Aldrin at Olga ay mabubuting anak.o TAMA: Sina Aldrin at Olga ay mabubuting anak.oMALI: Sila Jun at Emma ay nanalo sa timpalak.oTAMA: Sina Jun at Emma ay nanalo sa timpalakoTAMA: Sila ay mabubuting anak.
IWANAT
IWANAN
IWAN to leave something
nangangahulugang wag isama o dalhinHal.
o Iwan mo na ang anak mo sa bahay n’yo.
o Iwan na lang niya ang bag niya sa kotse ko.
IWANAN to leave something to somebody
ay nangangahulugang bibigyan ng kung ano ang isang tao
Hal.
o Iwanan mo ‘ko ng perang pambili ng pananghaliann.
o Hindi iniwanan ng alak ng dumalaw na kamag-anak ang presong lasenggero.
SUNDINAT
SUNDAN
SUNDIN follow an advice
nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral
Hal.
o Sundin mo ang mga payo ng iyong mga magulang kung ayaw mong maligaw ng landas.
SUNDAN folllow where one is going; follow what one does
nangangahulugang gayahin ang ginagawa ng iba o pumunta sa pinuntahan ng iba
Hal.
o Sundan mo ang demonstrasyon sa telebisyon kung nais mong matuto ng pagluluto ng paella.
o Sundan mo agad ang ang umalis mong kaibigan at baka tuluyan iyong magtampo.
TUNGTONGTUNTONG AT
TUNTON
TUNGTONG ay panakip sa palayok o kawaliHal.
o Hindi makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina
TUNTONG ay pagyapak sa ano mang bagayHal.
o Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.
TUNTON ay pagbakas o paghanap sa bakas ng ano mang bagay
Hal.
o Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta.
DAHIL SAAT
DAHILAN SA
DAHIL SA ang wasto at sinusundan ng pangngalang pinagsanhian ng isang pangyayari
Hal.
oHindi siya nakapasa sa pagsusulit dahil sa hindi niya pagsunod sa panuto.
o Dahil sa pag-iisip ng masama, nag-away-away tuloy ang dating magkakaibigan.
DAHILAN SA mali ang dahilan sa
ang dahilan ay pangalan mismoHal.
o Paninira sa mga kasamahan sa trabaho ang naging dahilan ng pagkasira ng reputasyon ni Romano.
KUNG ‘DIKUNGDI AT
KUNDI
KUNG ‘DI if not
ay pinaikling kung hindiHal.
o Kung ‘di sana nagmataas ay kaibigan mo pa rin si Bernie.
o Hindi ka sana nakapagtrabaho kung ‘di dahil sa iyong kaibigang pinagtaksilan mo ngayon.
KUNG DI walang salitang ganito
Hindi dapat gamitin
KUNDI ay kolokyalismo ng kung ‘diHal.
o Walang makakapasok sa gusali kundi ang mga empleyado lamang.