14
Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon G L O B A L I S A S Y O N Inihanda ni: MR. EDWIN PLANAS ADA Teacher I, Dasmarinas West NHS

Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon

G L O B A L I S A S Y O N

Inihanda ni:

MR. EDWIN PLANAS ADA

Teacher I, Dasmarinas West NHS

Page 2: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

L A Y U N I N

• Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananawng globalisasyon bilang suliraning panlipunan• Bibigyan pansin sa araling ito ang mga pagtugon saiba’t ibang hamon ng globalisasyon.

Page 3: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon
Page 4: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon
Page 5: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Guarded GlobalizationIlan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang:> Pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto atserbisyong nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan aymas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman masnagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at> Pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunanglokal. Ang subsidiya ay tulong-pinansyal ng pamahalaan. Kilalaang United States sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mgamagsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ngbuwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibiliang mga ito.Bukod sa United States, ang China at Japan aynagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mganamumuhunan.

Page 6: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)

Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), itoay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit nanamumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo,ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patasna pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito namapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sapamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mgabumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindilamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin angkanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan.

Page 7: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Pagtulong sa ‘Bottom Billion’

Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroonmang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyangkinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyongpinakamahihirap mula sa mga bansa sa Asya lalo’t higit sa Africa.

May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulongpinansiyal(economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany,Japan,France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroonng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito.Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala namalaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.

Page 8: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

OFW

(Skit)

Imported Products

(Hugot Lines)

Pop Culture

(#Hashtag)

Open Economy

(Graphic Organizer)

PANGKATANG

GAWAIN

Page 9: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG PANGKATANG GAWAIN

KRAYTIRYA GOOD(5 pts.) BEST(10 pts.) EXCELLENT(15 pts.)

Kooperasyon 1-5 miyembro angwalang koopersayonsa pangkat.

1-2 miyembro angwalang kooperasyonsa pangkat

Lahat ng miyembroay may kooperasyon.

Tema Angkop ang tema Mas angkop ang tema Higit na angkop angtema

Presentasyon Mahusay angpresentasyon ngpangkat.

Mas mahusay angpresentasyon ngpangkat.

Napakahusay ngpresentasyon ngpangkat.

Page 10: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Page 11: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Gawain 6.Decision DiagramSuriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga

Pilipino at punan ang Decision Diagram.

Globalization: Progress or Profiteering?(Liza Smith)

Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa pamilihang lokal patungo sa ibang bansa nasiyang nag-uugnay sa iba’t ibang pamilihan ng daigdig. Ayon sa mga sumusoporta sa ideya ng globalisasyon, nakatutulong ito samga papaunlad na bansa na makahabol sa pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng trabahong naibibigay nito bukodpa sa teknolohiyang dala nito. Patunay dito ang mga Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at Thailand. Para sa mga malalakingnegosyante at miyembro ng economic elite, mabuti ang globalisasyon sapagkat nakakukuha sila ng manggagawang handangtumanggap ng mas mababang sahod na nagbibigay naman sa kanila ng higit na kita.

Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan nito kundi maging ang mga manggagawa sa iba’tibang bansa na handang makipagkompetensya upang makuha ang mga trabaho kapalit ang mas mababang sahod. Sa katunayan,ilang trabaho (hal. autoworks) mula sa US na dinala ngNorth American Free Trade Agreement (NAFTA) sa bansang Mexico dahil samas murang pasahod dito ay inilipat sa ilang bansa sa Silangang Asya dahil sa higit na murang pasahod. Ganun pa man ang mgaproduktong ito ay ipagbibili sa mga konsumer sa US sa tulad ding halaga. Samantala, ang mababang pasahod na nakukuha ng mgamanggagawa sa maliliit na bansa ay ginagamit sa pagbili ng mga tinging produktong nagmula rin naman sa mga kanluraningbansa.

Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa papaunlad na mga bansa dala ngindustriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga korporasyon at kompanya mula sa mayayamang bansa. Ngunit kabaliktaran namannito ang nagyayari sa mga mauunlad na bansa sapagkat batay sa mga pag-aaral, patuloy ang paglaki ng agwat ng mayayaman atmahihirap sa mga bansang ito. Ilang politiko rin ang nagsasabing patuloy na kumakaunti ang middle class dala ng penomenong ito.

Kasama rin sa duot ng globalisasyon ang ‘homonisasyon’ ng kultura sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang pag-usbongng coffee shops at big-box retailers sa mga syudad ng maraming bansa ay ‘lumilikha’ ng iisang mukha ng pagkakakilanlang kultural.Ilang kritiko ng globalisasyon din ang nagsasabing pinahihina nito ang pambansang soberanya ng mga maliliit na bansa dahil samalakas na impluwensyang dulot ng mayayamang bansa kung saan nagmumula ang mga nasabing puhunan at trabaho.Hangga’t hindi nakalilikha ng mga solusyon sa mga hamon na kaakibat ng globalisasyon, mananatili ang edukasyon, flexibility atadaptability sa mga kasanayang makatutulong upang makasabay dito.

Page 12: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Gawain 6.Decision DiagramSuriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga

Pilipino at punan ang Decision Diagram.

Spanish government eyes hike in financial assistance to Philippines(Ma.Stella F. Arnaldo)

Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na pagpapalakas ng ugnayan nito saPilipinas, maging ang posibleng pagbibigay nito ng tulong-pinansyal sa bansa mula taong 2018 hangagang2022. Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines Luis Antonio Calvo, umabot ng €50 milyon ang naitulongng Espanya sa bansa sa mula taong 2014 hanggang 2017. Naging prayoridad sa mga taong ito ang mgaprograma na may kinalaman sa demokratikong pamamahala, disaster risk reduction, at de-kalidad napagtugon sa humanitarian crises partikular ang rehiyon ng Bikol at Caraga sa Zamboanga Peninsula. Ayon dinsa kanya’y naghihintay lamang ang mga negosyanteng Espanyol na handang mamuhunan hanggang malinawansila sa makroekonomikong kondisyon ng bansa. Batay sa tala ng Philippine Embassy sa Madrid, angkabuuangforeign direct investments ng Espanya sa Pilipinas ay umabot ng $39 milyon mula 2006 hanggang2015. Ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay pabor sa Espanya nang kumita ang huli ng $136 milyonsa taong 2015. Ngunit ang iniluluwas na produkto at serbisyo ng bansa sa Espanya ay patuloy ang paglago namay average na 11.13% kada taon simula ng 2011.

Ilan sa mga kompanyang naging bahagi ng public-partnership projects ay mula sa Espanya tulad ngOHL (Obrascon Huarte Lain), na bahagi ngAyala Group consortiumpara sa Cavite-Laguna Expressway (Calax),Grupo ACS (Actividades de Construccion y Servicios)para sa proyektong paliparan,at Abengoa para sa mgaproyektong patubig.

Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-Pacific region ang nakatanggap ngtulong pangkaunlaran (development aid) mula sa Espanya. Kasalukuyang pinag-aaralan ng Espanya namagaya ang proyekto nitong national disaster risk-reduction managementsa Bicol sa walo pang lalawigan ngbansa na tinukoy ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Page 13: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Gawain 6.Decision DiagramSuriin ang dalawang artikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga

Pilipino at punan ang Decision Diagram.

Bumuo ng iyong paglalahat kung nakabuti o nakasama baang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?

Mab

uti

ng

Du

lot

ng

GLO

BA

LISA

SYO

ND

i-Mab

utin

gD

ulo

tn

gG

LOB

ALISA

SYON

Page 14: Week 2 pagharap sa hamon ng globalisasyon

Pamprosesong Tanong1. Ano ang mga patunay na mayroong mabuti at di-

mabuting dulot ang globalisasyon?2. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng

mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa.3. Sa pangkalahatan, nakatutulong ba o nakasasama

ang globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayanang iyong sagot.