35
Yamang Tao ng Asya

Yamang tao ng asya

Embed Size (px)

Citation preview

Yamang Tao ng Asya

Populasyon – tumutukoy sa dami ng

tao sa isang lugar/bansa

Population Growth Rate – bahagdan ng bilis ng

pagdami ng tao sa isang bansa bawat taon

Ang mabilis na pagdami ng populasyon/tao ay nangangahulugang

karagdagang presyur sa likas na yaman ng mundo.

Ang mabilis na pagdami ng populasyon ay nagpapalala sa

matinding suliranin ng kahirapan at gutom na nararanasan ng mga

bansa sa Asya at maging ang pagkasira ng kapaligiran.

Mga suliraning kaakibat ng paglaki ng populasyon:

pagkawala/pagkaubos/pagkasira ng likas na yaman, basura,

kontaminasyon sa hangin, tubig at lupa, at dumarami ang pamayanan na

naghihirap o depressed areas.

Mahalaga ring tingnan ang komposisyon ng

populasyon. Kung ito ba ay may bata o matandang

populasyon.

Bata ang populasyon – 15 pababa

Matanda – 60 pataas

Ang dalawang klasipikasyong ito ay may implikasyon at suliranin

sa lipunan:

Bata ang populasyon – marami ang nangangailangan ng

edukasyon at kalusugan at malaki ang bahagdan ng

populasyon ang umaasa sa nakakatanda sa kanilang lipunan

Matanda ang populasyon – malaki rin ang

pangangailangan sa aspektong medical at libangan ng mga ito

Birth Rate – bilang ng buhay na sanggol na

ipinapanganak sa bawat 1000 populasyon sa loob ng

isang taon

Implikasyon:Mataas na birth rate – mas

malaki ang potensyal sa paglaki ng populasyon ng

isang bansa

Mababang birth rate – maliit ang potensyal ng paglaki ng populasyon

Death Rate – bahagdan ng kabuuang bilang ng namatay sa kabuuang populasyon sa isang partikular na lugar sa

loob ng isang taon

Implikasyon:Mataas na death rate – may kasalatan sa aspetong medical sa lipunan

Mababang death rate – maganda ang aspetong medical

Life Expectancy – inaasahang haba ng

buhay ng tao

Implikasyon:Marahil dahil sa kaginhawaan sa

buhay at progreso sa larangang medical at teknolohikal nagiging mas mahaba ang buhay ng tao sa

mga mauunlad na bansa.

Gross Domestic Product (GDP) – kabuuang halaga ng

produkto at serbisyong nilikha ng isang bansa sa

loob ng isang taon

Per Capita GDP – ang GDP ng isang bansa ay hahatiin

alinsunod sa dami ng naninirahang mamamayan

dito

Sa pamamagitan ng bilang na ito, matutunghayan ang karaniwang kita (average

income) ng isang indibidwal bawat taon sa bansang kanyang

pinanahanan

Sa pamamagitan ng per capita GDP, nasusukat kung may maunlad o naghihirap

na buhay ang mga mamamayan ng bansa

Unemployment Rate – bahagdan ng populasyon na

walang hanapbuhay o pagkakakitaan kumpara sa

kabuuang bilang ng mga tao sa lakas paggawa

Mga suliraning kaakibat ng kawalan ng hanapbuhay:

Kawalan ng pagkain sa pamilyaPagkabawas ng kakayahang makabili ng mga pangunahing

bilihin

Kasalatan sa aspeto ng kalusugan at edukasyon

Marami ang hindi makakapag- aral

Mga taong dinadapuan ng karamdaman

Paglaganap ng krimen sa lipunan

Literacy Rate – bahagdan ng populasyon na 10 gulang at

pataas na marunong bumasa at sumulat

Implikasyon:Kapag mataas ang literacy

rate, mabilis ang paggulong ng kaunlaran ng

estado

Kapag mababa ang literacy rate, mabagal

ang pagsulong ng kaunlaran ng estado

Migrasyon – pandarayuhan sa loob ng

isang bansa o sa ibang panig ng bansa

Maraming tao ang nandarayuhan dahil:TrabahoKakulangan ng trabaho sa bansang pinanggalingan

Hindi sapat na kita

Mahalagang salik ang migrasyon sa kaunlaran dahil:Sa paghahanap ng trabaho nakapagpasok sila ng dolyar sa bansa

Pagbalik nila nangangahulugang pag-angkat din ng mga kaisipang nagmula sa ibang bansa na maaaring gamitin sa pansariling kapakinabangan

Epekto ng Pandarayuhan sa Lungsod:Lumalaki ang bilang ng populasyon

Pagsisikip ng lungsod

Kakulangan sa pabahayPagkasira ng kapaligiranPagkalat ng mga sakitKasalatan sa serbisyong panlipunan