Upload
ar-joi-corneja-proctan
View
258
Download
29
Embed Size (px)
By: Mrs. Ar Joi Corneja-Proctan
Teacher III, AP Coordinator
Mina National High School
Mina, Iloilo
Tumutukoy sa serye ng mga pangyayari, ideya at pagbabago na naging resulta ng pagdeklara ng kalayaan ng 13 kolonya sa North America mula sa Imperyong British.
Humantong ito sa pagkabuo ng United States of America.
Mga British ang karamihan sa naninirahan sa 13 kolonya
Dinala ang mga ideyang politikal at institusyon ng Britain
May sariling pamahalaan sa bawat kolonya
Akma ang lugar sa pagsasagawa ng mga radikal na pagbabago sa sistemang politikal.
Karamihan sa mga tao sa America ay salungat sa Anglicanism
Walang makapangyarihang nobility.
Seven Year’s War (1756-1763) The Seven Years' War took place between 1754 and
1763 with the main conflict being in the seven-year period 1756–1763. It involved most of the great powers of the time and affected Europe, North America, Central America, the West African coast, India, and the Philippines.
Conflict between Great Britain and France broke out in 1754–1755 when the British attacked disputed French positions in North America and seized hundreds of French merchant ships.
Ipinatupad bilang buwis sa pag-angkat ng asukal.
Bagamat ang halaga ay kalahati lamang ng napagkasunduan, ang pagpapatupad sa patakarang ito ang pinag-ugatan ng problema.
Pinalakas ang kapangyarihan ng mga opisyal pandagat na British sa paghihigpit sa ilegal na pag-angkat ng asukal.
Naging sanhi ng pagkaligalig. Lahat ng opisyal na dokumento, titulo,
kasulatan, pahayagan at iba pang dkumento ay sa espesyal na naselyuhang papel lamang maaaring isulat o ilimbag.
Ang naaapektuhan ng patakarang ito ay ang mga manlilimbag, abogado, mananalapi, at mangangalakal.Nilalabag ang kanilang karapatan dahil
walang representasyon ang pagbubuwis.
Nagsisilbing pagpapatibay ng karapatang konstitusyonal ng parlamento ng Great Britain na bumuoo ng mga batas para sa kolonya.
Si Charles Townshend ang nagpasa ng patakarang ito na may layuning itaas ang regular na buwis sa kolonya upang suportahan ang mga gobernadorna kolonyal, huwes at iba pang opisyal na magtatanggol sa kolonya.
Boston Massacre (1770) Limang Amerikano ang napatay at marami ang nasugatan
nang sila ay barilin ng mga sundalong British. Binawi ng Great Britain ang Townshend Act. Tinutulan ng mga Amerikanong nagtitinda ng tsaa
ang ginawang patakaran ng British na saplitang pagluuwas ng tsaa sa 13 kolonya.
Nang dumaong ang barkong British lulan ang tsaa, inakyat ng isang grupo ng mga Amerikano sa pangunguna ni Samuel Adams ang barko at itinaponsa daungan ng Boston ang 324 kahon ng tsaa.
Nagalit ang Great Britain sa ganitong protesta.
Bilang ganti at parusa, ipinasa ng Parlamento ng Great Britain ang Intolerable Acts (1774).Ito ay batas na nagsara sa daungan
ng Boston hanggang hindi binabayaran ang itinapong tsaa.
Tapusin na ang kalayaan ng Massachusetts na mamahala sa sarili.
dinaluhan ng mga kinatawan ng bawat kolonya maliban sa Georgia
Pagsama-sama ng mga kolonya 56 na kinatawan ng kolonya ang dumalo noong
Sept. 5, 1774 Binigyang-diin ni Patrick Henry na walang dapat
makitang pagkakaiba ang isang taga-Virginia, Pennsylvania, New York at New England.
Nagkakaisa at sama-samang magtataguyod para sa kapakanan ng kolonya.
Nagkaroon ng sagupaan sa Concord at Lexington, mga bayan malapit sa Boston noong Abril 1775.
Tinatayang 350 ang namatay sa sagupaan
Nagkita-kita ang mga pinuno ng 13 kolonya
Si George Washington ang hinirang na pinuno
Muling nagpulong sa ikalawang pagkakataon noong Mayo 1775
Idineklara ang United Colonies of America Ang hukbo ng mga militar ay tinawag na Continental
Army. Si George Washington ang Commander in Chief. Sinubukang makuha ang Boston ngunit natalo sa
Digmaang Bunker Hill. Sinubukang ding kunin ang Canada ngunit natalo sa
labanan.
Mga patakarang ipanatupad sa 13 kolonya Patriot- mga rebolusyonaryo na nagsagawa ng
pag-aalsa sa kolonya. Loyalist o tories ay nanatiling tapat sa hari Common Sense- isinulat ni Thomas Paine Thomas Paine- isang radikal na English na dumayo
sa America at nakikisimpatya sa mga kolonista. Iminungkahi niya ang paghihiwalay ng kolonya sa
Britain
Ipinahayag ng Continental Congress noong Hulyo 4, 1776 na binubuo ng mga kinatawan ng 13 kolonya.
Ang pangunahing may-akda ay si Thomas Jefferson Isinaad sa deklarasyon na
tao ay biniyayaan ng Diyos ng mga karapatang hindi maipagkakait
Ang lehimitasyon ng pamahalaan ay galing sa pagsang-ayon ng mga mamamayan
Ang mga mamamayan ay may karapaytang patalsikin ang pinuno kung kinakailangan
Pahayag ni Reverend Jonathan Mayhew Tumutukoy sa representasyon ng 13
kolonya sa Parlamento. Hindi dapat magpasa at magpataw ng
batas ang Britain nang walang pagsangguni at pagsang-ayon ng 13 kolonya.
Ang deklarasyon ay nagresulta ng mga digmaan.
Simula noong 1777 sinimulan na ng mga British ang pag-atake sa Amerika mula sa Canada, ngunit sa bawat pagtatangka ay napipigilan ng mga hukbong Amerikano.
Noong Oktubre 1777 ay nanalo sa labanan sa Saratoga ang mga Amerikano
Dahilan sa pagwawakas ng mga pag-atake ng mga British mula sa Canada.
Gen. John Burgoyne ng hukbong British ang sumuko sa hukbong pinamumunuan ni Gen. Horacio Bates
Tradisyonal na kalaban ng British ang mga French Lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng
Amerikano Kinilala ng France ang kalayaan ng America
bilang isang malayang bansa. Nagpadala sila ng mga bapor pandgima upang
matulungan ang mga Amerikano Minabuti ng Great Britain na sakupin ag
katimugang
Nakuha ng mga British ang daungan ng Savannah at nakontrol ang Georgia
Naging mahirap sa mga Amerikano upang makuha muli ang Savannah
Kinubkob ng mga British ang Continental Army sa daungan ng Charleston
Gen. Charles Cornwallis Nagtangkang sakupin ng Great Britain ang Timog
Carolina Natalo ang mga British sa Labanan sa King’s
Mountain noong huling bahagi ng 1780 at sa Labanan sa Cowpens(1781)
Nag-ipon ng lakas sa kaniyang hukbo si Gen. Cornwallis kaya pansamantalang humimpil muna sa Yorktown.
Lumaban ang 6,000 na hukbong Amerikano Sumuko si Gen. Cornwallis noong Oct. 19, 1781.
Komperensiya sa Paris (1783)Pormal na tinanggap ng Great Britain ang
kalayaan Ang Canada ay nanatiling kolonya ng Great
BritainNabuo ang nasyon at umunladNaging isang makapangyarihang bansa sa
hinaharap.Simbolo at inspirasyon sa maraming
kolonya
Mga salik sa Pagsiklab ng Rebolusyong PransesKawalan ng katarungan ng rehimenOposisyon ng mga intelektwal sa namayaning
kalagayanWalang hangganang kapangyarihan ng hariPersonal na kahinaan nina Haring Louis XV at
Haring Louis XVI bilang pinunoKrisis sa pananalapi na kinaharap ng
pamahalaan
Haring Louis XVI- isang Bourbon na ang pamumuno ay absoluto noong 1789.
Absoluto- makapangyarihang pinuno ng isang nasyon na ang basehan ay ang Divine Right Theory.
Divine Right Theory-paniniwala na ang kapangyarihan ng isang hari ay nagmula sa diyos para pamunuan ang bansa.
Tatlong Pangkat:Unang Estate- binubuo ng mga obispo, pari at
ilan pang may katungkulan sa SimbahanIkalawang Estate- binubuo ng mga maharlikang Ikatlong Estate- binubuo ng nakararaming bilang
ng mga Prqanses gaya ng mga magsasaka, may-ari ng mga tindahan, mga utusan, guro, manananggol, doktor at mga manggagawa.
1780- kinailangan ng pamahalaang France ng malaking halaga para itaguyod ang pangangailangan ng lipunan.
Una at Ikalawang Estado- di nagbabayad ng buwis
Ikatlong Estado- ang nagbabayad ng buwis. Magarbo at maluhong pamumuhay ng hari
at ng kaniyang pamilya Maraming digmaan ang sinalihan ng France
na umubos ng pera sa pangangailangan ng mga pangakaraniwang Pranses.
Idinaos na pagpupulong ni Haring Louis upang mabigyang lunas ang kakulangan sa salapi.
Hindi nagkasundo ang mga delegado sa paraan ng pagboto.
Dati nagpupulong nang hiwalay ang tatlong estado.
Karaniwang magkatulad ang boto ng una at ikalawang estado kaya laging talo ang huli.
Humiling ang ikatlong estado na ang bawat delagado ng asamblea ay magkaroon ng tig-iisang boto.
1,200 delegado ay mula sa ikatlong estado na humiling ng reporma.
Abbe Sieyes- isang pari na nagpanukala na idineklara ang ikatlong estado bilang Pambansang Assembly noong Hunyo 17, 1789.
Inimbitahan nila ang una at Ikalawang estado.
Dahil na rin sa panunuyo ng ikalawang estate, itinuloy pa rin Haring Louis XVI ang magkahiwalay na pulong.
Isinara ang lugar na dapat sana’y pagpupulungan ng ikatlong estate kung kaya’t nagtungo ang ikatlong estado sa Tennis Court ng palasyo.
Maraming pari at ilang noble ang sumama sa asamblea
Hiniling nila na bumuo ng isang konstitusyon at nanindigan na hindi aalis hangga’t hindi maisakatuparaan ang kanilang layunin.
Ibinigay ng hari ang hiling ng ikatlong estado na kanyang ipag-utos na sumama ang una at ikalaawang estado sa pambansang asamblea.
Unang pagwawagi ng ikatlong estado.
Nagkaroon ng malaki at popular na suporta sa Paris ang Bagong Asamblea.
Nagpadala ng mga sundalo sa Paris at Versailles ang hari upang payapain ang lumalaganap na kaguluhan.
Isang malaking kaguluhan ang nangyari noong Hulyo 14, 1789 nang sugurin ng mga galit na mamamayan ang Bastille.
Bastille- kulungan ng mga napagbibintangan at kalaban ng monarkiya.
Pagbagsak ng Bastille- pinakawalan ang mga nakakulong. Palatandaan ng paghahangad ng pagbabago sa pamahalaan.
Lumaganap ang kaguluhan sa iba-ibang panig ng France.
Sumama ang mga rebolusyonaryo sa pakikipaglaban na binubuo ng mga sundalo na handang ipagtanggol ang Asamblea.
Karaniwang nakasuot ng mga badges na pula, puti at bughaw.
1789- sa taong ito ang Constituent Assembly(dating Asambleyang Nasyonal) ay nakapaglabas ng isang bagong saligang batas.
Deklarasyon ng mga Karapatang Pantao at Mamamayan.
Binigyang diin ang lipunang Pranses ay kailangang may kalayaan, pagkakapantay-pantay at kapatiran.
September 1791-lubusang napapayag si Louis XVI na pamahalaan na ang France ng bagong Saligang Batas. Ang kapangyarihan ng mga nasa Simbahan at ng mga
maharlika ay nabawasan.
August 27, 1789- isinulat ang Declaration of the Rights of Man.Mga Ilang Prinsipyo:
Men are Born and Remain Free and Equal in Rights
Law is the Expression of the General Will of the People
The Aim of the Government is the Preservation of the Rights of Man
Every man is Presumed Innocent until Proven Guilty
1792- nagpadala ang Austria at Prussia ng mga sundalong tutulong upang talunin ang mga rebolusyonaryong Pranses.
Tinalo ng mga rebolusyonaryo ang mga sundalo. Lalong naging malakas at malaki ang rebolusyon
sa pamumuno ng isang abogado na si Goerges Danton.
Ang mga nobles ay bubuo ng alyansa sa ibang bansa sa Europe upang ibalik ang kapangyarihan ng hari ng France.
Sa yugtong ito ng rebolusyon, may 20,000 at maaari pang umabot sa 40,000 French na pinaghihinalaang kaaway ng Republika ang ipinapatay sa pamamagitan ng guillotine.Guillotine- isang makinaryang ginamit sa pagpapatupad ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagputol sa ulo ng nahatulan.
Binubuo ng limang opisyal na pinili ng Legislative Assembly.
Legislative Assembly- sangay ng pamahalaan na tagagawa ng batas. Itinatag nong 1791 matapos maipasa ang
konstitusyon at nagtapos ang National Assembly.
Nagwakas ang kapangyarihan noong Nobyembre 1799 dahil sa coup d’etat o pagpapatalsik sa pamahalaan.
Napoleon Bonaparte- pinakapopular at matagumpay na heneral hinirang noong 1799.Ipinalaganap ang kapangyarihan ng
France sa Austria, Spain, Prussia, Russia at Hilagang-kanluraang Italy, gayundin ang mga ideya ng Rebolusyong French.
Tanging ang Great Britain ang hindi nasakop.
Batas na nagtataguod ng pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan at makatuwirang sistema ng pagbubuwis.
Winakasan ang piyudalismo, itinaguyod ang edukasyon, pinayagang maluklok sa puwesto ang mga intelektwal at hinikayat ang kalayaan sa pagpili ng rehiyon.
Ito ay serye ng mga digmaang pinangunahan ni Napoleon. Nagwakas noong 1815 sa Digmaan sa Waterloo.Battle of Ulm -Tinalo niya ang AustriansBattle of Austerlitz- tinalo ang pinagsanib
na puwersa ng mga Austrians at RussiansBattle of Jena-natalo ang hukbong PrussiansRhine Confederation- pagsakop sa Gitnang
Germany
Nagtatag ng mga bagong pamahalaan at pinuno
Karamihan ay miyembro ng kanyang pamilyaJoseph- Hari ng Naples (1806) at Espanya
Louis- Hari ng Holland
Nagkaroon ng mga pag-aalsa laban sa pamamahala ng mga Pranses sa Spain at Portugal.
Nagpadala ng tulong ang Great Britain ng mga sundalo sa France ngunit tinalo ng mga Pranses.
Napagdesisyunan ni Napoleon na lusubin ang Russia upang madaling mapasok ang Britain.
Battle of Borodino (1812)- labanan sa pagitan ng 60,000 puwersang ipinadala ni Napoleon na binubuo ng Polish, German, Italyano at mga Pranses. Marami ang namatay sa labanan at kinulang ang bilang
ng mga sundalo. Pagdating ng hukbo ni Napoleon sa Moscow walang
inabutang tao. Nagkaroon ng malaking sunog sa Moscow at nadamay
ang mga gamit at tinitirhan ng mga sundalo ni Napoleon.
Pinabalik ni Napoleon ang hukbo sa France dahil sa sobrang lamig sa Russia ngunit marami ang namatay sa gutom, lamig ng klima o napatay ng mga Russians
Mga 20,000 sundalong Pranses na lamang ang nakabalik sa France.
Sinamantala ng mga British sa Espanya habang nakikipaglaban si Napoleon sa Russia.
Nasakop ng mga British ang Timog France Sinakop naman ng mga Ruso at Austrian ang
Hilagang France.
Digmaang Leipzig-labanan na kung saan ay na pulbos ang hukbong Pranses.
Ang Pagtakas ni Napoleon1823- tinalo ng pinagsamang puwersa
ng Britanya, Austria, Prussia at Russia si Napoleon.
Sumuko si NapoleonIpinatapon si Napoleon sa isla ng Elba,
malapit sa kanlurang baybayin ng Italya.
Nakatakas si Napoleon sa Elba noong Pebrero 1815 at nakabalik sa France.
Sinalubong ng mga dating sundalo niya. Bumuo ng isang hukbo at nagmartsa
patungong Paris upang agawin ang trono. Muling nagkaisa ang alyansang unang
tumalo sa kaniya. Nangyari ang labanan sa Waterloo, malapit
sa Netherlands.
Madaling natalo si Bonaparte sa pinagsanib na puwersang militar ng Britain at Prussia.
Sumuko noong June 22 sa mga British. Natapos ang kanyang “Isang Daang Araw”
o “Hundred Years War” Ipinatapon sa isla ng St. Helena, Atlantic
Ocean.Ang lugar na kaniyang kinamatayan noong 1821
na batay sa pagsusuri ay dahil sa arsenic poisoning.
Ayon kay John B. Harrison“Tulad ito ng kahon ni Pandora na nang
mabuksan ay nagpakawala ng mga kaispang nakagimbal at nakaimpluwensiya sa halos lahat ng sulok ng daigdig”
Ang simulain ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran ang naging tanglaw ng maraaming mga kilusang panlipunan, poltikal at pangkabuhayan.
Pagpapahalaga sa Nasyonalismo sa iba-ibang bahagi ng daigdig Isang proseso ang paglinang at pag-unlad
ng nasyonalismo, hindi maaaring biglaan.Kailangan itong madma, paghirpan ng
mga tao upang mahalin ang kanilang bansa
Ito ay damdamin ng pagiging matapat at mapagmahal sa bansa.
Kailangang isakripisyo pati ang buhay.
Peninsulares- mga taong nabibilang sa mataas na anatas sa lipunan. mga ipinanganak sa peninsula ng Iberia kung
saan matatagpuan ang Espanya at Portugal.Dinomina ang buhay-kolonyal.Sila ang nagmamay-ari sa mga malalaking
estado, kontrolado ang mga minahan, kalakalan at maging matataas na posisyon sa gobyerno, hukbong sandatahan at simbahan.
Mga taong Spanish o Portuguese na ipinanganak as Amerika.
Katumbas sa mga Peninsulares Ibinibilang sa lipunan na mas mababa at
hindi maaaring humawak ng mataas na posisyon sa lipunan.
Mga halong dugo Mga pangkat na
pinagbabawalang humawak ng mataas na posisyon sa lipunan.
Mga sundalo, magsasaka, manggagawa, abogado at mangangalakal.
Pinakamababang antas sa lipunan. Karamihan ay mga taong manggagawa
sa mga minahan at plantasyon Pinakamalaking populasyon Walang tunay na kapangyarihan.
Sa huling bahagi ng 1700 ay nagtaas ang buwis sa kolonya.
Nag-alsa ang mga katutubo noong 1780
Hiningi ang pagwawakas ng sapilitang paggawa at pagpapataw ng buwis
Hiniling din ang paghirang sa mga Indian sa posisyong gobernador.
Libo-libo ang namatay at nawasak. Tinalo ng puwersang Espanyol ang
mga rebelde at binitay ang pinuno ng rebelyon.
Habang may naganap na pag-aalsa sa Peru, naganap din ang pag-aalsa sa Colombia dahil sa mataas na paniningil ng buwis ng mga Kastila.
Pinangunahan ng mga magsasakang mestizo at ng mga Creoles ang 20,000 kataong puersa na nagmartsa patungong Bogota noong 1781.
Winasak din ng gobyerno ang lakas ng mga rebelde at binitay ang mga pinuno nito.
St. Dominique- kolonya ng France at isa sa pinakamayamang kolonya ng Europa sa Amerika. Mga 400,000 na alipin ang nagtatrabaho sa
mga plantasyon ng asukal Mga 22000 mulatto ang nanirahan sa kolonya Karamihan sa mga taong ito ay malaya at
nagmamay-ari ng lupain, ngunit pinagbawalan silang maging abogado, doktor at ibang propesyon.
Vincent Oge
Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (1789)
Naging inspirasyon niya upang hingin ang kalayaan ng mga mulatto.
Siya ay pinatay ng mga French.
Nanguna sa pag-alsa noong 1791 na kung saan ay napalayas ang mga French sa St. Dominique.
Sinalakay ni Naopleon ang kolonya.
Nadakip at ipinakulong sa piitan malapit sa Alps at doon namatay.
Noong 1804, pagkatapos ng 13 taong pakikidigma, idineklara ni Dessalines ang Haiti bilang isang nagsasariling bansa.
Haiti- hango sa wikang Pranses na “bulubunduking lupain”
Simon Bolivar Tinawag na “George Washington”
ng Latin Amerika. Ipinanganak sa mayamang pamilya
sa Venezuela at nag-aral sa Espanya Nagsilbing inspirasyon niya ang mga
pangyayari sa Rebolusyong Amerikano at French.
Pinangunahan niya ang libo-libong mga sundalo sa gawing kanluran ng lambak ng Ilog Orinoco patungong Andes noong 1819.
Mahigit 100 sundalo ang namatay sa pabagtas sa bundok ngunit tinalo ang tropang kastila.
Naging pangulo si Bolivar ng Great Colombia.
Nanguna sa isang hukbo sa hilaga mula Argentina
Magkakaroon ng ganap na kalayaan ang Argentina kung tuluyang mapalayas ang mga Espanyol sa Chile at Peru.
Noong 1817, sinakop nina San Martinang Chile.
Noong 1821, sinakop ang Lima, Peru na sentro ng kapangyarihang Espanyol
Dec. 9, 1824 Winasak ng hukbo ni
Bolivar ang hukbong Kastila sa kanayunan ng Ayacucho
Tanda ng tagumpay ng mga pangkat pangkalayaan sa Hilagang Amerika.
MIGUEL HIDALGO
Isang paring creole ng Dolores, Mexico ay naghanda ng pag-aalsa laban sa Espanya.
Nanawagan ng kalayaan Ibalik ang lupain sa mga
Indian Wakasan ang pang-aalipin
na tinawag na ‘Cry of Dolores”
50,000 na tauhan ni Hidalgo sumugod sa Mehiko.
Natalo sila ng mga Kastila
Binitay si Hidalgo
“Ama ng Kalayaan sa Mehiko”
September 16 ang araw ng Kalayaan
Isang paring mestizo
Noong 1813, nakontrol nila ang timog ng Mexico
Idineklara ang kalayaan
Pinatay noong 1815
Nagrebelde ang mga sundalong Kastila at pinilit sa hari na ibalik ang Konstitusyon ng 1812
Sumama ang mga creoles sa mga rebelde
Pinalayas sa bansa si Ituberde at idineklara ang Republika noong 1823
United Provinces of Central AmericaSamahan ng mga
bagong bansa ng Costa Rica, El Salvador, Guatemala, Honduras at Nicaragua.
Napilay dulot ng mga alitan ng mga miyembre
BrazilNatamo ang kalayaan
sa matahimik na paraan.
Noong 1821, iniwan ng hari sa anak na si Pedro ang kolonya at idineklara ang kalayaan pagkaraan ng isang taon sa payo ng ama.
Congress of Vienna (1814-1815)
Pulong sa Vienna upang ibalik ang dibisyon ng mga teritoryong nasakop ni Napoleon.
Ibinalik kay Ferdinand I ang kaharian ng Dalawang Sicily.
RisorgomentoKilusang pangkalayaan noong 1820 at 1830.
GIUSEPPE MAZZINI
Isang mahalagang tagapagtatag ng Young Italy
“Ngayon ay iba na, wala tayong sariling bandila, walang boses sa mga bansa sa Europa”
Count Camilio di Cavour
Punong ministro ng Sardinia
Nanguna sa labanan upang labanan ang hukbong Austrian.
Pinaunlad ang ekonomiya at pinalawak ang hukbo
Sinang-ayunan ni haring Victor Emmanuel II.
Nakipag-alyado sa Britain at France noong 1850 sa kanilang laban sa Russia sa Digmaang Crimea.
Nakuha ang Nice at Savoy sa France
Gumawa ng krisis si Cavour na nagpagalit sa mga Ottoman.
Nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan
Nakuha ang Lomabrdy, Parma at Modena.
Ang Romania ay naging bahagi ng Sardinia
Noong 1860, ang 1000 sundalong Italyano ang bumuo ng isang hukbo upang palayain ang Kaharian ng Dalawang Sicili mula sa Haring Bourbon.
Naglakbay mula Genoa patungong Sicily.
Giuseppe Garibaldi
Tumayong komander Patriotismo Napalaya ang Sicily at
pinasok ang Naples Planong pasukin ang
Roma Napigilan ni Cavour Nabuo ang unyon ng mga
estado sa pamumuno ng Sardinia.
Junkers- nanawagan sa mga pinuno na tanggalin ang lahat ng mga taripa sa mga angkat na produkto.
Zollverein- organisasyong nagbababa sa taripa sa mga miyembro.
Sinimulang ang iisang sistema ng pananalapi
Nagbago ang ekonomiya at lumakas ang industriya.
Maraming Aleman ang nagsimulang magbigay ng suporta sa pagkakaisang politikal.
Punong Ministro noong 1862 sa ilalim ni Haring William I.
Nakilala sa pagtanggi sa burukrasya at liberal na Parliament ng Prussia.
Tinanggihan ang demokrasya at nais palawakin ang kapangyarihan ng hari.
Isang master Realpolitik.
Isang uri ng politika kung saan mas dapat mangibabaw ang tagumpay kaysa sa legalidad o ideyalismo
Ang kinabukasan ng Alemanya ay mabubuo sa pamamagitan ng digmaan.
“Hindi sa mga talumpati, kkundi sa pamamagitan ng dugo at bakal.
Plano ni Bismarck ay paalisin ang Austria sa konpederasyon at ilagay ang ibang estado ng Alemanya sa kontrol ng Prussia
Inangkin ng Denmark ang dalawang rehiyon ng Schleswig at Holstein
Nagdeklara ng digmaan Austria at Prussia ang digmaan laban sa Denmark.
North German Confederation
Natalo ang Danes Inakopa ang dalawang
rehiyon na pinag-agawan ng Austria at Prussia.
Naganap ang “Pitong Linggong Digmaan”
(Seven Weeks’ War) Natalo ng Prussia ang
Austria dahil sa lubos na kasanayan ng mga hukbo.
Binuo ni Bismarck ang isang bagong unyon
Ang mga Katoliko sa timog ng Alemanya ay hindi interesadong mapasailalim ng Prussia na dinominahan ng mga Protestante.
Nanganba ang France sa paglaki ng Alemanya kung kaya’t tinutulan niya ang pagsanib ng mga estadong timog sa Alemanya
Muli, ginait ni Bismarck ang digmaan bilang paraan sa pag-iisa.
Noong 1868, ang trono ng Spain ay inalok sa isang prinsipeng mula sa pamliyang Hohenzollern, isang namumunog ng pamilya sa Prussia.
Nabahala ang France Nawala ang tensiyon ng
tinanggihan ng prinsipe ang alok.
Nagpadala ng telegrama c William ng Prussia kay Bismarck ang kahilingan ng France.
Ngunit, binago ni Bismarck ang telegrama.
King William I of Prussia
Hulyo 1870 Hindi mapantayan ng
puwersang French ang lakas ng hukbo ng Prussia
Ang mga estado ng Alemanya satimog ay tumulong sa Prussia.
Sa loob ng anim na linggo, tinalo ang hukbong France at binihag si Napoleon III
Ang Digmaang Franco-Prussian ang naging huling hakbang ni Bismarck sa pag-iisa ng Alemanya.
Sa Versailles, kinoronahan si Haring William I bilang kaiser o emperador ng Alemanya.
Si Bismarck naman ay naging Chancellor- ang pinakamataas na opisyal sa ilalim ng hari.
Ang bagong imperyong Aleman ay binuo ng dalawapu’t limang estado sa ilalim ng isang malakas na gobyernong sentral na nakilala bilang Second Reich.
Itinuturing ang Holy Roman Empire na First Reich.
Reich- salitang german na ang kahulugan ay “imperyo” o “nasyon”
Nasyonalismo-daan sa pag-iisa ng Italy at Germany, naging pangamba nman ito sa mga lumang imperyo ng Europa.
Hapsburg- Austria Ottoman Turks
Hapsburg- itinuturing na pinakamatandang pamliyang namuni sa Europa.
Lupain ng Austria, Bohemia at Hungary at ibang bahagi ng Romania, Poland, Ukraine at Hilagang Italy.
Fancis I at Klemens von Metternich na kanyang ministro sa Ugnayang Panlabas ay sumusuporta sa mga layuning konserbatibo laban sa puwersang liberal.
Hindi nagamit ang salitang konstitusyon.
Nilimitahan ang kaunlaran sa industriya dahil ito ay panganib sa tradisyonal na pamumuhay.
Ngunit noong 1840, dumami ang pabrika at naging suliranin ng mga Hapsburg ang problemang dulot ng industriyalisasyon.
Malakas na panawagan ng mga nasyonalista.
Ang mga Hapsburg ang may kontrol sa isang imperyong multinational.
Sa 50 milyon na populasyon, ang halos kalahati na ay kasali sa pangkat na kinabibilangan ng mga Czech, Slovak, Pole, Ukrinian, Serb, Croat, Slovene, Hungarian at Italian.
Francis Joseph- ang nagmana ng trono ng Hapsburg
Malaking hamon sa kanya ay ang pagkatalo at kahihiyan ng France at Sardinia noong 1859.
Kailangang palakasin ang imperyo.
Nagpaunlak ng pagkakaroon ng konstitusyong nagtatalaga ng lehislatura ngunit diniminahan ng mga Aleman na nagsasalita ng Austrian.
Hinnddi nasiyahan ang mga nasyonalista sa reporma.
Tumanggi ang mga Hungarian at determinadong makamtan ang pagsasarili sa bansa.
Mga malalaking imperyo sa Euorpe noong ika-19 na siglo.
Imperyo ng Austria
Imperyong Ottoman
Imperyo ng Russia
Ang silangang Europa ay lubhang nahuhuli kung ihahambing sa Kanlurang Europa.
Ang mga imperyong ito ay may mababang antas ng edukasyon at kakaunti ang industriya
Ang gobyerno ay pinamamahalaan ng mga aristocrat kung kaya’t ang mga tao ay walang boses sa gobyerno
Ang lipunan ng mga imperyo sa Silangang Europa ay napasok ng mga Kanlurang ideya.
Namulat ang mga tao sa diwa ng liberalsimo, demokrasya at nasyonalismo.
Natutunan nila ang tungkol sa mga rebelyong naganap sa iba’t ibang bahagi ng Kanlurang Europa.
Soviet Union o Russia pinakamalaking bansa sa daigdig.Malawak na lupain na sumasakop sa dalawang lupalop
ng Asia at Europe.Halos doble ang laki sa United StatesDumating ang mga Tartar o Mongol noong ika-13 siglo
mula sa Asia at sinakop ang mga mamamayan ng Russia nang mahigit sa 200 taon.
Nag-iwan ng bakas sapananalita, pananamit at kaugalian ng Russo ang nasabing panahon ng pananakop.