23
Pangangalag a sa Teritoryo at mga Likas na Yaman Mrs. Carolina D. Mojica Villamor Air Base Elementary School HEKASI VI Teacher

Pangangalaga sa Teritoryo at Likas na Yaman

Embed Size (px)

Citation preview

Pangangalaga sa

Teritoryo at mga Likas na Yaman

Mrs. Carolina D. Mojica

Villamor Air Base

Elementary School

HEKASI VI Teacher

Alamin ang Kahulugan?

Lisensya- Katibayan ng pagpapahintulot o permiso

Balanse- Pantay, Magkatimbang

Puspusan- Walang tigil sa paggawa upang matapos ang

gawain

Masugpo- Mapigilan o mapatigil

Mga Batas sa Pangangalaga ng Teritoryo at Likas na yaman ng

Bansa Mahalagang pangalagaan ang ating teritoryo at mga Likas na Yaman sapagkat

nakasalalay dito ang ating pamumuhay.

Sa pagpapatupad ng batas, programa o kilusan, ang ating pamahalaan ang may

sinusunod na patakaran upang makatuon ang mga likas na yaman sa pangangailangn ng mga mamamayang Pilipino ngayon, pati

na sa susunod na henerasyon.

Anu-ano nga ba ang mga batas na ipinapatupad upang mapangalagaan ang

ating teritoryo at likas na yaman.

Mga Batas sa Pangangalaga ng Teritoryo at Likas na yaman ng

Bansa Artikulo XII Seksyon II ng Sanligang Batas- isinasaad ng artikulo na dapat pangalagaan ng Estado ang mga yamang likas na pag-aari ng bansa. Narito ang iilan sa mga nilalaman

ng nasabing probisyon.

“Ang lahat ng mga lupain ari ng bayan, mga tubig, ang mineral, karbon, petrolyo at iba pang mga langis mineral,

lahat ng mga lakas na magagamit na enerhiya, mga pangisdaan, mga kagubatan o mga kahuyan, buhay-ilang,

halaman at hayop, at iba pang mga likas na kayamanan ay ari ng Estado.  Hindi maaaring ilipat kanino man ang lahat ng iba

pang mga likas na kayamanan maliban sa mga lupaing pansakahan.  Dapat sumailalim sa ganap na kontrol at

superbisyon ng Estado ang paggalugad, pagpapaunlad, at pagsasagamit ng mga likas na kayamanan…”

Mga Batas sa Pangangalaga ng Teritoryo at Likas na yaman ng

Bansa Isinasaad pa din na…“Dapat pangalagaan ng Estado ang yamang-dagat ng bansa

sa mga karagatang pangkapuluan, dagat teritoryal at eksklusibong sonang pangkabuhayan nito, at dapat ilaan ang

eksklusibong paggamit  at pagtatamasa nito sa mga mamamayang Pilipino…”

Dahil sa sinasabing ito ng sanligang batas, gumawa ang pamahalaan ng mga

batas at patakarang ipinapatupad upang mapangalagaan ang likas na

yaman.

Kinakailangan ng pakikibahagi ng mamamayan para maabot ang layuning

ito.

Ilang Batas sa

Pangangalaga ng Yamang-

Tubig

Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Tubig

Atas ng Pangulo Blg. 1058- Ipinag babawala ng paggamit ng

dinamita, lason, kuryente, at bangkang de motor sa

pangingisda.

May parusang dalawampu’t hanggang habang buhay na pagka

bilanggo ang sinumang mangingisda sa pamamagitan ng

maling pamamaraan. Proklamasyon Blg 152- Nagdedeklara ng ilang pook

latian bilang mga pook-ilang kaya bawal ang anumang uri ng gawain doon.

Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Tubig

Kautusan Blg. 155 (Pangangasiwa sa Pangisdaan) - Bawal ang gumamit

ng pinung lambat sa pangingisda sapagkat nahuhuli nito ang maliliit na

isda na dapat ay lalaki pa.

Mga Atas ng Pangulo Blg. 1219 at 1688- Nagbabawal sa pagbebenta at

pagluluwas ng karaniwan at matataas na uri ng korales.

Batas sa Pangangalaga ng Yamang-Tubig

At ang batas “Philippine Clean Water Act of 2004- Ipinagbabawal ng batas na ito ang mga sumusunod na

gawain: Paglalagay o pagtatapon ng anumang magiging sanhi ng poluusyon at sagabal sa malayang pagdaloy ng tubig.

Pagdadala, pagtatambak, o pagtatapon ng mga ipinagbabawal na chemical substances.

Pagtatapon ng mga sasakyang pandagat

sa kanilang mga medical

Waste sa karagatan.

Ilang Batas at Alituntunin sa pangangalaga ng yamang-

Gubat at Lupa

Batas at Tuntunin sa Pangangalaga ng yamang

Gubat at Lupa Pagbabawal ng mga pagputol ng punong kahoy sa mga piling lugar

kung saan labis pang maliliit ang mga puno at wala pang kapalit ang puno

na pinutol

Ipinagbawal ang mga mangangahoy na pumutol ng puno ng walang

pahintulot ng “Forest Management Bureau “

Batas at Tuntunin sa Pangangalaga ng yamang

Gubat at Lupa Mahigpit na ipinagbabawal ang pagputol ng mga puno sa lugar na dapat magkaroon ng proteksyon laban sa bagyo at

baha.

Ipinagbabawal ang paluluwas ng troso sa bansa.

Batas at Tuntunin sa Pangangalaga ng yamang

Gubat at Lupa Hindi pahihintulutang

pumutol ng kahoy ang alin mang industriyang gumagawa

ng mga produktong kahoy kung walang lisensya.

Ipinagbabawal ng ating konstitusyon na magmay-ari ng lupain o mangalkal ang mga dayuhan,sukdulang hawiin ang ating kagubatan at dumihan ang mga

katubigan.

Mga Ahensya, kawanihan at Samahan na

Nangangalaga ng likas na Yaman

Department of Environment and Natural Resources(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman)

Ang kagawarang ito ay ang punong ahensya ng pamahalaan na nangangalaga at nag iingat ng Likas na Yaman.

Nasa Ilalim ng kapangyaruhang ito ang kawanihang may tiyak na tungkulin sa ikabubuti ng ating likas na yaman.

ito ang mga sumusunod:

- Kawanihan ng Pamahalaan sa kapaligiran - Kawanihan ng Pamahalaan sa Kagubatab - Kawanihan ng mga Minahan at heo-Siyensya - kawanihan ng Pinag- iingatang Pook - Kawanihan ng Pamahalaan sa Kalupaan

Department of Environment and Natural Resources

(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman) Kawanihan ng Pamahalaan sa

Kapaligiran / Bureau of Environment Management

Nangangasiwa ito sa wastong pamamahala sa kapaligiran

May mga tanggapan itong binubuo para sa pamamahala ng pagpapabuti ng hanging nilalanghap ng mga tao, na mga tubig na mapapakinabangan, wastong pagsasaayos ng mga basura

at iba pang mga nakakalasong kemikal.

Department of Environment and Natural Resources

(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman)

Kawanihan ng Pamamahala sa Kagubatan / Forest Management

Bureau

Layunin nitong mapamahalaan ang kagubatanng mabuti. Nang sa ganon

ay maging balanse at wasti ang paggamit natin sa mga Yaman na likas

ng kagubatan.

Department of Environment and Natural Resources

(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman) Kawanihan ng Minahan at

Heo-Siyensya / Bureau of Mines and geo-Sciences

Pinagsisikapan ng kawanihan na ito na maitaguyod ang

Yamang Mineral ng bansa sa pagpapataas ng Ekonomiya.

Katuwang nito gumagawa sila ng paraan para sa pagsasaayos, at pagpapabuti ng minahan dito

sa ating bansa.

Department of Environment and Natural Resources

(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman) Kawanihan ng Pinag I-ingatang

Pook at Buhay-Ilang / Protected Areas and Wildlife Bureau

Tungkulin ng kawanihan na ito na panatilihing maayos, malinis, at di magagalaw ninuman ang

nasabing lugar na protektado ng batas.

Kasama sa tungkulin nila rito ang pag-aalaga ng mga hayop na

nanganganib nang maubos.

Department of Environment and Natural Resources

(Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman)

Kawanihan ng Pamamahala sa Kapuluan / Land management

Bureau

Tungkulin nito na mangasiwa at mamahala sa mga kalupaan ng

bansa.

Kasama ang pamamahagi ng lupa upang ito ay malinang nang

mabuti at mapagkinabangan.

Department of Agriculture(Kagawaran ng Agricultura)

Ang Kagawarang ito ay ang punong ahensya ng

pamahalaan na nagpapatupad ng mga kaukulang hakban sa

pagpapabuti ng larangan ng Pang-Agrikultura ng bansa

na may kinalaman sa Pangingisda at Pagsasaka.

Department of Agriculture(Kagawaran ng Agricultura)

Bureau of Fisheries and Aquatic Resources / Kawanihan ng pangisdaan at Yamang Tubig

Tungkulin na manaliksik at magpatupad ng batas kaugnay

sa pangingisda .

Tamang pag linang ng Yamang Tubig ang una sa kanilang

ipinapatupad.

Department of Agriculture(Kagawaran ng Agricultura) Kawanihan ng Pamamahala

sa kalupaan at katubigan / Bureau of Soils and Water

Management

Tungkulin ng kawanihan na ito na tulungan ang mga

mamamayan para sa pagsasaliksik ng mabisa at

wastong paggamit ng lupa at tubig.