47
Narinig mo na ba ang na Tuntuning Espiritual?

Four Spiritual Laws Tagalog

Embed Size (px)

DESCRIPTION

How to Know God Personally? What does it take to begin a relationship with God? Devote yourself to unselfish religious deeds? Become a better person so that God will accept you? You may be surprised that none of those things will work. But God has made it very clear in the Bible how we can know Him. The following principles will explain how you can personally begin a relationship with God, right now, through Jesus Christ...

Citation preview

Page 1: Four Spiritual Laws   Tagalog

Narinig mo na ba ang

na Tuntuning Espiritual?

Page 2: Four Spiritual Laws   Tagalog

Kung paanong may batas na pisikal na sinusunod ang daigdig, gayon din naman, may mga tuntuning espirituwal na may kinalalaman sa iyong kaugnayan sa Diyos.

(Hangga't maari, ang mga talatang binabanggit sa presentasyon na ito ay dapat basahin sa kanilang kabuuan mula sa Bibliya.)

Page 3: Four Spiritual Laws   Tagalog

UNANG TUNTUNIN UNANG TUNTUNIN

INIIBIG KA NG DIYOS AT SIYA'Y MAY MAGANDANG PLANO SA IYONG BUHAY.

Page 4: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang Pag-ibig ng Diyos

"Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Juan 3:16).

Page 5: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang Plano ng Diyos

(Si Kristo ang nagsasalita) "Ako'y naparito upang sila'y magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito" (Juan 10:10).

Page 6: Four Spiritual Laws   Tagalog

Bakit ang karamihan ay hindi

nakararanas ng masaganang buhay?

Sapagka't...

Page 7: Four Spiritual Laws   Tagalog

IKALAWANG TUNTUNIN

ANG TAO AY MAKASALANAN AT NAHIWALAY SA DIYOS, KAYA'T HINDI NIYA MAAARING MALAMAN AT MARANASAN ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIYOS SA KANYANG BUHAY.

Page 8: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang Tao ay Makasalanan

"Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng diyos" (Roma 3:23).

Page 9: Four Spiritual Laws   Tagalog

• Ang tao ay nilikha upang makasama ng Diyos, subali't ayaw niyang pasakop sa Diyos.

• Humiwalay siya ng daan, na ikinasira ng pakikisama niya sa Diyos.

• Ang katigasang ito ng tao na nakikilala sa tahasang pagsuway o pagwawalang bahala ay nagpapatunay sa tinatawag ng Bibliya na kasalanan.

Page 10: Four Spiritual Laws   Tagalog

Nahiwalay ang Tao sa Diyos

• "Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan (espirituwal na pagkahiwalay sa Diyos) (Roma 6:23).

Page 11: Four Spiritual Laws   Tagalog

espirituwal na pagkahiwalay sa Diyos

Page 12: Four Spiritual Laws   Tagalog

Larawang-guhit:

Inilalarawan dito na banal ang Diyos at makasalanan ang tao, at sila ay magkahiwalay. Patuloy na nagsisikap ang tao na maabot ang Diyos at ang masaganang buhay sa pamamagitan ng kaniyang sariling paraan, tulad ng

Page 13: Four Spiritual Laws   Tagalog

mabuting kaugalian, pilosopiya o relihiyon.

Page 14: Four Spiritual Laws   Tagalog

-ngunit siya’y nabigo…

Ipinaliliwanag ng ikatlong tuntunin ang tanging paraan upang matugunan ang suliranin ng tao.

Page 15: Four Spiritual Laws   Tagalog

IKATLONG TUNTUNIN IKATLONG TUNTUNIN

• SI JESUS-KRISTO ANG TANGING LUNAS SA KASALANAN NG TAO. SA PAMAMAGITAN NIYA AY MALALAMAN MO ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIYOS SA IYONG BUHAY.

Page 16: Four Spiritual Laws   Tagalog

Namatay Siya Para sa Atin

Ngunit ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin. (Roma 5:8).

Page 17: Four Spiritual Laws   Tagalog

Nabuhay Siyang Muli

• "Si Kristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan... At Siya'y inilibing, at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan;

Page 18: Four Spiritual Laws   Tagalog

At Siya'y napakita kay Pedro, saka sa labindalawa. Pagkatapos ay napakita sa mahigit na limang daang kapatid..." (1 Corinto 15:3-6).

Page 19: Four Spiritual Laws   Tagalog

Siya ang Tanging Daan Patungo sa Diyos

“Sinabi sa kaniya ni Jesus, 'Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makapaparoon sa Ama, kundi sa pamamagitan Ko” (Juan 14:6).

Page 20: Four Spiritual Laws   Tagalog

Larawang-guhit:

• Inilalarawan dito na nilutas ng Diyos ang pagkakahiwalay natin sa Kanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanyang Anak na si Jesus-Kristo upang mamatay sa krus para sa kabayaran ng ating mga kasalanan..

Page 21: Four Spiritual Laws   Tagalog

Si Jesus Kristo ay namatay sa krus para sa kabayaran ng ating mga

kasalanan…

Page 22: Four Spiritual Laws   Tagalog

Hindi sapat na malaman lamang ang tatlong (3) tuntuning ito...

Page 23: Four Spiritual Laws   Tagalog

IKA-APAT NA TUNTUNIN IKA-APAT NA TUNTUNIN

• KINAKAILANGAN NATING TANGGAPIN SI JESUS-KRISTO NA ATING TAGAPAGLIGTAS AT PANGINOON; SAKA LAMANG NATING MALALAMAN AT MARARANASAN ANG PAG-IBIG AT PLANO NG DIYOS SA ATING BUHAY.

Page 24: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang Pangangailangan ng Pagtanggap kay Kristo

Page 25: Four Spiritual Laws   Tagalog

"Datapwa't ang lahat ng sa kaniya'y nagsitanggap, ay pinagkalooban Niya sila ng karapatang maging mga anak ng Diyos, samakatuwid baga'y ang mga nagsisisampalataya sa Kanyang pangalan." (Juan 1:12)

Page 26: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang Pagtanggap kay Kristo ay sa Pamamagitan ng Pananampalataya

"Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri" (Efeso 2:8,9).

Page 27: Four Spiritual Laws   Tagalog

Kapag Tinanggap mo Kristo, Makakaranas ka ng isang Bagong Kapanganakan (Basahin: Juan 3:1-8.)

5Sumagot si Jesus: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo: Malibang ang isang tao ay ipanganak ng tubig at ng Espiritu hindi siya makakapasok sa paghahari ng Diyos. 6Ang ipinanganak sa laman ay laman at ang ipinanganak sa Espiritu ay espiritu. 7Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kinakailangang ipanganak kang muli. 8Ang hangin ay umiihip kung saan nito ibig. Naririnig mo ang ugong nito ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Gayon ang bawat ipinanganak sa Espiritu.

Page 28: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang Pagtanggap kay Kristo sa Pamamagitan ng Paanyayang

Personal

(Si Kristo ang nagsasalita): "Narito Ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako'y papasok sa kaniya" (Apocalipsis 3:20).

Page 29: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang pagtanggap kay Kristo ay nangangailangan ng pagbabalik-loob sa Diyos (pagsisisi) at pagtitiwala kay Kristo na papasok sa ating buhay, magpapatawad sa ating mga kasalanan at babaguhin ang ating buhay ayon sa Kanyang kalooban.

Page 30: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang malaman lamang o sumang-ayon na si Jesus-Kristo ay ang Anak ng Diyos at Siya'y namatay sa krus para sa ating mga kasalanan ay hindi sapat. Hindi rin sapat ang magkaroon lamang ng emosyonal na karanasan. Ang pagtanggap kay Jesus-Kristo ay sa pamamagitan ng pananampalataya, isang kapasiyahan ng kalooban.

Page 31: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang dalawang larawan ay kumakatawan sa dalawang uri ng

buhay:

• Aling larawan ang kumakatawan ng iyong buhay?

• Aling larawan ang ninanais mong kumatawan ng iyong buhay?

Buhay na Pinaghaharian ng Sarili – Unang Larawang bilogBuhay na Pinaghaharian ni Kristo – Pangalawang Larawang bilog

Page 32: Four Spiritual Laws   Tagalog

Buhay na Pinaghaharian ng Sarili

• S – Sarili ang nasa trono

+- Kristo nasa labas ng buhay

• Mga hilig at naisin ay pinaghaharian ng sarili at tuloy nagbubunga ng kabiguan sa buhay

Page 33: Four Spiritual Laws   Tagalog

Buhay na Pinaghaharian ni Kristo

+ - Kristo nasa buhay at nasa trono

S – Sarili ay wala sa trono Mga hilig at naisin na

pinaghaharian ni Kristo ayon sa layunin ng Diyos

Page 34: Four Spiritual Laws   Tagalog

SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, MAARI MONG TANGGAPIN SI KRISTO NGAYON DIN SA PANANALAGIN.

(Ang panalangin (Ang panalangin ay pakikipag-ay pakikipag-usap sa Diyos) usap sa Diyos)

Page 35: Four Spiritual Laws   Tagalog

Alam ng Diyos ang katayuan ng iyong puso at hindi Niya pinapansin ang paraan ng pagsasalita kundi ang nilalaman ng iyong puso.

Page 36: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang sumusunod ay isang mungkahing panalangin lamang:

Panginoong Jesus, kailangan kita. Salamat sa pagkamatay mo sa krus para sa aking mga kasalanan: Binubuksan ko ang aking puso at tinatanggap Kita bilang aking Tagapagligtas at Panginoon. Salamat po sa pagpapatawad Mo sa aking mga kasalanan. Ikaw po ang maghari sa trono ng aking buhay. Gawin Mo po akong isang taong namumuhay ayon sa lyong kalooban. Amen.

Page 37: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang panalangin bang ito ang

nais ng iyong puso?

Kung gayon nga, idalangin ito ngayon din at si Kristo'y papasok sa iyong buhay, tulad ng Kanyang ipinangako.

Page 38: Four Spiritual Laws   Tagalog

Paano Malalaman Na Si Kristo'y Nasa

Ating Buhay • Tinanggap mo ba si Kristo sa iyong buhay?

• Sang-ayon sa Kanyang pangako sa Apocalipsis 3:20, nasaan na si Kristo ngayon? Sinabi ni Kristo na papasok sa iyong buhay.

• Magsisinungaling ba Siya sa iyo? Paano mo nalaman na sinagot ng Diyos ang iyong panalangin? (Ang katapatan ng Diyos at ng Kanyang Salita ang katunayan. Tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako.)

Page 39: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ipinangangako ng Bibliya ang Buhay na Walang Hanggan sa Lahat ng Tatanggap kay Kristo

"At ito ang patotoo, na tayo'y binigyan ng Diyos ng buhay na walang hanggan, at ang buhay na ito ay nasa Kaniyang Anak. Ang kinaroroonan ng Anak ay kinaroroonan ng buhay; (ngayon din) ang hindi kinaroroonan ng Anak ng Diyos ay hindi kinaroroonan ng buhay. Ang mga bagay na ito ay isinulat ko sa inyo, upang inyong maalaman na kayo'y mayroong buhay na walang hanggan" (1 Juan 5:11-13).

Page 40: Four Spiritual Laws   Tagalog

Pasalamatan mong lagi ang Diyos na si Kristo'y nasa iyong buhay at hindi ka Niya iiwan. “Kailanman ay hindi kita iiwan at kailanman ay hindi kita pababayaan” (Hebreo 13:5). Malalaman mo sa pamamagitan ng Kanyang pangako na si Kristo'y nananahan sa iyo at ikaw ay may buhay na walang hanggan, mula nang Siya'y papasukin mo sa iyong buhay. Hindi ka Niya dadayain.

Page 41: Four Spiritual Laws   Tagalog

HUWAG UMASA SA PAKIRAMDAM

Ang pangko ng Salita ng Diyos at hindi ang ating pakiramdam ang ating batayan. Ang Kristiyano ay nabubuhay sa pananampalataya (pagtitiwala) sa Diyos at sa Kanyang Salita. Ang trak ay naglalarawan ng kaugnayan ng katotohanan (Diyos at ang Kanyang Salita), pananampalataya (ang ating pagtitiwala sa Kanya at sa Biblyia) at pakiramdam (ang bunga ng ating pagtitiwala at pagsunod) (Juan 14:21).

Page 42: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang trak ay tatakbo kahit wala ang treyler. Subalit ito'y hindi maaaring tumakbo kung treyler ang hihila. Katulad din nito, ang isang Kristiyano na hindi umaasa sa pakiramdam o emosyon, kundi ang pagtitiwala niya ay sa Diyos at sa mga pangako ng Kanyang Salita.

Page 43: Four Spiritual Laws   Tagalog

NGAYONG TINANGGAP MO NA SI KRISTO

Sa sandaling tinanggap mo si Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya, maraming bagay ang nangyari, kasama ang mga sumusunod:

• Si Kristo ay pumasok sa iyong buhay (Apocalipsis 3:20 at Colosas 1:27).

• Pinatawad na ang iyong mga kasalanan (Colosas 1:14; 2:13);

• Ikaw ay naging anak ng Diyos (Juan 1:12).

• Ikaw ay nagkaroon ng buhay na walang hanggan (Juan 5:24).

• Nagsimula ka nang mamuhay sang-ayon sa kalooban ng Diyos (Juan 10:10; II Corintos 5:17 at 1 Tesalonica 5:18).

Page 44: Four Spiritual Laws   Tagalog

MGA MUNGKAHI SA PAGLAGO SA BUHAY KRISTIYANO

Ang paglago sa buhay Kristiyano ay bunga ng pagtitiwala kay Kristo. "Ang matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya"

(Galatia 3:11).

Page 45: Four Spiritual Laws   Tagalog

Ang buhay na may pananampalataya ay makakatulong sa iyo upang patuloy na ipagkatiwala mo sa Diyos ang bawa't bahagi ng iyong buhay at upang gawin ang mga sumusunod:

• Manalangin sa Diyos araw-araw (Juan 15:7).

• Basahin ang Biblyia araw-araw (Mga Gawa 17:11)- magsimula sa ebanghelyo ni Juan.

• Sundin ang Diyos tuwina (Juan 14:21).

• Magpatotoo para kay Kristo sa pamamagitan ng iyong buhay at salita (Mateo 4:19; Juan 15:8).

• Ipagkatiwala ang bawa't bahagi ng iyong buhay sa Diyos (1 Pedro 5:7).

• Magpasakop sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu (Galatia 5:16,17; Mga Gawa 1:8).

Page 46: Four Spiritual Laws   Tagalog

MAHALAGA ANG PAGDALO SA PAGTITIPON NG MGA

MANANAMPALATAYA

Sa Hebreo 10:25, sinasabihan tayo na huwag kaliligtaan "ang pagdalo sa ating mga pagtitipon..." Maningas ang apoy pagtabi-tabi ang maraming kahoy; ihiwalay mo ang isa at mamamatay ang dingas nito. Gayon din naman ang kaugnayan mo sa ibang mga mananampalataya. Kung hindi ka pa kaanib ng isang sambahan, huwag mong hintaying anyayahan ka pa. Magkusa kang dumalo sa isang sambahang si Kristo ang sinasamba at ang Salita ng Diyos ang ipinangangaral. Simulan sa darating na Linggo ang palagiang pagdalo.

Page 47: Four Spiritual Laws   Tagalog

Bagong Buhay

Ikaw ay may buhay na walang hanggan, mula nang Siya'y papasukin mo sa iyong buhay. “Kaya nga, kung ang sinuman ay na kay Kristo, siya ay bago nang nilalang. Ang mga dating bagay ay lumipas na, narito, ang lahat ng bagay ay naging bago.” (2 Mga Taga-Corinto 5:17)