14
Mga Pagbabagong Morpoponemiko Inihanda ni: Prop. Arnold R. Lapuz

Mga pagbabagong morpoponemiko

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Mga pagbabagong morpoponemiko

Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Inihanda ni:Prop. Arnold R. Lapuz

Page 2: Mga pagbabagong morpoponemiko

ASIMILASYON

• DI GANAP NA ASIMILASYON- ang ponemang /ŋ/ ay nagiging /n/ o /m/ o nananatiling /ŋ/ dahil sa kasunod na tunog.

Kapag ikinakabit sa isang salitang-ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/, ang /ŋ/ ay nagiging /m/.pang- + paaralan= pampaaralan

pang- + bayan= pambayan

Page 3: Mga pagbabagong morpoponemiko

ASIMILASYON

• Nagiging /n/ naman ang huling ponemang /ŋ/ kung ang kasunod ay alinman sa mga sumusunod na ponema: /d, l, r, s, t/.Halimbawa:pang- + dikdik= pandikdikpang- + taksi= pantaksi

Page 4: Mga pagbabagong morpoponemiko

ASIMILASYON

• GANAP NA ASIMILASYON- bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ ayon sa punto ng artikulasyon ng kasunod na tunog, nawawala na rin ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil ito ay inaasimila o napapaloob na sa sinusundang ponema.

Page 5: Mga pagbabagong morpoponemiko

ASIMILASYON

HALIMBAWA: pang- + palo = pampalo pamalopang- + tali = pantali panali

* May mga salitang maaaring gamitan ng alinman sa dalawang uri ng asimilasyon, ngunit mga salitang nakamihasnan nang gamitan lamang ng asimilasyong di ganap.

Page 6: Mga pagbabagong morpoponemiko

ASIMILASYON

HALIMBAWA: pang- + kuha = pangkuha/panguhapang- + tabas = pangtabas/panabas

• Ang mga sumusunod na hindi ginagamitan ng asimilasyong ganap:pang- + bansa = pambansapang- + luto = panluto

Page 7: Mga pagbabagong morpoponemiko

PAGPAPALIT NG PONEMA (dr)

• Ang ponemang /d/ sa posisyong inisyal ng salitang nilalapian ay karaniwang napapalitan ng ponemang /r/ kapag patinig ang huling ponema ng unlapi.Halimbawa:ma- + dapat = marapatma- + dunong = marunong

Page 8: Mga pagbabagong morpoponemiko

PAGPAPALIT NG PONEMA (dr)

• May mga halimbawa namang ang /d/ ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapian. Kung ito ay hinuhulapian ng –an o –in, ang /d/ ay karaniwang nagiging /r/.Halimbawa:lapad + -an = laparantawid + -an = tawiran

Page 9: Mga pagbabagong morpoponemiko

PAGPAPALIT NG PONEMA (hn)

• Sa ilang halimbawa, ang /h/ bagamat hindi binabaybay o tinutumbasan ng titik sa pagsulat ng panlaping /-han/ ay nagiging /n/.Halimbawa:tawah + -an tawahan tawanan

• Ang ponemang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Sa mga salitang inuulit, ang /o/ ay nagiging /u/ sa unang hati lamang ng salita.Halimbawa:dugo + an = duguanmabango mabangung-mabango

Page 10: Mga pagbabagong morpoponemiko

METATESIS

• Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping -in- , ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng posisyon.Halimbawa:-in- + lipad = nilipad (linipad)-in- + yaya = niyaya (yinaya)

• May mga salitang nagkakaroon pa ng pagkakaltas ng ponema bukod sa pagkakapalit ng posisyon ng dalawang morpema.Halimbawa:tanim + -an = taniman tamnan

Page 11: Mga pagbabagong morpoponemiko

PAGKAKALTAS NG PONEMA

• Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi nito.Halimbawa:takip + -an = takipan takpankitil + -in = kitilin kitlin

Page 12: Mga pagbabagong morpoponemiko

PAGLILIPAT-DIIN

• May mga salitang nagbabago ng diin kapag nilalapian. Maaaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring malipat ng pantig patungong unahan ng salita.Halimbawa:bAsa + -hin basAhinka- + sAma + han kasamahAnlarO + -an laruAn

Page 13: Mga pagbabagong morpoponemiko

REDUPLIKASYON

• Pag-uulit ito ng pantig ng salita. Ang pag-uulit na ito ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang, tagagawa ng kilos o pagpaparami.Halimbawa:aalis, matataas, magtataho, pupunta, masasaya, naglalakad

Page 14: Mga pagbabagong morpoponemiko

IBA PA…

• Tandaang maaaring may dalawa o higit pang pagbabagong morpoponemiko ang magaganap sa isang salita. Halimbawa:mang- + dagit mandagit (asimilasyong di ganap) mandadagit (reduplikasyon) mandaragit (pagpapalit ng ponemang /d/ /r/ )