16
Unang Digmaang Pandaigdig o “The Great War”

Unang digmaang pandaigdig O The Great War

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Tungkol sa world War 1. At May Animation sya kaya medyo may overlapping boxes / pictures un.

Citation preview

Unang Digmaang

Pandaigdig o “The Great

War”

Ang Unang Digmaang Pandaigdig

• ay isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914 hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa: ang Alyadong Puwersa (batay sa Tatluhang Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman, Awstriya-Unggriya at Italya). Ang digmaan ang ikaanim sa pinakamapinsalang giyera sa kasaysayan

Triple AllianceNoong 1882, Ang Austria-Hungary, Germany at Italy ay bumuo ng Triple Alliance. Nangako sila sa isa’t isa na magtutulong-tulong silang dedepensa kapag isa sa kanila ay naatake.

Triple EntenteNoong 1907, ang France, Russia at Britain ay Bumuo ng Triple Entente. Hindi sila nangakong tumulong sa isa’t isa pero pinagtulungan nila ang Germany at Austria-Hungary.

Ano Ang Sanhi ng Digmaan?

*Pagkakaroon ng mga Alyansa

*Pag-unlad ng Kapitalismo na naging sanhi upang palaganapin ang Imperyalismo

*Nasyonalismo

*Arms race

*Iba’t ibang krisis na kinaharap

•Ang pagbaril kay Artsiduke Francis Fernando ng isang makabayang Serbiyo noong ika-28 ng Hunyo, 1914 ang itinuturing na siyang pinakasanhi ng pagsisimula ng digmaan. Nagsimula ito noong ika-28 ng Hulyo, 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang Awstriya-Unggriya laban sa Serbiya na siya namang nagbunsod sa dalawang magkalabang alyansang nabanggit, kasama na maging ang kani-kanilang kolonya, na makibaka sa isa't isa. Makalipas ang ilan pang linggo, ang digmaan ay tuluyan nang lumaganap sa buong mundo

Sino ba si Francis Fernando?

Sino ba si Francis Fernando?Si Franz Ferdinand (18 Disyembre 1863 – 28 Hunyo 1914) ay isang Artsiduke ng Austria-Este, Prinsipe Imperyal ng Austria at Malaharing Prinsipe ng Hungarya at Bohemya, at mula 1889 hanggang sa kanyang kamatayan, tinakdang tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary. Sa kanyang pagpaslang sa Sarajevo, mabilis nagpahayag ng digmaan ang Austria-Hungary laban sa Serbia. Nagdulot ito ng mga bansang kakampi sa Serbia na magpahayag ng digmaan sa isa't isa na nagsimula ng Unang Digmaang Pandaigdig

Mga Kaganapan sa DigmaanTAON MGA PANGYAYARI

1914 •Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand•Nagdeklara ng digmaan ang Austria sa Serbia•Sinakop ng Germany ang Belgium•Nagdeklara ng digmaan ang Great Britain sa Germany•Simula ng trench warfare

1915 •Pinalubog ang barkong Lusitania

1916 •Natalo ang Germany sa siege of Verdun

1917 •Pinatalsik ang czar ng Russia•Nagdeklara ang U.S. ng digmaan laban sa Germany

1918 •Paglagda ng Russia sa kasunduan sa Brest-Litovsk•Armstice sa western front

1919 Kasunduan sa Versailles

Epekto ng Digmaan

• Kahirapan; Pagbagsak ng ekonomiya• Pagkasira ng mga imprastruktura• Pagkalat ng influenza• Nadamay ang Aprika at ilang bahagi ng Turkey• Oportunidad para sa mga kababaihan (trabaho)• Great Britain- karapatang bumoto noong 1918• Pagbagsak ng mga dinastiya• Habsburg (Austria)• Romanov (Russia)• Ottoman • Hohenzollern (Prussia, Germany)

Mga Kasunduang Pangkapayapaan

Paris Peace Conference (1919)• Layuning tiyakin ang kapayapaan at demokrasya

sa daigdig at makipagkasundo sa Germany.• France (Georges Clemenceau): hindi na maging

banta pa ang Germany sa France• Great Britain (David Lloyd George): parusahan

ang Germany at protektahan ang interes ng G.B.• U.S. (Woodrow Wilson): Pagbuo ng League of

Nations• Italy (Vittorio Orlando): pantay na hatian sa mga

spoils of war

Mga Kasunduang Pangkapayapaan

Kasunduan sa Versailles• Hudyat ng

pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig

• Nilagdaan noong Hunyo 19, 1919

Kasunduan sa Versailles

• Ang germany ay dapat akuhin ang buong responsibilidad sa digmaan

• Ang Germany ay dapat magbayad ng mga nawasak na digmaan. [£6.6billion. ]

• Ang Army ng germany ay nabawasan ng 100,000 na tao

• Germany ay dapat na walang air force o submarines at hanggang na malalaking barko.

• Germany ay nawalan ng teritoryong nasakop at mahahati sa dalawa ang natira para sa Poland

League of Nations• Enero 10, 1920– 42 na

bansa• Hindi sumali ang U.S. –

isolationism • Layunin• Pagbabawas ng mga armas• Collective security• Hidwaan: negosasyon at

diplomasya• Pagsasagawa ng panlipunan

at makataong mga proyekto

Rebolusyong Bolshevik

• Hindi pagsang-ayon ng mga Russian sa pakikilahok sa digmaan

• Kawalan ng pagkain sa St. Petersburg matapos ang mahabang taglamig

• Hinaing ng mga magsasaka at manggagawa• Kawalan ng tiwala kay Tsar Nicholas II• Pag-usbong nga mga radikal na grupo (Marxists; Socialists)• Bolshevik- kilusang Marxist sa Russia; “nakararami”• Naniniwala sa democratic centralism• Pinuno ng rebolusyon si Lenin (Vladimir Ilyich Ulyanov)• Nobyembre 7, 1917- inagaw ang kapangyarihang pulitikal

mula sa provisional government

END