70
ORGANISASYON NG DISKURSO

Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

ORGANISASYON NG DISKURSO

Page 2: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Kaisahan – ang pangkat ng mga pangungusap

ay umiikot sa iisang pangkalahatang ideya, may isang paksang pangungusap na nagsisilbing gabay sa pagbuo ng mga suportang pangungusap. Tumutukoy ang kaisahan sa isang tiyak na katangian o aspeto ng pagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito ay “magkakalapit lahat”. 

Page 3: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Kaugnayan – dapat na magkakaugnay ang

mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa buhat sa simula hanggang dulong pahayag.  Mahalaga ang papel ng mga salita na ginagamit bilang mga tagapag- ugnay sa talata. Ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga bahagi ng pahayag.

Page 4: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Mga halimbawa ng pang-ugnay

Pagdaragdag- at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa

Paghahambing- pero, sa kabilang banda, subalit, gayon man

Pagpapatunay- kung saan, dahil sa, para sa , tunay na, sa katunayan

Pagpapakita ng oras- kaagad, pagkatapos, sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon

Page 5: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Pag uulit- sa madaling salita, gaya ng sinabi ko, tandaan

Pagbibigay diin- tiyak, labis, talaga, sa katunayan

Pagpapakita ng Pagkakasunud sunod- Una, pangalawa, pangatlo, a,b,c

Pagbibigay halimbawa- halimbawa, sa ganitong klase, sa ganitong pagkakataon,

Pagbubuod o Pagbibigay ng Kongklusyon- sa madaling salita, bilang resulta, kaya naman, sa pagbubuod

Page 6: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Posisyon

Mga dapat isaalang-alang sa pasulat na diskursyo

ProporsyonPagbibigay-

diin

Page 7: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

PAG UULIT NG SALITA AT TUNOG– Ginagamit upang

magbigay diin.

Page 8: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Mga Personal na Diskursonagpapakita ng sariling karanasan ng sumulat

Page 9: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

1.TALAARAWAN

Page 10: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Talaarawan (diary) Personal na pangyayari sa sarili  isang talaan ng mga pangyayari,

mga pakikipagtransaksyon, o mga observasyon na arawan o paminsang-minsang ginagawa  (Webster)

  Pang-araw-araw na tala, lalo na ng �sariling karanasan; tala pa rin ito ng mga kaisipan  (Ensayklopidya)

Page 11: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Maaring  tawaging matalik na kaibigan sapagkat dito natin nasasabi ang mga pinakapersonal nakaranasan at damdamin nation sa iba o sa ating sarili.

Page 12: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Diarymula sa salitang Latin

na “diarium” na nangangahulugan ng araw o day; talaan ng mga eksperiensya obserbasyon at pag-uugali

Page 13: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

2. JORNAL

Page 14: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Dyornal 1 / Journal 1 

Nang magsimula ako ng Filipino 4, hindi ko inaasahang mas mahirap ang trabaho. Pagkatapos ng isang taon sa wikang Filipino, inakala ko na magiging magaling ako rito.  Hindi ko ginamit ang wika nang madalas at marami akong nakalimutan. Pero, ngayon sinisikap kong mabuti na magsanay sa paggamit nito.  

Sa pagbabasa, hirap ako sa mga salita at sa pagbigkas nang maliwanag  sa mga salita.  Sa ibang araw, naghahalu-halo ang mga salita at ‘di ko makita ang mahalagang pantig.  Ngayon, binabasa ko nang malakas ang ating leksiyong pag-aaralan gabi-gabi; at binabasa ko ulit ang ating mga sanaysay na napag-aralan na natin. Mas naging maalam ako sa pagbigkas ng mga titik at pantig.

Sa pagsusulat, nagsasanay ako sa pandiwa. Nagsulat ako ng panahon ng pawatas, perpektibo, imperpektibo at kontemplatibo. Bumuo ako ng mga pangungusap para masanay ako sa paggamit ng tamang panghalip. Pag-aaralan ko ang tsart na panauhan at panghalip. Dapat, at gusto kong memoryahin ang buong tsart.

Sa pagsasalita, nakikipag-usap ako sa nanay at tatay ko. Kapag tinatawagan ko sila nag-uusap kami sa Filipino. Iwinawasto nila ako kapag mali ang pagsasalita ko ng Filipino. Kapag umuuwi ako sa aming bahay, sinisikap kong kausapin ang pamilya ko sa Filipino.  Pinipilit kong husayin ang pagbigkas ng mga salita. 

Nais ko talagang maging mahusay sa pag-aaral ng Filipino. Mahalaga sa akin ang matutong magbasa at magsulat ng Filipino.

Page 15: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

JORNAL personal na karanasan at planong

pansarili   isang arawang tala ng mga �

pansariling gawain, mga repleksyon ng mga nadarama (Webster)

  hindi lamang sa personal na �karanasan ng manunulat kundi sumasaklaw rin sa mga sitwasyong may kinalaman sa ibang tao

Page 16: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Sangkap ng isang jornal  Sitwasyon o pangyayari�  Damdamin�  Kaisipan�

Page 17: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Ilan sa mga dahilan sa pag-sulat ng dyornal:

1.isang travelog

Page 18: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

TRAVELOG – Isang uri ito ng sulatin tungkol sa diary ng paglalakbay. Noong 1903, iniukol lamang ang katawagang ito sa pagsasalita o paglelektyur tungkol sa pagbibiyahe na karaniwang inaalinsabayan ng

Page 19: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

2. laman ng mga panaginip

3. kaisipan na maaring konsepto o larawan

4. log buk

5. plano

6. batayan ng ilang sulatin gaya ng biography

7. eklektik

8. imbakan ng mga memorya

Page 20: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Talaarawan at jornalAng talaarawan at jornal ay

magkasingkahulugan na pwedeng pagpalitin ang gamit. Parehong de petsa ang mga tala. Parehong talaan ng mga magiging alaala bukas (Arrogante, 2009)

Page 21: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Bayografi o Talambuhay

Page 22: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Talambuhay -tungkol sa buhay ng taong

namatay na at isinulat ito hindi ng tao mismong namatay noong nabubuhay pa siya kundi ng iba na may interes sa kasaysayan sa buhay niya

Page 23: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Defentibong Talambuhaypang-iskolar na trabaho

importanteng tao lamang ang maaaring pag-ukulan ng masusing pananaliksik at matamang panahon

Page 24: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Awtorisadong Talambuhay tungkol sa buhay ng tao na

kinomisyon ng kamag-anakan, kaibigan, o kakilala ang sinumang manunulat na pawang positibo lamang ang kailangang lamnin.

Page 25: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Karaniwang Talambuhay tapat sa katotohanan at tiyak

ang mga katibayan para maitulad sa sarili ng mambabasa ang kanyang naging mga karanasan at pagkatao

Page 26: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

3. Awtobiyografi

Page 27: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Awtobiyografitungkol sa kasaysayan ng

tunay na buhay ng tao na siya mismo ang sumulat

Page 28: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

4. Refleksyon

Page 29: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Refleksyon Tinatalakay sa sulating ito ang mga

kasaysayan ng pagbabago sa sarilisa pamamagitan ng teksto o ng mga karanasan

Personal na pagpapahayag ng iyong saloobin

Malalim ang pagtatalakay

Page 30: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Katangian:a) sarili ang pangunahing

pinagkukunan ng impormasyon b)

naipakikita ng kaugnayan ng teksto sa iyong buhay

c) Gumagamit ng unang panauhan.

Page 31: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Mga Uri ng Pagpapahayag

Page 32: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

a) Pasalaysay (Narativ) – may layuning magkwento ng magkakaugnay na pangyayari; makukulay na karanasan sa buhay

Page 33: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Karanasang Tuwiran o Direct – ang karanasan ay maaaring makuha nang tuwiran (direct). Tuwiran ito kung galing sa sariling pagkadanas o pagkasangkot.

Karanasang Vaykaryos – kung ang kaalaman ay nakukuha lamang sa iba, maaaring nabasa sa mga aklat o mga babasahin, narinig sa kung sino, nabalitaan sa mass media, o naikwento ng kapitbahay.

Page 34: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Uri ng Pasalaysay/ Narativ:a) Pagsasalaysay na totoo– base sa

tumpak, tiyak at tunay na mga pangyayari

b) Pagsasalaysay na likhang-isip – kinabibilangan n mga mito, fabula, parabola, anekdota, palaisipan, maikling kweno at nobela

Page 35: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Pananaw sa Pagsasalaysay- Nagsasaad ng personal na kaugnayan ng tagapagsalaysay sa paksang kanyang tinatalakay o sa mga pangyayaring kanyang ikinukwento.

Page 36: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Kasangkapan sa Pagsasalaysay:a) Tema – may kabuluhan sa

kinauukulan – nakikinig, bumabasa, o nanonood

b) Tauhan – ang nag-iisip at kumikilos sa kwento kaya nagkakaroon ng mga pangyayari

c) Aksyon o Pangyayari – ang aksyon ang kalansay na kinakapitan ng iba pang mahahalagang sangkap para mabuo ang anyong kalamnan

Page 37: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

d) Tagpuan – pook at panahon ang ipinakakahulugan ng tagpuan sa salaysay

e) Himig – kung papaano isinasalaysay ang isang pangyayari o ang anumang materyal para lumabas nang naaayon sa kagustuhang mangyari ng tagapagsalaysay

Page 38: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Uri ng Pagpapahayagb) Paglalarawan (Deskriptiv) – Naglalayong makabuo ng imahe o larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig; pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig at nadarama

Page 39: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Uri ng Paglalarawan:Pangkaraniwang

Paglalarawan – nagbibigay lamang ng kabatiran sa inilalarawan, hindi ito

naglalaman ng damdamin at kuro-kuro

Page 40: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Konkretong Paglalarawan –  ito ay naglalarawan ng literal

at ginagamit dito ang mga pangkaraniwang paglalarawan

gaya ng ,maganda ,maayos,malinis

atbp..

Page 41: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Masining na Paglalarawan – ang guni-

guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay

na larawan

Page 42: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Abstraktong Paglalarawan –

naglalarawan na gumagamit ng nga di literal na

paglalarawan inaaniban ito ng mga idyomatikong

paglalarawan.

Page 43: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Hakbanging Dapat Tandaan Tungo Sa Mabisang Paglalarawan:

Page 44: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Pagpili ng Paksa – Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na  Ilalarawan; tulad sa ibang uri o anyo ng sulatin, ang paksa ang laging unang isinasaisip

Page 45: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Pagbuo ng Pangunahing Larawan – ito ang pangkalahatang kabuuan ng isang tao, hayop, bagay,  pook, o pangyayari na nais agad maitanim sa isip ng mambabasa o tagapakinig.

Page 46: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Pagpili ng Sariling Pananaw – pansariling pagtingin ng tagapaglarawan

Page 47: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Pagkakaroon ng Kaisahan – bawat detalyeng babanggitin sa paglalarawan dapat ay tumutulong sa pagbuo o kabuuan ng isang pangunahing bagay o anupamang inilalarawan.

Page 48: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Pagpapayabong sa mga Aspetong Isasama sa Paglalarawan – Hindi lamang mga nagkakauri-uring katangian ang dapat na isama sa paglalarawan, mas mainam kung mapalulutang lalo ang kaibahan nito sa lahat ng mga kauri.

Page 49: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Uri ng Pagpapahayagc)Paglalahad (Ekspositori) – Tungkulin nito na humanap ng kalinawan at humawi sa ulap ng pag-aalinlangan.

Page 50: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Ekspositori pagpapaliwanag; ginagamit sa

pagsagot sa mga tanong na nangangailangan ng pagsasanay na kasagutan, pagsulat ng mga ulat tungkol sa Agham at Kasaysayan, pagsusuri sa maikling kwento at mga nobela at pagpapaliwanag sa iba’t ibang aralin sa paaralan

Page 51: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Expository WritingMadalas makita sa araw-araw

nating binabasa tulad ng teksbuk, editoryal, artikulo sa dyaryo

  Pagpapaliwanag na obhektibo�

Page 52: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Mga Bahagi ng Paglalahad1. Simula– magpapasya

kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa ng katha

Page 53: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Halimbawa ng simula ng paglalahad  Katanungan

 Pangungusap na makatawag-pansin

 Pambungad na pasalaysay

Isang sipi

Tahasan o tuwirang simula

 Isang salitain

Page 54: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Mga Bahagi ng Paglalahad   2. Katawan –

nilalaman ng isang pahayag

Page 55: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Mga Bahagi ng Paglalahad    3.  Wakas – maaaring buod,

tanong, panghuhula sa maaaring mangyari, pagsariwa sa suliraning binanggit sa simula, pagamit ng    kasabihan o siping angkop sa akda

Page 56: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

 Mga Kaanyuan ng Paglalahad Paglalahad sa Anyong Panuto -

pagiisa-isang mga hakbangin sa paggawa ng isang bagay

Paglalahad sa Anyong Pagbibigay-Katuturan- pagpapaliwanag ng kahulugan ng salita o diwa

Page 57: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

 Mga Kaanyuan ng Paglalahad Paglalahad sa Anyong

Interpretasyon -nagpapaliwanag ng palagay hinggil sa isang layunin

Paglalahad sa Anyong Pagkilala- paglalahad sa mga kalagayang pantao

Page 58: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

 Mga Kaanyuan ng PaglalahadPaglalahad sa Anyong

Editoryal o Tudling- napapanahong editoryal na punong-puno ng kahulugan at pahiwatig

Page 59: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Uri ng Pagpapahayag

d)Pangangatwiran (Argumentativ)

Page 60: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Pangangatwiran may layuning manghikayat at

magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita.

Pagpapahayag na may layuning manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng  makatwirang mga pananalita

Page 61: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Diskursong Argyumentativ (Pangangatwiran) isang anyo o paraan ng

pagpapahayag na ang isang katotohanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng katwiran o rason kalakip ang mga ebidensya

kasingkahulugan ng pagbibigay-palagay, paghuhula, pag-aakala, pagsasapantaha at paghihinuha.

Page 62: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Dalawang Uri ng Pangangatwiran

1.Pabuod o Inductive Method

Page 63: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

1.Pabuod o Inductive Method

sinisimulan ito sa partikular na pangyayari, katotohanan o kalagayan at tinatapos sa isang katotohanang pangkalahatan sapagkat dinaraanan muna sa iba’t-ibang obserbasyon at paulit-ulit na eksperimentasyon at pagsusuri bago ang paglalahat kapag narating na ang katotohanan o prinsipyo

Page 64: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

Dalawang Uri ng Pangangatwiran

2.Silohismo o Deductive Method

Page 65: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

2.Silohismo o Deductive Method pangangatwiran na lohikal kung

maghayag ng katotohanan

panghahawakan muna ang isang pangunahing batayan, saka susundan ng pangalawang batayan at dito ngayon ibabase ang konklusyon

Page 66: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

EDITORYAL

Page 67: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

EDITORYAL pinakamahalagang bahagi ng

pahayagan o magasin-KALULUWA

paglalahad ng mga kuru-kuro ng patnugot ng pahayagan na bunga ng isang pag-aaral tungkol sa isang pangyayari sa bayan, pamahalaan, tanghalan, atbp.

Page 68: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

EDITORYALkasasalaminan ng kalakaran,

programa at paninindigan ng isang pahayagan lalo na sa isang isyu o pangyayari na may malaking kahalagahan sa bayan

Page 69: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

EDITORYAL kababakasan ng kahusayan sa

pagmamasid, sapat na kinalaman tungkol sa mga tao at mga bagay-bagay, katalasan ng pagkakilala sa tunay na kahulugan ng mga pangyayari at ang mayamang damdamin ng sumusulat

Page 70: Mga aralin sa masining na pagpapahayag

EDITORYAL kilala rin sa tawag na pangulong-

tudling

maaaring tungkol sa pulitika, relihiyon, sining, edukasyon, isport o kultura