Upload
akgv
View
87
Download
12
Embed Size (px)
Citation preview
Ang Pagtatayo ng Iglesia ni Cristo
Bakit pinili ang Israel upang maging sariling bayan ng Dios?
Deu 7:6 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios; pinili ka ng Panginoon mong Dios upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa.
7 Hindi kayo inibig ng Panginoon, ni pinili kayo ng dahil sa kayo'y marami sa bilang kay sa alin mang bayan; sapagka't kayo ang pinakamaliit sa lahat ng mga bayan:
8 Kundi dahil sa inibig kayo ng Panginoon, at dahil sa kaniyang tinupad ang sumpa na kaniyang isinumpa sa inyong mga magulang, ay inilabas kayo ng Pangin.
INDIA
CHINA
Ano ang kahigitan ng Israel sa ibang mga bansa?
Deu 4:6 Ingatan nga ninyo at inyong isagawa; sapagka't ito ang inyong karunungan at ang inyong kaalaman sa paningin ng mga tao, na makakarinig ng mga palatuntunang ito, at magsasabi, Tunay na ang dakilang bansang ito ay isang pantas at maalam na bayan.
7 Sapagka't anong dakilang bansa nga ang may dios na napakalapit sa kanila, na gaya ng Panginoon nating Dios kailan man tayo'y tumawag sa kaniya?
8 At anong dakilang bansa nga, ang may mga palatuntunan at mga kahatulang napaka-tuwid na gaya ng buong kautusang ito, na aking inilalagda sa harap ninyo sa araw na ito?
Ano ang pakinabang na maging Israelita?
Rom 3:1 Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli? 2 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay ipinagkatiwala sa kanila ang mga aral ng Dios.
Ano-anong maluluwalhating bagay ang ibinigay sa kanila?
Rom 9:4 Na pawang mga Israelita; na sa kanila ang pagkukupkop, at ang kaluwalhatian, at ang mga tipan, at ang pagbibigay ng kautusan, at ang paglilingkod sa Dios, at ang mga kapangakuan;
5 Na sa kanila ang mga magulang, at sa kanila mula ang Cristo ayon sa laman, na siyang lalo sa lahat, Dios na maluwalhati magpakailan man. Siya nawa
Aling bansa ang binigyan ng 10 utos?
Exo 20:1 At sinalita ng Dios ang lahat ng salitang ito, na sinasabi, 2 Ako ang Panginoon mong Dios, na naglabas sa iyo sa lupain ng Egipto, sa bahay ng pagkaalipin. 3 Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.
Deu 4:13 At kaniyang ipinahayag sa inyo ang kaniyang tipan, na kaniyang iniutos sa inyong ganapin, sa makatuwid baga'y ang sangpung utos; at kaniyang isinulat sa dalawang tapyas na bato.
Sino ang inuutusan na huwag kakain ng mga karumaldumal na bagay?
Deu 14:2 Sapagka't ikaw ay isang banal na bayan sa Panginoon mong Dios, at ikaw ay pinili ng Panginoon upang maging bayan sa kaniyang sariling pag-aari, na higit sa lahat ng mga bayan na nasa ibabaw ng balat ng lupa. 3 Huwag kang kakain ng anomang karumaldumal na bagay
Ano ang inilagay na tanda ng Dios upang makilala ang kaniyang
bayan?Eze 20:20 At inyong ipangilin ang aking mga sabbath; at mga magiging tanda sa akin at sa inyo, upang inyong maalaman na ako ang Panginoon ninyong Dios.
YOU are reading a public notice of a $100.00 reward for a Bible text proving any one of the following 5 statements to be TRUE:1. God changed the Sabbath from Saturday to Sunday.2. God blessed, sanctified and hallowed Sunday and removed His blessing from Saturday.3. Christ or the apostles kept Sunday holy, or taught others to do so.4. Being "under grace" allows us to violate God’s Ten Commandment Law.5. Sunday is the Lord’s day.
Did You Know?• Jesus kept Saturday holy 1,700 times. Luke 4:16 Luke 3:23 I John 2:3-6• Sunday had its origin in the ancient pagan worship of the sun, and that it crept into Christianity as one of many false teachings and practices long after Jesus and the apostles had passed from the scene. II Thes. 2:3,4,8-10 Dan. 7:25• The book of Acts notes Saturday being used for worship by early Jewish and Gentile Christians 84 times. Acts 13:14,44; 16:13; 17:2; 18:4,11• Jesus affirmed the Law as binding and expected his followers to regard the Saturday Sabbath prayerfully 40 years after His death. Matt. 5:17-19 Matt. 24:20• The Bible never suggests that Sunday be held in honor of Jesus’ resurrection. Matt. 15:8,9,13• The 7th day Saturday Sabbath is the only day that God has ever blessed, sanctified, and hallowed. Gen. 2:2,3 Ex. 20:8-11 Is. 58:13,14 Mark 2:28
Ano ang ginawa ng Israel?
Jdg_2:13 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth.
Ano ang ginawa ng Israel?
Jdg 2:13 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at naglingkod kay Baal at kay Astaroth.
Ano ang ginawa ng mga pinuno ng relehiyon ng Israel?
Eze 22:26 Ang mga saserdote niyaon ay nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan, at nilapastangan ang aking mga banal na bagay: sila'y hindi nangaglagay ng pagkakaiba sa banal at sa karaniwan, o kanila mang pinapagmunimuni ang mga tao sa marumi at sa malinis, at ikinubli ang kanilang mga mata sa aking mga sabbath, at ako'y nalapastangan sa gitna nila.
Bakit hindi nasunod ng Israel ang kautusan?
Rom 9:31 Datapuwa't ang Israel sa pagsunod sa kautusan ng katuwiran, ay hindi umabot sa kautusang iyan. 32 Bakit? Sapagka't hindi nila hinanap sa pamamagitan ng pananampalataya, kundi ng ayon sa mga gawa. Sila'y nangatisod sa batong katitisuran;
33 Gaya ng nasusulat, Narito, inilalagay ko sa Sion ang isang batong katitisuran, at batong pangbuwal: At ang sumasampalataya sa kaniya'y hindi mapapahiya.
Ano ang ginawa ng Dios sa Israel?
Jer. 12:7 Aking pinabayaan ang aking bahay, aking itinakuwil ang aking mana; aking ibinigay ang giliw na sinta ng aking kaluluwa sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
Ano pa ang ginawa ng Dios sa kaniyang bayan?
Panaghoy 2:9 Ang kaniyang mga pintuang-bayan ay nangabaon sa lupa; kaniyang giniba at nasira ang kaniyang mga halang: ang kaniyang hari at ang kaniyang mga prinsipe ay nangasa gitna ng mga bansa na hindi kinaroroonan ng kautusan; Oo, ang kaniyang mga propeta ay hindi nangakakasumpong ng pangitaing mula sa Panginoon.
Itatayo ba ng Dios ang nabagsak niyang bayan?
Isa. 45:13 Aking ibinangon siya sa katuwiran, at aking tutuwirin ang lahat niyang lakad; kaniyang itatayo ang aking bayan, at kaniyang palalayain ang aking mga natapon, hindi sa halaga o sa kagantihan man, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
Papaano ng Dios itatayo ang kaniyang bayan?
Jer_24:6 Sapagka't aking itititig ang aking mga mata sa kanila sa ikabubuti, at aking dadalhin sila uli sa lupaing ito: at aking itatayo sila, at hindi ko itutulak sila; at aking itatatag sila, at hindi ko paaalisin.
Gawa 15:16 Pagkatapos ng mga bagay na ito, ako'y babalik, At muli kong itatayo ang tabernakulo ni David, na nabagsak; At muli kong itatayo ang nangasira sa kaniya. At ito'y aking itatayo:
Itinayo ba ni Cristo ang kaniyang iglesia?
Mat. 16:18 At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.
Aling iglesiang nagiba ang kaniyang itinayo?
Gawa 7:38 Ito'y yaong naroon sa iglesia sa ilang na kasama ang anghel na nagsalita sa kaniya sa bundok ng Sinai, at kasama ang ating mga magulang: na siyang nagsitanggap ng mga aral na buhay upang ibigay sa atin:
Papaano naman maliligtas tayong mga hindi Israel sa laman?
Eph 2:12 Na kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang pagasa at walang Dios sa sanglibutan. 13 Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo.
Anong proseso ang ginawa para tayo ay maging Israel?
Rom 11:17 Datapuwa't kung ang ilang mga sanga'y nangabali, at ikaw, na isang olibong ligaw ay isinanib ka sa kanila, at ikaw ay naging kabahagi nila sa ugat ng katabaan ng punong olibo; 18 Huwag kang magpalalo sa mga sanga: datapuwa't kung magpalalo ka, ay hindi ikaw ang nagkakandili sa ugat, kundi ang ugat ang nagkakandili sa iyo.
Ano ang itatawag ng Dios sa mga hindi Israelita na sasampalataya?
Rom 9:24 Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil? 25 Gaya naman ng sinasabi niya sa aklat ni Oseas, Tatawagin kong aking bayan na hindi ko dating bayan; At iniibig, na hindi dating iniibig.
26 At mangyayari, na sa dakong pinagsabihan sa kanila, kayo'y hindi ko bayan, Ay diyan sila tatawaging mga anak ng Dios na buhay.
Ano pa ang maaaring itawag sa Israel?
Isa. 62:2 At makikita ng mga bansa ang iyong katuwiran, at ng lahat na hari ang inyong kaluwalhatian; at ikaw ay tatawagin sa bagong pangalan, na ipangangalan ng bibig ng Panginoon.
May pangyayari ba sa Biblia na hindi iglesia ang tawag sa mga mananampalataya?
Gawa 24:14 Nguni't ito ang ipinahahayag ko sa iyo, na ayon sa Daan na kanilang tinatawag na sekta, ay gayon ang paglilingkod ko sa Dios ng aming mga magulang, na sinasampalatayanan ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan, at nangasusulat sa mga propeta;
Anong pangalan ang naging opesyal nating pangalan sa daigdig ng mga relehiyon?
Gawa 11:26 At nang siya'y kaniyang masumpungan ay kaniyang dinala siya sa Antioquia. At nangyari, na sa buong isang taon sila'y nakisama sa iglesia, at nagsipagturo sa maraming tao; at ang mga alagad ay pinasimulang tawaging mga Cristiano, sa Antioquia.
26:28 At sinabi ni Agripa kay Pablo, Sa kakaunting paghikayat ay ibig mo akong maging Cristiano.
1Pe, 4:16 Nguni't kung ang isang tao ay magbata na gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.
Kanino ba ginawa ng Dios ang Bagong Tipan?
Heb 8:8 Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, Narito, dumarating ang mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda.
9 Hindi ayon sa tipang aking ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay, upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan, At akin silang pinabayaan, sinasabi ng Panginoon.
10 Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang mga ito. At ako'y magiging Dios nila, At sila'y magiging bayan ko:
Nawala ba ang pangingilin ng Sabbath sa bagong tipan?
Heb 4:9 May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.
Papaano makikilala ang tunay na iglesia sa huling araw?
Rev 12:17 At nagalit ang dragon sa babae, at umalis upang bumaka sa nalabi sa kaniyang binhi, na siyang nagsisitupad ng mga utos ng Dios, at mga may patotoo ni Jesus:
Anong mangyayari kapag nagpasiya tayong makabilang sa bayan ng
Dios?Rth 1:16 At sinabi ni Ruth, Huwag mong ipamanhik na kita'y iwan, at bumalik na humiwalay sa iyo; sapagka't kung saan ka pumaroon, ay paroroon ako: at kung saan ka tumigil, ay titigil ako: ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Dios ay aking Dios:
ITINAYO ANG IGLESIA Alfredo M. Vitto
Ang iglesia ay pulutong ng sa Dios ay sumasambaSila'y mga ibinukod mga tapat sa tuwina
Mula noon hanggang ngayon ay iisa ang iglesiaAng kaniyang kasaysaya'y nababasa sa Biblia
Ang pagpili'y nagsimula sa lalaking si AbrahamKay Isaac at kay Jacob mga taong nagtagumpay
Hanggang sila'y naging bansa na malaki at matibayMga tipan at pangako sa kanila'y ibinigay
Doon sa bundok ng Sinai, kautusa'y ibinigayAng lahat ng titik nito'y isinulat ng Maylalang
Ito ay ginawang tipan ng Dios at ng kanyang bayanKatunayan ng kanilang wagas na pagmamahalan
Ngunit ang iglesiang hirang ay iniwan ang MaylalangPinaglingkura't sinamba ay rebulto at diosdiosan
Ang kanilang mga pari'y dinahas ang kautusanWala ng pagkakaiba sa banal at karaniwan
Ang pangingilin ng Sabbath ay kasama na dinahasAyaw itong maging tanda ng bayan na mapangahasInalis na ang pangilin ng araw na mayrong basbas
Ang tanda ng Manlalalang sa bayan n'ya ay kumupas
Nagsibangon ang propeta ang iglesia ay hinimokMagsipanumbalik sa Dios kaligtasan ay inalok
Dahil sa pagtanggi nila puso ng Dios naghimutokDumating ang ibang bansa at sila ay inilugmok
Sa mahabang mga taon ang iglesia ay binihagSa maraming mga bansa'y itinapo't ikinalat
Ngunit ang Dios ng Israel sa kanila y nahabagMuli niyang itatayo ang iglesiang nililiyag
Nang dumating ang panaho'y sinugo si JesucristoIniligtas n'ya ang kawang nilalapa na ng lobo
Isang araw ay sinabi sa alagad na si PedroAng iglesia'y itatayo n'ya sa ibabaw ng bato
Itatayo't ibabango'y pareho ang kahuluganPagkagiba'y aayusin, mga sira'y tatapalan
Kautusa'y isusulat sa puso ng kanyang bayanBagong diwa'y ilalagay hindi na S'ya iiwanan
Inatasan ang iglesiang ebanghilyo'y ipangaralMagmula sa Jerusalem hanggang buong sanglibutan
Kapag tao'y maniwala sila ay babautismuhanLahat sila ay ipuni't ibilang sa kanyang bayan
Mula noon hanggang ngayon iglesia'y makikilalaMga taong nagpasiyang sumunod sa utos niya
Sa gitna ng pagkalito ang aral ay naiibaBawat puntos ng dokrina'y mababakas sa Biblia
Mula noon hanggang ngayo'y may tanda ang kanyang bayanSila'y nagsisipangilin ng sabbath ng ManlalalangHindi siyam kundi sampu ang bilang ng kautusanWalang bawas ni dinagdag sa kaniyang kalooban.