12
Mga Intensyon sa Bawat Misteryo 1. Panginoon, kaawaan mo at pagpalain ang buong daigdig at pagkalooban kami ng pangkalahatang kapayapaan. Magkasundo ang bawat lahi at bansa at umiral ang tunay na diwa ng pagmamahalaan, katarungan at pagtutulungan lalung-lalo na dito sa aming bansa. 2. Panginoon, kaawaan mo po at pagpalain ang bawat makasalanan upang sa tulong at gabay ng iyong Banal na Espiritu, ang lahat ng namumuhay nang malayo sa iyo ay makita ang landas ng pagbabalik sa iyo lalung-lalo na ang aming mga mahal sa buhay na naliligaw ng landas. 3. Kaawaan mo po at pagpalain ang bawat pamilya upang maging matatag sa bawat pagsubok na dumarating, nawa po ay umiral ang pagkakasundo ng bawat pamilyang nagkakaaway-away lalung-lalo na po sa aming sariling mga pamilya. 4. Kaawaan mo po at pagpalain ang mga taong may mabubuting kalooban na patuloy na

Santo rosaryo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Santo rosaryo

Mga Intensyon sa Bawat Misteryo

1. Panginoon, kaawaan mo at pagpalain ang buong daigdig at pagkalooban kami ng pangkalahatang kapayapaan. Magkasundo ang bawat lahi at bansa at umiral ang tunay na diwa ng pagmamahalaan, katarungan at pagtutulungan lalung-lalo na dito sa aming bansa.

2. Panginoon, kaawaan mo po at pagpalain ang bawat makasalanan upang sa tulong at gabay ng iyong Banal na Espiritu, ang lahat ng namumuhay nang malayo sa iyo ay makita ang landas ng pagbabalik sa iyo lalung-lalo na ang aming mga mahal sa buhay na naliligaw ng landas.

3. Kaawaan mo po at pagpalain ang bawat pamilya upang maging matatag sa bawat pagsubok na dumarating, nawa po ay umiral ang pagkakasundo ng bawat pamilyang nagkakaaway-away lalung-lalo na po sa aming sariling mga pamilya.

4. Kaawaan mo po at pagpalain ang mga taong may mabubuting kalooban na patuloy na tumutulong sa lahat ng pangangailangan ng aming Diyosesis at nang aming parokya at bigyan mo po kami ng mga taong bukas palad upang maipagpatuloy ang aming mga proyekto.

5. Panginoon, kahabagan mo po at pagpalain ang lahat ng aming mga gawain sa araw-araw upang ikaw lamang ang aming paglingkuran, dakilain, mahalin at sambahin sa bawat oras ng aming buhay ngayon at magpakailanman.

Page 2: Santo rosaryo

Mga Awit pagkatapos ng mga Misteryo

1. Sa hari ng Langit, Ina ni HesusTayo na’t mag-alay, magpuring lubos,Ave, Ave, Ave MariaAve, Ave, Ave Maria

2. Sinta ka ng Puso Mahal kong InaYaman ay pag-asa niring kaluluwaAve, Ave, Ave MariaAve, Ave, Ave Maria

3. Malalim na dagat ang sanlibutanKami ay ingatan sa paglalayagAve, Ave, Ave MariaAve, Ave, Ave Maria

4. Birheng maligaya luklukang mahalKami’y patnubayan sa kalangitanAve, Ave, Ave MariaAve, Ave, Ave Maria

5. Pinto ka ng langit, bahay nag intoKami’y may pag-asang pumiling sa iyoAve, Ave, Ave MariaAve, Ave, Ave Maria

Page 3: Santo rosaryo

PANALANGIN NG PAGTANGGAP

O Ina ng Diyos at Ina namin, Mariang pinagpala, ikinalulugod at ipinagkapupuri namin ang pagdalaw mong ito sa aming maralitang tahanan na iyong pinagiging dapat na maging pugad ng iyong pag-ibig sa loob ng isang araw. Ang aming puso ay nag-uumapaw sa galak at pasasalamat at ikaw ay aming malugod na tinatanggap, nawa’y maging karapat-dapat ang aming tahanan sa iyong pagdalaw.

Kami nawa’y kalugdan ng iyong Anak, ang Panginoon naming si Hesukristo, sa debosyong aming gagawin sa aming tahanang ito. Basbasan nawa Niya kami nang kami ay magmahalan at magtulungan; sana ang aming tahanan ay maging tunay na pugad ng kapayapaan at pagkakasundo; igawad nawa Niya sa amin ang kanyang pagpapala at huwag ipahintulot na kami ay gumawa ng ano mang kasalanan na ikalulungkot Niya.

Sa iyong pagdalaw na ito, Mahal na Inang Maria iniaalay namin ang mga dasal na ito;

tatlong Ama Namintatlong Aba Ginoong Mariatatlong Luwalhati

Page 4: Santo rosaryo

PANALANGIN NG PAGPAPAALAM

O Mapagmahal na Ina, dumating na ang sandali ng iyong paglisan sa amin at sa aming tahanan, na siyang naging tahanan mo rin sa loob ng isang araw. Kulang ang aming mga salita upang ikaw ay papurihan at pasalamatan sa ipinadama mong pagkalinga at pagmamahal sa amin.

O makalangit na Ina, minahal mo kaming labis. Salamat Ina, salamat sa iyong pagdalaw sa amin. Umaasa kami na sa darating na panahon ay muli ka naming makakapiling. Ngayon pa man ay buong-puso ka naming inaanyayahan muli at hihintayin namin ng buong sigla at pananabik. At habang ikaw ay aming hinihintay, patuloy kaming mamumuhay para sa iyo at sa iyong mahal na Anak na si Hesus at magdarasal ng Santo Rosaryo araw-araw. At sa pamamagitan nito ay sisikapin naming manahan sa aming mga puso’t isipan ang mga bagay na ikalulugod mo at ng iyong anak na si Hesus. Sa iyong paglisan baunin mo ang aming pagmamahal at nawa’y manatili ito sa iyong puso.

Kalinis-linisang puso ni Maria, bago mo lisanin ang aming pamamahay, hilingin mo sa iyong anak na si Hesus na basbasan kami ng buong pagmamahal; basbasan ang aming pamilya at kaanak, ang lahat ng narito at ang mga mahal namin sa buhay na nasa malayong lugar; at nawa’y basbasan Niya ang aming pamayanan.

Salamat muli, aming Reyna at Tagapamagitan at nawa ang pagpapala ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo, lumukob at manatili sa amin magpasawalang-hanggan. Amen.

Page 5: Santo rosaryo

PANALANGIN PARA SA MGA LINGKOD-PARIPanginoong Jesus, pinili mo ang iyong mga pari sa aming kalipunan at isinugo mo sila upang ipahayag ang Iyong Salita. Hinirang mo sila na maglingkod sa Iyong ngalan, magdala ng Mabuting Balita sa mga kapuspalad at maghatid ng kaaliwan sa mga nagdurusa. Sa napakadakilang handog na ito sa iyong Simbahan, nagpupuri at nagpapasalamat kami sa iyo .

Hinihiling naming pag-alabin mo sila sa apoy ng iyong pag-ibig upang sa kanilang ministeryo ay mahayag ang Iyong presensya sa Simbahan. Sapagkat sila’y sisidlang putik lamang, dumadalangin kami na nawa’y manaig ang Iyong kapangyarihan sa kanilang kahinaan at kabiguan. Sa panghihina ng kanilang loob, huwag nawa silang patalo; sa mga tukso, huwag Mo silang pababayaan. Pasiglahin Mo sila sa pananalangin upang kanilang maisabuhay araw-araw ang misteryo ng Iyong Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay.

Panatilihin mo sa kanila ang diwa ng pagkilala at paggalang sa Iyong Kadakilaan. Nawa’y manatili silang nagtitiwala sa pag-aaruga ng Mahal na Birheng Maria, matapat Mong disipulo at Iyo ring Ina.

Panginoong Jesus, kupkupin mo sa Iyong Puso ang aming mga pari at pagkalooban Mo sila tuwina ng Iyong masaganang biyaya. Amen.

SAN JUAN MARIA VIANNEY,IPINALANGIN MO AN GAMING MGA LINGKOD PARI.

Page 6: Santo rosaryo

PANALANGIN PARA SA MGA KASAPI NG SAMAHAN NI SAN JUAN MARIA VIANNEY

Panginoong Jesus, tinatawag mo kaming lahat sa buhay kabanalan. Ibinigay mo sa amin si San Juan Maria Vianney bilang huwaran sa payak at mapagpakumbabang paglilingkod sa Diyos at sa kapwa.

San Juan Maria Vianney, ikaw ang halimbawa ng pagkalinga at nagbibigay inspirasyon sa amin tungo sa higit na pagmamahal sa Diyos at kapwa katulad ng pagmamahal ni Kristo sa amin. Pag-alabin mo kami sa pagmamalasakit sa Simbahan at sa kapwa, lalo na sa kabutihan at kapakanan ng aming Obispo at kaparian.

Maging laging handa nawa kami sa pagtulong sa pangangailangan ng aming mga pari at sa pakikiisa sa kanilang mga layunin at mithiing pastoral.

Maging laging handa nawa kami sa pagtulong sa pangangailangan ng aming mga pari at sa pakikiisa sa kanilang mga layunin at mithiing pastoral.

Banal na Pari ng Ars, nagtitiwala kami sa iyong pamamagitan. Ipamagitan mo kaming lahat na mga kasapi ng iyong samahan upang makamit namin ang mga biyayang higit naming kailangan upang makapamuhay kami sa katapatan at kabanalan.

Bilang mga anak ng Diyos, ipamagitan mo rin ang mga kasapi naming pumanaw na sa mundong ito. Ang kapayapaan at buhay na walang hanggan ay kanila nawang makamtan. AMEN.

Luwalhati sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo.Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.

Page 7: Santo rosaryo

PAALAM

Hesus kami po ay paalamNgunit bago kita iwanKaawan mo po kami at bendisyunanKami’y huwag pabayaan

O, Birheng Ina ni HesusBirheng Inang mapagkupkopYaring alipin mong lingkodPaalam sa iyo, O Diyos

Kung kami po ay aalisPapanaw sa iyong titigAng madlang hirap at sakitMakintal sa aming dibdib

O, Birheng Inang MahalKamii po ay iyong gawaranNg bendisyong mong mahalSandata naming sa daanSa tukso’y panlabanSiya nawang walang hanggan.

Page 8: Santo rosaryo

PANALANGIN PAGKATAPOS NG MISA

Pinasasalamatan po kita PANGINOON ko sa biyayang ipinagkaloob mo sa akin, na ako’y nakapakinig ng Misa, tangi sa iba na hindi nagtamo ng kapalarang ito, at iniaamo ko po sa inyo na ipatawad mo sa akin ang anumang ipinagkulang ko dahil sa katamlayan at kalibangan ko sa harap mo.

Ipagkaloob mo nawa Diyos ko, na ang sakripisyong ito ay siyang ikapawi ng mga kasalanan ko sa tinalikdang buhay at ikalakas ng aking kaluluwa sa haharaping panahon.

Ngayon ay yayao na ako, puno ng pag-asa sa Iyo sa pagtupad sa mga katungkulan na iniatas Mo sa akin ng Iyong Mahal na Kalooban.

Aalalahanin ko po sa buong maghapong ito ang biyayang minarapat mong ipagkaloob sa akin at pagpipilitan kong ingatan ang bunga ng Santa Misa na aking nasimbahan. Ito nga ang ipagtitikang gawin sa tulong ng mahal na grasya. AMEN.