13

sumunod kay Jesus

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: sumunod kay Jesus
Page 2: sumunod kay Jesus

“Sumunod Kay Jesus”

Page 3: sumunod kay Jesus

Mateo 4:19-20 v19Sinabi ni Jesus sa kanila, "Sumunod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda ng mga tao." v20Noon di'y iniwan nila ang kanilang mga lambat at sumunod kay Jesus.

Page 4: sumunod kay Jesus

Genesis 12:1-3v1Sinabi ni Yahweh kay Abram, "Lisanin mo ang iyong bayan, ang tahanan ng iyong ama at mga kamag-anak, at pumunta ka sa bayang ituturo ko sa iyo. v2Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami.v3Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain,at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain;sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain."

Page 5: sumunod kay Jesus

Isaiah 53:6v6Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw;nagkanya-kanya tayo ng lakad.Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanyaang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

Page 6: sumunod kay Jesus

Mateo 16:15-17v15Tinanong ulit sila ni Jesus, "Ngunit para sa inyo, sino ako?" v16Sumagot si Simon Pedro, "Kayo po ang Cristo, ang Anak ng Diyos na buhay." v17Sinabi sa kanya ni Jesus, "Mapalad ka, Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito'y hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ng aking Ama na nasa langit.

Page 7: sumunod kay Jesus

Isaiah 43:7v7Sila ang aking bayan na aking nilalang,upang ako'y bigyan ng karangalan."

Page 8: sumunod kay Jesus

Kawikaan 13:20v20Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, Ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

Page 9: sumunod kay Jesus

Santiago 4:4v4Mga taksil! Hindi ba ninyo alam na kapag kinaibigan ninyo ang sanlibutan ay kinakaaway naman ninyo ang Diyos? Kaya't sinumang nagnanais na maging kaibigan ng sanlibutan ay kaaway ng Diyos.

Page 10: sumunod kay Jesus

Lucas 9:57-62v57Samantalang naglalakad sila, may taong nagsabi kay Jesus, "Susunod po ako sa inyo kahit saan." v58Sumagot si Jesus, "May lungga ang asong-gubat at may pugad ang ibon, ngunit ang Anak ng Tao'y wala man lamang matulugan o mapagpahingahan." v59Sinabi ni Jesus sa isa, "Sumunod ka sa akin." Ngunit sumagot ang tao, "Panginoon, hayaan po muna ninyo akong umuwi upang ipalibing ang aking ama." v60Sinabi ni Jesus sa kanya, "Ipaubaya mo na sa mga patay ang paglilibing ng kanilang mga patay. Ngunit ikaw, humayo ka at ipahayag mo ang tungkol sa paghahari ng Diyos." v61Sinabi naman ng isa, "Susunod po ako sa inyo, Panginoon, ngunit magpapaalam muna ako sa aking mga kasambahay." v62Sinabi sa kanya ni Jesus, "Ang sinumang nag-aararo at palaging lumilingon ay hindi karapat-dapat sa paghahari ng Diyos."

Page 11: sumunod kay Jesus

Marcos 8:34-35v34Pinalapit ni Jesus ang mga tao, pati ang kanyang mga alagad, at sinabi, "Kung ibig ninumang sumunod sa akin, limutin niya ang ukol sa kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus at sumunod sa akin. v35Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay siyang mawawalan nito; ngunit ang mag-alay ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Mabuting Balita ay siyang magkakamit niyon.

Page 12: sumunod kay Jesus

Filipos 3:7-10 v7Ngunit dahil kay Cristo, ang mga bagay na maaari kong ibilang na pakinabang ay inari kong kalugihan. v8Oo, inari kong kalugihan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong walang kabuluhan makamtan ko lamang si Cristo, v9at lubos na makiisa sa kanya. Hindi ko na hangad na maging matuwid sa pamamagitan ng kautusan kundi sa pananalig kay Cristo. Ang pagiging matuwid ko ngayon ay kaloob ng Diyos batay sa pananampalataya. v10Ang tanging hangarin ko ngayon ay lubusang makilala si Cristo, maranasan ang kapangyarihan ng kanyang pagkabuhay na mag-uli, makihati sa kanyang mga hirap, at matulad sa kanya---pati sa kanyang kamatayan---

Page 13: sumunod kay Jesus

To God be all the Glory