Upload
acts238-believer
View
173
Download
0
Tags:
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Citation preview
2Peter 1:3-11 1:3 Yamang ipinagkaloob sa
atin ng kaniyang banal na kapangyarihan ang lahat ng mga bagay na nauukol sa kabuhayan at sa kabanalan, sa pamamagitan ng pagkakilala sa kaniya na tumawag sa atin sa pamamagitan ng kaniyang sariling kaluwalhatian at kagalingan;
1:4 Na dahil dito ay ipinagkaloob niya sa atin ang kaniyang mahahalaga at napakadakilang pangako; upang sa pamamagitan ng mga ito ay makabahagi kayo sa kabanalang mula sa Dios, yamang nakatanan sa kabulukang nasa sanglibutan dahil sa masamang pita.
1:5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;
KagalinganLuke 6:45 Ang mabuting tao ay kumukuha ng
kagalingan sa mabubuting kayamanan ng kaniyang puso; at ang masamang tao'y kumukuha ng
kasamaan sa masamang kayamanan: sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang kaniyang
bibig.
KaalamanPro 14:6 Ang manglilibak ay humahanap ng karunungan at walang nasusumpungan: nguni't ang kaalaman ay madali sa kaniya na naguunawa.
1:6 At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan;
PagpipigilTit 2:12 Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin
sa kalikuan at sa mga kahalayan ng sanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at
matuwid at banal sa panahong kasalukuyan ng sanglibutang ito;
PagtitiisHeb 6:15 At sa ganito, nang makapaghintay na may
pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.
Heb 10:36 Sapagka't kayo'y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang
kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.
Kabanalan1Th 3:13 Upang patibayin niya ang inyong mga puso,
na walang maipipintas sa kabanalan sa harapan ng ating Dios at Ama, sa pagparito ng ating Panginoong
Jesus na kasama ang kaniyang lahat na mga banal.
1:7 At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig.
1:8 Sapagka't kung nasa inyo ang mga bagay na ito at sumasagana, ay hindi kayo pababayaang maging mga tamad o mga walang bunga sa pagkakilala sa ating Panginoong Jesucristo.
1:9 Sapagka't yaong wala ng mga bagay na ito ay bulag, na ang nakikita lamang ay ang nasa malapit, sa pagkalimot ng paglilinis ng kaniyang dating mga kasalanan.
1:10 Kaya, mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag at pagkahirang sa inyo: sapagka't kung gawin ninyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo mangatitisod kailan man:
1:11 Sapagka't sa gayon ay ipinamamahaging sagana sa inyo ang pagpasok sa kahariang walang hanggan ng Panginoon natin at Tagapagligtas na
si Jesucristo.
Hebrew 6:12 Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.