30
Pang-agham na Rebolusyon/Ebolusyon

World history

Embed Size (px)

Citation preview

  • 1. Ang medyebal na pananawa na ang mundo ang gitna ng kalawakan aykombinasyon ng turo ng simbahan, at nina Aristotle at Ptolemy.

2. Ayon kay Ptolemy umiikot sa mundo ang pitong planeta buwan, araw,Mercury, Venus, Mars, Jupiter, at Saturn. 3. Ito ay tinatawag na teoryang geocentric, sinusuportahan nito angpananawa ng simbahan na nilikha ngDiyos ang kalakawan para sa mga tao. 4. Ayon naman kay Aristotle, mayroong apat na elemento lupa, tubig, apoy,at hangin. 5. Kinontra ni Nicolaus Copernicus, isang Polish churchman, doktor atastronomer ang teoryang geocentric 6. Ipinakilala ni Copernicus ang teoryang heliocentric, kung saan ang araw angsentro ng kalawakan. Nakapaloob ito sa kanyang libro na On the Revolutions of the Heavenly Spheres. 7. Pinaniwalaan ng siyentipiko atmatematisyan na si Galileo Galileiang teorya ni Copernicus mataposniyang obserbahan ang kalawakan. 8. Binigyan ng halaga ni Galileo ang matematika, sukat, at pag- eeksperimento. Ang kaniyang pag-eeksperimento ay isa sa pinaka-unang pagtatangka na gamitin angscientific method 9. Kinontra ng mga obserbasyon niGalileo ang mga paniniwala noong panahong medyebal na ang mga bagay sa kalawakan ay perpekto,nakaayos, at di nagbabago. 10. Sa kaniyang pag-oobserba, natuklasan niya na ang Jupiter ay may mga satellites na umiikot dito, kagaya ng pag-ikot ng buwan sa mundo. Nilalabanan nito ang sinasabi ngsimbahan na ang mga bagay sa kalawakan ay sa mundo lamangumiikot. 11. Noong 1620s pinayagan ng papa na sumulat si Galileo ng aklat na nag- kukumpara sa sistemang Ptolemaic at Copernican. Ngunit matapos itongmailathala noong 1632. Nilitis at ikinulong sa kang tahanan si Galileo.Pinagbawal at itinigil ang paglalathla ngkaniyang mga gawa. 12. Hindi nag-iisa si Galileo sa paghahanap ng mga bagong teory.Ilan sa mga kasama niya ay sina Tycho Brahe mula sa Denmark atJohannes Kepler mula sa Germany. 13. Ipinagawa ni Brahe ang isa sapinakaunang modernongobserbatoryo, ang Uraniborg na ang ibig sabihin ay kastilyo sa kalangitan 14. Mayroong tatlong batas si Keplertungkol sa pag-galaw ng mga planeta.Una, ang orbita ng mga planeta ayhindi bilog kundi ellipse. 15. Ikalawa, ang mga planeta ay mabilis kung ito ay mas malapit sa araw. Ikatlo, may matematikal na relasyonang distansya ng planeta sa araw, atang tagal ng pag-ikot nito sa kanyangorbita. 16. Si Isaac Newton isang matimatisyan at siyentipikong Ingles, ay nakagawa ng mga importanteng tuklas sa larangan ng pisika, astronomya, at matematika. 17. Ayon kay Newton ang mga bagay samundo, ang buwan, bituin, at mgaplaneta ay sinusunod ang iisang batas ng paggalaw. Ipinaliwanag niya ito bilang gravity at inertia. 18. Sa paliwanag ni Newton, gagalaw angmga planeta sa deretsong linya, at ang pumipigil lamang dito ay ang gravitational pull ng araw nanagpapanatili sa mga planeta sakanilang orbita. 19. Mula sa aklat ni Newton naMathematical Principles of NaturalPhilosophy o Principia, angkalawakan ay isang higanteng orasan 20. Naniniwala si Newton na ang Diyosang lumikha at arkitekto ng pagkaka-ayos ng kalawakan. Ang gumawa ng orasan na nagpapagalaw sa lahat ng bagay. 21. Si Andreas Vesalius isang Flemish nadoktor ang nanguna sa pag-aaral ng anatomya. Pinag-aralan niya ang katawan ng mga patay at kalansay, nanoon ay ipinag-babawal ng simbahan. 22. Si William Harvey isang doktor na Ingles ang nakatuklas atnakapagpaliwanag tungkol sa sirkulasyon ng dugo at kung paano gumagana ang puso. 23. Si Anton Van Leeuwenhoek angnakatuklas ng mikroskopyo. Gamit ito natuklasan niya ang mundo ngmga one-celled organisms na hindi nakikita ng ating mga mata. 24. Noong ika-18 siglo isang Swedish na naturalista na si Carolus Linnaeus ang masusing pinag-aralan ang halaman at hayop. Siya angnagpangalan sa mahigit 4,000 na hayop gamit ang salitang Latin. 25. Si Francis Bacon na isang Ingles naestadista at manunulat, ang humikayat sa mga siyentipiko na gumawa ng mga masususing obserbasyon ateksperimento upang maging basehan ng kanilang mga teorya. Gusto niyang magamit siyensya para mas maging kompartable ang pamumuhay ng mga tao 26. Sa Pransya, si Rene Descartes isanghenyo sa matematika, ang sumulat ng Discourse on Method. Angnagpaliwanag ng mga problema sasiyensya at pilosopiya sa matematikal na pamamaraan. 27. Book:Perry, Marvin. A History of the World: Revised Edition:1989Internet:http://ap_history_online.tripod.com/apeh6.html