View
126
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
Ang kandilang sisindiha’y
pangako ang binabanggit,
Una, ito siyang sagisag,
punung puno ng pag-ibig;
Ukol ito sa Lumikhang kay Bathalang nasa langit,
At kasama ang sa bayang
kadluan ng tuwa’t hapis.
Ikalawang sisindiha’y sakop pa rin ng pangako, Sagisag ay kabaitang sa
tao’y siyang sugo ; Ang pagtulong sa kapuwa’y
laging taos, hindi biro. Pagkat bunga ay ligaya kung
pagtulong ay nasa puso.
Ang ikatlong sisindiha’y yaong batas na susundin
Mayro’ng sampu yaong bilang, isa-isang babanggitin
Buod nito’y katutura’y may magandang layo’t turing,
Maliwanag at malinaw
kapag iyong nanamnamin.
Ang Babaeng Scout ay Malinis ang
Isip, Salita at Gawa.
Malinis na lagi yaong kaisipan
Sa salita ri’y gayo’t gawai’y marangal;
Kung makipag-usap di inililiban
Nang hindi masira sa salitaan.
Laging ganyan kami sa Bagong Lipunan.
Dangal nitong lahi , sa lahat ay huwaran,
Malinis na gawa ay isang karangalan,
May magandang bukas at may kaunlaran.
Ang Babaeng Scout ay Mahabagin.
Ako’y mahabagin at handang dumamaySa lahat ng tao, saan mang lugar,
Ang aking tungkulin ay pakinabangan,Di lang ng kaanak kundi ng iba man.
Maganda ang aking hangad na pagtulongSumigla ang iba sa munti kong layon. Nais kong umunlad iba kong kanayon, Guminhawa sila sa lahat ng panahon.
Ang Babaeng Scout ay Disiplinado
Ang magandang disiplina ay laging taglaySa puso,diwa, lakas at buhay
Sa bawat gawain, sa pagtulong, sa pagsasanay May lakas na pagpipigil sa ginagawang pag-damay
May disiplina ako sa bawat balakin. May pagpipigil ako sa mapusok kong damdamin.
Aking nilalabanan ang masidhing nasain. Makapagbigay lamang sa kapwa ng
magandang simulain.
Ang Babaeng Scout ay Masipag
Ang taong masipag,marami ang natutulungan Maraming kawanggawa ang natutuklasan.
Sagana sa kaibigan, sagana sa kaligayahan. At hindi dinadalaw ng anumang kalungkutan.
Ang taong masipag,taglay ang kasiyahan. Masigla ang tahanan, gayon din ang bayan.
Mapagkawanggawa sa lahat ng nangangailangan.
Tumutulongsa kapwa hanggang libingan.
Ang Babaeng Scout ay Masunurin sa Batas
Pagsunod sa batas ang laging nasa isip. Sapagkat ang batas ay dapat sundin at igalang Bawat batas ng bayan ay taglay angpagmamKaya’t ang paggalang sabatas ay dapat pag-
aralan.
Ang tao’y kaya laging napapahamakLaging nabibigo,nalulungkot,at sawi sa lahat
Ang tunay na sanhi at kadahilanang tapatHindi sa batas marunong tumupad.
Ang Babaeng Scout ay Matapat.
Ang Babaeng Scout sa kapwa ay laging matapat,
Isipan ay malinis, at dibdib, laging bukas,Matapat kung dumamay, sa isa o sa lahat
Walang halong pag-iimbot, walang ganting hinahangad.
Ang ganitong kaasala’y bukal sa diwa at isipAng gumawa at maglingkod sa kapwa’y ang
laging pakay, Ang tungkulin at pagdamay sa iba ay
karangalan,Iyan ang laging nasa isip nitong Babaeng
Scout araw-araw.
Ang Batas ng Babaeng Scout
Ang Girl Scout ay mapagkakatiwalaan.
Ang Girl Scout ay matapat. Ang Girl Scout ay matulungin.
Ang Girl Scout ay kaibigan ng lahat at kapatid ng bawat Girl Scout.
Ang Girl Scout ay magalang sa lahat na may buhay.
Ang Girl Scout ay mapitagan.
Ang Girl Scout ay magalang sa lahat na may buhay.
Ang Girl Scout ay disiplinado.
Ang Girl Scout ay may sariling
paninindigan. Ang Girl Scout ay matipid.
Ang Girl Scout ay malinis sa isip, sa salita, at sa gawa.
Ang Babaeng Scout ay Matapat.
Ang Babaeng Scoutsa kapwa ay laging matapat,Isipan ay malinis, at dibdib, laging bukas,
Matapat kung dumamay, sa isa o sa lahat Walang halong pag-iimbot, walang ganting
hinahangad. Ang ganitong kasala’y bukal sa diwa at
isipan. Ang gumawa at maglingkodsa kapwa’y laging
pakay, Ang tungkulin at pagdamay saiba ay karangalan,
Iyan ang laging nasa isip nitong Babaeng scout araw-araw.
Editha T. Honradez
Pasolo Elementary SchoolGirl Scout HolidaySeptember. 2011
Recommended