Ang Heograpiya at Kasaysayan

Preview:

Citation preview

Ang Heograpiya at Kasaysayan

Aralin 3:

Ang salitang heograpiya ay hango sa wikang Greek na geographia. Ang geo

ay nangangahulugang “lupa” samantalang

ang graphein ay “sumulat”.

"Mahalagang malaman ang tungkol sa pisikal na aspeto ng daigdig dahil tahananito

ng tao," wika ng isang manunulat. Sumasang-ayon

ka ba? Totoong mahalaga ang kaalaman sa heograpiya

ng daigdig sapagkat makatutulong ito upang

lubos nating maunawaan ang mga pangyayari sa

kasaysayan.

Tulad ng ibang disiplina ng Agham Panlipunan

(antropolohiya, sosyolohiya, agham

pampulitika, sikolohiya, ekonomiks, atlinggwistika) ang heograpiya ay lubos na nakakaapekto sa mga

tao at pangyayaring nagaganap sa kasaysayan.

Pansinin mo ang larawan ng ating daigdig. Napakaganda, hindi ba? Bakitmahalagang

pangalagaan ng tao ang daigdig? Makapagbibigay ka ba ng ilang katangian ng

heograpiya ng daigdig? Subukan mong magbigay ng tatlong katangian

Kung mapapagmasdan mo ang kagandahan ng daigdig

mula sa kalawakan, marahil ay maiisip mo na may malaking impluwensiya ang pisikal na

kaanyuan ng daigdig sa paghubog ng kabihasnan ng

mga taong nakatira dito. Tama ka. Ang heograpiya ay hindi lamang tungkol sa pag-aaral ng pisikal na katangian ng

daigdig.

Sinasaklaw din sa pag-aaral ng heograpiya ang

pag-unawa at pagbibigay-paliwanag kung paanong

ang kapaligiran ay nakatutulong sa

paghubog ng kabihasnan at sa mgaparaan ng

pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Ang mga nakaraang pangyayari at mga

pagbabago sa daigdig o kasaysayan

aynaipaliliwanag din sa pamamagitan ng pag-

unawa sa pisikal na katangian ng mgabansa sa daigdig. Isang halimbawa

ang mga Phoenician. Habang namumuhay angsinaunang tao sa

pagtatanim,

naging magagaling namang mandaragat ang

mgaPhoenician dahil ang lokasyon ng kanilang lugar ay

nakaharap sa DagatMediterranean.

Gayundin, dahil sa mga ruta at daan sa pagitan ng mga

karagatan atmga kontinente, ang mga makapangyarihang bansa ay nakapagpalawak ng

kanilang teritoryo.

May malaking impluwensiya sa kultura

ng tao ang kanilang kinalalagyan saibabaw ng daigdig. Halimbawa,

dapat magsuot ang mga Eskimo sa Alaska ngmakakapal na damit

at tumira sa igloo

upang malabanan nila ang lamig sa bahaging itong

daigdig. Kailangan namang magsuot ng makakapal na

putong sa ulo ang mga Indiansa mainit na lugar sa Kapatagan ng Deccan at mga tao sa Arabia upang

malabananang init dahil sa mainit na klima sa kanilang

lugar.

Ang mga istilo ng mga bahay sa pookna

nagyeyelo kung taglamig ay kakaiba sa mga

tahanan ng mga tao sa tropikal na mgabansa.

Pangingisda ang ikinabubuhay ng

maraming nakatira sa mga peninsula o

hindikaya ay paglalayag o

pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Higit na

maunlad ang kabuhayan ng mga bansang sagana sa

likas na yaman kaysa mga bansang salat dito.May

kinalaman din ang heograpiya sa paniniwala o

relihiyon ng mga tao.

Naging mahalaga ang heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa. Naging makapangyarihan

ang Carthage noong sinaunang panahon dahil

nasa teritoryonito ang Dagat Mediterranean.

Subalit nang mapasakamay ng mga Romano ang nabanggit na dagat,

bumagsak ang Carthage, nawalan ito ng halaga sa

daigdig atnaging matatag naman ang

Imperyong Roma. Mahalaga ang Dagat

Mediterranean sapagkat ito ang nag-uugnay sa mga bansa sa Europa,

Asya, at Aprica.

Ang mga bansang nakatuklas ng ibang

lupain sa ibang kontinente, gaya ng Espanya at Portugal

noong ika-14 na siglo, ay nakaungos sa ibang

bansa dahil sakaalaman sa heograpiya at naging

mga mananakop at maunlad na bansa.

May mga bansa ring naging maunlad dahil pinag- aralan nila ang paggamit ng mga yamang-likas ng kanilang

teritoryo o kaya'y tumuklas at gumamit ng mga yamang-likas ng ibanglupain upang

manguna sa kalakalan at mga gawaing pampulitika sa buong daigdig, kagaya ng Inglatera

at Amerika.

Kaugnayan ng Heograpiya sa mga Pandaigdigang Penomena

Malaki ang kaugnayan ng heograpiya sa mga pandaigdigang penomena tulad ng El Niño, global

warming, greenhouse effect , bagyo, sandstorm, tornado, lindol, tsunami,

La Niña at iba pa. May iba't ibang epekto ang pagkakaiba-iba ng klima,

elebasyon,porma ng kalupaan, katubigan, behetasyon o sistema ng

halaman, uri ng lupa, atmineral, tulad ng mga sumusunod:

1. Ang porma o elebasyon ng lupa ay nakakaimpluwensiya sa

klima. Naaapektuhan ngelebasyon ang temperatura at patak ng ulan, ang epektong

tinatawag na rain-shadow sa mga bulubundukin, ang

pababang pag-agos ng malamig na hangin sagabi, mga ihip ng

hangin sa lambak at kabundukan, ang lakas at

direksyon ng hangin, at iba pa.

2. Naaapektuhan din ng porma at elebasyon ng

lupa ang mga katubigan. Ang presipitasyon,

distribusyon ng katubigan, pagkawala ng tubig sa

mababang lugar, distribusyon ng karagatan,

ilog at mga lawa ay nakasalalay sa taas o baba

at anyong lupa.

3. May epekto rin ang porma ng lupa sa

behetasyon o sistema ng halaman. Dahil

saepekto nito sa lupa at klima, iba-iba ang uri ng mga halamang tumutubo sa bawat

lugar.

4. Kaiba ang lupa na nabubuo sa malapit na bundok sa mga

kapatagan kaysa doon samalapit sa dagat. Dahil dito, iba rin ang sistema ng pagtatanim, at mga

gawaing pang-ekonomiya sa bawat lugar. Ang mga lupang

sagana sa mineral aynakapagbibigay ng ginto,

pilak, tanso, at iba pang uri ng mineral na magagamit at

nagpapaunlad sa mga pamayanan.

Ang mga bulubunduking may minahan ng mgaginto at mineral ay matatag na sandigan ng maunlad na

ekonomiya. Dahil dito,maraming mga lupaing mayaman sa mineral ang nasakop noong panahon

ngkolonyalismo at pagpapalawak ng teritoryo.

5. Sa isang banda, ang klima rin ay may

malaking epekto sa pag-iiba-iba ngtemperatura, pagkatuyo o pagkabasa ng lupa, at sa pagkabuo

at pagkasira nito. Reponsable ang klima sa sukat ng ulan at dami ng tubig na nasa kalupaan.

Dahil sa klima, iba-iba ang uri ng lupa sa maiinit at malalamig na lugar. Iba-

ibang halamanang tumutubo sa iba’t ibang

lugar batay sa lamig o init ng panahon. Dahil dyan,

iba’tiba rin ang uri ng mga kalakal na ipinagbibili ng

mga bansa sa pandaigdigang pamilihan.

Mahalaga ang pag-aaral ng heograpiya sa pag-aaral ng kasaysayan sapagkat may kinalaman ito sa paghubog ng kabihasnan at ng iba’tibang aspeto ng kultura, pamahalaan, relihiyon, sining, ekonomiya, atmaging ang hinaharap ng mga tao at bansa sa daigdig.Nakasalalay sa pangangalaga ng

kalikasan at ng heograpiya ang kaligtasan ngsangkatauhan.

MGA LAMBAK ILOG

Lambak ng Ilog Nile

Ang Ilog Nile ay isang pangunahing ilog sa kontinenteng

Africa. Tinatayang ito ang pinakamahabang ilog sa Daigdig na umaabot sa anim na libo anim

na raan at siyamnapu't limang (6,650) kilometro. Nagmula ang

salitang "Nilo" ('nIl) mula sa salitang Neilos, isang salitang Griyego na nangangahulugang

lambak ng ilog.

Mayroong dalawang sangay ang ilog na tinatawag nating Puting

Nilo at Asul na Nilo. Ayon sa mga mananaliksik,sa Ilog Nilo

kumukuha ng malinis at maaaring inumin na tubig ang

sinaunang sibilisyasyon ng Ehipto (Egypt). Umaagos ang ilog papalabas ng Aprika sa

Dagat Meditteranean.

Sa lambak ng ilog nile unang nanirahan ang mga Ehipsyano.

Noong unang panahon,

nahihirapan ang sinumang nais

pumasok o sumalakay sa pook

na ito.

Ang Ehipto ay nagtataglay ng likas na

pananggalang sa sinumang sumasalakay

sa pook at dahil dito, ang mga nakatira rito ay

walang pagkakataong makisalamuha sa iba’t

ibang pangkat.

Ang lupain at klima ng Ilog Nile ay nakakaakiy at nagbibigay ng mga pagkakataon sa pag-unlad ng mga taong naninirahan dito. Iniaanod ng mga tunaw na yelo buhat sa matataas na bundok

ang matatabang lupa patungong Ilog Nile. Sa pag-apaw ng ilog Nile, kumalat sa lambak ang

matabng lupa.

Natuklasan din tao ang paggamit ng patubig

at ng imbakan ng tubig. Ang klima ay

mainit ngunt angkop sa pagtatanim ng ilang

halaman.

Ang mabagal na daloy ng Ilog Nile ang ginamit ng mga Ehipsyano sa nabigasyon o

paglalakbay. Bunga rito, marami sa kanila nag naging mangangalakal. Ang kanilang

produkto ang dinala sa karatig na pook at sa

kanilang pagbabalik, dala naman nila ang produktong

gawa sa ibang lupain.

Pagsasaka ang pangunahing

hanapbuhay ng mga unang tao

sa Ehipto.

Mga alipin ang gumagawa sa bukid na sinusubaybayan ng mga pinuno ng pamahalaan ay mga sayantist. Sila ang nagpasya kung ano ang

itatanim at kung anong bahagi ng bukirin ang angkop na taniman.

Ang mga inhinyero at sayantist ng pamahalaan ang gumagawa ng patubig. Dahil sa mga gawaing

kaugnay ng pagsasaka natuklasan ng mga Ehipsyano ang mahalagang kaalaman sa matematika, agham,

paggawa at kalendaryo.

Sa pagtatayo ng piramide at mga palasyo, naging

dalubhasa ang mga Ehipsyano. Sumibol ang mga artisano tulad ng

tagatibag ng bato, tagagawa ng ladrilyo

kantero, tagaukit at iba pa. Umunlad din ang paggawa ng mga sasakyang dagat at

paghahabi ng tela.

Dahil sa impluwensiya ng

likas ng katangian ng pook, ang

lambak ng ilog Nile ay naging isa sa mga ugat ng

sibilisasyon.

Lambak ng Tigris at Euphrates

Ang ilog Tigris at Euphrates ay nagmula sa bundok ng Armenia. Magkaagapay na

dumadaloy ang ilog na ito sa gawing timog at palabas sa

Persian Gulf. Bumuo ng malawak na latian at patag na lupain ang mga ilog na

ito, bago nagsama papuntang dagat. Tumubo rito ang maraming bamboo

reeds.

May matabang lupain na nababagay sa pagtatanim ang lupain sa pagitan ng dalawang ilog na ito. At

tulad ng Egypt, kailangan din ng pook ng patubig; lambak ang lugar na ito

ngunit ito ay kakaiba dahil sa kawalan ng mataas na

burol na nagbibigay proteksyon laban sa mga

kaaway.

Dahil dito, iba-iba’t uri ng tao at tribu ang sumakop

at tumira sa kanilang lupain. Sa kakulangan sa bato, ang mga ladrilyo na

pinatuyo sa araw ang kanilang ginamit sa

konstruksyon.

Lambak ng Indus

Ang kauna-unahang sibilisasyon sa India ay

nagsimula sa tabi ng ilog Indus, batay sa mga

arkelohista. Ang ilog indus ay nagmula sa mataas na bundok

sa hilaga. Ang ilog ay may apat na sanga na dumadaloy

sa patag, malawak, at matabang lupain na tinawag na Punjab. Ang unang tao ay

magsasaka at ang karaniwang tanim ay trigo.

Ayon sa pag-aaral, nagtataglay sila ng

kagamitan na yari sa bronse at luad. Ang mga seal ay yari sa bato at may hugis hayop gaya ng rhinoceros at tigre.

Noong 1150 BCE, ang nabanggit na kabihasnan ay nagwakas. Ipinalalagay

ng marami na ang mga gusali sa mga bayan at lungsod ay nasunog, at

ang iba naman ay naniniwalang sila ay

nilusob at sinakop ng mga Aryan na galing sa hilagang kanluran.

Lupain sa Lambak Ilog Huang-Ho

May naniniwala na ang mga unang tao sa Tsina

ay nagmula sa ilog Huang-Ho sa gawing hilaga at ang iba nay

galing sa timog. Sila ay nanirahan sa matabang

lupain ng lambak.

Phoenician

Ang teritoryo ng Phoenician ay

isang mahaba at makitid na lupain

sa pagitan ng mga bundok.

Sila ay mangangalakal at mandaragat dahil

hindi bagay sa pagsasaka ang kanilang lupain.

Ang kalakalan ng Phoenicia ay sari-saring produkto na nagmula sa dagat. Dinala nila ito sa

Spain at sa iba pang bahagi ng mundo.

Umaangkat sila ng mga kagamitan gaya ng krystal, palayok, at

pinggan.

Naging mahusay na karpintero ang mga Phoenician.

Gumagawa sila ng mwebles mula sa mga kahoy na

nagmula sa kabundukan. Mga bihasa rin silang artisan. Dahil sa mga produktong kanilang ikinakalakal, tinawag silang

mga “Traders of Antiquity.” At dahil sa paglipat-lipat nila sa iba’t ibang pook, napayaman

nila nag kultura.

Katangian ng Kapaligirang Pisikal

Ang lokasyon , topograpiya, at klima ay mga salik ng

kapaligirang pisikal sa daigdig. Ang topograpiya ay ng mga

bansa ay may epekto sa pamumuhay ng mga tao. Iba’t ibang sistema o pamamaraan ng kanilang pamumuhay, lalo

pa ang mga tao ay naninirahan sa kabundukan,

kapatagan, talampas, lambak, at disyerto.

Kabundukan

Kakaunti ang naninirahan dito dahil sa hirap ng buhay. Pangunahing suliranin ay transportasyon at

kommunikasyon, sapagkat hiwalay ito sa kabayanan. Mahirap ang

pagsasaka at ang mga bundok ay sagabal sa pagdaan ng ulan at hangin, subalit ang mga ito ay

nagsisilbi namang hangganan o tabing ng isang bansa sa kapwa

bansa.

Ang bundok ang pinagmumulan ng mga

likas na yaman na umaagapay naman sa

pag-unlad ng bansa. Ang pagtotroso, pagmimina at pagpapastol ay ilan

lamang sa mga pinagkakakitaan ng tao

na nakatulong sa ekonomiya.

Sa Pilipinas, ang bundok ng Sierra

Madre at Cordillera ang sumasangga at nagpapahina sa mga dumarating na bagyo.

Kapatagan

Dito naninirahan ang malaking populasyon ng daigdig. Ito ay

malawak, mayaman, at kapaki-pakinabang sa pamumuhay ng

mga tao sa buong panahon. Pagsasaka at pagpapastol ang karaniwang gawain ng mga tao

dito. Kadalasan ay hindi kinakikitaan ng suliranin ang

tansportasyon at komunikasyon sa kapatagan.

Talampas

Mainam din na panirahan ito. Matatagpuan sa kalapit ng mga

bundok at lumilinang sa mga gawaing pagsasaka at industriya.

Halimbawa ng talampas tulad ng Piedmont Plateau at Swiss

Plateau ay ginawang panirahan ng mga tao at ang kanilang

hanapbuhay ay pagsasaka at pakikipagkalakalan.

Disyerto

Kaunti ang naninirahin dito dahil sa matinding init na

nararanasan sa lugar na ito. Ang tao ay hindi makatagal

mamuhay rito. Ang matinding init at kawalan ng ulan ang dahilan ng hindi pagtira ng mga tao sa disyerto. Bukod

dito, ang hangin sa ibabaw ay tuyo. Mahirap din ang

transportasyon at komuniskasyon.

Mahalaga rin ang klima sa pagtiyak kung saan at

kung paano mamumuhay ang mga tao. Ang klima ay ang

pangkalahatang kalagayan ng panahon.

Binubuo ito ng temperatura,

halumigmig, at hangin.

TAPOS NA.

SALAMAT.

Recommended