View
790
Download
44
Category
Preview:
DESCRIPTION
Sa panimula ay ang pangalan ng Allah, ang Pinakamapagpala angPinakamahabagin. Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay para sa Allahlamang na Siyang nagkaloob sa atin nang ganap na biyaya, nagkaloob nangbuong pananampalataya na siyang pinili Niya para sa atin.Ang pagpapala at kapayapaan ay maitampok nawa sa Kanyang hulingSugo na si Muhammad صلى الله عليه وسلم (saw – sallalahu alayhi wassalam – na ang ibigsabihin ay “ilayo nawa siya ng Allah mula sa mga paninira at kawalan ngkatotohanan”) sa kanyang pamilya, mga kasamahan, at sa lahat ng mgasumusunod hanggang sa huling araw.Inihanda ng BTEC (Batha Training and Education Center / SentrongPagsasanay at Pag-aaral – Al-Batha) sa ilalim ng pamamahala ng COCGAl-Batha (The Cooperative Office for Call and Guidance / TanggapangNakikipagtulungan para sa Panawagan at Gabay) ang aklat na ito para saUnang Antas (Level 1) sa Panimulang Pag-aaral ng Araling Pang-Islam –Filipino, na naglalayong makapagbigay pakinabang sa mga naghahangadna matututo sa pananampalatayang Islam.Binubuo ng anim na yunit ang aklat na ito: (1) Tawhid [Kaisahan ng Allah];(2) Fiqh [Batas ng Islam]; (3) Hadith [mga salaysay na tinuran, ginawaat pinahintulutan ng Propeta صلى الله عليه وسلمsa kanyang mga Kasamahan (Sahabah)];(4) Seerah [ang talambuhay ng Propeta صلى الله عليه وسلم]; ( 5 ) Qur’an [pagsasaulo ng mgamaiikling kabanata]; (6) Arabic [pag-unawa at pagsaulo sa AlfabetongArabik]. Ang bawa’t yunit ay binubuo ng labindalawang aralin na ang bawa’taralin ay tatalakayin naman sa loob ng isang oras, maliban sa yunit 5 at 6na anim na aralin lamang subali’t dalawang oras na pagsasanay angkinakailangan.Sinikap na isalin sa wikang Filipino sa isang simple at malinaw na pamamaraanupang magkaroon ng isang masiglang talakayan sa pagitan ng mgamag-aaral at mga tagapagsanay sa pag-unawa ng mga aralin. Ang aklat naito ay patnubay lamang para sa mas malawak na talakayan na maaaringibigay ng tagapagsanay.Pinasasalamatan ko ang mga masugid at matatapat na tagapagsanay saaming Sentro na sina Muhammad Dela Pena, Raed Capule, Omar Taron,Amrollah, Rashid Angeles, Omar Tomarocon at Abdurahman Sobrado.Gayundin ay pinasasalamatan ko sina Abdulaziz at Abdullah Gonzales parasa mga disenyo at pabalat ng aklat na ito. Para sa lahat ng mga naunangmga mag-aaral ng BTEC at sa mga nagpapalaganap ng Islam sa COCG Al-Batha… Khalid De Guzman, Jamal Ramirez, Adam Dizon, Yusop Butucan,Muhammad Cruz, Abdulmalik Magturo, Omar Bulaon, Mikael Sultan, atbp.Hinihiling namin sa Allah ang pakinabang na makukuha natin dito at nawaay ilayo Niya tayo sa anumang bagay na maaaring magligaw sa atin satuwid na landas… Amin!Ahmad Felix FernandezAng PamunuanBTEC – Batha Training and Education CenterThe Cooperative Office for Call and Guidance – Al-BathaAugust 26, 2014
Citation preview
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
1/239
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
2/239
ARALING PANG-ISLAM
UNANG ANTAS 1WIKANG FILIPINO
Batha Training and Education Center
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
3/239
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
4/239
PAUNANG SALITA
Sa panimula ay ang pangalan ng Allah, ang Pinakamapagpala angPinakamahabagin. Ang lahat ng pagpupuri at pasasalamat ay para saAllahlamang na Siyang nagkaloob sa atin nang ganap na biyaya, nagkaloob nang
buong pananampalataya na siyang pinili Niya para sa atin.
Ang pagpapala at kapayapaan ay maitampok nawa sa Kanyang hulingSugo na si Muhammad (saw sallalahu alayhi wassalam na ang ibigsabihin ay ilayo nawa siya ng Allah mula sa mga paninira at kawalan ngkatotohanan) sa kanyang pamilya, mga kasamahan, at sa lahat ng mgasumusunod hanggang sa huling araw.
Inihanda ng BTEC (Batha Training and Education Center / SentrongPagsasanay at Pag-aaral Al-Batha) sa ilalim ng pamamahala ng COCG
Al-Batha (The Cooperative Office for Call and Guidance / TanggapangNakikipagtulungan para sa Panawagan at Gabay) ang aklat na ito para saUnang Antas (Level 1) sa Panimulang Pag-aaral ng Araling Pang-Islam Filipino, na naglalayong makapagbigay pakinabang sa mga naghahangadna matututo sa pananampalatayang Islam.
Binubuo ng anim na yunit ang aklat na ito: (1) Tawhid[Kaisahan ng Allah];(2) Fiqh[Batas ng Islam]; (3) Hadith[mga salaysay na tinuran, ginawaat pinahintulutan ng Propeta sa kanyang mga Kasamahan (Sahabah)];
(4) Seerah[ang talambuhay ng Propeta5) ;[) Quran[pagsasaulo ng mgamaiikling kabanata]; (6) Arabic [pag-unawa at pagsaulo sa Alfabetong
Arabik]. Ang bawat yunit ay binubuo ng labindalawang aralin na ang bawataralin ay tatalakayin naman sa loob ng isang oras, maliban sa yunit 5 at 6na anim na aralin lamang subalit dalawang oras na pagsasanay angkinakailangan.
Kinalap at isinaayos ang mga aralin mula sa mga sumusunod na sang-gunian: Noble Quran Arb/Eng Dr. Muhsin Khan & Dr. Taqi-ud-Din Al-
Hilali; The Book of Tawheed (Oneness of Allah) Shk. Saleh al-Fozan;Abridged Biography of Prophet Muhammad Imam Muhammad Ibn AbdulWahhab At-Tamimi; Islamic Studies Book 1 to 4 Abu Ameenah BilalPhilips; Help Yourself in Reading Quran (Arabic English) Qari Ab-dussalam; The Principles of Islam Sh. Hmoud M. Al-Lahim, MahmoudRidha Murad (Translator)
Sinikap na isalin sa wikang Filipino sa isang simple at malinaw na pama-maraan upang magkaroon ng isang masiglang talakayan sa pagitan ng mga
mag-aaral at mga tagapagsanay sa pag-unawa ng mga aralin. Ang aklat naito ay patnubay lamang para sa mas malawak na talakayan na maaaringibigay ng tagapagsanay.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
5/239
Pinasasalamatan ko ang mga masugid at matatapat na tagapagsanay saaming Sentro na sina Muhammad Dela Pena, Raed Capule, Omar Taron,
Amrollah, Rashid Angeles, Omar Tomarocon at Abdurahman Sobrado.Gayundin ay pinasasalamatan ko sina AbdulazizatAbdullah Gonzalesparasa mga disenyo at pabalat ng aklat na ito. Para sa lahat ng mga naunang
mga mag-aaral ng BTEC at sa mga nagpapalaganap ng Islam sa COCG Al-Batha Khalid De Guzman, Jamal Ramirez, Adam Dizon, Yusop Butucan,Muhammad Cruz, Abdulmalik Magturo, Omar Bulaon, Mikael Sultan, atbp.
Hinihiling namin sa Allah ang pakinabang na makukuha natin dito at nawaay ilayo Niya tayo sa anumang bagay na maaaring magligaw sa atin satuwid na landas Amin!
Ahmad Felix Fernandez
Ang Pamunuan
BTEC Batha Training and Education Center
The Cooperative Office for Call and Guidance Al-Batha
August 26, 2014
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
6/239
TAWHID
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
7/239
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
8/239
3
NILALAMAN
Pahina
Aralin 1
Ang Tatlong Saligan na dapat malaman ng tao 5
Ang Pinagmulan ng Tunay na Relihiyon 7
Aralin 2 IBADAH 9
Ang Layunin ng Pagkakalikha 9
Kahulugan ng Ibadah 10
Ang Khalifah 12Aralin 3 Mga Haligi ng Islam 15
Ash-Shahadatain 15
La Ilaha Illa Allah )
( Ang kahulugan ng 15
Aralin 4
Ang kahulugan ng Pagsaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah 21
Aralin 5
Salah 26
Zakat 26
Sawm 27
Hajj 27
Aralin 6 Mga Haligi ng Pananampalatayang Islam 29
(Paniniwala sa Kaisahan ng Allah (Tawhid 29
Tawhid ar-Rububiyyah 30
Tawhid al-Uluhiyyah 32
Tawhid al-Asma was-Sifat 35
Aralin 7
Paniniwala sa Kanyang mga Anghel 37
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
9/239
4
Aralin 8
Paniniwala sa Kanyang mga Kapahayagan 41
Paniniwala sa Kanyang mga Sugo 42
Aralin 9
Paniniwala sa Huling Araw 45
Mga Palatandaan ng Huling Araw 45
Araw ng Pagkabuhay na Muli 47
Aralin 10
(Al-Mizan (ang Timbangan 50
Jannah at ang mga katangian nito 51
Jahannam at ang mga katangian nito 53
Aralin 11
Paniniwala sa Kahihinatnan 55
Aralin 12
Ihsan 58
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
10/239
5
ARALIN 1
ANG TATLONG SALIGAN NA DAPAT MALAMAN NG TAO
1. Ang makilala ng tao (bilang alipin) ang kanyang Rabb
(Panginoon).
Kapag tinanong: Sino ang iyong Rabb? Ang nararapat na isagot ay: Ang
Allah ang aking Rabb. Siya ang lumikha at humubog sa akin gayundin sa
Sanlibutan sa pamamagitan ng Kanyang pagpapala. Ang aking pagsamba
ay buong katapatang iniaalay lamang sa Kanya. Walang ibang dapat
sambahin maliban sa Allah.
ANG MAKILALA NG TAO ANG KANYANG RABB (PANGINOON)
Ang kahulugan ng: Rabb
((Panginoon
Siya ang Tanging Tagapaglikha, ang
Hari at ang Tagapanustos ng lahat ng
.Kanyang mga nilikha
Ang mga bagay na nagpapatunay
sa iyong Rabb(Panginoon): ang
Kanyang mga palatandaan at mga
.nilikha
Ang pinakamalaking
palatandaan na iyong
nakikita sa Kanyang
:mga nilikha tulad ng
gabi, liwanag, araw, buwan, bituin, kalangitan, kalupaan, karagatan, ang
.ibat ibang uri ng hayop, halaman at marami pang iba
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
11/239
6
{ ))3
Winika ng Allah: At kabilang sa Kanyang mga palatandaan ay ang gabi,
araw at buwan, huwag kayong magpatirapa sa araw at buwan ngunit
sa Allah kayo magpatirapa na Siyang lumikha sa lahat ng mga ito kung
tunay ngang Siya ang inyong sinasamba [Surah Fussilat:37]
2. Ang makilala ng tao ang kanyang Propeta .
Kapag tinanong: Sino ang iyong Propeta? Ang nararapat na isagot ay: Si
Muhammadr ang aking Propeta. Anak ni Abdullah bin Muttalib bin Hashim.Si Hashim ay mula sa angkan ng Quraish, at ang Quraish ay isang angkang
Arabo. Ang mga Arabo ay mula sa angkan ni Ismail, na anak ni Ibrahim Al-
Khalil (ang kaibigan ng Allah).
Bahagi ng pananampalataya ng bawat Muslim ang pagmamahal sa
Propetar. Ang Propeta ay nagsabi: Walang sinuman ang magiging isang
tunay na mananampalataya maliban na mahalin niya ako nang higit sa
kanyang mga anak, mga magulang at sa lahat ng tao.(Bukhari at Muslim)
Minsan ay may lumapit sa Sugor at nagsabi: Mahal kita ng higit pa sa aking
buhay, sa aking kayamanan at sa aking pamilya. Kapag ako ay kapiling ng
aking pamilya ay hindi ako mapalagay na hindi ka makita, tatakbo ako sa
iyo upang makita lang kita, subalit kapag sumasagi sa aking isipan ang
aking kamatayan at ang iyong kamatayan ay nalulungkot akong isipin na
ikaw ay makakasama ng mga Propetau sa mataas na lugar sa kalangitan
at ako, kung matatanggap sa langit, ay hindi ka malalapitan at hindi kita
makikita. Sa pagkakataong ito ay inihayag ng Allah:
Ang lahat ng sumusunod sa Allah at sa Sugo ay makakasama ng mga
biniyayaan ng Allah, - ang mga Propeta (na nagturo), ang matapat
(Makatotohanan), Ang mga Saksi (na nagpapatunay), at ang mga
Matutuwid (na gumagawa ng kabutihan). Anong husay kung sila ang
makakasama! Surah an-Nisa 4:69
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
12/239
7
Inihayag ng Allah ang talatang ito upang bigyang-halaga ang
pangangailangan ng pagmamahal sa Propeta at pagsunod sa kanya kung
nais natin na makasama ang Propetar ng panghabang-buhay. Pag-aralan
ang mga buhay ng mga kasamahan ng Propetar at tingnan kung papaano
sila naging tapat sa kanya; pinakikinggan nilang mabuti ang kanyang
bawat salita, minamasdan nilang mabuti ang bawat kilos niya at matapatna sinusundan. Ang mga kasamahan ay masusing sinusubaybayan
ang buhay ng Propetar, paano siya matulog at gumising, paano siya
kumain at uminom, paano siya kumilos, paano siya ngumiti at tumawa,
paano siya makipagkamay o yumakap kung siya ay bumabati, papaano
niya isinasagawa ang kanyang mga pagdarasal at pag-aayuno, at kung
papaano niya ipinamuhay ang kanyang sarili sa kanyang pampribado at
pampublikong buhay bilang isang pinuno. Ang mga kasamahan ay maingat
na pinag-alaman ang lahat ng kanyang mga gawain at pinagbatayan angmga ito na nag-iwan ng mga tala ng kanilang pagsunod sa Propetar upang
patunayan ang kanilang pagmamahal sa kanya. Anumang pagsasabi
na mahal ng isang tao ang Propetar ay nangangailangan ng tapat na
pagsunod sa kanya. Na ang pagmamahal ay nagiging isang pandaraya
o panloloko kapag hindi siya kaagad sumusunod sa Sunnah ng Propetar;
na ang pagmamahal ay sinungaling at pinagmumulan ng pagtatalo kapag
hindi niya pinagsisikapang sundin ang Propetar; na ang pagmamahal na
hindi nagtuturo na magpakumbaba sa Propetar ay isang pagpapakita ng
pagkukunwari at pakitang-tao; na ang pagmamahal na hindi naglalapit saiyo sa Sunnah ay pagpapakita na ikaw ay di-tapat at mapanghimagsik.
3. Ang matutuhan ng tao ang kanyang Deen(Relihiyon).
Kapag tinanong: Ano ang iyong relihiyon? Ang nararapat na isagot ay:
Islamang aking relihiyon (pananampalataya) na nangangahulugan ng tapat
na pagsuko at pagtalima sa Allah sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang
Kaisahan, pagsunod sa Kanyang mga Kautusan at pag-iwas sa pagsambasa mga diyus-diyusan (Shirk) at pagkapoot sa mga naninindigan dito.
ANG PINAGMULAN NG TUNAY NA RELIHIYON
Ito ay nakasalalay lamang sa dalawang bagay:
Ang pag-anyaya sa tao na sumamba lamang sa Allah
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
13/239
8
Ang tanging Nag-iisang Tunay na Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng
lahat ng uri ng pagsamba. Siya ay walang katambal o kasama sa pagiging
Diyos. Hikayatin ang iba na isakatuparan ang pagsamba, mabuting
pakikipag-ugnayan sa mga mananampalataya ukol dito, at sa sinumang
nagtatakwil nito ay itinuturing na walang pananalig o kaya ay mga di-
mananampalataya.
4. Ang pagbibigay babala laban sa Shirk (pagbibigay katambal sa
pagsamba sa Allah)
Ang mahigpit na pakikitungo o pakikipag-ugnayan sa kanila, ang pagkapoot
sa kanilang maling paniniwala at ang pagtuturing sa kanila bilang mga di-
mananampalataya.
Sinabi ng Sugo ng Allah : Sinuman sa inyo ang (tunay na) nagmamahal
sa Allah bilang Rabb (Panginoon) at Islam bilang Deen (Relihiyon) at
si Muhammad bilang Propeta, nararapat sa kanya ang (gantimpala na)
Paraiso.1
1 Ulat mula kay Muslim sa Aklat na Al-Imarah, tungkol sa salaysay na anumang ipinaghanda ng Allah samga Mujahideen sa Paraiso 3/1501/0116.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
14/239
9
ARALIN 2
IBADAH
ANG LAYUNIN NG PAGKAKALIKHA
Napakahalaga na maunawaan natin ang layunin kung bakit tayo nilikha;
dahil kung hindi ay para lamang tayong nagsasayang ng ating oras sa
paggawa ng mga bagay na wala namang mga kabuluhan. Halimbawa,
kung ang bawat isa ay pinapaaral at hindi naman niya alam kung bakit siya
pinapaaral, malamang na lahat sila ay maglalaro lamang hanggat sa may
isang magpayo sa kanila ng layunin kung bakit sila nag-aaral. Ang Allah, na
Siyang Pinaka-Maalam, ay hindi tayo lilikhain ng walang layunin NilikhaNiya tayo para sa isang napakahalagang layunin.
Alam nating lahat na ang layunin ng pagkakalikha sa atin ay hindi natin
nababatid; dahil kung sakali ay alam ng bawat isa sa atin kung ano ito
at lahat tayo ay magisisipaggawa ng parehong mga bagay. Dahil ang
layunin sa pagkakalikha sa atin ay nakatago, pinili ng Allah na ihayag ito
sa atin sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Propeta na may mga
banal na aklat na naglalaman ng Kanyang mga salita. Maaari Siyang
magpadala ng mga anghel na may mga mensahe o ihayag ito sa ibang
mapaghimalang pamamaraan na walang sinuman mag-aalinlangan tungkol
sa kanilang layunin, subalit pinili ng Allah na magpadala ng mga tao para sa
sangkatauhan upang subukin ang kanilang pananampalataya. Nagpadala
rin Siya sa mga propetang ito ng ilang mga himala upang ipakita sa mga
tao na ito ay ipinadala ng Allah. Ipinaliwanag ng Allah mula sa Quran, ang
huling aklat ng kapahayagan na dala ng huling Propeta, kung ano mismo
ang layunin ng pagkakalikha. Winika ng Allah:
Katotohanan, nagpadala Kami ng sugo sa bawat bansa na nagsasabi:
Magsagawa ng Ibdah (pagsamba) para sa Allah. (Surah al-Nahl 16:36)
,Winika din Niya
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
15/239
10
At Hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga tao maliban lamang na
sambahin nila Ako. (Surah Adh-Dhaariyaat 51:56)
Magkagayon, ang layunin natin sa buhay na ito ay ang Ibdah )pagsamba(.sa Allah
ANG LAYUNIN NG PAGKAKALIKHA SA MGA TAO AT JINN
Sila (Tao at Jinn) ay nilikha ng Allah sa isang
dakilang layunin
Ito ay upang
Sambahin lamang Siya (Allah) at tanging Siya lamang at.wala nang iba pa
:Ang Sabi ng Allah
))56
At Hindi Ko nilikha ang mga Jinn at mga tao maliban lamang na sambahin nila
.[56:Ako. [Surah Adh-Adhariyat
Ang kahulugan ng Ibadah
((pagsamba
Ito ay ang Kanyang Kaisahan at pagsunod sa
Kanya sa pamamagitan ng pagsasagawa sa
lahat ng Kanyang ipinag-uutos at pag-iwas sa
.lahat ng Kanyang mga ipinagbabawal
KAHULUGAN NG IBADAH
Upang maisagawa nang maayos ang Ibdah, kinakailangang malaman
natin kung ano ito at ano ang hindi para rito. Ang Ibdah ay kalimitang
nauunawaan bilang pagsamba, na ipinapakahulugan bilang: parangal at
pitagan na may halong pagmamahal at takot sa Diyos, ang diyos o ang
sagradong bagay. Sa wikang Arabik ito ay likas na nangangahulugan na
pagsamba (hal. ang kusang-loob na paglilingkod na may pagpapakumbaba)
gayundin ay nangangahulugan na pagsuko (hal. ang pagsuko ng kanyang
sarili o mga karapatan). Nagmula ito sa salitang Abd na ang ibig sabihin ayalipin o lingkod.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
16/239
11
Sa punto ng Islam, ang Ibdah ay ang pagsunod sa Allah sa pamamagitanng paggawa ng lahat ng Kanyang ipinag-uutos at sa pag-iwas sa anuman
na Kanyang ipinagbawal. Ang uri ng pagsunod na ito ay tinatawag na
Ibdah, sapagkat kalakip nito ay ang paglilingkod sa Diyos at ang pagsukong sariling kagustuhan para sa kagustuhan ng Diyos. Kaya ngat ang
pinakamagandang pangalan na maaaring makuha ng isang Muslim ay AbdAllah )Abdullh(, na ang ibig sabihin ay alipin o lingkod ng Allah, iniulat niIbn Umar na ang Sugo ng Allah ay nagsabi:
Katotohanan, ang pinakamahal ng Allah sa inyong mga pangalan, ang
Pinaka-Dakila at Maluwalhati, ay ang Abdullh at Abdur-Rahman. (Sahih
Muslim Vol. 3 page 118 hadith no. 5315, English Translation)
Ang Propetar ay nagnais din ng pangalang Abd kaugnay sa kanyang sarilina nagsabi:
Huwag kayong magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga
Kristiyano kay Hesus na anak ni Maria, dahil sa katotohanan ako ay alipin
(Abd) lamang kayat ituring ninyo ako bilang Abd ng Allah at Kanyang
Sugo. (Sahih Al-Bukhari Vol. 4 page 435 hadith no. 654, Arabic-English,
and Muslim)
Ang Ibdah ay ang buod ng Islam sapagkat ang salitang Islam aynangangahulugan ng pagsuko ng sariling kagustuhan para sa Allah, na
siyang pinakamataas na antas ng pagsunod na maaaring abutin ng kahit
na sino. Ang ating pisikal na bahagi ay sumusunod sa batas ng Allah,
pangkaraniwang tinatawag na mga batas na likas, na wala tayong
magagawa. Magkagayon, ang mga bahagi ng ating katawan ay maituturing
na mga Muslim sa pagsuko sa Allah katulad ng iba pang mga nilikha.
Subalit ang ating mga isipan, na pinatatakbo ng ating mga kaluluwa, ay
may kakayahang mamili na magpakupkop sa mga sosyal at ispirituwalna batas ng Allah o hindi. Kapag tayo ay pumili na ilagay ang ating mga
kaluluwa kaugnay ng ibang mga nilikha sa pagtanggap sa kataas-taasang
kapangyarihan ng Allah, tayo ay nagiging mga Muslim sa tunay na diwa
ng salita. Ang pagpiling ito ay maaaring ihayag sa dalawang natatanging
pamamaraan:
1. Sa mga salita ng pagpapahayag ng pananampalataya (ang
Shahdah):
Lilha illal-lh Walang ibang diyos na karapat-dapat sambahin maliban sa
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
17/239
12
Allah; at
Muhammadur-Rasulullh
Si Muhammadray Propeta ng Allah.
2. Sa mga gawa ng pagsunod o Idah, hal. Salah, Zakah, Sawm
at Hajj.
Dahil sakop ng Islam ang lahat ng bahagi ng buhay, ang bawat pagkilos sa
buhay ng isang Muslim ay maaaring gawing Ibdah. Kapag sinunod niya
ang mga batas ng Allah sa lahat ng pagkakataon sa kanyang buhay sa
pamamagitan ng pagsunod sa pamamaraan ng Propetar, ang pinakapayak
o simple sa kanyang mga gawa ay maaaring maging Ibdah. Halimbawa,
kung sa iyong pang-araw-araw na pagkain ay magsisimula ka sa pagbanggit
ng Bismillah(sa panimula ay ang pangalan ng Allah); kakain at iinom nagamit lamang ang kanang kamay; umiiwas sa paggamit ng mga ginto
at pilak na kagamitan; umiiwas sa pagkain ng labis sa pamamagitan ng
pagkain para sa ikatlong bahaging mailalaman sa kanyang tiyan, iinom
para sa ikatlong bahagi at hahayaan ang ikatlong bahagi para sa kanyang
paghinga; at wawakasan ang kanyang pagkain sa pagbanggit ng al-Hamdu
lil-lh(ang lahat ng papuri ay para sa Allah lamang), ang pang-araw-araw
na ginagawa niyang pagkain na ito ay nagiging gawa ng pagsamba at
pagsuko sa Allah na bibiyayaan para sa kanya.
ANG KHALIFAH (KALIPA)
Kung gagampanan natin ang layunin ng pagkakalikha sa buhay na ito,
kinakailangang alamin natin kung ano ang nais ng Allah mula sa atin sa
lahat ng mga bahagi ng ating mga buhay. Matapos nating malaman ang
mga hinihingi sa atin, kinakailangang isagawa natin ang mga kaalaman
na ito upang humantong sa mabubuting mga gawa. Kung ang ating mgabuhay ay sumasang-ayon sa batas ng Allah, tayo ay nagiging mas mataas
at mas dakila sa lahat ng mga nilikha. Kahit na ang mga anghel na hindi
sumusuway sa Allah, ay magiging mas mababa ang antas kaysa sa atin.
Ito ang kahulugan ng kautusan ng Allah sa mga anghel na magpatirapa kay
propeta Adam :
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
18/239
13
At nang inutos Namin sa mga anghel na magpatirapa kay Adam, lahat
sila ay nagpatirapa maliban kay Iblis (Satanas). Siya ay isa sa mga jinn,
Sinuway niya ang utos ng kanyang Panginoon
(Surah Al-Kahf 18:50)
Ganito ang pamamaraan ng Allah sa pagpapakita na ang tao ay nilikha sa
mas mataas na katayuan kaysa sa mga anghel at lahat ng mga nilikha.
Si Iblis, ang Jinn, na kasama ng mga anghel na napag-alaman ito ay
tumangging magpatirapa kay Adam. At nang tanungin siya ng Allah kung
bakit hindi siya nagpatirapa, siya ay sumagot,
Mas mabuti pa ako kaysa sa kanya. Nilikha Mo ako sa apoy at siya ay
nilikha mula sa putik Surah Al-Araf 7:12
Kung naabot natin ang mas mataas na mga antas ng pagsuko sa pamamagitan
ng matapat na Ibdah, nagagampanan natin ang papel ng isang Khalifah,
na siyang may tungkulin sa pamamahala ng mga naninirahan sa mundo,
at nagpapanatili ng batas at kaayusan sa lahat ng mga naninirahan at mga
hindi naninirahan dito. Ito ang layunin ng pagkakalikha ng tao kaugnay saiba pang mga nilikha. Ang pagkakataong ito ay batay sa mga pangungusap
ng Allah,
At nang winika ng inyong Panginoon sa mga Anghel: Katotohan Ako ay
maglalagay sa mundo ng Khalifah Surah Al-Baqarah 2:30
Kung, sa isang pagkakataon, tumanggi tayong iayon ang mga buhay natin
sa mga batas ng Allah, at maghimagsik kagaya ni Iblis, tayo ay magiging
mas mababa pa sa pinakamababa sa mga nilikha. Iyan ang ipinakahulugan
ng Allah ng Kanyang ilarawan yaong mga lumabag sa Kanyang batas na
nagsasaad,
Katotohanan sila ay parang mga baka, magkagayon, sila ay mas naligaw
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
19/239
14
pa mula sa landas Surah Al-Furqan 25:44
Yaong mga walang takot sa Allah kapag minsan ay nanunugis ng mga
hayop para sa kanilang laro hanggang sa maubos nila ang lahat ng mga
uri ng hayop. Samantala ang mga hayop ay nanunugis lamang ng ibang
mga hayop dahil sa kanilang pangangailangan. Itinuturo sa Islam na bawal
ang manugis ng mga hayop para lamang sa laro o kasayahan. Kagaya rinnito ay ang mga naglalakihang mga industriya na ang tanging layunin ay
kumita, sila ay nagtatapon ng mga mapanganib na chemicalsa kapaligiran
na sumisira sa mga batis, ilog at mga kagubatan sa buong mundo. Ang
Islam ay nagbabawal na sumira ng kalikasan kahit ito pa ay panahon ng
mga digmaan, at naghihikayat sa pagtatanim ng mga puno at pangangalaga
sa mga ilog, lawa at karagatan.
ANG UNANG KAUTUSAN
Ang Unang Kautusan ng Allah sa iyo ay
Ang sambahin mo ang Nag-iisang Allah at huwag kang gumawa ng
.anumang pagtatambal sa Kanya
:Ang katibayan ay ang sabi ng Allah
Sambahin ang Allah at huwag kayong magbigay ng katambal sa
.[36:Kanya[Surah An-Nisa
Ang pinakadakilang
Kautusan ng Allah
ay ang Pagsamba sa Kanya athuwag magbigay ng katambal sa
Kanya
Ang pinakamalaking
ipinagbabawal ng Allah
ay ang bigyan Siya ng Katambal
.sa pagsamba sa Kanya
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
20/239
15
ARALIN 3
ANG MGA HALIGI NG ISLAM
Ang Limang Haligi ng Islam:
1. Ash-shahadatain: Ang Pagsaksi na walang ibang Diyos maliban
sa Allah at si Muhammadray Sugo ng Allah.
2. Salah (Pagsasagawa ng Pagdarasal).
3. Zakat (Pagiigay ng Kawanggawa).
4. Sawm (Pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan)
5. Hajj (Pagsagawa ng Hajj sa mga may kakayahang pananalapi,
pangangatawan at sapat na kaisipan).
ASH-SHAHADATAIN
Ito ang pagsaksi na walang ibang Diyos (na dapat sambahin) kundi ang
Allah lamang at si Muhammadray Sugo (at alipin) ng Allah.
ANG KAHULUGAN NG (
) LA ILAHA ILLA ALLAH.
Ang paniniwala na walang dapat sambahin maliban sa Allah lamang.
Ang batayan: Winika ng Allah:
Ang Allah ay sumaksi na La ilaha illa Huwa (walang Diyos kundi Siya
at maging ang mga Anghel at yaong may (taglay na) kaalaman (ay
sumasaksi rin) pinangangalagaan (Niya ang Kanyang mga nilikha) nang
makatarungan. La ilaha illa Huwa (Walang Diyos (na dapat sambahin)
kundi Siya lamang, ang Ganap na Makapangyarihan, ang Tigib ng
Karunungan. Al-Imran 3:18.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
21/239
16
Mga Kondisyon
Upang ang bahaging ito ng pagsaksi ay maging karapat-dapat kinakailangan
itong magtaglay ng mga sumusunod na kondisyon:
1. Kaalaman (al Ilm)Kinakailangan na ang nagpapahayag ng kanyang pananampalataya ay
mayroong mga pangunahing kaalaman tungkol sa Allah at sa Kanyang
mga Katangian upang ang kanyang paniniwala ay maging tama. Sa ganito
magkakaroon ng kabuluhan ang kanyang pagpapahayag para sa Allah at
upang magkaroon ng kapakinabangan dito sa mundo pati na rin sa kabilang
buhay. Ang katibayan:
Kayat dapat mong malaman na walang karapat-dapat sambahin maliban
sa Allah Surah Muhammad 47:19
2. Katiyakan (al Yaqin)
Ang nagpahayag ng kanyang pananampalataya ay hindi dapat magkaroon
ng pag-aalinlangan sa kanyang isipan tungkol sa Allah bilang Nag-iisang
Totoong Diyos at hindi Siya nakikibahagi ng Kanyang kapangyarihan sasinumang nilalang. Ang katibayan:
Katotohanan ang mga mananampalataya ay yaong mga naniniwala sa
Allah at Kanyang Sugo na hindi nagkakaroon ng pag-aalinlangan.
(Surah al-Hujurat 49:15)
Ang Propeta ay naitala na nagsabi: Sinuman ang sumaksi na walang
dapat sambahin maliban sa Allah at ako ay Sugo ng Allah, kapag humarap
siya sa Allah na walang pag-aalinlangan tungkol dito ay papasukin siya ng
Allah sa Paraiso. Muslim, vol 1 p. 20, hadith no.41
Hindi nabibilang sa kondisyon na ito ang mga sumasamba sa Allah dahil
lamang sa kanilang pag-iingat upang masabi na sila ay nagsa-salah.
Mayroong mga Muslim na nagsa-salah lamang ng ilang mga salah
bawat araw, halimbaway palagiang hindi nagsa-salah ng Fajr. Ang iba ay
nagsasagawa ng kanilang salah na pinagsasama bago matulog sa gabi
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
22/239
17
dahil sa kanilang pagiging abala sa maghapon. Mayroon din namang
nagsa-salah lamang kapag Biyernes (Jumuah) samantala ang iba naman
ay kapag buwan lamang ng Ramadhan. Ito ay naging pangkaraniwang
gawain sa likod ng paglaganap ng mga pangkalahatang kaalaman na ang
mga salah ay may mga nakatakdang oras, kagaya ng pagsasalaysay ng
Allah sa Quran:
Katotohanan na ang Salah ay inutos sa mga mananampalataya na
isagawa sa itinakdang oras. Surah an-Nisa 4:103
Ang dahilan ng ganitong pangkaraniwang gawain ay ang pagkakaroon ng
pag-aalinlangan sa puso ng mga tao tungkol sa Allah. Hindi sila tiyak kung
ang Allah nga ay totoo o hindi. Sila ay nagsa-salah lamang upang makatiyak
na baka sakali nga na totoong nananatili ang Allah at haharap sila sa Kanya
sa paghuhukom. Subalit ang mga salah na ito dahil sa kanilang pag-iingat
ay walang kabuluhan dahil ang mga ito ay hindi nagmula sa katiyakan ng
kanilang pananampalataya. Ang mga pag-aalinlangan na ito ay maaari ring
mauwi sa mga pambubuyo ni Satanas, kagaya ng sinabi ng Propetar:
Si Satanas ay pupunta sa bawat isa sa inyo at magtatanong: Sino anglumikha nito at niyan? hanggang sa kanyang itanong: Sino ang lumikha
ng iyong Panginoon? Bukhari at Muslim
3. Katapatan o Kadalisayan (al Ikhlas)
Isa ito sa mga kinakailangang kondisyon upang ang pagpapahayag ng
iyong pananampalataya ay maging makatotohanan. Binanggit ng Allah sa
maraming bahagi sa Quran na ang relihiyong Islam na Kanyang itinakda
ay ang pananampalataya na ang mga ritwal at mga gawain ay nakasalalay
sa katapatan o kadalisayan ng isang tao upang ang mga ito ay magingkatanggap-tanggap sa Kanya. Ang katibayan:
Katiyakanna ang katapatan sa pananampalataya ay para sa Allah
lamang. Surah az-Zumar 39:3
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
23/239
18
At hindi sila pinag-utusan maliban lamang sa kanilang tapat na
pagsamba sa Allah sa pagpapatupad ng kanilang pananampalataya.
Surah al-Baiyyinah 98:5
4. Makatotohanan (Al Sidq)Kinakailangan na maging makatotohanan ang nagpapahayag ng kanyang
Shahadah nang sa gayon ay hindi ito mawalan ng katapatan at maging
hindi katanggap-tanggap sa Allah. Ang katibayan:
Inaakala ba ng tao na sila ay hahayaan na lamang sapagkat sila ay
nagsasabing Naniniwala kami! at sila ay hindi na susubukan?
Katotohanan, Aming sinubukan ang mga nauna sa kanila at katiyakan na
ipababatid ng Allah kung sino ang mga makatotohanan at sino ang mga
sinungaling. Surah al-Ankabut 29:2-3
Ang kondisyon ng pagiging makatotohanan ay may kaugnayan sa katapatan.
Maaaring ang isa ay maging makatotohanan subalit hindi naman siyamatapat. Gayundin ay maari rin siyang maging matapat subalit hindi naman
siya makatotohanan. Ang katapatan ay bunga ng pangako sa katotohanan.
Mayroong mga Muslim na gumagawa ng kasalanan at magsasabi na siya
ay mag-uumrah upang malinis ang kanyang mga kasalanan. Ang ganitong
uri ng tao ay hindi makatotohanan. Dinadaya lamang niya ang kanyang
sarili sa pag-iisip na ang Islam ay isang laro ng mga ritwal na maaaring
laruin para sa Allah.
5. Pagmamahal (alMahabba)Katulad ng pagiging makatotohanan ang kondisyon ng pagmamahal ay
kaugnay din sa katapatan. Ito ay likas na ibinubunga ng katapatan. Upang
ang pagpapahayag ng pananampalataya ay maging katanggap-tanggap
kinakailangan na ito ay ihayag ng dahil sa pagmamahal sa Allah. Ang
bawat dahilan na hinahanap ng mga tao sa pagmamahal nila sa ibang
mga tao ay nagmumula sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Diyos, subalit
sa mas mataas na katayuan at sa mas malawak na sakop. Likas sa mga
tao na kapag sila ay pinagkalooban ng kanilang mga pangangailangan ay
minamahal nila ang taong ito na nagbigay sa kanila. Biniyayaan ng Allah
ang mga tao sa napakaraming mga pamamaraan na hindi na nila kayang
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
24/239
19
bilangin. Winika ng Allah:
Kung susubukan na bilangin ang mga biyaya ng Allah ay hindi momakakayang bilangin ang mga ito. Surah Ibrahim 14:34
6. Pagsuko (al Inqiyad)
Ang likas na kahahantungan ng tunay na pagmamahal ay ang pagsuko.
Ang katapatan na sumibol mula sa pagmamahal ay maggagabay sa isang
sumasaksi ng kanyang paniniwala sa Allah upang tanggapin at isagawa
ang mga kautusan. Ang Allah ay nagwika:
At manumbalik sa inyong Panginoon (nang may pagsisisi) at sumuko sa
Kanya Surah az-Zumar 39:54
At sino pa ba ang nakahihigit sa pananampalataya sa isa na isinusuko
ang kanyang sarili sa Allah (habang gumagawa ng kabutihan) at siya ay
isang Muhsin (masigasig na gumamagawa ng kabutihan at umiiwas sa
kasalanan)? Surah an-Nisa 4:125
Ang pagsuko ay bunga rin ng paniniwala na ang Allah ang nakababatid
sa lahat at ang pinakamaalam. Kaya ngat kapag Siya ay nag-utos sa
mga tao, ito ay sa kadahilanan na kinakailangan nila itong gawin upangmagtagumpay dito sa mundo at sa kabilang buhay. Gayundin, kapag Siya
ay nagbawal, sa kadahilanan na ito ay makasasama sa pisikal, sikolohikal,
at espiritwal nilang katauhan. Ang pagsuko ay isang paghahayag ng
paniniwala na kinakailangan na mayroong mabuting kadahilanan sa likod
ng mga kautusan. Ang mga kautusan ng Allah ay hindi mga basta-basta
lamang o di kaya ay walang-katuturan. Ang mga walang kabuluhan na
ginawa ng mga tao ay nagpapakita ng kawalan ng kanilang mga katinuan o
isang malubhang kamangmangan.
Ang tamang pagtugon sa mga kautusan ng Allah ay ang pagtalima, maging
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
25/239
20
ang kadahilanan ng mga ito ay naiintindihan o hindi. Ang apat na haligi
ng Islam matapos ang pagsaksi ng pananampalataya ay mga haligi ng
gawa upang patunayan ang katotohanan at katapatan ng pagsaksi.
7. Pagtanggap (al Qubul)
Upang maging ganap ang kondisyon ng pagsuko ang karagdagangkondisyon ng pagtanggap ay kinakailangan ding isakatuparan. Ang pagsuko
ay hindi nararapat kapag ganito ang sasabihin: Gagawin ko ito dahil sa
ito ay ipinag-utos ng Allah subalit hindi ko iniisip na ito ay kailangan. Ang
pagtanggap ay kinakailangan din upang ang pagsuko ay maging tapat
at hindi lamang isang ritwal. Kung wala ang ganap na pagtanggap ang
kautusan ng Allah ay hindi maayos na naisagawa. Ang Allah ay nagwika:
Hindi nararapat sa mga mananampalataya, lalake man o babae,
na kapag ang Allah at ang Kanyang Sugo ay nag-utos ng isang bagay, na
sila ay mayroon pang ibang pagpipilian sa kanilang pagpapasiya.
Surah al-Ahzab 33:36
Ang Propeta ay nagsabi:
Tunay na ang gabay at kaalaman na ipinadala sa akin ng Allah ay katulad
ng isang masaganang ulan na dumilig sa lupa. Ang iba sa mga lupa ay
dalisay at malinis at tinanggap ang tubig, kayat mula rito ay sumibol ang
mga pananim. At ang iba sa mga tubig ay umabot sa mga tuyot na lupa na
walang tumutubong halaman Ito ang halimbawa ng isang nabiyayaan
ng pang-unawa sa relihiyon at nakinabang sa kung ano ang ipinadala ng
Allah sa akin, kayat pinag-aralan niya at nakamit ang kaalaman. At angisang halimbawa ay ang katulad ng isang hindi nagtaas ng kanyang ulo
upang alamin ito o di kaya ay tanggapin ang gabay ng Allah na ipinadala
sa akin. Bukhari at Muslim
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
26/239
21
ARALIN 4
ANG KAHULUGAN NG PAGSAKSI NA SI MUHAMMAD AY
SUGO NG ALLAH
Ang paniniwala na si Muhammadr ay Sugo mula sa Allah na nararapat
paniwalaan, mahalin at sundin ang Kanyang mga kautusan.
Ang batayan mula sa Salita ng Allah:
Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan,
subalit siya ay Sugo ng Allah at ang pang-huli sa mga Propeta. At ang
Allah ay nananatiling nakababatid sa lahat ng bagay
(Surah al-Ahzab 33:40)
Mga Kondisyon
1. Ang Allah ang nakababatid nang higit
Ang pagsaksi ng pananampalataya na si Muhammadray ang piniling Sugo
ng Allah ay maituturing lamang na katanggap-tanggap kapag tinanggap
na ang Allah lamang ang nakababatid nang higit kung bakit Niya pinili si
Muhammadrpara sa misyon. Winika ng Allah:
...
Higit na alam ng Allah kung kanino Niya ipadadala ang Kanyang
mensahe Surah al-Anam 6:124
Maraming mga tao nang nakalipas ang tinatanong ang pagpili ng Allah at
itinatakwil ang mga Sugo na ipinadala para sa kanila sapagkat iniisip nila
na hindi karapat-dapat ang mga pinili ng Allah para sa kapahayagan. Sa
kabanata Ang Mananampalataya, isinalaysay ng Allah ang kahalintulad ngpagtanggi ng mga tao sa mga propetang ipinadala magmula sa kapanahunan
ni Propeta Noah hanggang sa kapanahunan ni Propeta Musa. Sa panahon
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
27/239
22
ng mga nasasakupan ni Propeta Noah, sila ay nagnais pa na dapat ang
propeta ay isang anghel. Winika ng Allah:
Subalit ang mga pinuno ng kanyang mga mamamayan na di-naniniwala
ay nagsabi, Siya ay hindi hihigit pa sa isang tao lamang na katulad ninyo,
naghahangad lang siya na mangibabaw mula sa inyo. Kung ninais ng
Allah, katiyakan na makapagpapadala siya ng mga anghel.
Surah al-Muminun 23:24
At bilang kasagutan naman sa paanyaya nila Propeta Musa (Moises) atHarun (Aaron), ang Allah ay nagwika:
Silay nagsabi, Dapat ba kaming maniwala sa dalawang nilalang na
katulad namin, samantalang ang kanilang mga mamamayan ay aming
mga alipin? Surah al-Muminun 23:47
Ang mensahe ni Propeta Muhammadr ay itinanggi ng isa sa kanyang
kapanahunan, na iniwanan ang gawi ng mga taga-Makkah na pagsamba sa
mga diyus-diyusan na sumamba sa Allah ayon sa kanyang sarili katulad ng
Propeta sapagkat kanyang naisip na siya ay karapat-dapat sa pagtanggap
ng kapahayagan katulad ng Propeta. Lumipas ang panahon, ang iba sa
mga tao ng Kanluran ay itinanggi ang mensahe sa kadahilanan na ang
Propeta ay hindi nagmula sa kanilang kultura. Ang katotohanan sa tunay na
paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng pagtanggap sa Kanyang pinilina tatanggap ng Kanyang mensahe. Hindi dapat tanungin kung ano ang
ginagawa ng Allah sapagkat tayo ang Kanyang tatanungin.2
2. Hindi maaaring magkamali (Infallibility)
Ang pagsaksi sa pagkapropeta ni Muhammadr ay walang-saysay kapag
ang sumaksi ay hindi tinatanggap na siya ay malaya sa kamalian. Ang
paniniwala na siya ay hindi nagkamali sa paghahatid ng mensahe ng Islam
ay kinakailangan sa paniniwala sa kanyang pagkapropeta.
2 Surah al-Anbiya 21:23
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
28/239
23
Ipababasa Namin sa iyo (O Muhammad, ang Quran) upang hindi mo ito
malimutan. Maliban na lamang sa kung ano ang naisin ng Allah.
Surah al-Ala 87:6-7
Ang kondisyon na ito ay hindi nangangahulugan na siya ay malaya sa lahat
ng mga kamalian bilang isang nilalang. Ang ilan sa kanyang mga kamalian
bilang nilalang ay nakatala sa parehong Quran at Sunnah.
Siya ay isang nilalang na nangangahulugan na nakagawa ng mga
pagkakamali. Subalit ginawa siya ng Allah bilang isang halimbawa sa
sangkatauhan, at kapag siya ay nagkakamali sa pagpapasiya, itinutuwid
siya ng Allah at ang kanyang pagkakamali ay nagiging daan sa pagtuturo
ng tama sa kanyang mga tagasunod at sa mga panahong darating. Ang
mga uri ng pagkakamali na kanyang nagagawa ay hindi ang pagpili ng
haram sa halal. Ang kanyang pagkapili sa kung ano ang nakikita niyang
maganda sa kung ano ang mas higit na nakabubuti.
Ang katangiang ito ay hindi lamang kay Propeta Muhammadr, ito rin ay
tinataglay ng ibang mga propeta. Subalit itinatanggi ng Islam ang ibang mga
ulat sa ibang relihiyon hinggil sa mga propeta katulad sa pagsasalarawankay Propeta Dawud (David) na nagnasa sa asawa ng iba, nakipagtalik sa
babae at ipinadala ang asawa ng babae sa unang linya ng digmaan upang
mapatay. Ang ganitong pag-uugali ay hindi nararapat sa isang propeta.
Itinatakwil sa Islam ang anumang mga kuwento tungkol sa mga propeta na
nagpapakita na sila ay nakagawa ng mga malalaking kasalanan.
3. Pangkalahatan (Universality)
Ang pagsaksi sa pagkapropeta ni Muhammadray umiikot sa paniniwala sa
kanyang dala-dalang mensahe na pangkalahatan. Isang pangangailangangkondisyon na maniwala na ang Allah ay nagbigay ng mensahe kay Propeta
Muhammadrna para sa sangkatauhan. Ang mga mensahe ng mga naunang
mga propeta ay para lamang sa mga natatanging mga tao, mga lugar, at
para sa mga natatanging panahon. Ang panghuling mensahe na ipinaabot ni
Propeta Muhammadray para sa buong sangkatauhan hanggang sa huling
panahon. Maraming mga talata sa Quran na nagpapatunay sa prinsipyong
ito:
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
29/239
24
Sabihin, O sangkatauhan, ako ang Sugo ng Allah para sa inyong lahat
Surah al-Araf 7:158
At hindi ka Namin isinugo maliban lamang na maghatid ng mabuting
balita at bilang tagapagbabala sa lahat ng sangkatauhan.
Surah Saba 34:28
Si Propeta Muhammad ay nagsabi rin na siya ay pinagkalooban
ng limang mga bagay na hindi ipinagkaloob sa ibang mga propeta nanauna sa kanya, at ang isa sa mga ito ay nang isugo siya sa lahat ng
sangkatauhan.3
4. Kabuuan (Completeness)
Ang pagkakatanggap sa pangalawang pagpapahayag ng pananampalataya
ay nakasalalay sa pagtanggap ng paniniwala na si Propeta Muhammadray
naghatid ng buong mensahe na inihayag sa kanya. Dahil sa siya ay malaya
sa anumang kamalian pagdating sa kanyang mensahe, ito ay naihatid sa
kabuuan nito at walang anuman na nakaligtaan. Inutos ng Allah sa Propeta
na ihatid ang lahat ng inihayag sa kanya dahil kung hindi, ang misyon ay
maituturing na hindi natupad.
O Sugo! Ihatid kung anuman ang inihayag sa iyo mula sa iyong
Panginoon. At kung hindi mo ito ginawa (sa kabuuan nito), hindi monaihatid ang Kanyang Mensahe. Surah al-Maidah 5:67
5. Katapusan (Finality)
Kasama sa pagtanggap sa pangalawang pagpapahayag ng pananampalataya
ay ang paniniwala na si Muhammadr ang pangwakas sa pagkapropeta.
Hindi na muling magpapadala ang Allah ng panibagong propeta o Sugo
matapos siya. Ang kabanata ng banal na kapahayagan ay natapos kasabay
ng kanyang pagkamatay. Ang katapusan ng pagkapropeta ay hindi konsepto
na nilikha lamang ng mga Muslim matapos ang kapanahunan ng Propeta.
3 Muslim )English Translation(, vol. 1 page 264-5, hadith no. 258
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
30/239
25
Malinaw na nasasaad sa Quran ang konseptong ito at gayundin ay
muling nasabi ng Propeta. Winika ng Allah:
Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyo, subalit siya ang Sugo
ng Allah at ang panghuli sa mga propeta
Surah al-Ahzab 33:40
At kahit na ang Propeta sa kanyang sarili ay nagpatunay mula sa
mga salaysay na naitala na siya ang panghuli sa mga propeta.4
Bukhari (Arabic-English), vol. 4, p. 439 hadith bilang 661, at Muslim (English Translation), vol. 4 p.4
1284, hadith bilang 5914 at p. 1235 hadith bilang 5673-8
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
31/239
26
ARALIN 5
SALAH (PAGDARASAL)
Ang Limang (5) Tungkuling Salah:
1. Al-Fajr salah sa madaling-araw
2. Ad-Dhuhur salah sa tanghali
3. Al-Asr salah sa hapon
4. Al-Maghreb salah pagkalubog ng araw
5. Al-Isha salah pagsapit ng gabi
Ang kahulugan ng pagtatag ng pagdarasal
Ang pagsamba sa Allah, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng pagdarasal
sa mga itinakdang oras nito.
Ang batayan mula sa salita ng Allah:
At hindi sila pinag-utusan maliban sa sila ay sumamba lamang sa Allah,
(maging) tapat sa Kanyang relihiyon na matuwid, at magsagawa ng
pagdarasal (salaah) at magbigay ng Zakat (kawanggawa). Ganito ang
tunay na relihiyon (pananampalataya) Surah Al-Bayyinah 98:5
Ang batas sa sinumang taong hindi naniniwala sa tungkulin ng pagsa-Salah: Kafr tunay na hindi mananampalataya sa Allah.
ZAKAT (KAWANGGAWA)
Ang Kahulugan ng Pagiigay ng Zakaat
Ang pagsamba sa Allah sa pamamagitan ng pagbibigay ng nabanggit nabahagi ng kayamanan sa itinakdang panahon; at ito ay ibibigay sa mga
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
32/239
27
taong nararapat pagbigyan.
Ang batayan sa pagiging tungkulin sa pagbibigay ng Zakat mula sa salita
ng Allah:
At itatag ninyo ang pagdarasal (salaah) at magbigay kayo ng Zakat at
sundin ninyo ang Sugo upang kahabagan kayo ng Allah
(Surah An-Noor 24:56)
SAWM (PAG-AAYUNO)Ang Kahulugan ng Sawm: Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadhan
Ang pagsamba sa Allah, sa pamamagitan ng pag-iwas sa anumang uri ng
pagkain at inumin mula sa pagbubukang liwayway hanggang takip-silim.
Ang batayan ay mula sa salita ng Allah:
O kayong mga mananampalataya ang pag-aayuno ay ipinag-utos sa
inyo, katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa inyo upang (sa gayun ay)
magkaroon kayo ng takot sa Allah Surah Al-Baqarah 2:183
Ang batas sa sinumang hindi naniniwala sa pagiging tungkulin ng pag-aayuno: Kafr tunay na hindi mananampalataya.
HAJJ (PAGLALAKBAY SA MAKKAH)
Ang Kahulugan ng Pagsasagawa ng Hajj
Ang pagsamba sa Allah sa itinakdang panahon na ang layunin ay angpagpunta sa Baitulllahil Haram(Makkah) upang isagawa ang mga alituntunin
ng Hajj.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
33/239
28
Ang batayan sa pagiging tungkulin ng pagsasagawa ng Hajj:
At ang Hajj (paglalakbay sa Makkah) sa Bahay (Kabah) ay isang
tungkulin na nararapat gawin para sa Allah, yaong may kakayahang
pananalapi (para sa paglalakbay, pagkain at matitirahan); at sinuman ang
hindi maniwala, katotohanan ang Allah ay hindi nangangailan ng anuman
sa Al-Alamin (tao, jinn at lahat ng mga nilikha). Surah Al-Imran 3:97
Ang batas sa mga taong hindi nila pinaniniwalaan ang pagiging tungkulin
ng pagsasagawa ng Hajj: Kafr- tunay na hindi mananampalataya.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
34/239
29
ARALIN 6
ANG MGA HALIGI NG PANANAMPALATAYANG ISLAM
Ito ay ang mga sumusunod:
1. Paniniwala sa Kaisahan ng Allah.
2. Paniniwala sa Kanyang mga Anghel.
3. Paniniwala sa Kanyang mga Kapahayagan.
4. Paniniwala sa Kanyang mga Sugo.
5. Paniniwala sa Huling Araw.
6. Paniniwala sa Tadhana o Kahihinatnan.
PANINIWALA SA KAISAHAN NG ALLAH (TAWHID)
Ang paniniwala sa Kaisahan ng Allah sa Kanyang Pagka-Panginoon, sa
Kanyang Pagka-Diyos o Pagsamba at sa Kanyang mga Magagandang
Pangalan at Katangian.
Ang kahulugan ng Tawhid ay ang Kaisahan ng Allah sa pagsamba at ito ang
mensahe ng lahat ng mga Propeta na ipinadala ng Allah sa Kanyang mga
alipin, winika ng Allah:
Katotohanan, Kami ay nagpadala sa bawat mamamayan ng isang Sugo
upang ipahiwatig sa kanila na sambahin lamang ang Allah at iwasan ang
taghoot Surah An-Nahl 16:36
Mga Paalala:
1. Hindi maaaring magkaroon ng Tawhid ang isang tao hanggat
hindi niya ginagawang isa ang Allah sa lahat ng uri ng kanyang
pagsamba.
2. Isa sa malaking biyaya ng Allah sa Kanyang nilalang ay ang
Kanyang pagpapadala ng mga Sugo upang mapatnubayan ang
mga tao sa tuwid na landas.3. Ang mga Propeta ay nag-anyaya sa lahat tungo sa Tawhid
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
35/239
30
(Kaisahan ng Allah) at nagbawal sa pagtatambal.
Ang Tawhid ay mayroong tatlong Uri:
1. Tawhid Ar-Rububiyyah; Kaisahan sa pagka-Panginoon
2. Tawhid Al-Uluhiyyah; Kaisahan sa pagsamba
3. Tawhid Al-Asma Wa Sifat; Kaisahan sa mga Pangalan atKatangian
TAWHID AR-RUBUBIYYAH
Ang Kaisahan ng Allah sa Kanyang Pagkapanginoon.
Ito ay ang paniniwala sa Kaisahan ng Allah, sa Kanyang mga gawa katuladng paglikha, pagbigay ng panustos at pagpapanatili sa mga ito, pagbibigay
biyaya, halimbawa ay ulan atbp.
Ang batayan mula sa salita ng Allah:
Ang lahat ng papuri ay nauukol lamang sa Allah, ang Panginoon ng lahatng mga nilikha (tao, mga jinn at lahat ng nananatili - nakikita man o hindi)
Surah al-Fatiha 1:2
Ako ay naniniwala na ang Allah lamang ang Siyang lumikha sa mga
kalangitan at kalupaan at wala nang ibang makalilikha nito maliban lamang
sa Kanya.
At ako ay naniniwala na ang Allah lamang ang Siyang nagbibigay panustos
sa lahat ng Kanyang nilikha, at wala nang iba pang makapagbibigay
panustos sa kanila maliban lamang sa Kanya.
At ako ay naniniwala na tanging ang Allah lamang ang nagbibigay ng buhay
at bumabawi ng buhay, at wala nang iba pang makapagbibigay buhay sa
kanila maliban lamang sa Kanya.
Noong panahon ng Sugo ng Allah (saw), ang mga di-mananampalataya
ay naniniwala rin sa Kaisahan ng Allah. Subalit sila ay hindi pinalad namakapasok sa Islam. Ipinahintulot ng Allah ang pakikipagdigma sa kanila
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
36/239
31
at ang pagkuha ng kanilang mga ari-arian.
Ang batayan ay ang salita ng Allah:
Sabihin mo (Muhammad) [sa kanila], sino ang nagbibigay ng biyaya sa
inyo mula sa langit at lupa? O sino ang nagmamay-ari ng pandinig at
paningin? At sino ang makapagbibigay buhay sa patay at makapagdudulot
ng kamatayan sa nabubuhay? At sino ang namamahala sa lahat ng
pangyayari? Kanilang sasabihin: Ang Allah. Sabihin: Hindi pa ba kayo
matatakot sa pagbibigay katambal sa pagsamba sa Allah?
Surah Yunus 10:31
at winika ng Allah:
Sabihin mo (O Muhammad) [sa kanila], sino ang magmamay-ari ng
kalupaan at ang mga nilalaman nito kung sakaling alam ninyo
Surah Al-Muminun 23:84
Tiyak na ang kanilang sasabihin: Ito ay sa Allah! Sabihin: Hindi ba ninyo
naaalala? Surah Al-Muminun 23:85
Sabihin: Sino ang Panginoon ng pitong kalangitan, at ang Panginoon ng
Dakilang Trono? Surah Al-Muminun 23:86
Kanilang sasabihin: Ang Allah. Sabihin: Hindi pa ba ninyo katatakutan
ang Allah? Surah Al-Muminun 23:87
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
37/239
32
Sabihin: Sa Kaninong Kamay makapangyayari ang lahat ng bagay?
Pinangangalagaan Niya ang lahat subalit liban sa Kanya ay walang
makapangangalaga, kung inyong nalalaman?Surah Al-Muminun 23:88
Kanilang sasabihin: Sa Allah lamang. Sabihin: Papaano kayo nalinlang at
tumalikod mula sa katotohanan? Surah Al-Muminun 23:89
Mga Paalala:
1. Ang Kaisahan ng Allah sa Kanyang mga gawa ay nangangahulugan
ng paniniwala na ang Allah lamang ang lumikha at nagbigay ng
biyaya at Siya lamang ang bumubuhay at bumabawi ng buhay at
iba pang Kanyang mga gawa.
2. Ang mga kuffar (di-mananampalataya) nang dumating sa
kanila ang Sugo ng Allah (saw) silay naniniwala sa Tawhid Ar-
Rububiyyah Kaisahan ng Allah sa Kanyang Pgkapanginoon
ngunit ang kanilang pananampalataya ay walang kabuluhan
dahil itinakwil nila ang pagsamba sa Allah.
3. Sinuman ang naniniwala na ang Allah ang Siyang lumikha sa
kanya at nagbigay ng biyaya sa kanya ngunit hindi niya sinamba
ang Nag-iisang Allah katunayan siya ay mushrik - nagtatambal.
ANG TAWHID AL-ULUHIYYAH
Ang pangalawang Uri ng Tawhid: Tawhid Al-Uluhiyyah Kaisahan ng Allah
sa Pagsamba o Pagka-Diyos.:
Ang Kaisahan ng Allah sa mga gawa ng tao na kanilang iniaalay sa
Allah, katulad ng panalangin, pangako, pagsasakripisyo, paghingi,
pagkatakot, pagmamahal, paggalang, pagpapakupkop, pagpapatulong,
pagpapakumbaba, atbp.
Sa Tawhid na ito nagkaroon ng di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga tao
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
38/239
33
at ang mga Propeta sa makauna at makabagong panahon.
May mga taong nagsasabi na kung nais mong dumaing sa direktor ng
kumpanya, bilang isang manggagawa ay hindi ka maaaring dumiretso sa
kanyang opisina. Kinakailangang makipag-ugnayan ka sa iyong supervisor
na magdudulog ng iyong hinaing sa manager, kung saan siya angmagdudulog naman nito sa direktor para sa iyo. Sa magkahalintulad na
pagkakataon, mas mabuti na manawagan sa sinumang malapit sa Diyos,
katulad ng mga propeta o mga santo, upang magdala ng iyong panalangin.
Ang ganitong uri ng paniniwala ay ginagawa ang Allah na kahalintulad ng
mga tao na nangangailanganng tagapamagitan. Subalit ang Allah ay naiiba,
naririnig at nalalaman Niya ang lahat ng bagay, kayat hindi kailangan ng
kahit na sino na magdadala ng ating panalangin para sa Kanya. Winika ng
Allah sa Quran:
At ang inyong Panginoon ay nagwika: manalangin kayo sa Akin at
diringgin Ko kayo. Katotohanan, sinumang humamak sa pagsamba sa
Akin ay katiyakang papasok nang kahiya-hiya sa ImpiyernoSurah Ghafr 40:60
Samakatuwid, ang manalangin kay Propeta Muhammadr o iba pang
matutuwid na tao na tinatawag ng iba na mga Santo, na umaasang ang
kanilang mga panalangin ay aabot sa Allah at diringgin sa pamamagitan
nila ay isang Shirk, ang pinakamalaki sa lahat ng mga kasalanan.
Dapat nating alalahanin na ang pagsamba ay hindi lamang ang ating mga
panalangin. Kung susundin natin ang sinuman na gumagawa ng Halal(pinahihintulutan) kung ano ang ginawa ng Allah na Haram (ipinagbabawal)
o ang kabaligtaran, sinasamba rin natin sila. Ang patunay nito ay mula sa
hadith na iniulat ni Adiy ibn Hatim na narininig niya ang Propetarna binigkas
ang talata.
Ginawa nila ang kanilang mga Rabbis at Monghe bilang mga panginoonkasama ng Allah Surah At-Tawbah 9:31
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
39/239
34
Sinabi ni Adiy Ibn Hatim, Hindi namin sila sinasamba.
Sinabi ng Propeta :
Hindi ba nila ginawang Haram kung ano ang ginawa ng Allah na Halal5
at ginawa ninyong lahat ito na Haram, at ginawa nilang Halal kung ano
ang ginawa ng Allah na Haram6at ginawa ninyo itong Halal? Siya aysumagot, Siyanga. At sinabi ng Propeta , Iyan ang pagsamba ninyo
sa kanila. Tirmidhi
Paalala:
Ang Tawhid Al-Uluhiyyah Kaisahan ng Allah sa Pagsamba - ito ang
dahilan kung bakit ipinadala ang mga Sugo at ipinahayag ang mga Aklat
at dito nag-umpisa ang lahat ng mga Sugo sa kanilang pag-anyaya katuladnang sinabi nina Propeta Noah, Hud, Saleh, Shuaib, (a.s.w.)
O aking mamamayan, sambahin ang Allah! Wala kayong ibang Ilah
(Diyos) maliban sa Kanya Surah Al-Araf 7:59
Ang panalangin ay ang pinakamahalaga sa lahat ng uri ng Tawhid atpagsamba kung kaya ang Allah ay nagwika:
Katiyakan, sila na masyadong nagmamalaki para sa pagsamba sa Akin
Surah Ghafr 40:60
Ay ang panalangin batay sa unang talata nito. {
}{Manalangin kayosa akin.}
Ipinagbawal ng ibang mga pinuno ng mga Kristiyano ang pag-aasawa nang higit sa isa, pag-aasawa
sa pinsan, pag-aasawa ng mga pari, at ang diborsiyo. Pinahintulutan ng ibang mga pinuno ng mga Kristiyano ang pagkain ng karne ng baboy, pag-inom
ng alak, at ang paggawa ng mga imahe ng Diyos at ng mga Propeta.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
40/239
35
ANG TAWHID AL-ASMA WAS-SIFAT
Pangatlong uri ng Tawhid:
Tawhid al-Asma was-Sifat: Kaisahan ng Allah sa lahat ng Kanyang mga
Pangalan at Katangian.
Ito ay nangangahulugan ng paglalarawan sa Allah ayon sa mga pangalan
at katangian na Kanyang inilarawan para sa Kanyang sarili sa banal na
Quran o sa mga pamamaraan ng paglalarawan ng Propetar. Dahil sa ang
Allah ang pinaka-Dakila, ang Kanyang mga pangalan ay tinatawag na al-
Asma al-Husna (Ang Pinakamahusay o Pinakamagandang mga Pangalan).
Winika ng Allah sa Quran:
Allah, walang diyos maliban sa Kanya. Siya ang nagtataglay ng pinaka
Magandang mga Pangalan Surah Ta-Ha 20:8
Ang lahat ng nananatili ay may kanya-kanyang mga katangian at uri kung
saan ito nakikilala. Natutuhan natin sa agham na ang mga hayop ay kakaiba
sa mga halaman dahil sa mga katangian. Ang mga hayop ay nakagagala atkaramihan sa mga ito ay nangangalaga sa kanilang mga supling, samantala
ang mga halaman ay walang ganitong mga katangian.
Kagaya nito, ang bawat Pangalan ng Allah ay naglalarawan ng Katangian na
nabibilang lamang sa Kanya. Halimbawa, tinatawag ng Allah ang Kanyang
sarili na al-Awwal ang Una, na nangangahulugan na bago pa ang lahat
ay naroroon na ang Allah. Walang sinuman o anuman ang nabuhay o
nanatili bago ang Allah, dahil nilikha ng Allah ang lahat. Ang isang mag-
aaral ay maaaring tawagin na una sa klase o nangunguna, subalit hindi
siya maaaring maging una bago ang lahat. Hindi rin maaaring ihalintulad
ang mga pangalan ng Allah o di kaya ang Kanyang mga katangian kagaya
ng Kanyang mga nilikha. Hindi natin dapat bigyan ng Katangian ang Allah
katulad ng Kanyang mga nilikha o kaya ay bigyan natin ang isang nilikha ng
katangian katulad ng sa Allah. Winika ng Allah sa Quran:
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
41/239
36
Walang anuman na makatutulad sa Kanya, nakikita at naririnig Niya
ang lahat. Surah ash-Shura 42:11
Sa katuruan ng mga Kristiyano at mga Hudyo, nasasaad na ang Allah ay
gumugol ng anim na araw sa paglikha ng sanlibutan at pagkatapos ay
nagpahinga sa ikapitong araw. Kayat ginagawa nila ang Sabado o Linggobilang araw ng kanilang pagpapahinga na kung saan ang paghahanap-
buhay sa araw na ito ay itinuturing na kasalanan. Samantala, sa pagtuturing
sa Allah katulad ng mga tao na napapagod sa paggawa at nangangailangan
ng pahinga, sila ay nakagagawa ng pinakamalaking kasalanan na Shirk. Sa
Quran, winika ng Allah:
Allah, walang ibang diyos maliban sa Kanya. Ang Laging-Buhay, ang
Tagapanatili sa lahat. Hindi Siya napapagod o di kaya ay natutulog.
Surah al-Baqara 2:255
Mga Paalala:
1. Nararapat paniwalaan ang mga Pangalan at Katangian ng Allah.
2. Ang mga Pangalan at Katangian ng Allah ay malalaman mula saQur-an at Hadith batay sa pagkakaunawa ng mga mabubuting
Salaf- ang mga naunang tao sa Islam.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
42/239
37
ARALIN 7
1. PANINIWALA SA KANYANG MGA ANGHEL
Sinabi ng Sugo :Ang pananampalataya ay ang paniniwala sa Allah atsa Kanyang mga Anghel, mga Kapahayagan, mga Sugo at paniniwala sa
Huling Araw at sa Tadhana - mabuti man o masama. Muslim
Ang paniniwala sa pagkakaroon ng mga anghel na siyang mga nilikha sa
liwanag na naninirahan sa mga kalangitan. Sinabi ng Propetar: Walang
gadangkal na lugar sa kalangitan ang hindi kinaroroonan ng mga anghel na
nagsisipagyuko o nagsisipagpatirapa.7
Sila ang mga kagalang-galang na mga alipin ng Allah na buong husay na
nagsasagawa ng kanilang mga tungkulin na walang pagtanggi, at walang
tigil sa pagpupuri sa Allah, umaga at gabi na walang kapaguran. Hindi sila
babae o kaya ay lalake, o di kaya ay kumakain o umiinom.
Ang bilang ng mga Anghel:
Napakarami ng mga anghel at tanging ang Allah lamang ang nakaaalam ng
kanilang bilang. May isang lugar sa ikapitong langit na kung tawagin ay al-Bait al-Mamoor (ang Tahanan na laging puno) kung saan ang Propeta ay
nagsabi: Pitumpung-libong mga anghel ang pumapasok dito araw-araw at
wala ni isa man sa kanila ang may pagkakataon na makapasok pang muli.
Maiisip din natin ang dami ng kanilang mga bilang kung isasaalang-alang
natin ang katotohanan na ang bawat tao ay may nakatalagang anghel
upang pangalagaan ang patak ng semilya kung saan nabubuo ang tao,
dalawang tagatala ng kanyang mga gawa, at ang iba sa kanila ay upangmagbantay at bilang kasama upang igabay siya sa tuwid na landas.
Ang kanilang mga pangalan at mga tungkulin:
Mayroong mga pangalan ang mga anghel subalit ilan lamang sa kanila
nabanggit sa Quran at mga Ahadith:
Jibril Ang pinagkatiwalaan ng Allah sa Kanyang banal na Mensahe
na inihayag sa mga Sugo. Siya ang espiritu na ipinadala ng Allah kay
7 Ibn Maja at iba pa
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
43/239
38
Maria. Nakita ni Propeta Muhammad ang tunay na anyo ni Jibril na
mayroong anim na raang (600) mga pakpak; at ang bawat isa sa mga ito
ay humaharang sa kagiliran. (Imam Ahmad)
IsraflAng anghel na iihip sa trumpeta sa unang pagkakataon bilang tanda
ng pagwawakas ng buhay dito sa mundo.
Malik Ang tagabantay ng Impiyerno. Ang mga tao dito ay tatawagin siya
upang sabihin sa Allah na wakasan na ang kanilang mga paghihirap.
Ridhwan Ang tagabantay ng Jannah (Paraiso).
Munkar at Nakeer Ang dalawang anghel na magbibigay ng mga
katanungan o pagsubok sa patay sa libingan.
Malak al-Mawt Ang Anghel ng Kamatayan na siyang huhugot sa mga
kaluluwa ng tao sa sandali ng kanyang kamatayan.
Raqeeb at Ateed
Ito ay hindi pangalan ng dalawang anghel, subalit ito ay dalawang
pangngalan na nangangahulugan ng tungkulin ng dalawang anghel na ito.Patuloy nilang sinasamahan ang tao. Winika ng Allah:
Kapag ang dalawang anghel na tagapagtala ay magsusulat ng mga gawa
ng tao; ang isa ay umuupo sa kanang bahagi at ang isa naman ay sakaliwa. Wala ni isa mang salita ang kanyang masasabi maliban na may
isang tagabantay sa kanya na handang magtala nito.Surah Qaf 50:18-19
Tagatala ng hinaharap ng isang sanggol (fetus)
Si Abu Dhar ay nagsabi: Narinig ko ang Sugo ng Allah na nagsabi,
makalipas ang 120 gabi na pagkapit ng patak ng semilya sa sinapupunan,
ang Allah ay nagpapadala ng anghel upang hubugin ito, at nililikha Niya angpandinig, paningin, balat, laman at buto. Pagkatapos ay magsasabi ang
anghel: O aking Panginoon! Lalaki o babae? Ididikta ng Allah sa anghel
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
44/239
39
ang lahat na Kanyang naisin.Muslim
Sa ibang ulat: Ang Propeta ay nagsabi, Ang Allah ay nagpapadala
ng anghel upang hingahan ito ng buhay, at ididikta sa kanya na itala ang
apat na mangyayari; ang mga panustos ng sanggol (fetus), ang itatagal
ng buhay, ang kanyang mga kahusayan, at ang kanyang tadhana; magingsiya man ay mahirap o masagana. Ang lahat nang ito ay mangyayari at
magaganap habang ang sanggol ay nasa sinapupunan ng kanyang ina.
Tagabantay sa tao
Ang Allah ay nagwika:
May mga anghel na mangangalaga sa tao na nasa kanyang likuran at
sa kanyang harapan mula sa mga kapahamakan sa pamamagitan ng
kapahintulutan ng Allah. Surah ar-Rad 13:11
Ipinaliwanag ni Ibn Abbas na tinutukoy ng Allah sa talatang ito ang mgaanghel na Kanyang itinalaga upang mai-iwas sa kapahamakan ang tao
mula sa mga sakuna na nakapalibot sa kanya. Subalit kapag ang sakuna
ay nakatalaga na mangyari sa tao, sa pagkakataong ito ay iniiwanan siya
ng tagabantay na anghel upang maganap ang nakatakdang sakuna.
Nananalangin para sa mga mananampalataya
May iba pang mga anghel na nananalangin para sa mga mananampalataya
upang maigabay sila sa tamang landas, at para rin sa mga nagsa-salahng Jamaah (sama-sama) sa masjid, at gayun din sa mga taong maagap
sa salah. Ang iba sa mga anghel ay nakatayo sa mga pintuan ng masjid at
nagtatala ng mga pangalan ayon sa oras ng kanilang pagdating sa pagsa-
salah ng Jumuah kapag Biyernes at kapag ang Imam ay dumating na ay
isinasarado na nila ang kanilang talaan.
Pinalilibutan ang mga nagdi-Dhikr(nag-aalaala sa Allah)
Sinabi ng Propeta : Mayroong mga anghel ng Allah na nag-iikot upang
maghanap ng mga nagdi-Dhikr. At kung mayroon silang natagpuan, kung
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
45/239
40
saan ang mga tao ay nag-aalaala sa Allah, tinatawag nila ang bawat isa,
Halika, narito ang hinanap mo! Sinabi ng Propeta , Pinapalibutan nila
ang mga naroroon ng kanilang mga pakpak sa taas ng bawat isa hanggang
sa maabot nila ang pinakamababang langit (na nagpapahiwatig kung gaano
karami ang kanilang mga bilang).Bukhari at Muslim
Nararapat na mahalin ng Muslim ang lahat ng mga anghel na walang
pagtatangi dahil lahat sila ay mga matatapat na alipin ng Allah. Siya na
namumuhi sa isa mga anghel ay namumuhi sa kanilang lahat.
Ang batas sa mga hindi naniniwala sa mga Anghel:
Kafr di-mananampalataya dahil pinasisinungalingan nila ang Qur-an atSunnah.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
46/239
41
ARALIN 8
PANINIWALA SA KANYANG MGA KAPAHAYAGAN
Isa sa mga pangunahing paniniwala ay ang matapat na paniniwala sa
mga Mensahe na ipinadala ng Allah sa sangkatauhan sa pamamagitan
ng Kanyang mga Sugo at Propeta, at ang paniwalaan na ito ay kanilang
inihayag sa kanilang mga nasasakupan. Pinarusahan ng Allah ang mga
naunang mamamayan dahil sa pagtanggi nila sa kanilang mga Propeta
at Sugo. Tungkulin natin na maniwala sa lahat ng mga Kapahayagan na
walang pagtatangi. Winika ng Allah:
Sabihin (O mga Muslim): Naniniwala kami sa Allah at sa kung ano ang
ibinaba sa amin, at sa ibinaba kay Ibrahim, Ismail, Ishaq, Yaqub, at sa al-
Asbat [ang mga anak ng labindalawang mga anak ni Yaqub], at sa kung
ano ang ibinigay kay Musa at Eissa, at kung ano ang ibinigay sa mga
Propeta mula sa kanilang Panginoon. Wala kaming pagtatangi sa sinuman
sa kanila kami yaong mga Muslim. Surah al-Baqarah 2:136
Mayroong mga anyo ng kapahayagan na binanggit ng Allah ang pangalan
sa Quran katulad ng Kalatas ni Ibrahim, ang Torah ni Musa, ang Zaoor
ni Dawud, ang Ebanghelyo ni Eissa, at ang Quran na inihayag kay
Muhammadr. May iba pang mga Kasulatan na inihayag ng Allah sa Kanyang
mga Sugo subalit hindi na binanggit sa Quran.
Paniwalaan natin kung ano ang inihayag sa mga naunang kapahayagan at
tungkulin ng mga mamamayan, kung kanino ipinadala ang mga Aklat na ito,
na kanilang panghawakan.
Paniwalaan din natin na ang mga Banal na Aklat ay nagtataguyod sa bawat
isa at nagpapatunay sa katotohanan ng mga ito. Gayunpaman, dapat din
nating paniwalaan na ang bawat nahuling aklat ay nagpapawalang bisa sa
mga nakatakdang batas ng mga nauna, bahagi man o kabuuan nito. Sinabi
ni Eissa sa angkan ng Israil:
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
47/239
42
Ako ay naparito upang patunayan kung ano ang nauna sa akin mulasa Tawrat, at upang pahintulutan kung ano ang bahagi na ipinagbawal
sa inyo, at ako ay naparito na may dalang patunay mula sa inyong
Panginoon. Kayat matakot sa Allah at sundin ninyo ako.
Surah al-Imran 3:50
Batay dito ang Quran bilang pinakahuling kapahayagan ay nagpawalang
bisa rin sa maraming mga nakatakdang batas na napapaloob sa Torah at
Ebanghelyo. Winika ng Allah:
Sila na sumunod sa Sugo, ang Propeta na hindi makabasa o makasulat,
na kanilang nakita na nakasulat sa Tawrat at sa Ebanghelyo na siya
ay nag-uutos sa kanila ng kabutihan at nagbabawal ng kasamaan;
pinahintulutan sa kanila ang mga dalisay na bagay at ipinagbawal ang
marurumi; pinagaan ang kanilang mga pananagutan at pinalaya sila sa
mga hadlang na nasa kanila. Kayat sinuman ang naniwala sa kanya at
sumunod sa liwanag na ipinadala sa kanya, sila yaong mga matagumpay.Surah al-Araf 7:157
Ang batas sinumang tao na hindi naniniwala o tumatanggap sa alinman
sa mga Kapahayagang nagmula sa Allah: Kafr di-mananampalatayadahil sa kanilang pagsisinungaling sa Qur-an at Sunnah.
PANINIWALA SA KANYANG MGA SUGO
Ang tunay na paniniwala na ang Allah ay nagpadala sa lahat ng pamayanan
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
48/239
43
ng Sugo na nagmula sa kanila upang hikayatin sila na sumamba lamang
sa Nag-iisang Allah at huwag magtambal sa Kanya.
Winika ng Allah:
At katotohanang Kami ay nagpadala ng Sugo sa bawat Pamayanan
upang sambahin lamang ang Allah at iwasan ang Taghoot- pagsamba sa
mga diyus-diyusan Surah An-Nahl 16:36
Ang lahat ng mga Sugo ay makatotohanan at naghatid sa kanilang mga
pamayanan ng Mensahe na ipinadala sa kanila ng Allah. Nagpadala ang
Allah ng maraming mga Sugo kung saan ang bilang nila ay tanging Siya
lamang ang nakakaalam.
Ang habag ng Allah at ang Kanyang kaalaman ay nangangailangan ng
pagpapadala ng mga Sugo sa sangkatauhan upang sambahin lamang Siya.
Hindi niya itinalaga ang kanyang mga nilikha na walang pangyayarihan.
Samakatuwid ang paniniwala sa Allah ay kinakailangang maniwala sa
Kanyang mga Sugo. Iwinawaksi ng Allah ang naniniwala sa Kanya subalithindi naman naniniwala sa Kanyang mga Sugo:
Katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa Allah at Kanyang mga
Sugo at naghahangad na gumawa ng pagkakaiba sa pagitan ng Allah
at ng Kanyang mga Sugo (ang maniwala sa Allah at hindi paniwalaan
ang Kanyang mga Sugo) na nagsasabing Pinaniniwalaan namin ang
ilan subalit hindi namin tinatanggap ang iba at naghahangad na mag-
angkin ng ibang paniniwala sa pagitan nito. Sa katotohanan sila ay mga
hindi mananampalataya. At Kami ay naghanda sa kanila ng kahiya-hiyang
parusa. Surah an-Nisa 4:150-151
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
49/239
44
Ang una at huling sugo:
Ang mga Muslim ay kinakailangang maniwala sa lahat ng mga Propeta at
Sugo. Sinuman ang magtakwil sa isa sa kanila ay nagtatakwil sa lahat. Ang
mga Sugo ay napakarami ngunit ang unang Sugo ay si Noah at ang huli
sa kanila ay si Muhammadrat ang pinakamainam sa kanila ay ang mga Ul
Al-Adhimna sila: Noah, Ibrahim, Musa, Issa at Muhammadu.
Ang batas sa sinumang pinasisinungalingan ang mga sugo at ang iba sa
kanila: Kafr- di mananampalataya dahil pinasisinungalingan nila angQuran at Sunnah at nararapat na sundin ang anumang ipinahayag ni
Muhammad .
Ang pagsagawa sa anumang dala ni Muhammaday Wajib (kinakailangan),
ayon sa winika ng Allah:
At anuman ang ibinigay sa inyo ng sugo Muhammad (saw) ay kunin
ninyo at anuman ang ipinagbabawal niya sa inyo ay iwasan ninyo
Surah Al-Hashr 59:7
Walang isa man sa mga Propeta at Sugo ang nagtataglay ng mga banal nakatangian. Silang lahat ay mga tao. Itinangi sila ng Allah sa pamamagitan
ng pagbibigay tungkulin sa kanila bilang mga Propeta at Sugo at inalalayan
sila sa pagbibigay ng mga himala sa kanila. Wala silang mga kaalaman
tungkol sa al-ghaib (ang hindi nakikitang mundo) maliban lamang sa mga
inihayag sa kanila ng Allah. Wala silang kapangyarihan na magbigay biyaya
o makasakit ng iba, o di kaya ay kabahagi sa kapangyarihan ng Allah.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
50/239
45
ARALIN 9
PANINIWALA SA HULING ARAW
Kinakailangan sa isang Muslim na maniwala sa katotohanan ng lahat ng
winika ng Allah, at lahat ng sinabi ng Kanyang Sugortungkol sa kamatayan,
ang pagbibigay katanungan sa libingan at ang mga kaparusahan dito,
Pagkabuhay na muli, ang Pagtitipon, ang pagtutuos sa mabuti at masamang
nagawa, ang Tulay sa ibabaw ng Impiyerno, ang Timbangan, Paraiso,
Impiyerno, at lahat ng mga mangyayari sa Araw ng Paghuhukom.
MGA PALATANDAAN NG HULING ARAW
Tanging ang Allah lamang ang nakababatid sa pagsapit ng oras ng
Huling Araw:
Ang mga tao ay nagtatanong sa iyo tungkol sa Oras, sabihin: Ang
kaalaman nito ay tanging sa Allah lamang. Ano ang nalalaman mo?
Maaaring ang Oras ay malapit na!Surah al-Ahzab 33:63
Sinabi ng Sugo ng Allahrna mayroong dalawang palatandaan ang
Huling Araw Maliliit at Pangunahin.
Maliliit na Palatandaan
Maraming maliliit na palatandaan ang Huling Araw katulad ng: ang
misyon ng Propeta Muhammadr, ang pagbuga ng apoy sa Probinsiya
ng Hijaz (ang lupang kinaroroonan ng Makkah at Madinah), ang pag-
ikli ng oras, ang pagsasalita ng mga walang buhay na bagay, mgaaliping babae na magbibigay anak sa kanilang amo, paligsahan
ng mga pastol sa pagpapatayo ng matatayog na mga gusali,
pasikatan ng mga tao sa pagpapatayo nang naggagandahang mga
masjid, paglaganap ng gulo, pagdami ng bilang ng mga massaker,
paglaganap ng pangangalunya at pag-inom ng alak.
Pangunahing Palatandaan
1. Ang pagdating ng Dajjal (Bulaang-Mesiya) - ang impostor na
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
51/239
46
mag-aangkin bilang diyos. Ang kanyang mga tagasunod ay
karaniwang mga Hudyo. Lalakayin niya ang uong mundo,
malian lamang sa Makkah at Madinah, na inaantayan ng
mga anghel. Ang Dajjal ay isang malaking pagsuok, dahil
mauutusan niya ang langit upang magbuhos ng ulan at ang lupa
upang magbunga ng mga pananim. Nagbabala ang Propetarlaban sa pagsunod at paniniwala sa kanya.
2. Ang pagbaba ni Eissa (Hesus) mula sa langit patungong
Damascus (Kaisera ng Syria). Papatayin niya ang Dajjal,
hihikayatin ang mga tao sa Islam, sisirain niya ang krus,
papatayin ang aoy, itatakwil ang jizyah (ang ayad na itinakda
sa mga Hudyo at Kristiyano sa lugar ng mga Muslim para sa
kanilang pangangalaga), mamamatay si Eissa sa andang huliat ang mga Muslim ay magsasagawa ng salatul janazah (salah
sa patay) para sa kanya.
3. Ang paglitaw ng Yajooj at Majooj (Gog at Magog), ang dalawang
dambuhalang taong bansa na maghahasik ng pagkawasak sa
mundo. Si Eissa at ang mga mananampalataya na nasa kanilang
taguan, ay mananalangin sa Allah upang wakasan ang mga ito,
at sila ay pakikinggan ng Allah.
4. Ang paglitaw ng Halimaw ng Lupa ilang sandali bago ang Huling
Araw. Ito ay makikipag-usap sa mga tao at magbibigay babala sa
kanila tungkol sa pagsapit ng mga kaparusahan at pagkawasak.
Winika ng Allah:
At kapag ang hatol ay naipataw na laban sa kanila, maglalabas Kami ng
isang halimaw mula sa lupa upang magbigay babala na ang mga tao ay
nag-aalinlangan tungkol sa Aming mga tanda. Surah an-Naml 27:82
Ang pagsikat ng araw mula sa Kanluran. Sa pagkakataong ito lahat ng mga
hindi Muslim ay magpapahayag ng kanilang paniniwala sa Allah, subalit
ang lahat ay huli na dahil ang paniniwala sa sandaling ito ay hindi na
makatutulong sa taong hindi naniwala nung una, o di kaya ay pakinabangan
ang kanyang paniniwala.
May iba pang mga palatandaan na ipinahiwatig ang Sugo ng Allahr na
nasasaad:
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
52/239
47
ARAW NG PAGKABUHAY NA MULI
Ang mundong ito ay magwawakas sa pamamagitan ng unang pag-ihip ng
Trumpeta. Isinalarawan ng Allah ang pangyayari:
At ang Trumpeta ay hihipan, at ang lahat nang nasa mga kalangitan at
sa lupa ay labis na masisindak maliban lamang sa mga hindi isinama ngAllah. At ito ay hihipang muli sa ikalawang pagkakataon, at pagmasdan;
sila ay magsisipag-tayo na nakatingin (sa mga kagimbal-gimbal na
pangitain ng Araw na ito.), at ang mundo ay magliliwanag ng tanglaw na
mula sa kanyang Panginoon, at ang mga tala ay ilalantad, at ang mga
Propeta at mga saksi (mga anghel na nagtatala) ay ihaharap, at ang
sangkatauhan ay pantay na hahatulan, at hindi sila madadaya.
Surah az-Zumar 39:68-69
Ang mga tao ay babangon mula sa kanilang mga libingan na naguguluhan.At sila ay titipunin sa isang lugar na ang tagal ng isang araw ay katumbas
ng limampung-libong taon; nakahubad, walang sapin sa paa, at mga hindi
tuli; na naghihintay sa hatol ng Allah na walang mainom o makain man
lamang.
Sinabi ng Propetarna sa araw na ito ang mga hindi mananampalataya ay
malulunod mula sa kanilang pawis nang hanggang sa kanilang mga tainga.
PAMAMAGITAN
Bilang kinahinatnan, ang sangkatauhan ay magdaranas nang labis na
pagdurusa hanggang sa sila ay maghahanap ng kahit na sino upang
mamagitan sa Allah para sa kanilang mga kasalanan. Pupunta sila kay
Adam, ang kanilang ama, at makikiusap sa kanya na mamagitan sa kanila
para sa Allah, subalit sasabihin niya sa kanila na magpunta kay Nuh, na siya
rin ay magdadahilan at sasabihan sila na pumunta kay Ibrahim. Si Ibrahimdin ay magdadahilan at sasabihan sila na pumunta kay Musa. Sasabihin
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
53/239
48
ni Musa sa kanila na pumunta kay Eissa, na itatanggi ang kanyang
sarili at ipaaalam sa kanila, katulad ng mga Sugong nauna sa kanya, na
ang Allah ay nagalit ang galit na hindi pa Niya nagawa noon, at hindi
na mas magagalit pa kaysa dito. Sasabihan sila ni Eissa na pumunta ka
Muhammadr. Ang tao na pinatawad ng Allah ang kanyang mga nakalipas at
mga kasalanang hindi pa nagagawa. Tatanggapin niya ito at mamamagitansa Allah para sa kanila. At magsisimula ang Allah sa pagtutuos ng mga
ginawa ng Kanyang mga alipin.
Pagpapakita at Pagtutuos
Ang buong sangkatauhan ay haharap sa Allah:
At sila ay ihaharap sa kanilang Panginoon na nakahanay. Ngayon ba
ay dumating kayo sa Amin katulad nang pagkakalikha Namin sa inyo sa
unang pagkakataon. At inyong inisip na hindi Kami makikipagkita sa inyo.
Surah Al-Kahf 18:48
Ang Allah ay tuwirang makikipag-usap sa bawat isa, sa pamamagitan nang
kanilang wika na walang tagasalin, upang tuusin ang kanilang mga ginawa.
Sinuman ang makatanggap ng kanilang mga talaan sa kanilang kanang
kamay ay ang mga mapapalad, at yaong makatatanggap ng kanilang mga
talaan sa kanilang kaliwang kamay o mula sa kanilang mga likuran ay mga
kaaba-aba, at sila ay malupit na pakikitunguhan.
Ang buong sangkatauhan ay tutuusin maliban lamang sa pitumpung-libo nanagmula sa mga tagasunod ni Muhammadr, sila ay tatanggapin sa Jannah
na walang pagtutuos at pagpaparusa. Ang unang pamayanan na tatawagin
sa pagtutuos ay ang kay Muhammadr, at ang unang itatanong ay ang
kanilang Salah. Kung ang Salah ng isang Muslim ay katanggap-tanggap
sa Allah ang lahat nang kanyang mabubuting mga gawa ay katanggap-
tanggap din. Kung hindi naman, wala sa kanyang mga mabubuting gawa
ang tatanggapin.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
54/239
49
Al-Hawdh (ang lawa)
Ito ay napakalaking lawa na ipinagkaloob ng Allah kay Muhammadr. Ang
kanyang pamayanan ay makakamit ito sa Araw ng Pagkabuhay na muli.
Yaong mga lumihis sa gabay ni Muhammadr ay hahadlangan dito. Ang
tubig ng lawa na ito ay mas maputi pa sa gatas at mas matamis pa sa
pulot. Ang mga inuman dito ay kasindami ng mga bituin sa kalangitan. Angkanyang haba ay kasinlayo ng isang buwang paglalakbay at gayundin ang
kanyang luwang. Ito ay naririto na, sinuman ang uminom dito ay hindi na
muling mauuhaw.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
55/239
50
ARALIN 10
AL-MIZAN (ANG TIMbANGAN)
Ang Timbangan ay ihahanda sa araw nang pagkabuhay na muli upang
timbangin ang mga gawa ng tao. Ito ang tunay na timbangan na mayroong
dalawang bahagi upang magpatupad ng Banal na katarungan. Winika ng
Allah:
At ang pagtitimbang sa Araw na ito ay totoo. Kayat yaong ang mga
timbang nang kanilang mabubuting gawa ay mabigat ay magtatagumpay.
Samantala ang mga timbang na magaan ay yaong sumira sa kanilang
mga sarili sapagkat ipinagkaila nila ang Aming mga tanda.
Surah al-Araf 7:8-9
At para naman sa mga taong pantay ang kanilang mabuti at masamang
mga gawa sila ang mga kasamahan ng al-Araf8
. Walang titimbangin samga mabubuting gawa ng isang di-mananampalataya, sa halip ang mga ito
ay gagawing abo na isasaboy sa hangin.
Isinalarawan ng Propeta ang as-Sirat:
Ang as-Sirat ay isang Tulay sa ibabaw ng Impiyerno na ang mga paa nito ay
hindi matibay. Ito ay mayroong mga kalawit at tinik katulad ng mga puno ng
as-Sidan9. Ito ay mas matalim kaysa espada at mas manipis kaysa buhok.
Sa bawat magkabilang panig nito ay mga kalawit na humahatak pababasa sinuman na inutos dito. Mayroong makatatawid dito nang mabilis, ang
iba ay mabagal, at mayroon ding makatatawid nga dito subalit sila ay
masusugatan at mahihiwa, samantala ang iba ay babagsak sa Impiyerno.
Al-Hakim
8 Ang mga kasamahan ng al-raf ay ang mga taong ang kanilang mabuti at masamang mgagawa ay pantay kayat hindi nila dapat makuha ang Jannah o kaya ay mapunta sa Impiyerno.
Gayunpaman, sa bandang huli ay tatanggapin sila sa Jannah matapos ang pagpapatawad sakanilang mga kasalanan.
9 Ang matinik na puno.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
56/239
51
Ang lahat ng tao ay tatawid sa Tulay na ito at ang mga mananampalataya
ay tatanggapin sa Jannah matapos silang makatawid dito. Winika ng Allah:
Lahat kayo ay tiyak na dadaan dito. Ito ay pangako na katiyakang
tutuparin nang inyong Rabb. Surah Maryam 19:71
Si Ibn al-Qayyim, kahabagan nawa siya ng Allah, ay nagsabi:
Ang katatagan ng paa ng isang tao sa Tulay na nasa ibabaw ng Impiyerno
ay kahalintulad ng katatagan sa tuwid na landas sa mundong ito. Tatawirin
niya ang Tulay kung papaano siya nanindigan dito sa mundo.At-Tafsir al-
Qayyim pahina 9 - 10
Ang unang taong tatawid sa Tulay ay si Muhammad at ang mga
mananampalataya. Ang kaligtasan nang ibang mga Muslim ay nakasalalay
sa kanilang mga nagawa. Ang iba ay tatawid na mas mabilis pa sa pagkurap
ng mata, ang iba ay parang kidlat, ang iba ay parang hangin, ang iba ay
sintulin nang mabibilis na kabayo, at ang iba ay mabibilis ang kanilang
mga hakbang, ang iba ay naglalakad, at ang iba naman ay gumagapang,
samantala ang iba naman ay hatak-hatak ang kanilang mga paa. Ang iba
ay tuluyan nang babagsak sa Impiyerno.
Ang mga Muslim na pinanghahawakan ang Aklat ng Allah at ang Sunnah
ng Kanyang Sugo ay ang mga pinakamatulin sa pagtawid sa Sirat
papuntang Jannah hilingin natin sa Allah na isama tayo sa ganitong mga
mananampalataya. Amin!
JANNAH AT ANG KATANGIAN NITO
Ang Jannah ay ang kahahantungan na inihanda ng Allah para sa mga
mananampalataya sa Araw ng Pagkabuhay na muli. Kasama rito ang lahat
nang uri ng kaligayahan kung saan ay hindi pa nakita ng mata, o di kaya ay
narinig ng tainga, o di kaya ay naisalarawan ng isipan ng tao. Ang Jannah ay
inihanda na may ibat ibang bahagdan para sa mga matatapat at ang bawat
isa ay sang-ayon sa kanyang katapatan, pananampalataya at takot sa Allah.
Mayroong mga makakasama sa Jannah na mga dalisay na magagandang
mga babae, Hur al-Ayn, sila ay mga batang birhen na nakasuot ng sutlangtela na kulay berde. Mayroong mga ilog na hindi tumitigil sa pag-agos, mga
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
57/239
52
ilog ng dalisay na pulot, mga ilog na kasintulad ng gatas, at mga ilog na
alak na ikasisiya nang mga iinom, mga prutas na hinahangad nang mga
manahan sa Jannah, karne ng mga ibon na kanilang nais, mga palamuti,
at mga palasyo na yari sa ginto at pilak. Ang mga bato sa Jannah ay
mga perlas at corales, ang lupa nito ay simbango ng matamis na amoy
ng musko. Maraming mga bagay sa Jannah na pinakaaasam-asam atpinakasasabikan nang mga mapupunta rito. Ang mga maninirahan dito ay
mananahan nang walang-hanggan. Ang mga babaeng mananampalataya,
anuman ang kanilang edad, ay papasok sa Jannah sa mas murang edad
upang ikaligaya nila ang kanilang mga lalaking kasama rito.10
Ang pagtingin sa DakilangMukha ng Allah
Ang Propeta ay nagsabi:
Kapag ang mga maninirahan sa Jannah ay pumasok dito, tatanungin sila
ng Allah. Nais ba ninyong bigyan Ko pa kayo? Sila ay magsasabi, Hindi
Mo ba pinaputi ang aming mga mukha? Hindi Mo ba kami tinanggap
sa Jannah at iniligtas mula sa Impiyerno? Nagpatuloy sa pagsasalita
ang Propeta , Sa pagkakataong ito ay ipakikita ng Allah ang Kanyang
mukha. Wala sa anumang ipinagkaloob sa kanila ang higit na kasiya-siya
sa pagkakita sa kanilang Rabb, ang Nagbigay ng Biyaya, ang Kapuri-puri.Muslim
Katotohanan, makikita ninyo ang inyong Rabb na kasinliwanag kung
papaano ninyo nakikita ang kabilugan ng buwan sa gabi na walang pag-
aalinlangan. Bukhari at Muslim
Makikita ng mga mananampalataya ang Allah sa kabilang buhay lamang.
Ang pagtingin sa Allah ay totoong pinatunayan sa Kanyang salita:
Ang mga mukha sa Araw na ito ay pagliliwanagin, nakatingin sa kanilang
Rabb. Surah al-Qiyamah 75:22-23
10 Kung ang mag-asawa ay parehong tinanggap sa Jannah, sila ay magsasamang muli dito.Subalit kung ang babae ay nag-asawa nang higit sa isa sa mundo ito, ayon sa salaysay ng Propetar,
siya ang magiging asawa ng huli niyang napangasawa, o kaya ay makakapamili siya. )al-Baihaqi(
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
58/239
53
JAHANNAM (IMPIYERNO) AT ANG KATANGIAN NITO
Ang Apoy ay ang kahahantungan na inihanda ng Allah para sa mga di-
nanampalataya na itinatanggi ang Allah at ang Kanyang mga Sugo, na
nagbibigay sa Allah ng anak, asawa, o katambal. Ito ay para rin sa mga
nangangangkam ng kayamanan ng iba sa pamamagitan ng pagpapatubo atiba pang mga lihim na pamamaraan, at sa mga gumagawa ng mga larawan
o rebulto ng mga tao o hayop. Ito ang kahahantungan ng mga babaeng
nagpapaganda nang kanilang sarili para sa iba na hindi nila asawa, ang
mga nangangalunya, at para sa mga nagpapakamatay. Ang Impiyerno
ay mayroong pitong daanan at bahagdan. Ipinaliwang ng Propeta ang
Impiyerno sa pagsasabi na:
Ito ay sinindihan sa loob ng mga libong taon hanggang sa ito aymaglagablab, at nanatiling nagliliyab sa loob ng mga libong taon pa
hanggang sa ito ay mamuti, at nagpatuloy sa loob ng mga libong taon
pa hanggang sa ito ay mangitim. Ang ningas nito ay hindi kumukupas.
Ang kasuutan ng mga mananahan dito ay gawa mula sa apoy, ang
kanilang pagkain ay ang ghisleen11, Az-Zaqqoom12, at Dharee13. Ang mga
pagkaing ito ay hindi nakatataba o nakapapawi ng gutom. Samantala ang
kanilang mga inumin ay ubod ng init na nakalulusaw ng bituka. Sa tuwing
masusunog ang kanilang mga balat ay papalitan itong muli ng Allah nang
sa gayon ay patuloy nilang malasap ang hapdi ng mga pagdurusa.At-Tirmidhi
Ang Impiyerno ay mayroong pitong malalaking mga tarangkahan. May
mga alakdan at mga ahas sa mga ito. Inihanda ng Allah para sa mga
mapupunta rito ang mga kadena, posas, at nagbabagang mga apoy. Silay
maninirahan dito nang habambuhay na walang mga kaibigan o kaya ay
mga makatutulong.
Ang Sukat ng mga tao sa Impiyerno
Ang mga makukulong sa Impiyerno ay magsisilaki sa hindi inaasahang sukat
na tanging ang Allah lamang ang nakaaalam. Ang Propetaray nagbigay ng
paglalarawan sa sukat ng mga di-mananampalataya sa pagsasabi na:
11 Ang mga katas mula sa mga laman at dugo ng mga nakakulong sa Impiyerno, at ang mga
umaagos mula sa kanilang mga balat at sugat.12 Ang halaman na tumutubo sa Impiyerno na ang kapaitan nito ay hindi matutumbasan.
13 Ang halaman na tumutubo sa Impiyerno.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
59/239
54
Ang layo ng balikat ng mga di-mananampalataya ay katumbas nang
tatlong araw na paglalakbay ng isang matulin na kabayo. Ang kanyang
bagang ay sinlaki ng bundok ng Uhud. Muslim
Ito ay sa dahilan na kapag mas malaki ang sukat ng isang di-nananampalataya
ay mas higit ang pagdurusa sa kanyang kaparusahan. Winika ng Allah:
O kayong mga naniniwala? Iligtas ninyo ang inyong sarili at ang inyong
mga pamilya mula sa Apoy na ang panggatong ay mga tao at mga bato
na mayroong mga anghel na nakatalaga, mahigpit at malupit, na hindisinusuway ang mga inuutos ng Allah sa kanila, at ginawa kung ano ang
inutos sa kanila. Surah at-Tahrim 66:6
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
60/239
55
ARALIN 11
PANINIWALA SA KAHIHINATNAN
(AL-QADHA AT AL-QADAR14)
Ang Qadar ay ang pagtatakda ng Allah sa mga bagay bago pa ito
mangyari at ang pagtatala nang mga ito sa Pinanatiling Talaan. Itinakda
na ng Allah ang lahat bagay limampung-libong taon bago pa Niya nilikha
ang kalangitan at ang mundo. Ahmad, Muslim at at-Tirmidhi
Ang Allah ang Tagapaglikha nang lahat ng mga nilikha at lahat nang
kanilang mga gawa. Kayat anuman ang kanilang gawin, mabuti o masama,
ay naaayon sa Kanyang itinakda. Winika ng Allah:
Katotohanan, nilikha Namin ang lahat sa pamamagitan ng Qadar.
Surah al-Qamar 54:49
Mga Bahagi ng Qadar:
Ang paniniwala sa Qadar ay nangangailangan na:
1. Nababatid ng Allah ang lahat nang nangyayari at ang Kanyang
kaalaman ay sakop ang lahat. Winika ng Allah:
Hindi mo ba nalalaman na nababatid ng Allah anuman ang nasa
kalangitan at sa mundo? Katiyakan, ang lahat nang ito ay nakapanatili sa
isang talaan, at ito ay madali lamang para sa Allah. Surah al-Hajj 22:70
Ang al-Qadha ay tumutukoy sa pangkalahatang pangyayari na tinakda ng Allah katulad ng ang lahat
nang nabubuhay ay mamamatay, samantala ang al-Qadar ay tumutukoy naman sa partikular na mangyayari natinakda ng Allah, o ang pagpapatupad ng al-Qadha, katulad ng ang isang tao ay mamatay sa isang partikular na
oras at lugar.
5/19/2018 Araling Pang Islam Unang Antas
61/239
56
1. Itinalaga ng Allah ang mga bahagi nang lahat ng bagay sa Aklat
ng mga Itinakda. Wini
Recommended