View
1
Download
0
Category
Preview:
Citation preview
For Sugar Workers Cash Bonus Program
Paliwanag: a. Ang “Covered workers” ay kumakatawan sa
lahat na manggagawa sa loob ng isang taong pagtatanim;
b. Ang “Total annual payroll ng covered workers” ay kumakatawan sa basic na pasahod na binabayad sa “covered workers” sa loob ng isang taong pagtatanim;
c. Maliban sa taunang kabuuang pasahod ng indibidwal “covered workers”, ang cash bonus ng manggagawa ay tutuusin batay sa mga sumusunod na maximum credits:
For Mill Workers P2,000.00 per month For Field Workers P1,000.00 per month (Kung sakali na ang isang manggagawa ay kumikita ng mas mababa sa nakasaad sa taas, ang aktwal na kikitain ng isang manggagawa ang magiging basehan ng pag-compute ng kanyang cash bonus) Anu-anong mga dokumento ang kailangang isumite ng isang manggagawa upang makakuha sila ng Cash Bonus?
Mga dokumentong dapat isumite ng mga manggagawa sa DOLE-RO para makakuha ng cash bonus:
Aplikasyon na naglalaman ng mga tamang impormasyon ng isang claimant
Cash bonus special payroll na nakalagay ang pangalan ng claimant at sertipikado ng employer
Pagkakakilanlan ng manggagawa tulad ng sa: Social Security System (SSS) Card, Voters’ ID, PhilHealth Membership Card or Senior Citizen’s Card.
Sertipikasyon ng employer na ang claimant na nakalagay sa cash bonus special payroll ay hindi nakatanggap ng cash bonus noong ipinamahagi ang benepisyo.
Saan maaring mag sumite ng aplikasyon? Ang isang manggagawa ay maaring mag sumite ng kanilang aplikasyon sa malapit na regional office na nakakasakop sa kanilang lugar.
DOLE Regional Offices
Regional Office No. II Turingan Building, Campos Street, Caritan Centro, Tuguegarao City, Cagayan Tel. Nos.: (078) 844-0133; 844-6265 Telefax No.: 844-2728 E-mail: doler02@gmail.com; imsd_services@yahoo.com Website: ro2.dole.gov.ph
Regional Office No. III Regional Government Center Barangay Maimpis, San Fernando City, Pampanga Telefax Nos.: (045) 455-1613; 455-1614 E-mail: dolero3@gmail.com Website: ro3.dole.gov.ph
Regional Office No. IV-A 3rd and 4th Floors, Andenson Bldg. II, Barangay Parian, Calamba City, Laguna Tel. No.: (049) 545-7360 Fax. No.: 545-7357 E-mail: ro4a@dole.gov.ph; dole4a_observe@yahoo.com; tssd.dole4a@yahoo.com.ph Website: calabarzon.dole.gov.ph
Regional Office No. V Doña Aurora Street, Old Albay, Legaspi City Telefax Nos.: (052) 481-0768; 480-3058 E-mail.: ro5dole@yahoo.com Website: ro5.dole.gov.ph
Regional Office No. VI Swan Rose Building Commission Civil Street, Jaro, Iloilo City Telefax Nos.: (033) 320-8026; 509-0400 E-mail.: ro6@dole.gov.ph; doleregion6@yahoo.com Website: ro6.dole.gov.ph Negros Island Region (NIR) St. Therese of Child Jesus St., Claytown Daro, Dumaguete City Tel No: (035) 266-2778 Fax No: (035) 422-9741 E-mail :dolenir@yahoo.com
Regional Office No. VII 3rd and 4th Flrs., DOLE—RO7 Building General Maxilom Avenue, cor. Gorordo Avenue, Cebu City Tel. Nos.: (032) 266-9722; 266-2792 Fax. No.: 416-6167 E-mail: ro7@dole.gov.ph; dole_centralvisayas@yahoo.com Website: ro7.dole.gov.ph
Regional Office No. VIII DOLE Compound, Trece Martires Street, Tacloban City Tel. No.: (053) 325-6293 Fax. No.: 523-4220 E-mail: ro8@dole.gov.ph; doletacloban@yahoo.com Website: ro8.dole.gov.ph
Regional Office No. X Monte Carlo Building, RER Phase I, National Highway, Kausawgan, Cagayan de Oro City Tel. No.: (088) 857-2218 Fax. No.: 857-1930 E-mail: dole10_tssd@yahoo.com; dole10_imsd@yahoo.com Website: ro10.dole.gov.ph
Regional Office No. XI 4th Floor, Davao Ching Printers Bldg., Dacudao Ave. cor. Lakandula Street, Agdao, Davao City Tel. No.: (082) 227-4289 Fax. No.: 226-2671 E-mail: dole11davao@yahoo.com Website: ro11.dole.gov.ph
Regional Office No. XII 102 Acepal Building, Mabini Extension, Koronadal City Telefax Nos.: (083) 228-2190; 520-0125 E-mail: dole12.ro@gmail.com Website: ro12.dole.gov.ph
For further inquiries, visit or call: BUREAU OF WORKERS WITH SPECIAL CONCERNS
9th Floor, G.E. Antonino Building, J. Bocobo Street cor. T.M. Kalaw Avenue, Ermita, Manila Tel. Nos.: (632) 404-3336; 527-2804 Telefax No.: (632) 527-5858 E-mail: mail@bwsc.dole.gov.ph Website: www.bwsc.dole.gov.ph
As of July 1, 2016
Ano ang Cash Bonus Program?
Ang Cash Bonus Program ay ipinatutupad sa ilalim ng
Republic Act No. 6982 na layuning magbigay ng cash
bonus sa manggagawa sa industriya ng asukal kada
tapos ng anihan ng tubo. Ito ay bilang bahagi ng
kanilang pagtatrabaho sa produksyon ng asukal sa loob
ng isang taon. Ang cash bonus ay kumakatawan sa
walumpung porsiyento (80%) ng lien na nanggagaling sa
produksyon ng raw sugar.
Sino-sinong manggagawa sa industriya ng asukal
ang sakop ng programa?
Lahat ng manggagawa na nagtatrabaho sa sugar
mill at plantasyon ng tubo na may kinalaman sa
produksyon ng asukal, maliban sa mga managerial
na posisyon; at
Lahat ng may maliliit na sakahan ng tubo na hindi hihigit sa 5 ektarya.
Paano at kailan makukuha ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa mill at plantasyon ang kanilang cash bonus?
Lahat ng sugar miller o planter ay dapat direktang ipamahagi ang cash bonus sa kani-kanilang manggagawa sa loob ng itinakdang panahon.
Ang cash bonus para sa manggagawa sa plantasyon ng tubo ay dapat maipamahagi sa loob ng isang (1) buwan mula sa petsa ng pagtanggap ng CBF galing
sa mill, kung unaffiliated planters, at sa asosasyon ng mga planters, kung affiliated planters. May sampung porsiyento (10%) kada buwan na multa ang ipapataw sa mga lumalabag. Ang multa para sa non-distribution ng cash bonus ay iipunin para sa manggagawa sa tubohan.
Ang cash bonus para sa manggagawa sa sugar mill ay dapat ding maipamahagi sa loob ng isang (1) buwan mula sa itinakdang araw ng pamamahagi ayon sa pinagkasunduan ng mill at organisasyon ng mill workers.
Ang cash bonus na hindi na claim o nakuha ng manggagawa sa loob ng tatlong (3) taon mula sa araw nang paglipat ng pondo sa DOLE Regional Office ay hindi na maaring makuha pa. Ito ay magiging parte ng pondo para sa Socio Economic Project. Paano isinasagawa ang espesyal na pamamahagi ng Cash Bonus Fund?
Kung lumagpas na ang itinakdang panahon ng pamimigay ng cash bonus, ang DOLE Regional Office sa pakikipag-ugnayan sa mill, asosasyon ng mga planters o ng kooperatiba ay mag-sasagawa ng espesyal na pamamahagi ng CBF base sa mga sumusunod na kondisyon:
Kapag may mga nagreklamong manggagawa sa asukalan na hindi nabigyan ng cash bonus ng mga planters.
Kung may mga manggagawang hindi nakakuha ng kanilang cash bonus noong ipinamamahagi ito at napatunayan ang kinaroroon nito.
Kung natanggap na ang abiso o patunay/impormasyon ng napipintong pagsasara ng mill.
Ang asosasyon ng planters o kooperatiba, sa pakikipag-ugnayan at sa pangangasiwa ng DOLE Regional Office, ay pinahihintulutan na magsagawa ng special distribution ng CBF sa loob ng tatlong (3) buwan na ang undistributed CBF ay nasa kanilang pang pangangalaga ayon sa mga sumusunod na kondisyon:
Tapos na ang kasunduang pamamahala sa pagitan ng maylupa at ng umuupa
Tapos na ang kasunduang pag-upa ng planter sa mill
Hindi pagsumite ng report ng compliance at liquidation ng miyembro ng planter na nagpapatunay na naipamahagi na ang CBF na nakasaad sa Section 3, Rule VIII, sa loob ng isang (1) crop year.
Anong formula ang ginagamit para ma-compute
ang Cash Bonus para sa share ng indibidwal na
nagtatrabaho sa asukalan?
Ang formula para sa pag-compute ng share ng indibidwal na nagtatrabaho sa asukalan ay ang mga sumusunod:
Ilustrasyon ng proseso nang pamamahagi ng Cash Bonus
Recommended