Dalawang uri ng Komunikasyon

Preview:

Citation preview

Dalawang uri ng Komunikasyon

1. Komunikasyong Berbal

• Ito ang paraan ng pakikipag-komunikasyon na ginagamitan Ng wika upang maipahayag ang nais ibahaging impormasyon o kaalaman sa pamagitan ng pagbigkas o pasulat na pamamaraan.

• Mga halimbawa:

• Pikikipag-usap, pakikipag-ugnayan o pakikipagtalastasan sa kapwa sa pamamagitan ng pasalita

• Pakikipanayan sa tao

• Pakikipagpalitan ng saloobin at kuro-kuro sa kausap

• Pagbabalita

2. Komunikasyong di-berbal

• Ito ang paraan ng pakikipag-komunikasyon kung saan ang ginagamit na paraan ay mga sensyales o galaw ng katawan para magbahagi ng impormasyon.

• Ayon kay Albert Menrabian (1971)- 93% Ng mensaheng ipinahihiwatig ng tao sa kanyang kapwa ay di-verbal na komunikasyon.• Ayon kay E. SAPIR• - Ang di-verbal na komunikasyon ay Isang detalyado at lihim na

kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat.

Komunikasyong Di- berbal

A. Chronemics - ito ay paggamit ng oras bilang mensahe sa komunikasyon. Halimbawa, Ang pagdalo sa unang araw Ng klase nang maaga ay nagbibigay kahulugan Ng mas importanteng pagkikita. Gayundin, ang pagtawag sa cellphone Ng kakilala sa kalaliman Ng Gabi ay maaring makapagdulot Ng kaisipang pangangamba, pagkabahala o pagkatuwa dahil sa mensaheng ipinahihiwatig Ng oras na tiyak na mahalaga.

B. Proxemics - ito ay paggamit ng distansya o espasyo sa sarili ng ibang tao.

Halimbawa: bibihira Ang pisikal na kontak sa pagitan Ng Mga tao. Maliban kung sila ay magkakaibigan, pakikipagkamay ang pinakatanggap na anyo ng kontak.

C. Kinesika (Kinesics)Pag-aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba't ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita,ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba. ito ay tinatawag ding body language.

Halimbawa: kinesics ay kumpas ng ating kamay, ang paghawak sa ating tiyan ay maaaring nangangahulugang tayo ay nagugutom o masakit ang tiyan.

D. Haptics- ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of touch kapag nagpapahatid ng mensahe.

Halimbawa: iba Ang kahulugan ng mga salitang hawak, haplos, pisil, hablot, himas, at pindot. bawat Isa ay may angking kahulugan na hindi gumagamit ng salita o berbal.

E. Iconics- ito ay paggamit ng simbolo bilang mensahe sa pagpapahayag ng Komunikasyon.

Halimbawa: mga simbolong ginagamit sa kalsada bilang babala, mga simbolong ginagamit sa gamot upang tukuyin kung lason o hindi at mga simbolong ginagamit sa pinto ng palikuran sa pagtukoy ng kasarian.

F. Colorics- ito ay Komunikasyong ginagamitan ng kulay sa pagpapahayag ng mensahe.

Halimbawa: kulay asul at pula sa bandila ng pilipinas

Paralanguage - ito ay Komunikasyong batay sa paraan ng pagbigkas ng pahayag. May pagkakataong sumasang-ayon tayo sa kausap pero pagtanggi ang tono ng pagkakasagot. Kabilang dito Ang bilis,tono o intonasyon ng boses at diin ng pagbigkas ng mga Pahayag.

Pitch - pagtaas at pagbaba ng tono ng tinig

Volume– lakas o hina ng tinig

Bilis – bagal o tulin ng pagsasalita

Kalidad- klase o uri ng tinig.

Halimbawa:

Ang salitang "Oo" ay maaring mangahulugan ng pagsang-ayon, pagsuko, galit o paghamon depende kung paano ito bigkasin.

H.Oculesics- Paggamit ng mata sa pagpapahayag ng mensahe

Halimbawa: Pagseselos

Galit Takot Mapag-asar Masaya Malungkot Sorpresa

I. Olfactotics- Komunikasyong gumagamit ng pangamoy sa pagpaparating ng mensahe.

Halimbawa: Alam natin kapag may dumaang trak na puno ng basura.

J. Pictics - Ito ay sa ekspresyon ng mukha sa pagpapahayag ng mensahe.

Halimbawa:

Sa Mukha makikita kung Ang tao ay malungkot, Masaya, Galit, nangangamba, natatakot, at iba pang uri ng damdamin.

Vocalics - Paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng mensahe. Hindi sakop sa komunikasyong ito Ang mga tunog na pasalita.Tumutukoy sa tunog na nalilikha ng tao.

Halimbawa: Pag-ehem o kaya ay pag- tsk, Pagbuntong-hininga, pagsutsot bilang pangtawag pansin.

Kapaligiran

Nagsisilbing komunikasyon di-verbal sapagkat ito ay kailangan ng tao upang maganap ang intiraktibo at komunikatibong gawain sa buhay. Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang

pulong,kumperesya,seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran. Ang kaayusan ng lugar ang magsasabi kung pormal o di

pormal ang magaganap na pulong,kumperensya o seminar.

Ilang Pisikal na Kaanyuan:

a. Malapad ang noo- marunong

b. Malaking tainga - Mahabang buhay

c.Nunal sa labi - Madaldal

d. Nakangangang bibig- Nagulat

"Maraming salamat sa pakikinig"

Recommended