View
133
Download
1
Category
Preview:
DESCRIPTION
pagsasalita
Citation preview
Mga Kasanayan sa Pagsasalita
Pakikipag-usap
“Conversation” na nilalahukan ng dalawa o higit na indibidwal
Impormal at walang balangkas
Tuloy-tuloy at hindi planado ni organisado
Pagtatalumpati
Ayon sa aklat ni Villafuerte, ang pagtatalumpati ay isang sining na nararapat lamang na masining itong maitanghal.
Nagsasalita sa isang talumpati ay isang mananalumpati.
Panghikayat at makahubog ng kagalingan sa panghihimok.
Mayroong mga batas o tuntunin na dapat sundin.
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng
Pagtatalumpati Ang Mananalumpati
- Ang humaharap sa madla, nag-iisip, nagtitipon ng datos, nagsusuri ng mga impormasyon at lumilikha ng talumpati.
- Upang magkaroon ng epektibong talumpati, kailangang kinakatawan niya ang SPEAK:
Simplify
Prepare & Practice
Enthusiasm
Anxiety
Knowledge of your Subject
Tatlong Mahahalagang Sangkap ng
Pagtatalumpati Ang Papel o Talakay
- Ito ang talumpati mismo- Naglalaman ng paksa
Ang Tagapakinig - “Tagasulit” ng talumpati
- Hanggangan at simula ng talumpati
Tatlong Uri ng Talumpati
Daglian o Biglaan (impromptu) – walang paghahandang naganap
Maluwag (extemporaneous) – mayroong kaunting pananaliksik / background tungkol sa usapin
Handa (prepared) – ganap na paghahanda
Dayagram ng Paghahanda ng
TalumpatiAlamin kung sinu-sino ang mga taga-pakinig
Pamimili ng Paksa
Pagtitipon ng Materyales
Paglilinang ng Kaisipian sa Balangkas
Paraan ng Pagsisimula ng
Talumpati Pagpapakilala sa Kahalagahan ng Paksa
Pagbibigay ng Istorya/Anekdota
Paglalahad ng Parehong Damdamin o Interes
Pagtukoy sa Isang Tuwirang Sipi
Pagpapahalaga sa Okasyon
Pagtatanong
Pagbibigay ng Isang Makatawag-Pansing Pangungusap
Pagpuri sa mga Taga-pakinig
Paraan ng Pagwawakas ng
Talumpati Pagbanggit muli sa mungkahi
Pagbanggit muli ng resulta
Paghikayat sa mga tagapakinig na magsagawa ng agarang aksyon
Tiyak na Layunin ng Pagtatalumpati
Magturo – magbigay ng wastong kaisipan
Magbigay-Kabatiran – magbigay kaalaman ukol sa mga bagay na hindi pa nalalaman ng mga tagapakinig
Manghikayat – makapanghimok
Manlibang – makapagbigay-aliw
Magbigay-papuri – papurihan ang tao o ahensyang nakapagbigay ng kaaya-ayang karanasan sa tagapagsalita
Magbigay-puna – bigyang pansin ang mga maling kaganapan sa lipunan
Pakikipanayam
Tila PAKIKIPAGUSAP ngunit, higit na mas pormal at planado.
Dalawang sangkot:
1. Kakapanayam
2. Kakapanayamin
Ang kakapanayam ang nagsisimula sa daloy ng usapan.
Sa kakapanayamin nagtatapos ang daloy ng usapan ng panayam.
Pangkatang Talakayan
Usapang nagaganap sa pagitan ng pangkat na may pinuno at kasapi.
1. Talakayang may Panel – binubuo ng tatlo hanggang walong kasapi na masistemang tumatalakay sa isang suliranin o isyu.
2. Simposyum – serye ng maiikli at handang talumpati ukol sa iba’t ibang bahagi ng iisang punong paksa.
3. Pulong Pantanggapan – pinangungunahan ng puno ng tanggapan; hindi nagsisimula habang hindi pa sapat ang bilang ng mga dumalo.
Debate o Pagtatalo
Maraming anyo ng argumentasyon
Mabubuting katangian ng mga kalahok:
1. Maingat
2. Malinaw
3. Maliwanag
4. Mabisa
Pormal, tuwiran at may pinagtatalunang isyu
Debate o Pagtatalo
Mayroong dalawang uri: tradisyonal at kontemporaryo
1. Tradisyonal – paghahanda’y para sa isang timpalak
2. A. Kontemporaryo (impormal) – may tagapangulo o pinunong nagbibigay ng paksang pagtatalunan
- May maayos na pagpapalitan ng kuro-kuro
- Walang gaanong tuntunin.
B. Kontemporaryo (pormal) – pinaghahandaan at itinakda ang panahon at pinaghahanda ang mga magdedebate.
Debateng Oxford1. Unang Tagapagsalita (Sang-ayon) - maikling panimulaPaglalahad,
patotoo sa unang isyuPagtatapos - lagom ng kanyang napatunayanBabanggitin ang gagawin ng susunod nakasama
2. Unang Salungat - maikling panimulaPatotoo sa unang isyuLalagumin ang mga matwid ng panig ngSalungat
3. Pangalawang Sang-ayon - maglalahad ng patotooNilalagom ang pangunahing matwid ng panig ng sang-ayon
4. Pangalawang Salungat - maghaharap ng isang tuligsa sa balak ng panig ng sang-ayon o naghaharap ng pamalitng pangunahing matwid ng panig ngsalungat
5. Pangatlong Salungat - talumpati ng ganting matwid-sinusuri niyaang mga hindi pinagkakaisahan ng panig ng sang-ayon at panig ng salungat at pinabubulaanan ang pangunahing matwid ng sang-ayon-sa pagwawakas , maaaring gumawa siya ng isangnakahihikayat na panawagan
6. Pangatlong Sang-ayon - pagsusuri ng mga pangunahing puntos ngipinagkakaibang kuro ng dalawang panig-maghaharap ng isang pagpapabulaan-magwawakas sa isang mapanghikayat na panawagan
Debateng Oregon
1. Unang Tagapagsalita ng dalawang panig - maghaharap ng pagmamatwid ng kani-kanilang panig
2. Pangalawang Tagapagsalita - magtatanong upang maipakilala angkarupukan ng mg matwid na panig ng katalo
3. Pangatlong Tagapagsalita - maghaharap ng pagpapabulaan bagolalagumin ang mga matwid ng kani-kanilang panig
Debateng Oregon-Oxford
1. Pagpapakilala ng bawat koponan (Pagtukoy sa mga tuntunin)
2. Paglalahad ng proposisyon
3. Pagbibigay ng katuturan
4. Paglilinaw sa mga isyu o buod ng pangangatwiran
5. Pagtatalo
Ang Takot sa Pagsasalita
Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na “xenophobia” o stage fright.
Ilang paraan para labanan ang stage fright:
Positibong atityud Tiwala sa sarili Tanggapin ang sarili Harapin ang takot Magkaroon ng marubdob na pagnanasang matuto Magpraktis Isipin na ang mga manunuod ay mga kaibigan at hindi mapanghusga.
Magbihis ng naayon sa okasyon
Mag-imbak ng maraming kaalaman
Dumating ng maaga
MAGDASAL
Recommended