View
286
Download
11
Category
Preview:
Citation preview
1
TAGALOG TRANSLATION OF THE BLOOD OF CHRIST
MGA NILALAMA
Ang Plano ng Kaligtasan 1
Balakid sa Pagkatuto ng Salita ng Dios 3
Kaligtasan Bago Dumating ang Krus 4
Ang Persona ni Cristo sa Pagliligtas 7
Ang Gawa ni Cristo sa Kaligtasan 9
Ang Kamatayang Pisikal ni Cristo 11
Ang Kahalagahan ng Pisikal na Kamatayan ni Cristo 12
Mga Pangyayari sa Pagkapako sa Krus 13
Namuong Dugo at Serum 16
Ang Alay Levitico at ang Dugo ni Cristo 18
Ang Sinunog na Alay 20
Ang Araw ng Pagbabayad at ang Dugo ni Cristo 22
Ang Kinatawan sa Kalikasan sa Pagbalik Tanaw 25
Ang Mesa ng Komunyon at ang Dugo ni Cristo 27
ANG DUGO NI CRISTO
ANG PLANO NG KALIGTASAN
Sa pag-aaral ng Bagong Tipan, malimit nating matutunghayan ang mga salitang ANG
DUGO NI CRISTO. Sa bawat pagkakataon, ang terminong ito ay kasingkahulugan ng
kaligtasan ng tao na ginawa ni Cristo sa krus. Larawan ito ng pinakamahalagang
pangyayari na naganap sa kasaysayan ng mga anghel at ng sangkatauhan. Sa katotohanan
kahit na sa nakalipas at hinaharap na walang hanggan, ang ganap na kapahayagan ng
biyaya ng Dios (Epeso 2:7) ay resulta ng pagliligtas ni Cristo.
Ang pag-aaral na ito ay inihanda upang lumalim ang inyong kaalaman at
pagpapahalaga sa Panginoong HesuCristo at sa Kanyang walang kapantay na pagpapaka-
hirap para sa ating kapakanan. Upang mabigyan kayo ng batayang kaisipan kinakailangan
muna nating tunghayan ang mga di-mapapasubaliang bunga na isinasaad ng mahalagang
talata. May permanenteng resulta ang krus kay Satanas, sa tao, sa kasalanan at sa Dios.
Kabilang sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli, pag-akyat sa langit at paglukluk sa
kanan ng Dios Ama, ang nagawa ni HesuCristo sa krus ang nagbigay ng tagumpay laban
kay Satanas sa tunggalian ng mga anghel. Sa pamumusong na akusasyon ni Satanas na
ang mapagmahal na Dios ay hindi makatwiran na ibulid niya sa walang hanggang
2
pagdurusa ang kanyang nilalang. Subalit nang magkaloob si HesuCristo ng kaligtasan sa
sangkatauhan na ayon sa katarungan ng Dio, ang kalayaan sa pagpapasiya ang naging
maliwanag na isyu, at ang hatol kay Satanas ay napagtibay (Mateo 25:41). Pinatunayan
ng Krus na hindi malalabag ng Dios ang Kanyang perpektong karakter bagkus nahayag
pa dito ang dakilang pagmamahal na nagbigay ng dahilan upang hatulan Niya ang
Kanyang sariling Anak alang-alang sa sangkatauhan. Bukod pa dito, ang katotohanang
malaya si Cristo sa Kanyang desisyon na tanggapin ang Krus (Lukas 22:42; Heb.10:5-7;
Mateo 20:22) na ang tao ay may kalayaan na maniwala o hindi ay katunayan lamang na
makatwiran ang hatol kay Satanas. Sa pag-aalsa laban sa Dios, ang Diablo ay nagdala ng
hatol sa kanyang sarili.
Laan ukol sa tao, ang pagliligtas ni Cristo ang gumiba sa hadlang na naghihi-
walay sa tao mula sa Dios. Ito ang doktrina ng pakikipagkasundo. Inalis magpakaylan-
man ang hindi matatawirang hadlang na binubuo ng kasalanan, kabayaran ng kasalanan,
kapanganakan sa laman, hambing na katuwiran, ang karakter ng Dios at ang kalagayan
kay Adam. Ang mga bagay na ito ay hindi na dahilan upang hatulan ang tao- ang tangi na
lamang na isyu ay “Ano ang paniniwala mo kay Cristo?” Sa sandali ng pananampalataya
kay Cristo ang tao ay hindi na kaaway ng Dios (Roma 5:10) at kagyat na nakabilang sa
maharlikang pamilya ng Dios magpakaylanman. Lubusang nanghahawakan sa nagagawa
ng Buhay na Salita, si HesuCristo (Jn.1:1,2,14), ang mananampalataya ay pumasok sa
Plano ng Dios, na dito ang Nalimbag na Salita o ang kaisipan ni Cristo (1 Cor. 2:16) ang
naging pagkain ng kanyang ispiritu (Mat.4:4; Awit 138:2). Sa kanyang patuloy na
pagnanasa na matuto ng doktrina ng Biblia ang mananampalataya ay lalago sa ispiritu sa
kanyang kapanahunan na matatanggap at matatamasa ang mga pag-papala na inihanda ng
Dios bago pa Niya nilalang ang sanlibutan. Magkakaroon ng kabuluhan, layunin at
liwanag ang kanyang buhay na kahit na ang kamatayan ay magdudulot lamang sa kanya
ng kagalakan sa nakikitang ibayong pagpapala na nakalaan sa walang hanggan.
Sa usapin ng kasalanan, ang doktrina ng katubusan ay nagtuturo na sa krus bina-
yaran ni Kristo ang ating kalayaan mula sa pamilihan ng alipin ng kasalanan. Binayaran
Niya ang kaukulang multa na nakapataw sa bawat isa sa atin (Jn.3:18). Ngayon, bagamat
patuloy tayong nagkakasaala habang nabubuhay (1 Jn. 1:8,10), tayo ay malaya na mula sa
kapangyarihan ng kasalanan. Sa pamamagitan ng kaparaanan sa panunumbalik maipapa-
hayag natin sa Dios Ama ang ating mga kasalanan “na nahatulan na sa krus” at kapag-
daka ay nanunumbalik ang pakikisalamuha sa Dios (1 Jn. 1:9).
Nasasaad sa doktrina ng propitasyon, ang naganap na pagliligtas ni Cristo ay may
konkretong resulta tungo sa Dios. Sa sandali na ang ganap na katuwiran at kataru-ngan
ng Dios ay natugunan na kaugnay sa tao, ang Kanyang katarungan ay nagkaroon ng
kalayaan na ipahayag ang kanyang pagpapala sa tao. Wala nang pumipigil sa Kanya sa
kalagayan na ang tao ay hindi perpekto at lubusang hindi katanggap-tanggap. Ang Pangi-
noong HesuCristo ay katanggap-tanggap! Ang Kanyang ginawa para sa tao ay naghatid
sa mga mananampalataya – na nananatiling hindi katanggap-tanggap – sa Biyayang
Plano ng Dios. Sa katotohanan, ang buong Plano ng Ama ay binubuo ng lahat Niyang
magagawa nang may kalayaan ukol sa tao na naaayon sa Krus.
3
ANG TEKNIKONG TERMINO
Kahit na sa ganito kaigsing balangkas ng kaligtasan, ang pagkaidolo ni Cristo at ang
pinaka-mahalagang ginawa Niya sa Krus ay maliwanag na nakikita. Samakatuwid, maha-
lagang pansinin na sa maraming pagkakataon sa kabuoan ng Bagong Tipan ang punto ng
paksa ng Kasulatan ay isinasaad ng teknikong banghay “ang dugo ni Cristo.”
Na sa inyong kabatiran na hindi kayo tinubos sa pamamagitan ng mga
nabubulok na mga bagay, gaya ng pilak at ginto, mula sa inyong hung-
kag na pamumuhay na natutunan mula sa mga tradisyon na nagmumu-
la sa inyong mga magulang; kundi sa pamamagitan ng mahalagang
dugo ni Cristo, bilang tupa na walang kapintasan at walang dumi (1 Pet.
1:18,19).
Na itinalaga ng Dios na pampalubag loob sa pamamagitan ng pananam-
palataya sa kanyang dugo, upang ipahayag ang kanyang katuwiran
ukol sa katubusan ng mga kasalanan na naganap, sa pamamagitan ng
pagtitiis ng Dios (Rom. 3:25).
Subalit itinuon ng Dios ang kanyang pagmamahal sa atin na, habang
tayo ay makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin. Lalo nang
higit ngayon, na ginawang matuwid sa pamamagitan ng kanyang dugo,
maliligtas tayo sa kanyang ngitngit sa pamamagitan niya (Rom. 5:8,9).
Subalit ngayon kay HesuCristo kayo na noong una ay malayo ay pina-
lapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo (Eph. 2:13).
Sa kanya na umibig sa atin, at naghugas sa atin mula sa ating mga
kasalanan sa kanyang dugo (Rev.1:5b).
Ano ang lantay na kahulugan ng mga salitang ito na kadalasang nakaugnay sa
mga kritikal na doktrinang nailahad? Ang dugo ni Cristo ay binabanggit kaugnay sa pag-
ako, na dito ay tinanggap ni Cristo ang hatol na nakalaan para sa ating lahat (Rev.1:5).
Ganon din naman, ang doktrina ng katubusan ay itinuturo sa mga terminong dugo ni
Cristo (Eph. 1:7; Col. 1: 4; 1 Pet. 1:18,19) gaya din naman sa paggawad ng katuwiran na
dito ay ipinaliliwanag na kailanman ay hindi mapapawalang sala ang tao hanggang hindi
nalulutas ang suliranin tungkol sa kasalanan upang ang katuwiran ng Dios at buhay na
walang hanggan ay maipataw sa atin (Rom.5:9). Itinuturo din ng dugo ang doktrina ng
pagpapabanal na nangangailangan na malugod ang Dios bago tayo ilagay sa pakikisama
kay Cristo upang tayo ay maging katanggaptanggap na mabuhay magpakaylanman na
kasama ng Dios (Heb. 13:12). Papaanong ang dugo ni Cristo ay naging pinakamahala-
gang salapi sa larangan ng katubusan na ipinangtubos ng ating magiting na kaligtasan?
BALAKID SA PAGKATUTO NG SALITA NG DIOS
4
Nahinuha ko na napakasensitibong bagay ito para sa maraming mananampalataya. Para
sa iba ang talatang “dugo ni Cristo” ay kaugnay sa habambuhay na karanasang
emosyonal. Mula sa pagkabata ay narinig na nila ang salitang dugo na binabanggit nang
may kabagalan at marubdob na paggalang, masigla nilang inaawit ang mga himno
tungkol sa “kamangha-manghang pagkilos sa kapangyarihan ng dugo.” Ganon pa man,
ang temang dugo ni Cristo ay halos nakabaon nang lubusan sa kawalang kaalaman at ang
mga mananampalataya na nabigong maunawaan ang tunay na kahulugan nito ay hindi
lubusang mapasalamatan ang ginawa ni Cristo sa kanila at nasa mapanganib na kalagayan
pa na paniwalaan ang mali at mapamusong na kaisipan.
Ang ilang mananampalataya ay ignorante mula sa payak na kadahilanang kapos
sa saliksikang katuruan, ngunit ang ilan ay ignorante bahagi ng mapanirang sistema ng
pagkimkim ng kapalaluan sa kanilang kaluluwa. Ang unang uri ng indibiduwal ay may
sapat na adhikain na makinig at matuto; kailangan lang niya ay inpormasyon. Yung isang
uri, sa kabilang dako, ay apektado ng mas malalim at masalimuot na suliranin.Sa halip na
maging interesado sa kung ano ang sinasabi ng Biblia, ay pinalawak pa niya ang kanyang
pananaw na pansarili na umabot sa isang kalagayan na pinapahalagahan pa niya ang sarili
niyang opinion tungkol sa dugo na mas mahalaga pa sa pananaw ng Dios! Mas nanaisin
pa niyang salungatin ang Salita ng Dios kaysa hayaan niyang ibaba ang kanyang pride.
Sa ganitong mananampalataya ay isang payak lang na bagay na matutunan ang isang
bago at mahalagang bagay; ito ay isang hamon sa kanyang nagiibayong kapalaluan.
Kagaya ng isang matandang salawikain,”huwag mo akong lituhin ng mga katotohanan!”
Ang solusyon ay pagtanggap sa pastor-titser na siyang patuloy na nagtuturo ng
Salita ng Dios. Ang doktrina ng Biblia ay nagpapababa ng loob at nagtataguyod ng tunay
na paglago sa matibay na pundasyon. Bagama’t maraming tahasang sumasalungat sa
detalyadong pag-aaral ng dugo ni Cristo, itong bagay na tinatalakay ay karapat-dapat na
pag-ukulan ng malinaw na adhikain at tahasang pang-unawa.
KALIGTASAN BAGO DUMATING ANG KRUS
Isang pamantayan na itinuro sa Romans 3:25 ang naglinaw sa kaparaanan ng kaligtasan
bago pa dumating sa kasaysayan ang krus.
[HesuCristo] Na itinalaga ng Dios [ang Ama] na maging dako ng kaluguran
[i.e. luklukan ng kahabagan] sa pamamagitan ng Kanyang dugo bilang
kapahayagan ng Kanyang [ang Ama] katuwiran dahil sa pagsasangtabi ng
mga nagawang kasalanan noong una sa pamamagitan ng habag [pinagpalibang
hatol] ng Dios (Rom. 3:25; itinumpak na salin).
Sa lahat nang kabuoan sa kasaysayan ng tao, mula sa Pagbagsak ni Adan
hanggang sa katapusan na Milenyo, may isang landas lamang ng kaligtasan: pananam-
palataya sa Panginoong HesuCristo (Jn. 14:6). Subalit paano maliligtas ang mga tao na
nabuhay bago pa mamatay si Cristo sa krus na isang pangyayari na hindi pa nagaganap?
Ang Roma 3:25 ay nagpaliwanag na isina-isang tabi ng Dios ang paghatol sa kasalanan
5
hanggang dumating ang krus. Nilampasan Niya ang lahat na kasalanan na nagawa, nag-
hintay ng tamang kapanahunan upang hatulan ang lahat na kasalanan ng sanlibutan sa
Kanyang perpektong Anak. Ang kaligtasan ay naisagawa para sa lahat ng tao sa loob ng
tatlong oras ng kanyang pagkapako sa krus kung saan si Cristo ay hinatulan para sa mga
kasalanan. Sa kahalintulad na kaparaanan na nililingon natin ang krus sa pamamagitan ng
pananampalataya sa naganap na krus, ang mga mananampalataya naman noon ay
tumatanaw sa pamamagitan ng pananampalataya sa darating na tagapag-ligtas.
Sa buong kasaysayan ng lahi ng tao walang isa man na hindi nagkaroon ng
pagkakataon na maligtas.Ang Dios ay tuwirang nagkakaloob ng nararapat na
inpormasyon kailanman at saanman matatagpuan ang positibong bolisyon, na sa lahat na
mga siglo bago ang krus, si HesuCristo, ang darating na Tagapagligtas, ay ipinahayag sa
maraming kaparaanan. Ang ating pinag-aaralan, ang dugo ni Cristo, ay kapahayagan ng
Kanyang Persona at ginawa sa isang kalagayan at kaparaanan ng pagpapahayag mula sa
panahon ni Adan – sakripisyong hayop.
SAKRIPISYONG HAYOP
Bago pa dumating ang krus at ang kabuoan ng Kasulatan, ang Dios ay nagtalaga ng
nauukol na rituwal bilang kapahayagan ng pagsamba at kasangkapan sa pagtuturo ng
doktrina ng Biblia sa mga tao na noon ay pawang walang kaalaman sa pagbasa. Sa mga
gawaing ito, may takdang hayop para sa sakripisyo ay ginagamit sa pagtuturo ng doktrina
ng kaligtasan at panunumbalik. Mula sa unang kapahayagan ng Magandang Balita ng
Kaligtasan, kapagdaka matapos ang Pagbagsak ng tao (Gen.3:21), na nagpatuloy sa pa-
mamagitan ng paghahandog ng pamilya (Gen. 4:4; 8:20; 22:1-14), at sunod ang pagka-
buo ng pamamaraan ng mga paghahandog Levitico (Lev.1-5) at tanging paghahandog sa
mga banal na araw ng Israel (Lev.23), ang pagbubuhos ng dugo ng hayop ay ipinapaha-
yag ang darating na kaligtasan na isasagawa ng Tagapagligtas. Ang mga sakripisyong ito
ay isinasalarawan ang kaparaanan ng kaligtasan: nangangailangan ng isang tao na katang-
gap-tanggap sa Dios upang mamatay sa halip ng makasalanang tao.
Ang dugo ng inosenteng hayop ay isang tugmang paglalarawan ng isang buhay na
ibinigay alang-alang sa iba sapagkat ang dugo ng hayop ang kanyang buhay. Kapag ang
Kasulatan ay nagsasaad ng “ang buhay ng laman ay nasa dugo” (Lev.17:10-14), ito ay
tumutukoy lamang sa laman ng hayop. Ang salitang Hebreo nephesh minsan ay nanga-
ngahulugan ng “buhay” at minsan naman ay “kaluluwa” ngunit kung ito ay ginagamit sa
hayop ay nangangahulugan lamang sa buhay ng hayop – hindi sa buhay ng tao. Ang luk-
lukan ng pangkatawang buhay ng tao ay ang kanyang kaluluwa na nananahanan sa
kanyang katawan, subalit ang mga hayop ay walang kaluluwa. Samakatuwid, ang mga
talata na katulad ng Leviticus 17:10-14 ay nagtuturo sa atin na ang buhay ng hayop ay
nasa kanyang dugo.
Sinasalungat ng siyensiya ang pahayag na ito ng Kasulatan, na maling ipinapanu-
kala na ang talata ay tumutukoy sa laman ng tao. Ang kahungkagan ng maling pakahu-
lugan ay sumailalim ng mga pagsalungat, at tumpak lamang ito! Katotohanan lamang na
6
mamatay ang isang tao sanhi ng pagkaubos na dugo, ngunit ang tunay niyang kamatayan
ay sanhi ng paglabas ng kanyang kaluluwa sa kanyang katawan sa pamamagitan ng mara-
mihang paglabas ng dugo na hindi nakayanan ng katawan.
Alalahanin na ang kaluluwa ay nananahanan sa bungo. Samakatuwid, ang tibok
ng puso ay hindi mapagkakatiwalaan at pangangahulugan ng palatandaan ng presensiya
ng buhay. Sa salitang Mediko, sa halip na electrocardiogram (EKG), ang electroencepha-
logram (EEG), na sumusukat sa pintig ng elektrisidad na nagmumula sa utak, ay ang
tunay na batayan ng buhay o kamatayan. Maaaring huminto nang lubusan ang tibok ng
puso bagaman na ang kaluluwa ay nananatili pa sa katawan. Kapag ang puso ng pasyente
ay huminto na sa pagtibok, malimit isagawa ng mga manggagamot ang pangunguryente,
pagmamasahe sa dibdib o iba’t-ibang kaparaanan upang maibalik ang pulso – na sa
malimit na pagkakataon ay nagtatagumpay. Ngunit kapag ang EEG ay walang nasukat,
nilisan na ng kaluluwa ang katawan, at ang tao ay patay.
Samantalang ang kamatayang pisikal ng tao ay ang pagkahiwalay ng kanyang
kaluluwa (at ng kanyang ispiritu para sa isang mananampalataya) mula sa kanyang
katawan, ang buhay naman ng mga hayop ay natatapos sa sandaling ang kanilang
katawan ay huminto na sa paggalaw. Ang pagkawala ng dugo ng hayop, samakatuwid, na
bumulwak sanhi ng pagkaputol ng litid, ang palatandaan ng kamatayan nito. Ang dugo ng
mga toro, kambing, tupa at kalapati na ginagamit sa mga paghahandog ay literal, pulang
likido na nagpapakita sa buhay ng hayop ay pinapadaloy hanggang ito ay mamatay. Ang
dugo nito ay akmang bagay na gamit sa pagtuturo. Walang sinuman ang makakakita sa
darating na paghatol ng mga kasalanan, ngunit ang kamatayan ng hayop ay isang tanawin
na nakagigimbal! Itong buhay sa dugo ay sinasahod at ginagamit sa pagpapahayag sa
pamamagitan ng tahasang rituwal na nagsasalarawan ng kaligtasan at panunumbalik.
Kaakibat ng pagpapaliwanag ng pari, ang mga rituwal na ito ay nakagigimbal na pagha-
hambing na nagsasalarawan ng tunay na magaganap sa darating na Krus.
Na ang batas na nagtataglay ng anino ng mabubuting bagay na darating
na hindi naman mga tunay na larawan ng mga bagay, na sa isinasagawang
pag-aalay sa bawat taon, ay walang nagagawa sa naghahandog upang
maging ganap (Heb. 10:1).
Sapagkat ang dugo ng mga hayop ay isa lamang larawan ng katotohanan na
darating pa, ang mga pag-aalay ng hayop sa kabuoan nito ay hindi makapagkakaloob
ng kaligtasan, bagay na si Kristo lamang ang makapag-bibigay. Ang pag-aalay Levitico
ay bahagi na Batas ni Moises. Ngunit wala ni isa man ang nagtamo ng kaligtasan sa
pagsunod sa mga itinatadhana ng Batas, ito man ay Sampung Utos na alituntunin ukol sa
Kalayaan (Codex I), mga alituntunin ukol sa sosyedad ng Establishment Code (Codex
III) o ang rituwal ng Spiritual Code (Codex II). Sa halip na magkaloob ng kaligtasan, ang
mga rituwal na ito ay bumuo ng isang buong anino ng Kristolohiya na, sa pamamagitan
ng paulit-ulit na pagsasagawa, ay tinuruan ang mga Hudyo na mapasalamatan ang
kanilang (at ating) walang kapantay na tagapagligtas.
7
Ngunit bakit lahat ang dugo? Bakit nagtatag ang Dios ng ganitong sistema
ngrituwal na mahirap kalimutan? Ang kasagutan ay singpayak ng kaluguran. Ang Dios sa
Kanyang kamanghamanghang kaluwalhatian ay hindi magsasantabi ng alinmang bahagi
ng Kanyang karakter, kahit na sa pinakamaliit na punto. Kung ginagawa Niya ito, hindi
Siya Dios. Sa lahat na katangian ng Kanyang esensiya, ang isang katangian na nagbaban-
tay sa iba ay ang Kanyang katarungan. Ang lahat na bagay na ginagawa ng Dios ay ki
nakailangang maging matuwid sa bawat detalye, ibig sabihin, kailangan itong umayon sa
perpektong pamantayan ng Dios. Kapag pinagpala tayo ng Dios, ay sapagkat ang kala-
gayan natin ay sang-ayon sa Kanyang katarungan at hindi dahil sa ibang kadahilanan.
Kapag tayo ay lihis sa Kanyang katarungan, malaya lamang Siya na tayo ay disiplinahin
o sumpain – ang Kanyang katarungan ay umaagapay sa atin!
Kaya nga, ang pagiging makasalanan ng tao ay paglihis sa katarungan ng Dios, at
ang katarungan ay humihingi ng pagsasakatuparan ng katarungan. Ang marahas at pag-
danak ng dugo na kaagapay sa pag-aalay Levitico ay sinadya upang gimbalin ang mga
nagsasagawa upang matanto ang katotohanan ng di-natitinag na karakter ng Dios. Ang
paghihirap hanggang mamatay ng isang magandang hayop ay nag-aalis sa lahat na ideya
ng paglalambing at sentimentalidad ng Dios na nagbibigay ng nakasisilaw na liwanag ng
ganap na pamantayan ng Dios. Magkaganon man, ang paghihirap ng hayop ay nagdulot
lamang sa mga Hudyo ng maliit na larawan sa napipintong kahatulan na babatahin ni
HesuCristo, nang ang ating Kahalili, ay babayaran Niya ang halaga na itinatakda sa atin
ng katarungan ng Dios. Dahil sa ispirituwal na kamatayan ni Cristo, malaya na tayo
ngayon na agarang makaagapay sa katarungan ng Dios sa pamamagitan ng pananampa-
lataya kay Cristo. Sa sandali na tayo ay manampalataya, ang katarungan ng Dios ay
malayang makapagkakaloob sa atin ng pagpapala na kaligtasan magpakaylanman at
nanatiling patas sa Sarili niyang esensiya.
ANG PERSONA NI CRISTO SA PAGLILIGTAS
Bago natin tunghayan ang kaparaanan na itinatadhana ng nauukol na paghahandog sa
Israel na nagsasalarawan ng gawa ni Cristo, atin munang suriin ang kaparaanan kung
paanong ipinagkaloob ni HesuCristo ang ating kaligtasan. Ito ang magkakaloob sa atin ng
pagkaunawa sa ang dugo ni Cristo. Kung ang sakripisyong hayop ang anino na bahagi ng
paghahambing , ang mga naganap sa Krus ang katuparan ng mga kapahayagang ito.
Ang ganap na katuwiran na Dios ay walang pakialam sa hambing na katuwiran ng
tao at kahit na ang pinakamainam at kahangahangang gawa ay hindi makapagbibigay
kaluguran sa Dios (Isa. 64:6; Titus 3:5). Dahil hindi ikinokompromiso ng Dios ang
kanyang karakter, kapag tiningnan Niya ang makasalanang tao, wala Siyang magagawa
kundi tanggihan siya. Ang batayan ng ganitong pagtanggi ay sapagkat sa simula ng
Pagbagsak ng tao, bawat isa ay isinilang na nagtataglay ng kalikasang makasalanan at
pinatawan ng kasalanan ni Adan; samakatuwid, pumasok siya sa daigdig na patay sa
ispiritu, nangangahulugan ng kawalan ng relasyon sa Dios sa kapanahunan. Ang lahi ng
tao ay inihahambing sa isang isinilang sa pamilihan ng mga alipin! Paano tayo makala-
labas? Ang alipin ay wala sa kalagayan na mabili niya ang kanyang kalayaan, lalong
hindi niya mababayaran ang kalayaan ng kapwa alipin. Isang malayang tao lamang ang
8
may kakayahang tumubos ng alipin, at si HesuCristo lamang ang tanging Persona na isi-
nilang sa labas ng pamilihan ng alipin. Isinilang Siyang buhay sa ispiritu! Bilang kapa-
raanan sa pagkakaloob ng tanging Tao na may kakayahang tumubos sa tao, ang kapanga-
nakan sa pamamagitan ng isang birhen samakatuwid ay sukdulan ang kahalagahan.
Ang pangangailangan sa panganganak ng birhen ay kasingtanda ng Pagkabagsak..
Nang mawala kay Adan at sa babae ang kanilang kaugnayan sa Dios, agad nilang sinu-
bukang mapagtakpan ang kanilang pagkakamali sa pamamagitan ng kanilang kasunduan
na gumawa ng kabutihan – pinasimulan nila ang Operasyon Dahon ng Igos (Gen.3:7).
Subalit, ang kanilang “solusyon” ay tahasang tinanggihan ng Dios, na ang alituntuning
pinahihintulot sa pagpapanumbalik sa relasyon ng nilikha at Manlilikha ay batay lamang
sa kaparaanan ng Dios. Sa Kanyang sariling pagkukusa, hinanap Niya sila, na parehong
tumugon sa Kanyang alok na kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo,
ang “Binhi ng babae” (Gen.3:15). Si HesuCristo, ang Ikalawang Persona ng Trinidad, na
sa pagkakataong ito ay nakikipag-usap sa kanila sa anyo ng Theophany, ay nagsalarawan
ng Kanyang gagawin sa hinaharap sa unang pagaalay ng hayop – pinalitan ang
kabutihang ayon sa tao – dahon ng igos - ng kabutihan ng Dios “balabal na balat”
(Gen3:21)
Nagbago man ang kanilang kalagayan sanhi ng kanilang kaligtasan mula sa
kamatayang ispirituwal sa isang ispirituwal na kapanganakan, nanatili naman ang isang
pang-yayari na ang lalaki at babae ngayon ay nagtataglay ng matandang kasalanang likas.
Pare-ho silang makasalanan, pareho silang nagpahayag ng negatibong bolisyon sa
Pagbagsak. Subalit mayroong pagkakaiba sa kaparaanan ng kanilang pagkakasala; ang
babae ay nalinlang, ngunit ang lalake ay nakakaunawa at tahasang sumuway.
At si Adan ay hindi nalinlang, ngunit ang babae bagama’t nalinlang ay nasa
pagsalansang (1 Tim. 2:14).
Ang dalawang magulang na ito ay parehong nagsalin ng gene sa kanilang anak,
karagdagan dito, dahil sa kanyang tahasang pagsuway ay ipinapasa ng tatay sa supling
ang matandang kasalanang likas. Na ang kasalanan ni Adan ay ipinapataw sa pama-
magitan ng ama at hindi sa pamamagitan ng ina ay malinaw na isinasaad ng Kasulatan
(Rom. 5:12) at pinagtibay ng propesiya na naganap naman sa kapanganakan ni
HesuCristo mula sa isang birhen (Gen. 3:15; Isa. 7:14; Luke 1:26-37). Upang isilang na
buhay sa ispiritu, walang matandang kasalanang likas at nasa labas ng pamilihan ng mga
alipin ng kasalanan, ang ating Tagapagligtas ay hindi nagkaroon ng magulang na lalake.
Bagaman na si Jose at Maria ay patay sa ispiritu nang isilang, hiwalay mula sa Dios,
nangangailangan ng kaligtasan, ang kanilang matandang kasalanang likas ay hindi
nasalin kay Cristo sapagkat walang kinalaman ang lalake nang Siya ay ipagbuntis.
Si HesuCristo ay isinilang na totoong tao, ngunit walang kasalanang likas; Siya
samakatuwid ay isinilang na hindi napatawan ng kasalanan ni Adan. Walang katulad ang
kanyang pagsilang! At karagdagan pa, nabuhay siya nang tatlumpu’t tatlong taon na sa
kanyang sarili ay hindi nakagawa ng anumang kasalanan. Ang buhay niya a naiiba!
9
Ngunit may posibilidad ba na sa anumang paraan ay magkasala Siya gayong Siya ang
Dios-Tao? Maaari Siyang magkasala kagaya ng unang Adan. Si Cristo ay may bolisyon,
at ang kalayaang magdesisyon ng kanyang Pagkatao ay sumailalim sa sunod-sunod na
pagsubok (Mat. 4:1-11). Sa isang kaparaanan lamang na manatili Siya sa positibong
bolisyon tungo sa Plano ng Ama ay mapapanatili niya na hindi makagawa ng pansariling
kasalanan, at nanatili naman Siya sa positibong tanda sa buong buhay niya hanggang
sapitin ang Krus (Luke 22:42). Si Adan ay nilalang na buhay sa ispiritu, at sa
pamamagitan ng kanyang bolisyon ay namatay sa ispiritu. Ngunit si HesuCristo lamang
ang tanging Persona na buhay sa ispiritu nang isilang at kinusa Niyang pinili na tumungo
sa Krus.
Sa Kanyang birheng kapanganakan at impekableng pamumuhay, may kakayahan
si HesuCristo na bayaran ang ating kaligtasan. Sa bisa nito, sinabi ng Ama, “Katanggap-
tanggap” nang tinunghayan Niya ang sarili Niyang Anak. Ang perpektong Persona ni
Cristo ay natugunan ang katuwiran ng Dios!
ANG GAWA NI CRISTO SA KALIGTASAN
Bagama’t ang Kanyang pagkatao ay katanggap-tanggap sa Ama bilang perpektong Dios-
Tao, kinakailangan pa ring bayaran ni HesuCristo ang halaga na magpapalaya sa lahi ng
tao upang makalakad na palabas mula sa pamilihan ng alipin. Ano ba ang kabayaran na
hinihingi ng katarungan ng Dios? Ang kabayaran ng kasalanan ay nailahad na bago pa
man Bumagsak ang tao.
Ngunit ang puno ng pagkaalam ng mabuti at masama [kapahayagan ng
plano ni Satanas na salungat sa Plano ng Dios] ay huwag mong kakainin;
sapagkat sa araw na kumain ka nito ay walang pagsalang mamamatay ka
(Gen. 2:17).
Ang salitang muth sa Hebreo, “mamatay” ay dalawang ulit na nabanggit. Sa literal
na salin ay “sa kamatayan ay mamamatay ka,” ang saknong na ito sa katotohanan ay
isang palaisipan na nagsasaad ng tindi ng kamatayan. Maaari natin itong isalin ng ganito,
“patay ka na mamamatay ka pa!” Sa pagsuway ni Adan o ng babae sa babala ng
Panginoon, ang kabayaran ay daglian, matinding kamatayan! Ispiritual na kamatayan ang
sinasabi ng Dios – dagliang pagkahiwalay sa Kanya, ganap na pagkawala ng pakikiugnay
sa kanilang Manlilikha. Batid natin ito ayon sa mga naganap kay Adan (larawan ng
sangkatauhan) sanhi ng kanyang pagkain mula sa ipinagbabawal na puno.
Ang unang tao ay tinanggihan ang Plano ng Dios at ipinagwalang bahala ang
babala ng Panginoon, ngunit nang kagatin niya ang bunga, daglian ba siyang natumba at
namatay? Hindi, sa katotohanan, nabuhay pa si Adan ng 930 taon matapos siyang unang
magkasala (Gen. 5:5)! Ang bunga ng kasalanan ay hindi pisikal na kamatayan (Rom.5:12
3:23; 6:23), ngunit si Adan ay dagliang nawalan ng kaugnayan sa Dios gaya ng nakita
natin sa Operasyon Dahon ng Igos. Dahil sa takot, sinubukan talaga niya na magtago sa
Kanya na nagkaloob ng ibayong pagpapahalaga at araw-araw na pakikisalamuha sa lahat
ng panahon na siya ay buhay! Ang bunga ng kasalanan ay ispirituwal na kamatayan, at
10
namatay sa ispiritu si Adan at ang kanyang asawa nang kumain sila ng ipinagbabawal na
prutas.
Ang kamatayang pisikal ay naging resulta ng kamatayang ispirituwal, subalit ang
kamatayang pisikal kailanman ay hindi katulad ng kamatayang ispirituwal. Kung ito’y
magkatulad, ang lahat sa lahi ng tao ay mamamatay sa pagsilang dahil lahat tayo ay
isinilang na patay sa ispiritu. Napakalinaw sa Kasulatan na ang bawat tao (maliban
lamang kay HesuCristo) ay isinilang na may matandang kasalanang likas na samakatuwid
ay malayo sa Dios sa kanyang pagsilang (Rom.5:12; Epeso 2:1).
Upang mabili ang ating kaligtasan, samakatuwid, kailangang bayaran ni Cristo
ang halaga ng kamatayang ispirituwal. Ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng kamata-
yang ispirituwal ni Cristo at pisikal Niyang kamatayan ay hindi gaanong mailalahad ng
may katindihan. Ang katotohanan na dalawang beses na namatay si Cristo sa Krus ay
nakasaad sa malimit na pagbanggit sa maraming talata sa Griego at Hebreo.
Halimbawa, sa Colosa 1:22 ang salitang “kamatayan” ay nasa punto ng isahan-
isang kamatayan. Sa Griego ang pangngalang thanatos ay patungkol sa Kanyang
ispirituwal na kamatayan. Kapag ang Kanyang pisikal na kamatayan ang tinutukoy, ang
salitang Griego na ginagamit ay nekros. Kapag ang pagkabuhay na mag-uli ni Cristo ang
binabanggit, kalimitang tinutukoy ito sa salitang nekros hindi sa salitang thanatos. Isang
pagkakataon lamang ginamit ang nekros patungkol sa kanyang ispirituwal na kamatayan
ay nang gamitin ito sa pormang pangmaramihan, bilang bagay na tinutukoy ng salitang
ek, kagaya sa Colosa 2:12, “. . .na ibinangon siya ng Dios mula sa mga kamatayan.” Isa
pang halimbawa ay ang pangmaramihang anyo ng meweth, “mga kamatayan” mula sa
Lumang Tipan.
At ginawa niya ang kanyang libingan [kahulugan, itinalaga ng Ama ang
libingan ni Cristo] na kasama ng masasama [ang dalawang magnanakaw],
at kasama ng mayaman sa kanyang kamatayan [mga kamatayan] (Isa.53:9).
Ang pangmaramihang gamit ng “mga kamatayan” ay malawakang hindi nauunawaan, na
samakatuwid, ang kahulugan ng dugo ni Cristo ay malabo sa pang-unawa.
Ang ating Panginoon ay anim na oras na nakabayubay sa Krus, nagsimula nang
ika-siyam ng umaga hanggang ika-tatlo ng hapon. Pisikal siyang buhay sa mga panahong
ito, ngunit ang tatlong oras mula ika-labindalawa ng tanghali hanggang ika-tatlo ng
hapon ay ang kapanahunan ng Kanyang kamatayang ispirituwal. Wala Siyang nagawang
kasalanan sa Kanyang sarili. Dumating Siya sa Krus nang walang kamatayang
ispirituwal. Ngunit bilang impekableng Dios-Tao na nakabayubay sa Krus, ang kasalanan
ng buong sanlibutan ay ibinuhos lahat sa Kanya, at ang Ama ang humatol ng ating mga
kasalanan sa Kanya. Ito ang Kanyang ispirituwal na kamatayan. Habang hinahatulan sa
panig natin, ang katauhan Niya ay humiwalay sa Dios Ama at Dios Ispiritong Banal. Ito
ang Kanyang panghaliling kamatayang ispirituwal na mabisa sa ating kaligtasan.
11
Batid natin na buhay Siya sa pisikal habang hinahatulan sapagkat patuloy Siyang
sumisigaw, “Dios ko [ang Ama], Dios ko [ang Banal na Ispiritu], bakit mo ako
pinabayaan?” (Mat.27:46). Hinahalaw Niya ang Awit 22:1 kung saan ang pandiwa ay
nasa puntong di-kumpleto na nagpapahiwatig na sumisigaw Siya nang paulit-ulit.
Pinabayaan si Cristo sapagkat “...siya [ang Ama] ay tinuring siyang [Cristo] makasalanan
ukol sa atin, siya na walang kaalaman sa kasalanan; upang tayo ay maging matuwid sa
Dios na nasa kanya” (2 Cor. 5:21).
Nang ganap na ang Kanyang kamatayang ispirituwal, sumigaw sa HesuCristo,
“Tetelestai! – sa ganap na tono na nangangahulugang, “tapos na ito sa nakalipas na ang
bisa ay nagpapatuloy magpakaylanman!” (Jn.19:30). Pansinin na ang ating Panginoon ay
patuloy na nagsasalita pagkatapos magampanan ang kaligtasan. Kitang-kita na hindi
Siya makapagsasalita kung Siya ay patay sa pisikal! At walang pasubali na kung Siya ay
buhay pa sa pisikal habang nasa Krus matapos magampanan ang kaligtasan, ang Kanyang
pisikal na kamatayan ay walang kinalaman sa pagbabayad ng kasalanan!
Sa kabuoan ng mahabang kasaysayan ng SPQR, si HesuCristo lamang ang Nag-iisang
namatay sa krus ng mga Romano nang dalawang beses, at ang tanging naiibang
kamatayan sa ispiritu na kabayaran para sa kasalanan ng sanlibutan.
ANG KAMATAYANG PISIKAL NI CRISTO
Ang mga rituwal sa Lumang Tipan na malinaw na nagsasalarawan ng gawaing pagliligtas
ni Cristo ay tumutukoy sa Kanyang kamatayang ispiritual – ang pinagmumulan ng ating
kaligtasan. Samakatuwid, ang pisikal na kamatayan ng mga sakripisyong hayop ay
naglalarawan ng ispirituwal na kamatayan ni HesuCristo. Ang paghahambing sa pagitan
ng isang bagay na pisikal at isang bagay na ispirituwal ay hindi nakalilito kung
nauunawaan natin ang kalikasan ng pisikal na kamatayan ng Panginoon na bagaman
mahalaga ay hindi ito ang dahilan ng ating kaligtasan. Dapat nating maunawaan na ang
kamatayang pisikal ng mga hayop ay hindi larawan ng pisikal na kamatayan ni Cristo, na
kung magkaganoon, ang hayop ay kailangang ipako sa krus bagay na hindi nangyari, sa
kabilang dako, ay kailangan namang ialay si Cristo sa dambana, na hindi naman nangyari
sa Kanya.
Napansin natin na nanatiling buhay sa pisikal si HesuCristo hanggang naisagawa
Niya ang pagliligtas, ngunit sa sandali na natapos Niya ang kanyang misyon sa Unang
Pagparito, namatay Siya sa isang kamangha-mangha at kagalang-galang na kaparaanan.
Sa kabila ng lahat Niyang dinanas na paghihirap ay walang pagsuko sa huli o takot man
na naranasan ang ating Panginoon. Angkop ang Kanyang pisikal na kamatayan sa
Kanyang kalagayan bilang maharlika at angkop din sa pagtatamo ng tagumpay na
Kanyang naisagawa. Una, sa isang malakas na pagsasalita ay naipahayag Niya sa
Kanyang pamamaalam ang pamanang ispirituwal sa mga mananampalataya na lilisanin
Niya sa daigdig. Ikalawa, at sa dulo ng Kanyang “huling nais at habilin,” namatay Siya sa
pisikal sa kanyang kapasiyahan – walang sinoman na pumatay sa Kanya! Natapos na ang
Kanyang gawain sa daigdig, sa plano ng Ama ay inatasan Siyang umalis kaya isinugo
Niya ang Sarili Niyang ispiritu. Kakaiba ang Kanyang kapanganakan, kakaiba ang
12
Kanyang pamumuhay, kakaiba ang kamatayan Niyang ispirituwal, at ngayon, kahit ang
Kanyang pisikal na kamatayan ay kakaiba sa kaparaanang Siya lamang ang tanging
Persona na may karapatan na lisanin ang Kanyang buhay sa sandali ng pagtatapos ng
nakaatang na gawaain. Sa pamamagitan ng Kanyang sariling kapasiyahan, nilisan ng
Kanyang kaluluwa at pantaong ispiritu ang Kanyang katawan, at ito lamang ang sandali
na namatay Siya sa pisikal.
Naitala sa Mateo ang pangyayari na nagpahayag si Cristo ng huling habilin bago
Niya isinugo ang Kanyang kaluluwa.
Si Hesus, nang sumigaw Siya muli sa malakas na tinig, ay sinugo Niya
ang Kanyang hininga (Mateo 27:50; itinumpak na salin).
Samantalang sa Mateo ay walang nabanggit tungkol sa nilalaman, binigyan Niya
ng diin ang kalakasan at kontrol sa sarili na kinakailangan upang maisigaw ni Cristo ang
huli Niyang salita. Kaiba ang hambing ni Markos sa bahging ito ng pangyayari.
At sumigaw si Hesus sa pamamagitan ng malakas na tinig, at inilabas Niya
ang Kanyang hininga (Markos 15:37; itinumpak na salin).
Sa paggamit ng pandiwang ekpeneo, “ihinga,” itinuon ni Markos ang ang diin sa
kamangha-manghang kontrol ng Panginoon sa paghinga – inihinga ni Cristo ang huling
pahimakas at hindi na muling huminga! Sa sanaysay naman ni Lukas, makikita natin sa
huli na binanggit niya ang bahagi ng huling pananalita na sinambit ng ating Panginoon .
At nang sumigaw si Hesus sa malakas na tinig ay sinabi Niya, “Ama
[nagsasaad na nanumbalik na ang kaugnayan ni Cristo sa Ama matapos
maisagawa ang kaligtasan], sa Iyong mga kamay ipinagtatagubilin Ko
ang Aking ispiritu,” at nang nasabi na niya ito, inilabas Niya ang Kanyang
hininga (Lukas 23:46; itinumpak na salin).
Kahit si Lukas ay hindi nagtala ng kumpletong pahayag. Sa halip, itinuro niya ang
bahagi ng Kasulatan kung saan matutunghayan ang hinalaw ni Hesus. Matatagpuan ang
kabuoang teksto sa Awit 31:5.
Sa Iyong kamay inihahabilin ko ang Aking ispiritu; iniligtas Mo Ako o
Jehovah, Dios ng doktrina (Awit 31:5; itinumpak na salin).
Sa Kanyang huling paghinga, inilagay ng Panginoong HesuCristo ang doktrina ng
Biblia bilang pamanang ispirituwal sa maharlikang pamilya ng Dios. Kagaya sa pamana
ng Kanyang ispirituwal na kamatayan ay kaligtasan, gayon din naman ang pamana ng
Kanyang pisikal na kamatayan ay Doktrina ng Biblia. Gaya ng kaligtasan na basehan ng
ating relasyon sa Dios, gayon din naman na ang doktrina ang basehan ng paglago sa
ispirito. Sa Awit 31:5, ang Dios Ama ang Dios ng doktrina; sa katunayan, itinaas Niya
ang Kanyang Salita na mas mataas pa sa Kanyang Persona at pangalan (Awit 138:2)!
Ang kalakasan, panloob na kakayahan at banal na kasangkapan na kinakailangan ni
Cristo upang makaabot sa Krus ay ipinagkaloob ng doktrina na nananahanan sa Kanyang
13
kaluluwa. Kaya nga ang ating Panginoon ay nagtakda ng panuntunan para sa ating
pagsunod na maiakma ang ating sarili sa katarungan ng Dios sa pamamagitan ng pagka-
tuto ng doktrina ng Biblia.
ANG KAHALAGAHAN NG PISIKAL NA KAMATAYAN NI CRISTO
Ang pisikal na kamatayan ay bunga ng ispirituwal na kamatayan; hindi kabayaran
ng kasalanan kundi resulta ng kasalanan. Ang batayang ito ay natatag sa unang tao. Si
Adan ay hindi namatay sa pisikal hanggang dumating siya na malapit sa 1,000 taon
matapos niyang kainin ang ipinagbawal na prutas, ngunit namatay siya sa ispiritu kapag-
daka sa unang kagat. Sa kabalintunaan, nagdanas si Cristo ng kamatayang ispirituwal
hindi sanhi ng pagbagsak kundi bilang perpektong Tao, at nanatili Siyang perpekto
hanggang nabayaran nang lubusan ang ating mga kasalanan at nanumbaalik ang
pakikiugnay niya sa Ama. Ang kamatayang pisikal ng ating Panginoon, samakatuwid, ay
hindi resulta ng Kanyang kamatayang ispirituwal kundi kapahayagan lamang na ang
Kanyang trabaho sa Unang Pagdating ay natapos na.
Kasunod nito, ang Kanyang pisikal na kamatayan ay napakahalagang panganga-
ilangan para sa Kanyang pagkabuhay na mag-uli, samakatuwid, ay hindi maisasantabing
bahagi ng Magandang Balita kapag ang pagkabuhay na mag-uli ang binibigyan ng diin
(1 Cor. 15:1-4). Sa pamamagitan ng kamatayan, ang daan ay naihanda na para sa Kanya
na maging Panganay ng mga bumangon mula sa kamatayan (1 Cor. 15:20-23). Sa mara-
ming bagay pa, ang pagkabuhay na mag-uli, pag-akyat at pakikisalamuha ang naging
basehan ng mga lumagong mananampalataya sa kanilang “pagpapanibago ng buhay” na
malaya mula sa pang-aalipin ng matandaang kasalanang likas (Rom.6:4-13). Kaya ang
Kanyang pisikal na kamatayan ay ang kaganapan ng kaligtasan, na kaugnay sa
pagkabuhay na mag-uli at pagluwalhati, hindi upang maging kaparaanan ng katubusan
ng kasalanan.
Sa huli, ang kamatayang pisikal ni Cristo, na naging dahilan ng Kanyang pag-
kabuhay na mag-uli at sa mangyayaring Ikalawang Pagparito, ay nag-bigay daan sa
katuparan ng Kasunduan kay David. Ang nabuhay na mag-uling HesuCristo sa
hupostatikong pakikiisa ay maghahari magpakaylanman bilang Anak ni David.
Matapos maihayag ni Cristo ang Kanyang pamana na doktrina, ang Kanyang
Kaluluwa ay tumungo sa Hades (Awit 16:10; Luke 23:43; Acts 2:7; Eph. 4:9); ang
Kanyang ispiritu ay pumaroon sa presensiya ng Ama (Luke 23:53; Awit 31:5); at ang
Kanyang katawan ay dinala sa libingan (Luke 23:53). Ito ang Kanyang pisikal na
Kamatayan.
MGA PANGYAYARI SA PAGKAPAKO SA KRUS
Ang Panginoong HesuCristo ay hindi namatay sanhi ng pagdanak ng dugo. Siya ay nasa
hustong pagpapasiya sa Sarili habang nakapako sa krus, at namatay Siya sa pisikal sa
katuparan ng Kanyang sariling mga salita.
14
Ibinibigay ko ang aking buhay, upang kunin ko itong muli. Walang sinoman
ang makakakuha nito sa akin, ngunit ibinibigay ko ito. May kapangyarihan
ako na ibigay ito, at may kapangyarihan ako na kunin ito muli (Jn.10:17b, 18a).
Ang pulang likido na dumadaloy sa mga litid at arteryo sa katawang mortal ni
Hesus ay walang kinalaman sa ating kaligtasan, at walang basehan sa Biblia na nagsa-
saalang-alang sa anumang kamangha-manghang sangkap sa likido ng katawan ni Cristo.
Ang terminong “dugo ni Cristo” ay higit na makabuluhan sa alinmang mahika o
mistikong kapangyarihan na maling iniuugnay sa Kanyang pisikal na dugo ng mga tao na
walang nalalaman sa doktrina. Ang tala ni Juan ay nagpapakita na ang Kanyang literal na
dugo ay walang kaugnayan alinman sa Kanyang ispirituwal o ng Kanyang pisikal na
kamatayan.
Nang matanggap nga ni Hesus ang suka, ay sinabi niya, Natapos na: at
itinungo niya ang kanyang ulo at pinawalan ang ispirito (Jn.19:30).
Nang mabayaran na ni Cristo ang multa para sa mga kasalanan, ipinahayag Niya
na ang kaligtasan ay natapos na. At iniusog Niya sa harap ang sarili at ininungo Niya ang
Kanyang ulo: ayon sa Awtorisadong Bersyon, “itinungo Niya ang kanyang ulo.” Walang
anumang aksidente sa lahat na ginawa ni Cristo. Ang bawat bagay na Kanyang ginawa at
sinabi habang nakabayubay sa Krus ay may layunin at dahilanan. Isang mahalagang
bagay na nang Siya ay mamatay sa pisikal, ang Kanyang katawan ay hustong nakaliyad
sa harap, upang sa pagtusok ng sibat sa Kanyang tagiliran, ito ay nagtagos sa solar plexus
at diaphragm, tinusok ang puso. Sa ganitong pagliyad bumulwak ang dugo na nagpatunay
ng Kanyang kamatayang pisikal na tanaw kahit sa malayo.
Ang mga Hudyo nga, sapagkat ito ang panahon ng paghahanda, na nag-
nanais na huwag manatili ang mga katawan sa krus sa araw ng sabbath,
(sapagkat ang sabbath ay iginagalang na araw,) pinakiusapan si Pilato
na baliin ang kanilang mga binti upang sila ay maalis na doon (Jn19:31).
Ang mga relihiyosong Hudyo ay parating mayroong ipinakikita! Tipikal sa
kasamaan ng relihiyon, masyado silang partikular sa mga kapaimbabawan ng buhay,
habang isinasantabi, iniiwasan at tahasang tinatanggihan ang mga bagay na may
kahalagahang walang katapusan: matagumpay nilang nahiling at napagtibay ang
pagpatay sa nag-iisang perpektong tao na nabuhay, ang kanilang Mesiyas. Ang mga
Hudyong ito ay maaarte at mapagmatuwid sa sarili sa kanilang mahigpit na pagsasagawa
ng rituwal, subalit sa kaibuturan sila’y mapagpaimbabaw, mapanibughuin, punong-puno
ng himutok at muhi, at parating handa na labanan ang sinuman na nagtatangkang
hamunin ang lumolobo nilang pagpapahalaga sa sarili (Mat. 23). Giniba nila ang kanilang
kaluluwa sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan sa isip na ipokrito. Ang
kinalabasan, naging mas mabuti pa sila nang kaunti kumpara sa mga hayop.
Ngayon, ano ang ibig sabihin ng “ang paghahanda”? Ang salitang Griego na
paraskeue ay tumutukoy sa araw na ang mga Hudyo ay naghahanda para sa lingguhang
Sabadong sabbath o kaya ay sa isang tanging kapistahan ng sabbath. Dito, ang mga
15
Hudyo ay naghahanda sa pagsasagawa ng Piesta ng Tinapay na walang Lebadura. Ang
pitong araw na rituwal na ito ay nagtuturo sa bawat henerasyon ng mga Hudyo na alala-
hanin ang paglaya mula sa Ehipto, na sa biyaya ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng impekableng Ikalawang Persona ng Trinidad (Exodo 13:3-10).
Espesyal na panahon ito ng bawat taon sapagkat sunod-sunod na sabbath ang
ipinagdiriwang. Ang una sa pitong araw ng Tinapay na walang Lebadura ay siya ring
araw ng Paglampas (Exodo 12:6, 14-20). Upang makita nang maliwanag ang
pagkakasunod-sunod ng mga banal na araw at mga araw ng paghahanda, dapat nating
tandaan na ang mga araw ay sinusukat ng mga Hudyo mula sa paglubog ng araw
hanggang sa paglubog ng sumunod na araw sa halip na mula sa hating-gabi hanggang
hating-gabi na gaya ng ginagamit natin ngayon – na ganoon din naman sa mga Hentil
sa kapanahunan ng ating Panginoon. Nalalaman din natin na si Cristo ay namatay sa
araw ng Miyerkules, hindi sa tradisyunal na Biyernes Santo.* Kaya nga, mula ika-anim
ng gabi ng Martes hanggang halos ika-anim ng gabi ng Miyerkules ay ipinagdiriwang
ang araw ng Kapistahan ng Paglampas. Ang kordero ng Paglampas ay pinatay (isinasa-
larawan ang “Cristo ang ating paglampas . . . na inihain para sa atin” [1 Cor. 5:17]), at
ang ala-alang hapunan ay kinain sa tinatawag nating gabi ng Martes. Ito ang “paghahan-
da” para sa araw ng Miyerkules, na siya namang tunay na araw ng Paglampas. Bilang
unang araw ng Kapistahan ng Tinapay na walang Lebadura, ito’y Miyerkules, nakasaad
sa John 19:31, na siya ring nakatakdang araw ng paghahanda sa mga nalalabing mga
araw ng san-linggong pagsasagawa (Exod. 12:11; Lev. 23:6,7).
Tandaan na ang mga Hudyo ay napakametikuloso sa pagsunod ng bawat naka-
takdang seremonya at rituwal na tumutukoy kay Cristo na nagaganap ang Paglampas
kasalukuyan sa kanilang harapan! Subalit naniwala ba sila? Hindi sila naniwala! Sa halip
na tanggapin ang kanilang Mesias mas isina-alang-alang pa nila na tuparin ang hungkag
nilang rituwal. Binulag ng relihiyon, nabigo ang mga Hudyo na maunawaan ang tunay na
kahalagahan ng mga banal na araw, at ang rituwal na walang katotohanan ay parating
walang kabuluhan. Sa katotohanan, ang mga ralihiyosong pinuno na ito ay nagsagawa ng
pinaka-karumal-dumal na krimen sa kasaysayan, na walang pagkurap sa kanilang mga
mata ipinagpatuloy nila ang kanilang paghahanda para sa kanilang gawaing pangrelehi-
yon. Sa ngayon ito’y kapara ng pagsasagawa ng ilang karumal-dumal na kalupitan na
matapos maisagawa ay nagtutungo sa simbahan upang sumamba.
Ngunit ito rin ang dahilan na ang mga Hudyo ay “pinakiusapan si Pilato na baliin
ang kanilang mga binti.” Kalakaran sa mga Romano na hayaan ang katawan na nakapako
sa krus hanggang maagnas. Nais nila na makapag-iwan ng matagalang impresyon!
Subalit nasa-saad sa batass ng mga Hudyo na kailangang mawala sa paningin ang
katawan ng mga kriminal sa araw ng sabbath o sa araw ng kapistahan upang hindi
madumihan ang lupa (Deut. 21:22,23). Itong mga haripuy na Hudyo ay hindi nagnanais
na ang kanilang Biktima, na kanilang kinaladkad sa mga hukuman, ay manatiling
nakabayubay sa krus sa kanilang pinapahalagahang mga araw ng sabbath!
16
Ang pagbali sa mga binti ay kaparaanan ng mga Romano, hango sa salitang Latin
na crurifragium, “pagbali ng binti” na isinasagawa sa pagbasag sa buto ng binti sa pama-
magitan ng mabigat na maso upang mapadali ang kamatayan ng isang nakapako sa krus.
At dumating ang mga sundalo, at binali ang mga binti ng una, at ng isa pa
na kasama niyang napako (John 19:32).
Pinuntahan ng mga sundalong Romano ang dalawang magnanakaw, isa sa bawat
tabi ni Hesus, at upang maibaba sila pagsapit ng gabi, ay hinampas ng mga legionario ang
kanilang mga binti hanggang madurog. Dahil sa matinding takot at sa biglaang pagka-
wala ng lakas na makatayo sa sarili upang makayanan ang bigat ng kanilang katawan,
ang mga magnanakaw ay nahirapang makahinga na nagdulot ng pagkakaipon ng karbo-
monixido sa kanilang mga baga na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.
Inaasam ng mga Hudyo na naghihintay na gawin ang bagay na ito sa nakapako sa gitnang
krus.
Ngunit nang lumapit sila kay Hesus at nakitang patay na siya, hindi nila
binali ang kanyang mga binti (John 19:33).
Ito ay payak na katibayan sa isang katotohanan na si Cristo ay patay na sa pisikal.
Ang mga sundalong nagsagawa ng pagbitay sa araw na iyon, ay walang duda na sanay sa
pagkilatis sa pisikal na kamatayan ay nakitang siya nga “ay patay na.” Ngunit kagaya ng
kamatayang pisikal ng panginoon na naganap mga kalahating oras na ang nakakalipas,
ang pangyayari na kanyang ipinagtagubilin sa atin ang pamanang doktring ng Bibliya, na
ang pangyayaring ito na isang di mapapasubaliang patotoo sa Kanyang pisikal na
kamatayan ay ipinagdidiinan ang pinakamataas na pagpapahalaga sa Salita ng Dios.
Ang pangyayari na hindi binali ng mga sundalo ang Kanyang mga binti ay isang
katuparan ng isang nauukol na pangako na nilalaman sa Kasulatan ng Matandang Tipan
(Exodo 12:46; Bilang 9:12; Awit 34:20; ihambing, John 19:36,37). Tinutupad ng Dios
ang Kanyang Salita sa iyo at sa akin ngayon kagaya din naman ng Kanyang ginawa sa
lahat ng henerasyon bago pa dumating ang krus. Paglampas pagkatapos ng Paglampas, sa
humigit kumulang na labinlimang siglo, maingat na inihahanda ng mga Hudyo ang
kordero ng Paglampas sa maingat na kaparaanan na hindi mabali ni isa sa mga buto. Sa
bawat pagkakataon na isagawa nila ang rituwal na ito ay nagsasaad sila ng, “Anuman ang
sabihin ng Dios ay totoo. Tinutupad ng Dios ang Kanyang Salita. Hindi Siya nabibigo!”
Dito sa kaganapan ng pagpapako sa krus, Ang karakter ng Dios ang nakataya.
Kaya mapaguunawa ninyo na sa kabila ng nakatagong kabuktutan ng mga relihiyosong
Hudyo, sa kabila ng utos ni Ponto Pilato, sa kabila ng buong hukbo ng mga Romano,
wala ni isa mang buto ang mababali sapagkat iniingatan ng Dios ang Kanyang Salita –
anumang bagay ang nakaugnay! Tahasang pinapahalagahan at iginagalang ng Dios ang
Kanyang Salita, at samakatuwid ang doktrina ng Bibliya na nananahanan sa iyong
kaluluwa ang pinagmumulan ng iyong pagtitiwala at seguridad.
NAMUONG DUGO AT SERUM
17
Ngunit isa sa mga kawal na may hawak na sibat ay tinuhog ang kanyang
tagiliran, at pagdaka ay bumulwak ang dugo at tubig (John 19:34).
Ibinaba ng mga kawal ang kanilang mga maso nang ang isa sa kanila ay kumuha
ng sibat at itinuhog ito sa tagiliran ni Hesus. Sa kanyang ginawa naganap ang nakasulat
sa Zechariah 12:10, “. . .kanila akong tinitigan (ang Panginoon) na kanilang tinuhog. . .”
(ihambing, John 19:37).
Inasahan na ni Cristo na sa pagpilipit at pagsalaula sa kahulugan ng dugo,
aatakihin ni Satanas ang Krus sa kanyang pagsisikap na mapalabo ang kahalagahan ng
kamatayang ispirituwal. Kaya nga, habang nakapako sa Krus, pinagtibay ng Panginoon
ang katunayan na hindi Siya namatay sanhi ng pagdanak ng dugo na hindi katulad ng
sakripisyong hayop, ang Kanyang literal na dugo ay walang anumang kahalagahang
ispirituwal. Sa halip na bumitin pababa o kaya ay kumiling sa isang tabi nang isugo Niya
ang Kanyang kaluluwa at ispiritu, sinadya ng ating Panginoon na iliyad sa harap ang
Kanyang katawan upang itatag ang isang malinaw na kapahayagan para sa lahat na
makakakita at upang maitala ni Juan.
Ang salitang Griyego na isinalin na “tagiliran” ay pleura ay tahasang tumutukoy
sa dibdib. Ang sibat ng kawal na tumagos pataas mula sa sikmura ni Cristo tungo sa loob
ng dibdib (na walang nabali ni-isang buto) ay tumagos sa kanyang puso. Kapagdaka,
“dugo at tubig” ay bumulwak palabas. Ito ay mangyayari lamang sa ilang kadahilanan.
Una sa lahat, ang salitang hudor, “tubig’ ay terminong medikal na makabuluhang
ginagamit sa malinaw, naninilaw na likido na humiwalay mula sa tumigas at namuong
dugo. Kaya, sa halip na “dugo at tubig,” ang mas tumpak na salin ay “namuong dugo at
serum.”
Sa sinumang nakakakita mula sa malayo (kagaya ni Juan), ang tanging katibayang
hindi mapapasubalian sa kamatayan ang sinuman ay makitang daluyan siya ng namuong
dugo at serum. Kapansin-pansin na malibang mamatay ang tao mula sa pagkapugot ng
ulo o maramihan at di naampat na pagdaloy ng dugo (o, at sa huli, ay nasa yugto na ng
pagkaagnas). Kung ang tao ay namatay sanhi ng pagtagas ng maraming dugo, ang
pamumuo at serum ay hindi magaganap: ang dugo ay simpleng lalabas mula sa katawan
katulad ng pulang likido na makikita ninyo sa sandaling masugatan ang inyong daliri.
Kapag ang dugo na nasa loob ng katawan ay nagpasimulang mamuo at humi-
walay ang serum, biglaan ang kamatayan ng tao – at hindi dahilan sa pagdanak ng dugo.
Sa kabila ng matagalang pahirap kay Cristo sa panahon ng Kanyang paglilitis at sa Krus,
ang Kanyang kamatayan ay dumating nang biglaan, sa hustong gabay sa sarili at sa linaw
ng kaisipan, isinugo Niya ang Kanyang ispirito. Totoong tumulo ang Kanyang dugo –
mula sa Kanyang mga latay sa likod, mula sa Kanyang mga kamay at paa, at mula sa
Kanyang ulo na pwersahang pinatungan ng koronang tinik. Ito lamang ay isang pagpapa-
kita na, bilang totoong tao, ang Kanyang mortal na katawan ay kumikilos gaya ng pagki-
los ng ibang tao. Ngunit ang lahat na mga latay at malalalim na sugat ay hindi dahilan ng
18
kamatayan ng ating Panginoon.
Ang magandang bagay tungkol sa pisikal na dugo ni Cristo ay ang pagkakaroon
nito ng saganang bitamina K, dahilan ng agarang pamumuo ng dugo! Alalahanin na sa
buong buhay ni Hesus ang Kanyang katawan ay nanatiling nasa kamangha-manghang
pisikal na kalagayan; ibayong higit kaninuman sa buong sangkatauhan, ang Dios-Tao ay
huwaran ng ganap na kalusugan at kalakasang pisikal.
Ang pagdanak ng dugo ay hindi sanhi ng Kanyang kamatayan; ni ang pamumuo
ng dugo at serum kung unti-unti Siyang namatay sanhi ng panloob na pagdurugo. Kung si
Hesus ay namatay sanhi ng sugat sa loob ng katawan, ang alinmang pamumuo ng dugo sa
loob ng kanyang sikmura ay matutunaw, o kaya ay manlalapot, sa panahon matapos
durugin ang mga binti ng dalawang magnanakaw. Ang naghiwalay na dugo ay hindi
pagdakang dadaloy mula sa sugat na dulot ng sibat. Kaya nga, ang pinaka-tanawin ng
pamumuo ng dugo at serum ay ebidensiyang mediko na ang kamatayang pisikal ni Hesus
ay hindi sanhi ng pagdanak ng Kanyang dugo. Ngunit ang patotoo ng Bibliya ay higit na
kamangha-mangha at hindi mapasusubalian.
Upang ang nahiwalay na dugo ay umagos ng daglian na maging kagulat-gulat na
pangyayari, isang malaking imbakan ang kinakailangan na mabutas. Kasunod nito,
kailangan ang maraming imbak ng dugo na nananatili sa mataas na bahagi ng katawan.
At sa huli, lahat ng dugong ito ay hindi dapat na lumipat sa ilalim na bahagi ng sikmura,
na ilang sandali lamang matapos ang kamatayan, ito ay magsisimula nang lumapot.
Ano ang dahilan ng pagkakaimbak ng maraming namuong dugo at serum na di
lumipat sa ilalim na bahagi ng sikmura? Sa pamamagitan lamang ng pagliyad sa harap ng
Kanyang katawan nagawa ni Cristo na masaraduhan ang Kanyang diaphragm at naiwasan
ang pag-agos ng dugo pababa. Sa pamamagitan lamang ng Kanyang pagliyad sa harap ay
nalagay ang kanang litid ng Kanyang puso na naging akmang puntirya sa paitaas na pag-
tusok ng sibat. Sa pamamagitan lamang ng Kanyang pagliyad sa harap na mangyayaring
bumulwak nang masagana ang naghiwalay na dugo at serum na agad na nakita ni Huan
sa isang makabagbag damdaming tanawin. Ang eksakto at sinasadyang kaparaanan na
inilagay ni Cristo ang Kanyang katawan sa tamang kalagayan ay nagbigay sa atin ng
napakalinaw at hindi mapapasubaliang patotoo sa kaparaanan ng Kanyang kamatayan sa
pisikal, naitala magpakaylanman sa Salita ng Dios.
ANG ALAY LEVITICO AT ANG DUGO NI CRISTO
Kapag binabanggit sa Bibliya ang dugo ni Cristo, ang layunin ay ihambing ang Krus sa
mga sakripisyong hayop. Sa Matandang Tipan, ang dugo ay literal at ang kahatulan ay
simboliko, ngunit sa Krus, ang dugo ay simboliko samantalang ang kahatulan ay literal.
Ang Alay Levitico ay gumamit ng mga hayop upang isalarawan ang niibang Persona ni
HesuCristo. Ang hayop sa dambana ay kumakatawan kay Cristo sa Krus. Ang lalamunan
ng hayop ay pinuputol upang dumanak ang literal na dugo at mamatay sa pisikal. Ang
pisikal na kamatayan ng hayop ay nagsasalarawan sa ispirituwal na kamatayan ni Cristo
na nagkaloob ng ating kaligtasan.
19
Apat sa limang Alay Levitico na itinakda ng Batas ni Moises ay nagtatalaga ng
pagbubuhos ng dugo ng hayop (Lev.1-6). Dalawa sa lima, ang alay para sa kasalanan
(Lev. 4:2-25) at alay para sa pagsalansang (Lev. 5:1-6:7), ay nagsasalarawan ng gawa ni
Cristo kaugnay sa panumbalik (1 John 1:7-10). Ang natitirang tatlong seremonya ay
nagtuturo ng nauukol na doktrina ng kaligtasan. Ang alay na sinusunog (Lev. 1), isang
halimbawa, ay nagpapahayag ng palubag loob na may diin sa ginawa ni Cristo. Ang
regalong alay (Lev. 2) ay nagtuturo din ng palubag loob, ngunit ang walang dugo sa alay
na ito ay isinasalarawan ang perpektong Persona ni HesuCristo. Ang payapang alay
(Lev. 3) ay nangangailangan muli ng pagbubuhos ng dugo, ngunit sa puntong ito ay
doktrina sa pakikipagkasundo ang isinasalarawan.
Handog Inilalarawan
Alay na sinusunog Kaligtasan
(Palubag Loob: Gawa ni Cristo)
Regalong Alay Kaligtasan
(Walang Dugo) (Palubag Loob: Persona ni Cristo)
Payapang Alay Kaligtasan
(Pakikipagkasundo)
Alay sa Kasalanan Panumbalik
(Ukol sa Di Batid na Kasalanan)
Alay sa Pagsalansang Panumbalik
(Ukol sa Batid na Kasalanan)
Alay Levitico
Nang ang mga Hudyo ay inatasan na, ayon sa salin, “magdala ng kaloob,” ang
pandiwang Hebreo ay qarab “palapitin, tunguhin.” Ang salitang ginamit na “alay” ay
qorban (nasalin na “corban” sa Markos 7:11), na nagmula sa magkatulad na salitang
ugat. Sa ibang pananalita, ang qorban ay nangangahulugan ng paglapit sa Dios. Kaya ang
alay ay naglalarawan ng katotohanan na ang katarungan ng Dios (na siya namang taga-
pangasiwa ng Kanyang biyaya) ay nagkaloob ng kaparaanan na kung saan ang
makasalanan, bumagsak na tao ay makakalapit sa Dios – sa pamamagitan lamang ng
panghaliling kamatayang ispirituwal ng Panginoong HesuCristo (Acts 4:12). Ang mga
Hudyo na nagdala ng alay ay ginagawa niya ito sa sariling kapasiyahan (Lev.1:3) bilang
kapahayagan ng kanyang walang meritong positibong bolisyon tungo sa Tagapagligtas.
Ang seremonya ay hindi nakapagbibigay ng tunay na kahalagahan sa mga hindi
nananampalataya sapagkat ang rituwal na walang katotohanan ay walang kabuluhan.
20
Ang mga Hudyong ganap na mananampalataya, sa pagkakataong ito, ay
tumitingin sa hinaharap na pagdating ng Mesias, at lubusan nilang nauunawaan na ang
mga sakripisyong ito ay anino lamang ng mabubuting bagay na darating. Nauunawaan
nila na ang dugo ng mga hayop ay hindi makapagliligtas ng sangkatauhan, at ang
hinaharap na gawa ni Cristo, ang Mesias, ang makapagkakaloob ng kaligtasan. Sa
Bagong Tipan ,samakatuwid, “ang dugo ni Cristo” ay isang simbolokong pananalita, at
ito ay pagpapakilala na ang ispirituwal na kamatayan in Cristo ang katuparan ng madam-
damin at nauunawaang mga rituwal na sa pamamagitan nito ang kaligtasan ay naituro sa
mga nagdaang siglo. Ang matagal nang hinihintay na Mesias ay dumating!
ANG SINUNOG NA ALAY
Suriin natin ang ilang detalye ng isang alay Levitico na nagsasalarawan ng
kaligtasan sa pamamagitan ng pagkabubo ng dugo. Ang alay na sinusunog ay maaring
makuha sa tatlong pinagmumulan: “sa mga baka” (Lev.1:2-9), “sa mga kawan”
(Lev.1:10-13), o kaya “sa mga ibon” (Lev. 1:14-17). Ang ibat-ibang hayop na
tinatanggap ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mananampalataya anuman ang
kanyang kalagayan sa pamumuhay na magdala ng alay para sa Panginoon. Kahit na ang
pinakadukha ay makapagdadala ng kalapati na “mula sa mga ibon.”
Ang bawat uri ng hayop ay nagtataglay ng ilang katangian sa doktrina ng palubag
loob. Ang batang toro mula “sa mga baka” (na tinatawag na “bullock” sa King James
English) ay inilarawan si HesuCristo bilang alipin. Ang tupa o kambing “sa mga kawan”
iniharap Siya bilang karapat-dapat na Tagapag-dala ng Kasalanan (“ang Kordero ng Dios
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,” John 1:29), samantalang ang ibon ay isi-
nalarawan Siya bilang nabuhay mula sa kamatayan na Dios-Tao.
Ang toro ay kinakailangang “isang lalake na walang kapintasan” (Lev. 1:3), ipi-
napakita ang pagiging perpekto ng katauhan ng Persona ni Cristo. Sapagkat imposible
para sa Dios na mamatay sa Krus, ang Panginoon ay kinakailangang maging miyembro
ng lahi ng tao, ngunit walang “karumihan” ng matandang kasalanang likas, ang pag-
papataw ng kasalanan ni Adan o ang nagawang kasalanan sa sarili. Ang pagsilang sa
Kanya ng isang birhen at nabuhay ng perpekto ay nagdala sa Kanya ng kakayahang
dumako sa Krus. Kagaya ng toro na walang kapintasan, si HesuCristo “kinuha niya para
sa kanyang sarili ang kalagayan ng isang alipin at ginawa sa larawan ng tao” (Phil.2:7b),
nagampanan ang katuwiran ng Ama. Kaya, sa Krus, inialay ng impekableng Panginoong
HesuCristo ang Kanyang sarili upang hatulan sa mga kasalanan ng sanlibutan para sa
katuparan ng katarungan ng Ama (Isa.53:9; ihbg., Matt. 26:39,42; Heb.9:14; 10:1-14).
Ang paglipat na ito ng mga kasalanan mula sa makasalanan tungo sa walang
kasalanan ay isinagawa sa pagsasalarawan ng rituwal nang ipatong ng nagaalay ang
kanyang kamay sa ulo ng toro (Lev. 1:4). Ang mga kasalanan ng tao ay kinilala sa
pamamagitan ng hayop, na ito naman ay pinatay sa kanyang halip, kagaya sa Kanya “na
walang kaalaman sa kasalanan” upang “maging kasalanan para sa atin . . .upang tayo ay
magkaroon ng katuwiran ng Dios sa pamamagitan niya” (2 Cor. 5:21).
21
Upang ito’y maging katanggap-tanggap sa kanya na maging
kaluguran para sa kanya (Lev. 1:4b).
“Tatanggapin ito” ay mula sa Hebreo na nangangahulugan ng “magkaroon ng
kasiyahan, malugod sa.” Sa niphal stem, ito’y nangangahulugan “tanggapin ng may
kahabagan,” kaya, “ang haing sinusunog ay may kahabagang tinatanggap ng Dios.”
Sa ibang salita, ang Unang Persona ng Trinidad, Dios Ama, ay tinanggap ang gawa ng
Kanyang Anak doon sa Krus. Palubag-Loob! Ang pandiwang kaphar ay nagangahulu-
gan ng “balutan, takpan, gawing katanggap-tanggap,” at natagpuan dito sa pormang piel
(pinalakas) pangmatagalan, ito’y nagpapahayag ng katindihan ng kamatayang ispirituwal
ni Cristo. Itinago ni Cristo ang ating mga kasalanan.
Ang matipuno, ganap na malusog na bisiro ay iginapos sa dambana. Matapos na
kilalanin ito sa kalagayan ng nagaalay, isang matalas na punyal ang gumigilit ng kanyang
lalamunan, na nagdulot sa malakas, nagpupumiglas na hayop na pigain ang kanyang dugo
palabas ng kanyang katawan. Ang sumisirit na dugo na tumilamsik sa nagaalay, sa pari,
sa dambana at sa lupa, ay isang kagulat-gulat na pamamaraan sa pagtuturo ng mga Hudyo
tungkol sas kamatayang ispirituwal ni Cristo, ang kabayaran para sa kasalanan.
Nang isaad sa Hebreo 9:22 ang “kung walang pagkabuhos ng dugo ay walang
katubusan,” dugo ng hayop ang binabanggit. Ang kabuoang nilalaman ng talata ay
inihahambing sa anino ng Cristolohiya sa pagaalay ng hayop na may katuparan kay
Cristo.
Habang nagpapatuloy ang seremonya ng bisiro, lalo pa nitong ipinakita ang
kaganapan ni Cristo at ang kahatulan ng mga kasalanan sa Kanya, nagaganap sa
pagsunog bilang larawan ng kahatulan ng Dios. Mula sa apoy ng paghatol, pumailanlang
ang usok bilang “mabangong samyo” sa Dios (Lev. 1:9b), na muli ay ipinakita ang
Kanyang kaluguran sa gawa ng Anak.
Ang mga alay mula sa kawan ay nagtuturo din ng doktrina ng Palubag-Loob. Ang
kambing ay kapahayagan na ang mga kasalanan ay dadalhin ng Mesias sa Krus, habang
ang tupa ay nagpapakita ng larawan ng Kanyang perpekto, walang kasalanan na katauhan
Sa parehong kalagayan, ang hayop ay parating kinakailangang walang kapintasan
(Lev.1:10). Kagaya din naman sa bisiro, ang mga hayop na ito ay nagpapahayag ng mga
kasalanan ng nagaalay at sa pagpatay ay isinasalarawan ang ispirituwal na kamatayan ni
Cristo bilang kaparaanan ng pag-ayon sa katarungan ng Dios.
Ang nakakatakot na galit ng Dios laban sa kasalanan mo at akin – kabilang ng sa
sanlibutan, kasama na ang mga kasalanan ng bawat Hudyo na dumulog dala ang kanilang
alay – ay nakatuon sa Panginoong HesuCristo sa tatlong oras Niyang pagkabayubay sa
Krus. Ang napakatinding sakit na Kanyang naranasan, higit na matindi sa alinmang
bagay na kaya nating isipin, ay isinadula sa malupit na kamatayan nitong mga makabu-
luhan, inosente at walang kapintasang hayop. Walang Hudyong mananampalataya ang
makakalimot sa kahindik-hindik na tanawin na paulit-ulit na isinasagawa. Ang pagdanak
ng dugo, na detalyadong ipinakikita sa seremonya at sa takot ng pagbitay, ay sinadya na
22
permanenteng mag-iwan ng doktrina ng Bibliya sa kaluluwa ng mga nag-aalay at mga
nanonood.
Samantalang ang buong Israel ay maaaring manuod at matuto mula sa mga sakripisyo na
ginagampanan ng iba, kinakailangan naman na mag-alay ang bawat Hudyo sa kanilang
pananampalataya. Ang kategorya na inilalaan para sa mga mahihirap ng bayan ay
kalapati. Ang probisyon na ito ay nagsasaad ng biyaya ng Dios na matatagpuan saan man
at kaylanman. Bagaman ang kalapati ang madadala ng mga mahihirap, ito naman ang
nagpapakita ng walang kapantay na kaganapan, ang nag-iisang Persona ng
sansinukob,angDios-TaoHesuCristo.
.
Ang kalapati ay nagpapahayag ng pagkadios ng Mesias, ngunit nang ito ay dinala
bilang handog, higit sa Kanyang pagkadios ang itinuturo. Ang hain na sinusunog mula sa
mga ibon ay naglalarawan ng hupostatikong pagsasama: si HesuCristo ay totoong Dios at
totoong tao magkasama sa isang Persona magpakaylanman.* Ang kalapati ay
magdadanak ng dugo, kagaya ng toro, ng tupa at kambing, ngunit ang alay na ito ay
nakatuon ang pansin sa darating na pangyayari matapos na ang kaligtasan ay maisagawa.
Matapos ang Kanyang pisikal at ispirituwal na kamatayan, at matapos magugol
Niya ang tatlong araw at tatlong gabi sa puso ng daigdig, nag-iisa si HesuCristo na
nabuhay mula sa mga patay.* Umakyat Siya sa langit, at dito ay lumuklok siya sa
pinakamataas na glorya at karangalan sa kanan ng Ama. Ang pagkatanggap ng ating
Tagapagligtas sa langit ay isang panghuling patotoo na ang Kanyang gawa sa Krus ay
ganap na naisakatuparan na at ang Dios Ama ay nalugod minsan at para sa lahat.
ANG ARAW NG PAGBABAYAD AT ANG DUGO NI CRISTO
Karagdagan pa sa mga pag-aalay Levitico, ang pangaraw-araw na pag-aalay at ang mga
pag-aalay na ginagawa sa panahon ng bagong buwan, ang mga Hudyo ay nagdadala ng
mga naiibang pagkakaloob sa mga araw ng kapistahan. Ang mga piyestang araw na ito ay
kinabibilangan ng Paglampas, Tinapay na walang Lebadura, Unangbunga, Pentekosta,
Trumpeta, Atonement at Tabernakulo (Lev.23). Ang bawat kapistahan ay nagtataglay ng
maraming mahahalagang doktrina, ngunit sa lahat ng ito, ang Araw ng Atonement ang
pinakabanal (Lev.16; 23:26-32).
Jom Kaphar, o Jom Kippur, ay literal na nangangahulugang “Ang Araw ng
Pagbabalot,” at ito lamang ang tanging araw na ang sinuman ay pinapayagan na pumasok
sa Kabanalbanalan sa Tabernakulo, o sa Templo matapos na ito ay maitayo. Kahit na sa
Araw ng Atonement, ang punong saserdote lamang ang makakapasok, at pagkatapos
lamang na makapagdala ng hain para sa sariling kasalanan (Lev. 16:13).
Dalawang sakripisyo ang kinakailangan sa importanteng araw na ito: isang
bisirong toro (Lev.16:6) at isa sa dalawang kambing (Lev. 16:7-10,15,16). Iniaalay ng
punong saserdote ang toro sa tansong dambana bilang alay para sa kanyang kasalanan.
Ang dugo, isinasalarawan ang kamatayang ispirituwal ni Cristo sa Krus, ay sinasahod ng
palanggana at dinadala sa kabila ng malaking kurtina tungo sa Kabanalbanalan. Doon
23
iwiniwisik niya ang dugo sa luklukan ng habag. Nakita na natin ang kasangkapan na ito
sa Tabernakulo sa Roma 3:25.
[HesuCristo] Na itinalaga ng Dios [ang Ama] noon pa man na maging
Lugar ng Kaluguran [literal, “ang luklukan ng habag”] sa pamamagitan
ng Kanyang dugo. . . (Rom.3:25a).
Ang salitang kaluguran sa Griyego ay hilasterion at sa Hebreong salita ay
kapporeth na parehong nangangahulugan na “luklukan ng habag.” Ito ay tumutukoy sa
kaban na kahoy na tinatawag na arko ng kasunduan, na nababalutan sa itaas na bahagi ng
ginto na nakatayo sa Kabanalbanalan. Ang kaban na ito na yari sa akasya ay
nagpapahayag ng katauhan ni Cristo; ang ginto, ang Kanyang PagkaDios. Magkasama
ang mga sangkap na ito ay nagpapakita ng pagiging bugtong ng Dios-tao.
Ang kaban ay naglalaman ng tatlong bagay: palayok ng manna, tungkod ni Aaron
na umusbong at talaan ng mga Kautusan. Ang bawat isa sa mga ito ay nagpapahayag ng
kasalanan. Ang talaan ng mga Kautusan ay nagsisilbing paala-ala sa pagsuway ng Israel
sa Kautusan ni Moises na nangangahulugan ng pagsalansang laban sa awtoridad ng Dios.
Ang tungkod ni Aaron ay nagbunyag ng pagtanggi sa plano ng Dios tungkol sa awtoridad
ng saserdote na Levitico at ang palayok ng manna ay tumawag sa ala-ala ng pagsuway ng
tao sa pagtanggi sa mga pagpapala ng Dios.
Ang luklukan ng habag ay isang tabla na nakatakip sa ibabaw ng arko. Sa mag-
kabilang dulo ng luklukan ng habag ay nakatayo ang dalawang anyo ng cherubim. Ang
isa ay kumakatawan sa perpektong katuwiran ng Dios; at ang isa, Kanyang katarungan.
Tumingin pababa ang katuwiran at katarungan sa kasalanan at ito’y hinatulan. Ngunit
minsan sa bawat taon, sa Araw ng Katubusan, isang magandang pangyayari ang naganap.
Ang dugo ng batang toro ay isinaboy sa ibabaw ng luklukan ng habag, upang sa pagtingin
ng katuwiran at katarungan, nakita nila ang natapos na gawa ni Cristo na nabalutan ang
mga kasalanan ng punong saserdote. Ang esensiya ng Dios ay natugunan sa kanyang
pangalan.
At lumabas ang punong saserdote at nagsakripisyo ng isang kambing bilang alay
para sa mga tao. Dala ang dugo ng kambing na nasa isang mangkok, pumasok siya sa
ikalawang pagkakataon sa Kabanalbanalan, at muli iwinisik ang dugo sa ibabaw ng
luklukan ng habag. Isinadula sa pagkakataong ito ang ispirituwal na kamatayan ni Cristo
sa Krus na nagbalot ng mga kasalanan ng lahat ng tao.
Makakapasok lamang ang punong saserdote sa Kabanalbanalan sa pamamagitan
ng simbolikong dugo ng hayop, ngunit nang si HesuCristo ay nahatulan sa Krus, ang
malaking kurtina na humaharang sa pasukan ng Kabanalbanalan ay pinunit ng Dios mula
sa itaas hanggang sa ibaba (Matt. 27:51; Mark 15:38; Luke 23:45). Inalis ni Cristo ang
hadlang na naghihiwalay sa Dios at sa tao.
At hindi sa pamamagitan ng dugo ng kambing o ng toro [ang sakripisyong
Araw ng Katubusan], kundi sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo,
24
minsan para sa lahat, ay pumasok Siya [Cristo] sa Kabanalbanalan [ang
presensiya ng Ama] dahil naisagawa na ang pagtubos na mananatili
magpakaylanman (Heb.9:12; itinumpak na salin).
Hindi pumasok kaylanman si HesuCristo sa aninong Kabanalbanalan sa Templo.
Ngunit nang Siya ay umakyat, pumasok Siya sa tunay na Kabanalbanalan, ang presensiya
mismo ng Dios sa langit (Heb. 9:24). Hindi katulad ng mga punong saserdote ng Levitico
na pumapasok ng dalawang beses sa Kabanalbanalan, ang Panginoong HesuCristo, ang
ating dakilang Punong Saserdote, na hindi nangangailangan ng isang tanging pag-aalay
para sa Sarili. Sa halip, inialay mismo ng perpektong Tagapagligtas ang Kanyang Sarili
bilang sakripisyo na kabayaran sa mga kasalanan ng lahat ng tao. Pumasok Siya sa langit
minsan lang – at naupo. Ito ang lahat na kinakailangan.
Katatapos lamang Niyang gapiin ang kasalanan, kamatayang ispirituwal at
kamatayang pisikal (1 Cor. 15:55-57). Nagwagi Siya sa matagumpay na pagkubkob laban
sa masamang pamunuan ng daigdig na ito (Heb. 2:14, 15). Natubos Niya ang tao mula sa
pamilihan ng alipin ng kasalanan, ipinagkasundo ang tao sa Dios sa pag-giba ng hadlang,
at binigyang kaluguran ang Dios sa ngalan ng tao. Nagampanan Niya ang Batas at nag-
iwan ng pamanang doktrina para sa lahat na mananampalataya na nasa lupa. Bilang Bida
ng sansinukob, umakyat Siya at naupo, ngunit wala Siyang dalang dugo nang pumunta
Siya sa langit.
Mayroong lumang katuruan ang Romano Catoliko na nagsasabing dinala ni Cristo
sa langit ang Kanyang dugo na nakalagay sa isang mangkok. Hindi man lamang inalam
kung saan ito nanggaling, ang mga panimulang Kristiyanismo ay nanghahawakan sa
kalokohang kaisipan mula sa Madilim na Kapanahunan na kanilang ipinagpapatuloy ang
hiwaga na bumabalot sa pisikal na dugo ng ating Panginoon. Nakita na natin sa
maraming pagpapaliwanag na ang Kanyang mortal, dugo sa katawan ay tahasang walang
kinalaman sa kaligtasan.
Nang pumasok si Cristo sa langit, wala Siyang dalang dugo, kundi ang
katotohanan na natapos na Niya ang pagliligtas – “natapos na sa nakaraan na may bisa na
nagpapatuloy magpakaylanman!” Hindi Siya nagbitbit ng dugo sa mangkok o dugo sa
timba; pumasok Siya sa Kanyang katawan na nabuhay mula sa kamatayan, na may
pagbubunyi “Tapos ang misyon!”
Ang dugo ni Cristo ay isang payak na katuruan tungkol sa ispirituwal na
kamatayan ng ating Panginoon bilang katuparan sa mga sakripisyong hayop. Kapag ang
layunin ay nagampanan, hindi na kinakailangan ang mga aninong katuruan. Walang
dinalang dugo sa langit, at kahit dito sa lupa ang pagsasagawa ng sakripisyong hayop ay
wala nang dahilan na ipagpatuloy nang matupad na ang Krus. Sa katotohanan, ang mga
taliwas na mananampalatayang Hudyo sa Jerusalem ay pinamukhaan sa kanilang
pagpapatuloy na pag-aalay ng sakripisyo sa Templo. Sa pamamagitan ng kanilang alay,
ay binansagan silang “ipinapako sa kanilang sariling katawan ang Anak ng
Dios”(Heb.6:6), na inaalipusta ang Kanyang ginawa sa Krus.
25
Ngayon na ang Panginoong HesuCristo ay nasa langit na, isang napakalaking
kalokohan at pamumusong na isaalang-alang pa ang patay na hayop kaysa buhay na
Anak ng Dios. Tahasang inihanda Siya ng Ama. At tahasang hindi humingi ang Dios ng
anumang karaming dugo – ng hayop o ng tao man – upang idagdag sa perpektong
Persona at gawa ng Kanyang Anak! Ang pag-aalay ng hayop at literal na dugo ngayon ay
wala nang silbi bilang kaparaanan ng pagsamba. Hindi ito ipinahihintulot kundi sa
darating na Milenya. Na, ang Panginoong HesuCristo ay nasa lupa, gagawin nila ito
bilang ala-ala ng Krus, na sinasamba ang naghaharing Hari ng mga hari at Panginoon ng
mga panginoon dahil sa Kanyang walang kapantay na nagawa.
ANG KINATAWAN SA KALIKASAN SA PAGBALIK TANAW
Punto bawat punto, isinaalang-alang natin ang aralin ng dugo ni Cristo. Subalit sa napa-
karaming nagbabatay sa emosyon at kawalan ng kaalaman tungkol dito sa napakahala-
gang antas ng doktrina, hayaan nating itali ang ating pag-aaral sa isang maigsing pag-
sinop.
“Ang dugo ni Cristo” ay isang terminong teknikal na nagpapahayag ng isang
katotohanan na si HesuCristo ang katuparan ng mga aninong turo sa Matandang Tipan.
Kaya nga, itong talata na malimit nating matunghayan ay naglagay sa isang
paghahambing sa isang bagay na pisikal at isang bagay na ispirituwal. Hindi ito
eksaktong paghahambing sapagkat nangangailangan ang pisikal na bagay upang
ihambing sa isa pang pisikal na bagay, o ang kahalintulad nito na ispirituwal na bagay sa
ibang ispirituwal na bagay. Sa halip, “ang dugo ni Cristo” ay nagdala ng dalawang mag-
kaibang bagay: ang literal na dugo ng mga iniaalay na hayop at ang ispirituwal na
kamatayan ni Cristo doon sa Krus. Ang pisikal na dugo ng hayop ay ipinapahayag ang
isang ispirituwal na kaganapan na nangyari sa huling tatlong oras na pagkapako ni Cristo
sa Krus habang ang lahat na kasalanan ng sanlibutan ay ibinuhos sa Kanya at hinatulan.
Bilang maikling katawagan sa gawaing pagliligtas ng ating Panginoon, “ang dugo ni
Cristo” samakatuwid ay kahalintulad ng Kanyang ispirituwal na kamatayan: ipinagkaloob
ni Cristo ang hinihingi ng katarungan ng Dios.
Sa Matandang Tipan, ang dugo ay literal at ang paghatol ay paglalarawan, ngunit
doon sa Krus ang dugo ay paglalarawan samantalang ang paghahatol ay literal. Ang dugo
ng hayop ay anino ng magandang bagay na darating, samantalang ang kamatayang
ispirituwal ni Cristo ay isang pangyayari na isinagawa ng mga anino.
Ang mga taong hindi nakakaunawa ng mga bagay na matuwid pataas at mula sa
matuwid pababa ay parating nagtatanong, saan mo kinuha ang mga iyan? Paano mo
malalaman na iyan ay totoo? Katatapos lamang nating pag-aralan ng detalyado ang mga
aralin, at ito ang makapagsasabi sa iyo ng mga bagay na dapat mong malaman! Ngunit
nahinuha ko na ang aralin na ito ay napakahirap na bagay para sa maraming tao na
lumaki na kasama ang mga paniniwala na may pambihirang kapangyarihan na umiikot sa
sistema ng katawang mortal ni Hesus.
26
Bilang patotoo na may iba pa na nakaka-unawa na ang dugo ni Cristo ay isang
pagsasalarawan, hayaan ninyong halawin ko sina Arndt at Gingrich, ang mga huling
lexicographer ng salitang Griyego. Sa ilalim ng salitang haima, “dugo,” sila’y naglaan
ng buong saknong sa pagsasalarawang gamit ng salita. Ipinaliwanag nila ito bilang “ang
dugo at buhay bilang sakripisyo para sa katubusan, lalu na ang dugo ni Cristo na
kaparaanan ng katubusan.”* ang Expiation ay pagbabayad ng multa para sa kasalanan, at
si HesuCristo ay hindi namatay dahil sa pagdanak ng dugo sa Kanyang pagbabayad ng
multa para sa kasalanan. Ilan pa, sa Kittel’s Theological Dictionary isinasaad na “ang
dugo ni Cristo sa Bagong Tipan ay payak na pandiwang buntis na simbulo ng gawaing
pagliligtas ni Cristo.” *“Pandiwang buntis na simbulo” ay nangangahulugang
paglalarawan!
Nakita na natin na ang kamatayang ispirituwal, hindi kamatayang pisikal, ang
kabayaran ng kasalanan. Napansin natin na si Adan ay nilikhang buhay sa ispiritu at sa
kanyang negatibong kapasiyahan ay naging patay sa ispiritu. Si Cristo, sa kabilang dako,
ang tanging tao na isinilang na buhay sa ispiritu at sa pamamagitan ng Kanyang
positibong pagpapasiya ay pinili Niya na magdanas ng kamatayan sa ispiritu alang-alang
sa sangkatauhan. Si Adan ay nabuhay sa pisikal habang patay sa ispiritu, at sa katulad na
kalagayan, si Cristo doon sa Krus ay buhay habang Siya ay nagdaranas ng kamatayan sa
ispiritu.
Ang kaugnayan sa Dios na nabuhay si Cristo sa bisa ng Kanyang pagsilang mula
sa birhen at nabuhay na hindi nagkasala, ay ang paghihirap Niya sa Krus habang
binabayaran Niya ang ating mga kasalanan. Ngunit ngayon, kapag ang sinoman ay
nanampalataya kay Cristo, siya ay kapagdakang tumatanggap ng permanenteng
kaugnayan sa Dios sa pamamagitan ng muling kapanganakan. Dagdag pa, bilang bahagi
ng maharlikang pamilya ng Dios, na kaugnay ni Cristo, siya ay naging tagpagmana ng
biyaya. Sa biyaya, ang Dios ang gumagawa ng lahat na gawain samantalang ang tao ang
gumagawa ng lahat na pagtanggap, na isinasalarawan sa kaligtasan kung saan lahat ng
merito ay nasa Panginoong HesuCristo!
Ang ating Panginoon ay makalawang namatay sa Krus. Ang una Niyang
kamatayan ay tinatawag na “ang dugo ni Cristo,” at pagkatapos lamang na, magampanan
ito, ang Kanyang ispirituwal na kamatayan, ay nangayaring namatay Siya sa pisikal. Ang
dugo ni Cristo ay tahasang hindi tinutukoy ang Kanyang pisikal na kamatayan sapagkat
hindi Siya namatay sanhi ng pagdanak ng dugo! Sa katotohanan, halos lahat ng Kanyang
dugo ay nasa loob pa ng Kanyang katawan nang sibatin ng kawal ang Kanyang dibdib, na
bumulwak palabas ang namuong dugo at serum.
Ang kamatayang pisikal ni Cristo ay payak na nagpapahiwatig na ang Kanyang
gawa ay natapos na. Ganuon pa man, namatay Siya sa pisikal sa isang pambihira at
kamangha-manghang pangyayari, sa pamamagitan ng pagsugo sa sarili Niyang kaluluwa
at ispiritu sa sandali na ang plano ng Ama ay ay tumawag na sa Kanya para umalis. Sa
pamamagitan ng malinaw, malakas na boses at perpektong kontrol sa paghinga, sa
27
Kanyang huling paghinga ay nag-iwan Siya ng pamanang doktrina ng Biblia sa
maharlikang pamilya.
ANG MESA NG KOMUNYON AT ANG DUGO NI CRISTO
Ang pagsasakripisyo ng hayop ay dinisenyo upang magpahayag ng doktrina ng Biblia sa
mga Hudyo nang Lumang Tipan at upang magkaloob ng pamamaraan ng pagsamba na
kung saan ay maipapahayag nila ang kanilang pakikipagniig kay Cristo. Ngunit nang ang
rituwal ay nagampanan na sa Krus, at lalo na matapos ang kanon ng Kasulatan ay
nakumpleto sa pagsulat ng aklat ng Apokalipsis noong A.D. 96, wala nang
pangangailangan sa detalyadong sistema ng mga sangkap sa pagtuturo ng doktrina. Sa
kapanahunang ito ng Iglesiya, samakatuwid, ay isa lamang anyo ng ritual ang
pinahihintulutan: ang Eucharist o Komunyon.
Ang komunyon ay nagsimula sa kapistahan ng Paglampas sa Israel, ang piyesta
ay hindi katulad ng iba dahil ito ay isang kasayahan katulad ng ating Ika-apat ng Hulyo.
Noong 14 ng Abril, mga taong 1440 B.C., ang lahi ng Hudyo ay naging isang bansa, at
ang paglabas ng bansang pinili ng Dios mula sa pagkaalipin sa Ehipto ay sinabayan ng
isang pag-aalay na nagpasimula ng kapanganakang mag-uli ng bawat indibiduwal.
Upang makaiwas sa paghatol ng Dios sa ika-sampung salot na darating sa Ehipto,
ang mga Hudyo ay inatasan na magsakripisyo ng isang lalake, batang kordero na walang
dungis (Exod. 12:5). Ang kordero ay kumakatawan sa perpekto, naiibang Persona ni
HesuCristo na magiging karapat-dapat na pumasan sa hatol ng Dios para sa mga
kasalanan ng naghahandog. Ang karne ng kordero ay kailangang kainin – isang larawan
ng pananampalataya kay Cristo.
Kagaya ng sinumang tao na kumakain, kahit na sa anong kalagayang moral,
imoral, amoral, relihiyoso o hindi relihiyoso, ay gayon din naman ang kaparaanan sa
pagtanggap sa ginawa ni Cristo ay hindi halig sa merito ng nananampalataya. Lahat ng
merito sa pananampalataya ay nasa bagay na pinanampalatayanan. Sinuman ay
makakakain at sinuman ay puwedeng manampalataya kay Cristo! Ang pagkain,
samakatuwid, ay isang perpektong larawan ng walang meritong positibong desisyon
tungo kay HesuCristo.
Ang dugo ng Paglampas na kordero ay kumakatawan sa kamatayang ispirituwal
ng Mesias doon sa Krus, at ipinapahid ng nag-aalay sa mga gilid at ibabaw ng kanilang
pintuan (Exod. 12:7). Ipinakita ang Dios doon sa Paglampas na nalugod sa sinumang tao
na may dugo sa kanilang pintuan, na sa huli ay ipinakita sa Araw ng Katubusan sa
pamamagitan ng dugo sa luklukan ng habag. Sa sinuman na nasa kabila ng dugo, ang
hatol ng salot ay inaalis.
Ang Paglampas ay nagbago ng bahagya matapos ang unang pagsasagawa sa
Ehipto. Sapagkat sa mga susunod na apatnapung taon sa disyerto, ang mga Hudyo ay
walang permanenteng pintuan. Sa halip na dugo sa mga poste ng pintuan, ang tinapay at
28
saro ng katas ng ubas ang ipinalit, at kagaya ng pagkain, ang pag-inom mula sa saro ay
pagpapahayag ng pananampalataya kay Cristo.
Kagaya ng korderong walang kapintasan na kumakatawan sa Kanya sa
pamamagitan ng mahigit sa dalawang libong taon, ang Panginoong HesuCristo ay
namatay sa araw ng Paglampas, ginanap ang tanging kapistahan sa bawat detalye. Sa gabi
bago ang Kanyang kamatayan (ayon sa pamantayang oras ng mga Hudyo, ang Paglampas
ay nagsimula sa paglubog ng araw), binago ni Hesus ang pagsasagawa ng Paglampas sa
Eucharist. At sa huling Paglampas, nagsagawa Siya ng maraming pagbabago sa matagal
nang rituwal.
At kumuha siya ng tinapay, at nagpasalamat at pinag-putolputol ito at
ibinigay sa kanila at nagsabi Ito ay aking katawaan na ibinibigay ko para
sa inyo: gawin niyo ito sa pag-alaala sa akin (Luke 22:19).
“Magbigay pasasalamat” ay eucharisteo sa pandiwang Griyego na mula dito ay
hinalaw ang salitang “Eucharist.” Sa halip na kordero, gumamit si HesuCristo ng tinapay
upang kumatawan sa Kanyang pambihirang Persona. “Ito ay nagpapatuloy na maging
Aking katawan” (Itinumpak na salin) ay nagpapahiwatig na upang mabata ang mga
kasalanan ng sanlibutan, ang Dios ay kailangang maging tunay na tao. Karagdagan pa,
iingatan ni Cristo na magkaroon ng katawan magpakaylanman; ang ating Panginoon ay
nakatuon na ang paningin sa darating Niyang pagkabuhay na mag-uli nang banggitin
Niya ang mga katagang ito. Kailangan Niya ang katawan upang makapunta sa Krus,
ngunit sa Kanyang katawan sa pagkabuhay na mag-uli ay magpapatuloy Siya bilang
Dios-Tao, ang Bida ng sanlibutan, magpakaylanman! Kagaya ng kordero ng Paglampas,
ang pagkain ng tinapay ay larawan ng pananampalataya kay Cristo.
Kagaya din naman ang saro matapos kumain, ay nagsabing, Ang sarong
ito ay ang bagong patotoo sa aking dugo, na ibinuhos alang-alang sa inyo
(Luke 22:20).
Ang Matandang Tipan, o ang matandang kasunduan na nahayag sa Batas ni
Moises ay binigyan ng kabuluhan sa pamamagitan ng simbolikong dugo ng mga hayop,
ngunit ang lahat nang pagsasagawang ito ngayon ay isinaisang-tabi. Ang anino ng dugo
ng kordero ay magaganap sa loob ng dawamput apat na oras! Ang bagong kasunduan at
biyaya ukol sa maharlikang pamilya ng Dios ay binigyang kabuluhan ng dugo ni Cristo.
Ang saro, samakatuwid, ay naging simboliko ng ispirituwal na kamatayan ni Cristo sa
Krus na Kanya namang naisagawa na iagapay tayo sa katarungan ng Dios. Ang larawan
ng dugo ng kordero sa mga poste ng pintuan, o ang dugo ng toro at kambing sa luklukan
ng habag, at ang pagsirit ng dugo sa mga sinusunog na alay, ay nagkaroon ng katuparan
kay Cristo, at ang mga ito ay pinalitan ng isa lamang seremonya na pinasinayaan mismo
ni Cristo para sa Kanyang maharlikang pamilya
Ang utos na “ gawin ninyo ito sa paggunita sa akin” ginawa ang Eucharist na
katulad ng luma at kagalang-galang na pagsasaya ng Bagong Taon sa Scotland. Aud lang
syne, “noong matagal na panahon,” ay isang tanging pagkakataon na alalahanin ang mga
29
minamahal at matatandang kaibigan na nangamatay na. Ito ay isang panahon ukol sa
isang malawakang pag-aalala at panahon na suriin ang kakayahan ng sarili niyang
kaluluwa. Ang Pakikisalamuhang gawain ay isa rin namang pagkakataon para sa mga
bahagi ng maharlikang pamilya na ituon ang kanilang mga alaala sa Tagapagligtas at ang
Kanyang gawa. Walang kakayahan ang mananampalataya na ibigin o pasalamatan si
HesuCristo maliban na lamang na nalalaman niya ang kaisipan ni Cristo, ang doktrina ng
Biblia. Samakatuwid, ang Pakikisalamuha ay hind lamang naging panahon ng pagsamba
kundi isa ring pagkakataon na suriin ang inyong sariling kaalaman sa doktrina at ang
antas ng paglago sa ispiritu. Kung hindi ninyo kayang ituon ang inyong kaisipan sa
Panginoon nang walang pagkaabala sa ibang bagay, kahit na sa buong panahon ng
gawaing Pakikisalamuha, malayo pa ang inyong tatahakin sa inyong pamumuhay bilang
Kristiano. Samakatuwid, ang ating matinding pagtuon sa kaisipan tungkol sa minana
nating doktrina ng Biblia ay nalantad. Ang Doktrina na naninirahan sa inyong kaluluwa
ang hindi maipagsasawalang bahalang pangangailangan sa pagkakaroon ng kakayahang
alalahanin ang Panginoon, at ang ritual na ito ay walang kabuluhan kung walang
pagkaunawa sa katotohanan na kinakatawan nito.
Walang mananampalataya ang puwedeng pagbawalan sa paglahok sa mesa ng
Pakikisalamuha. Sa katotohanan nga, ang bawat mananampalataya ay inuutusan na
makiisa panapanahon. Ang pagiging kasapi ng isang lokal na iglesiya o anumang tanging
pangangailangan ay hindi kinakailangan. Ang isang nakikibahagi ay kailangan lamang na
mananampalataya, at sa pagitan niya at ng Panginoon kailangang masiguro niya, na sa
pamamagitan ng kaparaanan ng rebound, ay sumasailalim siya sa pangunguna ng Banal
na Ispirito na kinakailangan naman sa lahat ng bahagi ng pananambahan (1 Cor.11:30,31;
1 John 1:9).
Ang pagbaluktot sa doktrina ng dugo ni Cristo na matagal nang ginagawa ng
Romanismo ay marahil na makikita natin nang mabuti sa kanilang Eucharist. Itinuturo ng
Romanismo ang maling doktrina na ang tinapay ay totoong laman ni Cristo at ang alak ay
literal Niyang dugo. Ang misteryosong superstisyon na ito ay kapansin-pansin na walang
katotohanan, ngunit waring hindi pinag-iisipan ng mga tao na suriin nila ang kanilang
pananaw tungkol sa bagay na ito nang sila’y maging mananampalataya. Ang mga tao na
dapat na nakakaalam ay ginagawa nila ang sarili na katawatawa sa kanilang bulag na
pagtanggap sa maling kahulugan ng “ang dugo ni Cristo” na pinalalabas na ito ay literal
na talata. Nakita na natin, sa kabaligtaran, na ang literal na dugo ay hindi makapagliligtas
ng tao na ang dugo ni Cristo ay isang paghahambing na kumakatawan ng may
pagpapahayag sa Kanyang kamatayang ispirituwal. Ito ang dahilan kung bakit ang dugo
ni Cristo ang pinakamahalagang pambayad sa larangan ng pagtubos sa ating magiting na
kaligtasan.
Translation accomplihed and edited 7 December 2006 by: Blas A Oblefias
Translation permit granted 1983.
www.JRCBDM.com
Recommended