View
188
Download
4
Category
Preview:
Citation preview
WEB QUEST PROJECT SA KASAYSAYAN NG DAIGDIG
PARA SA IKATLONG ANTAS
PANIMULAAng digmaan ay itinuturing na necessary
evil kung saan walang nanalo, sa halip binabago nito ang lahat ng buhay ng mga kasali rito. Ganito ang nangyari sa una at pangalawang digmaan pandaigdig kung saan ang mga lumang teritoryo ay muling binuo at pinagsama-sama para maging mga bagong bansa. Sa gitna ng dalawang digmaang ito ay mga taong na naging tila makinang pandigmaan na handang kumitil ng buhay at makasira ng kagamitan para lamang mapanatili ang kanilang karapatan at kalayaan – isang bagay na kailangang kalimutan at iwasan ng henerasyon ngayon.
GAWAINAng Web Quest na ito ay magdadala sa
iyo sa mga pangyayari sa dalawang digmaang pandaigdig sa pamamagitan ng mga tungkulin ng isang sundalo at mga opisyal ng digmaan. Pipili ka ng iyong ranggo at gagawin mo ang mga nakatakdang gawain. Pagkatapos, magsama-sama kayo ng iyong kapwa opisyal at gumawa ng board game tulad ng sa Games of the Generals. Subalit maiiba ang patakaran ng laro. Sa halip na magpatayan kayo, kukumbinsihin ninyo ang bawat isa na magsama nang mapayapa. Sinuman ang maunang makakumbinsi ng buong platoon ang siyang panalo.
PROSESO
Hakbang 1. Isang Sundalo• Gampanan ang papel ng kahit alin sa
mga sumusunod: – Isang heneral– isang koronel– isang tinyente– isang infantry/paratrooper
Gampanan ang papel ng heneral na nagdadalawang-isip pumunta sa digmaan. Nararapat lamang na makapagbigay ka ng mga dahilan para sa iyong paninindigan. Suriin ang sanhi ng digmaan at magbigay ng suhestiyon para mapigilan ito. Gawin ang mga sumusunod :
Isang Heneral na Nagdadalawang-isip Pumunta sa Digmaan
• Talakayin ang mga bagay na naging resulta sa kalayaan ng Latin America.
• Pag-aralan ang papel ng nasyonalismo sa mga bansa sa Latin America at ang naging epekto nito sa mga pangyayari na nagdulot ng unang digmaang pandaigdig.
• Magsaliksik tungkol sa patakaran ng Games of the Generals.
Isang Heneral na Nagdadalawang-isip Pumunta sa Digmaan
• Isa-isahin ang mga isyu at kadahilanan na nagpausbong sa unang digmaang pandaigdig.
• Gumawa ng position paper kung paano maiiwasan ang unang digmaang pandaigdig.
Ang mga sumusunod na website ay makakatulong na makamit ang hangarin:
• http://en.wikipedia.org/wiki/Latin_American_revolutions• http://www.pachami.com/English/latinoamericaE.html• http://www.internationalviewpoint.org/spip.php?article763• http://www.firstworldwar.com/origins/causes.htm• http://en.wikipedia.org/wiki/Game_of_the_Generals
Isang Koronel na Espesyalista sa Conflict Resolution
• Pag-usapan ang sanhi at mga epekto ng mga pangyayari sa panahon ng unang digmaann pandaigdig.
• Pag-aralan ang mga hangarin ng Amerika sa pagsali sa digmaan. • Ilarawan ang mga epekto ng unang digmaang pandaigdig. • Tayahin ang mga pagtatangka para tapusin ang unang digmaan
pandaigdig. • Maghanda ng position paper kung papaano aayusin ng matiwasay
ang digmaan nang walang nasasaktan ni isa man. • Magsaliksik tungkol sa mga piyesa ng Games of the Generals.
Gampanan ang papel ng isang koronel na espesyalista sa conflict resolution. Upang makagawa ng istratehiya tungkol sa pag-iwas sa kaguluhan, Ikaw ay mananaliksik sa mga ugat ng mga pangyayari bago ang unang digmaang pandaigdig. Kailangan mong gawin ang mga sumusunod:
Isang Koronel na Espesyalista sa Conflict Resolution
• http://www.firstworldwar.com/origins/index.htm• http://www.firstworldwar.com/origins/causes.htm• http://www.cusd.chico.k12.ca.us/~bsilva/projects/great_war/ca
uses.htm• http://www.timelines.info/history/conflict_and_war/20th_centur
y_conflicts/world_war_one/american_involvement_in_world_war_one/
• http://home.earthlink.net/~gfeldmeth/chart.ww1.html• http://www.cusd.chico.k12.ca.us/~bsilva/projects/great_war/ef
fects.htm• http://www.eyewitnesstohistory.com/armistice.htm• http://www.firstworldwar.com/source/armisticeterms.htm
Ang mga sumusunod na website ay makatutulong na makamit ang hangarin:
Isang Tinyenteng Pabor sa Pagdidis-arma
Bilang isang tinyente na pabor na alisan ng panlaban ang pangkat na kasali sa pangalawang digmaang pandaigdig, pag-aaralan ang disposisyon o paninindigan ng lahat ng kasali sa digmaan para makagawa ng hakbang upang lahat ay madisarmahan. Gawin ang mga sumusunod:
• Ilarawan ang mga pangyayari na naging sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig.
• Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga pangyayaring naganap noong ikalawang digmaang pandaigdig.
• Pag-aralan ang papel ng Estados Unidos sa ikalawang digmaang pandaigdig.
• Maghanda ng mga suhestyon tungkol sa pagdis-arma sa mga kasali sa ikalawang digmaang pandaigdig upang makamit ang katahimikan.
• Alamin ang aktwal na laki at disenyo ng Games of the Generals.
Isang Tinyenteng Pabor sa Pagdidis-arma
Ang mga sumusunod na website ay makatutulong na makamit ang iyong hangarin:
• http://www.historylearningsite.co.uk/long_term_causes_of_world_war_tw.htm
• http://www.infoplease.com/ce6/history/A0862008.html• http://www.euronet.nl/users/wilfried/ww2/1941.htm• http://memory.loc.gov/learn/features/timeline/depwwii/wwa
rii/wwarii.html• http://scsc.essortment.com/pearlharborjap_rotp.htm• http://www.army.mil/cmh-pg/books/70-7_03.htm
Isang Infantry/Paratrooper na mas Pipiliing Magbigay-Serbisyo
sa KomunidadGampanan ang papel bilang isang
infantryman/paratrooper na nakahandang bitawan ang armas at magbigay sebisyo sa komunidad at mga tao. Gawin ang mga sumusunod:
• Pag-aralan ang epekto ng ikalawang digmaang pandaigdig sa ibat ibang dako ng mundo.
• Ipakita ang kaugnayan ng ikalawang digmaang pandaigdig sa pagkakabuo ng United Nations (UN).
• Ipaliwanag ang pangunang hakbang na ginawa ng UN sa pagsasaayos sa mga bansang napinsala sa digmaan.
• Maghanda ng program paper kung paano matutulungang maibalik sa ayos ang mga bansang napinsala sa digmaan.
• Magsaliksik sa patakaran ng Games of the Generals at baligtarin ito para sa isang bagong laro.
Isang Infantry/Paratrooperna mas Pipiliing Magbigay-Serbisyo
sa KomunidadAng mga sumusunod na website ay makatutulong sa
iyong gawain:
• http://www.bbc.co.uk/ww2peopleswar/• http://www.fordham.edu/halsall/mod/
1947marshallplan1.html• http://us.history.wisc.edu/hist102/lectures/
lecture21.html• http://www.state.gov/r/pa/ho/pubs/fs/55407.htm• http://www.historylearningsite.co.uk/
leagueofnations.htm• http://www.un.org/aboutun/unhistory/
HAKBANG 2. Sundalo para sa Kapayapaan: Isang Board Game
Makipagpulong sa iba pang mga sundalo na may iba’t ibang ranggo. Ihanda ang board game at makipaglaro sa ibang grupo.
PROSESO
PAGTATAYAKategorya at
Puntos3 2 1
Kawastuhan ng patakaran
Ang impormasyon ay inihayag sa lohikal at tamang pagkakasunud-sunod na madaling maintindihan.
Ang impormasyon ay mahirap masundan dahil malabo at kulang sa pagkakasunud-sunod.
Ang imporma-syon ay hindi maintindihan dahil hindi sunud-sunod.
Pagiging kaakit-akit ng disenyo ng board at pyesa
Ang kumbinasyon ng disenyo at mga teksto ay nakaka-agaw-pansin at malakas ang dating.
Ang mga teksto ay malinaw ngunit hindi tugma sa tema o mensahe.
Ang mga teksto ay hindi masyadong malinaw at malabo ang hangarin.
Kakayahan na makaakit at magtaguyod ng interes
Ang teksto ay naihatid ang mensahe ng may dating.
Ang teksto ay malinaw ngunit hindi akma sa tema o mensahe.
Ang teksto ay malabo at maging ang hangarin ay hindi rin malinaw.
Pasasalamat• http://www.itvs.org/beyondthefire/
– Isang interactive website tungkol sa karanasan ng mga teenager sa digmaan
• http://facingfuture.org/Members/index.html– Magandang site para sa pag-aaral at
pagtataguyod ng mga global issues
Recommended