Diskurso sa Filipino

Preview:

DESCRIPTION

Diskurso sa Filipino

Citation preview

DISKURSO

- Ayon sa diksyunaryong ingles-filipino (1984), ang diskurso ay nangangahulugang magsulat o magsalita nang may katagalan o kahabaan.

- Ayon naman sa Webster’s New World Dictionary (1995), ang diskurso ay isang pormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.

- Ang diskurso ay pakikipagtalastasan,pakikipag-usap o anumang paraan ng pagpapahayag ng ideya tungkol sa isang paksa.

Dalawang Anyo ng Diskurso :

- Pasalita

- Pasulat

Pasalitang Diskurso :

- Karaniwang magkaharap ang mga partisipant kung kaya’t bukod sa kahalagahan ng mga salitang sinasambit, pinagtutuunan din ng bawat kasapi ang ibang sangkap ng komunikasyontulad ng paraan ng pagbigkas,tono,diin,kilos,kumpas ng kamay,tinig,tindig at iba pang salik ng pakikipagtalastasan na maaaring makapagpabago sa kahulugan ng mensahe.

Pasulat na Diskurso :Higit na pag-iingat ang isinasagawa

ng isang manunulat. Sa sandaling ang mensaheng nakapaloob sa isang sinulat na diskurso ay nakarating sa tatanggap at ito’y kanyang nabasa,hindi na maaaring baguhin ng manunulat ang kanyang sinulat.

URI NG DISKURSO

Deskriptib/PaglalarawanPagbibigay ng malinaw ng imahen ng isang

tao,bagay,pook,damdamin o teorya upang makalikha ng isang impresyon o kakintalan.

Layunin nito na makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila ay maranasan din ang naranasan ng manunulat.

Halimbawa :

Paglalarawan ng pook pasyalan upang makahikayat ng mga turista.

Naratib/Pagsasalaysay

Dito, isinasambit natin ang mga detalyeng kalakip ng isang partikular na pangyayari upang maibahagi sa iba ang mga bagay na nagaganap sa atin o mga bagay na ating nasaksihan.

Layunin nito, na mailahad ang mga detalyeng kalakip ng isang pangyayari sa isang maayos at sistematikong kaayusan.

Ekspositori/PaglalahadIto ay anyo ng diskurso kung saan

nagpapahayag ang isang tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang magkaroon ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao.

Layunin nito na makapagbigay ng impormasyon.

Argumentatib/Pangangatwiran

Ito ay anyo ng diskurso na nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig.

Layunin nitong makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.

SALAMAT SA

PAKIKINIG

Recommended