Epp 6 he aralin 6- mga pisikal na katangian ng sanggol

Preview:

Citation preview

ARALIN 6: MGA PISIKAL NA KATANGIAN NG

SANGGOL

Ilarawan ang katangiang pisikal ng sumusunod:A. Mata/paningin ng sanggolB. Kulay ng balat ng sanggolC. Hugis ng ilong ng sanggolD. Buhok ng sanggolE. Bibig/mukha ng sanggol

1. Paano nagkakaiba ang mga pisikal na katangian ng sanggol sa ibat ibang gulang?a. 0-2 buwan?b. 3-5 buwan?c. 6-12 buwan?d. 1-2 taon?

2. Paano dapat pakikitunguhan ang mga sanggol? Bakit?3. Bakit kailangang malaman ang pagkakaiba ng pisikal na katangian ng sanggol.

Ang sanggol ay nangangailangan ng wastong pangangalaga at pagsubaybay habang siya ay lumalaki. - hindi pa nito kayang pangalagaan ang kanyang sarili. - hindi kayang tugunan ang kanyang pangangailangan.

Mga Pisikal na Katangian ng Sanggol sa Ibat Ibang Yugto ng Paglaki:1. Bagong silang - may manipis at maselang balat - Malaki ang ulo sa katawan - Maliit at bilog ang mukha

2. Mula pagsilang hanggang ikalawang buwan: - madalas natutulog - nagigising kapag nagugutom o basa ang lampin. - madalas maghikab at mag-inat - ang paningin ay wala sa wastong direksiyon at kung minsan naduduling.

3. Ikatlo hanggang ikalimang buwan: - nagsisimulang tumagilid hanggang tuluyang matutong dumapa. - pandinig at pang-amoy ay nagiging matalas. - nagsisimula ng makakita - nalalasahan na rin ang pagkain - tumutulak na ang dila kapag pinasuso ng katas ng prutas maliban sa gatas. - marunong nang makipag-usap sa pamamagitan ng pagsagot ng o-o-o-o-o.

4. Anim hanggang 12 buwan/ Isang taon: a) anim na buwan - nagsisimula ng gumapang sa pamamagitan ng dalawang tuhod at dalawang kamay. - nagsisimula nang umupong mag-isa. - nakakikilala na rin ng mga tao - naaakit na siya sa mga bagay na may matitingkad ang kulay.

- nagsisimula ng magsasalita ng papantig tulad ng ma-ma-ma, da-da-da, pa-pa-pa. b) ikasampung buwan - nagsisimula ng tumubo ang ngipin - nagsisimula ng tumayo, gumabay at humakbang ng mag-isa. - kung mabilis ang paglaki at pag-unlad, nakalalakad na ito nang mag-isa nang walang gumagabay pagsapit ng isang taon.

Mga Pangangailangan ng Sanggol na Dapat Tugunan:1. Sapat at masustansyang pagkain.2. Sapat na tulog at pamamahinga.3. Malinis at maginhawang kasuotan.4. Kalinga at pagmamahal.5. Angkop na mga laro at laruan upang

siya’y malibang.

Bilang tagapag-alaga dapat:1. Malaman kung bakit umiiyak

ang sanggol. - nagugutom o inaantok - basang lampin - may karamdaman