Exchange rate

Preview:

Citation preview

PANIMULANG GAWAIN:

Buuin ang salita gamit ang mga larawan.

C A G R E

Exchange Rate

Ano nga ba ang Exchange Rate?

Exchange rate ang tawag sa presyo ng pera kapag ipinagpalit sa pera ng ibang bansa.

A.SISTEMA NG PALITAN

Fixed exchange rateIsang sistema ng pagpresyo

ng pera kung saan ang halaga ng palitan ay itinatakda ng gobyerno at sinusunod nang walang pabagu-bago sa loob ng isang panahon.

Kapag nakatakda na ang palitan ng pera, madaling nakapagpaplano ang mga negosyante dahil hindi sila natatakot na baka magbago ang halaga ng pera.Ngunit, kapaga ang exchange rate ay hindi kumakatawan sa tunay na halaga ng pera, nagbubunga ito ng sari-saring problema.

Kapag overvalued ang piso, halimbawa, lumalakas ang blackmarket ng dolyar. Mas gusto pang dalhin ng mga tao ang kanilang dolyar hindi sa mga bangko kundi sa mga taong hindi awtorisadong magpalit ng pera. Dahil dito, hindi nasasama ang kanilang dolyar sa reserbang dayuhang salapi ng bansa.

Flexible exchange rate

Isang sistema kung saan ang halaga ng palitan ay resulta ng operasyon ng batas ng suplay at demand. Sa sistemang ito, na tinatawag ding floating rate, pinababayaan ang exchange rate na hanapin ang lebel kung saan pareho ang demand at suplay.

Kaya, alinsunod sa batas ng suplay at demand:

Kung sa umiiral na palitan mas marami ang suplay ng dolyar sa pamilihan kaysa sa demand para dito, bumabagsak ang halaga ng dolyar o tumataas ang halaga ng piso.

Kung mas mataas ang demand sa dolyar kaysa sa suplay nito, tumataas ang halaga ng dolyar o bumabagsak ang halaga ng piso.

Sa ngayon, flexible exchange rate ang sistemang sinusunod sa Pilipinas at sa maraming bansa sa daigdig.

Joanna Toledo

Gesa May Margarette P. Tuzon

Jerica Sitsit

4-1

Recommended