View
2.491
Download
110
Category
Preview:
Citation preview
MGA KONSEPTONG MAY
KAUGNAYANG LOHIKAL
FIIPINO 8 | 2016.12.05
Anu-ano ang uring kaugnayang lohikal?
Mga Kaugnayang Lohikal1. Dahilan at Bunga2. Paraan at Layunin3. Paraan at Resulta4. Kondisyon at Bunga/Kinalabasan
1. Dahilan at BungaHalimbawa:
Si Liza ang itinanghal na kampeon, kaya’t lubos ang kanyang galak.
DAHILAN: “Si Liza ang itinanghal na kampeon.”PANG-UGNAY: “kaya’t”BUNGA: “…lubos ang kanyang galak.”
1. Dahilan at BungaHalimbawa:
Hindi natuloy ang pagpupulong dahil ang ulan ay malakas.
BUNGA: “Hindi natuloy ang pagpupulong.”PANG-UGNAY: “dahil”DAHILAN: “…ang ulan ay malakas.”
2. Paraan at LayuninHalimbawa:
Lumuwas siya ng Maynila, upang maghanap ng trabaho.
PARAAN: “Lumuwas siya ng Maynila”PANG-UGNAY: “upang”LAYUNIN: “maghanap ng trabaho”
2. Paraan at LayuninHalimbawa:
Para hindi antukin habang nagbabasa, nagtimpla si Leo ng kape.
PARAAN: “Natimpla si Leo ng kape”PANG-UGNAY: “para”LAYUNIN: “hindi antukin habang nagbabasa”
3. Paraan at ResultaHalimbawa:
Sa pagkakaisa at pagtutulungan, naipanalo ng 8-Celsius ang paligsahan.
PARAAN: “pagkakaisa at pagtutulungan.”PANG-UGNAY: “sa”RESULTA: “naipanalo ng 8-Celsius ang paligsahan”
3. Paraan at ResultaHalimbawa:
Nakaipon siya ng malaking halaga sa pagtitinda lamang ng lumpia.
PARAAN: “Pagtitinda lamang ng lupia.”PANG-UGNAY: “sa”RESULTA: “Nakaipon siya ng malaking halaga”
4. Kondisyon at Bungaa. Salungat sa katotohanan ang kondisyon.b. Haypotetikal ang kondisyon.
4. Kondisyon at Bungaa. Salungat sa katotohanan ang kondisyon.
Halimbawa:Kung inagahan mo ang pagpunta, nakakuha ka
sana ng pagsusulit.KONDISYON: “inagahan mo ang pagpunta”PANG-UGNAY: “kung”BUNGA: “nakakuha ka sana ng pagsusulit”
4. Kondisyon at Bungab. Haypotetikal ang kondisyon.
Halimbawa:Kapag (o kung) maganda ang panahon bukas,
pupunta tayo sa perya.KONDISYON: “maganda ang panahon bukas”PANG-UGNAY: “kapag” (o kung)BUNGA: “pupunta tayo sa perya”
Mga Kaugnayang Lohikal1. Dahilan at Bunga2. Paraan at Layunin3. Paraan at Resulta4. Kondisyon at Bunga/Kinalabasan
Gawain:Gamit ng mga salitang
nagpapakita ng kaugnayang lohikal,
sabihin ang kaisipang isinasaad ng bawat larawan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang ipinakikita ng mga larawan?2. Nagsilbing daan ba ang mga larawan upang
maimulat ka sa mga katotohanan ng mga kaganapan sa iyong lipunan?
Recommended