21

Click here to load reader

Filipino Reviewer

Embed Size (px)

DESCRIPTION

jjjh

Citation preview

Page 1: Filipino Reviewer

AKADEMIKONG

PANANALIKSIK

AGUSTIN, ERICKA

CASTRO, MARHEN

CONCHA, RENLAY

GARCIA, CHARLOTTE

GARCIA, JOANNE

MALUBAY, KAROL

TANDOC, JOHN

SULATING PANG AKADEMYA

Page 2: Filipino Reviewer

• Ito ay ang pagsusulat na ginagawa ng iskolar para sa ibang iskolar.• Ito ay para sa mga paksa at tanong na interesante sa akademikong komunidad.• Ito ay dapat nagdadala ng argumentong nagbabalita sa mga mambabasa.

PAGGAWA NG NAGBABALITANG ARGUMENTOAng alam mo?

Ano ang alam ko sa aking paksa? Sino? Ano? Bakit? Paano? Ideya tungkol sa konteksto Mga makasaysayan at kultural na impluwensya na may kaugnayan sa

paksa Genre o kategorya ng paksa Kaalaman sa genre

Ano ang mahalaga sa akin tungkol sa paksang ito? Punto ng pokus Mga hindi gaanong importanteng punto Bakit ko iniisip ito?

Paano ko iuugnay sa ibang bagay na alam ko na ang paksang ito? Mga bagay na makakatulong sa mga mambabasa upang mas

maunawaan ang iyong paksa Ano ang hindi ko alam sa aking paksa?

Ano pa ang dapat kong malaman? Paano ako mangangalap ng impormasyon?

Ano ang iniisip ko? Mga bagong obserbasyon

PROSESO NG PERSONAL NA PAGTUGON SA ISANG ANATIKAL NA PAGSUSULAT

1. Kabuuan - Gumawa ng maikling pangungusap na nagsasaad ng teksto.

2. Ebalwasyon - Kailangang tuloy-tuloy. Kailangan ding may konkreto at malinaw reaksyon na

kaya mong suportahan.3. Analisis

- Kapag nag-aanalisa, hinahati-hati ang teksto sa iba’t ibang bahagi.4. Sintesis

- Kapag nagsisintesis, naghahanap ng koneksyon sa pagitan ng mga ideya.5. Pagpili ng Tamang Paksa

- Maaari kang bigyan ng prompt ng iyong propesor. Ito ay tanong na dapat mong i-eksplor o kaya problemang hahanapan mo ng lunas. Kung hindi naman prompt, maaring paksa ang ibigay at kung ganoon nga kausapin ang propesor upang malaman ang kanyang ekspektasyon.

- Sa pag-iisip ng paksa, itanong ito sa sarili: a. Nakabuo ka na ba ng intelektwal na tanong?b. Probokatib ba ang tanong?c. Masasagot mo ba ang tanong sa maiikling pahina?

Page 3: Filipino Reviewer

d. Kapag malawak ang iyong tanong, paano mo ito pasisimplehin.e. Inaadres ban g iyong tanong ang teksto at konteksto?f. Nakonsidera mo na ba ang komento ng ibang iskolar tungkol dito?g. Papansinin kaya ng iyong mambabasa ang tanong? O sasabihin kaya nila

“so what?”6. Paghanap ng Retorikal na Katayuan

- Ibigay ng diretso kung ano ang gusto ipahiwatig. Ikonsidera ang iisipin ng mambabasa at ang iniisip mo ukol sa paksa. Ang retorikal na katayuan ay tumutukoy sa posisyon mo bilang manunulat sa termino ng paksa at mambabasa ng iyong sulatin.

7. Ikonsidera ang iyong Posisyon- Kapag nagsusulat ng papel, kumukuha ka ng posisyon o paninindigan mo rito.

Walang papel na mas papangit pa sa isang papel na hindi alam ng manunulat ang posisyon nya.

8. Ikonsidera ang iyong Mambabasa- Alamin kung sino at ano ang katayuan ng iyong mambabasa. Matapos alamin

ay determinahin kung ano ang pinakamabisang paraan upang maabutan sila. Huwag magsulat lamang para matuwa ang iyong propesor.

9. Pagkonsidera ng istruktura- Kakailanganin mong gumamit ng mga istruktura na susuporta sa mga

komplikadong ideya kaysa sa mga nakonsider mo ng hayskul.- Sa paggawa ng argumentong nagbabalita, gugustuhin mong umasa sa mga

istratehiyang organisasyonal, ngunit gugustuhin mong itago ang mga pangkalahatang payo.

10. Introduksyon- Ito ay dapat nagsisilbing dalawang bagay: dapat nitong ideklara ang iyong

argumento at dapat ilagay nito ang iyong argumento sa loob ng mas malawak na kombersasyon tungkol sa iyong paksa.

11.Pangungusap na Tesis- Ito ay dapat may puntong pinagtatalo, dapat itong magdeklara ng bagay na

kontrobersyal at may interes, sapagkat ang tesis ang pinakaimportanteng bahagi ng sulatin. Maaari itong ilagay sa unahan o sa katapusan ng introduksyon.

12.Magkabilang Panig- Lahat ng tesis ay may puntong pang-argumento. Obligadong kilalanin sa

sulatin ang kabilang panig ng argumento at idetermina kung saan at kung paano mo nais labanan ang oposisyon.

13.Kongklusyon- Ang pagsulat ng magandang kongklusyon ay mahirap. Masasabing

naghahanap ito ng balanse. Hindi ka maaring magdagdag ng bagong inpormasyon, hindi rin maaring magpalawig ka pa ng inpormasyon.

14.Paggamit ng tamang tono at estilo Sa kabuuan ang magandang sulating akademiko ay sumusunod sa tamang

batas ng pagsulat. Ang personal mo dapat ay bantayan. Huwag kang magsasabi ng mga

personal mong saloobin o karanasan hangga’t hindi ka hinihingan.

Page 4: Filipino Reviewer

Umasa sa ebidensya kaysa sa pakiramdam. Maaring sobrang nahuhumaling ka sa paksa, pero hindi ito palusot na ipabuhat ang retorika sa bola.

Bantayan ang personal na pangalan. Huwag masyadong gumamit ng Ako dahil magmumukhang bias o subjective ang papel mo.

Mag-ingat sa pakakaiba ng mga ispesipikong disiplina. May iba-ibang reference ang bawat disiplina. Maaring MLA, APA at iba pa.

Iwasan ang mekanikal na kamalian. Bantayan ang grammar at punctuation marks. Nakakabagal ang mga kamalian na ito sa pagiintindi ng mambabasa. Parating i-proofread and teksto.

MGA PATNUBAY PARA SA MGA BAGUHAN1. Magbasa at pumasok parati sa klase. Wala naman talagang matutunan kapag

hindi ka pumapasok.2. Magbigay ng atensyon hindi lamang sa sinasabi ng iba, pero kung paano nila ito

sinasabi.3. Huwag maguluhan sa ebidensya, sumpsyon at opinyon. Ang ebidensya ay isang

bagay na puwede mong ipatunay. Ang sumpsyon ay isang bagay na makukuha mo sa ebidensya. Ang opinyon ay ang sarili mong interpretasyon sa ebidensya.

4. Magbigay ng atensyon sa mga kailangan ng paksa.5. Sanayin ang iyong sarili sa bagong lenggwahe.6. Huwag magkamali sa pag-iisip na ang bagay na nakaprint ay may marka ng

katotohanan.7. Magbigay-atensyon sa standard at patakaran.

ANTAS NG PANANALIKSIK

Tesis o Pagpapahayag ng Layunin• Kadalasang hindi maayos.• Kapaki-pakinabang bilang lunsaran sa pagpaplano.• Nabubuo habang nag-iisip o nagsusulat ng paksa.• Maaring restricted o nilinaw at ginagawang introduksyon.

Pagpapahayag ng Tesis• Bumubuo ng asersyon tungkol sa paksa at hinuhulaan kung paano

mabubuo ang paksa. Hindi basta naghahayag kundi nagsasabi tungkol sa paksa• Ito ay nangangako sa mambabasa tungkol sa sakop, layunin, at direksyon

ng papel. Nilalagom nito ang kongklusyon ukol sa paksa.• Karaniwang makikita sa katapusan ng introduksyon o maihahayag sa

isang talata.• Ito ay nakapokus at sapat ang katiyakan.• Ang mga mahahalagang salita (pangngalan at pandiwa) ay dapat tiyak,

tamang tama at nagpapahiwatig ng hanay ng riserts, tema ng argumento at analisis, at organisasyon ng mga sumusuportang impormasyon

Page 5: Filipino Reviewer

Pagpapahayag ng Layunin• Tunguhin, sakop, at direksyon ng papel.• Kung ano ang dapat asahan sa papel at ano ang maaring maging tiyak na pokus• Halimbawa ng mga diskors:

• “Ang papel na ito ay sumusuri…”• “Ang layunin ng papel na ito ay…”• “Ang layunin ng sanaysay naito ay…”

• Paglinang ng argumento ngunit hindi pinapangunahan ang kongklusyon.• Katapusan ng introduksyon at maihahayag sa isang talata.• Sapat ang pagkatiyak.

Halimbawa ng pagpapahayag ng layunin at tesis• “Ang layunin ng papel na ito ay upang masuri ang mga epekto ng agraryong

reporma ng Pilipinas sa mga buhay ng magsasaka. Ang kalikasan ng paksa ay nagdidikta ng gamit ng parehong kronolohikal at comparativ na analisis ng buhay ng mga magsasaka sa iba’t ibang panahon noong repormang pansakahan sa panahon ng batas militar… Ang repormang pang-sakahan sa Pilipinas, halimbawa, ay nagbibigay ebidensya na ang distribusyon ng lupa ay mahalagang bahagi ng parehong pagpapabuti ng kondisyon ng magsasaka at ng pagbubuo ng demokratikonglipunan. Mas malawig at matagal na reporma ang magbibigay daan sa Pilipinas ng oportunidad upang mapalawig pa ng mga kaugnay-bansa.”

PROSESO SA PAGGAWA NG TESIS1. Kilalanin ang paksa

• Ang iyong paksa ay ang sabjek tungkol sa iyong isusulat.• Maaaring magmungkahi ng iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng paksa o

magbibigay pangalan sa isang malawak na konsepto na aalamin o susuriin • Mga dapat tandaan:

• Konsiderahin kung ano ang hinihingi ng takdang aralin.• Alamin ang mga impormasyon tungkol sa paksa.• Magpokus sa isang aspekto ng paksa.• Isipin kung ang paksa ay karapat dapt sa iyong pagsisikap.

2. Kunin ang pangunahing ideya mula sa iyong paksa• “ideyang kumokontrol” o “ideyang nagkokontrol”• Pundasyon ng argumento• Ideya kung saan iniuugnay ang lahat ng sub-tesis• Mga dapat tandaan:

• Maghanap ng mga patern sa iyong mga ebidensya.• Gumawa ng pagpapahayag ng layunin.• Alalahaning mabuti ang kapupunan ng iyong papel sa lahat ng

oras.• Kailangan itong mag-evolve habang bumubuo ng bagong

pananaw, humahanap ng bagong ebidensya, o kumukuha ng ibang paraan tungo sa iyong paksa.

Page 6: Filipino Reviewer

3. Gumawa ng draft na pagpapahayag ng tesis• Mga teknik kapag nahihirapan simulan ang tesis na argumentative.

TEKNIK DESKRIPSYON HALIMBAWA1. Pagpapahayag ng layunin

Magsimula sa pagpapahayag ng layunin na magiging pagpapahayag ng tesis kalaunan.

Assignment: Talakayin ang kasaysayan ng Reform Party at ipaliwanag ang impluwensya nito sa presidensyal at kongresyonal na eleksyon noong 1990.Pagpapahayag ng layunin: Ang papel na ito ay naglalarawan ng kasaysayan ng grassroots at konserbatib na Partido Repormang pinangunahan ni Perot at nag-aanalisa kung paano ito nakaimpluwensya sa ekonomikal at sosyal na idelohiya ng dalawang mainstream na partido.

2. Tanong patungo sa asersyon

Kapag ang assignment mo ay nagtatanong ng partikular na punto, gawin ang katanungan patungo sa asersyon at magbigay ng dahilan kung bakit ito makatotohanan o ng dahilan para sa iyong opinyon.

Assignment: Ano ang dapat na ipagparangalan nina Alymer ar Rappaccini? Bakit hindi sila kuntento sa ganitong mga bagay? Paanong ang pagmamalaki, tulad ng ipinakita sa “The Birthmark” at “rappaccini’s Daughter” ay nakapagdulot ng mga hindi inaasahang problema?Pagsisimula ng pagpapahayag ng tesis: Sina Alymer at Rappacinni ay ikinagagalak sa kanilang mga kaalaman; subalit, sila ay makasarili rin at napilitang gamitin ang kanilang kaalaman upang magbago ang ilang aspeto ng kalikasan bilang pagsubok sa kanilang mga kakayahan.Ang kasamaan ay nangyayari kapag sila ay sumusubok na “maging Diyos.”

3. Pangunahing ideya

Sumulat ng pangugusap na magbubuod ng pangunahing ideya ng iyong sanaysay na plano mong isulat.

Pangunahing ideya: Ang dahilan kung bakit ang ilang laruan ay nagtatagumpay sa pamilihan ay nakakahikayat sa mga mamimili at sa kanilang pangunahing pagnanasang tumawa sa kanilang mga sarili.

4. Ilista ang mga ideya.

Gumawa ng mga listahan ng mga ideya na gusto mong isama; ikonsidera ang mga ideya at subukin sialng igrupo.

A. Kalikasan = KapayapaanB. Pandigmang materiel = marahas

(Kakumpitensya ng A?)C. Pangangailangan ng oras at espasyo upang

pagluksaan ang namatayD. Hindi maiiwasan ang digmaan

(Kakumpitensya ng C?) 5. Formula Gumagamit ng formula

upang makarating sa maaring magamit na pagpapahayag ng tesis (Ayusin ito pagkatapos).

A. Bagaman marami sa mga mambabasa ay ____ hindi sumang-ayon na ____, ang masusing pagsusuri ay nagpapakita na ____.

B. ____ gumagamit ____ at ____ upang mapatunayan na ____.

C. Phenomenon X ay isang resulta ng kombinasyon

Page 7: Filipino Reviewer

ng ____, ____, at ____.3. Ayusin at pakinisin ang pagpapahayag ng tesis

•Para makuha ang faynal na tesis, kailangan mong ayusin ang iyong draft upang maging tiyak at mapanghamon.

•Tanungin kung ang draft ng iyong tesis ay nakaukol sa assignment.•Kuwestiyunin ang bawat bahagi ng iyong draft na tesis.•Linawin ang mga malalabong prase at asersyon.•Imbestigahan ang mga alternatibo sa iyong draft na tesis.

Halimbawa ng Takdang-aralin:PAGSASAAYOS NG

MGA HAKBANG PAGBABAGO NG TESIS PALIWANAG

1. Magtanong Ang Drive-in ay isang interesanteng simbolo ng kulturang Amerikano at ang facilities na ito ay nagpapakita ng significant na karakteristik ng ating lipunan.

Ang pagpapahayag na ito ay hindi ginagampanan ang assignment dahil ito ay hindi nangangailangang ang mambabasa ay mag-isip nang kritikal tungkol sa lipunan.

2. Tanong Ang drive-in ay isang interesanteng simbolo ng kulturang Amerikano dahil kinakatawan nila ang pagkamalikhain at kahusayan sa negosyo ng mga Amerikano.

Ang pagpapahayag na ito ay mas tiyak sa pag-alam ng dalawang karakteristik ng mga Amerikano na sinisimbolo ng mga drive-in: pagkamalikhain at kahusayan sa negosyo. Ngunit, ang asersyon na ito ay bihirang magamit sa mga argumento.

3. Linawin Sa mga tipo ng mga kagamitan ng drive-in na pamilyar noong siglo 20, ang drive-in movie theatres ang pinakakumakatawan sa pagkamalikhain ng mga Amerikano, hindi lanang dahil sa ang mga nauna sa drive-in at drive-through, ngunti dahil sa kinalabasan ng ma ito sa ating kultura: Iniba nila ang paraan upang maranasan ng mga tao ang panunuod ng sine at binago ang pagpunta sa mga sinehan tungo sa isang gawaing pampamilya.

Ang pagpapahayag na ito ay nagpapakilala ng bagong ideya at ito ay ang unang pagpapahayag na puwedeng gawing argumento. Ang bagong impormasyon ay ang Drive-in movies ay nagpasimula ng mga progreso na nagpabago sa ating kultura.

4a. Imbestigasyon Habang ang drive-in facilities tulad ng sa fastfood, bangko, pharmacies at dry cleaners ay sumisimbolo sa ekonomikong kahusayan ng mga Amerikano, sila rin ay nakaapekto sa ating personal na mga istandard.

Pansinin ang pangugusap na ito na iba sa istruktura mula doon sa isang sinimulan mo (“Ang mga drive-in ay kumakatawan sa pagkamalikhain at kahusayan ng mga Amerikano”). Ang “faktwal” na impormasyon sa naunang pahayag ay naisama sa isang dependent clause (“Habang ang mga drive-in...

Page 8: Filipino Reviewer

4b. Habang ang drive-in facilities tulad ng sa mga fast foods, bangko, pharmacies at dry cleaners ay sumisimbolo sa (1) kahusayan sa negosyo ng mga Amerikano, (2) sila ay nakaambag sa pagtaas ng homogenization ng ating kultura, (3) ang kagustuhang maging hindi personal ang relasyon sa at (4) sa posibilidad na masakripisyo ang kalidad para sa kaginhawaan.

Kahusayan”). Ang masisitang bahagi ng iyong ideya ay makikita sa di malayang sugnay (“nakaapekto rin sila sa personal nating istandard”). Sa madaling salita, ikaw ay hindi na nagpopokus sa kaisipang ang karamihan ng mga tao ay sumangayon; sa halip, ikaw ay gumagamit ng mga halatan bilang punto ng pag-alis sa iyong ideya na kailangan mong “patunayan”.Ang pagpapahayag na ito ay tiyak na gumaganap sa lahat ng bahagi ng assignment. Ang bersyon na ito, tulad ng ibang tesis, ay hindi madaling mapuna; ang mga punto, 1-4, ay kailangang mapatunayan ng ebidensya sa katwan ng iyong papel. Ang mga numero sa pagpapahayag na ito ay nagpapakita ng ayos kung saan maipepresenta ang mga punto. Depende sa haba ng iyong papel, maaaring magkaroon ng isang talata sa bawat isang aytem na may numero o maaaring mayroong grupo na talata sa mga pahina ng bawat isa.

5. Kumpletuhin ang faynal na pagpapahayag ng tesis• Mahalaga ang konteksto.• Panatiliing nakapokus sa assignment.• Eksakto, nakapokus, at mapanghahawakan ang pagpahayag ng tesis.• Siguraduhing nasa iyong kaisipan ang kapupunan ng iyong tesis sa lahat ng

oras.

PAANO MAIWASAN ANG PLAGIARISM?

PARAPHRASING - Paglalagay ng sipi mula sa awtor tungo sa sarili mong salita.PAGKOKOWT - Paglalagay ng sipi ng isunulat ng awtor mula sa kanyang eksaktong mga salita.

Ang plagiarism ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman ukol sa kung ano ang dapat mong isulat sa iyong papel.

Kapag gumamit ng:1. Tiyak na mga salita at parirala2. Impormasyon at mga ideya3. Pangkaraniwang kaalaman

Page 9: Filipino Reviewer

a. Pangkahalatang karaniwang kaalamanb. Field-specific na pangkaraniwang kaalaman

Dapat ba akong mag-paraphrase o magkowt?- Sa pangkalahatan, may mga piling pagkakataon lang kung kailan kinakailangan

gumamit ng direktang pagsipi sa isang papel. Kadalasang ginagamit ay ang pagpaparaphrase

Kailan dapat magkowt?› Sa papel na panliterari analisis.› Sa mga riserts.› Ideyang napahayag, hindi tiyak na wika.

Kailan dapat magbuod o magparaphrase?– Ideyang napahayag, hindi tiyak na wika.– Pagpapaikli ng mahahalagang ideya.

Pagkalahatang Tuntuning habang nagpaparaphrase: Intindihin ang kabuuan ng texto. Maging mapili. Isipin ang iterprasyon ng ibang tao. Maaaring gumamit ng direktang pagkowt sa loob ng paraphrase.

Mga paraan ng pagparaphrase:A. Ilayo ang tingin mula sa sors at nagsulat.B. Magtala.C. Habang tumitingin sa sors, baguhin muna ang istruktura, pagkatapos ay ang

mga salita.› Pagiiba ng istruktura› Pagiiba ng salita

Pano magkowt ng sors?A. Pagpapakilala sa pahayagB. Paglalagay ng format sa pahayagC. Paglalagay ng mga panipi

Pagpapakilala sa Kowtasyon: Dalawang elemento sa paglalagay ng kowtasyon

1. Senyales na papalapit na ang iyong kowtasyon (Kadalasan ito ay ang pangalan ng awtor at/o referens ng gawa

2. Asersyon na nagpapakita ng kaugnayan ng kowtasyon sa iyong tekstoSi Ross (1993), sa kanyang pagsasaliksik sa mga mahihirap at mga ina na nasa working-class sa London mula 1870-1918, ay nilinaw ang ekonomik na kalagayan sa malawig na aspetong nagbibigay katiyakan sa kahulugan ng pagiging ina. Sa gitna ng populasyong ito, “ang ina ang gumagawa para sa at nagsasaayos ng pagkabuhay ng tahanan” (p. 9).

Page 10: Filipino Reviewer

Paglalagay ng format sa pahayag: Maglagay ng maikling direktang prosa

- Lagyan dobleng panipi

Ayon kay Jonathan Clarke, “Ang mga propesyonal na mga diplomat ay kadalasang sinasabi na magisip sa diplomatikong pamamaraan tungkol sa polisiya ng ibang bansa ay pagsasayang ng oras.”

Mas mahabang prosang pahayag- magsimula sa panibagong linya- ang kabuuan ng kowtasyon ay naka-indent (pormang block)- walang mga panipi

*Tandaan na ang iba pang mga alituntuntunin (e.g. minimum na bilang ng salita at bilang ng speys ng pagkaindent) ay depende sa sistemang iyong ginagamit kaya’t mabuting alamin muna kung paano ang kowtasyon sa sistemang iyong gagamitin. Hal. Sa APA, 40 na mga salita ang minimum na bilang

Mas mahabang prosang pahayag

Nagbibigay ng mga kategorya ng asignaturang pang-edukasyon si Khubchandani (sa Fortunato 1998) at ang isa rito ay may ganitong deskripsiyon:

Asignaturang nangangailangan ng demonstrasyong at nanghahawakan ang malikhain samga kongkretong simbolong biswal at iba ang simbolong labas sa wika; asignatura sa siyensyaat teknolohiya gaya ng medisina, inhinyeriya, pisika, zoology, kompyuter, at ilan pang asignatura sa level tersiyarya na gumagamit ng simbolong di linggwistiks, kasama ang matematika at astronomiya.

Pahayag ng hanggang 3 linyang patula- Kailangang maisama sa iyong pangungusap

Sa “Julius Ceasar,” si antony ay nagsimula ng kanyang kilalang talumpati ng “Mga kaibigan, Romano, Kababayan, ipahiram ninyo sa akin ang inyong mga tainga;/ Pumunta ako upang ilibing si Ceasar, hindi upang papurihan siya”(III.ii.75-76).

Pahayag na higit sa tatlong linyang patula- naka-indent- walang panipi hangga’t kailangan mo magsama ng konotasyon sa loob ng

iyong kowtasyon

*Ito’y maihahalintulad sa mas mahabang prosang pahayag

Page 11: Filipino Reviewer

Pagbabantas ng mga panipi- Para sa maiikling kowtasyon: lagyan ng citations sa labas ng pasarang panipi at

sundan ito ng pambantas sa pangungusap (tuldok, tandang pananong, kuwit, tuldok-kuwit, tutuldok)

“Maikling kowtasyon” (citation)bantas ng pangungusap*tingnan din ang susunod na halimbawa

Parenthetical na pagbabanggit

Si Menand (2002) ay kinunsidera ang wika bilang “isang sandatang panlipunan” (p. 115).

Pahayag sa loob ng pahayag- Gumamit ng isahang panipi para sa nakapaloob na kowtasyon

Ayon kay Hertzberg (2002), si dahl ay nagpahayag tungkol sa konstitusyon ng US, “masamang pangitain sa ‘demokratikong pagkakapantay-pantay’ at ‘pagsulong ng consensus’” (p. 90)

Saan nilalagay ang mga bantas sa kowtasyon?

Mga kuwit at tuldok

Si Hertzberg (2002) ay itinalang “ang pagtrato sa konstitusyon bilang hindi perpekto ay hindi bago,” ngunit dahil sa mga kredensyal ni Dahl, ang kanyang “apostasi ay karapat-dapat para sa atensyon” (p. 85).

Mga tuldok-kuwit at tutuldok-Ilagay sa pasarang panipi o pagkatapos ng parenthetical na pagbabanggit

Mga tandang pananong at padamdam

Si Menand (2001) ay tinanaw ang Modern English Usage ni H. W. Fowler na isang “klasik ng wika,” ngunit tinanong niya, “Ito ba ay patay na klasik?” (p. 114).

Pagpapakita ng mga pagbabago sa kowtasyon:

Pagkowt lamang sa bahagi ng kabuuan- Gumamit ng ellipsis points ngunit hindi ito pwede ilagay sa simula o sa

katapusan ng pahayag

Bagama’t ito ang mga pangunahing kagamitan ng gay lingo sa loob ng Filipino gay community…pati sa labas ng Filipino gay community ay ginagamit na rin ito.

Page 12: Filipino Reviewer

Pagdaragdag ng paglilinaw, komento, o pagtatama - Gumamit ng square brackets sa loob ng kowtasyon- Gumamit ng [sic] (ibig sabihin ay “so” or “thus”) upang mapakitang may mali sa

sors na iyong kinowt at hindi sa iyo mismo

Paano bumabanggit ng maramihang sors ng isang referens?

Dalawa o higit pang mga gawa sa isang parenthesis- ayusin base sa pagkakaayos ng listahan ng mga referens at gumamit ng

tuldok-kuwit sa pagitan ng mga gawa

Ilang mga tagapagsaliksik:(Greenberg, Domitrovich, & Bumbarger, 2000; Roy, 1995; Yawn et al.,

2000)

Representatib na mga gawa- Gumamit ng e.g. para sa halimbawa sa pagsisipi bago ang pagsisiping

parenthetical

Ang pangangailangan sa mas epektibong pag-iwas sa sakit sa pag-iisip sa mga bata ay naging pokus ng maraming reports(e.g. National Institue of Mental Health , 1998; U.S. Public Health Service

2000; Weist, 2011)

Pangunahing gawa kasama ang iba- Gumamit ng tingnan din pagkatapos ng pangunahing gawa

(Roy, 1995; tingnan din embar-Sheldon, 2000; Greenberg, 2001)

Paano bumabanggit ng elektronik na sors? Kabuuang website

- Huwag ilagay ang URL sa listahan ng mga referens, sa halip ay isama ito sa in-text citation

The University of wisconsin’s Writing Center Website is an excellent source of information on writing (Http://www.wisc.edu/writing/).

Direktang kowtasyon mula sa elektronik na sors na walang bilang ang pahina- Gumamit ng bilang ng talata kasunod ng para.- Magdagdag ng bilang ng seksyon para sa mahabang dokumento

Universal interventions “target the general public or a whole population group that ahs not been identified on the basis of individual risk” (Greenberg et al., 2000, Section I, para. 20)

Direktang kowtasyon mula sa elektronik na sors na walang bilang ang pahina- Gumamit ng bilang ng talata kasunod ng para.

Page 13: Filipino Reviewer

- Magdagdag ng bilang ng seksyon para sa mahabang dokumento

Universal interventions “target the general public or a whole population group that has not been identified on the basis of individual risk” (Greenberg et al., 2000, Section I, para. 20)

SALING SALITANG KOMPYUTER

Bakit kailangan magsalin sa larangan ng kompyuter?- “Kailangan ang pagsasalin para makaabot ang gamit ng isang wikang pambansa

sa intelektwalisasyon o ang pagpapayaman ng register ng wika.”– Imelda P. De Castro

- Saang disiplina kabilang ang agham pang-computer at anong wika ang gamit dito?

- "Asignaturang nangangailangan ng demonstrasyon at nanghahawakan ang malikhain sa mga kongkretong simbolong biswal at iba ang simbolong labas sa wika; asignatura sa siyensya at teknolohiya gaya ng medisina, inhinyera, pisika, zoology, kompyuter, at ilan pang asignatura sa level tersiyarya na gumagamit ng simbolong di linggwistiks, kasama ang matematika at astronomiya" - Khubchandani (Fortunato 1998)

- *Higit sa autonomous, mahusay na nakapaghayag at nagaral at walang kabuluhan ang paghahatid ng impormasyon sa mga asignatura sa grupong ito.

Pagsasalin sa Larangan ng Kompyuter Ang pagsasalin ay may malaking ambag para sa modernisasyon at

intelektuwalisasyon ng Filipino.“Konstitusyong 1987, kailangang malinang ang pagkatuto sa dalawang wika (Ingles at Filipino) upang matamo ang mataas na kalidad ng edukasyon, mapalawak at malinang ang Filipino bilang wika ng diskursong pang-iskolar para sa patuloy na intelektuwalisasyon.” Ang itelektuwalisasyong wika ay kapag nagagamit na ang isang wika sa

talakayang pang-akademya, pambatasan, pangkabuhayan at iba pang disiplina at kaalamang pandaigdigan na nasusulat na sa wikang Filipino. (Gonzales at Sibayan 1988)

Sa pag-unlad ng wika, kaalinsabay din ang paglawak ng iba’t ibang disiplina o pangangailangan ng espesyalisadong wika/bokabularyong panggagamitan ng angkop sa bawat domain/larangang nababagay dito. Pumapasok ang register/varayti ng wika sa espesyalisadong gamit o Filipino sa iba’t ibang disiplina di lamang sa kompyuter kundi maging sa medisina, inhinyera at iba pang disiplinang pang-akademya.

Dalawang paraan ng pagpapahayag ng mga konseptong pang-kompyuter ang ginamit:

1. Humiram sa Ingles nang walang pagbabago sa ispeling lalo na kung panteknikal ang terminolohiya. (Hal. algorithm)

2. Baguhin ang ispeling ng terminong Ingles ayon sa ortograpiyang Filipino. (hal.

Page 14: Filipino Reviewer

algoritim)Dalawang wikang sangkot sa pagsasalin:

1. Simulaang lenggwahe (source language/SL) 2. Tunguhang lenggwahe (Target Language/TL)

Implikasyon ng pagsalin sa Filipino: Magdudulot ito ng problema kahit sa pagpili lamang ng salita na higit na mabilis na maintindihan ng mambabasa.

Dapat isaalang-ala:1.Alin ba ang higit na gamitin sa salitang kompyuter?2.Kailan dapat humiram sa Espanyol?3.Kailan dapat kunin na lamang ang gumagamit ng Ingles?4.Kailan pinanatili ang orihinal na baybay ng hiram na salita?5.Kailan naman binaybay batay sa tuntunin ng ispeling Filipino?

Kongklusyon:Ayon sa isang sarbey na naigawa, ipinapakita na kailangan manatili ang mga teknikal na salita na nauukol sa kompyuter upang hindi malihis sa kahulugan. Mas lalong lalawak, yayaman at tataas ang antas ng wikang Filipino sa ganitong paraan. Nagawa rin naman ng tagasalin na maghawak ng landas para mapayaman ang daigdig, modernisasyon at kultura, at teknolohiyang nagsilang sa inililipat na salita.

PAMANAHONG PAPEL - CHISWISANG BADINGERZIE: ISANG PAG-AARAL SA KALIKASAN AT GAMIT NG FILIPINO GAY

LINGO

MAIKLING PANANALIKSIK UKOL SA “GAY LINGO”

KAHULUGAN:• Ang Gay lingo ay isang uri ng pananalita na nagmula sa pilipinas na binuo ng

mga bading o bakla upang sila’y magkaintindihan sa isa’t isa.• Code, ika nga ng ibang tao upang sila’y humiwalay sa ibang tao kapag sila’y

magkakasama.• Ang tawag sa mga baklang magkakasama ay “federasyon” o ‘friendships”.

Kahulugan at kabuuan:• Ang gay lingo ay hango sa mga salitang galing sa ingles, Filipino, espanyol at

niponggo o kaya’y sa mga pangalan ng tao o kagamitan, kasintunog ng isang salita pero naiiba ang kahulugan at mga salitang walang kaugnayan sa kahulugan ng salita. o Halimbawa: sa wikang tagalong: Ang salitang hipon, sa wikang tagalog, ay isang

hayop na makikita sa dagat ngunit sa mundo ng Gay lingo ito ay pang-uri na nangangahulugang taong maganda o kaaya-aya ang katawan ngunit di kaaya-aya ang mukha.

Page 15: Filipino Reviewer

o Ito ay madaling maintindihan sa pamamaraan ng pagkain ng hipon nawa’y karamihan ay kailangan lamang ang katawan at tinatapon na lang ang ulo.

• Mayroong mga salitang ingles na naisasama na rin sa Gay Lingo.o Halimbawa: Ang salitang variables ay isang termino galing sa matematika na

iniba ang kahulugan nawa’y ito na ay nangangahulugang barya.o Gamitin sa Pangungusap: o “hale-eeeeer! mga friendships, meron ba kayong mga variables jan na pwede

kong ipampalit?”

• Pangalan na kasintunog ng orihinal na salita:o Halimbawa: Ang salitang nancy, sa tingin ng walang kaalam- alam sa wikang

bakla ay isa lamang pangalan ng kasariang pambabae ngunit sa mata ng iba, lalo na ang mga bakla ito ay nangangahulugang “nonsense” sa wikang ingles.

o Gamitin sa pangungusap:o “nancy naman yang sinasabi mo eh, sadyang di mo makakasya ang elepante sa

isang kwarto kung di mo sustentuhan ang anak mo sa kolehiyo”

• Walang kaugnayan sa orihinal na salitao Halimbawa: Flat shoes(kahulugang ingles) – isang uri ng sapatos na walang

takong at patag ang kanyang paanan.o (gay lingo) - “tama”o Gamitin sa pangungusap: “Flat shoes ka nga nung sinabi mong hindi niya

magugustuhan ang regalo ko sa kanya.”

• Gawa gawa nalang:o Chaka(panget), chararat(panget), baklush(bakla), lulu(tomboy), bilat(babae) ay

ilan lamang sa mga salitang walang kaugnayan sa salita o sa kahit anong salita sa wikang ingles o tagalog o kahit anumang wika sa buong mundo,sadyang makulay nga talaga ang mundo ng mga bakla.

o Magandang paksang isaliksik ang lenggwaheng bakla sapagkat di lamang ito ginagamit at naiintidihan ng bakla ngunit halos naiintindihan na ito sa labas ng komunidad ng mga bakla kaya’y marami ang makaka-releyt sa pagaaral na ito. At dahil ito rin ay isang lenggwahe na paiba iba sa lipas ng panahon, mainam na ito’y isaliksik upang magbigay kaalaman sa publiko kung ano ang pinagsasabi ng mga bakla nawa’y maintindihan nila ang mga pinagsasabi ng mga bakla para lahat ay magkaintindihan, lahat ay magkaunawaan.

• Kongklusyon:o Ang pananalita ng bakla , sa marami,ay isang paraan upang magbigay kulay sa

isang kombersasyon, pangungusap o ng isang wika.o Ang pagsasalita nito at ang patuloy na paghikayat nito sa lipas ng panahon ay

simbolo ng pinoy at mga bakla kung gaano sila kabihasa sa paggamit ng mga salita upang pasayahin ang isang kwentuhan. Ang gay lingo ay nagsilbing tulay para mawala ang diskriminasyong nararanasan ng ating mga kababayang bakla.

Page 16: Filipino Reviewer