komunikasyon sa pamilya

Preview:

DESCRIPTION

hhhhh

Citation preview

KOMUNIKASYON:

SUSI SA MABUTING UGNAYAN NG PAMILYA AT

PAKIKIPAGKAPWA

ANO ANG KOMUNIKASYON SA PAMILYA?

Hindi lamang pasalita mula sa mga miyembro ng pamilya, ito ay kung ano ang sinasabi, paano sinabi, bakit sinabi, kailan sinabi o sasabihin at ano ang nakaligtaang sabihin ng isang miyembro nito sa iba pang kasapi ng pamilya na maghahatid ng pagkakaunawaan sa isa’t isa.

Samakatuwid, ito ay hindi lamang pagsasalita kundi pakikinig at pag-unawa sa sinasabi, gayundin sa mga hindi sinasabi o hindi masabi ng kausap.

Bahagi rin ang pagbibigay reaksyon sa mensaheng ibinigay ng kausap.

PARAAN UPANG MAPAUNLAD ANG

KOMUNIKASYON SA PAMILYA

1. Gawing madalas ang komunikasyon.

Hindi dapat hadlang ang kawalan ng panahon sa pagkakaroon ng madalas na komunikasyon sa pagitan ng bawat kasapi ng pamilya.

Napakahalaga ang pag-uusap ng pamilya.

2. Maging maliwanag at tuwiran ang pakikipag-usap.

Nabanggit sa una na malusog ang ugnayan ng mga pamilyang sanay sa maliwanag at tuwirang pakikipag-usap.

Ang ganitong kasanayan sa komunikasyon ay lalong kinakailangan sa paglutas ng mga sigalot sa mga kasapi ng pamilya.

3. Maging aktibong tagapakinig.

Ang aktibong pakikinig ay pagtanggap at paggalang sa pananaw ng nagsasalita.

Pansamantalang itigil ang paghuhusga at paghusayin ang pang-unawa sa pananaw ng taong nagsasalita. Kailangan intindihin pareho ang pasalita at di-pasalitang mensahe ng iyong kausap.

Sa aktibong pakikinig ay mahalaga sa mabisang pag-uunawaan ng pamilya.

Ayon kay na Thames at Thomason, mga espesyalista sa pagpapaunlad ng pamilya at mga kabataan, ang mga pangunahing prinsipyo ng aktibong pakikinig ay ang mga sumusunod:

a. Himukin – palakasin ang loob ng kausap na ituloy ang gustong sabihin.

b. Liwanagin – tanungin ang kausap upang linawin ang narinig mula sa kanya.

c. Ulitin – sabihin sa iyong sariling pananaw ang iyong pagkakaunawa sa kanyang iniisip o nararanasan.

d. Pagnilayan – sabihin sa iyong sariling pananaw ang iyong pagkaunawa.

e. Lagumin – lagumin ang mga pangunahing ideya, tema at damdamin na inihayag ng kausap.

f. Patotohanan – pasalamatan ang pagiging bukas ng kausap at ang kahalagahan ng pag-uusap.

4. Maging bukas at tapat sa isa’t isa.

Ito ay mga sangkap ng isang mabisang komunikasyon.

Ang mga ito ay kailangan upang magkaroon ng tiwala sa isa’t isa.

Mga magulang ang pangunahing kasapi ng pamilya kaya sila dapat ang nangunguna sa pagpapakita nito.

5. Alalahanin mo ang taong iyong kinakausap.

Hindi lahat ng miyembro ng pamilya ay pare-pareho ang paraan at antas ng pakikipag-usap.

Hindi dapat pare-pareho ang estilo at antas ng pagsasalita at pakikinig sa kanila.

6. Maging alerto sa pag-unawa sa mga di-pasalitang mensahe.

Maraming mahilig sa di-pasalitang paghahatid ng mensahe o kaya naman ay ang mga gumagamit ng mga senyas na kung minsan ay mahirap maintindihan.

Sa mga kasong ganito, kinakailangang alamin mo o linawin ang ibig sabihin ng kausap.

7. Maging Positibo

Ayon sa pananaliksik, ang pamilyang hindi masaya ay epekto ng mga negatibong paraan ng komunikasyon.

Kaya napakahalaga ang pagpuri na galing sa bawat isa at pagsuporta sa mga paniniwala ng bawat kasapi upang magkaroon ng maayos na ugnayan ang mga miyembro ng pamilya.

MGA PARAAN NG PAGKAKAROON NG

POSITIBONG KOMUNIKASYON SA

PAMILYA

1. Maging interesado at ipakita ang iyong pagkawili sa sinasabi ng nagsasalita.

2. Makinig sa isa’t isa, pakinggan kung ano ang sinasabi ng bawat kasapi ng pamilya.

3. Maging sensitibo sa iyong damdamin, tukuyin ang nararamdaman at maging sensitibo.

4. Subuking unawain ang mensahe mula sa pananaw o posisyon ng iba.

5. Iwasang maging palapintas.

6. Iwasang palakihin ang di pagkakaunawaan.

7. Maging tapat at huwag magparatang.

8. Kapag kailangan ng pagtatalo, gawin itong positibo.

9. Tanggapin ang narinig, suriin ito, at huwag manghusga agad.

PAKIKILAHOK NG BAWAT MIYEMBRO

NG PAMILYA SA PAG-UUSAP

1. Mga batang nasa kinder o bago pa pumasok sa kinder.

Ang kakayahang makinig ay mahalaga sa isang bata sa antas na ito upang makilahok sa proseso ng komunikasyon. Kaya may tatlong paalala upang mapaunlad ang kakayahan ng isang bata sa pakikinig:a. Himukin ang bata na ituon ang pansin sa taong nagsasalita.b. Tawagin ang kanyang pansin sa ilang “natatanging salita”.c. Ipaalala sa kanya na magtanong kung mayroon siyang hindi naiintindihan.

2. Mga batang nasa elementarya.

Gaya ng mga batang nasa kinder, ang kakayahan sa pakikinig ay napakahalaga sa pagkatuto ng mga batang nasa elementarya.

Ang mga kakayahang ito ay makatutulong sa kanila sa pagkuha, pag-unawa at pagpapahayag sa kanilang pagkatuto.

Mahalaga rin na gabayan ang mga nakababatang kapatid na nasa antas na ito na magbigay-galang sa mga opinyon ng iba.

Ginagaya nila ang mga taong huwaran nila sa gawi ng pakikipag-usap.

3. Mga unang yugto ng pagdadalaga / pagbibinata.

Kabilang sa antas na ito ang mga nasa hayskul na nakikilala ang napakaraming pagbabagong nagyayari sa mundo.

Sa yugtong ito ng mga kabataan, sila’y nag-aasam na maunawaan sila ng ibang tao lalo na ng pamilya.

Kaya kailangan nilang maunawaan na ang kanilang kakayahan sa pagpapaunawa ng kanilang gusto at kakayahan umunawa sa iba ay nakasalalay sa kanilang mabisang pakikipag – komunikasyon.

4. Mga nasa huling yugto ng pagdadalaga / pagbibinata.

Ang mga kabataang nasa antas na ito ay nangangailangan ng mga kakayahan sa pakikipag-ugnayan lalo na sa katapat na kasarian.

Kapag mas mahusay ang kanilang kakayahan sa komunikasyon, mas mahusay din silang nangangasiwa sa kanilang suliraning pang interpersonal.

Mahalagang bigyang pansin ang di-pasalitang mensahe kapag sila ay nakikipag-usap.

5. Mga matatanda.

Ang mga matatanda ang nagsisilbing modelo ng komunikasyon sa pamilya.

Sila ang pumapansin sa pagpapahusay ng kasanayan sa komunikasyon para sa isa’t isa.

Ang mga anak na mula sa pamilyang hindi takot magpahayag ng kanilang damdamin at napakikinggan ay nagtatagumpay sa buhay.

Nakatutulong ang mga matatanda sa pamilya sa pagpapahayag ng bukas at maingat na pakikinig sa mga nakababata at iba pang kasapi ng pamilya.

Recommended