Pagtukoy sa Layunin Pananaw at Damdamin

Preview:

Citation preview

Huwag Po Itay!

Nais kong ibahagi sa inyo ang namagitan sa amin ng

aking itay isang abi. Hinding-hindi ko makakalimutan ang

gabing iyon. Malakas ang ulan noon nguni't maalinsangan ang

simoy ng hangin.

Ako ay nagsusuklay sa aking silid, katatapos ko pa lamang maligo at

nakatapis pa lamang noon . Narinig kong kumakatok si Itay sa aking

pinto. Nang sagutin ko ang pagkatok niya ay sinabi niya na kailangan daw

naming mag-usap at humiling na papasukin siya.

Binuksan ko ang pinto at siya'y agada na pumasok sa aking silid. Laking pagkagulat ko nang isinara niya ang pinto. Hinawakan ni Itay ang aking mga kamay, hinaplosniya

ang aking buhok, ang aking mukha, pinaraan niya ang kanyang mga daliri sa aking kilay, sa aking mga pisngi,sa aking

mga labi.

Napasigaw ako. "ITAY, huwag, huwag! Ako'y inyong anak! Utang na loob, Itay!“ Nguni't parang walang narinig ang aking

Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa. Ipinikit ko na lamang ang aking

mga mata dahil ayaw kong makita ang mukha ng aking ama habang

ipinagpapatuloy- niya ang kanyang ginagawa sa akin.

Naririnig ko si Inay sumisigaw habang binabayo ang pinto at

nagpipilit na ito'y buksan, "Hayop ka! hayop ka! Huwag mong gawin iyan

sa anak mo! Huwag mong sirain ang kanyang kinabukasan". Subalit wala

ring nagawa si Inay, hindi rin siya pinakinggan ni Itay.

Nanatili na lamang akongwalang katinag-tinag at ipinaubaya ko na

lamang ang aking sarili sa anumang gustong gawin ng aking Itay. Pagkalipas ng ilang oras ay tumigil na rin ang aking

Itay. Iniharap niya ako sa salamin ay ganoon na lamang ang aking

pagkamangha at pagkagulat sa aking nakita.

Magaling namanpalang mag-make-up si Itay.

Nang gabing iyon ay nagtapat sa akin ang aking ama. Bakla pala siya. Labis akong nagalak sa galing at husay ng

aking ama. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil lalo akong

gumanda ngayon.

Niyakap ko si Itay at parehokaming napaluha sa labis na kagalakan.Masaya na kami ngayon at nabubuhay

nang matiwasay.

Nagmamahal,

Berto♂♀

Pagtukoy sa Layunin at

Damdamin ng Teksto

Layunin Tumutukoy sa nais iparating at motibo

ng manunulat sa teksto. Mahihinuha ito sa pamamagitan ng uri ng diskursong ginamit sa pagpapahayag. Hal. Naglalarawan ba ito o kaya ay nagkukwento lang ng isang tiyak na karanasan o sitwasyon?

LayuninMaaari ding nangangatuwiran ito o

kaya naman ay hinihikayat ang mambabasa na pumanig sa opinyon o paninindigan niya. Sa layunin, tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyunan ng may akda.

DamdaminIpinahihiwatig na pakiramdam ng

manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo o kaya naman ay matibay na paniniwala o panindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa.

DamdaminDahil sa damdamin na ipinahahayag ng

teksto, hindi naiiwasan na ito rin ang nagiging pakiramdam ng mambabasa sa pagbasa nito. Sa katapusan ng pagbasa, maaari ding tasahin ng isang mambabasa kung nagtagumpay ba ang manunulat na iparamdam ang layunin ng teksto.

LAYUNIN

DAMDAMIN