7
M alinaw na ang rehimeng Duterte ang siya na ngayong guma- gampan ng papel ng neokolonyal na kliyenteng-estado ng mga imperyalistang US. Ang rehimeng US-Duterte, na siyang ma- rapat na itawag dito, ay tuwirang kumakalaban sa sambayanang Pili- pino. Ang mga deklarasyong "sosyalista" at "unang Kaliwang presi- dente ng bansa" ay natabunan ng kanyang pagpapailalim sa mga pa- takarang pang-ekonomya at panseguridad ng imperyalismong US kahit pa nakikipagkaibigan siya sa mga imperyalistang karibal ng US—ang China at Russia. Nagtayo siya ng gubyernong pi- nangingibabawan ng mga upisyal na panatikong tagasunod ng imperya- lismong US at ng adyendang neoli- beral ng triad na US/IMF/WB. Nag- papatupad siya ng mga hakbanging nagpapanatili ng hegemonikong paghahari ng US sa Pilipinas sa ma- lakolonyal at malapyudal na sistema ng Pilipinas. Dahil sa ambisyong diktador ni Duterte at pagsandig sa militar na sinanay, tinuruan at pinondohan ng US, talagang magiging sunud-sunu- ran siya sa kapangyarihan ng im- peryalistang US, laluna sa mga pa- takaran nito sa seguridad at "coun- terinsurgency". Tinangka niya ngu- nit nabigong itulak sa pasipikasyon at kapitulasyon ang Partido at ang mga pwersang pambansa-demok- ratiko ng mamamayan. Mabilis itong nagiging lantarang pasista at nagbabantang ipataw ang paghaharing diktador. Mga taktikang kamay-na-bakal ang gus- to ni Duterte. Napakarami nang pi- natay at winasak sa tatlong gerang kanyang inilunsad: ang tinaguriang gera kontra droga, ang gera laban sa mga Moro at ang todong-gera laban sa sambayanang Pilipino at kanilang mga pwersang rebolusyo- naryo. Pinalawig at balak na pala- wakin ang batas militar sa Minda- nao. Ang rehimeng US-Duterte ang kasalukuyang tagapangasiwa ng naghaharing reaksyunaryong siste- ma. Nakatuon itong pabilisin ang Komite Sentral, Partido Komunista ng Piipinas

· PDF file1. Sunud-sunuran ang rehimeng ... Tugmang-tugma ito ... Hukbong Bayan (BHB), NDFP at sambayanang Pilipino. Kahit noong

Embed Size (px)

Citation preview

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoANGEdisyong Pi l ipino

Espesyal na Isyu

Hulyo 26, 2017

www.phi l ippinerevolution. info

Malinaw na ang rehimeng Duterte ang siya na ngayong guma-gampan ng papel ng neokolonyal na kliyenteng-estado ng mgaimperyalistang US. Ang rehimeng US-Duterte, na siyang ma-

rapat na itawag dito, ay tuwirang kumakalaban sa sambayanang Pili-pino. Ang mga deklarasyong "sosyalista" at "unang Kaliwang presi-dente ng bansa" ay natabunan ng kanyang pagpapailalim sa mga pa-takarang pang-ekonomya at panseguridad ng imperyalismong US kahitpa nakikipagkaibigan siya sa mga imperyalistang karibal ng US—angChina at Russia.

Nagtayo siya ng gubyernong pi-nangingibabawan ng mga upisyal napanatikong tagasunod ng imperya-lismong US at ng adyendang neoli-beral ng triad na US/IMF/WB. Nag-papatupad siya ng mga hakbangingnagpapanatili ng hegemonikongpaghahari ng US sa Pilipinas sa ma-lakolonyal at malapyudal na sistemang Pilipinas.

Dahil sa ambisyong diktador niDuterte at pagsandig sa militar nasinanay, tinuruan at pinondohan ngUS, talagang magiging sunud-sunu-ran siya sa kapangyarihan ng im-peryalistang US, laluna sa mga pa-takaran nito sa seguridad at "coun-terinsurgency". Tinangka niya ngu-nit nabigong itulak sa pasipikasyonat kapitulasyon ang Partido at ang

mga pwersang pambansa-demok-ratiko ng mamamayan.

Mabilis itong nagiging lantarangpasista at nagbabantang ipatawang paghaharing diktador. Mgataktikang kamay-na-bakal ang gus-to ni Duterte. Napakarami nang pi-natay at winasak sa tatlong gerangkanyang inilunsad: ang tinagurianggera kontra droga, ang gera labansa mga Moro at ang todong-geralaban sa sambayanang Pilipino atkanilang mga pwersang rebolusyo-naryo. Pinalawig at balak na pala-wakin ang batas militar sa Minda-nao.

Ang rehimeng US-Duterte angkasalukuyang tagapangasiwa ngnaghaharing reaksyunaryong siste-ma. Nakatuon itong pabilisin ang

Labanan ang anti-mamamayanat pasistang paghaharing rehimeng US-Duterte

Komite Sentral, Partido Komunista ng PiipinasHulyo 26, 2017

Hulyo 24, 2017 ANG BAYAN2

Espesyal na Isyu | Hulyo 24, 2017

ANG

Ang Ang Bayan ay ini la lathala

dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido

Komunista ng Pi l ipinas

instagram.com/prwcinfo

youtube.com/PhilippineRevolutionWebCentral

@prwc_info

fb.com/philrevwebcentral

[email protected]

neoliberal na tulak para lalong pa-luwagin ang pakikipagkalakalan atpamumuhunan. Pinangako nitongpupwersahin ang mga proyektongimprastrukturang pinondohan ngdayong pautang na pakikinabanganpangunahin ng malalaking dayongkapitalista at lokal na kasosyongmalalaking burgesyang kompradorat mga burukratang kapitalista namagbubulsa ng malalaking komi-syon.

Dumaranas ang sambayanangPilipino ng lalong sumasahol na mgaanyo ng pang-aapi at pagsasaman-tala sa ilalim ng rehimeng US-Du-terte at mga bago at ipinagpapatu-loy nitong patakaran na nakasasa-ma sa mga manggagawa at magsa-saka, sa masang walang hanapbu-hay, sa mga estudyante at titser,maliliit na propesyunal at iba pangmay maliliit na kita. Ang kanilangmga pakikibakang masa at arma-dong paglaban ay matatag na su-musulong at lalong mabilis na susu-long sa harap ng panlipunan atpang-ekonomyang krisis na nagpa-pasidhi sa kanilang mga hangaringpambansa at demokratiko.

1. Sunud-sunuran ang rehimengUS-Duterte sa mga patakarangpanseguridad ng US.

a. Wala itong ginawang hakbangpara ibasura ang umiiral na mga di

pantay na tratadong militar sa pa-gitan ng Pilipinas at US, partikularna ang Mutual Defense Treaty(MDT), ang Visiting Forces Agree-ment (VFA), ang Enhanced DefenseCooperation Agreement (EDCA) atiba pa.

Pinahintulutan nito ang militarng US na isagawa ang 257 ehersi-syo kasama ang AFP sa ilalim ngMDT at VFA. Sa ehersisyong Bali-katan noong Mayo, di bababa sa2,500 tropa ng US ang pumasok saPilipinas para magpakitang-lakas sapanghihimasok, maglunsad ng "wargames" kabilang ang mga maniob-rang paglusob mula sa dagat, pag-papaputok at pagpapasabog atmagkasanib na maniobra. Nagsaga-wa sila ng mga operasyon sa Capiz,Leyte, Eastern Samar, Cebu, Auro-ra, Clark, Subic at iba pang lugar.Isinagawa nila ang gawaing hala-tang-halatang saywar tulad ng pa-kitang-taong pag-aayos ng mgaeskwelahan, pagtuturo ng kalini-sang dental, pagsasanay sa pagsa-salba at iba pa.

b. Inanunsyo nito na itutuloy ngmilitar ng US ang pagtatayo ng mgapasilidad nito sa loob ng mga kampong AFP, partikular sa (a) AntonioBautista Air Base (Puerto Princesa,Palawan); (b) Base Air Base (sa Flo-ridablanca, Pampanga); (c) sa FortMagsaysay (Nueva Ecija); (d) Lum-bia Air Base (Cagayan de Oro); at(e) Benito Ebuen Air Base (Mactan,Cebu). Sinimulan na rin ng US angpagtatayo ng mga permanentengistruktura para sa pag-iimbak atpagpupwesto ng mga sandata.

k. Binigyan nito ang militar ngUS, pati na ang mga kontraktor mi-litar nito, ng pribilehiyong mag-is-tasyon sa Pilipinas ng kahit ilangtropa at tauhan sa mga pasilidadmilitar para magsagawa ng paninik-tik at elektronikong sarbeylans,magsanay at magpayo sa lokal namilitar alinsunod sa mga doktrinang US, at tuwirang lumahok sa mgaoperasyong pangkombat. Isang ha-limbawa nito ang malamang na pi-nasimunuan at tuwirang nilahukanng militar ng US na operasyon

noong Mayo 23 para makuha angpabuya sa pagdakip kay IsnilonHapilon ng Abu Sayyaf na human-tong sa mga sagupaan sa Marawi atsa naiulat na pagkamatay ng ilangdaang tropa ng AFP katulad ngbulilyasong operasyong Mamasa-pano ng rehimeng US-Aquino noongEnero 2015. Kabilang sa unang ipi-nadala sa Marawi City noong Mayo24 ay mga tropang Philippine Sealsna nakabase sa Zamboanga, at angdaan-daang tropang ng malihim naLight Reaction Regiment na naka-base sa Fort Magsaysay, NuevaEcija. Kapwa yunit ay sinasanay atpinopondohan ng militar ng US.

d. Pinahintulutan nito angpwersang nabal ng Pilipinas na lu-mahok sa pinagsanib na patrolyakasama ang US Navy sa Sulu Seanoong Hulyo 1. Bagaman pinagba-walan ni Duterte ang PhilippineNavy na sumama sa pwersang US sapagpatrolya sa South China Seaupang di galitin ang China, hindi si-ya tumututol sa pagpasok ng mgabarkong pandigma ng US sa mgateritoryo sa dagat at ekslusibongsonang pang-ekonomya ng Pilipinas.Patuloy ang US sa mga operasyong"freedom of navigation" sa SouthChina Sea at ginagamit ang mgabarkong pandigma upang mapang-upat na lumapit sa mga teritoryonginaangkin ng China. Sunud-sunodang mga barkong pandigma ng USna dumadaong sa Pilipinas.

e. Nagdeklara ito ng "gera la-ban sa terorismo" na may layuningsupilin ang iba't ibang armadonggrupong Moro na umusbong labansa Bangsamoro Basic Law (BBL). Sanagdaang mga taon, aktibong iti-nutulak ng US ang BBL (at ang unanitong bersyon, ang Memorandumof Agreement on Ancestral Domaino MOA-AD noong rehimeng US-Arroyo). May ilang grupong Morona tumutuligsa sa US sa aktibongpakikialam nito sa lokal na pulitikasa Bangsamoro upang patalsikinmula sa poder ang mga angkan ogrupong kontra-BBL. Ang deklara-syong "gera laban sa terorismo" niDuterte ay nagbigay-daan sa pina-

ANG BAYAN Hulyo 24, 2017 3

igting na panghihimasok militar ngUS sa ngalan ng "paglaban saISIS". Ang pangmatagalang layuninng panghihimasok militar ng US sausaping Moro ay tiyaking mahawa-kan ang malaking bahagi ng maya-mang likas na rekurso, laluna mgalupang pamplantasyon, rekursongmineral at tubig sa loob at paligidng Bangsamoro para dambungin ngmga dayuhang kumpanyang US.

g. Ang kautusan nito sa AFP nakubkubin ang Marawi ay inilunsadat isinagawa alinsunod sa mga ka-paraanan at gamit ang mga sanda-tang US. Ang walang habas na aeri-al bombardment o paghuhulog ngbomba ay nagresulta sa lubos napagwasak sa Marawi City at sa pag-bakwit ng mahigit nang 410,000 saloob at paligid ng syudad. Ang ge-rang ito ay kopya sa walang habasna pambobomba ng US sa distritongAllepo at Raqqa sa Syria at sa syu-dad ng Mosul sa Iraq upang lumikhang "blangkong papel" para sa mala-laking kapitalista. Sa kampanyangpambobomba, lalong naging palaasaang AFP sa mga sarplas at gamit namga panalakay na helikopter ng USpati na sa tinaguriang mga "smartbomb." Naging pagkakataon rin itopara subukin at ibenta ang pinaka-bago nitong mga panggabing pang-atakeng drone. Tugmang-tugma itosa "disaster capitalism" na paglu-wal ng malawakang pagkawasakupang magbukas ng oportunidadpara sa kapitalistang pamumuhunansa mga serbisyong pandigma (mgakontratistang militar) pati sa sibil-yang imprastruktura at rekonstruk-syon. Umaaligid na ang mga bwit-reng negosyante sa Marawi kahitang mga napalayas ay di pa nga na-kauuwi at nakababalik sa normal napamumuhay.

h. Patuloy na binubuo ngrehimeng US-Duterte ang pasistangmakinarya nito. Itinutulak nito angpagpapatupad ng National ID Sys-tem na gagawing armas para samalawakang pag-eespiya at pagsu-pil sa mga kalayaang sibil ngmamamayan. Mahalagang sangkapng pasistang makinarya nito ang

pagkontrol sa istruktura ng impor-masyon. Pinagbantaan ni Duterteng panggigipit sa negosyo athayagang panunupil ang mgakritikong masmidya. Gumastos ngmalalaking halaga ang kanyang mgatagasunod sa pulitika upangmagtayo ng lambat ng pekeng mgainternet account para manipulahinang opinyong publiko sapamamagitan ng pagbaha sa socialmedia ng dagsa ng mga inimbentongkomento. Sa kabilang banda, ti-nanggal ang mga lehitimongaccount na tumutuligsa sa rehimen.Lumikha sila ng pekeng imahe ngmalawak na suporta para sa pasis-mo ni Duterte, sa kanyang pag-samba kay Marcos, todong pag-hamak sa mahihirap, pagkasuklamsa karapatang tao, lubos napagwalang-bahala sa pamamayaning batas at iba pang todong-reaksyunaryo at kontra-mama-mayang mga patakaran. Maramingulit na lumubha ang pagsupil sakatotohanan sa pagpataw ng batasmilitar sa Mindanao. Isang patunayang ganap na pagkontrol ng AFP atmga Amerikanong opereytor nito sakalagayan ng impormasyon sapagkubkob sa Marawi, at pinakilosmaging ang sarili nilang “media”upang kontrolin ang naratibo ngbatas militar hinggil sa umano'ymga teroristang ISIS, pagsupil samga naglalantad ng abusong militarat pagdambong sa mga kabahayanng mamamayan at maraming iba pa.

2. Tumatalima ang rehimengUS-Duterte sa doktrinangcounterinsurgency ng US.

a. Mula nakaraang taon, ipina-tutupad nito ang patakarang to-dong-gera laban sa Partido, BagongHukbong Bayan (BHB), NDFP atsambayanang Pilipino. Kahit noongmayroong dapat na magkasabay attumbasang unilateral na deklara-syong tigil-putok sa pagitan ng GRPat NDFP, ang AFP ay nagpakat ngmga tropa nito sa mga sonang geril-ya at naglunsad ng mga opensibongoperasyon. Sa katapusan ng 2016,sinimulan nito ang Oplan Kapaya-

paan na nagpatuloy at nagpaigtingng mga operasyong saywar, pani-niktik at pangkombat ng natapos naOplan Bayanihan na gera ng panu-nupil laban sa mga rebolusyonar-yong pwersa, na ipinadron sa UScounterinsurgency guide.

b. Noong Marso 9, 2017, iniutosni Duterte sa AFP na "patagin angmga bundok" at ipinagamit ang la-hat ng jetfighter, helikopter at lahatng ibang kagamitang pandigmaupang magsagawa ng aerial bom-bardment at panganganyon. Nag-lunsad mula noon ang AFP ng dibababa sa 20 kampanyang pam-bombomba na tumatarget sa mgakomunidad na malapit sa mga pi-naglabanan ng AFP at yunit ng BHB.Inilalagay sa peligro ng gayongpambobomba ang mga sibilyan atsumisira sa mga bukid at kalikasan.Ang mga ito'y ganap na paglapas-tangan sa pandaigdigang makata-ong batas. Idineklara ni Duterte na"pasensya na lang kung may mada-may" nang lubos na walang pagpa-pahalaga sa buhay ng mga sibilyan.

k. Sa ilalim ng rehimen, patuloyna dumarami ang mga kaso ng pag-labag sa mga karapatang-tao. Lu-makas ang loob ng mga tauhan ngmilitar at pulis na abusuhin ang ka-rapatang-tao dahil sa pasistangpananalita ng militaristang Duterte.Noon pang Nobyembre 2016, sina-kop ng mga pasistang tropa ng AFPang di bababa sa 500 barangay napinagsususpetsahan nilang bahaging baseng masa ng BHB. Ang ar-madong pwersa ng reaksyunaryongestado ay nasa likod ng halos 70kaso ng ekstrahudisyal na pagpatay(o mahigit isa kada linggo) laban samga di armadong aktibista, kara-mihan mga aktibistang magsasaka.Pinakamarami ang pinatay ng Eas-tern Mindanao Command, ang pa-boritong kumand ni Duterte. Dag-dag sa napakaraming pinalikas saMarawi City, mahigit 10,000 ma-mamayan sa Mindanao ang pwer-sahang nagbakwit bunga ng aerialbombardment ng AFP, pananakot atokupasyong militar sa mga komuni-dad. Ang mga aktibista sa hanay ng

Hulyo 24, 2017 ANG BAYAN4

mga manggagawa, estudyante, ka-babaihan at iba pang sektor ay isi-nasasilalim sa sarbeylans, pagba-banta at pananakot. Patuloy na tu-mataas ang bilang ng mga bilang-gong pulitikal.

d. Tinangka ng rehimeng US-Duterte na ipailalim, patahimikin atpasukuin ang Partido, ang bayan,ang kanilang mga pwersang rebolu-syonaryo at ang mga hayag na pam-bansa-demokratikong pwersa sapamamagitan ng pananalita at pa-kitang-taong gawa. Ang pagtakda ngilang hinirang ng NDFP sa kanyanggabinete ay kinontra ng malayongmas malaking bilang ng mga milita-rista at tagapagtaguyod ng neolibe-ralismo. Nangako siyang palalayainang mahigit 400 detenidong pulitikalsubalit 19 lamang na konsultant ngNDFP ang binigyan ng pansamanta-lang kalayaan. Hungkag ang mgadeklarasyon nitong pamamahagi nglupaing pampubliko sa mga magsa-saka.

e. Alinsunod sa doktrinang coun-terinsurgency ng US, interesado la-mang ang rehimeng Duterte sa ne-gosasyong pangkapayaaan ngNDFP-GRP para kasangkapanin sapagtulak ng pagsuko at pasipikasyonng mga pwersang rebolusyonaryo.Sa magkakasunod na pag-uusap, iti-nulak ng GRP ang NDFP na sumang-ayon sa isang pangmatagalang tigil-putukan na nagsisikap unahan angnegosasyon at kasunduan sa mga re-pormang panlipunan, pang-ekonom-ya at pampulitika. Matapos tumanggiang NDFP na tanggapin ang gayongiskema ng pagpapasuko, at sa payong mga utusan ng US na upisyal ngAFP, kinansela ni Duterte ang ikali-mang pag-uusap at naglatag ng ka-ragdagang mga di katanggap-tang-gap na kundisyon na nagtatapos narin ng negosasyong pangkapayapa-an.

g. Isinaalang-alang ng Partido atmga rebolusyonaryong pwersa naang lumalalang krisis ng malakolon-yal at malapyudal na sistema, angtumitinding kontradiksyon sa hanayng mga naghaharing uri at ang inte-raksyon ng mga salik na ito sa pag-i-

ral na ng mundong multipolar ay ma-kapagluluwal ng isang rehimeng ha-hamon sa imperyalistang domina-syon ng US at babasag sa malapyu-dal na pang-ekonomya at pampuliti-kang base nito. Sa batayang ito, ina-lok ng Kaliwa ang nabubuo pa la-mang na rehimeng Duterte ng posi-bilidad ng alyansa laban sa imperya-lismong US at para sa mga repor-mang progresibo para sa pakinabangng bayan. Subalit mabilis na ipinakitani Duterte ang kanyang hangaringmaging diktador sa inspirasyon niMarcos sa paglunsad niya ng madu-gong gera sa droga at sa okupasyonng daan-daang sibilyang komunidadsa unang ilang buwan ng kanyangpaghahari. Sa pagkahumaling niya samga patakarang kamay-na-bakal,napailalim siya sa kapangyarihan atkontrol ng mga imperyalistang US atmga ahente nito sa AFP.

h. Ang Oplan Kapayapaan at"todo gera" ng rehimen ay ibayongpinalala ng pagpataw ng batas mili-tar sa Mindanao. Laban ito hindi la-mang sa mamamayang Moro, kundilaban din sa mga pwersang pinamu-munuan ng Partido, laluna laban saBHB at baseng masa nito na mabilisna sumusulong sa isla sa nagdaangmga taon. Tinutukoy ng "OperationalDirective 02-17" ng AFP na kabilangsa mga susing tungkulin nito ang"(pagpapahina ng) armadong kaka-kayahan ng BHB," sa kabila ng nau-nang paggigiit na ang batas militarsa Mindanao ay nakatuon lamang saMarawi. Mula nang ipataw ang batasmilitar, naghuhuramentado ang mgapasistang tropa ng AFP sa pambo-bomba mula himpapawid sa NorthCotabato, Bukidnon, Davao del Sur,Davao del Norte, Davao City, Com-postela Valley at iba pang prubinsya.Ang batas militar ang napalakas ngloob ng mga paramilitar na inarma-san ng AFP para magbanta at mana-kot laban sa mga titser ng paaralangSalugpungan sa Talaingod, Davaodel Norte. Ang pananakot ng mgasundalo at paramilitar laban sa mgapaaralang Lumad na ALCADEV atTRIFPPS sa Lianga, Surigao del Suray pumwersa sa komunidad ng Lu-

mad na muling magbakwit sa takotna maulit ang naganap noong 2015na mga pagpatay ng mga paramilitarlaban sa kanila.

3. Nagpapatupad ang rehimengUS-Duterte ng mga patakarangneoliberal sa pang-ekonomyangdiktang imperyalista.

a. Ang mga batayang pataka-rang pang-ekonomya nito ay sumu-sunod sa dominanteng patakarangneoliberal ng triad na US-IMF-World Bank. Taliwas sa iginigiit ngmamamayang Pilipino na mapagpa-syang pagkalas sa nagdaang apat-napung taon ng liberalisasyon, pri-batisasyon at deregulasyon, ang ti-naguriang 10-puntong pang-eko-nomyang adyenda at “PhilippineDevelopment Plan 2017-2022” ngrehimen ay nagpapatuloy lamang saserye ng mga “planong pangkaun-laran” ng mga nagdaang rehimen nanakabatay sa disenyo ng IMF/WB.Inilatag nito ang layuning kamtinang isang “panggitnang-uring lipu-nan” pagsapit ng 2040, isang patu-nay na walang magiging pagbabagosa kalagayan ng mga inaapi't pi-nagsasamantalahang sektor sa su-sunod na ilang taon.

b. Tulad sa nakaraan, ang mgapatakarang pang-ekonomya nito aynakatuon sa pag-akit ng mga dayu-hang pautang at pamumuhunan sapamamagitan ng murang lakas-paggawa, mababang buwis at ga-rantisadong ganansya. Sang-ayondito, nagpanukala ito ng programasa reporma sa buwis na magpapa-baba sa buwis sa dayuhang pamu-muhunan, mga indibidwal na maymalaking kita at lokal na malalakingnegosyo; at magtataas sa bayaringbuwis ng mga mababang kita sapamamagitan ng pagtataas ng bu-wis sa mga produktong pangkonsu-mo upang makapagkamal ng karag-dagang P600 bilyon na taunang kitana magtitiyak sa mga dayuhangnagpapautang na may pondo parasa pagbayad.

c. Itinutulak din ng superma-yorya nito sa kongreso na amyen-dahan ang konstitusyong 1987

ANG BAYAN Hulyo 24, 2017 5

upang umayon ito sa todong libera-lisasyon sa pamumuhunan. Aktiborin itong nangangampanya upangtumulong sa pagtatatag ng Regio-nal Comprehensive Economic Part-nership (RCEP) sa pamumuno ngChina na mangangailangan ng pag-baklas sa lahat ng sagka sa pagsa-sanggalang sa pambansang patri-monya at lokal na mga negosyo la-ban sa di-pantay na dayuhang kom-petisyon.

d. Ipinagpatuloy nito ang pata-karan ng mura at supil na paggawa.Tumanggi itong dinggin ang sigawng mga manggagawa para sadagdag na sahod. Wala itong gina-wang hakbangin para itigil angpagbagsak ng sahod at sa halip aypinahintulutan ang mga patakarantulad ng “two-tier wage system”upang ipagpatuloy ang pagpapa-baba ng sahod ng mga manggaga-wa sa pinakaminimum. Nananati-ling ligal ang mga kaayusangkontraktwal na pag-eempleyo sailalim ng bagong patakarang inila-bas ng departamento sa paggawa(DOLE Order # 174) sa ilalim niDuterte. Patuloy na walang-habasna nilalabag ang karapatan ng mgamanggagawa sa loob ng mga eng-klabo sa paggawa.

e. Walang puwang ang mga pa-takarang neoliberal nito para sa re-porma sa lupa bilang hakbangin pa-ra sa katarungang panlipunan. Tali-was sa sigaw ng libreng pamamaha-gi ng lupa sa mga magsasakang wa-lang lupa, itinutulak ng rehimen angpagpapalit-gamit ng malalawak nalupain tungong mga plantasyon napinatatakbo ng malalaking dayu-hang mga kumpanya. Isa sa mgateritoryong pinagtatalunan sa lugarng Bangsamoro ay ang 1,100 ektar-yang plantasyon ng oil palm sa La-nao del Sur na ang operasyon aynatigil dahil sa pagkontra ng lokalna mamamayang Moro.

g. Puspusan ang pagsisikap ni-tong magpapasok ng malalaking ha-laga ng pautang at ayuda ng China.Noong Oktubre 2016, nangako angChina ng $24 bilyong pakete ngpautang ($19 bilyon) at ayuda ($5

bilyon) para sa samu't saring pro-yektong imprastruktura. Itinutulakng rehimeng Duterte ang 200-ek-taryang proyektong reklamasyon ngdaungan sa Davao, ang sistema ngtren sa Davao-Tagum, ang sistemang tren ng Mindanao at iba pangproyekto. Nakakuha rin ito ng $4.4bilyong pakete ng pautang mula saJICA (Japan International Coope-ration Agency) para sa Metro Mani-la Subway System.

h. Inianunsyo ng mga upisyal niDuterte ang planong gumastos ng$9 na trilyon sa susunod na limangtaon. Layunin niyang kunin ang in-teres ng pinakamalaking posiblengbilang ng malalaking burgesyakumprador upang makuha ang kani-lang solidong suporta. Para kay Du-terte, ang dambuhalang halaga ngpautang at ayuda mula sa China atiba pang imperyalistang bansa angsusi sa pagbubuklod at pagkokonso-lida niya sa malalaking burgesyakumprador, mga panginoong may-lupa at mga burukrata kapitalista.Nilalayon niyang gamitin ang ka-pangyarihang diktador upang pabi-lisin ang pagpapatupad ng mga pro-yektong ito, tiyaking magkaroonang bawat isa ng kani-kanyang par-te sa $24-bilyong tikoy ng China,patahimikin ang oposisyon at pag-bantaan ang mga korte laban sapaglabas ng mga restraining order.

4. Hinahayaan ng imperyalismongUS ang huwad na nagsasarilingpatakarang panlabas at anti-USna mga pagdadrama ni Duterte.

a. Nagbigay ng mga talumpa-ting anti-US si Duterte nitong naka-raang taon na nagdeklarang “hihi-walay na sa US” ang kanyang gub-yerno upang magtatag ng alyansasa China at Russia. Tinuligsa niyaang mga abuso ng US noong pana-nakop nito sa Pilipinas, maging la-ban sa agresyong US sa Iraq at ibapang bansa. Nagbanta siyang ipa-walambisa ang EDCA at pauwiinang mga sundalong Amerikano nanaka-istasyon sa Mindanao. Nag-deklara siyang wala nang pinagsa-nib na mga ehersisyong militar ka-

sama ang US.b. Napatunayang puro hangin

lamang ang mga pagtuligsa ni Du-terte sa US. Walang ipinatupad nakongkretong hakbanging pampata-karan na humahamon sa presen-syang militar at interbensyon ng USsa Pilipinas. Hindi rin tumindig siDuterte laban sa pagpapakitang-gilas ng US ng kapangyarihan saSouth China Sea o maging laban sapresensya at interbensyon atkontrol ng US sa AFP sa pamamagi-tan ng indoktrinasyon at pagsusup-lay ng mga armas.

k. Ang anti-US at pekeng nag-sasariling patakarang panlabas namga retorika ni Duterte mula Agos-to hanggang Setyembre noong na-karaang taon sa kabuua’y malakingpalabas lamang upang hikayatinang China na magbigay ng malakinghalaga ng ayudang pang-ekonomyaat militar para sa kanyang gubyer-no. Nakuha ni Duterte ang $24 bil-yong pautang at ayuda nang bumi-sita siya sa China noong Oktubre2016. Sa kanyang pagbalik, kapan-sin-pansin ang pagbawas ng tono niDuterte sa kanyang mga biradanganti-US at nagsimulang magbigay-diin sa pakikipagtulungan at paki-kipagkaibigan sa gubyernongTrump.

d. Kung susuriin sa pinakaba-tayan, ang pangakong $24 bilyon ngChina ay paunang bayad kapalit ngpatuloy na pananahimik ni Duterteat pagpayag sa sunud-sunod napagtatayo ng China ng mga pasili-dad militar sa Spratly Islands atpagpakat ng paparaming barkongpandigma sa South China Sea.

e. Hayagang niligawan ni Du-terte ang Russia para sa ayudangmilitar. Sa kanyang pakikipagpulongkay President Putin ng Russia noongMayo, humiling siya ng mababanginteres na pautang mula sa Russiaupang makabili ng mga sandatamula sa bansa. Nagpapakana siyang multong anti-ISIS upang hika-yatin ang suporta na kagamitangmilitar mula sa Russia. Gayunpa-man, sa kasalukuyan ay hindi inte-resado ang Russia na kantiin ang

Hulyo 24, 2017 ANG BAYAN6

paghahari ng US sa Pilipinas. Mini-mal lamang mga suportang militarng Russia sa mga bansa sa Southe-ast Asia.

g. Bukas ang imperyalismongUS sa malalaking pamumuhunan ngChina sa Pilipinas dahil nakakatu-long ito sa pagpapanatili ng mala-kolonyal at malapyudal na sistemasa ilalim ng imperyalismong US, la-luna sa gitna ng pandaigdigangmatagalang depresyon ng siste-mang kapitalista. Habang mulat namulat sa pangmatagalang layuninng China na kontrahin ang kapang-yarihan sa militar at ekonomya ngUS sa South China Sea, hindi itinu-turing ng US ang mga pakete ngpautang at ayuda mula sa Chinabilang kagyat na hamon sa pagha-hari nito. Sa kabilang banda, alamng China na ang AFP ay nananati-ling estratehikong haligi ng pagha-hari ng imperyalismong US sa ban-sa. Para pagyamanin ang pakiki-pag-mabutihang loob sa rehimengDuterte, nagbigay ito ng P370 mil-yong-halaga ng mga bagong armas,kabilang ang 3,000 ripleng armali-te. Gayunpaman, mistulang tinang-gihan ng AFP ang bulto ng armas sapagtanggap nito ng 100 lamang ha-bang ibinigay ang karamihan saPNP.

h. Patuloy na hahayaan ng mgaimperyalistang US ang pagdadra-mang anti-US at pro-China/Russiani Duterte hangga't ang mga ito ayhindi banta sa estratehikong pag-hahari ng US. Idineklara mismo niDuterte kamakailan na mananatiliang pakikipag-alyansang militar ngbansa sa US. Sa kabilang banda,kailangang panatilihin ni Duterteang pakikipagkaibigan sa China (ka-bilang na ang pananahimik sa mgapasilidad militar ng China saSpratly Islands) upang tiyakin nalahat ng ipinangakong pautang atayuda ay magmamateryalisa bilangmga proyektong imprastruktura.Gayunpaman, ang dominasyon ngUS sa Pilipinas ay pangmatagalangkonsiderasyon ng China at makapi-pigil sa kanya na magbigay ng masmalalaking pang-ekonomyang tu-

long sa Pilipinas.

5. Dapat labanan ng mamama-yang Pilipino ang rehimeng US-Duterte habang sinasamantalaang kontradiksyon ng naghaha-ring sistema.

Sa harap ng pagiging sunud-sunuran ni Duterte sa imperyalis-mong US at todong gera at batas mi-litar, sadyang walang ibang mapag-pipilian ang mamamayang Pilipinokundi ang isulong ang rebolusyona-ryong pakikibaka upang iabante angkanilang pambansa-demokratikongadhikain.

Lumalalim ang pagkadismaya ngmamamayan sa mga madramangdeklarasyon at engrandeng panlilin-lang ni Duterte. “Huwag ninyongsirain ang Republika! Huwag ninyongsirain ang mamamayang Pilipino,”talumpati niya, ngunit kasabay niyonay nagbabagsak ng mga bomba saMarawi at sa ipa pang lugar,naninira ng mga kabahayan, nang-wawasak ng kabuhayan ngmamamayan at maramihangpumapatay ng mahihirap nang maybuong paghamak. “Huwag ninyongsirain ang kabataan!,” inginangawaniya, habang inuutusan ang “kan-yang mga sundalo” na bombahin angmga paaralan ng Lumad at sirain angbuhay ng kabataan.

Si Duterte ang Tagapagtanggolng Republika ng malalaking burgesyakumprador, malalaking panginoongmaylupa, malalaking burukratakapitalista at mga imperyalistangUS. Siya ang Punisher ng mga api.Sinusugpo niya ang paglaban ng mgamanggagawa at magsasaka at hina-hawan ang daan para sa malalakingdayuhang bangko at malalaking day-uhang kapitalista.

Dapat buong-lakas na ilantad ngPartido at lahat ng rebolusyonary-ong pwersa ang mga kabulastuganng rehimeng US-Duterte. Dapatnilang ibuhos ang buong pagsisikapupang matatag na pagkaisahin angmamamayan at pakilusin sila upanglabanan ang rehimeng US-Duterte.

a. Dapat tutulan ng mamama-yang Pilipino ang paghaharing

kontra-mamamayan at pasista ngrehimeng US-Duterte. Dapat kunde-nahin ang kanyang tatlong gera attumindig para igiit ang katarunganpara sa lahat ng pamamaslang at ibapang brutalidad na ihinasik niya la-ban sa malawak na masa. Dapat si-ngilin ang rehimeng US-Duterte salahat ng mga bigong pangako nito.

Sa pagiging sunud-sunuran saimperyalismong US at paggamit ngmga taktikang kamay-na-bakal, la-long itinutulak ng rehimeng Duterteang mas dumaraming mamamayanna tumindig at lumaban. Mabilis nalumilitaw ang malawak na nagka-kaisang prente ng mamamayangPilipino at Moro laban sa rehimengUS-Duterte. Dapat nilang isulongang kanilang mga demokratikongpakikibakang masa at igiit ang ka-nilang karapatan at interes:

Igiit ang kagyat na pag-alis ngbatas militar sa Mindanao. Puspu-sang labanan ang pagpapalawig atpagpapalawak nito.

Ilantad at labanan ang mala-ganap na pang-aabuso ng militar sailalim ng batas militar at all-out warsa ilalim ng Oplan Kapayapaan.

Igiit ang pagwawakas sa pre-sensyang militar ng US sa Pilipinas.Igiit ang pagtukoy sa lahat ng tropaat sandata ng US at ang agarangpagpapalayas sa mga ito.

Ilantad at labanan ang lahat ngpatakarang neoliberal sa ekonomyaat mga planong higit na liberalisa-syon, pribatisasyon at deregula-syon.

Tutulan ang Tax Reform Law.Igiit na wakasan ang pagbabawasng badyet sa serbisyong panlipu-nan, pagwawakas ng pribatisasyonng pampublikong serbisyo at pag-papalawak ng libreng serbisyongpangkalusugan, edukasyon, paba-hay, kuryente, internet, atbp.

Igiit ang pagwawakas sa awto-matikong pagbabayad ng utang.Igiit ang pagbubukas sa publiko ngmga papasuking mga kasunduan sabagong utang. Ipanawagan angpananagutan sa lahat ng planongproyektong imprastruktura at angproteksyon ng mamamayan at kali-

ANG BAYAN Hulyo 24, 2017 7

kasan.Ipanawagan ang demilitarisa-

syon sa South China Sea, ang pag-papaalis sa lahat ng barkong pan-digma ng US at paglalansag sa mgapasilidad militar ng China saSpratly Islands. Ipanawagan angpagputol ng suportang militar at pi-nansyal sa batas militar ni Dutertemula sa US, pati na mula sa Chinaat Russia.

Igiit ang kagyat na pagtalimasa Comprehensive Agreement onRespect for Human Rights andInternational Humanitarian Law(CARHRIHL). Ipanawagan ang pag-papalaya sa lahat ng bilanggongpulitikal. Ikampanya ang pagwawa-kas sa pambobomba sa mga komu-nidad. Igiit ang pagtigil sa okupa-syon ng AFP at mga paramilitar samga komunidad.

Ipanawagan ang muling pagpa-patuloy ng usapang pangkapayapa-an ng NDFP-GRP na walang pau-nang kundisyon alinsunod sa TheHague Joint Declaration. Igiit angpagsunod ng GRP sa CARHRIHL atsa JASIG.

Igiit ang pagbuwag sa lahat ngasyenda at plantasyon at isulongang libreng pamamahagi ng lupa.

Isulong ang kolektibong okupasyonat bungkalan ng mga tiwangwangna lupa.

Igiit ang pagbabasura sakontraktwalisasyon. Itayo o mulingitayo ang mga unyon ng mga mang-gagawa at ipaglaban ang regulari-sasyon ng mga manggagawa, pag-tataas sa sahod at makataong kala-gayan sa paggawa.

b. Nananawagan ang Partido samamamayang Pilipino, laluna samga kabataan, na sumapi sa Ba-gong Hukbong Bayan (BHB) at mag-lunsad ng rebolusyunaryong arma-dong pakikibaka para labanan angpasista at maka-imperyalistang USna mga tropa ng AFP at iba pangarmadong grupo ng reaksyunaryongestado, maglunsad ng rebolusyongagraryo at itayo ang demokratikonggubyernong bayan.

Dapat isulong ng BHB ang ma-saklaw at maigting na pakikidig-mang gerilya sa papalawak at papa-lalim na baseng masa. Dapat tu-luy-tuloy na sagpangin ang inisyati-ba at ilunsad ang higit na papara-ming taktikal na opensiba atkontra-aksyong militar sa buongbansa para biguin ang all-out warng rehimeng US-Duterte sa ilalim ng

Oplan Kapayapaan sa harap ngsobrang pagbatak ng pwersa attauhang militar at labis na pagsan-dig sa suporta ng US.

Dapat abutin ng BHB ang pag-paparami ng bilang ng armas pa-ngunahin sa pagsamsam ng paraminang paraming armas mula sa kaa-way at sa iba pang pamamaraan.Maaaring ituon ang pangunahingbigwas laban sa pinakamasahol napasistang kriminal at salarin sa pi-nakabrutal na anyo ng abusong mi-litar at paglabag sa karapatang-tao, maging ang pinakamalalakingmandarambong ng kalikasan at ya-man ng bayan.

Dapat pabilisin ng BHB angpaglaki sa sikad ng rekrutment ngmga bagong Pulang mandirigma la-luna sa harap ng lumalaking bilangng mamamayan, laluna mga apingmagsasaka at manggagawa, mgaMoro, at ibang katutubo, na disma-yado na sa rehimeng US-Duterte atnaghaharing sistema.

Haharapin ng rehimeng US-Du-terte ang lahatang-panig na pagla-ban ng mamamayang Pilipino atMoro, at nanganganib na mas ma-lala ang sapitin kaysa kinamuhiangdiktadurang US-Marcos.