9
EDITORYAL M ariing pinupuna ng mamamayang Pilipino si Presidente Rodri- go Duterte ng GRP sa mga nakapako niyang pangakong pang- kapayapaan. Binabatikos nila ang pagkabigo niyang palayain ang mga detenidong pulitikal, na dalawang ulit niyang ipinangako. Bi- nabatikos rin nila ang pagpapakat ng mga tropang pangkombat sa mga komunidad sa kanayunan sa kabila ng ipinag-utos na magtigil-putok, na ngayo'y nagbunsod ng laganap na abusong militar laban sa masang magsasaka. Sa nagdaang ilang buwan, ilang ulit na ipinakita ng Partido, NDFP at mga rebolusyonaryong pwersa ang tiyaga sa pakikipagnegosasyong pangkapayapaan sa rehimeng Du- terte laluna sa harap ng mga pag- kaantala at bigong pangako at di totoong mga pahayag, at maging sa harap ng traydor na operasyong ar- mado at paniniktik ng mga arma- dong pwersa ng GRP. Sa diwa ng pakikipagkaibigan sa rehimeng Duterte, nagpakita ng pleksibilidad ang mga rebolusyonar- yong pwersa sa harap ng kabiguan ng GRP na tuparin ang nauna nang inaasahang pagpapalaya sa mahigit 430 detenidong pulitikal bago Ok- tubre 26 sa pamamagitan ng prok- lamasyong amnestiya ng presiden- te. Sa hangaring panatilihin ang magkatugmang deklarasyong tigil- putukan, nagpakapleksible ang Ba- gong Hukbong Bayan sa pagmama- niobra upang umiwas sa harap ng traydor na mga opensiba at ma- pandigmang operasyon ng AFP at Sa anibersaryo ng PKP NANANAWAGAN ANG Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas sa mamamayang Pilipino na ipamalas ang galit sa kabiguan ng rehimeng Duterte na tuparin ang mga pangakong pangkapayaan nito. Maglunsad tayo ng mga rali sa buong bansa sa Disyembre 26 upang ipakita ang ating pagkakaisa para sa makatarungan at pangma- tagalang kapayapaan kasabay ng pagdiriwang ng ika-48 anibersaryo ng Partido. Isang pambansang asembliya ang isasagawa sa isang sonang ge- rilya sa loob ng Davao City habang sabay-sabay na demonstrasyon ang ilulunsad sa loob at palibot ng mga sonang gerilya at rebolusyonaryong pook sa buong bansa. Hinihikayat ng Partido ang lahat ng sektor na naghahangad ng ma- katarungan at pangmatagalang ka- payapaan na lumahok at sumuporta sa mga rali na ito. Mag-organisa ng mga martsa at karaban upang idiin kay Duterte na tuparin ang kanyang mga pangako at ipatupad ang mga kasunduan, partikular ang pagpa- palaya sa lahat ng bilanggong puli- tikal at pagtatapos o pagsuspendi sa mga operasyon ng Oplan Bayani- han. Hinihikayat na dumalo ang mga kinatawan ng rehimeng Duterte upang mapakinggan nila mismo ang mga hinaing ng bayan. Layunin din ng mga demonstra- syong ito na pagkaisahin at pakilusin ang mamamayan na mag- lunsad ng mga pakikibaka at pagla- ban para sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.

· PDF filemga hinaing ng bayan. ... tugmang kasunduang tigil-putukan ... kong mga pangakong pangkapayapaan 1 Malalaking rali pangkapayapaan, ilunsad 1

  • Upload
    lynga

  • View
    383

  • Download
    55

Embed Size (px)

Citation preview

Pahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-MaoismoANG

EDITORYAL

Tomo XLVI I Blg. 24

Disyembre 21, 2016

www.cpp.ph

Ipamalas ang galit ng bayansa napapakong mgapangakong pangkapayapaan

Mariing pinupuna ng mamamayang Pilipino si Presidente Rodri-go Duterte ng GRP sa mga nakapako niyang pangakong pang-kapayapaan. Binabatikos nila ang pagkabigo niyang palayain

ang mga detenidong pulitikal, na dalawang ulit niyang ipinangako. Bi-nabatikos rin nila ang pagpapakat ng mga tropang pangkombat sa mgakomunidad sa kanayunan sa kabila ng ipinag-utos na magtigil-putok, nangayo'y nagbunsod ng laganap na abusong militar laban sa masangmagsasaka.

Sa nagdaang ilang buwan, ilangulit na ipinakita ng Partido, NDFP atmga rebolusyonaryong pwersa angtiyaga sa pakikipagnegosasyongpangkapayapaan sa rehimeng Du-terte laluna sa harap ng mga pag-kaantala at bigong pangako at ditotoong mga pahayag, at maging saharap ng traydor na operasyong ar-mado at paniniktik ng mga arma-dong pwersa ng GRP.

Sa diwa ng pakikipagkaibigan sarehimeng Duterte, nagpakita ngpleksibilidad ang mga rebolusyonar-

yong pwersa sa harap ng kabiguanng GRP na tuparin ang nauna nanginaasahang pagpapalaya sa mahigit430 detenidong pulitikal bago Ok-tubre 26 sa pamamagitan ng prok-lamasyong amnestiya ng presiden-te.

Sa hangaring panatilihin angmagkatugmang deklarasyong tigil-putukan, nagpakapleksible ang Ba-gong Hukbong Bayan sa pagmama-niobra upang umiwas sa harap ngtraydor na mga opensiba at ma-pandigmang operasyon ng AFP at

Sa anibersaryo ng PKPIlunsad ang mga

raling pangkapayapaan

NANANAWAGAN ANG KomiteSentral ng Partido Komunista ngPilipinas sa mamamayang Pilipinona ipamalas ang galit sa kabiguanng rehimeng Duterte na tuparin angmga pangakong pangkapayaan nito.Maglunsad tayo ng mga rali sabuong bansa sa Disyembre 26upang ipakita ang ating pagkakaisapara sa makatarungan at pangma-tagalang kapayapaan kasabay ngpagdiriwang ng ika-48 anibersaryong Partido.

Isang pambansang asembliyaang isasagawa sa isang sonang ge-rilya sa loob ng Davao City habangsabay-sabay na demonstrasyon angilulunsad sa loob at palibot ng mgasonang gerilya at rebolusyonaryongpook sa buong bansa.

Hinihikayat ng Partido ang lahatng sektor na naghahangad ng ma-katarungan at pangmatagalang ka-payapaan na lumahok at sumuportasa mga rali na ito. Mag-organisa ngmga martsa at karaban upang idiinkay Duterte na tuparin ang kanyangmga pangako at ipatupad ang mgakasunduan, partikular ang pagpa-palaya sa lahat ng bilanggong puli-tikal at pagtatapos o pagsuspendisa mga operasyon ng Oplan Bayani-han. Hinihikayat na dumalo ang mgakinatawan ng rehimeng Duterteupang mapakinggan nila mismo angmga hinaing ng bayan.

Layunin din ng mga demonstra-syong ito na pagkaisahin atpakilusin ang mamamayan na mag-lunsad ng mga pakikibaka at pagla-ban para sa makatarungan atpangmatagalang kapayapaan.

Disyembre 21 , 2016 ANG BAYAN2

pagbabago na pinalakas ng mgapangako ni Duterte. Pinalawig dinniya ang mga neoliberal na pataka-ran sa ekonomya (mababang sahodat pleksibleng paggawa, pagkaltassa mga serbisyong panlipunan, pri-batisasyon ng mga serbisyongpampubliko at iba pa) ng nagdaangmga rehimen na malawakang nag-pahirap sa mamamayang Pilipino.

Batid rin ng mga rebolusyo-naryong pwersa ang mga pag-u-rong ni Duterte mula Nobyembre.Pinagtibay niya ang "pakikipagkai-bigan at alyansa" sa US at puma-yag na maglunsad ang militar ngUS ng mahigit 257 magkasanib namga ehersisyong militar sa susu-nod na taon. Malinaw na pinili niDuterte na bawasan at iatras angkanyang retorikong anti-US upangsiguruhin ang suporta ng tali-sa-US na AFP.

Sa harap ng napakong mgapangakong pangkapayapaan niDuterte, ng pakikipagkaisa niyangayon sa US at AFP, ng nagpapa-tuloy na mga operasyong militar atgerang panunupil sa kanayunan,pahirap nang pahirap angpagpapanatili sa unilateral na dek-larasyong inilabas ng PKP.

Malinaw nang isinaad ng PKPna ang pagpapalawig ng tigil-putu-kan nito ay maisasagawa kung tu-tuparin ni Duterte ang pangako ni-yang palayain ang mga bilanggongpulitikal at ipag-uutos ang pag-aatras ng mga tropa nito sa mgasona at baseng gerilya.

Sinusuportahan din ng PKP angpagsisikap ng NDFP NegotiatingPanel na buuin ang isang magka-tugmang kasunduang tigil-putukansa GRP na may malinaw na probi-syong nagtatanggol sa mga sibil-yang komunidad mula sa tinaguri-ang mga operasyong sibil-militar atmagkakabisa pagkatapos ng pag-papalaya sa lahat ng bilanggongpulitikal.

Nakahanda ang mga rebolu-syonaryong pwersa na dagdagan paang tiyaga at hintaying maisagawaang gayong mga hakbang hanggangsa buwan ng Enero.

Editoryal: Ipamalas ang galit sa napapa-kong mga pangakong pangkapayapaan 1

Malalaking rali pangkapayapaan, ilunsad 1

Salita ni Duterte, walang silbi 3

Malalalang paglabag sa karapatang-tao 3

Operasyong militar sa Abra at Ilocos 4

Oplan Bayanihan sa Mindanao 5

Mga manggagawa sa plantasyon,pinagbabaril 6

Aktibista sa Tondo, pinaslang 6

2 bilanggo, nakalaya na 6

Pagsasamantala ng pamilyang Consunjisa Far South Mindanao 8

Mga krimen ng Consunji sa Daguma 9

Tomo XLVI I Blg. 24 | Disyembre 21, 2016

NilalamanANG

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

instagram.com/prwc.info

youtube.com/PhilippineRevolutionWebCentral

@prwc_info

fb.com/PhilippineRevolutionaryWebCentral

[email protected]

mga abusong militar ng mga arma-dong tropa ni Duterte sa saklaw ngmga sona at baseng gerilya.

Sinumpong na nagbagong-isip siDuterte at idineklarang walang bi-langgong pulitikal ang palalayainhangga't walang pinipirmahangmagkatugmang kasunduan sa tigil-putukan. Muling nagpapakapleksibleang NDFP sa pag-alok na talakayinat pirmahan ang gayong magkatug-mang kasunduan sa tigil-putukan namagkakabisa oras na palayain anglahat ng detenidong pulitikal.

Sa ngayo'y umabot na sa 115araw ang tigil-putukan ng BHB. Sakasaysayan, ito na ang pinakamata-gal, patunay ng malawig na kahan-daan ng mga rebolusyonaryongpwersa na suportahan ang pagbu-buo ng pakikipagtulungan kay Du-terte na minsang nagdeklarang si-ya'y Kaliwa at sosyalista.

Bukod sa pagpapalaya sa mgakonsultant ng NDFP at ng napaka-positibong ibinunga ng unang seryeng usapan, totoong nahikayat angmga rebolusyonaryong pwersa ngmga proklamasyong patriyotiko,

partikular, ang deklarasyon ng nag-sasariling patakarang panlabas atng pagbabantang wakasan ang pre-senyang militar ng US at ang mag-kakasanib na ehersisyong militar atibasura ang kasunduan sa pagbaba-se (EDCA).

Subalit batid na batid din ngsambayanang Pilipino at kanilangmga rebolusyonaryong pwersa angmga patakarang anti-mamamayanat di-demokratiko ni Duterte. Pina-kamatingkad rito ang lumalaking bi-lang ng mga ekstrahudisyal na pag-paslang na inupat ni Duterte at isi-nagawa ng mga pwersang pulis at nglumilitaw na lambat ng mga deathsquad.

Bukod sa ipinag-utos sa AFP naipagpatuloy ang mga operasyongOplan Bayanihan sa kanayunan,inutusan rin niya ang militar na big-yan ang dating diktador na si Ferdi-nand Marcos ng pambayaning libingsa lubos na paghamak sa mamama-yang Pilipino na labis na nagdusa sailalim ng batas militar.

Nananatiling di nakakamit anghangarin ng mamamayan para sa

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2016 3

Sa Pandaigdigang Araw sa Karapa-tang-tao noong Disyembre 10, bina-

tikos ng libu-libong mamamayan sa buongbansa ang lumalalang kalagayan ng ka-rapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Duterte. Nagpapatuloy ang militarisasyonat pang-aabuso ng Armed Forces of the Philippines sa kanayunan sa kabila ngtigil-putukan.

Lalupang lumala ang ekstrahu-disyal na pamamaslang ng mga si-bilyan, pareho sa ilalim ng mapanu-pil na Oplan Bayanihan at sa kun-wa'y gera kontra-droga ng rehimen.

Tuluy-tuloy rin ang pagtugis, ha-rasment at pang-aabuso sa mgaaktibista at lumalabang grupo saiba't ibang bahagi ng bansa. Duma-rami ang pagkakataong ginamit ng

Salita ni Duterte, walang silbi

PAULIT-ULIT NA pinatutunayan ni GRP Pres. Rodrigo Duterte na walang silbiang kanyang mga salita laluna kaugnay sa pagpapalaya ng mga bilanggongpulitikal. “Bigyan niyo ako ng pinirmahang kasunduan para sa bilateral na ti-gil-putukan at palalayain ko sila sa loob ng susunod na 48 oras. Pangako koiyan sa inyo,” aniya noong Disyembre 12. Ito ay matapos “nangako” siyanoong Disyembre 2 na palalayain niya ang 40 sentensyado at 130 matatandaat sakiting bilanggong nasa listahan ng NDFP sa isang pagpupulong sa mgakonsultant ng NDFP noong Disyembre 2 sa Davao City.

Ayon kay Fidel Agcaoili, pinunong panel ng NDFP, “nakababalahaat nakadidismaya” ang mga paha-yag ni Duterte. “Baliktad na balik-tad ito sa mga ipinangako niya saamin,” aniya.

Sa isang talumpati noong Di-syembre 8, inulit ni Duterte ang isasa kanyang naunang mga pahayagna hindi niya palalayain ang mga bi-langgong pulitikal dahil “mawawa-lan siya ng baraha.” Una niya itongsinabi noong Oktubre, matapos angpangalawang serye ng mga pag-uu-sap ng mga panel ng NDFP at GRPsa Oslo, Norway, kung saan pumir-ma ang kanyang mga negosyador saisang kasunduang nagsasaad ngproklamasyon ng amnestiya.

Dalawa sa mga 130 nakatak-dang palalayain ang kasalukuyangnasa ospital ngayon—sina AmeliaPond, 64, at Apolonio Barado, 62.Ipinasok sa Southern Philippines

Medical Hospital sa Davao City siPond noong Nobyembre 11 paraoperahan. Si Barado naman ay isi-nugod sa ospital ng New Bilibid Pri-son sa Muntinlupa City dulot ngpananakit sa dibdib noong Disyembre4.

“Ang kara-karakang paratang niDuterte na mga myembro ng BHBang lahat ng mga bilanggong puliti-kal ay nagpapakita na wala siyangpagkakaiba sa naunang mga rehi-men sa pagbibilanggo batay sa mgagawa-gawang kasong kriminal atpaggamit sa kanila bilang mga hos-tage para ipresyur at isahan angNDFP na pumirma sa isang walang-taning na tigil-putukan o kapitula-syon,” ayon pa kay Agcaoili.

Tuluy-tuloy din ang pagsisinu-ngaling ng GRP kaugnay sa tigil-pu-tukan at mga paglabag ng AFP sasarili nitong ceasefire. Nitong Dis-yembre 13, kinailangan na namang

rehimen ang "gera kontra-droga"para bigyang-matwid ang pama-maslang, pang-aaresto at panggi-gipit sa mga aktibista at rebolu-syonaryo.

Ayon sa Karapatan, umaabot na

Sa ika-68 Araw ng Karapatang-tao

Malalalang paglabagsa karapatang-tao,binatikos

pabulaanan ng NDFP ang pagpu-pumilit ng GRP na handa nang pu-mirma sa kasunduan ng bilateral natigil-putukan ang rebolusyonar-yong kilusan. Ani Luis Jalandoni,hindi iniaatras ng NDFP ang pusi-syon nitong obligasyon ng GRP angpagpapalaya sa mga bilanggongpulitikal. “Magkakabisa ang bila-teral na tigil-putukan 48 oras ma-tapos ito pirmahan, alinsunod saitinakdang panahon ni Pres. Du-terte para mapalaya niya ang mgabilanggong pulitikal, ” ani Jalan-doni. “Kung walang pagpapalayang mga bilanggong pulitikal, hindimagkakabisa ang tigil-putukan,”paglilinaw niya.

Samantala, lantarang hinarasng mga ahente ng estado ang da-lawa sa konsultant ng NDFP noongDisyembre 11. Papunta sa palipa-ran sina Ruben Saluta at ConchaAraneta-Bocala nang mapansin ni-lang sinusundan sila ng nakamo-torsiklong kalalakihan mula sa ti-nitirhan nila sa Quezon City. SinaSaluta at Bocala ay nagpyansanoong Agosto para makadalo saunang serye ng usapang pangka-payapaan. Hanggang ngayon, na-haharap sila sa mga gawa-gawangkasong kriminal.

sundan sa pahina 4

Disyembre 21 , 2016 ANG BAYAN4

Sa bayan ng Sallapadan, inokupang mga sundalo ang mga baryo ngBazar, Naguilyan, Sacaang at mgakanugnog nitong mga lugar. Mula paSetyembre, nagkakampo ang mgaelemento ng Alpha Coy ng 24th IB samga barangay hall at naghahasik ngteror sa mga komunidad. Idinadahi-lan nila ang “gera kontra-droga” atpagsugpo sa nakawan bilang mgadahilan ng kanilang presensya pero

sa aktwal, paglalasing, pagsusugal,pambababae, at paglalaro lamangng basketball ang kanilang inaatu-pag.

Inirereklamo ng mga naka-tatanda sa Sallapadan ang pag-uu-tos ng mga sundalo sa mga bata namagnakaw ng manok. Ginagamit dinnilang rason ang relief operationpara ilusot ang kanilang presensya.Sa aktwal, wala silang tinulungang

residente at ang sarili lamang ni-lang kapakanan ang kanilang ina-sikaso. Masahol pa, iligal nilanginaresto, kasama ng mga pulis, anglimang sibilyan na nangagaso sasaklaw ng kanilang baryo. Kinuhang mga pulis ang mga baril na gi-nagamit sa pangangaso at hindiibinalik ang mga ito.

Sa bayan ng Malibcong, sina-mantala ng mga sundalo ang reliefoperation para magkampo sa mgabarangay ng Gacab at Poblacion.Malisyosong pinagbintangan ng

Mga operasyong militar sa Abra at Ilocos

Tuluy-tuloy ang pamamayagpag ng mga elemento ng 24th IB at 81st IB saiba’t ibang baryo ng Abra at Ilocos sa kabila ng pagtutol rito ng mga re-

sidente, kabilang ang mga nakatatandang katutubo sa lugar.

sa 18 ang kaso ang mga pampuliti-kang pamamaslang, 20 kaso ang bi-gong pagpaslang at halos 14,000ang napalayas dulot ng mga opera-syong Oplan Bayanihan mula Hulyohanggang Nobyembre. Samantala,mahigit 5,000 na ang napaslang,karamihan mga maralita, sa gerakontradroga. Walang pag-aatubiliang rehimeng Duterte na yurakanang tamang proseso ng pag-aakusaat paglilitis, kahit sa kapwa nitongmga burukrata.

Kinundena rin ng mamamayanang kagustuhan ni Duterte na mag-patupad ng mga pasistang hakba-ngin—mula sa suspensyon ng writ ofhabeas corpus at muling pagbuhaysa kinamumuhiang PhilippineConstabulary, hanggang sa pagde-deklara ng batas militar. Ininsultoniya ang mamamayan nang para-ngalan niya ang diktador na siMarcos sa pamamagitan ng pagpa-palibing nito sa Libingan ng mgaBayani.

Sa larangan ng usapang pang-kapayaan, patuloy na tumatanggisi Duterte na palayain ang mayor-ya, kundiman lahat, ng mga bilang-gong pulitikal. Higit sa pangako,obligasyon ni Duterte na palayainang mga bilanggo alinsunod saCARHRIHL at pinakahuling mgakasunduan sa usapang pangkapa-yapaan ng NDFP at GRP. Dalawa

na sa sakitin at matatanda na ipi-nangako niyang palalayain ay nasaospital sa kasalukuyan. Maliban paito sa namatay dahil sa sakit nanghindi man lamang natapos angpagbibista sa gawa-gawang kasolaban sa kanya .

Binatikos din ng mga raliyistaang pagtalaga ni Duterte sa berdu-gong heneral na si Eduardo Año bi-lang bagong chief-of-staff ng AFP.Kabilang sa mga krimen ni Año, natinaguriang "tagapagtugis ng mgarebelde," ang pagdukot sa aktibis-tang si Jonas Burgos at pagpaslangkay Leoncio Pitao (Kumander Para-go) noong nakaraang taon.

Sa Maynila, umabot sa 5,000ang nagtipon sa paanan ng tulayng Mendiola sa Maynila. Dala nilaang panawagang "Digong, tamana!" at #LayasMilitar, gayundinang panawagang palayain na anglahat ng mga bilanggong pulitikal.Sa araw ding iyon, tinapos ng mgabilanggong pulitikal, mga kapamil-ya at tagasuporta nila ang apat naaraw na hunger strike. Hindi baba-ba sa 198 bilanggong pulitikal anglumahok sa protesta.

Sa Davao, umabot sa 2,000 angdumalo sa rali para gunitain angAraw ng Karapatang-tao. Kabilangsa ipinanawagan ng mga raliyistaang kagyat na pagpapalaya kayAmelia Pond na kasalukuyang nasaospital para operahan. Isa siya sa

83 bilanggong pulitikal sa SouthernMindanao.

Sa Cagayan de Oro, nagrali angmahigit 4,500 sa Magsaysay Park,Divisoria. Sa Butuan City, nasa 800ang nagtungo sa hedkwarters ng401st Bde bago pumunta sapanrehiyong hedkwarters ng PNP,DILG at NCIP.

Sa Kalinga, ginunita ng 400tagapagtanggol ng karapatang-taoat Innabuyog-Gabriela ang araw naito sa pamamagitan ng pagtungo saBarangay Western Uma, Lubuangapara palayasin ang mga sundalo ng50th IB na nakakampo sa barangayhall, eskwelahan at day care center.Bago nito, iginiit ng mga residenteng barangay na umalis ang mgatropa pero sa halip na gawin ito,lalupang hinigpitan ng mga sundaloang kontrol nila sa lugar. Lumala rinang mga pang-aabuso ng mga sun-dalo matapos silang inireklamo ngmga residente. Bago makarating salugar, hinarang ng mga sundalo angkomboy ng Innabuyog-Gabriela.Itinayo nila ang kampuhan para sakapayapaan pagdating nila saWestern Uma. Okupado rin ng mgasundalo ang ilang komunidad samga bayan ng Balbalan at Pinukpuk.

Nagkaroon din ng mga pagkilossa iba pang bahagi ng bansa, tuladng Masbate, Bacolod, Baguio,Tuguegarao at Isabela City saCagayan Valley.

mula sa pahina 3

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2016 5

Iniulat ng mamamayan sa NDFang maraming kaso ng pang-aabusong nag-ooperasyong PDT ng AFP saKibawe, Bukidnon; Compostela, Ma-wab at Pantukan sa CompostelaValley; at Loreto, Agusan del Sur.Mayroong mga kaso ng ekstrahudi-syal na pamamaslang ng militar atparamilitar sa Arakan at North Co-tabato; at pagtarget sa mga Lumadng Talaingod ng Davao del Norte;Kitaotao, Bukidnon at Loreto, Agu-san del Sur.

Ayon sa NDF-SMR, paulit-ulit nanilalabag ng mga sundalo ng AFPang kanilang sariling tigil-putukan.Noong Nobyembre, dalawang besesna pinahinto ng mga Pulang mandi-rigma ang armadong mga sundalona nagsasagawa ng mga ope-rasyong combat-intel sa liblib namga baryo ng Compostela Valley.Pinaalalahanan ng BHB ang sumu-render na mga sundalo sa kanilang

mga obligasyon sa tigil-putukan ba-go sila pinakawalan.

Alinsunod sa ulat na nakalap ngBarug Katungod Mindanao, umaa-bot sa 36 ang kaso ng mga paglabagsa karapatang-tao ng mga sundalong AFP sa Southern Mindanao mulaHulyo. Kabilang dito ang walongkaso ng ekstrahudisyal na pama-maslang at 33 kaso ng paggamit ngmga sundalo sa mga pampublikongistruktura tulad ng mga eskwelahan,health center at mga istrukturangginagamit sa pagsamba. Naka-pagtala rin sila ng tatlong kaso ngpanggigipit.

Sa Western Mindanao, laganapang pamimilit ng 53rd IB sa mama-mayang Subanen na dumalo sa ipi-natatawag nilang mga asembliya.Dito, isinasailalim ang mga Lumadsa interogasyon at inaakusahangmga myembro ng BHB. Katulad saiba pang bahagi ng bansa, nagka-

kampo rin ang mga sundalo sa mgasibilyang komunidad at nagsasar-beylans sa mga aktibidad ng mgaresidente.

Isa sa mga naiulat na biktimang Oplan Bayanihan si Elmer delRosario, 26, isang magsasaka saZamboanga. Ayon sa kanyang amana si Edilberto, basta na lamangnawala ang nakababatang del Ro-sario matapos pulungin at pag-bantaan sila ng mga sundalo mulasa 55th IB noong Agosto 19. Ayonsa nakasaksi, pinalibutan ng mgasundalo ang kubong tinutuluyan niElmer noong araw na iyon. Mata-pos ang paghahanap, nahukay ngmga residente ang bangkay ni Elmermalapit sa pinagkampuhan ng 55thIB.

Sa Misamis Oriental, tuluy-tu-loy ang mga operasyong PDT ngAFP. Tuwing umaga, pinupuntahanng mga sundalo ang mga bahay ngmga kasapi ng asosasyon ng mgamagsasaka at pinagbantaang pa-patayin kapag sumama sila sa mgarali.

mga pulis ang 10 sibilyang motoris-ta mula sa tribong Gubang na resi-dente ng mga barangay Bangilo,Umnap, Buanao at Lat-ey bilangtagasuporta ng BHB. Pilit nilangpinadadalo ang mga residente sanaturang mga barangay sa mgapulung-pulong para imbestigahansila.

Mula Nobyembre hanggang sakasalukuyan, nakakampo ang BravoCoy ng 24th IB sa Brgy. Poblacionsa bayan ng Lacub. Sapilitan nilangpinasurender ang dating mga Pu-lang mandirigma at nagsagawa ngrekrutment ng mga espiya paratiktikan ang rebolusyonaryongkilusan. Ilan sa mga residente angpinilit na sumama sa mga opera-syong kombat na may layuningmang-agaw ng armas mula sa BHB.Sa halip na makinig sa panawagangumalis sa baryo, nagpasok pa angmga sundalo ng mga gamit pang-

kampo tulad ng generator, refrige-rator at mga bultuhang suplay, parasa matagalang paghihimpil.

Sa bayan ng Tubo, tuluy-tuloyang paglulunsad ng 81st IB ng mgaoperasyong kombat sa mga bara-ngay ng Tiempo, Kili, at PoblacionMayabo mula pa huling linggo ngNobyembre. Dahil dito, karamihansa mga residente ang hindi na pu-mupunta sa kanilang mga sakahanat sa kagubatan sa takot na pagbin-tangan silang mga myembro ngBHB.

Sa rehiyon ng Ilocos, tuluy-tu-loy din ang pananalasa ng militar.Ayon kay Ka Rosa Guidon, tagapag-salita ng National DemocraticFront-Ilocos Region, may naitala si-lang 185 kaso ng paglabag sa kara-patang-tao, na bumiktima sa mahi-git 33,000 mamamayan sa ilalim ngmga operasyon ng Oplan Bayani-han.

Gayundin, mahigit 100 pinaghi-hinalaang gumagamit at nagtutulakng droga ang pinatay sa rehiyon.Dalawa sa pinaslang, na inilusot sailalim ng Oplan Tokhang, ay walangkaugnayan sa droga kundi sa kani-lang paninindigan sa pulitika.

Gayundin, nagmamatigas angmga sundalo ng AFP sa pagpapatu-loy ng kanilang mga operasyon sakabila ng tigil-putukan. Hindi baba-ba sa 20 barangay sa apat na bayansa Ilocos Sur ang nag-ulat ng pag-kakampo ng 81st IB sa mga sibil-yang komunidad. Kabilang dito angwalong barangay sa bayan ng Sta.Lucia, anim sa Salcedo, lima saQuirino at isa sa Cervantes. SaQuirino, Suyo at Sta. Cruz, sapilitanang pagrerekrut ng mga sundalopara sa Civilian Armed Auxiliary, naginagamit bilang mga bayaranggoons ng mga komersyal na planta-syon at kumpanya ng mina.

Oplan Bayanihan sa Mindanao

Naglabas ng pahayag ang National Democratic Front-Southern MindanaoRegion (NDF-SMR) noong Disyembre 10 na kumukundena sa tuluy-tuloy

na pananalasa ng Oplan Bayanihan sa mahigit 25 munisipalidad at lunsod sarehiyon.

Disyembre 21 , 2016 ANG BAYAN6

2 aktibistang bilanggo, laya na

NAKALAYA NA noong Disyembre 5 ang dalawang kabataang aktibis-tang inaresto at ikinulong sa gawa-gawang mga kasong kriminal nangmahigit dalawang taon. Ibinasura ng lokal na korte sa Nueva Ecija angmga kaso ng illegal possession of firearms and explosives laban kinaGuiller Cadamo at Gerald Salonga noong Disyembre 1.

Ayon sa ama ni Guiller na si Amado Cadano, masaya siya na na-palaya na ang kanyang anak at si Gerald. Pero hindi makukumpletoang kanyang kasiyahan hanggang hindi napapalaya ang lahat ng mgabilanggong pulitikal.

Idiniin niya na walang itinulong ang OPAPP at ang GRP panel sapagpapalaya sa dalawang aktibista. “Napakatagal bago nila pinalayasina Guiller at Gerald, gayong wala naman silang sala,” ani Amado.“Paano na lang ang ibang bilanggong pulitikal na pareho nilang walangsala pero dekada nang nakakulong?” Myembro ng grupong Hustisyaang nakatatandang Cadano.

Inaresto, minaltrato at ipinaililim sa interogasyon ng mga sundalosina Cadamo at Salonga noong Agosto 4, 2014 sa Brgy. RT Padilla,Carranglan, Nueva Ecija. Nagsasagawa noon ang dalawang aktibistang pananaliksik sa mga usapin ng mga magbubukid sa lugar. Inakusa-han silang mga myembro ng Bagong Hukbong Bayan at ikinulong.

Parehong galing sa University of the Philippines Extension Prog-ram sa Pampanga ang dalawa. Si Cadano ay nagtapos ng kursong bu-siness administration at naging panrehiyong tagapagsalita ng Kabata-an Partylist habang si Salonga ay nagtapos ng kursong psychology atorganisador ng Anakbayan sa Central Luzon.

Aktibista sa Tondo,

pinaslang sa gera kontra-droga

ISANG AKTIBISTA sa Tondo, Manila angpinaslang sa estilo ng mga death squad.Si Joel Lising, 43, ay pinalabas ng mgapumaslang na isang drug pusher. Ayon sakanyang ina, hindi kailanman nasangkotsa droga si Lising. Sa halip, isa siyangupisyal ng Pagkakaisa ng mga Tri-WheelOrganizations para sa Kabuhayan(PATOK), isang alyansa ng mga drayberng tri-wheels (traysikel, pedicab at ku-liglig) na nagprotesta laban sa pag-pha-se-out ng kanilang kabuhayan. Walangrekord kaugnay sa droga si Lising.

Kada araw, hindi bababa sa 30 angpinapaslang sa “gera kontra-droga” niDuterte. Mula nang maupo sa poderhanggang pangalawang linggo ng Disye-mbre, umaabot na sa 5,600 ang naitalangmga biktima ng “gera” na ito, Nasa 2,012ang napatay ng mga pwersa ng pulis da-hil “nanlaban” ang mga ito. Halos 3,000ang pinaslang ng mga death squad nanaglipana sa buong bansa, laluna saMetro Manila.

gwardya habang binabantayan nilaang kanilang mga kasamahan nanag-aani ng mga saging noongDisyembre 14. Bago nito, pito angnasugatan nang basta na lamangnagpaputok ang naturang mgagwardya laban sa mga magbubukidat kanilang mga tagasuporta noongDisyembre 12.

Kasapi ang mga manggagawangbukid ng Madaum Agrarian ReformBeneficiaries Association Incorpo-rated (MARBAI), ang asosasyon ngmga may-ari ng 145-ektaryang lu-pang tinamnan ng saging pang-

eksport ng Lapanday. Noon pang1997 iginawad sa mga magbubukidang lupa sa ilalim ng huwad na re-pormang agraryo ng unangrehimeng US-Aquino. Pinagtibayang kanilang pagmamay-ari noong2011. Gayunpaman, kontrolado ngLapanday ang lupa sa pamamagitanng maanomalya at mapag-samantalang mga AgribusinessVentures Agreement (AVA). Nabuoang partikular na AVA sa pagitan ngLapanday at Hijo EmployeesAgrarian Reform BeneficiariesCooperation 1 (Hearbco1) na

sumaklaw sa lupa ng mga myembrong MARBAI noong Setyembre 2011.Bago pa man ito mapirmahan,humiwalay na ang mga magbubukidsa ilalim ng MARBAI sa Hearbco1.Dahil dito, sinipa mula saplantasyon ang mga myembro ngMARBAI.

Ang AVA ay isa sa mga paraanna itinakda sa huwad na Compre-hensive Agrarian Reform Programpara muling ikonsentra sa malala-king panginoong maylupa at may-ari ng mga komersyal na plantasyonang lupa na dapat ipinamahagi nasa mga nagbubungkal.

Ayon kay Linda Dayahan, upi-syal ng Madaum Agrarian ReformBeneficiaries Association Incorpo-rated (MARBAI), nagtungo sila sa

Lumalalang pang-aatake sa mga manggagawang bukid

Mga manggagawa sa plantasyonng saging, pinagbabaril

Walang awat ang karahasan ang tugon ng pamilyang Lorenzo, may-aring Lapanday Foods Corporation, sa nagpuprotestang mga magbubu-

kid sa Madaum, Tagum City mula nang itayo nila ang kanilang kampuhannitong Disyembre para bawiin ang kanilang lupa. Siyam na magbubukid angnasugatan sa tatlong insidente ng pamamaril ng mga gwardya ng kumpanya.

Pinakahuling biktima ang dalawang magbubukid na binaril ng mga

sundan sa pahina 7

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2016 7

plantasyon noong Lunes nang uma-ga para pigilan ang pag-ani ng LFCng saging kasama ang 1,000 nilangmga tagasuporta. Sinalubong silang mga putok ng mga gwardya ngplantasyon. Pitong myembro ngMARBAI ang agad na nasugatan.Dalawa sa kanila ang nasa kritikalna kundisyon.

Noong Disyembre 9, itinayo ngmga magbubukid ang kanilang kam-puhan sa loob ng plantasyon parabawiin ang kanilang karapatan salupa. Mula Hunyo nitong taon,nagpanatili na ng kampuhan angmga magbubukid sa labas ngplantasyon. Noong Disyembre 11,pinaputukan sila ng mga warningshot pero nagawa nilang itaboy angmga gwardyang nagpaputok.

Nanawagan ang mga mangga-gawang bukid na ipawalambisa angmga AVA o mga kasunduan ng pag-upa ng LFC sa mga lupa ng mgamagbubukid para taniman ng sa-ging. Anila, mapagsamantala at ma-pang-api ang naturang mga kasun-duan at ibinabaon lamang sa utangang mga magbubukid habang kino-konsentra ang kontrol sa lupa sakamay ng malalaking kumpanya. La-yunin ng mga magbubukid na igiitang karapatan nila sa lupa paramatamnan nila ito ng mga produk-tong pangkonsumo.

Ayon kay Mely Yu, tagapangulong MARBAI, hindi nakabubuhay angkita ng mga magbubukid bilang mgacontract grower sa ilalim ng siste-mang AVA. Umaabot lamang saP2,000/ buwan ang nakukuha nilamula sa P15,000 dapat nilang kini-kita dulot ng mga ibinabawas ngLapanday na bayad sa ibinebentang kumpanya na mga abono,pestisidyo at iba pa. Sa ila-lim ng AVA, binibili ng La-panday ang mga sagingmula sa plantasyon nang $3(P150) kada kahon na maybigat na 13 kilos oP11.50/kilo.

Naglabas na ng “ceaseand desist” order ang pam-bansang upisina ng DAR labansa Lapanday noong Disyembre

14.Noong Disyembre 18, natapos

ang imbestigasyon ng isangNational Fact Finding Mission napinangunahan ng mga grupo ngmagbubukid at tagapagtanggol ngkarapatang-tao. Naiulat ng grupoang mga kaso ng harasment, pag-babanta, pananakot, iligal na pang-aaresto, bigong pagpaslang,pananakit, pamimilit at pagtatayong iligal na tsekpoynt ng Lapandaylaban sa mga magbubukid ngMARBAI.

Noong Disyembre 19, nagpa-tawag na ng dayalogo ang mayor ngTagum City para resolbahin anggirian sa pagitan ng Lapanday atMARBAI.

Panggigipit sa Hacienda LuisitaSamantala, muli na namang si-

nalakay ng mga bayarang goons ngpamilyang Aquino-Cojuangco anglugar ng bungkalan sa HaciendaLuisita.

Noong Disyembre 4, alas-9 nggabi, pinaputukan ng mga lalakinglasing ang kubo ng mga myembro ngAmbala (Alyansa ng ManggagawangBukid sa Asyenda Luisita) sa SityoSilangan sa Mapalacsiao para pala-yasin sila sa lugar. Ang naturangsityo ay bahagi ng erya ng bungka-lan ng mga magbubukid. Kinabuka-san, inokupa ng mahigit 100 arma-dong kalalakihan ang naturang ku-bo, gayundin ang ilan pang mga ku-bo na ginagamit ng mga myembrong Ambala sa bungkalan. Direktangpagsuway ito sa inilabas na desi-syon ng Department of Agrarian

Reform noong Oktubre 1 na “statusquo” o panatilihin ang bungkalan.Sinimulan ng mga magbubukid angbungkalan noon pang 2005 sa 10baryo sa loob ng Hacienda Luisita.

Bago nito, pinasok ng mga ba-yarang goons mula sa Brgy. Lourdes(kilala rin bilang Brgy. Texas) anglugar ng bungkalan sa Mapalacsiaonoong Nobyembre 25. Ang mgamaton, na may dalang mga itak atnakatakip ang mga mukha, ay ipi-nadala ng kapitan ng Lourdes na siEdison Diaz para magtayo ng mgagwardyahan at takutin ang mganagbubungkal. Kumikilos si Diazalinsunod sa utos ng mga tauhan ngpamilyang Aquino-Cojuangco. Da-lawang kilometro ang layo ng Lour-des sa Mapalacsiao.

Sangkot kapwa sa LFC atHacienda Luisita ang pamilyang Lo-renzo. Nasa pamunuan ng HaciendaLuisita Incorporated si Martin Lo-renzo habang nasa LFC ang kanyangkapatid na si Regina.

Sa kaugnay na balita, kinunde-na ng grupong Pamalakaya-Pilipi-nas (Pambansang Lakas ng Kilu-sang Mamamalakaya ng Pilipinas)ang iligal na pag-aresto sa sam-pung mangingisda sa Brgy.Salvacion, Rizal, Mindoro Occi-dental noong Disyembre 7. Ipinag-tatanggol noon ng naturang mgamangingisda ang kanilang mga ku-bo laban sa demolisyong iniutos niAnnaliza Pojas-Lopez, isang nego-syanteng umaangkin sa lupang ki-natitirikan ng mga ito. Ayon sa lo-kal na organisasyon ng mga mag-bubukid, ang Samahan ng Magsa-saka sa Kanlurang Mindoro, idi-neklara ng Department of Envi-ronment and Natural Resources naisang “marine zone” ang lugar kayahindi ito maaaring ibenta sa isang

pribadong negosyo. Gayun-din, lampas 50 taon na silang

naninirahan salugar. Bago nito,dinemolis na ngmga goons ni Lo-pez ang 17 ka-bahayan noongOktubre 24.

Disyembre 21 , 2016 ANG BAYAN8

Pinakahuling naidagdag sinaMogul at Bael sa mahabang listahanng mga Lumad, Moro at setler nabiktima ng DMCI. Sa nakaraangmahigit tatlong dekada, namayaniang armadong teror ng DMCI samalaking bahagi ng SouthcentralMindanao na inagaw nito para samga operasyong pagtotroso,pagmimina at komersyal na plan-tasyon. Sa mahabang panahon,naghahari-harian ito sa lugar gamitang laking-batalyon na pinagsanibna pwersang SCAA-38th IB (na ti-nawag na Investment DefenseForce sa panahon ng rehimengArroyo). Nagtutuluy-tuloy angpananalasa nito sa ilalim ng rehi-meng Duterte.

Ang DMCI ay pag-aari ni DavidConsunji at kanyang pamilya. Libansa kumpanya ng pagtotroso at pag-mimina, kilala ito sa kumpanyangkonstruksyon at real estate sa Met-ro Manila at iba pang mga syudad.Noong 2015, itinala si Consunji bi-lang pampitong pinakamayamangPilipino na may yamang P183 bil-yon. Nasa listahan din siya ng 500pinakamayayamang indibidwal sabuong mundo.

Mahigit 350,000 ektaryang lupasa sampung munisipalidad saSouthcentral Mindanao ang saklawng iba't ibang kumpanya ng pamil-yang Consunji. Pito nito ay nasaSultan Kudarat, dalawa sa Maguin-danao at isa sa South Cotabato. Samga lugar na ito matatagpuan angDaguma Range, bahagi ng lupangninuno at tradisyunal na pinagku-kunan ng hanapbuhay ng mga ko-munidad ng Lumad, Moro at setler.

Mula pa 1900s, marami nangmalalaking kumpanya sa pagtotroso

ang baha-bahaging kumalbo sa ma-kapal na kagubatan sa DagumaRange. Kalagitnaan ng dekada 1970,iginawad ng diktadurang Marcos sakroni nitong si Consunji ang karapa-tang magtroso sa 150,000 ektaryasa bahagi ng Daguma na nasa SultanKudarat, kasabay ng malalakingkontrata sa konstruksyon sa pam-bansang kabisera. Binili ng Consunjiang mga kumpanyang nag-oopereytna sa lugar. Pagsapit ng dekada1980, lumawak pa at naging mono-polyo na ng DMCI ang komersyal napagtotroso sa Daguma.

Gamit ang pribadong hukbo ni-to, ang noo'y Civilian Home DefenseForce at paramilitar na grupongIlaga, itinaboy ng mga kumpanyangConsunji ang mga Lumad sa lugar sadekada 1970. Pagbagsak ng dikta-durang Marcos, ginamit naman ngConsunji ang pekeng programa parasa "reforestration" ng rehimen niCorazon Aquino, ang IntegratedForest Management Agreement(IFMA), para tuluy-tuloy na kalbu-hin ang kagubatan ng Daguma. Ka-sabay nito, nagsimula na rin itongmagmina ng ginto at karbon atmaglatag ng mga plantasyon ng ka-pe sa Daguma.

Malawakang pangangamkam nglupa, dislokasyon ng mga Lumad,Moro at setler; pagwasak sa kulturaat pamumuhay ng mga Lumad,pagkakalbo ng gubat at pagkasirang kapaligiran; at laganap na pang-aabuso at paglabag sa mga karapa-tang-tao ang idinulot ng mga kum-panyang Consunji sa mamamayansa lugar.

Gamit ang IFMA, pinalayas ngConsunji ang mga residente ngbulubunduking bahagi ng bayan ng

Esperanza para gawing malawak nanarseri ang lugar noong dekada1990. Tuluy-tuloy ang pang-aagawng Consunji sa mga lupa ng mgaDulangan Manobo at mga kaingin ngmga setler na idineklara nitong mgalugar para sa "reforestration." Angiba pang sinasaka na ay ginawanitong mga plantasyon ng prutas atkape. Walang anumang kumpensa-syong ibinigay ang kumpanya samga inagawan nito ng lupa.

Gutom ang dinanas ng karami-han sa mga residenteng nawalan ngkabuhayan nang wasakin ng Con-sunji ang kagubatan sa Daguma.Karamihan sa mga Lumad ay na-kaasa sa likas na yamang gubat pa-ra sa pagkain at iba pang panga-ngailangan. Dahil sa komersyal napagtotroso, nawasak ang kanilangsistema na nakaasa-sa-sarili (self-reliant) at napalitan ng ekonomyangnakabatay sa pera. Sa halip namagtrabaho sa sariling lupa, nagingmga manggagawang bukid na la-mang sila sa sariling lupa.

Ang iilang lokal na residente nainiempleyo ng mga kumpanyangConsunji ay sumasahod lamang ngP150/araw. Pana-panahon na mgamanggagawa lamang ang ini-empleyo nito sa mga plantasyon ngkape. Binabayaran sila ng P3.50 sabawat kilong napipitas na kape oP140.00 kada sako para sa mag-hapong ani.

Dahil sa gutom, hindi iilang Lu-mad ang nangahas maghawan ngmga lupang itinakda na para sa"reforestation." Mayroong mgatradisyunal na pinuno at mandirig-ma o mga agubalang na nagpasyanglumaban para bawiin ang baha-ba-hagi ng kanilang lupang ninuno.Para supilin at bigyang-matwid angpagsupil sa kanila, kinasuhan sila ngarson at binansagang mga bandidoat kriminal. Dagdag dito, pinahinang kumpanya, katuwang ang Natio-nal Commission on Indigenous

Ang pagsasamantala at pang-aaping pamilyang Consunji sa Far South Mindanao

Nitong unang linggo ng Disyembre, dalawang Lumad ang dinukot ng pa-ramilitar at bayarang goons ng DMCI (David M. Consunji Incorporated)

sa Esperanza, Sultan Kudarat. Hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ngkanilang mga kamag-anak sina Dabis Mogul at Macky Bael, mga DulanganManobo na lumalaban sa ekspansyon ng mga plantasyon ng mangga at ope-rasyong pagmimina ng DMCI sa prubinsya.

ANG BAYAN Disyembre 21 , 2016 9

Peoples, ang tradisyunal na sistemang pamumuno sa mga komunidadng Lumad. Sa hanay ng mga Dula-ngan Manobo, binaklas ang tradi-syunal na papel ng mga agubalangat pinalitan ng pinasimpleng siste-ma ng lokal na pamamahala. Ito aypara mas madaling ilusot ang mgapakana at patakaran ng reaksyu-naryong estado na pabor sa mgaConsunji.

Daang taon ang aabutin paramakabawi ang kagubatang winasakng Consunji. Dulot ng sobrang pag-totroso, marami na sa mga uri ngpunong hardwood ang nawala. Sangayon, nasa tatlo hangang limangtaong gulang na lamang ang mgapunong nasa lugar. Halos lahat ngklaseng hayop (ibon, baboy ramo,insekto at iba pa) na umaasa sa ka-pal ng mga punong ito ay nangawa-la o naitaboy na sa lugar.

Nawasak ang sistema ng mgawatershed at mga ilog. Umaabot sa11 mga watershed area (lugar napinagmumulan ng mayor atsekundaryong mga ilog) angnaapektuhan. Pinakamalaki rito angKabulnan Watershed Forest Re-serve kung saan 500 ektaryang gu-bat na lamang ang natitira. Ang wa-tershed na ito ang pinagkukunan ngirigasyon para sa 13,500 ektaryangmga sakahan sa anim na bayan sa

Maguindanao.Mula nang magsimula ang mga

operasyon ng pagtotroso ng DMCIsa Daguma, nagsimula na rin angarmado at di-armadong paglabanng mga grupo ng Lumad (DulanganManobo, T'boli, at Teduray), ga-yundin ng mga komunidad ng Moroat ng mahihirap na magsasakangsetler mula Visayas at Luzon.

Sa simula, maliitan, ispontanyoat kalat-kalat ang mga armadongpag-aalsa ng mga Lumad saDaguma. Lumawak at lumaganapang mga ito dulot na rin ng tuluy-tuloy na pagmaltrato, pang-aabusoat pang-aapi ng mga pribadonghukbo ng DMCI sa kanila. Isa samga unang lumaban si Datu JakangAbag sa bayan ng Esperanza sa de-kada 1970. Bantog din sina Kuman-der Apen Kawayan at Isung Kawa-yan sa pag-aarmas laban sa DMCI.Sa dekada 1980, pinamunuannaman ng isang nagngangalang"Guni" na kilala bilang KumanderWalang Baro, ang mahigit 100mandirigma para salakayin ang mgaoperasyon ng kumpanya. Sinundansila ng maraming iba pa. Itinuringna krimen ang kanilang armadongpaglaban.

Sa ngayon, nagpapatuloy angiba't ibang porma ng paglaban ngmamamayan laban sa DMCI. Ayon

Sarangani

Zamboanga Sibugay

Zamboanga del Norte

South CotabatoSultan Kudarat

Maguindanao

1,322

87225,368

2,683

68,836.72

1,873102,954.72 ektarya

Saklaw ng IFMAng mga Consunji

Mga krimen ng mga

Consunji sa Daguma

(Mula sa praymer na inilabasng KEDUMA, Hulyo 2016)

Abril 30, 2015: Pinaslang ngmga gwardya ng DCMI si JohnCalaba, Public Relations Officerng Kesasabanay Dulangan Ma-nobo (KEDUMA) sa Sityo Sala-bantran, Brgy. Salangsang, Le-bak. (Tingnan ang detalye saAng Bayan, Hunyo 7, 2015.)

2000: Pinaslang ng mga ba-yarang goons si Datu Eyet Eng-gew, lider ng mga Dulangan Ma-nobo sa Kulaman.

1993: Hindi bababa sa 100Lumad ang pinaslang ng mgagwardya ng kumpanya sa Kana-lan, Tubak, kabilang ang kaba-baihan at bata, at sinunog angkabahayan at ari-arian.

1991: Dalawang DulanganManobo (Lagbed Capitan at Le-peng Sabil) ang dinukot ng mgagwardya sa Sityo Dapulan atMepayag.

Huling bahagi ng 1980:Isang babae ang napatay nangkarakarakang pinaulanan ng ba-la ng mga gwardya ang isangbahay sa Sityo Tagbaken. Mara-mi ang nasugatan.

1989: Walong DulanganManobo ang binaril ng mgagwardya habang tumatawid ngtulay sa Kedakelan, Esperanza.

1979: Dalawampu't apat naDulangan Manobo, kabilang siDatu Jakang Abag, ang pinataynang sinabotahe ang sinasakyannilang trak sa Sityo Gintalas,Puluy-Puloy, Lebak.

pa sa isang lider Lumad, sa haba nang kanilang pakikibaka, alam nanila ang pangangailangan ngmahigpit na pagkakaisa. Maka-pangyarihan nga si Consunji atkanyang mga armadong maton,pero ang nagkakaisa at lumalabangmamamayan ay mas makapangya-rihan sa kanila.