6
I. PANIMULA Ang module na ito ay gagamitin para sa pakikipag-usap at pagtataas ng kamalayan ng mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan tungkol sa ilegal na pagmimina sa dalampasigan ng Ilocos Sur at para pukawin sa kanilang damdamin ang katayuan tungo sa hangarin ng pagkakaisa ng sambayanan, at maninindigan sa pagpapahinto ng pagmimina at sa patuloy na pangangalaga ng kalikasan. PAKSA: Oras Na! SAGIPI N AT PAHALAGAHAN ANG KALIKASAN URI NG GAWAIN: PAGTATAAS NG KAMALAYAN (Cons cientization) KALAHOK: Kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan na naapektuhan at kinasasakupan ng lugar na pinagmiminahan kahit sila ay hindi Katoliko. (30-60 participants only) KALAGAYAN Nakikita na nasisira ang dalampasigan at ang natural na depensa ng lupa sa dagat. Nauubos ang yamang mineral. Maliban sa ilegal ang operasyon, patuloy pa rin ang pagmimina at ang mga tao ay nawawalan ng lupa na tinitirikan ng kanilang bahay (ancestral domain). Hindi lingid sa kaalaman ng mga Munting Sambayanan Kristiyano at iba pang mga mamamayan na may nangyayari na pagmimina pero nananatiling hanggang katanungan at palaisipan lamang ito sa kanila dahil hindi nila alam kung anu ang gagawin at kung paano umpisahan ang mga hakbang upang mapahinto ang pagmimina. Nananaig din ang takot at pag- aalinlangan sa kanilang mga puso kung kaya nananatili silang pipi at bulag sa reyalidad ng kanilang kalagayan. Naramdaman nila ang kawalan ng pag- asa at tiwala sa sarili na may magagawa sila bilang sambayanan kung mayroong pagkakaisa at pagtutulungan.. Nagkaroon na rin ng mga ilang hakbang na isinagawa ang pamunuan ng Katolikong Simbahan, na pinangunahan ng Obispo, mga Kaparian at pinuno ng mga organisasyong relihiyuso upang ipahinto ang pagmimina subalit hanggang ngayon wala pa ring klarong desisyon ang Korte Suprema at ang Pamahalaang lokat at Nasyonal tungkol sa usaping ito. Sa kabilang dako ang mga kasapi ng mga Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan ay wala ring tugon at hindi nakikisangkot sa hakbang na isinagawa ng Pamunuan ng Simbahan. SULIRANIN Paano pakilusin ang mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan na ng may pagkakaisa upang mapahinto ang pagmimina at maprotektahan ang kalikasan? LAYUNIN Ang materyal na ito ay naisaayos upang matulungan ang mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano na: Pagsasabuhay: Makilahok sa pagsagip at pagpapahalaga sa kalikasan. Oras Na!

ateneo.edu · Web viewAng module na ito ay gagamitin para sa pakikipag-usap at pagtataas ng kamalayan ng mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan tungkol

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ateneo.edu · Web viewAng module na ito ay gagamitin para sa pakikipag-usap at pagtataas ng kamalayan ng mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan tungkol

I. PANIMULA Ang module na ito ay gagamitin para sa pakikipag-

usap at pagtataas ng kamalayan ng mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan tungkol sa ilegal na pagmimina sa dalampasigan ng Ilocos Sur at para pukawin sa kanilang damdamin ang katayuan tungo sa hangarin ng pagkakaisa ng sambayanan, at maninindigan sa pagpapahinto ng pagmimina at sa patuloy na pangangalaga ng kalikasan.

PAKSA: Oras Na! SAGIPIN AT PAHALAGAHAN ANG KALIKASAN

URI NG GAWAIN: PAGTATAAS NG KAMALAYAN (Conscientization)

KALAHOK: Kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba

pang mga mamamayan na naapektuhan at kinasasakupan ng lugar na pinagmiminahan kahit sila ay hindi Katoliko. (30-60 participants only)

KALAGAYAN Nakikita na nasisira ang dalampasigan at ang

natural na depensa ng lupa sa dagat. Nauubos ang yamang mineral.

Maliban sa ilegal ang operasyon, patuloy pa rin ang pagmimina at ang mga tao ay nawawalan ng lupa na tinitirikan ng kanilang bahay (ancestral domain).

Hindi lingid sa kaalaman ng mga Munting Sambayanan Kristiyano at iba pang mga mamamayan na may nangyayari na pagmimina pero nananatiling hanggang katanungan at palaisipan lamang ito sa kanila dahil hindi nila alam kung anu ang gagawin at kung paano umpisahan ang mga hakbang upang mapahinto ang pagmimina.

Nananaig din ang takot at pag-aalinlangan sa kanilang mga puso kung kaya nananatili silang pipi at bulag sa reyalidad ng kanilang kalagayan.

Naramdaman nila ang kawalan ng pag-asa at tiwala sa sarili na may magagawa sila bilang sambayanan kung mayroong pagkakaisa at pagtutulungan..

Nagkaroon na rin ng mga ilang hakbang na isinagawa ang pamunuan ng Katolikong Simbahan, na pinangunahan ng Obispo, mga Kaparian at pinuno ng mga organisasyong relihiyuso upang ipahinto ang pagmimina subalit hanggang ngayon wala pa ring klarong desisyon ang Korte Suprema at ang Pamahalaang lokat at Nasyonal tungkol sa usaping ito. Sa kabilang dako ang mga kasapi ng mga Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan ay wala ring tugon at hindi nakikisangkot sa hakbang na isinagawa ng Pamunuan ng Simbahan.

SULIRANINPaano pakilusin ang mga kasapi ng Munting

Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan na ng may pagkakaisa upang mapahinto ang pagmimina at maprotektahan ang kalikasan?

LAYUNINAng materyal na ito ay naisaayos upang

matulungan ang mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano na:

Pagsasabuhay: Makilahok sa pagsagip at pagpapahalaga sa kalikasan.

Katotohanan: Matuklasan na ang kalikasan ay biyaya ng Diyos na ipinagkatiwala Niya sa atin upang pangalagaan.

Pagsamba:Pasalamatan ang Diyos sa biyaya ng Kalikasan at manalangin upang magkaroon ng lakas-loob na makikisangkot at maki-isa sa mga hakbang upang sagipin at pahalagahan ang kalikasan.

SAKLAW AT HANGGANANAng materyal na ito ay gagamitin para sa pagtataas

ng Kamalayan ng mga Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan na naapektohan ng pagmimina.

Maipaliwanag sa mga makikilahok na ang kalikasan ay regalo ng Diyos na dapat pangalagaan at pahalagahan.

Ang hangarin ng materyal na ito ay upang ang mga Munting Sambayanang Kristiyano ay mamulat sa hindi magandang ibinubunga ng ilegal na pagmimina at magkaroon ng paninindigan at magkaisang kumilos para mapahinto ang pagmimina at maprotektahan ang kalikasan. Ang magiging bunga nitong pagtitipon ay ang paghimok sa mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano na may magagawa sila para mapahinto ang pagmimina at mabigyan ng lakas-loob na huwag matakot magpahayag ng kanilang damdamin at huwag mawalan ng pag-asa dahil kasama nila ang Diyos at ang buong sambayanan.

Hindi saklaw sa gawaing ito ay kung saan dadalhin at kung sino ang nakinabang sa yamang mineral na nakukuha. Hindi rin saklaw dito kung anong pagagamitan ng yamang mineral.

Oras Na!

Page 2: ateneo.edu · Web viewAng module na ito ay gagamitin para sa pakikipag-usap at pagtataas ng kamalayan ng mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan tungkol

Inaasahan na bago matapos ng pagtitipon na ito makabuo ng “Statement” na may kasamang sulat mula sa Obispo para iparating sa nakakataas na opisyal ng pamahalaan bilang panawagan na ipahinto ang pagmimina sa buong dalampasigan ng Ilocos Sur at maghikayat pa ng mas pangmatagalang pagkilos.

KAHALAGAHAN NG MATERYAL

Obhetong KahalagahanMahalagang mapag-usapan ang katayuan ng

Simbahan na ang paglikha ay ginawa ng Diyos at ipinaubaya Niya sa atin bilang katuwang sa paglikha.Na ang kalikasan ay ipinagkatiwala sa atin para gamitin nang may pananagutan.Ang patuloy na pangangalaga ay naaayon lamang sa sapat na kailangan ng ng tao at hindi para abusuhin

Suhetong KahalagahanMahalaga na mapukaw ang kamalayan ng mga

Kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano sa hindi magandang naidudulot ng pagmimina dahil nasisira ang kalikasan, nauubos ang yamang mineral, naalis ang natural na depensa ng lupa, naapektuhan ang kabuhayan at marami ang nawalan ng lupa na tinitirhan.

Sa pamamagitan nitong Kateketikal material, matulungan ang bawat kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano na himukin at bigyan ng kapangyarihan upang magkaroon ng lakas-loob na maninindigan at protektahan ang kalikasan na ipinagkatiwala ng Diyos.

PAMAMARAANSa kadahilanang ang mga makikilahok ay

magmumula sa mga karaniwang mamamayan, mahihirap at walang boses sa lipunan , gagamitin sa materyal na ito ang Teolohiya ng Pagpapalaya gamit ang Banal na Kasulatan (Gen 1:26-28), Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko(KPK 341), Mensahe ng Santo Papa Benedict XVI, Sulat Pastoral ng mga Obispo at karanasan ng mga tao. Gagamitin dito ang “Life Integration, Source Integration at

Contextual Integration”, sa kadahilanang sila mismo ang nakaranas ng hindi magandang epekto ng pagmimina sa kanilang kabuhayan at kapaligiran.

II. MATERYAL PANGKATEKETIKAL PARA SA PAGTATAAS NG KAMALAYAN NG MGA KASAPI NG MUNTING SAMBAYANANG KRISTIYANO

Habang nagtitipon at nagpapatala ang mga makikilahok ay inihanda ang ibat-ibang kulay ng“name tags” para gamitin sa pagbuo ng grupo at habang naghihintay ay pinapatugtog ang mga awiting maka kalikasan para maihanda ang kanilang kalooban. Magbibigay din ng mga pampasiglang awit “action Song” para maipanatag ang kanilang kalooban, makilala nila ang isat isa, maramdaman ang diwa ng pagkapantay-pantay at pagkakaisa.

KALAGAYANAng mga makikilahok ay kasapi ng Munting

Sambayanang Kristiyano na binuo mula sa kapitbahayan at namumuhay sa simpleng pamamaraan. Sila ay hindi aktibong nakikilahok sa mga gawaing panlipunan dahil kulang ang kanilang kamalayan, may takot at may pag-aalinglangan na magpahayag ng kanilang damdamin at paninidigan.

NILALAMAN NG KATESISMO

Panalangin:Paginoon, Ikaw ang pinagmulan ng lahat ng mga

biyaya sa mundo at ng misteryo ng bawat tao. Pinupuri Ka namin at pinasasalamatan sa lahat ng mga biyayang ipinagkaloob Mo sa amin, ang aming Panahon, Talino, Lakas, Buhay,Kalikasan, Pananampalataya at Materyal na mga biyaya.

Bilang tanda ng Iyong mapagmahal at tapat na pagkalinga, ipinagkatiwala Mo sa amin ang buong Sangnilikha. Subalit ito ay nasisira dahil sa kasakiman, pang-aabuso at pagkamasarili, upang mapakinabangan lamang ng iilan.

Amang mapanglikha, tulungan Mo kami na magkaroon ng sapat na lakas ng loob, katatagan ng

pananampalataya na kumilos upang magbago at madalisay ang aming sarili, sambayanan at lipunan tungo sa Makatao, Makabayan at Maka-Diyos na mundo sa tulong ng Mahal ng Birheng Maria, Ina ni Kristo at Ina ng Sambayanan ng mga dukha. Amen.

Mensahe ng Pagbati sa mga makikilahok

PANIMULANG GAWAIN

PagganyakIpapalabas at ipapasuri ng kasalukuyang kalagayan ng

dalamapasigan ng Ilocos Sur sa pamamagitan ng mga larawan na kinuha sa actual na operasyon ng pagmimina. Ipapakita ang mga katunayan ng mga ibat-ibang hakbang na naisagawa na ng simbahan para tutulan ang pagmimina.

Habang pinapalabas ang mga larawan ng kasalukuyang kalagayan ng dalampasigan, ay sinasabayan ng mga awiting pangkalikasan.

Pagbuo ng grupoSa pamamagitan ng kulay ng nasusulatan ng kanilang

pangalan, hanapin nila ang kanilang kasapi sa grupo at magkaroon ng pagbabahaginan tungkol sa kanilang nakita na kalagayan ng kanilang dalampasigan. Sa kanilang pagbabahaginan, sasagutin nila ang mga sumusunod na katanungan:

Mga katanungan para sa pagbabahaginan:1. Ano ang inyong masasabi sa kalagayan ng ating

dalampasigan?2. Ano ang inyong naramdaman habang pinapanuod

ninyo ang sitwasyon nga ating dalampasigan? Ano kaya ang naibubunga nito sa ating kabuhayan at kalikasan?

3. Sa Kabila ng pagpapahinto ng Korte Suprema, Bakit kaya nagpapatuloy pa rin ang ilegal na pagmimina? Ano ang dalihan? Paano tayo makakatulong upang matugunan ang ating mga hinaing na mahinto ang illegal na pagmimina?

PaglalahadAng bawat grupo ay maglahad ng kanilang

napagbahaginan. At pagkatapos ng paglalahad ay babasahin ang Salita ng Diyos sa aklat ng Genesis 1:26-28.

Page 3: ateneo.edu · Web viewAng module na ito ay gagamitin para sa pakikipag-usap at pagtataas ng kamalayan ng mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan tungkol

Pag-unayin ang kanilang mga kasagutan sa pagbabahaginan at ang kaugnayan nito sa itinuturo ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang narinig ninyo sa ating binasa sa Salita ng Diyos?

2. Ano ang pinapagawa sa atin ng Diyos batay sa ating binasa.

3. Ano ang pagkaunawa natin ng salitang “makapangyari”

4. Paano natin isinasabuhay ang pagiging katiwala ng Diyos?

Bibigyang halaga ang pagpapaliwanag tungkol sa Salitang “Makapangyari o Katiwala”

“Sinabi ng Diyos, “lalangin natin ang tao na ating larawan at kahawig. Sila ang makapangyari sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa lahat ng mababangis na hayop at sa iba pang mga hayop, at sa lahat ng gumagapang sa lupa.

Kaya nilikha ng Diyos ang tao na kanyang larawan; larawan ng Diyos siya ay kanyang nilikha; nilikha niya silang lalaki at babae.

Pinagpala Niya ang mga ito at sinabi:”maging mabunga kayo at magparami, punuin ninyo ang lupa at kayo ang makapangyari rito. Kayo ang makapangyari sa mga isda sa dagat at mga ibon sa langit, sa bawat buhay na hayop na gumagalaw sa lupa”.

Pagsasanib o IntegrationKung ating pagninilayan ang mga pangyayari sa

liwanag ng Ebanghelyo tayo ay naniniwala na ang pang- aabuso sa likas na kayamanan ay kasalanan at salungat sa itinuturo ng ating pananampalataya.Isinasaad sa Bibliya na ang Diyos ang lumikha at nagtataguyod sa bawat pag-iral ngayon. Isinasaad naman ng Genesis (Gen 1: 27-28) na nilalang ng Diyos ang tao at nilikha na kalarawan Niya. Siya ang mamamahala sa mga isda , mga ibon at lahat ng hayop.(Gen 1: 26 ). Tayo ay tinawag upang tularan ang Diyos na ating Manlilikha ( PCP ll, 296 ).Tayo ay inatasang pagharian

ang mundo nang may katarungan at kabanalan, kumikilala sa Diyos na Manlilikha ng lahat ng bagay at iniugnay ang ating sarili at ang katuruan ng kalikasan sa kanya, upang sa pamamagitan ng ating pamumuno sa lahat ng bagay ang pangalan ng Diyos ang maging dakila sa buong daigdig. (GS 34) Ang panangutang ito kung gayon, ay nangangahulugan din ng ating makataong “ pagkakaisa, “ ang matatag at matiyagang paninindigang italaga ang ating sarili sa kabutihang panlipunan, ang kabutihan ng lahat at ng bawat isa sapagkat tayo ay tunay na may pananagutan sa lahat. ( KPK 341)

Magagawa natin ang mapanagutang pangangasiwa sa lahat ng nilikha sa pamamagitan ng ating pang araw-araw na gawain gaya ng pag-aalaga at pagpapalago sa kalikasan, protektahan ang mga yamang mineral, sumbatan ang mga nag-iilegal ng walang takot at pag-aalinlangan, magtanim ng mga puno, huwag gagamit ng mga pestisido at gawin ang organikong pagsasaka. Ito ay tanda ng ating” buhay na pananampalataya”

Wala sa plano ng Diyos na bilang katiwala ay basta basta na lang nating aabusuhin o sisirain ang ating kalikasan. Ngunit ano ang nangyayari dito sa ating dalampasigan sa ngayon? May mga malalaking barko at mga kagamitan na ating nakikita na ginagamit sa pagmimina pero nanatiling hanggang katanungan at palaisipan lamang ito sa atin. Ito ay nagbubunga ng hindi maganda gaya ng mga sumusunod: nasisira ang dalampasigan at ang natural na depensa ng lupa at dagat,nauubos ang yamang mineral, nasisira ang “ fish Sanctuary” at naaapektuhan lalo’t higit ang ating kabuhayan. Kaya panahon na upang patunayan natin na tayo ay tunay na katiwala ng Diyos at sama-sama tayong gumawa ng hakbang na walang takot at pag- aalinlangan upang mapahinto ang pagmimina ng sa gayon ay masagip natin ang ating dalampasigan. Lagi nating isipin na nangako ang ating Manlilikha na kasa-kasama natin Siya sa lahat ng sandali ng ating buhay. “Ako’y sasainyo, huwag kayong matakot, ako ang iyong Diyos, di ka dapat mangamba kaninuman”( Isa 41:10.

Sa kabila ng lahat ng mga malalim na pagkakatakot at alalahanin sa kinakaharap nating lahat, ipinagkaloob ng ating mapagmahal na Manlilikha ang isang pag-asa sa lubos na kananapan ng lahat nating hangarin at ng isang pangako ng panloob at kapayapaan ng kaluluwa na nagbubuo ng ating mga buhay.

Kaya sa mga nangyayaring ito sa ating kapaligiran ang CBCP ay patuloy na nananawagan sa atin na protektahan ang kalikasan dahil ito ang pinagkukuhanan ng ating kabuhayan at magkaroon ng malasakit at pagpapahalaga sa mga ito at gumawa ng hakbang upang panatilihin ang kabanalan ng buhay at bawat nilikha.

Buong puso nating pinasasalamatan ang ating Manlilikha na natutunan natin ang pinakamalalim na kahulugan at kahalagahan ng lahat ng nilikha. Lalo’t higit natin itong ipinahahayag tuwing nakikiisa tayo sa pagdiriwang ng Liturhiya o sa Banal na Eukaristiya.

Mga Katanungan:1. Ano ang ating magagawa upang tugunan ang

panawagan ng Diyos?Mga inaasahan na mungkahi:

Magkaisa sa paninindigan na ipahinto ang pagmimina, ipaglaban ang kahalagahan ng kalikasan.

2. Ano ang ating gagawin bilang pagpahayag ng ating damadamin at paninindigan?Mga inaasahan na mungkahi:

Sulat at Signature campaign, humingi ng tulong sa Media para maisiwalat sa karamihan, pag-gamit ng technology gaya ng facebook, humingi ng tulong mula sa nakakataas sa gobyerno at magkaroon ng mining forum na dadaluhan ng mga kasapi ng Munting sambayanang Kristiyano at mag imbita ng opisyal ng pamahalaan at ibat ibang sector sa lipunan gaya ng mga namumuno sa “Social Action”.

3. Sa lahat na inyong inilahad at ibinahagi, alin ang ating kayang gawin?

Page 4: ateneo.edu · Web viewAng module na ito ay gagamitin para sa pakikipag-usap at pagtataas ng kamalayan ng mga kasapi ng Munting Sambayanang Kristiyano at iba pang mga mamamayan tungkol

Inanasahan na ang kanilang mapagkasunduan ay gagawa ng sulat na pinapahinto ang pagmimina:

Gagawa ng Sulat at pipirmahan ng mga kalahok.

4. Ano ang gusto ninyong nilalaman ng sulat?Ipahayag ang inyong damdamin at kung ano ang gusto ninyong iparating sa nakakataas upang mapahinto ang pagmimina.

Paglalahad/ReportingIlalahad ng bawat grupo ang lahat na gusto nilang

ilalagay sa sulat, iipunin at pag-isahin sa isang sulat na gagawin ng Core group habang nagmemeryenda ang mga kasapi.

KATAHIMIKAN AT PAGNINILAYMagbigay ng panahon para sa pagninilay habang pinapakinggan ang awiting “ORAS NA”

ORAS NAMay bulong, dinggin mo ihip ng ating panahon May sigaw, dinggin mo at ubos na ang oras mo.Oras na magpasya, kung saan ka pupuntaOras na, oras na ma- iba ka ng landas.

Ref: Tayo na sa liwanag, ang takot ay nasa isip lamang, Tama na ang pag- aalinlangan, Ang takot ay nasa isip lamang.

Kung daa’y di tiyak, at ang ulo’y laging ligaw, Damhin mo, damhin mo ang landas ng puso mo.

Ref: Tayo na sa liwanag, ang takot ay nasa isip lamang, Tama na ang pag- aalinlangan, Ang takot ay nasa isip lamang.

Dinggin mo, Damhin mo, ang landas ng puso moOras na. Oras na, magbuo ka ng pasya

Ref: Tayo na sa liwanag, ang takot ay nasa isip lamang, Tama na ang pag- aalinlangan, Takot ay nasa isip lamang.

Coda: Takot ay nasa isip lamang

Pagkatapos mapatugtug ang awiting ORAS NA! ay palalimin at iugnay sa kanilang karanasan, reyalisasyon at at desisyon sa mga kaganapan na ginawa sa buong maghapon ayon sa sumusunod na katanungan:

1. Ano ang sinasabi sa atin ng awiting ito?2. Ano ang hamon sa atin bilang Munting

Sambayanang Kristiyano?

PabubuodBasahin ang ginawang “STATEMENT”Paglalagda ng lahat ng kalahok.

Ang sulat na kanilang ginawa ay ibibigay sa Obispo para papirmahan at ipadala sa mga kinauukulan.

Pagsamba:Ang gawaing ito ay magtatapos sa pamamagitan ng

Banal na Eukaristiya bilang tanda ng pasasalamat at pagkakaisa. Ang sulat na pinirmahan ay babasahin pagkatapos ng homiliya at isama sa pag-aalay.

KRISTIYANONG MENSAHEPagsasabuhay:

Pagsagip at pagpapahalaga sa kalikasan.

Katotohanan: Ang kalikasan ay biyaya ng Diyos na ipinagkatiwala Niya sa atin upang pangalagaan.

Pagsamba:Pagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ng Kalikasan at pananalangin na magkaroon ng lakas-loob na makikisangkot at maki-isa sa mga hakbang upang sagipin at pahalagahan ang kalikasan.

Sangunian:

Katesismo para sa Pilipinong Katoliko, Quezon City: Claretian Publication

Message of His Holiness POPE BENEDICT XVI for the celebration of the WORLD DAY OF PEACE, January1, 2010

CBCP Pastoral letter on Ecology “What is Happening to our Beautiful Land”, by Archbishop Leonardo Z. Legaspi, OP, D.D.

CBCP Pastoral letter “Uplholding the Sanctity of Life” by Archbishop Angel N. Lagdameo, D.D.

III- MUNGKAHING ESKEDYUL NG MGA GAWAIN: 8:00-8:45- Pagtitpon at pagtatala 8:45-9:00- Pampasiglang Sayaw 9:00- 9:10- Panalangin 9:10-9:15- Mensahe ng Pagbati 9:15-9:30- Pagganyak 9:30-10:00- Pagbabahaginan

10:00-10:15- Meryenda10:15- 10:45- Pag-uulat10:45-12:00 - Pagbibigay Katekisis/ Pagsasanib 12:00- Pananghalian

1:30- 2:00- Pagbabahaginansa buong grupo 2:00- 2:15- Katahimikan at pagninilay 2:15- 2:45- Pagbabahagin/ workshop 2:45- 3:15- Meryenda 3:15- 4:15- Pagdiriwang ng banal na Misa 4:30- Uwian Na!

Gawa nina: Cortez, Rev. Fr. Segundino Jagmis, Sr. Perseveranda, MSLT Salvan, Sr. Maria Sylvia, MSLT

Sa patnubay nina: Dr. Ray Aguas

Ms. Rachel Sanchez