74
1 Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin. Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Proposisyon A Mga May Bayad na Pangangatwiran May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A “A” PARA SA ABOT-KAYANG PABAHAY! Ang pangmatagalang Capital Program ng Lungsod ang nagpatayong muli o nagpaayos sa mga parke, mga pampublikong gusali, MUNI at mga himpilan ng mga bombero na hindi kinailangang taasan ang mga buwis sa propiyedad. Sa unang pagkakataon, dahil sa Proposisyon A, isasama sa programa ang abot-kayang pabahay. Ang inyong boto sa OO sa A ay magtatayong muli o mag-aayos ng mga sira-sirang pampublikong pagpapabahay, magtatayo ng abot-kayang pabahay para sa mga nagtatrabahong pamilya at magkakaloob ng mga pondong ipapautang para sa pagmamay-ari ng bahay, na tutulong sa pagpapatupad ng anim-na- taong Affordable Housing Plan (Plano para sa Abot- kayang Pabahay) ng Mayor. Makiisa sa mga samahan ng negosyo, mga manggagawa at pambayan sa pagsasagawa nitong mahalagang hakbang sa pagpapatayo ng kailangang pagpapabahay; IBOTO ANG OO sa A. San Francisco Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal ng San Francisco) at ang aming 1,500 na lokal na bahay-kalakal. Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Chamber of Commerce. May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A SUPORTAHAN ang Affordable Housing Bond (Bono para sa Abot-kayang Pabahay)! Matibay na hinihikayat ng San Francisco Housing Action Coalition (Samahan para sa Aksiyon sa Pagpapabahay ng San Francisco) ang LAHAT ng botante na suportahan itong kinakailangang panukalang-batas. Ang huling matagumpay na bono para sa pagpapabahay ay pinagtibay noong halos dalawang dekada na ang nakakaraan. Sa panahong iyon, malaki ang ibinaba ng pagpopondo ng pamahalaang pederal at estado para sa bagong abot-kayang pabahay. Kasama ng mabilis na lumalaking populasyon, ang ating kasalukuyang mga residente na mababa at Bono para sa Abot-Kayang Pabahay A katamtaman ang kita ay lalo lang nanganganib na dadanasin ang paglilipat sa ibang lugar at ang pagpapaalis sa tirahan. Ito ay lubhang mapanganib sa katangian ng ating Lungsod sa hinaharap bilang lugar na maraming iba’t ibang kultura’t lahi at bukas sa lahat. Ang Prop A ay importanteng hakbang sa pagtulong sa mga nangangailangan. Ito ang mga dahilan kung bakit ninyo dapat suportahan ang Prop A: Ang San Francisco ay naging pinakamahal na housing market (lugar kung saan nagbibilihan ng mga bahay) sa buong bansa at hindi pa humigit kailanman ang pangangailangan para sa abot- kayang pabahay sa pangangailangan ngayon. Ang Prop A ay balanseng panukalang-batas na tutulong sa mga nangungupahang mababa ang kita, mga residente ng pampublikong pagpapabahay at mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon. HINDI patataasin ng Prop A ang inyong buwis sa propiyedad! Tutulong ang Prop A na magpanatili at gumawa ng mga kalutasan sa pagpapabahay para sa mga residenteng hindi makahanap ng tirahan o napapalipat sa ibang lugar dahil sa krisis ng pagiging abot-kaya ng Lungsod. Tinalakay na at sinuring muli ang Prop A at sinusuportahan ng malawak na hanay ng mga tagataguyod ng pagpapabahay, mga grupong pangkapitbahayan (neighborhood groups), developers, real estate professionals, at iba pa. Kailangan ng Prop A ang dalawang-katatlong (two- thirds) boto para mapagtibay. Ipaalam sa mga kaibigan ninyo at pabotohin sila ng OO sa Prop A! San Francisco Housing Action Coalition Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Housing Action Coalition. May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A NAGKAKAISA PARA SA MAS MARAMI PANG PAGPAPABAHAY Bakit nagkakaisa ang San Francisco para pagtibayin ang Proposisyon A?

1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

1

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

“A” PARA SA ABOT-KAYANG PABAHAY!

Ang pangmatagalang Capital Program ng Lungsod ang nagpatayong muli o nagpaayos sa mga parke, mga pampublikong gusali, MUNI at mga himpilan ng mga bombero na hindi kinailangang taasan ang mga buwis sa propiyedad. Sa unang pagkakataon, dahil sa Proposisyon A, isasama sa programa ang abot-kayang pabahay.

Ang inyong boto sa OO sa A ay magtatayong muli o mag-aayos ng mga sira-sirang pampublikong pagpapabahay, magtatayo ng abot-kayang pabahay para sa mga nagtatrabahong pamilya at magkakaloob ng mga pondong ipapautang para sa pagmamay-ari ng bahay, na tutulong sa pagpapatupad ng anim-na-taong Affordable Housing Plan (Plano para sa Abot-kayang Pabahay) ng Mayor.

Makiisa sa mga samahan ng negosyo, mga manggagawa at pambayan sa pagsasagawa nitong mahalagang hakbang sa pagpapatayo ng kailangang pagpapabahay; IBOTO ANG OO sa A.

San Francisco Chamber of Commerce (Konseho ng mga Mangangalakal ng San Francisco) at ang aming 1,500 na lokal na bahay-kalakal.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Chamber of Commerce.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

SUPORTAHAN ang Affordable Housing Bond (Bono para sa Abot-kayang Pabahay)!

Matibay na hinihikayat ng San Francisco Housing Action Coalition (Samahan para sa Aksiyon sa Pagpapabahay ng San Francisco) ang LAHAT ng botante na suportahan itong kinakailangang panukalang-batas.

Ang huling matagumpay na bono para sa pagpapabahay ay pinagtibay noong halos dalawang dekada na ang nakakaraan. Sa panahong iyon, malaki ang ibinaba ng pagpopondo ng pamahalaang pederal at estado para sa bagong abot-kayang pabahay. Kasama ng mabilis na lumalaking populasyon, ang ating kasalukuyang mga residente na mababa at

Bono para sa Abot-Kayang PabahayAkatamtaman ang kita ay lalo lang nanganganib na dadanasin ang paglilipat sa ibang lugar at ang pagpapaalis sa tirahan. Ito ay lubhang mapanganib sa katangian ng ating Lungsod sa hinaharap bilang lugar na maraming iba’t ibang kultura’t lahi at bukas sa lahat. Ang Prop A ay importanteng hakbang sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Ito ang mga dahilan kung bakit ninyo dapat suportahan ang Prop A:

• Ang San Francisco ay naging pinakamahal na housing market (lugar kung saan nagbibilihan ng mga bahay) sa buong bansa at hindi pa humigit kailanman ang pangangailangan para sa abot-kayang pabahay sa pangangailangan ngayon. Ang Prop A ay balanseng panukalang-batas na tutulong sa mga nangungupahang mababa ang kita, mga residente ng pampublikong pagpapabahay at mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon.

• HINDI patataasin ng Prop A ang inyong buwis sa propiyedad!

• Tutulong ang Prop A na magpanatili at gumawa ng mga kalutasan sa pagpapabahay para sa mga residenteng hindi makahanap ng tirahan o napapalipat sa ibang lugar dahil sa krisis ng pagiging abot-kaya ng Lungsod.

• Tinalakay na at sinuring muli ang Prop A at sinusuportahan ng malawak na hanay ng mga tagataguyod ng pagpapabahay, mga grupong pangkapitbahayan (neighborhood groups), developers, real estate professionals, at iba pa.

Kailangan ng Prop A ang dalawang-katatlong (two-thirds) boto para mapagtibay. Ipaalam sa mga kaibigan ninyo at pabotohin sila ng OO sa Prop A!

San Francisco Housing Action Coalition

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Housing Action Coalition.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

NAGKAKAISA PARA SA MAS MARAMI PANG PAGPAPABAHAY

Bakit nagkakaisa ang San Francisco para pagtibayin ang Proposisyon A?

Page 2: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

2

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Lumilikha ang Prop A ng mga pagkakataon para sa bagong pagpapabahay sa lahat ng dako ng lungsod para sa mga higit na nangangailangan - mga pamilya na mababa at nasa kalagitnaan ang kita, mga beterano, mga senior at ang mga may kapansanan.

Ang Prop A ay tuwirang mamumuhunan ng $310 milyon sa mga inisyatiba ukol sa pagpapabahay na tutulong na magpanatiling abot-kaya ang San Francisco, at sa gayon mas maraming residente ang maaaring manatili sa lungsod. Sa pagsasagawa nito, hindi magtataas ng mga buwis at hindi na maglalaan ng karagdagang pera para sa mga luxury condo.

Iyan ang dahilan kung bakit ang mga organisasyon tulad ng amin ay nakikipag-isa sa Mayor, sa buong Board of Supervisors (Lupon ng mga Supervisor) at mga kapitbahay mula sa bawat dako ng lungsod.

OO sa A

Tenderloin Neighborhood Development Corporation (Korporasyon para sa Pagpapaunlad ng Kapitbahayan ng Tenderloin)Curry Senior CenterHamilton Family CenterTenderloin Housing Clinic

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Tenderloin Neighborhood Development Corporation.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

Panatilihing simple.

Nagkakaisa ang San Francisco para ipahayag ang OO sa Proposisyon A, dahil ang Proposisyon A ay:

• Magkukumpuni ng mga sira-sirang pampublikong pagpapabahay para sa mga pamilyang may pinakamababang kita sa San Francisco.

• Magtatayo ng bagong pagpapabahay para sa mga pamilyang mababa at nasakalagitnaan ang kita, mga senior, mga beterano at mga taong may kapansanan.

• Magagarantiya ng abot-kayang paupahang pabahay sa mga kapitbahayan (neighborhoods) sa buong San Francisco.

• Magkakaloob ng tulong sa pag-utang para sa mga guro at mga unang beses pa lamang na bibili ng bahay.

• Nagdudulot ng ginhawa sa kagipitan ng pagpapabahay sa Mission District.

Lahat ng pondo ay gagamitin sa pagpapabahay para sa pamilyang mababa at nasa kalagitnaan ang kita. Walang mapupunta sa mga luxury condo, kahit isang kusing ng pera. At ang panukalang-batas ay may istriktong kontrol sa pananalapi, kabilang ang komite ng mga mamamayang tagapangasiwa na may kasarinlan, para matiyak na nararapat ang pagkakagasta sa mga pondo.

Kaya nga ang Mercy Housing at ang Episcopal Community Services ay nakikipagkaisa sa mga tagataguyod ng pagpapabahay mula sa SOMA hanggang sa Sunset sa pagsuporta sa Proposisyon A.

OO sa A.

Mercy HousingEpiscopal Community Services (Mga Serbisyong Pangpamayanan ng Episcopal)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Mercy Housing, Episcopal Community Services.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

OO SA A: ANG ABOT-KAYANG PABAHAY AY NAGBIBIGAY NG OPORTUNIDAD AT KATATAGAN!

Tayo ay nasa makasaysayang at mahalagang katayuan. Alinman sa dalawa, mamuhunan tayo sa pagtatayo ng abot-kayang mga tahanan at pagpapatatag ng mga kapitbahayan, o nanganganib na mawawala natin ang pagiging iba’t iba ng mga pangkabuhayan at lahi ng Lungsod, at ang puso’t diwa ng ating mga pamayanan. Sinusuportahan ng Proposisyon A, na may mga programa para sa abot-kayang paupahang pabahay, rehabilitasyon ng mga pampublikong pagpapabahay, mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon at pagpapabahay para sa magkakahalong-kita, ang mga nagtatrabahong pamilya, tulad ng mga guro at mga nagtatrabaho sa healthcare, mga manggagawa na higit na mababa ang kita tulad ng mga barista at mga janitor, at mga populasyon na lubhang limitado ang mga opsyon tulad ng mga senior na pirmihan-ang-kita at mga taong may kapansanan.

Bilang mga kinatawan ng pang-komunidad na pagpapabahay, mga pang-serbisyong organisasyon at pang-relihiyon, at bilang sambayanang nagtatayo, namumuhunan at nagtatangkilik para sa abot-kayang pabahay,

MATIBAY NAMING SINUSUPORTAHAN ANG PROPOSISYON A.

San Francisco Council of Community Housing Organizations (Konseho ng mga Organisasyon ng

Page 3: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

3

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Pang-komunidad na Pagpapabahay ng San Francisco) Nonprofit Housing Association of Northern California (Di-pinagkakakitaang Asosasyon ng Pabahay ng Hilagang California)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: The San Francisco Council of Community Housing Organizations.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

Iboto ang A para sa pagiging Abot-kaya

Bilang mga botante na nagmamalasakit tungkol sa pagtitiyak na manatiling lungsod ng oportunidad para sa lahat ang San Francisco, dapat magkaisa tayo para ipagtibay ang Proposisyon A – ang Bono para sa Pagpapabahay.

Inilalarawan ng Prop A ang malaki-laking pagsulong tungo sa pagpapanatiling abot-kaya ang San Francisco para sa lahat ng mga residente natin. Pinamumuhunanan nito ang bagong pagpapabahay para sa mga pamilyang mababa ang kita at middle class, pati na rin ang mga senior, mga beterano at ang may kapansanan, at pinananatili ang abot-kayang paupahang pagpapabahay sa mga kapitbahayan sa lahat ng dako ng lungsod.

Walang pondo ng Prop A, kahit isang dolyar, ang pupunta sa karagdagang mga luxury condo.

Ang Prop A ay tungkol sa pagtitiyak na ang San Francisco ay mananatiling masiglang lungsod, na may marami at iba’t ibang lahi at kultura kung saan tayong lahat ay maaaring magtrabaho at manirahan. Mangyaring sumali sa mga tagataguyod ng abot-kayang pagpapabahay, pati na rin ang mga kapitbahay mula sa Mission hanggang sa Marina.

OO sa A.

Coalition for San Francisco Neighborhoods (Samahan para sa mga Kapitbahayan ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

PROTEKTAHAN ANG MGA PAMAYANAN NG SAN FRANCISCO

Isinalalarawan nang mabuti ng mga dokumento ang pagpapaalis at paglilipat sa ibang lugar ng pamayanan

ng African American sa San Francisco nitong nakaraang apat na dekada. Simula 1970, mahigit sa kalahati na ang nabawas sa populasyon ng African American sa Lungsod. Sa mga batay sa kasaysayan na kapitbahayang itim tulad ng Fillmore, Bayview-Hunters Point at Western Addition, ang gastos para manirahan sa San Francisco ay nagtulak sa marami at mas marami pang pamilya sa kabilang dako ng Bay Bridge at lampas pa.

Tinatalakay ng Proposisyon A - ang $310 milyon bono para sa pagpapabahay – ang ilang malulubhang isyu na hinaharap ng mga residenteng African American na nagsusumikap na manatili sa kanilang sariling lungsod.

Nagsisimula ito sa pagkakaloob ng mga bagong pabahay na sadyang para sa mga pamilya na mababa at nasa kalagitnaan ang kita, pati na rin ang mga senior, mga beterano at ang may kapansanan. Pinaaayos din ng panukalang-batas ang mga sira-sirang pampublikong pagpapabahay, para ang mga residenteng mababa ang kita ay hindi kailangang manirahan sa mga gusaling halos magigiba na.

Bukod pa, pinangangalagaan ng Prop A ang mga nangungupahan sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga abot-kayang paupahang unit ng pabahay sa mga kapitbahayan sa lahat ng dako ng lungsod. Ang kahulugan nito ay mas maraming pamilya na African American ang magkakaroon ng kakayahang manatili sa mga kapitbahayang tinitirahan nila at papag-aralin ang mga anak nila sa eskuwelahan.

Ang Proposisyon A ay isang kailangang-kailangan na hakbang tungo sa pagiging abot-kaya ng pabahay at ng pagkakapantay sa pabahay sa San Francisco. Kaya nga nakikipagkaisa kami sa mga tagataguyod ng pagpapabahay at mga lider ng mga kapitbahayan mula sa bawat kapitbahayan sa lungsod.

Mangyaring sumali sa amin sa pagtulong na magpatayo ng karagdagang pagpapabahay para sa ating pamayanan ngayon.

OO sa A.

London Breed – President, Board of Supervisors*Malia Cohen – District 10 Supervisor

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinanggalingan: Yerba Buena Consortium, LLC.

Page 4: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

4

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

“A” PARA SA HIGIT PANG PAGIGING ABOT-KAYA NG PABAHAY

Walang pag-aalinlangan na ang San Francisco ay may hinaharap na krisis sa pagpapabahay. Habang ang ekonomiya ng lungsod ay biglang umunlad, tumaas na masyado ang mga upa, kaya ang marami at mas marami pang mga residente ay nagpapakahirap na manatili dito sa lungsod.

Nararamdaman na nang higit ng mga LGBT na taga-San Francisco ang kagipitan.

Nagtatayo ang Prop A ng mga malubhang kinakailangan na pagpapabahay para sa mga taga-San Francisco na nagsusumikap na huwag sumuko. Ang panukalang-batas ay tuwirang pumupunta sa pagpapabahay para sa mga residente na mababa ang kita at middle class – tumutulong na makamit ang layunin ng pagsasaayos at pagtatayo ng 30,000 bagong bahay sa susunod na limang taon.

At walang pera, ni isang kusing, ay mapupunta sa mga luxury condo.

Susuportahan ng Prop A ang mga guro na LGBT at mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong sa pag-utang.

Susuportahan din nito ang mga nangungupahan sa pagpapanatili ng abot-kayang paupahang pagpapabahay sa mga kapitbahayan sa lahat ng dako ng lungsod.

Ang Prop A ay sinusuportahan ng mga tagataguyod ng abot-kayang pagpapabahay at ng LGBT tulad namin, dahil hinaharap nito ang krisis sa pagpapabahay at tinitiyak na mas maraming taga-San Francisco ang maaaring manatili sa lungsod.

Iboto ang OO sa A.

Harvey Milk LGBT Democratic ClubTom Ammiano, Former AssemblymemberBrian Leubitz - Co-Chair, Alice B. Toklas LGBT Democratic Club*Zoe Dunning - Co-Chair, Alice B. Toklas LGBT Democratic Club *

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

PAGIGING ABOT-KAYA NG PABAHAY PARA sa SAN FRANCISCO

Hinaharap ng Prop A ang krisis ng pagpapabahay sa pamamagitan ng pagtatayo ng karagdagang unit para sa mababa ang kita at middle class ng San Francisco, pagpoprotekta sa mga nangungupahan, at pagkakaloob ng tulong sa pag-utang sa mga guro at mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon. Kinukumpuni rin ang mga sira-sirang pampublikong pagpapabahay para ang ating mga pamilya na lubos na limitado ang mga opsiyon ay may disenteng uri ng pamumuhay.

Natutupad nito ang lahat na ito na hindi nagtataas ng buwis at hindi naglalagay ng kahit isang dolyar sa karagdagang mga luxury condo.

Mangyaring makiisa sa coalition para gawing mas abot-kaya ang pabahay sa San Francisco.

Iboto ang OO sa A.

David Chiu, California Assemblymember (Miyembro ng Asamblea ng California)Jane Kim, Supervisor ng Distrito 6

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

OO SA A ANG SINASABI NG MGA NAGTATRABAHO NA TAGA-SAN FRANCISCO

Hinihikayat kayo ng San Francisco Labor Council (Konseho ng mga Manggagawa ng San Francisco) na makiisa sa amin sa pagsusuporta sa Proposisyon A, dahil ang “A” ay nangangahulugang pagtatayo ng lubhang kailangan na bagong pagpapabahay na tutulong sa mga pamilyang nagtatrabaho na manatili dito sa lungsod.

• Tutulong ang Prop A na gawing higit na abot-kaya ang pabahay para sa lahat ng taga-San Francisco na hindi magtaas ng buwis sa propiyedad.

• Ang Prop A ay magtatayo ng mga bagong pagpapabahay para sa mga pamilya na mababa at

Page 5: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

5

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

nasa kalagitnaan ang kita, mga senior, mga beterano at mga may kapansanan.

• Ang Prop A ay magbibigay ng proteksyon sa mga nangungupahan sa paggagarantiya ng mga abot-kayang paupahang unit sa lahat ng dako ng lungsod.

• Ang Prop A ay magbibigay ng tulong sa pag-utang para sa mga guro at mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon na gustong manirahan nang permanente sa San Francisco.

• Ang Prop A ay may striktong kontrol sa pananalapi para matiyak na ang mga pondo ay nagagasta nang nararapat.

Ang Labor Council ay kumakatawan sa mga kalalakihan at kababaihan sa lahat ng dako ng San Francisco na pumapasok sa trabaho araw-araw para magpa-unlad sa lokal na ekonomiya at panatalihing malakas ang ating lungsod. Ngunit para magawa iyon, itong mga pamilya ay nangangailangan ng mga oportunidad sa pagpapabahay.

Makiisa sa amin, kasama ng lokal na maliliit na negosyo at ng mga tagataguyod ng pagpapabahay.

Iboto ang OO sa pagiging abot-kayang pabahay.

OO sa A.

The San Francisco Labor Council

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

SUPORTAHAN ANG MGA GURO AT MGA NAGTATRABAHONG PAMILYA

Bakit sinusuportahan ng mga tagataguyod ng edukasyon ang Proposisyon A?

Pinahahalagahan ng Prop A ang pangangailangan na tulungan ang mga guro na manatili sa San Francisco.

Iyan ang dahilan kung bakit ang panukalang-batas ay nagkakaloob ng tulong sa pag-utang na tanging para sa mga guro na nagsisikap na makabili ng bahay.

Ang mga guro natin sa lungsod ay ilan sa pinakamasisipag na taga-San Francisco, na nagtatalaga ng sarili sa trabaho. Gayunpaman, ngayon, masyadong marami sa kanila ang napipilitang lumipat sa lugar na malayo sa mga paaralan kung saan sila nagtuturo,

dahil lamang hindi nila makaya ang gastos ng pabahay.

At nakakalungkot, ang karanasan nila ay hindi bukod-tangi. Mga pamilyang nagtatrabaho, mga beterano, mga senior at ang mga may kapansanan sa buong lungsod ay nahihirapan at higit pang nahihirapan na manatili sa San Francisco habang ang mga presyo ay patuloy na tumataas masyado.

Nagsasagawa ng mahalagang hakbang ang Prop A tungo sa pagharap sa kakulangan ng pagpapabahay sa gayon lahat ng taga-San Francisco ay maaaring patuloy na tawagin itong lungsod na tahanan.

Mangyaring makiisa sa Mayor, sa buong Board of Supervisors, sa mga tagataguyod ng pagpapabahay (housing advocates) at sa mga guro.

OO sa A.

Dr. Emily M. Murase - President, San Francisco Board of Education (Pangulo, Lupon ng Edukasyon ng San Francisco)*Matt Haney - Vice President, San Francisco Board of Education (Pangalawang Pangulo)

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

PAGPAPABAHAY PARA SA MGA PINAKANANGANGAILANGAN NITO

Maraming mabuting dahilan para suportahan ang Proposisyon A, na humaharap sa lubhang mahalagang pangangailangan na magpatayo ng karagdagang pagpapabahay sa San Francisco at gawing higit na abot-kaya ang pabahay para sa mga pamilyang nagsisikap nang husto para manatili sa lungsod.

Una, inaayos ng Prop A ang mga sira-sirang pampublikong pagpapabahay sa gayon ang ating mga pamilya na may pinakamababang-kita ay hindi kailangang manirahan sa mga gusaling nagigiba na. Iyan ay dapat pangunahing bagay na inaasahan sa isang lungsod na may umuunlad na ekonomiya tulad ng San Francisco.

Pangalawa, ginagarantiyahan ng Prop A ang konstruksiyon ng mga bagong pagpapabahay para sa

Page 6: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

6

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

mga taong-bayan na lubos na limitado ang mga opsiyon - mga pamilyang mababa at nasa kalagitnaan ang kita, mga senior, mga beterano at mga may kapansanan, para makaya nilang manatili sa lungsod na tinatawag nilang tahanan.

Pangatlo, nagkakaloob ang Prop A ng tulong sa pag-utang para sa mga guro at mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon na naghahanap ng lugar kung saan sila mamamalagi at kung saan sila maninirahan at magtatrabaho.

Pangwakas, pinoprotektahan ng Prop A ang mga nangungupahan sa pagpapanatili ng abot-kayang paupahang pabahay sa mga kapitbahayan sa lahat ng dako ng lungsod.

Malinaw ang katotohanan. Ang San Francisco ay dumaranas ng kakulangan ng pagpapabahay na nagtutulak sa maraming matagal nang naninirahang residente na umalis sa lungsod. Isinulat ang Prop A para mamuhunan sa paglulutas ng krisis sa pagpapabahay na hindi na maglalaan pa ng karagdagang pera para sa mga luxury condo.

Magkaisa tayong lahat bilang nalulugod na mga taga-San Francisco.

Iboto ang OO sa A.

Scott Wiener, San Francisco Supervisor District 8Julie Christensen, San Francisco Supervisor District 3Vicki Hennessy, Retired Interim Sheriff

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

PANAHON NA NGAYON PARA SA PAGPAPABAHAY SA SF

Panatilihin nating simple. Nagkakaisa ang mga lider ng mga kapitbahayan ng San Francisco para ipahayag ang OO sa Proposisyon A, dahil gagawin ng Prop A ang mga sumusunod:

• Magtatayo ng bagong pagpapabahay para sa mga pamilyang mababa at nasa kalagitnaan ang kita, mga senior, mga beterano at mga taong may kapansanan.

• Maggagarantiya ng abot-kayang paupahang pabahay sa mga kapitbahayan sa buong San Francisco.

• Magkakaloob ng tulong sa pagpapautang para sa mga guro at mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon ng bahay.

• Magdudulot ng ginhawa sa kagipitan ng pagpapabahay sa Mission District.

Lahat ng pondo ay gagamitin sa pagpapabahay para sa pamilyang mababa-ang-kita at middle class. Walang mapupunta sa mga luxury condo, kahit isang kusing ng pera.

Kaya nga ang mga kapitbahay mula sa lahat ng dako ng lungsod ay nakikipagkaisa sa mga eksperto ng pagpapabahay at maliliit na negosyo.

OO sa A.

District 3 Democratic Club

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

OO SA “A” ANG SINASABI NG MGA BETERANO NG SAN FRANCISCO

Hindi sekreto na ang pagiging abot-kaya ng pabahay ay ang pinakamalaking suliranin na hinaharap ng San Francisco ngayon. At masyadong madalas, ang mga beterano ng lungsod ang natutulak palabas.

Malayo ang nararating ng Prop A - ang Bono para sa Pagpapabahay - para baligtarin ang sitwasyon sa krisis ng pagiging abot-kaya sa pamamagitan ng pamumuhunanan sa kailangang-kailangang pagpapabahay para sa taga-San Francisco na mababa-ang kita at middle class.

Gagawin ng Prop A ang mga sumusunod:

• Popondohan ang mga bagong pagpapabahay para sa mga pamilya na mababa at nasakalagitnaanangkita, mga senior, mga beterano at mga may kapansanan.

• Aayusin ang mga sira-sirang pampublikong pagpapabahay para sa mga pamilya sa San Francisco na lubos na limitado ang mga opsiyon sa kabuhayan.

• Poprotektahan ang mga nangungupahan sa pagpapanatili ng abot-kayang paupahang pabahay sa lahat ng dako ng lungsod.

Ang mga beterano ng ating lungsod ay naglingkod ng may karangalan at dignidad sa kanilang bansa sa lahat

Page 7: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

7

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

ng dako ng daigdig. Iyong mga beterano - at mga masisipag ng taga-San Francisco sa buong lungsod - ay karapat-dapat na makahanap ng makatwirang lugar na titirahan dito sa lungsod na mahal nating lahat.

Makiisa sa mga beterano at mga tagataguyod ng pagpapabahay sa lahat ng dako ng San Francisco.

OO sa A.

Dwane Kennedy - Secretary, San Francisco Veterans Affairs Commission (Kalihim, Komisyon ng San Francisco sa Kapakanan ng mga Beterano)*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

“Pagpapabahay Ngayon!” ang sabi ng mga Latino sa San Francisco

Hindi sekreto na talagang malakas ang tama ng kakulangan ng pagpapabahay dito sa San Francisco sa mga Latino. Habang biglang tumataas ang pangangailangan sa mga kapitbahayan tulad ng Mission, ang masyadong pagtaas ng mga presyo at ang takot sa pagpapaalis ay nakapag-iwan sa maraming pamilya na humaharap nang walang katiyakan sa darating na panahon.

Kaya nga napakahalagang ipagtibay natin ang Proposisyon A – ang $310 milyong bono para sa pagpapabahay. Ginagarantiyahan ng Prop A ang bagong pagpapabahay para sa mga mababa-ang-kita at middle class na taga-San Francisco, habang pinananatili ang abot-kayang paupahang pabahay sa mga kapitbahayan sa lahat ng dako ng Lungsod.

Bukod pa, may mga tiyak na hakbang na isinasagawa ang Prop A para harapin ang kakulangan ng pagpapabahay sa Mission sa gayon maaaring manatili ang mga pamilyang Latino sa kapitbahayang tinatawag nilang sariling tahanan, kadalasan ng ilang henerasyon. At sa kapitbahayan kung saan ang dalawang-katatlo (two-thirds) ng mga residente ay mababa at katamtaman ang kita, tinitiyak ng Prop A na may mga pagkakataon para sa pagpapabahay para sa lahat, hindi lamang para sa mga taong kaya ang luxury condo.

Mangyaring makiisa sa amin, at sa mga eksperto sa pagpapabahay mula sa lahat ng dako ng lungsod.

Gumawa nang karagdagang pagpapabahay ngayon. OO sa A.

David Campos, Supervisor District 9San Francisco Latino Democratic Club

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

OO SA “A” ANG SINASABI NG PUBLIC SAFETY OFFICERS (MGA OPISYAL NG PAMPUBLIKONG KALIGTASAN

Bakit hinihikayat ng mga lider ng pampublikong kaligtasan ang mga taga-San Francisco na iboto ang OO sa Proposisyon A?

Tuwirang pamumuhunanan ng Prop A ang pagpapabahay para sa mga pamilyang nagtatrabaho sa lahat ng dako ng lungsod, na walang perang ilalaan para sa mga luxury condo.

Tulad ng maraming iba pang middle class na taga-San Francisco, nagigipit ang mga pulisya sa kakulangan ng abot-kayang pabahay. Habang patuloy na tumataas ang mga presyo, ang ilang mga pulis ay nagpupunyaging manatili lamang na naninirahan sa lokal na pamayanang pinaglilingkuran nila.

Ibabalik ng Prop A ang kakulangan sa pagpapabahay at pabubutihin.

Iyan ang dahilan kung bakit sinusuportahan ito ng mga tagataguyod ng pagpapabahay at ng mga lider ng kaligtasang-bayan.

Suportahan ang mga nagtatrabahong taga-San Francisco. Oo sa A.

San Francisco Police Officers Association (Asosasyon ng Pulisya ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Police Officers Association.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

PAGHARAP SA KRISIS NG PAGPAPABAHAY - OO SA A

Page 8: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

8

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Alang-alang sa San Francisco Citizens Initiative for Technology and Innovation (sf.citi) (Inisyatiba ng mga Mamamayan ng San Francisco para sa Teknolohiya at Kabaguhan), isang tagapagtaguyod na organisasyon na kumakatawan sa mahigit na 50,000 empleyado mula sa mahigit na 1,000 kompanya ng teknolohiya na may mga opisina sa San Francisco, hinihiling namin sa inyo na iboto ang OO sa Prop A, ang Bono para sa Abot-kayang Pabahay. Titiyakin ng Prop A na ang San Francisco ay mananatiling lungsod na malugod na tumatanggap sa lahat at isa sa primera klaseng lungsod sa buong daigdig, at kung saan makakaya ng mga tao na manirahan, magtrabaho at magpalaki ng pamilya sa mga kapitbahayan na may pagkakaiba-iba.

Ang malawak na coalition na kabilang ang mga tagataguyod ng abot-kayang pabahay, mga grupo sa pamayanan, at lokal na mga negosyo ay nagkakaisa para suportahan ang Proposisyon A. Inaasikaso nang tuwiran ng Prop A ang iisang pinakamalaking suliraning hinaharap ng San Francisco ngayon sa pamamagitan ng pamumuhunan sa pagpapabahay na makakatulong sa nagtatrabahong mga taga-San Francisco na manatili sa lungsod.

Ang Prop A ay isang kailangang hakbang na pasulong tungo sa pagkamit ng layunin ng lungsod sa pagpapaayos at pagpapatayo ng 30,000 bagong mga bahay sa susunod na limang taon. Hindi maglalaan itong panukalang-batas ng kahit isang dolyar para sa karagdagang mga luxury condo. Ang tunay na paglalaanan ng mga pondo ay ang pagtatayo ng lubhang kinakailangang pagpapabahay para sa mga taga-San Francisco na mababa at nasa kalagitnaanang kita sa lahat ng dako ng lungsod.

Ang ating lungsod ay nasa punto na kailangang magdesisyon. Ngayon, ipinagmamalaki ng San Francisco ang isa sa pinakamatatag na ekonomiya sa bansa, at ang ating pagkawala ng trabaho ay mas mababa sa 4%. Pero habang umuunlad ang ekonomiya, maraming residente ang nasasakal sa kakulangan ng pagkakaroon ng makatwirang pagpapabahay.

Magkakaroon ng madulang epekto ang Prop A sa direktang pamumuhunan sa pagpapabahay para sa mga taga-San Francisco na pinakamatinding naapektuhan ng kasalukuyang kagipitan - nang tiyakan ang mga pamilyang mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita, mga senior, mga beterano at ang mga may kapansanan.

Seryosohin natin ang pagsasagawa sa San Francisco na isang lugar kung saan makakaya ng lahat ng taga-San Francisco na magtrabaho at manirahan.

Iboto ang OO sa Prop A.

sf.citi

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: sf.citi.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

NAGKAKAISA ANG DEMOCRATS PARA SA KARAGDAGANG ABOT-KAYANG PABAHAY!

Sinusuportahan ng San Francisco Democrats ang Proposisyon A - ang Bono para sa Pagpapabahay - dahil aasikasuhin nang tuwiran ng Prop. A ang kakulangan ng pagpapabahay sa lungsod.

ORAS NA PARA KUMILOS.

Mangyaring makiisa sa San Francisco Democratic Party, sa mga tagataguyod ng abot-kayang pabahay, at sa mga pamilyang nagtatrabaho.

Iboto ang OO sa A --Karagdagang Abot-kayang Pabahay.

San Francisco Democratic Party

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic County Central Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

MAGTAYO NG KARAGDAGANG PAGPAPABAHAY NA HINDI MAGTATAAS NG MGA BUWIS SA PROPIYEDAD

Maipagmamalaki namin na sinusuportahan namin ang Proposisyon A, na naglalarawan ng responsableng hakbang sa pananalapi tungo sa paglulutas ng kakulangan ng pabahay sa San Francisco. Itong $310 milyon bono para sa pagpapabahay ay namumuhunan sa importanteng mga proyekto na tutulong sa nagtatrabahong mga taga-San Francisco na manatili sa lungsod na hindi itataas ang mga buwis.

Ang Prop A ay sinusuportahan ng malawak na coalition ng mga taga-San Francisco mula sa lahat ng paniniwalang pulitika - tagataguyod ng abot-kayang pabahay, mga lider ng lokal na mga negosyo at mga organisasyon ng mga manggagawa.

Mahal nating lahat ang San Francisco, at nauunawaan nating lahat na ang taong-bayan natin ang pinaka-importanteng bagay na may halaga na nasa lungsod. Tulungan natin ang masisipag na mga residente na manatili sa lungsod kung saan sila nagtatrabaho at

Page 9: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

9

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

nagpapaaral ng mga anak. Siguraduhin natin na ang mga senior, mga beterano at mga guro ay hindi kailangang umalis dahil hindi nila makaya ang simpleng pabahay. At gawin natin ito na hindi magtataas ng pabigat ng buwis sa buong pamayanan.

Mangyaring makiisa sa amin.

OO sa A.

Phil Ting, California Assemblymember (Miyembro ng Asamblea ng California)Asian Pacific Democratic Club

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

OO SA A ANG SINASABI NG MALILIIT NA NEGOSYO

Nagkakaisa ang maliliit na negosyo sa San Francisco sa pagsuporta sa Proposisyon A, dahil maglilikha ang Prop A ng higit na maraming pagpapabahay ngayon, na hindi magtataas ng mga buwis.

Ang pagiging abot-kayang pabahay ay nagpapatatag sa ekonomiya para sa lahat at nakakatulong na panatilihin ang SF na lungsod kung saan maaaring umunlad ang mga negosyo na iba-iba ang laki.

Makiisa sa maliliit na negosyo mula sa SOMA hanggang sa Sunset sa pagsasagawa sa San Francisco na higit na abot-kayang lugar para sa lahat ng empleyado at customer namin.

OO sa A.

Mark Dwight - Owner, Rickshaw BagworksBen Bleiman - Bar & Restaurant owner

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

OO ANG SINASABI NG MGA ENVIRONMENTALIST SA KARAGDAGANG PAGPAPABAHAY!

Bakit sinusuportahan ng mga environmentalist ang Proposisyon A? Direktang inaasikaso ng Prop A ang iisang pinakamalaking suliraning hinaharap ng San Francisco ngayon sa pamamagitan ng

pamumuhunanan sa pagpapabahay na makakatulong sa nagtatrabahong mga taga-San Francisco na manatili sa lungsod.

Ang Prop A ay isang kailangang hakbang na pasulong tungo sa pagkamit ng layunin ng lungsod sa pagpapaayos at pagpapatayo ng 30,000 bagong mga bahay sa susunod na limang taon. Hindi maglalaan itong panukalang-batas ng kahit isang dolyar para sa karagdagang mga luxury condo na hindi natin kailangan.

Ang tunay na paglalaanan ng mga pondo ay ang pagtatayo ng lubhang kinakailangang pagpapabahay para sa mga taga-San Francisoco na mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita sa lahat ng dako ng lungsod.

Magkakaroon ng madulang epekto ang Prop A sa direktang pamumuhunan sa pagpapabahay para sa mga taga-San Francisco na pinakamatinding naapektuhan ng kasalukuyang kagipitan - partikular na ang mga pamilyang mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita, mga senior, mga beterano at ang mga may kapansanan.

Seryosohin natin ang matalinong pagpaplano na magsasagawa sa San Francisco na isang lugar kung saan makakaya ng lahat ng taga-San Francisco na magtrabaho at manirahan.

Mangyaring makiisa sa mga lider na pangkapaligiran.

Bumoto ng OO sa Prop A.

Josh Arce, San Francisco Environment Commission President (Pangulo ng Komisyon sa Kapaligiran ng San Francisco)*Leah Pimentel, Committee Chair of the Blue Greenway (Tagapangulo ng Komite ng Blue Greenway)*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF Housing Now, Yes on A.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, LLC.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

Pananatilihin ng Proposisyon A, ang Bono para sa Abot-kayang Pabahay, ang mga senior at ang mga pamilya sa San Francisco sa pamamagitan ng pagpapatayo ng karagdagang pagpapabahay na abot-kaya ng ating pamayanan.

Community Tenants Association

Page 10: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

10

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Anni Chung, Self-Help for the Elderly*Reverend Norman Fong, Chinatown Community Development CenterSarah Wan, Community Youth Center of San Francisco*Chinese Culture Foundation of San FranciscoCecilia Liang, Charity Cultural Services Center*Gloria Tan, Gum Moon Women’s Residence*Asian and Pacific Islander Wellness CenterGordon Chin

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: The authors.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Community Tenants Association, 2. Anni Chung, 3. Chinatown Community Development Center.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

NAGKAKAISA PARA SA KARAGDAGANG PAGPAPABAHAY

Bakit nagkakaisa ang mga lider ng mga negosyo, manggagawa at pamayanan ng San Francisco para ipagtibay ang Proposisyon A?

Ginagarantiyahan ng Prop A na mas maraming nagtatrabahong taga-San Francisco ang maaaring manatili sa lungsod - sinisiguro ang bagong pagpapabahay sa lahat ng dako ng lungsod para sa mga pinakanangangailangan nito - mga pamilyang mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita, mga senior, mga beterano at ang mga may kapansanan.

Sa $310 milyon na pinamumuhunanan ng Prop A sa pagpapanatiling abot-kaya ang San Francisco, walang magmumula sa bagong mga buwis, kahit isang dolyar nitong pera, at ni isang kusing, walang ilalaan para sa mga luxurypagpapabahay.

Pinakamatatag ang San Francisco kapag lahat ng mga residente ay nakikibahagi sa mga pagkakataon. Oras na para sagupain natin ang kakulangan ng pagpapabahay sa gayon makakaya ng mga karaniwang tao ang manirahan dito at mamuhunan din sa kanilang mga kapitbahayan.

Iyan ang dahilan na nagkakasundo ang lahat ng mga tagataguyod ng pagpapabahay at maliliit na negosyo.

OO sa A.

San Francisco Alliance for Jobs and Sustainable Growth (Kaisahan ng San Francisco para sa mga Hanapbuhay at Patuloy na Pag-unlad)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Alliance for Jobs and Sustainable Growth PAC.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. San Francisco laborer’s local 261 PAC ID# 981076, 2. Building Owners and Managers Association of SF PAC ID# 870449, 3. San Francisco Association of Realtors.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

OO ANG SINASABI NG MGA MANGGAGAWA SA A!

OO ang sinasabi ng mga lider ng mga mangagawa sa San Francisco sa Proposisyon A – ang Bono para sa Pagpapabahay.

Tutulong ang Prop A na gawing higit na abot-kaya ang pagpapabahay para sa lahat ng taga-San Francisco na hindi magtataas ng mga buwis sa propiyedad. Maliban pa sa ibang mga bagay, gagawin ng Prop A ang mga sumusunod:

• Bibigyan ng priyoridad ang bagong pagpapabahay para sa mga pamilyang mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita, mga senior, mga beterano at ang mga may kapansanan.

• Pangangalagaan ang mga nangungupahan sa pagpapanatiling abot-kaya ang mga paupahang pabahay sa mga pamayanan sa lahat ng dako ng Lungsod.

Ngayon, masyadong marami nang masisipag na taga-San Francisco - marami na buong buhay sila nanirahan dito - ay naitutulak palabas ng kamahalan ng kabuhayan. Tutulungan ng Prop A ang mga taong iyon na manatili sa kanilang mga kapitbahayan.

Makiisa sa mga lider ng mga manggagawa at maliliit na negosyo at suportahan ang pagiging abot-kaya ng pagpapabahay.

Iboto ang OO sa A.

Ahsha Safai - Political Director, SEIU Local 87

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SEIU LOCAL 87.

Ang nagbigay ng pinakamalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan ay MGA KONTRIBUSYON NG MGA MIYEMBRO.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

Mahalagang hakbang tungo sa higit na abot-kayang lungsod IBOTO ANG OO SA PROP A

Page 11: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

11

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Isang pinagkasunduang panukalang-batas na hindi nagtataas ng buwis sa propiyedad, ang bonong ito ay matalinong paraan para gamitin sa mabuting kaparaanan ang lahat ng kakayahan ng Lungsod sa pinakamahigpit na problema ng ating panahon: ang ating krisis ng pagiging abot-kaya ng pagpapabahay.

• Tumutulong ang Prop A na panatilihing abot-kaya ang San Francisco para sa lahat ng mga residente natin, sa pamumuhunanan ng bagong pagpapabahay para sa mga pamilyang mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita, mga senior, mga beterano at ang mga may kapansanan.

• Nagpapaayos ng mga sira-sirang pampublikong pagpapabahay ang Prop A para sa mga pamilyang may pinakamababang kita sa San Francisco.

• Pinangangalagaan ng Prop A ang mga nangungupahan sa pagpapanatiling abot-kaya ang mga paupahang pabahay sa mga pamayanan sa lahat ng dako ng Lungsod.

• Ang Prop A ay nagkakaloob ng tulong sa pagpapautang para sa mga guro at mga bibili ng bahay sa unang pagkakataon para makaya ng mga nagtatrabahong madla na manirahan sa lungsod na pinagtatrabahuhan nila.

• Hinaharap ng Prop A ang malubhang pangangailangan sa Mission sa pagtitiyak na may lupa para sa abot-kayang pagpapabahay.

• Nagtatakda ang Prop A ng istriktong pangangasiwa na may kasarinlan para matiyak na nararapat ang pagkakagastasa ng mga pondo

• Hindi nagtataas ng buwis ang Prop A.

Mangyaring makiisa sa Non-Profit Housing Association (Asosasyon ng Pagpapabahay na Di-Pinagkakakitaan) at SPUR, kasama ang Mayor at ng bawat miyembro ng Board of Supervisors:

Sagupain natin ang krisis ng abot-kayang pagpapabahay sa San Francisco.

Iboto ang OO sa A.

Non-Profit Housing Association of Northern California (NPH)SPUR

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SPUR.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon A

May bayad na pangangatwiran na KONTRA SA Proposisyon A

TANGGIHAN ANG PAGBIBIGAY NG MALAWAK NA KAPANGYARIHAN NG PROP A; IBOTO ANG “HINDI”!

19 na taon nang nakakaraan buhat nang pinagtibay ng mga botante ang isang bono para sa pagpapabahay, ngunit tinanggihan ang mga panukalang-batas ukol sa pagpapabahay noong 2002 at 2004. Tanggihan rin ito.

Ang legal na text ng Prop. A ay nagsasaad na $310 milyon ay “maaaring italaga” sa iba-ibang paggagamitan, hindi “ay dapat gagastusin sa …” nagbibigay ng malawak na kapangyarihan sa pagpapasiya sa paggasta sa Mayor’s Office of Housing (MOHCD) (Opisina ng Pagpapabahay ng Mayor) – na walang Komisyon na nangangasiwa. HUWAG NINYONG PANIWALAAN ANG SINASABI NG Mayor NA “NI ISANG SENTIMO, WALA PARA SA MARANGYANG PAGPAPABAHAY.”

Sinasabi sa unang panukala ng Mayor ng Prop. “A” na karamihan ng popondohan nito ay pampublikong pagpapabahay at pagpapabahay sa umiiral na presyo. Kapag wala ang salitang “dapat,” umiiral na presyo – hindi abot-kaya – na pagpapabahay ang maitatayo. ANG HIGIT NA MARAMI SA MGA PAUTANG PARA SA DOWNPAYMENT NA NILABAS NG MOHCD AY PARA SA PAGPAPABAHAY SA UMIIRAL NA PRESYO.

Noong Nobyembre 2012 pinagtibay ng mga botante ang Proposiston “C” na naglikha ng Housing Trust Fund (HTF) na naglilipat ng $1.34 bilyon sa HTF mula sa General Fund sa buong susunod na 30 taon, na nagbibigay sa MOHCD ng tanging kapangyarihan magpasiya sa paggagasta ng HTF. Inamin ng MOHCD na 83.7% – $16,744,000 – ng inilaang pondo na $20 milyon sa unang-taon para sa HTF ay hindi nagasta.

Nagsimulang maglabas ang Mayor ng utang sa pamamagitan ng bono noong 2014 na ang pambabayad ay ang kikitain ng HTF sa hinaharap. Katatapos lang niyang naglabas ng $50 milyon (dagdag ang tubo) sa “certificates of participation” (na walang pagpapatibay ng mga botante) para sa programa ng tulong sa pag-upa ng HUD na pinamamahalaan ng HTF.

Nakapagbayad na ng $176.7 milyon ang mga developer para sa inclusionary housing fees (singil na iniuutos ng ordinansang nagtatakda na ang bahagi ng bagong konstruksyon ay ilalaan para sa abot-kayang pagpapabahay); ang $45.9 milyon ay di pa nagasta pagdating ng Hunyo 2014.

Natuklasan ng Board of Supervisors Budget and Legislative Analyst (Tagasuri ng Budget at Pagbabatas

Page 12: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

12

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A – Mga May Bayad na Pangangatwiran

ng Lupon ng mga Supervisor) noong 2014 na hindi makapagbigay ng kuwenta ang MOHCD para sa $2 milyon ng rent stabilization funds (pondo para sa pagpapamalagi ng upa). Ang ulat ng Civil Grand Jury ng San Francisco para sa 2013–2014 ay matibay na akusasyon ng pagkakasala ng MOHCD dahil sa kawalan ng katangian na walang itinatago at ng masamang pagmamantini ng mga record. Nitong Agosto, inamin ng MOHCD na hindi pa sila nakagawa ng electronic database ng mga utang para sa downpayment na nilabas sa pagitan ng 1998 at 2012.

Ayon sa bagong Housing Balance Report, 21% lamang ng mga bahay na itinayo sa pagitan ng 2005 at 2014 ay “abot-kaya”; 11% lamang ng pabahay na kasalukyang itinatayo o naghihintay na itayo ay “abot-kaya.” Hanggang magtatag ng isang Tagapangasiwang Komisyon na mangangasiwa sa MOHCD:

Iboto ang “Hindi” sa Pagbibigay ng Malawak na Kapangyarihan na ito!

Patrick Monette-ShawColumnist, Westside Observer Newspaper*

Sylvia Alvarez-LynchCommunity Activist (Aktibista sa Pamayanan)

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Patrick Monette-Shaw at Sylvia Alvarez-Lynch.

May bayad na pangangatwiran na KONTRA SA Proposisyon A

Iboto ang Hindi sa Proposisyon A.

Kahit na matigil ang biglang pag-unlad ng ekonomiya ng Lungsod, kailangang bayaran ng mga nagbabayad ng buwis ang mga mayhawak ng bono ng prinsipal at tubo sa mga bono, na walang pagpapahalaga sa kung may perang natitira para pambayad sa mga pangunahing serbisyo.

Pinahihintulutan ng mga botante ang Lungsod na humigit pa sa itinakda ng batas na paggamitan ng mga bono, kasama ang pahintulot na magkaloob ng pabahay na tinutustusan ng pamahalaan sa “mga sambahayan na nasa-kalagitnaan-ang-kita.” Kasama diyan ang mga sambahayang kumikita ng $150,000 sa bawat taon.

Bahagi ng perang galing sa buwis na tumutustos sa mga sambahayang kumikita ng $150,000 ay nagmumula sa mga sambahayang kumikita ng $75,000. Paano makatarungan iyan?

Humigit-kumulang na $700,000 ang gastos para magpatayo ng isang unit ng pabahay. 443 unit lang ang napapatayo ng $310,000,000. Ang tinantiyang gastos ng pagseserbisyo sa utang para sa kakaunting unit na iyon ay aabot sa $26,700,000 pagdating ng 2021.

Mahal na gastos, kakaunting benepisyo, at isang imbitasyon para sa higit pang magastos na mga bono.

Libertarian Party of San Francisco (Partidong Libertarian ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Libertarian Party of San Francisco.

May bayad na pangangatwiran na KONTRA SA Proposisyon A

ANG SAN FRANCISCO TAXPAYERS ASSOCIATION AY NAGSASABI NG HINDI SA KARAGDAGANG UTANG NG LUNGSOD.

IBOTO ANG HINDI SA PROPOSISYON A!

Ito na naman ang isa pang $310 MILYON dolyar sa perang galing sa bono – at maniwala kayo sa amin, hindi ito libreng pera at hindi ito tumutubo sa mga puno.

Ang pagtatapon ng pera ng mga nagbabayad ng buwis sa krisis ng pagpapabahay ay walang nagagawa para pawiin ang market forces (mga bagay na nagdedesisyon ng magiging presyo) – at hindi nga nito mapapawi. Itong lubos na mataas na bono para sa “abot-kayang” pagpapabahay ay nagdaragdag ng $50 milyon para sa Mission – parang makakatulong naman ito sa krisis ng pagpapabahay!

Ito’y tunay na gusot ng pera sa nagbabayad ng buwis na nagsisikap na iligtas ang mga big shot sa City Hall mula sa mga resulta ng kanilang sariling bigong patakaran sa pagpapabahay na binabayaran natin.

Ang mga bono ay pabigat sa lahat ng propiyedad natin hanggang mabayaran ang prinsipal at ang tubo. Tataas ang buwis sa propiyedad – at ang mga nangungupahan ay binabalaan nang pauna - kapag pinagtibay ang bono, iyong mga buwis ay iaabot sa inyo sa pamamagitan ng mas mataas na upa.

Ayon sa pahayag ng City Controller, ang taunang gastos sa pagseserbisyo sa utang (ibig sabihin tubo at prinsipal) pagdating ng 2020-2021 ay magiging $26.7 milyon dolyar! Sa susunod na taon na lamang, tinantiya sa pinakamababang halaga ng buwis, ang humigit-kumulang na gastos sa pagseserbisyo sa utang ay $8.3 milyon dolyar – at ang mga may-ari ng propiyedad ulit ang nasa plano na magbabayad.

Page 13: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

13

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon A at B – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon B

DEMOCRATS PARA SA MGA BENEPISYONG MAKATARUNGAN

Sinusuportahan ng San Francisco Democrats ang Proposisyon B - isang panukalang-batas na magpapahintulot sa mga empleyado ng Lungsod na gamitin ang mga araw para sa kanilang parental leave (pahintulot ng pagliban para sa mga magulang) na hindi gagamitin muna ang lahat ng araw para sa kanilang sick leave (pahintulot ng pagliban kung may sakit).

Iboto ang OO sa B-- Mga Benepisyong Makatarungan para sa Lahat ng Mga Empleyado ng Lungsod

San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic County Central Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon B

Iboto ang OO sa Proposisyon B (Pagpapabuti ng Bayad na Pahintulot ng Pagliban para sa Magulang na mga Empleyado ng Lungsod).

Noong 2002, sinuportahan ng mga botante ng San Francisco ang panukalang-batas na nasa balota na naglikha ng unang programa ng Lungsod ukol sa Bayad na Leave ng Magulang, na tinanggap ang kahalagahan ng pamumuhunan sa mga pamilya ng San Francisco.

Paid Parental Leave (Bayad na Pahintulot ng Pagliban para sa mga Magulang) para sa mga Empleado ng LungsodB

Ang pagboto ng OO sa Proposisyon B - Pagpapabuti ng Bayad na Pahintulot ng Pagliban para sa Magulang na mga Empleyado ng Lungsod ay nagpapatatag sa umiiral na patakaran sa pamamagitan ng pagharap sa dalawang importanteng aspekto ng disensyo ng benepisyo:

• Sick Time: Sa kasalukuyan, kailangang ubusin ng magulang, na empleyado ng Lungsod, ang kaniyang sick time bago simulan ang kaniyang benepisyo ng Paid Parental Leave (Bayad na Pahintulot ng Pagliban para sa Magulang). Pinahihintulutan ng Proposisyon B ang empleyado na panatilihin ang 40 oras ng sick time. Sisiguraduhin nito ang kakayahan nilang harapin ang mga pangangailangan na nauugnay sa kalusugan para sa sarili nila o sa pamilya nila kapag bumalik sa trabaho.

• Pantay-pantay na mga Benepisyo para sa mga Empleyado ng Lungsod: Sa kasalukuyan, kung ang dalawang magulang ay kapwa empleyado ng Lungsod, kailangan nilang hatiin ang kanilang benepisyo ng Paid Parental Leave. Binibigyan ng Proposisyon B ang bawat magulang ng kakayahang makuha ang maximum na benepisyo ng Paid Parental Leave. na kwalipikado nilang matanggap.

Bilang pinakamalaking organisasyong pampulitika ng mga kababaihan sa San Francisco, ang San Francisco Women’s Political Committee (SFWPC) (Komite na Pampulitika ng mga Kababaihan sa San Francisco) ay matatag na tagataguyod ng mga patakaran sa pinagtatrabahuhan na nakabubuti sa pamilya.Naniniwala ang SFWPC na ang Paid Parental Charter Leave Amendment (Susog sa Karta Ukol sa Bayad na Leave ng Magulang ) ay magkakaroon ng mahalaga at positibong epekto sa mga kababaihan at mga pamilya nila sa San Francisco.

Iboto ang OO sa Proposisyon B.

IBOTO ANG HINDI SA A! ANG SAPAT NA UTANG AY SAPAT NA.

San Francisco Taxpayers AssociationJudge Quentin L. Kopp (Ret.), President

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Taxpayers Association.

Page 14: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

14

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon B – Mga May Bayad na Pangangatwiran

San Francisco Women’s Political Committee

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Women’s Political Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Phil Ting for Assembly 2016, 2. David Chiu for Assembly 2016, 3. AT&T California Employee PAC.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon B

May bayad na pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon B

Masyado bang kaunti ang mga taong nasa mundo? Iyan ba ang dahilan kung bakit dapat gantimpalaan ng mga nagbabayad ng buwis sa San Francisco ang mga sumusunod sa tagubilin na “magpakarami kayo at punuin ng inyong mga supling ang buong daigdig” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga natatanging pang-empleyadong benepisyo sa mga taong may mga anak, tulad ng gagawin ng Proposisyon B?

Sabihin natin nang tapatan, bakit ba dapat iba ang pagtrato sa mga magulang kaysa sa ibang mga empleyado? Makatarungan bang bigyan sila ng natatanging pribilehiyo na hindi magagamit ng mga tao na gay halimbawa, o walang asawa, at hindi nagbabalak na magka-anak?

Kung gusto ng bagong mga magulang na mag-time off o lumiban sa kanilang mga trabaho para alagaan ang kanilang maliliit na anak, okay lang sa amin. Ngunit bakit ba kailangang pilitin ang lahat ng ibang tao na tustusan sila para manatili sa bahay?

Kakaunting tao sa sektor ng mga nagboboluntaryo ang nakakakuha ng ganyang uri ng bukas-palad na mga benepisyo ng Paid Parental Leavena ipagkakaloob ng Prop. B sa mga empleyado ng pamahalaan.

At kahit na sila ay ipinagpapalagay na nagtatrabaho para sa atin, ang mga miyembro na gustong-gusto tukuyin ni Mayor Ed Lee na “pamilya ng lungsod” ay tumatanggap na ng higit na mas maraming pera sa karaniwan kaysa sa ating lahat.

Kahit noon pang 2010, limang taon na ang nakakalipas, isa sa bawat tatlong empleyado ng pamahalaang-lungsod ng San Francisco ay binabayaran na ng mahigit sa $100,000 bawat taon, ayon sa Chronicle (http://www.sfgate.com/news/article/1-in-3-San-Francisco-employees-earned-100-000-3191191.php).

Ayon sa pahayag ng Controller, maaaring mahigit sa

$1 milyon sa bawat taon ang magiging gastos ng mga nagbabayad ng buwis para sa panukalang-batas na ito, at hindi pa kasama diyan ang gastos para sa mas kaunting nagagawang trabaho. At siyempre, patuloy na tumataas ang mga sahod sa pamahalaan, ang pabigat sa pananalapi ay malamang na madaragdagan sa darating na panahon.

Tratuhin natin nang makatarungan at pareho ang mga taong walang mga anak.

Iboto ang HINDI sa Proposisyon B!

Libertarian Party of San Francisco (Partidong Libertarian ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Libertarian Party of San Francisco.

Page 15: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

15

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon C – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

Ang mga naglo-lobby ay gumagamit ng paraan ng pag-iwas para gastusin ang anumang nais nila sa San Francisco na walang pagsisiwalat.

Gawing hayagan ang kanilang paglo-lobby. ISARA ang lusutan, Iboto ang Prop

Don Ellison*Charles Marsteller*Former Co-CoordinatorsSan Francisco Common Cause

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Charles Marsteller, Don Ellison.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

Ibabalik ng Prop C ang katapatan sa makinang tumutulak sa lokal na paglo-lobby.--ang perang nagagasta sa paghuhubog ng pananaw ng publiko sa mga isyung humaharap sa San Francisco.

Bilang dating mga miyembro ng mga Civil Grand Jury ng San Francisco - na inatasang suriin ang pamahalaang-lungsod - matagal na kaming interesado sa paghihikayat ng etika sa pamahalaan ng San Francisco, sa isang bahagi sa paggawa na higit na mabisa ang Ethics Commission (Komisyon sa Etika). Ginagawang huwaran ng Prop C ang rekomendasyon ng 2014 Civil Grand Jury na ibalik ang pagrereport sa expenditure lobbying, tulad ng inuutos hanggang 2009.

Pinalawak nang makahulugan ang pagdagsa ng pera sa mga kampanya ng mga kasong dininig ng Korte Suprema kamakailan lamang kaya kailangan ang katapatan sa pera para ipagbigay-alam at protektahan ang mga botante. Liliwanagan ng Prop C ang expenditure lobbying sa ating Lungsod ng mga tao o organisasyong may maraming pera.

Kasama ng pampubliko at hayagan na debate, ibinoto nang buong pagkakaisa ng Ethics Commission na ilagay ito sa balota. Ito ay karapat-dapat sa ating matibay na suporta, at hinihikayat namin na iboto ang

Expenditure Lobbyists (Hindi Tuwiran na mga Lobbyist)COO sa Prop C.

Dating Mga Miyembro ng Civil Grand Jury:Larry Bush, 2013/14*Daniel A Chesir, 2014/15*Allegra Fortunati, 2014/15*Hulga Garfolo, 2010/11*Joseph Kelly, Jr. 2013/14*John Mona, 2000/02, 2006/07*Maryta Piazza, 2013/14*Bob Planthold, 1999/2001, 2006/08*Phil Reed, 2014/15*Elena Schmid, Foreperson (Tagapangulo), 2013/14*Robert van Ravenswaay, 2013/14*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Joseph Kelly, Jr., Elena Schmid, Robert van Ravenswaay.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

Bilang dating mga Komisyoner ng Etika, sinusuportahan namin ang Prop C ng Ethics Commission. Noong nakarang ilang taon, may paraan ng pag-iwas na bumukas, na nagpahintulot sa mga special interests (mga grupong may tanging interes) na gumastos ng pera sa isang uri ng paglo-lobby na hindi kailangang i-report.

Inuutos ng Prop C ang ganap na pagrereport, ng mga gumagasta ng pera para impluwensiyahan ang mga desisyon ng lungsod, ng ginagasta nila sa paghihikayat sa publiko na magpahayag nang pabor o dumalo sa pagpupulong para suportahan ang kanilang mga katayuan sa mga lokal na interes.

Iboto ang OO sa C

Paul Melbostad, former Commission Chair (dating Tagapangulo ng Komisyon)Bob Planthold, former Commission Chair (dating Tagapangulo ng Komisyon)Bob Dockendorff, former Commissioner (dating Komisyoner)Sharyn Saslafsky, former Commissioner (dating Komisyoner)

Page 16: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

16

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon C – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Paul Melbostad, Sharyn Saslafsky, Robert D. Dockendorff, Robert R. Planthold.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

Iboto ang OO sa C – Sentido-Komun ito

Ang katapatan ng pamahalaan ay isang saligang prinsipyo ng demokrasya.

Ang Prop C ay nagbibigay ng napakamahalagang paraan para makamit ang layuning iyan.

Ang pag-utos sa mga expenditure lobbyist na magreport – tulad ng ginagawa ko, bilang isang legal na rehistradong lobbyist, para sa anumang gawain na ginagawa ko na nagsisikap na impluwensiyahan ang mga aksyon sa pagbabatas o sa pangangasiwa – ay pangunahin at kailangan sa lantarang pamahalaan.

Gagawin ng Prop C ang mga sumusunod:

• Magbibigay ng higit na malinaw na pag-unawa sa pera na maaaring maka-impluwensiya sa pagdedesisyon ng pamahalaan,

• Pabubutihin ang kaalaman tungkol sa mga serbisyo at mga transaksyon ng pamahalaan at,

• Padadaliin ang access para sa lahat ng mga mamamayan sa mga proseso at mga taong nagdedesisyon sa pamahalaan.

Iboto ang OO sa C!

Denise LaPointe

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Denise M. LaPointe..

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

MGA DEMOCRAT PARA SA TUNAY NA KATAPATAN!

Nilikha ng San Francisco Ethics Commission ang Proposisyon C para tibayan ang mga umiiral na batas ukol sa paglo-lobby para isama ang mga unyon, mga di-pinagkakakitaan, at iba pang organisasyon na naglo-lobby sa binotong mga opisyal sa City Hall.

Iboto ang OO para Tibayan ang Mga Batas Ukol sa Lobbyist!

San Francisco Democratic Party (Partidong Demokratiko ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic County Central Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

Ilalantad ng Proposisyon C ang mga impluwensiyang tago ng mga special interest sa mga desisyong ginagawa ng mga opisyal ng lungsod tungkol sa pagpapaunlad, mga buwis, at anupamang iba. Ang dark money (pera na hindi ipinahahayag ang tunay na pinanggalingan) at ang influence peddling (paggamit ng impluwensiya o ng tungkulin para sa ibang tao kapalit ng pera o mga pabor) ay nangangailangan ng liwanag ng araw!

OO sa C!

San Francisco Tomorrow (San Francisco sa Kinabukasan)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Tomorrow.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

BUMOTO NG OO SA PROPOSISYON C

Isang problema para sa mga nagbabayad ng buwis sa San Francisco ay ang sekretong di-tuwirang paglo-lobby sa City Hall na nag-iimpluwensiya sa mga desisyon ng pamahalaang-Lungsod na maaaring makaapekto nang masama sa mga nagbabayad ng buwis.

Ang iba-ibang mga tagapamahala ng korporasyon at organisasyon ay maaaring gumawa, at gumagawa nga, ng palihim na paglo-lobby sa mga opisyal ng Lungsod at hindi natin nalalaman.

Bumoto nang buong pagkakaisa ang San Francisco Ethics Commission noong Hunyo para hilingin sa mga botante na ipawalang-bisa nila ang desisyon ng Board of Supervisors at isara ang mapanirang paraan ng pag-iwas sa mga inuutos na pampublikong rehistrasyon para sa mga korporasyon, mga organisasyon, at mga taong nagbabayad ng libu-libong dolyar sa mga naglo-lobby na hindi kilala ang identidad, at hindi nakarehistro para ikiling ang mga desisyon ng pamahalaan para sa pakinabang nila. Ang kahulugan niyan ay mga pabor mula sa City Hall, na gamit ang ating pera, na hindi natin nalalaman!

Noong 2010, ipawalang-bisa ng Board of Supervisors ang batas na nag-uutos ng pagsisiwalat sa publiko ng nagagastos ng mga naglo-lobby para

Page 17: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

17

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon C – Mga May Bayad na Pangangatwiran

impluwensiyahan ang mga desisyon ng pamahalaang-Lungsod, nang tuwiran o di-tuwiran. Ibinabalik ng Proposisyon C ang utos na ang sinuman na tumatanggap ng pera para impluwensiyahan ang mga desisyon ng City Hall ay dapat magparehistro at isiwalat nang lantaran ang mga bayad mula sa ganoong korporasyon, entidad o tao. Ang hindi nirereport na paglo-lobby ay maaaring maging kasing maanomalya at nakapipinsala sa mga nagbabayad ng buwis tulad ng nirereport, na tuwirang paglo-lobby sa Mayor, Lupon ng mga Supervisor o iba pang mga opisyal ng Lungsod.

Iyan ang katwiran kaya inuutos ng Sacramento, San Jose, San Diego, Los Angeles at ng Estado ng California ang pagsisiwalat sa publiko ng di-tuwirang paglo-lobby.

Matibay na inirerekomenda ng San Francisco Taxpayers Association (Asosasyon ng mga Nagbabayad ng Buwis sa San Francisco) ang boto na OO para sa Proposisyon C ng ating Ethics Commission.

San Francisco Taxpayers AssociationJudge Quentin L. Kopp (Ret.), President

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Taxpayers Association.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

IBOTO ANG OO SA PROP C

Bilang mga opisyal na kasalukuyan o dating binoto, hinihimok namin kayong suportahan ang Proposisyon C. Ang Ethics Commission ang naglagay nito sa balota para ibalik ang pagsisiwalat sa publiko ng paggagasta para impluwensiyahan ang mga desisyon ng city hall. Sa kasalukuyan, ang ilang uri ng paglo-lobby ay maaaring gawin na hindi ipinaaalam sa publiko. Ito ay mag-uutos na lahat ng paglo-lobby ay gawin na may pagsisiwalat sa publiko.

Jeff Adachi, Public Defender (Abogadong Pampubliko)*Art Agnos, Former Mayor (Dating Mayor)*Tom Ammiano, Former Assemblymember (Dating Miyembro ng Asamblea)*John Avalos, Supervisor*David Campos, Supervisor Scott Wiener, Supervisor*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Charles Marsteller.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon C

May bayad na pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon C

Sa San Francisco, ang mga organisasyong di-pinagkakakitaan na batay sa pamayanan at sa relihyon ang nagbibigay ng malaking bahagi ng mga serbisyong pangkalusugan at pantao para sa mga bata, sa kabataan at mga pamilya nila, mga senior, mga taong may mga kapansanan, mga pamilyang walang tirahan, at mga taong may AIDS, pati na rin nagpapatayo ng karamihan sa abot-kayang pabahay ng Lungsod. Ito ay kilala sa buong mundo sa katawagang “the San Francisco model.”

Sa susog na ginawa sa kalaliman ng gabi, ang di-magandang pagkakasulat na lengguwahe ay isiningit sa kapuri-puri sanang panukalang-batas na mangangasiwa sa mga naglo-lobby sa City Hall. Sa paraan ng pagkakasulat, hindi ipinakikita ng Prop C ang kaibhan ng corporate fronts (balatkayong korporasyon) para sa Airbnb at iba pang naglo-lobby, at ng lubhang importanteng mga organisasyong di-pinagkakakitaan na batay sa pamayanan at sa relihyon. Aatasan nitong panukalang-batas ang maraming organisasyong di-pinagkakakitaan na pinopondohan ng Lungsod na mag-file bilang mga “lobbyist,” na magsasapanganib sa kanilang status na di-pinagkakakitaan sa pamahalaang Pederal at sa kanilang patuloy na pagbibigay ng serbisyo sa mga pinakamadaling mapagsamantalahan na taga-San Francisco.

Iboto ang Hindi sa C.

San Francisco Human Services Network (Network ng mga Serbisyong Pantao ng San Francisco)

Council of Community Housing Organizations (Konseho ng mga Organisasyon ng Pampamayanang Pagpapabahay)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Human Services Network and Council of Community Housing Organizations.

Page 18: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

18

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Hinihikayat ng Partidong Demokratiko ng San Francisco ang boto na OO sa Proposisyon D

Ang Proposisyon D ay bahagi ng ating solusyon sa krisis ng abot-kayang pagpapabahay sa ating Lungsod; naglilikha ito ng halos 1,500 na bagong paupahang bahay – 40% nito ay abot-kaya para sa mga tao at mga pamilya na mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita. Iyan ay mahigit kaysa sa anumang ibang pribadong proyekto sa kasaysayan ng San Francisco.

Kapag nakumpleto, ang proyekto ng Mission Rock ay magkakaroon din ng walong acre ng mga pampublikong park at open space, ang paradahang nasa ibabaw ng lupa ay gagawing parke sa waterfront at plaza na madaling puntahan at na maaaring ikatuwa ng lahat.

At pinananatili ng Proposisyon D ang mga trabaho sa San Francisco at tumutulong na paunlarin ang ating lokal na ekonomiya – lumilikha ng 13,500 trabaho sa konstruksyon at 11,000 permanenteng mga trabaho.

Makipagkaisa sa mga Democrat ng San Francisco sa pagboto ng OO sa Proposisyon D.

San Francisco Democratic Party (Partidong Demokratiko ng San Francisco)Mayor Ed Lee*House Leader (Lider ng Kapulungan) Nancy Pelosi*Board of Equalization Member (Miyembro, Lupon ng Pangangasiwa ng Buwis) Fiona MaSenador ng Estado Mark Leno*Miyembro ng Asamblea David ChiuMiyembro ng Asamblea Phil TingTagatasa-Tagatala Carmen ChuBoard of Supervisors President (Pangulo ng Lupon ng mga Supervisor) London BreedMga Supervisor John Avalos, David Campos, Malia Cohen, Julie Christensen, Mark Ferrell, Jane Kim, Eric Mar, Katy Tang, Scott Wiener & Norman YeeDating Mayor Art AgnosDating Senador ng Estado John Burton, Chairman, California Democratic Party (Tagapangulo, Partidong Demokratiko ng California)Dating Miyembro ng Asamblea Tom AmmianoCollege Board Trustee (Katiwala ng Lupon ng Kolehiyo) Brigitte Davila School Board President (Pangulo ng Lupong

Mission RockDPampaaralan) Dr. Emily Murase*School Board Member (Miyembro ng Lupong Pampaaralan) Amy BacharachSchool Board Member (Miyembro ng Lupong Pampaaralan) Hydra Mendoza-McDonnellSchool Board Member (Miyembro ng Lupong Pampaaralan) Shamann WaltonBART Board Director (Direktor ng Lupon ng BART) Nick Josefowitz*Zoe Dunning, San Francisco Democratic County Central Committee First Vice ChairAlix Rosenthal, San Francisco Democratic County Central Committee Second Vice Chair*Leah Pimentel, San Francisco Democratic County Central Committee Fourth Vice ChairTom Hsieh, San Francisco Democratic County Central Committee TreasurerMatt Dorsey, San Francisco Democratic County Central Committee Corresponding SecretaryKat Anderson, San Francisco Democratic County Central Committee Recording Secretary*Bevan Dufty, San Francisco Democratic County Central Committee MemberJoel Engardio, San Francisco Democratic County Central Committee MemberHene Kelly, San Francisco Democratic County Central Committee MemberMeagan Levitan, San Francisco Democratic County Central Committee MemberRebecca Prozan, San Francisco Democratic County Central Committee MemberFrancis Tsang, San Francisco Democratic County Central Committee Member

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumipirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, JOBS, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco GIANTS.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Hinihikayat ng mga tagataguyod ng mga park ang boto na OO sa Proposisyon D dahil ito’y nagdadala ng buong walong acre ng mga parke at open space.

Page 19: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

19

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Sa Proposisyon D, ang paradahan na nasa ibabaw ng lupa ay magkakaroon ng dramatikong pagbabago. Sa halip ng maraming acre ng aspalto, ang Mission Rock ay magiging lugar na tatayuan ng mga pampublikong parke at open space na maaaring ikatuwa ng lahat, na may liwanag ng araw, mga katangiang naaangkop sa pamilya, mga pagkakataong panlibangan at lugar para sa mga pagtitipon ng publiko sa magandang kapaligiran.

Kasama sa Mission Rock ang limang acre na parke na nasa waterfront sa McCovey Cove, na may daan para sa publiko patungo sa tubig para sa mga kayak at mga personal na sasakyang-pantubig. Itong park na nasa waterfront ay magsisilbi din na hilagang dulo ng Blue Greenway, isang plinanong landas ng mga park at open space, na may magagandang tanawin, na nasa waterfront, na magkukonekta sa Candlestick Point sa timog.

Magtatatag din ang Mission Rock ng magiliw na town square sa kalagitnaan ng proyekto, na may malaking berdeng plaza na mapapaikutan ng mga kapihan, mga restaurant at mga tindahang nagtitingi na maglilingkod sa kapitbahayan na makakatulong na buhayin ang Mission Bay.

Iboto ang OO sa Proposisyon D dahil ang mga park at mga open space ay lumilikha ng mas mabuting San Francisco para sa lahat!

San Francisco Parks AllianceSan Francisco BeautifulRecreation & Parks Commissioner Meagan LevitanRecreation & Parks Commissioner Eric McDonnellMaureen Reilly, Chair of the Board, Save The Bay*Leah Pimentel, Blue Greenway Board Director, San Francisco Parks AllianceHoward Wong, Vice President, San Francisco Tomorrow

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng mga tagataguyod ng abot-kayang pagpapabahay ang Proposisyon D dahil ito ay lumilikha ng walang katulad na dami ng abot-kayang pagpapabahay.

Alam nating lahat na kailangan ng San Francisco ang karagdagang abot-kayang pagpapabahay, at ang Proposisyon D ay bahagi ng solusyon. Lumilikha ito ng humigit-kumulang na 1,500 na bagong mga unit na paupahan, 40% ng mga ito ay abot-kaya para sa mga taga-San Francisco na nasa-kalagitnaan- at mas mababang-kita.

Ang Mission Rock ay mag-aalok ng higit na maraming abot-kayang pagpapabahay kaysa sa anumang ibang proyekto na tinustusan ng pribadong pondo sa kasaysayan ng ating Lungsod, tutulungan ang libu-libong mga tao na patuloy na tawaging tahanan ang San Francisco – na hindi kailangang paalisin at palipatin sa ibang lugar ang sinuman.

Lilikha ang Proposisyon D ng humigit-kumulang na 600 bagong abot-kayang tirahan,na papalit sa aspaltadong paradahan. Iyan ay halos kasindami ng abot-kayang unit ng pagpapabahay na itinayo sa buong lungsod taun-taon buhat ng 2007.

Ito ay pamarisan na maaari nating lahat suportahan. Ganito dapat ang hitsura ng lahat ng pamumuhunan sa paggamit ng pribadong-lupain sa San Francisco.Hinihikayat namin kayong iboto ang OO sa Proposisyon D.

Affordable Housing AllianceTenant Associations Coalition Political Action CommitteeCommunity Housing Partnership

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Higit pa sa abot-kayang pagpapabahay ang kailangan ng San Francisco, kaya sinusuportahan namin ang Proposisyon Prop D. Ang proyekto ng Mission Rock ay nagtatakda na pamarisan para sa development na ipagbibili sa umiiral na presyo sa San Francisco kung saan ang sponsor ng proyekto ay nangangako na maglalaan ng 40% abot-kayang, pagpapabahay sa lugar ng proyekto sa tiyakang antas ng pagiging abot-kaya para sa mga sambahayan na mababa, katamtaman at nasa-kalagitnaan-ang-kita. Lalong isinusulong nito ang layunin ng nakaraang taong Prop K Balanse ng Pagpapabahay na tinitiyak na ang minimum na 50% ng lahat ng mga ginagawang pagpapabahay ay abot-kaya sa lahat ng dako ng Lungsod.

Page 20: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

20

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Iboto ang Oo sa D

The Council of Community Housing Organizations (Konseho ng mga Organisasyon ng Pampamayanang Pagpapabahay)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: The author.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

OO sa Mission Rock ang sinasabi ng buong Lupon ng mga Supervisor ng San Francisco!

Hindi madalas na lahat kami ay nagkakasundo – ngunit ito ay pambihirang pangyayari kung saan maaari kaming magkaisa para suportahan ang proyekto na pakikinabangan ng buong Lungsod ng San Francisco.

Magandang deal ang Mission Rock para sa ating Lungsod. Nagdudulot ito ng mahigit sa $1 bilyon sa kailangang-kailangan na kita para sa San Francisco at sa Port nito na maaaring magamit para sa paglilikha ng mga park, pagsasaayos ng makasaysayang mga piyer at para masapatan ang iba pang priyoridad na pampubliko.

At bahagi ito ng solusyon sa krisis ng abot-kayang pagpapabahay sa ating Lungsod, dahil sa 40% ng 1,500 na bagong mga bahay na paupahan ay itinakdang abot-kaya para sa mga taga-San Francisco na mas mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita. Iyan ay mahigit sa anupamang ibang proyekto na tinustusan ng pribadong pondo sa kasaysayan ng ating Lungsod.

Hinihikayat namin kayong iboto ang OO sa Proposisyon D para lumikha ng mga trabaho, mga abot-kayang bahay at mga park at open space, habang nagdudulot ng kita at magagandang trabaho para sa Lungsod.

Board of Supervisors President (Pangulo ng Lupon ng mga Supervisor) London BreedSupervisor John AvalosSupervisor David CamposSupervisor Julie ChristensenSupervisor Malia CohenSupervisor Mark FarrellSupervisor Jane KimSupervisor Eric MarSupervisor Katy TangSupervisor Scott WienerSupervisor Norman Yee

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng mga Lider ng “Walang Pader sa Waterfront” ang Prop D

Pinag-ukulan namin ng oras at pagsisikap noong nakaraang spring na ipagtibay ang Proposisyon B, na nag-uutos na aprobahan ng mga botante ang anumang konstruksyon sa darating na panahon sa waterfront na humihigit sa kasalukuyang takda sa taas. Napakarami sa mga botante ng San Francisco voters ang nagpahayag na gusto nilang magkaroon ng kapangyarihan sa development sa waterfront.

Na kayo ay hinihiling na bumoto sa Proposisyon D, na karaniwang tinatawag na “Mission Rock Project,” ay nagpapakita na may katuturan ang pagsisikap. Nakipagtulungan sa mga lider ng pamayanan ang Giants para balakin ang Proposisyon D bilang proyekto, na kasama ang mga taong tulad namin na nilabanan ang “Pader sa Waterfront.”

Ang Proposisyon D ang naging resulta ng pagalingan ng mga panukala at mahigit na walong taon ng masaklaw na pagpaplano ng kapitbahayan at mga rekomendasyon na baguhing-anyo ang paradahan sa ibabaw at gawing espesyal na lugar para sa San Francisco. Lahat ng mga gusali ay may harapan na 100 talampakan man lamang ang layo sa waterfront; at mas mababa ang taas ng mga gusali na malapit sa tubig, na naaalinsunod sa katwiran.

Kasama sa proyekto ang 8 acre ng mga park sa waterfront, na may daan para mapuntahan ang waterfront. At saka, 40% ng 1,500 unit na paupahan ay itatakdang abot-kaya. Napapakinabangan ito ng waterfront at ng buong San Francisco.

Tinutulan namin ang ilang panukala ng development malapit sa waterfront, ngunit sinuri nang mabuti ang Proyekto ng Mission Rock at sa pakiramdam namin, may katwiran kaming hikayatin kayong iboto ang OO sa Proposisyon D.

Dating Mayor Art AgnosJudge Quentin Kopp (ret.)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

Page 21: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

21

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

OO sa Proposisyon D Ang Sinasabi ng Mga Kapitbahay ng Proyekto

Walang makakadama ng epekto ng Mission Rock nang higit pa kaysa sa amin. Kami ang mga residenteng nakatira nang pinakamalapit sa ipinapanukalang proyekto at nagsasabi kami ng OO – sinusuportahan namin ang Proposisyon D at hinihikayat namin kayong suportahan din itol

Ngayon, ang lugar ay isang malaking paradahan sa ibabaw na tinatawag na Lot A. Bubuhaying muli ng Proposisyon D ang aming pamayanan at tutulong na lumikha ng lugar na karapat-dapat sa napakagandang lokasyon.

Nitong nakaraang walong taon, nakipagtulungan sa aming pamayanan ang Giants para hubugin ang mga plano para sa Mission Rock. Malaki ang ibubuti ng aming pamayanan dahil sa bagong mga park, daan papunta sa waterfront, mga pagkakataon na panlibangan, pinagandang makasaysayan na piyer, abot-kayang pagpapabahay, mga trabaho, mga tindahang nagtitingi at mga restaurant sa kapitbahayan, mga koneksyon ng sasakyang pampubliko at kapalit na paradahan para sa Lot A.

Ang aming kapitbahayan ay naging aktibo sa proseso ng pagpaplano at tuwang-tuwa kaming makitang magsimula ang pagbabagung-anyo!

Hindi nagbabago ang Giants sa pagpapakita ng matibay na pagtatalaga sa sarili sa ating Lungsod at sa aming kapitbahayan. Ang Proposisyon D ay isa pang halimbawa.

Mangyaring makipagkaisa sa amin sa pagpapaganda sa aming pamayanan. Iboto ang OO sa Proposisyon D.

Bruce Agid, Vice President, District 6 Democrats (Bise-Presidente, Mga Democrat ng Distrito 6)Cathy Akiyama, Residente ng South BeachSusan Bryan, Residente ng SoMaShelley Carroll, Residente ng South BeachBettina Cohen, Residente ng Mission BayJackson Hill Fahnestock, Residente ng Mission BayMargaret Jeffs Fahnestock, Residente ng Mission BayToby Levine, Residente ng Mission Bay*Charmaine Lobo, Residente ng South BeachRobert Mansfield, Residente ng South BeachRonald Miguel, Residente ng Potrero Hill*Michael Nulty, Residente ng TenderloinCharles Rathbone, Residente ng Mission BayAngeles Roy, Residente ng Mission BayKevin Shanahan, Residente ng South Beach*

Patrick Valentino, Residente ng Rincon HillJamie Whitaker, Residente ng Rincon Hill

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

OO sa Proposisyon D Ang Sinasabi ng mga Babaeng Lider ng San Francisco

Sinusuportahan ng mga babaeng lider ng San Francisco ang Proposisyon D, binalak para baguhing-anyo ang paradahang nasa ibabaw ng lupa at tayuan ng mga abot-kayang pagpapabahay, mga trabaho at open space na hindi ginugulo ang alinmang sa mga kapitbahayang nasa Lungsod.

May mga benepisyong idinudulot ang Proposisyon D sa lahat na nasa San Francisco, kasama ang humihigit sa lahat na proporsiyon ng abot-kayang mga bahay, mga plano ng disenyo na nakabubuti sa kaligiran at mga lugar na nakabubuti sa pamayanan. Ang mga bagong lugar para sa maliliit na negosyo at mga artist ay magdadala ng bagong mga pagkakataon para sa pagbibigay-kapangyarihan at pagiging malikhain sa pangkabuhayan.

Madaling mapupuntahan ng mga pamilya mula sa lahat ng dako ng San Francisco ang lugar dahil sa episyenteng pagpaplano ng sistema ng sasakyang pampubliko.

Napatunayan na ng Giants ang kanilang pagtatalaga sa paglilingkod sa iba’t ibang interes na panlipunan, pangkultura at pangkabuhayan ng San Francisco.

Pagkatapos ng walong taon na pakikipagtulungan sa mga miyembro ng mga kalapit na pamayanan at kapitbahayan, ang Proposisyon D ay patuloy sa ganoong tradisyon ng pangangatawan.

Iboto ang OO sa Proposisyon D, ang tamang hakbang na pasulong para sa San Francisco.

House Minority Leader (Lider ng Minoridad sa Kapulungan) Nancy Pelosi*Board of Equalization Member (Miyembro, Lupon ng Pangangasiwa ng Buwis) Fiona MaBoard of Supervisors President (Pangulo ng Lupon ng mga Supervisor) London Breed

Page 22: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

22

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Mga Supervisor Julie Christensen, Malia Cohen, Jane Kim* & Katy TangCollege Board Trustees (Mga Katiwala ng Lupon ng Kolehiyo) Amy Bacharach & Brigitte DavilaCollege Board Student Trustee (Estudanteng Katiwala ng Lupon ng Kolehiyo) Shanell WilliamsSchool Board President (Pangulo ng Lupong Pampaaralan) Dr. Emily Murase*School Board Commissioners (Mga Komisyonado ng Lupong Pampaaralan) Hydra Mendoza-McDonnell & Jill Wynns*Former Planning Commissioner (Dating Komisyonado ng Pagpaplano) Toby Levine*San Francisco Public Utilities Commission Citizen’s Advisory Committee Chair (Tagapangulo ng Komite ng Mamamayang Tagapagpayo sa Komisyon ng mga Palingkurang-bayan ng San Francisco) Wendolyn Aragon*Status of Women Commissioner (Komisyonado ng Katayuan ng Kababaihan) Andrea ShorterChristine Pelosi, California Democratic Party (Partidong Demokratiko ng California)*Mary Jung, San Francisco Democratic County Central Committee Chair (Tagapangulo, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Zoe Dunning, San Francisco Democratic County Central Committee First Vice Chair (Unang Bise Tagapangulo, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Alix Rosenthal, San Francisco Democratic County Central Committee Second Vice-Chair (Pangalawang Bise Tagapangulo, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Leah Pimentel, San Francisco Democratic County Central Committee Fourth Vice Chair Pang-apat na Bise Tagapangulo, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Kat Anderson, San Francisco Democratic County Central Committee Recording Secretary (Kalihim na Tagatala, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Hene Kelly, San Francisco Democratic County Central Committee Member (Miyembro, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco) Meagan Levitan, San Francisco Democratic County Central Committee Member (Miyembro, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Rebecca Prozan, San Francisco Democratic County Central Committee Member (Miyembro, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Darcy Brown, Executive Director, San Francisco Beautiful (Tagapagpatupad na Direktor, San Francisco Beautiful)Kathleen Dowling McDonough, Board Member, Giants Community Fund (Miyembro ng Lupon, Pondong

Pangpamayanan ng GiantsKelly Groth, Treasurer, New Avenues Democratic Club (Tesorero, Samahang Demokratiko ng New Avenues)*Mimi Silbert, President & CEO, Delancey Street FoundationNancy Rock, Co-Chair, Mission Democratic Club (Kapwa Tagapangulo, Samahang Demokratiko ng Mission)Angeles Roy, Board Member, (Miyembro ng Lupon) ACLU*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Hinihikayat kayo ng San Francisco Parks Alliance na iboto ang OO sa Proposisyon D at lumikha ng kagila-gilalas na bagong open space sa waterfront para sa madla.

Inaasahang lalaki hanggang 1 milyon ang populasyon ng San Francisco pagsapit ng 2040. Bukod pa sa pagpapabahay at transportasyon, kailangan ng lungsod ang mga park para matiyak ang mataas na uri ng kabuhayan, lalo na sa silangang dako ng lungsod kung saan lubhang kailangan ang mga park. Ang mga park ay mahalaga para sa ating kalusugan, sa ating pamayanan, sa ating ekonomiya, at sa ating kaligiran.

Ang inisyatiba ukol sa Mission Rock ay nakatutuwang pagkakataon na baguhing-anyo ang aspalto at gawing 8 acre ng berde na open space. Sa Mission Rock, makakatagpo ang mga taga-San Francisco ng mga piyestang pambayan, mga kapihan, mga gabi sa sinehan, at mga pagkakataon na panlibangan. Iboto ang OO sa Proposisyon D, at mababago natin ang isang paradahan para maging buhay na pamayanang may kailangang-kailangan na maliliit na park, mga pampublikong plaza , isang Town Square, at isang malaking park sa may waterfront na may masaklaw na tanawin ng San Francisco at ng Bay.

Palalawakin ng Mission Rock ang Blue Greenway – isang network ng mga daanan ng mga nagbibisikleta, mga daanan ng mga nagsisipaglakad at mga lugar kung saan may daan para makarating sa tubig sa dakong timog ng waterfront ng Lungsod.

Page 23: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

23

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Sinusuportahan ng Parks Alliance ang Proposisyon D dahil alam namin na ang pagpaparami at pagpapagamit ng open space sa buong haba ng ating waterfront ay makabubuti sa mga taga-San Francisco ngayon at sa mga henerasyon na susunod pa.

Iboto ang OO sa Proposisyon D

www.MissionRock.com

San Francisco Parks Alliance

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Parks Alliance.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng Samahan ng mga Manggagawa ang Proposisyon D

Ang Proposisyon D ay nagpapasigla sa ekonomiya ng San Francisco. Maglilikha ito ng 13,500 trabaho sa konstruksyon (karamihan ay tatauhan ng mga residente ng San Francisco) at 11,000 permanenteng mga trabaho.

Kasama rin sa Proposisyon D ang higit na maraming abot-kayang pagpapabahay kaysa sa anumang pribadong proyekto sa kasaysayan ng San Francisco – 40% ng mga unit ay ilalaan para sa mga pamilyang mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita. Itong bagong abot-kayang pagpapabahay ay kailangan para mapangalagaang hindi mapaalis ang mga manggagawa sa ating lungsod.

Hinihikayat kayo ng nagtatrabahong mga pamilya na taga-San Francisco na iboto ang OO sa Proposisyon D.

Mike Casey, President, San Francisco Labor Council (Konseho ng Manggagawa ng San Francisco)*Vince Courtney, Jr., Business Representative, LiUNA! Local 261*Carpenters Union Local 22 (Unyon ng mga Karpintero Local 22)OPEIU Local 3SEIU Local 1021UNITE HERE! Local 2

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ni Mayor Ed Lee ang Proposisyon D

Bilang mayor, ako ay lubos na nagsisikap para matiyak na palalawakin ng San Francisco ang mga opsyon para sa abot-kayang pagpapabahay para sa mga residenteng mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita. Ang Proposisyon D ay isang mahalagang bahagi ng malaking problema – ang unang proyekto sa San Francisco na naggagarantiya ng 40% na abot-kayang pagpapabahay para panatilihing masigla at kakaiba ang ating lungsod.

Binabagung-anyo ng Proposisyon D ang aspaltadong paradahan at ginagawang humigit-kumulang na 1,500 unit ng paupahang pagpapabahay, bagong pananahanan para sa Anchor Brewing sa Pier 48, at mga tindahang nagtitingi na maglilingkod sa kapitbahayan na mapakikinabangan ng buong pook ng Mission Bay. Bubuksan nito ang waterfront na nasa timog ng AT&T Park para mapuntahan na may limang-acre na park sa tabing dagat at halos walong kabuuang acre ng open space.

Sa kalagitnaan ng Mission Rock, magkakaroon ng Town Square na magsisilbing tipunang pangpamayanan para sa kapitbahayan. Ang berdeng plaza ay mapapaligiran ng mga lokal na tindahan at kapihan na may mga sun deck at mga alcove kung saan maaaring mag-relax at mag-enjoy ng isang hapon o isang gabi ang magkakapitbahay at mga bisita.

At siguro ang pinakamaganda sa lahat, ang Proposisyon D ay lilikha ng mahigit sa $1 bilyon sa lubhang kailangang buwis para sa San Francisco para pondohan ang mga park at ang kailangang mga palingkurang lungsod tulad ng mga paaralan, pulisya, pangangalagang pangkalusugan at sistema ng sasakyang pampubliko. Lilikha ang proyekto ng mahigit na $100 milyon sa paunang mga singil at $25 milyon taun-taon pagkatapos sa mga buwis para sa Port at sa Lungsod ng San Francisco, habang pribadong mga pondo ang tumutustos para sa mismong proyekto. Napakagandang deal nito para sa lungsod at sa mga nagbabayad ng buwis.

Hinihikayat ko kayong makipagkaisa sa akin sa pagboto sa OO sa PROPOSISYON D, ang inisyatiba ukol sa Mission Rock.

Mayor Ed Lee*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Page 24: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

24

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Mayor Art Agnos: Ang Proposisyon D ay ang Tamang Balanse para sa San Francisco

Buhat nang nagdesisyon tayo noong 1990 na gibain ang napakapangit na Embarcadero Freeway na nagpapasagwa sa ating waterfront, ako ay isa sa pinakamatatag na tagataguyod para sa mapagkakatiwalaang paglaki at pag-unlad doon.

Para higit pang protektahan ang ating mahalagang bagong access sa waterfront para sa lahat ng taga-San Francisco, ako ang namuno sa pagsalungat sa ipinapanukalang Pader sa waterfront sa 8 Washington at sa iba pang ipinapanukalang proyekto, tulad ng mga Pier 30-32.

Gayunpaman, sa ating timog na dako ng waterfront, masigasig kong sinusuportahan ang Proposisyon D dahil lumilikha ito ng tamang balanse, pinabubuti ang ating bagong kapitbahayan ng Mission Bay malapit sa lugar kung saan ako nakatira sa Potrero Hill.

Kasama sa Proposisyon D ang walong acre ng mga park at open space sa kasalukuyang paradahan sa ibabaw ng lupa. Pasasayahin ng malaking park sa waterfront at ng iba pang mga open space ang tabing-dagat at bibigyan ng access ang lahat na may puwesto para sa mga artist at maliliit na lokal ng negosyo. Ang mga harapan ng gusali ay inurong at ang mga taas ay binabaan sa lugar ng waterfront. Ginagamit ang taas sa kapakanan ng bayan. Samakatwid, ginagalang ng Prop D ang ating waterfront bilang yaman para sa ating lahat, hindi lamang sentro ng kita para sa developer.

Lumilikha ito ng humigit-kumulang na 1,500 unit ng paupahang pagpapabahay, 40% nito ay iaalok sa presyong mas mababa sa umiiral na presyo sa mga taga-San Francisco na mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita. At ibinabalik nito sa dating maayos na kalagayan ang makasaysayang Pier 48 na pinalawak na pananahanan para sa Anchor Brewing & Distilling, ang ating katutubo at pinakamalaking negosyong nagma-manupaktura.

Talagang nagkakamit nitong proyekto ang tamang balanse at pinabubuti ang ating mahalagang waterfront kung saan pinakakailangan nito ngayon.

Iyan ang dahilan na hinihikayat ko kayo na iboto ang OO sa PROPOSISYON D – ang inisyatiba ukol sa Mission Rock.

Dating Mayor Art Agnos

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

OO sa Mission Rock ang Sinasabi ng SPUR

Ang Proposisyon D ang resulta ng walong taong maingat na pagpaplano ng pamayanan kasama ang dose-dosenang talakayang-bayan. Ang resulta ay ang napakagaling na panukala para sa proyekto ng Mission Rock na makakaragdag sa buhay-lungsod ng San Francisco sa lugar na may kahalagahan para sa buong lungsod.

Babaguhing-anyo ng Proposisyon D ang paradahang nasa ibabaw ng lupa at gagawing pagpapabahay, mga trabaho, mga park at pinaganda at pinadaling daan papunta sa waterfront para sa lahat ng mga residente, mga manggagawa at mga bisita ng San Francisco. Magdudulot ng maraming pampublikong pakinabang ang proyekto – kasama ang pagbabalik sa dating maayos na kalagayan ng makasaysayang Pier 48 – at hinaharap ang mahahalagang priyoridad ng lungsod. Ang pagtatalaga ng Prop D sa pagpapatayo ng 600 abot-kayang bahay para sa magkakahalong residente na mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita ay magpapalawak sa supply ng lubhang-kailangan na abot-kayang pagpapabahay sa San Francisco.

Lumilikha ang Proposisyon D ng bagong pagpapabahay at mga trabaho sa isang lugar na sineserbisyuhan ng sistema ng sasakyang pampubliko, kabilang ang pinahabang koneksyon sa downtown ng T-line, na kasalukuyang ginagawa. Ililipat ang mga paradahan sa ibabaw ng lupa sa isang bagong, episyenteng garahe.

Lilikha ang Proposisyon D ng $1 bilyon para sa Port at sa Lungsod ng San Francisco sa buong panahon ng proyekto. Magbabayad ang Mission Rock ng mahigit sa $100 milyon sa paunang mga singil para sa development at mahigit sa $25 milyon taun-taon sa mga buwis. Iyan ay perang magpopondo sa mahahalagang palingkurang-lungsod tulad ng mga paaralan, pulisya, pangangalagang pangkalusugan, mga park at sistema ng sasakyang pampubliko.Tutulong din ito sa Port na walang sapat na pondo, na

Page 25: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

25

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

isaayos at patatagin ang infrastructure nito at maghanda para sa pagtaas ng tubig sa karagatan.

Hinihikayat namin kayong iboto ang OO sa PROPOSISYON D – ang inisyatiba ukol sa Mission Rock.

Para sa kabuuang patnubay sa botante ng SPUR, tingnan ang www.spur.org

SPUR

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SPUR.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Pinananatili ng Proposisyon D na Buhay at Masigla ang Anchor Brewing sa San Francisco

Ang Anchor Brewing ay may matatag at makuwentong kasaysayan sa lungsod ng San Francisco. Ginawa namin ang aming unang serbesa noong 1896. Sa panahong iyon, pinaasim namin ang aming serbesa sa isang cool ship na nakapatong sa bubong, hinahayaan namin ang maulop na panggabing hangin na maghiwaga. Nagbago at bumuti na ang proseso namin ng pagpapaasim, ngunit nananatili kaming nakatalaga sa tradisyunal na aktibong kahusayan at lokal na pagma-manupaktura. Lumaki na kami at naging pinakamalaking negosyong nagma-manupaktura sa San Francisco, na may mahigit na 200 empleyado.

Iyan ang dahilan na kami ay lubos na natutuwa sa pagkamaaari na palalawakin ang aming pagpapatakbo ng negosyo sa San Francisco sa makasaysayang Pier 48 na bahagi ng proyekto ng Mission Rock. Ang inyong pagsuporta sa Proposisyon D ay magpapahintulot sa amin na panatilihin ang mahahalagang trabaho sa pagmama- manupaktura dito sa San Francisco – at lumikha ng mga bagong trabaho.

At kasama sa pagsasaayos ng Anchor Brewing sa Pier 48 ang pagbabalik sa dating maayos na kalagayan ng lakaran ng publiko na yari sa mga tabla na nakapaligid sa pier – sa kasalukuyan hindi mapuntahan at sarado dahil hindi ligtas.

Tuwang-tuwa kami na maging bahagi ng Mission Rock. Sama-sama, maaari nating suportahan ang mahalagang middle class ng San Francisco at lumikha ng bagong mga trabaho.

Umaasa kami na makikipagkaisa kayo sa mga kalalakihan at kababaihan ng Anchor Brewing & Distilling sa pagboto sa OO sa Proposisyon D.

Anthony Foglio, Tagapangulo ng Anchor Brewers & Distillers

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

SINUSUPORTAHAN NG MGA RESIDENTE AT NG MGA NEGOSYO NG MISSION BAY & NG SOUTH BEACH ANG MISSION ROCK

Nakatira at nagtatrabaho kami sa kapitbahayang nakapaligid sa AT&T Park at sa ipinapanukalang proyekto ng Mission Rock. Kami ang mga taong pinakamaaapektuhan.

At sinasabi namin na matagal nang dapat – sige simulan na!

Ang aming kapitbahayan ay tuwang-tuwa at sabik na hinihintay ang pagbabagung-anyo ng Parking Lot A na magiging bagay na ikasisiya ng buong pamayanan.

• Walong acre ng mga park at open space

• Anchor Brewing na nasa pinagandang makasaysayan na pier

• Mga tindahan at kapihan sa kapitbahayan

• Lubhang kailangan na pagpapabahay, na may 40% na abot-kaya ng mga pamilya na mababa- at katamtaman-ang kita

• Maaasahang dami ng paradahan para sa parehong ballpark at sa proyekto mismo.

Mangyaring makipagkaisa sa amin sa pagboto ng masiglang OO sa Proposisyon D!

Sunny Schwartz, Residente ng Mission BayBruce & Tara Agid, Mga Residente ng South Beach William Cahill, Residente ng South Beach Nicole Catchatoorian, Residente ng Mission Bay Derrick & Tricia Chu, Mga Residente ng South Beach Sara Hunt, Residente ng SoMa Devin Lutes, Residente ng South Beach Chris & Naomi Kelton, Mga May-ari ng Primo Patio CaféLaura Nichol, Residente ng Potrero Hill Elizabeth Pantages, Residente ng Mission Bay Lauren Obstbaum Schwartz, Residente ng Mission Bay Patrick Valentino, South Beach Merchant’s Association (Asosasyon ng mga Negosyante sa South Beach) & Residente ng South Beach

Page 26: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

26

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng mga Guro sa San Francisco ang Proposisyon D

Lalong pinahihirap ng bilihan ng pabahay sa San Francisco na manatili sa Lungsod ang mga pamilyang nagtatrabaho sa San Francisco at pagkasyahin ang kinikita. Dahil patuloy na tumataas ang gastos sa pagpapabahay, kailangan ng San Francisco ang karagdagang abot-kayang opsiyon.

Ang Proposisyon D ay isang importanteng hakbang na tutulong sa paglutas nitong problema. Magpapatayo ito ng humigit-kumulang na 1,500 bagong mga unit na paupahan, 40% nito ay abot-kaya para sa mga nagtatrabahong pamilya na may mas mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita, tulad ng mga guro, mga nars, mga pulis at mga bombero – mahigit pa kaysa sa anupamang ibang pribadong proyekto sa kasaysayan ng San Francisco.

At dahil walang kasalukuyang mga residente na paaalisin at palilipatin sa proseso, nagdudulot ng kaginhawaan ang plano sa kagipitan ng pagpapabahay sa San Francisco habang pinananatiling walang nababawas sa ating mga pamayanan.

Ang mga guro ay naitutulak papalabas mula sa ating lungsod dahil hindi na namin makayang tumira dito – tutulungan ng Proposisyon D ang mas maraming nagtatrabahong pamilya na manatili sa ating Lungsod.

Mangyaring makipagkaisa sa amin sa pagsuporta sa Proposisyon D.

Lita Blanc, Pangulo, UESF*Carolyn Samoa, Pangalawang Pangulo, UESF*Susan Solomon, Pangalawang Pangulo, UESF*Ken Tray, Pangalawang Pangulo, UESF*Dennis Kelly, Dating Pangulo, UESFPatricia Arian, Guro sa Lakeshore Elementary School*Edward Michael Brilmyer, Jr., Guro sa High School*Brendan Furey, Guro sa Lincoln High School *Evelyn Martinez, Guro sa Cleveland Elementary School*Mark Mosheim, Guro sa Lincoln High School*Derrick A. Tynan-Connolly, Guro sa Hilltop High SchoolNoah Weaker, Retiradong Guro sa Longfellow Elementary School

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Ang Proposisyon D ay Lumilikha ng Abot-kayang Pagpapabahay para sa Ating mga Opisyal ng Kaligtasang-bayan

Tulad ng alam nating lahat, ang pabahay sa San Francisco ay lalo lang nagmamahal, na siyang dahilan na pahirap nang pahirap para sa maraming opisyal ng kaligtasang-bayan na tumutugon sa mga tawag at nagtatrabaho sa labas na tumira sa lungsod na pinoprotektahan namin araw-araw.

Ang Proposisyon D ay magpapatayo ng daan-daang abot-kayang unit ng pagpapabahay para sa mga pamilyang nagtatrabaho na may mas mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita, tulad ng mga pulis, mga bombero, mga nars at mga guro.

Sa 1,500 bagong paupahang bahay na ipatatayo ng Proposisyon D, 40% ay ilalaan bilang abot-kaya. Iyan ay kauna-unahan para sa isang pribadong proyekto sa San Francisco – pagpapatayo ng halos kasindami ng abot-kayang mga unit dito sa isang lokasyon na ipinatayo sa karaniwan taun-taon buhat ng 2007 sa lahat ng dako ng buong lungsod.

Bilang mga binigyan ng tungkuling protektahan ang San Francisco at panatilihing ligtas ito, mahal naming itong lungsod. Bibigyan ng Proposisyon D ang higit na marami sa amin ng pagkakataong tumira dito bilang bahagi ng pamayanan.

Bilang mga kinatawan ng libu-libong opisyal ng pulis at mga bombero, hinihikayat namin kayong iboto ang OO sa Proposisyon D.

Martin Halloran, Pangulo, San Francisco Police Officers Association (Asosasyon ng mga Opisyal ng Pulisya sa San Francisco)San Francisco Firefighters Local 798 (Local 798 ng Mga Bombero ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

Page 27: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

27

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Ang Proposisyon D ay Larawan ng Matalinong Pagpaplano

Iboto ang OO sa Proposisyon D – dahil makatwiran para sa sistema ng sasakyang pampubliko.

Ang mga bagong pabahay, mga trabaho at mga park ay dapat ilagay sa lokasyon na nasa tabi o malapit sa sistema ng sasakyang pampubliko, na siyang katwiran kung bakit ang Mission Rock ay ang huwarang lokasyon para sa ganitong uri ng proyekto. Sineserbisyuhan ito ng mahigit sa sampung magkakaibang linya ng sistema ng sasakyang pampubliko na lahat ay nalalakad sa loob ng sampung minuto, kasama ang Muni light rail at mga bus, Caltrain at mga ferry.

At saka, tutulong ang Proposisyon D na pauunlarin pa ang mga network para sa mga taong naglalakad at nagbibisikleta sa mga nakapaligid na lugar para makaragdag sa pamumuhay na sanay o ang gawi ay ang pagsakay sa sistema ng sasakyang pampubliko.

Lumilikha rin ang Proposisyon D ng mga milyong dolyar sa karagdagang nakokolekta na tuwirang inilalaan para sa pagpapabuti sa hinaharap ng mga sistema ng sasakyang pampubliko doon sa lugar.

Hinihikayat namin ang boto na OO sa Proposisyon D para panatilihing umuunlad ang San Francisco.

San Francisco Municipal Transportation Agency Board Chairman (Tagapangulo ng Lupon ng Ahensiya ng Pangmunisipal na Transportasyon ng San Francisco) Tom NolanBART Board of Directors Member (Miyembro, Lupon ng mga Direktor ng BART) Nick Josefowitz*San Francisco Municipal Transportation Agency Board Member (Miyembro ng Lupon ng Ahensiya ng Pangmunisipal na Transportasyon ng San Francisco) Gwyneth Borden*San Francisco Municipal Transportation Agency Board Member (Miyembro ng Lupon ng Ahensiya ng Pangmunisipal na Transportasyon ng San Francisco) Joél Ramos*San Francisco Municipal Transportation Agency Board Member (Miyembro ng Lupon ng Ahensiya ng Pangmunisipal na Transportasyon ng San Francisco) Cristina Rubke*San Francisco Municipal Transportation Agency Board Member (Miyembro ng Lupon ng Ahensiya ng Pangmunisipal na Transportasyon ng San Francisco) Malcolm Heinicke*Bruce Agid, South Beach/Rincon/Mission Bay Neighborhood Association Board Member and

Transportation Representative (Miyembro ng Lupon ng Asosasyon ng Kapitbahayan ng South Beach/Rincon/Mission Bay at Kinatawang Pantransportasyon)*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Suportahan ang Prop D at ang Mission Rock Development

Matatag na sinusuportahan ng San Francisco Housing Action Coalition ang mahusay na pagkakadisensyong proyekto ng Mission Rock. Matalino nitong babaguhing-anyo ang lumang waterfront para sa mga bagong paggagamitan. Tinatanggap ng Prop D na walang ginagawa para sa San Francisco ang pagpapanatili sa isang malaking, hantad na hantad sa hangin na paradahan. Sa halip, itong lupa ay maaaring maging lubhang kailangang pagpapabahay, mga tindahang nagtitingi sa kapitbahayan at mga lugar na nagagamit ng lahat na naglilingkod sa pamayanan, kasama ang bagong mga park.

Narito ang mga dahilan kung bakit karapat-dapat ang Prop D sa inyong suporta:

• Magbibigay ang proyekto ng humigit-kumulang na 1,500 lubhang kailangang mga unit ng pabahay, 40% ng mga ito ay magiging abot-kayang pabahay, na pambihirang napakalaking halaga at tunay na higit pa sa matatamo sa mas maliit na development.

• Magpapatayo ang proyekto ng kailangang-kailangan na pagpapabahay para sa mga residenteng katamtaman-ang-kita, ang sector na pinakamahirap para sa amin na i-finance.

• Popondohan ng Mission Rock ang ganap na pagsasaayos at panunumbalik sa dating mabuting kalagayan ng Pier 48, na may mga bahaging hindi na nagagamit ngayon.

• Babaguhing-anyo ng proyekto ang Mission Bay mula sa hindi konektadong grupo ng mga gusali at mga paradahan at gagawing tunay na kapitbahayan, sa pamamagitan ng pagdadala ng masiglang halo ng bagong mga gamit na magsisimulang bumuhay at magpapaganda sa ating waterfront.

Page 28: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

28

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

• Pinakamahalaga, ang Prop D ay resulta ng masaklaw na talakayan ng mga malawak at iba’t ibang uri ng mga may interes sa pamayanan. Lahat ng panig ay sang-ayon na ang Prop D ay mabuti para sa San Francisco.

Iboto ang OO sa D!

The San Francisco Housing Action Coalition

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Housing Action Coalition.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng mga Tagapagturo ang Proposisyon D Para Tulungang Mapanatiling Abot-kaya ang San Francisco para sa mga Pamilya

Ang pagpapanatili ng mga bata at mga pamilya sa San Francisco ay mahalaga sa pagkakaiba-iba at sa kultura na dahilan ng pagiging bukod-tangi ng ating lungsod. Kailangang gawin nating higit na abot-kaya ang San Francisco para makamit ang layuning iyan.

Binabagung-anyo ng Proposisyon D ang aspaltadong paradahan at ginagawang walong acre ng mga pampublikong parke at open space sa tabing-dagat na may mga pagkakataong panlibangan na naaangkop sa pamilya na mapupuntahan ng lahat.

Ang proyekto ay magiging lokasyong pagtatayuan ng 1,500 bagong mga unit ng pabahay, na magpapaluwag sa housing market ng Lungsod na walang paaalisin sa kanilang mga tahanan. At 40% nitong bagong mga unit ay pauupahan sa halaga na mas mababa sa umiiral na upa sa mga taong nagtatrabaho na nasa-kalagitnaan- at mas-mababa-ang-kita – ang pinakamarami kailanman para sa isang pribadong proyekto sa kasaysayan ng San Francisco.

Ang isang boto para sa Proposisyon D ay isang boto para sa hinaharap ng ating mga bata at ng ating lungsod. Iboto ang OO sa Proposisyon D.

School Board President (Pangulo ng Lupong Pampaaralan) Dr. Emily MuraseHene Kelly, San Francisco Democratic County Central Committee Member (Miyembro, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)College Board Trustee (Katiwala ng Lupon ng Kolehiyo) Alex RandolphCollege Board Trustee (Katiwala ng Lupon ng Kolehiyo) Steve Ngo*College Board Trustee (Katiwala ng Lupon ng Kolehiyo) Brigitte Davila

College Board Student Trustee (Katiwalang Estudyante ng Lupon ng Kolehiyo) Shanell WilliamsSchool Board Vice President (Pangalawang Pangulo ng Lupong Pampaaralan) Matt Haney*School Board Commissioner (Komisyonado ng Lupong Pampaaralan) Amy BacharachSchool Board Commissioner (Komisyonado ng Lupong Pampaaralan) Hydra Mendoza-McDonnellSchool Board Commissioner (Komisyonado ng Lupong Pampaaralan) Shamann WaltonSchool Board Commissioner (Komisyonado ng Lupong Pampaaralan) Jill Wynns*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Ang mga Lider ng LGBT ay Pabor sa Proposisyon D

Maraming dekada na nakikipag-ugnay ang Giants sa komunidad ng LGBT. Nagsimula sila sa pagsusuporta ng unang mga pagsisikap na labanan ang HIV. Pinagmamalaki nilang itinaas ang bahagharing bandila bago naglakas-loob ang ibang sports team. Nakipagtulungan sila sa lokal na mga organisasyon ng LBGT para sa proyekto sa pamayanan, malaki at maliit.

Ngayon hinihiling ng Giants sa amin na ideklara ang aming suporta para sa Proposisyon D. Sinuri namin nang masusi ang mga detalye ng proyekto at naniniwala kami na ang Proposisyon D ay parehong nakabubuti sa San Francisco at sa komunidad ng LGBT.

Binabagung-anyo ng Proposisyon D ang aspaltadong paradahan at ginagawang masiglang lokasyon ng mga pampublikong parke, bukas na waterfront, bagong mga lugar na pamahayan na may 40% abot-kayang pagpapabahay at propiyedad para sa lokal na pagma-manupaktura at pangkomersyo, kasama ang mga sining at mga organisasyong di-pinagkakakitaan.

Maglilikha ang proyekto ng mahigit sa isang bilyong dolyar sa makokolektang buwis para pondohan ang mga kailangang palingkurang-lungsod ng San Francisco, at lumilikha ng libu-libong bagong mga trabaho, kapwa pansamantala at permanente.

Ipinapakitang halimbawa ng Proposisyon D ang matagal nang pagtatalaga ng Giants sa pagpapaunlad sa pamayanan.

Page 29: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

29

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Bilang isa sa pinakatanyag na lungsod sa buong daigdig na nabubuhay sa pagkakaiba-iba ng kultura, makikinabang nang malaki ang San Francisco sa proyektong ito na tinutustusan ng pribadong pondo.

Makipagkaisa sa amin sa pabgoto ng OO sa Proposisyon D.

Dating Miyembro ng Asamblea ng Estado Tom AmmianoSenador ng Estado Mark Leno*Supervisor David CamposSupervisor Scott WienerKomisyonado sa Pagpaplano Dennis Richards*Status of Woman Commissioner (Komisyonado ng Katayuan ng Kababaihan) Andrea Shorter*Bevan Dufty, Director of HOPE (Housing Opportunity, Partnerships and Engagement)*Zoe Dunning, Co-President, Alice B. Toklas LGBT Democratic Club*Rebecca Prozan, San Francisco Democratic County Central Committee MemberTom Temprano, Immediate Past President, Harvey Milk LGBT Democratic ClubLito Sandoval, Vice President, Communications, Latino Democratic ClubDanielle Castro, Co-Founder, Trans* Activists for Justice and Accountability (TAJA’s) Coalition Harvey Milk LGBT Democratic Club

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng Mga Lider na African-American ang Proposisyon D

Sa kagustuhan nilang suportahan ang pamayanan ng San Francisco, pamuhunanan ang ating kabataan, at maglikha ng mga pagkakataon para sa trabaho sa labas ng ballpark – ipinagpapatuloy ng Proposisyon D ang makulay na kasaysayan ng Giants sa pagsisikap na bawasan ang mga kahirapang hinaharap ng ating mga pamayanan, sa pamamagitan ng pagliliha ng:

• 1,500 bagong paupahang bahay, 40% ng mga ito ay ilalaan para sa mga tao at mga pamilyang nangangailangan na nasa-kalagitnaan- at mas-

mababa-ang kita, sa halaga na mas mababa sa umiiral na upa. Iyan ay nakahihigit kaysa sa anumpamang ibang proyekto na tinustusan ng pribadong pondo sa kasaysayan ng San Francisco.

• 13,500 trabaho sa konstruksyon at 11,000 permanenteng trabaho para sa mga taga-San Francisco. Ang mga lokal na organisasyon na di-pinagkakakitaan at ng sining ay makakaupa ng mga lugar sa halaga na mas mababa sa umiiral na upa, na makapagpapadali sa pagkakatawan ng magkakaibang interes na pangkultura at pangkabuhayan.

• 8 acre ng mga park at open space, kasama ang 5 acre sa tabing dagat na magbibigay-daan papunta sa bay para sa buong kapitbahayan.

Sa Proposisyon D, ipinakikitang muli ng Giants na alam nila kung paano pasulungin ang San Francisco sa tamang direksyon.

Iboto ang OO sa Proposisyon D.

Board of Supervisors President London Breed

Reverend Cecil Williams, Co-Founder GLIDE Memorial Church*Supervisor Malia CohenCollege Board Student Trustee Shanell WilliamsSchool Board Member Shamann WaltonLeah Pimentel, San Francisco Democratic County Central Committee Fourth Vice-ChairTheo Ellington, President, Black Young DemocratsTyra Fennell, Executive Director, Imprint CityCedric Jackson, President, Black Leadership Forum*Jo Jackson, President, African American Democratic Club*Dr. Toye Moses, President, Willie B Kennedy Democratic ClubSabrina Saunders, Community OrganizerDr. Annette Shelton, Third Vice President, San Francisco NAACPReverend Arnold Townsend, Vice President, San Francisco NAACPDr. Arelious Walker, Senior Pastor, True Hope Church

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

Page 30: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

30

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Ang mga Lider na Asian-American ay Bumoboto sa OO sa Proposisyon D

Bilang mga lider na Asian-American sa San Francisco, sinuri namin nang masusi ang Proposisyon D para tingnan kung ito ay makabubuti o hindi para sa aming pamayanan. Pagkatapos ng maingat na iksaminasyon ng mga katunayan, matibay naming hinihikayat ang mga botante ng San Francisco na suportahan ang Proposisyon D.

Naniniwala kami na babaguhing-anyo ng Proposisyon D ang tuyot na paradahan at gagawing natatanging lugar na pakikinabangan ng lahat sa San Francisco.

Magagawa ito sa pamamagitan ng pagtatayo ng mahigit na abot-kayang pagpapabahay kaysa sa anumang pribadong proyekto kailanman sa San Francisco – 40% ng humigit-kumulang na 1,500 unit na paupahan ay magiging abot-kaya para sa mga tao at mga pamilya na mas mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita.

Kasama rin sa Proposisyon D ang walong acre ng mga pampublikong parke at open space, kasama ang mga parke sa waterfront na may mga katangian at libangan na naaangkop sa mga pamilya na maaaring mapuntahan ng lahat.

Mayroon ding napakalaking pakinabang na pangkabuhayan mula sa Proposisyon D. Lilikha ito ng 13,500 trabaho sa konstruksyon at 11,000 permanenteng trabaho – karamihan ay matatauhan ng mga taga-San Francisco. At ang bagong maliliit na negosyo na tindahang nagtitingi ay maglilikha ng karagdagang pagkakataon para sa ating mga pamilya na makapagtrabaho at magtagumpay.

Itong uri ng pagkakaibang kabuhayan at kultura ang tunay na kailangan ng ating lungsod. Umaasa kami na makikipagkaisa kayo sa amin at iboto ang OO sa Proposisyon D.

Board of Equalization Member (Miyembro, Lupon ng Pangangasiwa ng Buwis) Fiona MaMiyembro ng Asamblea David ChiuMiyembro ng Asamblea Phil TingAssessor-Recorder (Tagatasa-Tagatala) Carmen ChuSupervisor Jane KimSupervisor Eric MarSupervisor Katy TangSupervisor Norman YeeCollege Board Trustee (Katiwala ng Lupon ng Kolehiyo) Steve Ngo*

School Board President (Pangulo ng Lupong Pampaaralan) Dr. Emily MuraseMary Jung, San Francisco Democratic County Central Committee Chair (Tagapangulo, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Tom Hsieh, San Francisco Democratic County Central Committee Treasurer (Tesorero, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Francis Tsang, San Francisco Democratic County Central Committee Member (Miyembro, Sentral Komite sa County ng Partidong Demokratiko ng San Francisco)Howard Wong, Vice President, San Francisco Tomorrow Asian Pacific Democratic Club

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ang Proposisyon D ng mga Lider na Latino ng San Francisco

Ang Proposisyon D ang resulta ng walong taong pagpaplano ng pamayanan at malawak na pakikipag-ugnayan sa mga kapitbahayan. Lilikha itong proyekto ng sampu-sampung libu-libong bagong trabaho, daan-daang bagong abot-kayang pabahay at magdudulot ng walong acre ng mapupuntahang open spaces at mga park.

Sinusuportahan namin ang pamarisan ng inisyatiba na 40% ng bagong mga unit ng pagpapabahay ay abot-kaya para sa mga tao at mga pamilya na nasa-kalagitnaan- at mas-mababang-kita – mahigit sa anumang ibang proyekto na tinustusan ng pribadong pondo sa kasaysayan ng San Francisco.

At lilikha ang Proposisyon D ng 13,500 trabaho sa konstrukson (karamihan ay iaalok sa mga residente ng San Francisco) at 11,000 permanenteng trabaho para paunlarin ang pagkakataong pangkabuhayan sa ating lungsod.

Itong bagong kapitbahayan ay magiging bahagi ng San Francisco na hindi maikakaila, na may parehong magkakaibang kultura at kabuhayan na pinangangalagaan natin bilang lungsod.

Itong uri ng pag-unlad ay palatandaan ng pagbabago para sa hinaharap ng San Francisco. Hinihikayat namin kayong iboto ang OO sa Proposisyon D.

Page 31: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

31

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Gabriel Medina, President, Latino Democratic ClubSupervisor John AvalosSupervisor David CamposCollege Board Trustee Brigitte DavilaSchool Board Public Education Enrichment Fund Community Advisory Committee Member Paul Monge-RodriguezWendolyn Aragon, Richmond District Community Leader*Santiago Lerma, Vice President, Public Affairs, Latino Democratic ClubJess Montejano, Co-President, Latinos UnidosLito Sandoval, Vice President, Communications, Latino Democratic Club*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Ang Proposisyon D ay Naglalarawan ng Magaling na Pagpaplano ng Lungsod

Ang Mission Rock ay panukalang pinag-isipang mabuti at naplano nang maigi na karapat-dapat suportahan ng publiko. Ang panukala ay nabuo sa loob ng walong taon, at natapos nang walang maipipintas sa pamamagitan ng masaklaw na proseso ng pagsusuring muli na kasama ang mga taong may interes sa kapitbahayan at mga propesyonal na tagaplano mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ang plano ay dinisensyo sa pamantayan na naaangkop para sa lokasyon nito sa lungsod at gumagamit ng taas ng mga gusali sa estratehikong paraan para makapagbigay ng pagkakataon para sa mas maraming abot-kayang pagpapabahay at malalaking open space para sa publiko. Ang Mission Rock ay napakagandang lokasyon para sa pagpapabahay, na may mga koneksyon sa sistema ng sasakyang pampubliko na ilang hakbang lamang ang layo. Lumilikha ang plano ng bagong kapitbahayan na may maliliit na tindahan at mga kapihan na nakaharap sa mga kalyeng pribado, mga park at mga plaza.

Bilang mga propesyonal sa pagpaplano, nagsuri na kami ng daan-daang proyekto sa maraming taon, ang ilan magaling at ang ilan hindi masyadong magaling. Nasisiyahan kaming suportahan ang proyekto ng

Mission Rock dahil ito’y naplano sa paraan na nagtataguyod sa mga bukod-tanging katangiang panlungsod ng San Francisco.

Iboto ang Oo sa Proposisyon D. Karapat-dapat ito sa suporta ng mga botante ng San Francisco.

Dean Macris, Former San Francisco Planning Director (Dating Direktor ng Pagpaplano ng San FranciscoLarry Badiner, Former San Francisco Zoning Administrator (Dating Tagapangasiwa ng Pagsosona ng San Francisco)Amit Ghosh, Former Chief Planner, San Francisco Planning Department (Dating Pinunong Tagaplano, Departamento ng Pagpaplano ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

MULA ASPALTO NAGING PABAHAY - OO SA D

Suportahan ang abot-kayang pagpapabahay, mga park, mga tindahan, mga opisina at kapihan sa bagong kapitbahayan!

Ang Mission Rock ang papalit sa aspaltadong lote malapit sa ATT Park. Mga tindahang nagtitingi na naglilingkod sa kapitbahayan, mga park para sa mga pamilya, mga lugar para sa pagma-manupaktura para sa lokal na mga negosyo, kasama ang Anchor Brewing sa makasaysayang Pier 48, at lubhang kailangan na paupahang mga bahay malapit sa sistema ng sasakyang pampubliko, halos kalahati ay nakalaan sa abot-kayang pagpapabahay, ay maglilingkod sa lahat ng taga-San Francisco.

Ang maraming taon na pagpaplano ng pamayanan ay nagresulta sa isang proyektong lumilikha ng $1 bilyon para sa mga park, mga paaralan at sistema ng sasakyang pampubliko habang nagkakaloob ng 40% abot-kayang paupahang pabahay, libu-libong trabaho at $25 milyon taun-taon sa makokolektang buwis ng lungsod.

SUPORTAHAN ANG MISSION ROCK! IBOTO ANG OO SA D!

San Francisco Chamber of Commerce at ang aming 1,500 lokal na mga negosyo.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Chamber of Commerce.

Page 32: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

32

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Hinihikayat ng mga Lider ng Community Foundation ang OO sa Proposisyon D

Araw-araw, nagtatrabaho kami sa mga “at-risk population” na nahihirapang humanap ng mga trabaho at pabahay sa San Francisco. Kapag nakakakita kami ng proyektong makakatulong sa mga nangangailangan, nakikipag-ugnay kami kaagad.

Dahil ang Proposisyon D ay itinataguyod ng San Francisco Giants, alam naming ito ay gagawin na may malaking puso – at gagawing tama. Kami ay naki-partner sa Giants sa maraming proyekto sa loob ng maraming taon at palagi nilang tinutupad ang ipinapangako nila.

Mahigit sa walong taon, nagsisikap ang Giants na dagdagan ang kapitbahayan sa pagbabagung-anyo sa lote na paradahan sa ibabaw ng lupa sa kabila ng McCovey Cove mula sa AT&T Park at gawing mga bahay, mga trabaho, mga nagtitingi at mga park.

Lilikha ang Proposisyon D ng humigit-kumulang na 1,500 bagong paupahang pabahay na ang 40% ay ilalaan na abot-kaya para sa mga tao at mga pamilya na mas mababa- at nasa-kalagitnaan-ang kita – ang pinakamarami para sa pribadong proyekto sa kasaysayan ng San Francisco. Lahat ito na walang paaalisin at palilipatin na kasalukuyang mga residente.

Lilikha rin ito ng mahigit sa $1 bilyon sa makokolektang buwis para sa Lungsod sa buong buhay ng proyekto. Iyan ay perang magagamit ng Lungsod para pondohan ang mga lubhang kailangan ng mga programa para sa pagpapabahay, mga serbisyong panlipunan at pakiki-partner sa pamayanan.

Mangyaring makipagkaisa sa amin sa pagboto sa OO sa Proposisyon D.

Mimi Silbert, President, Delancey Street FoundationCecil Williams & Janice Mirikitani, Co-Founders, GLIDE Memorial Church*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng Maliliit na Negosyo at Mga Manupaktura sa San Francisco Ang Proposisyon D

Ipinagmamalaki namin na ang mga produkto namin ay yari dito mismo sa San Francisco. Ang lokal na pagma-manupaktura ay isang importanteng bahagi ng ating ekonomiya na lumilikha ng magkakaibang pagkakataon sa empleo para sa bawat pamayanan.

Tutulungan ng Proposisyon D na paunlarin itong masiglang sector ng ating ekonomiya sa paglilikha ng itinalagang lugar para sa maliliit na lokal na mga negosyong nagma-manupaktura sa may waterfront na tataguriang “Maker’s Row.” Pahihintulutan nito ‘yong mga gumagawa ng mga produkto nila dito sa lungsod na magtagumpay.

At saka, lumilikha ang Proposisyon D ng bagong pananahanan para sa pinakamatagal nang nagnenegosyo at pinakamalaking negosyong nagma-manupaktura, ang Anchor Brewing – lumilikha at pinangangalagaan ang mga trabaho na nagma-manupaktura sa ating lungsod.

Sinusuportahan namin ang Proposisyon D dahil ito ay tunay na proyekto na ginawa dito sa lungsod. Binabagung-anyo ang isang loteng paradahan at ginagawang masiglang kapitbahayan ng San Francisco, na may maliliit na lokal na negosyo, mga serbisyong pangkapitabahayan at pagma-manupaktura.

Makipagkaisa sa amin. Iboto ang OO sa Proposisyon D para bigyan-kapangyarihan ang mga negosyong lokal, maliliit at nagma-manupaktura.

Kate Sofis, Executive Director, SFMade

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng mga Tagataguyod ng Foster Youth Ang Proposisyon D

Ang mga foster, dating foster at walang tirahan na mga kabataan ng San Francisco ay may mga hangarin at mga pangarap na nakatulad ng lahat ng kabataan at karapat-dapat na magkaroon ng mga pagkakataong makamtan ang mga ito.

Page 33: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

33

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Tutulong ang Proposisyon D na lumikha nitong mga pagkakataon sa pagtatalaga ng abot-kayang pabahay para sa foster children na bago pa lang nagsasarili sa buhay, karamihan sa kanila ay hirap na humanap ng pirmihang tirahan pagkatapos nilang lumabas sa sistema ng foster care.

Sa kabuuan, lumilikha ang Proposisyon D ng 1,500 bagong mga unit ng pabahay, 40% nito ay ilalaan na abot-kayang pabahay para sa mga pamayanan ng San Francisco na pinakanangangailangan. Iyan halos ang karaniwang bilang ng bagong abot-kayang pabahay na itinayo sa buong lungsod taun-taon buhat nang 2007.

Sa pagtatalaga na ang bahagi ng mga unit na iyon ay ilalaan para sa foster children na umabot na sa edad ng pagkakatanggal sa sistema, ang Giants ay tumutulong na magkaloob ng pananggalang para sa isang grupo sa lungsod na pinaka-limitado ang mga opsyon.

Iboto ang OO sa Proposisyon D para bigyan ang foster youth at ang iba pang taga-San Francisco na mas mababa- at nasa-kalagitnaan-ang-kita ng tulong na kailangan nila para mabuhay nang malusog at mapanlikha dito mismo sa San Francisco.

John BurtonFounder and Board Chair, John Burton Foundation for Children Without Homes*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Iboto ang Oo sa Proposisyon D ang Sinasabi ng Asosasyon ng mga Nagbabayad ng Buwis!

Bilang kaisa-isang asosasyon ng mga nagbabayad ng buwis na walang kinakatigang partido na naiwan sa San Francisco, gusto naming panatilihing may kaalaman ang mga residente tungkol sa kung paano ginagasta ang kanilang buwis, at sa level ng karaniwang tao, ibunyag ang paglulustay, katiwalian at mapapanganib na plano ng paggasta.

Pinag-aralang naming mabuti ang proyekto ng Mission Rock, at maaari kaming magreport na maingat na binabalanse ang mga gamit na pangkabuhayan na may mahahalagang pampublikong pagpapabuti na

kagila-gilalas na babaguhing anyo ang bakanteng propiyedad ng Lungsod na kasalukuyang ginagamit na lote na paradahan.

Ang bakanteng lote na paradahan ay gagawin ng Proposisyon D na propiyedad na lumilikha ng kikitain na walang gagastusing pera ng nagbabayad ng buwis at tutuparin ang mga inuutos ng ipinagtibay ng mga botante na Proposisyon B na nag-uutos na ang mga gusali na mahigit sa kasalukuyang waterfront na ilimita na humiling ng kumpirmasyon ng botante.

Ang Proposisyon D ay nagbibigay sa mga nagbabayad ng buwis sa San Francisco ng garantisadong mga proteksyon batay sa proseso ng pagalingan na pagpapanukala, na dumaan sa masinop na pagsusuri ng publiko, at hindi sa panghihimasok ng Lupon ng mga Supervisor na naimpluwensiyahan ng kontribusyon sa kampanya.

Ang Mission Rock ay magbabayad ng mahigit sa tinantiyang $100 milyon sa development fees para magpatayo ng mga pagpapabahay at magkakaloob ng $25 milyon man lamang sa isang taon sa buwis sa Lungsod, bukod pa sa mga buwis na makokolekta mula sa bagong mga negosyo, paradahan, pansamantalang trabaho sa konstruksyon, at bagong permanenteng mga trabaho.

Nasa Proposisyon D ang mga kinakailangan na sangkap para sa maliwanag na pakinabang sa pananalapi sa nagbabayad ng buwis.

IBOTO ANG OO SA D!

Judge Quentin Kopp (ret.)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Tama ang Proposisyon D para sa mga Pamilya sa San Francisco

Kulang ang San Francisco sa mga lugar kung saan maaaring mag-enjoy ang mga bata at mga pamilya sa mga pagkakataon para maglibang at mag-relax.

Ang Proposisyon D ay may walong acre ng mga park at open space, may isang malaking park sa waterfront na mayroong mga gawaing naaangkop sa mga pamilya at lugar para sa mga piyesta at pagtitipon ng pamayanan sa magandang kapaligiran.

Page 34: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

34

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang ligtas at komportableng lugar sa labas ay magiging bukas sa lahat ng mga pamilya, mga tao at mga pamayanan at magiging madaling mapuntahan sa pamamagitan ng sistema ng sasakyang pampubliko.

Ang Proposisyon D ay nagtatanghal ng maraming natatanging pagkakataon para sa mga pamilya ng San Francisco.

Iboto ang OO sa Proposisyon D!

Todd David, Co-Founder, Parents Political Action Committee*Tiffany Loewenberg, Co-Founder, Parents Political Action Committee*Michelle Parker, Parents Political Action Committee Member*Chris Wright, Steering Committee Member, Parents Political Action Committee Member*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Mga Partner na Di-Pinagkakakitaan: Ang Mission Rock Ay Mabuti Para sa San Francisco

Tulad ng marami sa inyo, enjoy kami na mag-cheer para sa mga Giants sa laruan. Ngunit alam namin na higit pa sa mga kampeonato ang naidulot na ng Giants sa ating pamayanan.

Ang mga organisasyon namin ay kumakatawan sa ilang napakaraming di-pinagkakakitaan sa lahat ng dako ng Bay Area na naki-partner sa Giants para pabutihin ang ating pamayanan. Malaki ang nagagawa nila sa aming pagpupunyagi.

Kilala namin ang Giants bilang mabuting mga mamamayan at mabuting mga kapitabahay. Sa katunayan, ang pahayag ng layunin ng Giants ay nakatuon sa kanilang pagtatalaga sa pagpapaunlad sa pamayanan sa laruan at sa labas. Hindi lamang tungkol sa baseball sila.

Iyan ang dahilan na nagtabi ang Giants ng lugar para sa opisina sa proyekto ng Mission Rock na ilalaan para sa naghihirap na mga di-pinagkakakitaan at magkakaibang organisasyong salig-sa-pamayanan na napapaalis sa lungsod dahil sa kamahalan.

Hindi isa pang developer lamang ang Giants – sila ay isang mahalagang bahagi ng ating pamayanan. Mayroon silang pangmatagalang-panahon na interes sa uri ng kabuhayan sa mga lugar na nakapaligid sa AT&T Park at sa buong San Francisco, at ang proyekto ng Mission Rock project ay bahagi ng pananaw na iyon.

Mangyaring makipagkaisa sa amin sa pagsuporta sa Proposisyon D.

Martha Ryan, Executive Director, Homeless Prenatal Program*Esta Soler, President, Futures Without Violence*St. Anthony Foundation

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang mga may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

Hinihiling ng San Francisco Giants Ang Inyong Suporta Para sa Proposisyon D

Ang Mission Rock – Proposisyon D – ay ang sukdulan ng walong taon ng masaklaw na pakikipag-ugnayan sa kapitbahayan at pagpaplano na baguhing-anyo ang paradahan na nasa ibabaw ng lupa at gawing mahalagang yaman ng pamayanan. Maipagmamalaki naming iharap ang aming pananaw na batay sa mga desisyon ng pamayanan na kasama ang bagong mga park sa waterfront, mga trabaho, mga tindahang nagtitingi na naglilingkod sa kapitbahayan at ang walang-katulad na dami ng abot-kayang pagpapabahay.

Ang Mission Rock ay magiging bukod-tanging San Francisco. Mayroong walong acre ng mga pampublikong parke at open space, mga lokal na tindahan at mga kapihan, ang Mission Rock ay magsisilbi na lugar na tipunan ng buong pamayanan. Naglaan kami ng lugar para sa lokal na pagma-manupaktura, kasama ang pinalaking pananahanan ng Anchor Brewing sa makasaysayang Pier 48 at ang lokal na “Maker’s Row” para sa maliliit na negosyo sa San Francisco.

At ilalarawan ng Mission Rock ang pagkaiba’t iba na katangian ng San Francisco. Kaya nga itatalaga ng Giants ang 40% ng humigit-kumulang na 1500 unit na paupahan na abot-kayang pagpapabahay.

Page 35: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

35

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

E Mga Kinakailangan para sa Mga Pagpupulong na Bukas sa Publiko

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon D at E – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Habang maipagmamalaki namin ang mga tagumpay namin sa laruan, higit namin maipagmamalaki ang aming pakikipagtulungan sa pamayanan at ang aming matagal nang pamamalagi sa San Francisco.

Hinihiling namin sa inyo na makipagkaisa sa amin at iboto ang OO sa Proposisyon D.

Laurence M. Baer, President & CEO, San Francisco Giants

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Affordable Housing, Jobs, & Parks.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: San Francisco Giants.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon D

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon D

Sinusuportahan ng San Francisco Tomorrow ang mabuting pagpaplano para sa waterfront. Masyadong maraming sinusubukang gawin itong panukala, kaya ang naging resulta ay mga gusaling aabot sa 240 talampakan ang taas na tuwirang lalampas sa open space, at mga gusaling may 13-palapag ang nakahilera sa Terry Francois Boulevard.

Kailangang bawasan itong panukalang-batas para magkasya sa importanteng lugar na pambayan.

Iboto ang Hindi sa D!

San Francisco Tomorrow

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Tomorrow.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon E

Ang mga kalaban ng Proposisyon E ay nangangatwiran na ang San Francisco Open Government initiative (inisyatiba ng San Francisco para sa Pamahalaang Bukas para sa Lahat) ay magiging masyadong mahal at masyadong mahirap na ipatupad para sa Lungsod ng San Francisco. Batay sa aming karanasan sa pagtulong sa mga tao na lina-live stream ang mga sari-saring pagpupulong, mga public event, at ng mga pagdiriwang ng mga palarong pangkabataan nang maraming taon na, naniniwala kami na hindi ito totoo.

Pinahintulutan ng aming kompanya na nasa San Francisco, ang The Cube, ang milyun-milyong manonood na panoorin at mag-interact sa mga event na kung wala sanang live stream ay hindi nila mapapanood, ang lahat na walang-bayad at mula sa ginhawa ng kahit saang lugar na may internet connection. Kung madali naming mala-live stream ang maraming event na nangyayari sa lahat ng dako ng daigdig, walang dahilan kung bakit ang Pamahalaan ng Lungsod, na marami nang mga wi-fi connection at mga camera sa City Hall, ay hindi pwedeng pahintulutan ang publiko na panoorin ang lahat ng mga pagpupulong nito at magbigay ng virtual testimony (pahayag na napapanood sa internet).

Sa katunayan, dahil sa mabilis na bumubuting teknolohiya at paggamit, magiging mas matipid ang

pagpalit ng live streaming sa mga broadcast sa telebisyon at maaabot ang mas maraming manonood sa paglipas ng panahon. Ang SF Open Government initiative ay makapagbibigay sa lahat ng mamamayan ng San Francisco ng oportunidad na maging bahagi ng proseso ng pagdedesisyon ng lungsod na hindi magiging magastos o mahirap ipatupad.

The Cube

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: The Cube.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon E

Ang Proposisyon E ay tutulong sa mga taga- San Francisco na makisali sa pamahalaan.

Sa loob ng panahon na ako ay naglingkod sa Board of Supervisors, nakita ko ang tunay na epekto kapag naging aktibo ang mga mamamayan sa ating demokrasya at nagbigay ng kanilang mga opinyon tungkol sa importanteng mga desisyon ng City Hall. 

Sa kasamaang-palad, para sa mga taga-San Francisco na nagtatrabaho, may mga obligasyon sa pamilya, o hindi pwedeng pumunta sa City Hall, isang paghamon ang dumalo sa tanghali sa mga pampublikong pagpupulong.

Page 36: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

36

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon E – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Sa pamamagitan ng teknolohiya, ang Prop E ay magbibigay ng boses sa mas maraming taga-San Francisco sa pagpapaunlak sa kanila na manood at magbigay ng kanilang mga opinyon sa mga pampublikong pagpupulong sa pamamagitan ng isang simpleng internet connection. 

Assemblymember David ChiuDating President, SF Board of Supervisors (Lupon ng mga Supervisor)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Open Government 2015 Yes on E.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Chinese American Voters Education Committee, 2. Douglas Chan, 3. Think Tank Learning.

May bayad na pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon E

Ang kakayahan ng mga magulang at mga estudyante na makisali sa mga pagdedesisyon tungkol sa kanilang edukasyon ay mahalaga sa pagtatagumpay sa mga paaralan at Kolehiyo ng Lungsod sa San Francisco. Walang sinuman ang dapat pagbawalang makisali sa mga pagpupulong ng lupon na pampaaralan o pang-kolehiyo dahil sa mga iskedyul ng klase, trabaho, pamilya, o ng iba pang mga personal na obligasyon. Ang Proposisyon E ay isang matatag na panukalang-batas na tutulong na siguraduhing may masasabi ang publiko sa kung paano ginagastos ang kanilang mga dolyar na para sa kanilang edukasyon.

Shamann Walton, School Board Commissioner (Komisyonado ng Lupong Pampaaralan)Alex Randolph, Community College Board Trustee (Katiwala ng Lupon ng Kolehiyo ng Komunidad)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Open Government 2015. Yes on E.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Chinese American Voters Education Committee, 2. Douglas Chan, 3. ThinkTank Learning.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon E

May bayad na pangangatwiran na Kontra sa Proposisyon E

ANG MGA HINDI-RESIDENTE AY MAKAKADAGSA SA DIALOGUE NA PARA SA MADLA 

May mabuting hangad itong panukalang-batas ngunit lubhang maraming kamalian. Hindi nito sinasabi kung paano popondohan ang kinakailangang teknolohiya, at pwedeng ma-hijack ang ating mga pagdinig ng lupon at ng komisyon, ng mga tagataguyod na taga-labas (outside advocates) na mag-i-i-stream ng mga komentaryo ng publiko sa mga lugar na hindi sakop ng ating lungsod. Maaaring ipatupad ng mga lider ng lungsod itong teknolohiya na pinag-isipang mabuti na hindi na kailangang ilagay sa balota. 

Iboto ang Hindi sa E - Ito ay hindi handang ilunsad. 

San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic County Central Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May bayad na pangangatwiran na Kontra sa Proposisyon E

Itong panukalang-batas na may mabuting hangarin ngunit masama ang pagkakasulat ay magbubukas ng mga oportunidad para sa mga interes sa labas ng lungsod at mga binabayarang lobbyist na dumagsa sa mga pampublikong pagpupulong na napapanood sa internet ang mga komentaryo ng publiko. Sa halip ay makipagtulungan tayo sa pamamagitan ng Sunshine Task Force para talakayin itong mga isyu at lumikha ng isang maisasagawang plano para dagdagan ang access sa Pamahalaan.

Hindi sa E

San Francisco Tomorrow (San Francisco sa Kinabukasan)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Tomorrow.

May bayad na pangangatwiran na Kontra sa Proposisyon E

Maraming mga taga-San Francisco ang naniniwala na ang pampublikong prosesong sa City Hall ay maanomalya, nabibili, at kailangan ng pagbabago.

Page 37: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

37

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

F Residensiyal na Pagpapaupa sa Pangmaikliang-panahon

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon E at F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Hindi pinagagaling ng Prop. E ang problema. Pinalalala ito.

Ang mga taong nagdududa ay naniniwalang ang mga pampublikong pagdinig ay “Kabuki Theater “-- isang pro-forma na pahayag para ipakita na ang publiko ay may karapatang magpahayag ng kuru-kuro, ngunit sa katotohanan, nakapagdesisyon na ang mga miyembro ng Board of Supervisors o City Commissions, mga Komite na “Tagapayo”, at mga Pangkat Pangasiwaan bago pakinggan ang anumang pahayag mula sa madla.

Tinuturo ng iba ang paggamit ng special interests (mga korporasyon, mga organisasyon, at mga indibidwal) ng “mga taga-organisa sa komunidad”para mag-recruit ng mga tao mula sa publiko na dumalo sa mga pagdinig at gayahin ang dalawa o tatlong punto hanggang sa antas na nakasusuka na silang pakinggan. Bilang resulta, ang mga pagdinig sa mga bagay na pinagtatalunan ay nagtatagal ng apat hanggang siyam na oras. Yung mga taong dumalo para tumestigo na may lehitimong mga ikinababahala tungkol sa epekto ng minungkahing batas o aksiyon at kung paano ito mapapabuti ay karaniwang pinaaalis o hindi napapakinggan.

Sa ilalim ng Prop. K, ang mga indibidwal ay pwede na ngayong tumestigo mula sa alinmang lokasyon sa

Lungsod o sa labas nito, at ang testimonya ay kailangang basahin o iharap sa pagdinig. Dadagdag ito sa tagal ng masyadong mahaba nang mga pagdinig, at hindi makatarungan sa mga taong naglaan ng kanilang panahon para dumalo sa pagdinig, o sa mga miyembro ng pampublikong lupon na kailangang ipagpaliban ang pagdedebate at ang kanilang boto sa mungkahing pinag-uusapan. Tataas bigla ang mga babayaran ng mga nagbabayad ng buwis. (Tingnan ang report ng Controller ng Lungsod dito sa handbook ng botante.)

Bilang isang senador ng estado, ako ay nagpanukala ng batas na pinahihintulutan magbigay ng komentaryo ng publiko sa bawat pagpupulong ng isang lupon ng pamahalaan ng lungsod. Iyon ay naging mabisa at matipid.

Ang Prop. E ay magiging aksaya ng panahon at magastos.

IBOTO ANG HINDI SA E!

San Francisco Taxpayers Association (Asosasyon ng mga Nagbabayad ng Buwis sa San Francisco)Judge Quentin L. Kopp (Ret.), President

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Taxpayers Association.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

IBOTO ANG OO SA PROPOSISYON F--HUWAG MALINLANG!

Iboto ang oo sa Proposisyon F at makipagkaisa sa 20 grupo ng mga may-ari ng bahay at ng mga kapitbahayan at libu-libong mga taga-San Francisco na pumirma dito sa inisyatiba ng mamamayan para panatilihin ang ating mga kapitbahayan na nakabubuti sa pamilya at ipatupad ang matagal nang itinatag na mga batas ukol sa residensiyal na pagsosona.

Patuloy na tinatangkilik ng City Hall ang mabilis na paglaganap ng mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa, na ginagawang commercial corridor (mga kalyeng pangkalakalan) ang ating mga residensiyal na kapitbahayan, na isang tuwirang pagsuway sa ating mga batas sa pagsosona.

Nabawasan na kaligtasan, nadagdagan na ingay at siksikan ng mga sasakyan sa mga kalsada, at karaniwang pagkasira ng kalidad ng pamumuhay sa kapitbahayan, ay ilan lamang sa masasamang epekto na sanhi ng Airbnb at ng ibang mga grupong nagpapaupa ng tahanan – na higit pa sa pagpapaupa paminsan-minsan ng bakanteng kuwarto para matugunan ang kanilang mga pangangailangan, o para magkaloob ng matutulugan sa isang estudyante, turista o isang kakilala.

Ang Proposisyon F ay isang disenteng panukalang-batas na nagbibigay ng mga proteksiyon, tulad ng:

• Paglilimita sa 75 gabi bawat taon ang mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa, hosted at hindi hosted;

• Pagpapahintulot sa mga “hosting platform” na ilista lamang ang mga unit na pabahay na nakarehistro sa Lungsod;

Page 38: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

38

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

• Pagbibigay ng paunawa sa mga kapitbahay at mga asosasyon ng kapitbahayan kapag nakarehistro ang isang unit;

• Pagtitiyak sa mga legal na karapatan ng mga kapitbahay at ng mga asosasyon ng kapitbahayan para protektahan ang kanilang propiyedad kung labagin ang kanilang tahimik na kasiyahan at pagkapribado sa kanilang tahanan; at

• Pagbabawal sa pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ng mga in-law unit na sinadya para sa pamilya at mga kaibigan, hindi para sa mga turista.

Protektahan ang ating mga residensiyal na kapitbahayan--IBOTO ANG OO SA F!

West of Twin Peaks Central Council 

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: WEST OF TWIN PEAKS CENTRAL COUNCIL.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Ang UNITE HERE Local 2 ay kumakatawan sa 13,000 na mga manggagawa sa hotel at restaurant. Pinagsisikapan ng aming unyon na pataasin ang kalidad ng mga trabaho sa hospitality sa ating lungsod. Subalit - tulad ng daan-daang libo mga taong nagtatrabaho - hinaharap natin ang pinakamalalang krisis sa kailan man sa pagiging abot-kaya ng San Francisco.

Isinasapanganib ng di-makontrol na mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ang mga trabaho sa hotel at isinasapanganib ang ating kakayahan na patuloy tumira sa lungsod na tinatawag nating tahanan. Pinabayaan ng City Hall ang mga lobbyist at ang mga bilyun-bilyong dolyar na mga korporasyon na isulat ang batas. Oras na ngayong iwasto ang kanilang mga kamalian.

Mangyaring iboto ang OO sa Proposisyon F.

UNITE HERE Local 2

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: UNITE HERE Local 2.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Ang mga Senior at mga Taong may Kapansanan ay Nagsasabi ng OO sa F 

Habang ang permanenteng paupahang mga unit ay pinapalitan ng mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa para sa mga turista, kapansin-pansin na

tumataas ang mga renta, at itinutulak paalis ang mga senior at mga taong may kapansanan. Limitahan ang bilang ng mga gabi para sa mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa. Panatilihin ang abot-kayang pabahay at iligtas ang ating mga komunidad! Oo sa F.

Senior and Disability ActionGray Panthers

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Senior and Disability Action, Gray Panthers, Bob Planthold.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Tulungang Iligtas ang ating Nasasapanganib na Abot-Kayang Pabahay at Protektahan ang ating mga Kapitbahayan sa pamamagitan ng Pagsali sa mga Kasalukuyan at Dating mga Komisyoner sa Pagpaplano (Planning Commissioner) ng Lungsod at sa Pagboto ng OO SA F. 

Kasalukuyang Mga Planning Commissioner ng Lungsod (Para lamang sa mga Layunin ng identipikasyon):

Cindy Wu*Dennis Richards*Kathrin Moore*

Dating Mga Planning Commissioner ng Lungsod:

Dennis AntenoreDoug EngmannEsther MarksWayne HuBill Sugaya

*Para lamang sa mga layunin at identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Dennis Antenore.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Ang San Francisco Labor Council, na kumakatawan sa 100 na mga unyon sa ating lungsod, ay buong nagkakaisang ini-endorso ang Proposisyon F. Kailangan ng mga nagtatrabahong pamilya ang mga batas na may sentido comon na tulad nito para mabawasan ang mga ebiksiyon at gawing mas lalong abot-kaya ang pabahay. 

Iboto ang OO.

San Francisco Labor Council

Page 39: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

39

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Labor Council.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Hinihikayat kayo ng mga Magkakapitbahay sa Distrito 5 na iboto ang Oo sa Proposisyon F – Mga residensiyal na Pangmaikliang-panahon na Pagpapaupa

Pinahihintulutan nitong proposisyon ang mga nakarehistrong residente na paupahan ang kanilang mga bahay o mga apartment nang hanggang sa 75 araw bawat taon, inuutos na bigyang paunawa ang mga kapitbahay, at inuutos sa mga internet platform tulad ng Airbnb na sundin ang batas. Tulad ng marami, nag-aalala kami tungkol sa mga pagpapaalis sa aming mga kaibigan at mga kapitbahay, sa pagkawala ng abot-kayang paupahang pabahay, at ang mga malaking nawala sa ekonomiya ng lungsod ng bawat full-time na pangmaikliang-panahon na pagpapaupa na pumapalit sa pangmatagalang-panahon na paupahan/tahanan. Ang panukalang-batas na ito ay isang makatwirang solusyon sa pagkabigo ng City Hall na protektahan ang abot-kayang pabahay at magpanukala ng maipatutupad na batas. 

Iboto ang OO! Sa Proposisyon F!

Haight Ashbury Neighborhood CouncilHayes Valley Neighborhood Association’s Transportation and Planning CommitteeD5 ActionChristin Evans, The BooksmithDean Preston, Tenant ActivistTes Welborn, Community ActivistCalvin Welch, Affordable Housing Activist

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Haight Ashbury Neighborhood Council.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Ang industriya ng turismo sa San Francisco ay isang mahalagang bahagi ng ating ekonomiya, at ang mga patakaran para sa pagsosona ay isinabatas sa loob ng mga taon para siguraduhing malakas ang industriya habang pinoprotektahan ang mga residensiyal na pagpapabahay. Pinanunumbalik ng Proposisyon F itong balanse sa pamamagitan ng pagpapahintulot ng mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa na may naaangkop na mga limitasyon at mga pananggalang.

Iboto ang Oo sa F!

San Francisco Tomorrow

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Tomorrow.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

AYUSIN ANG MGA LUSUTAN. IBOTO ANG OO SA F.

Binigo tayo ng City Hall.

Habang nahihirapan ang mga taga-San Francisco sa pinakamalalang krisis ng pabahay nitong daantaon, sadyang pinayagan ng City Hall ang Airbnb na isulat ang kanilang sariling mga regulasyon, na pinakikinabangan ng $25.5 bilyon na korporasyon ngunit naiwang hindi protektado ang iba sa San Francisco.

Napakahina ng kasalukuyang batas ukol sa pangmaikliang-panahon na pagpapaupa, na umabot sa parehong kongklusyon ang bawat malayang pagsusuri: ang batas ay hindi maisasagawa at hindi maipatutupad.

Nakakamit ng Proposisyon F, na isinulat ng mga mamamayan sa halip ng mga lobbiyist, ang makatarungan at makatwiran na balanse. Pinoprotektahan nito ang mga host na sumusunod sa batas para kumita ng karagdagang mga dolyar sa mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa, habang nagbibigay ng regulasyong may sentido komon na kinakailangan ng lungsod:

• Makatwirang mga limitasyon. Pinahihintulutan ang pangmaikliang-panahon na pagpapaupa hanggang 75 gabi bawat taon.

• Regular na mga report. Inuutos ang mga report tuwing tatlong buwan tungkol sa kung ilang gabi pinaupahan nang pangmaikliang panahon ang isang unit.

• Responsibilidad ng mga korporasyon. Pinananagot ang mga korporasyon gaya ng Airbnb, nililimitahan ang kanilang mga paglilista sa mga unit lamang na nakarehistro nang wasto sa Lungsod.

• Mga proteksyon para sa kapitbahayan, may-ari ng propiyedad at sa nangungupahan. Binibigyang paunawa ang mga kapwa nangungupahan sa gusali, mga kapitbahay, at mga asosasyong kapitbahayan kapag nakarehistro ang isang unit bilang pangmaikliang-panahon na pagpapaupa, at kinakailangan na aprobahan iyon ng mga may-ari ng gusali. 

• Karapatan na magdemanda. Pinahihintulutan ang ibang mga nangungupahan sa gusali at mga kapitbahay na magdemanda sa hukuman para

Page 40: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

40

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

protektahan ang kanilang mga karapatan sa privacy at mapayapang pagtatamasa ng kanilang mga tahanan kung mabigong talakayin ng lungsod ang isang malubhang problema.

Ito ay mga pagbabagong ginagamit ang sentido komon na dapat tinanggap ng City Hall. Ang Oo sa F ay solusyon ng San Francisco sa problema ng San Francisco: makatarungan, makatwiran at mabisa ito. Mangyaring sumali sa amin sa pagboto ng Oo sa Proposisyon F.

Coalition for San Francisco NeighborhoodsSan Francisco Apartment AssociationSan Francisco Tenants UnionSierra ClubSan Francisco Labor CouncilShareBetter San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: ShareBetter SF.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. UNITE HERE, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. Yerba Buena Consortium.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Bilang mga ahente ng real estate sa San Francisco, alam namin na ang laganap na mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa sa mga turista ay sinisimot ang kinakailangang mga pabahay para sa mga nangungupahan at mga bumibili. Ang pag-uugaling “kahit ano lang” na ginagawa ang mga tahanan na mga de facto hotel ay sumisira sa integridad ng ating mga kapitbahayan. Ang Proposisyon F ay isang makatwirang paraan para protektahan ang mga tahanan at mga kapitbahayan.

Meagan LevitanPaula PaganoSandra BagnatoriJane IvoryVictoria KornblumMarc Christopher Calderon

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Meagan Levitan.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Ang Proposisyon F ay hindi isang pagbabawal sa homesharing o sa mga serbisyong pangmaikliang-panahon na pagpapaupa gaya ng Airbnb.

Ang Proposisyon F ay mga nakatakdang makatwirang mga regulasyon na maingat na isinulat ng isang

bukod-tanging koalisyon na binubuo ng mga nangungupahan at mga may-ari ng propiyedad, mga tagataguyod ng abot-kayang pabahay at mga grupo ng kapitbahayan, mga unyon ng manggagawa at inihalal na mga opisyal, na naghahangad na isaayos nang makatwiran ang isang $20 bilyon na korporasyon na pinahihirapan ang mahigpit nang pamilihan ng pabahay.

Ang ginagawa ng Airbnb at ng mga katulad nitong mga site na nagpapaupa para sa mga nagbabakasyon ay gawing kuwarto ng hotel sa gabi ang mga residensiyal na apartment na kontrolado ang renta na nagkakahalaga ng higit sa $225 bawat gabi. Ang epekto nito sa lahat ng dako ng lungsod ay kinukuha ang kailangang-kailangan na mga pabahay mula sa pamamahala ng mga taga-San Francisco, na mga nakatira at nagtatrabaho dito, at sa halip ay binibigay sa mga turista at mga bakasyonista.

Hindi umuubra ang umiiral na kalagayan. Ang kasalukuyang batas sa pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ay hindi-hinding maipatutupad dahil kinokontra nito ang mga Objective Two at Three ng Housing Element ng Lungsod, na sinisikap na “panatilihin ang nakatayo nang mga unit ng pabahay” at “protektahan ang pagiging abot-kaya ng nakatayo nang pabahay.”

Sinabi ng mismong ekonomista ng Lungsod na ang pagkawala ng kahit isang unit ng pabahay sa pagpapaupa sa mga pagpapaupa sa turista ay mas mahalaga kaysa sa anumang potensiyal na pakinabang ng mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa na kikitain ng Lungsod. Ipinapakita ng kamakailan lamang sa report na iniutos ng Lungsod na sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang San Francisco ay nawalan na ng daan-daang unit ng paupahang pabahay na pinatatakbo na ngayon na mga full time hotel.

Ang mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa na handog ng mga website gaya ng Airbnb at ibang mga online platform ay hindi mawawala sa lalong madaling panahon. Sa gitna ng walang kaparis na kakulangan ng pabahay at ng krisis sa pagigng abot-kaya, lubos na kinakailangan ang makatarungang regulasyon ng ekonomiya para sa pangmaikliang-panahon na pagpapaupa.

Dapat “Oo” ang sabihin ng San Francisco sa F at sa makatarungang regulasyon ng Airbnb.

San Francisco Apartment Association

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Apartment Association PAC.

Page 41: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

41

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. West Coast Property Management, 2. Essex Property Trust, 3. Malta and Company Inc.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Sina Supervisor Avalos, Campos at Mar ay Nagsasabing Oo sa Home Sharing at Oo sa F!

Sinusuportahan nating lahat ang home sharing. Sinusuportahan nating lahat ang mga taong pinapaupahan paminsan-minsan ang bakanteng kuwarto sa kanilang tahanan, o ang buong unit kapag wala sila sa lungsod.

Pinahihintulutan ng Prop F ang home sharing nang 75 gabi sa bawat taon. Para sa mga gustong magpaupa sa mga turista nang mas madalas, kailangan silang maging lisensiyado bilang Bed & Breakfast.

Ngunit ang ganoong mga tao ay isang maliit na minoridad ng di-pangkaraniwang residensiyal na pagpapaupa sa pangmaikliang-panahon.

Kailangang wakasan ang pakyawang labag sa batas na pagpalit ng libu-libong mga unit ng pamahayan para sa mga turista, kaya sinusuportahan namin ang Prop F.

Supervisor John AvalosSupervisor David CamposSupervisor Eric Mar

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SHARE BETTER SF.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. UNITE HERE, 2. SF APARTMENT ASSOC PAC, 3. YERBA BUENA CONSORTIUM.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Iboto ang Oo sa F para sa regulasyong may sentido comom na iligtas ang pabahay para sa LGBTQ

Malinaw ang mga katibayan - 29% ng mga nawalan ng kanilang mga tahanan ay LGBTQ at mas maraming nangyaring mga ebiksiyon sa Castro nitong nakaraang limang taon kaysa alinmang ibang kapitbahayan.

Ang Airbnb ang may-kagagawan sa pag-aalis ng hanggang 2,000 ng mga unit mula sa stock ng pabahay sa lungsod habang patuloy na hinaharap ng LGBT community ang mga ebiksiyon at ang biglang pagtaas ng mga renta.

Nawawala sa atin ang kinakailangang pabahay na ginagamit para sa mga turista sa halip na para sa mga

residente ng San Francisco. Ang Prop F ang ating pagkakataon na isaayos ang mga pangmaikliang-panahon na pagpaupa. Iboto ang Oo sa F!

Harvey Milk LGBT Democratic Club

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SHARE BETTER SF.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan:1. UNITE HERE, 2. SF APARTMENT ASSOC. OF SF, 3. YERBA BUENA CONSORTIUM.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Abot-kayang Pabahay

Kailangan ng San Francisco ng mas maraming abot-kayang mga pabahay at mas maraming mga solusyon para sa masaklaw na pagiging abot-kaya ng pabahay. Hindi natin kailangan ang AirBnB at ang mga ibang “hosting companies” na binibiktima ang umiiral na mamahaling stock ng pabahay at pinatataas ang mga renta na gumagatong sa mga ebiksiyon. Sisiguraduhin ng panukalang-batas na ito na mahigpit na ipatutupad ang mga regulasyon ng Lungsod sa mga paupahan para sa mga bakasyonista, para protektahan ang ating mga paupahang pabahay laban sa pagiging mga hotel.

Iboto ang Oo sa F

San Francisco Council of Community Housing Organizations

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: The author.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

“Talagang matindi ang masamang epekto sa ekonomiya sa lahat ng dako ng lungsod na kaugnay sa mas mataas na mga gastos sa pabahay. Ayon sa REMI model, ang pag-alis ng isang unit ng pabahay sa pamilihan ay may kabuuang epekto sa ekonomiya ng lungsod ng humigit-kumulang sa -$250,000 hanggang -$300,000 bawat taon. Ito ay higit pa sa taunang kabuuang pakinabang sa ekonomiya na mula sa ginastos ng bisita, kita ng host, at buwis ng hotel, na isinasaalang-alang ang umiiral na mga halaga ng pangmaikliang-panahon na pagpapaupa.

Kung ibabatay sa netong kita, sa gayon, ang isang unit ng pabahay na inalis sa pamilihan na gagamitin para sa mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ay magkakaroon ng negatibong epekto sa ekonomiya ng lungsod, kahit na ang unit ay lumilikha ng

Page 42: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

42

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

pinagkakakitaan para sa host, paggagasta ng bisita, at buwis sa hotel sa bawat araw ng taon”.

Mula sa: Amending the Regulation of Short Term Residential Rentals: Economic Impact Report (Pagsusog sa Regulasyon ng Pangmaikliang-Panahon na mga Pagpapaupang Residensiyal: Report ng Epekto sa Ekonomiya) Office of the Controller, City and County of San Francisco (Tanggapan ng Controller, Lungsod at County ng San Francisco)(Pahina 8 pinetsahan Mayo 18, 2015 

Ang F ay para sa FACTS (MGA KATUNAYAN)Iboto ang Oo sa F

ShareBetter San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Douglas J. Engmann.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Ang mabilis na pagdami ng ilegal na mga paupahan sa mga turista ng mga buong bahay at mga apartment sa ating mga kapitbahayan ay nagpapalala sa ating krisis sa pabahay at sinisira ang kaligtasan at tahimik na kasiyahan ng ating mga residensiyal na lugar. 

Ihihinto ng Proposisyon F itong ilegal na gawain habang pinahihintulutan ang mga taga-San Francisco na paupahan paminsan-minsan sa bisita ang bakanteng kuwarto. Makipagkaisa sa akin na iboto ang OO SA F para panatilihin ang ating kakaunting pabahay at protektahan ang integridad ng ating mga kapitbahayan. 

Dating Mayor Art Agnos 

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Mayor Art Agnos and Doug Engmann.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

IBOTO ANG OO SA F – ITO AY PARA SA PAGIGING MAKATARUNGAN

Ang Prop F ay isang inisyatiba ng mamamayan ng nag-aalalang mga taga-San Francisco tungkol sa hindi mapigilang ilegal na paggamit ng mga pamahayang pampamilya bilang mga hotel, kaya isinasapanganib ang katangian ng kapitbahayan at iniaalis sa pamilihan ang paupahang pabahay.

Ang Prop F ay isang disenteng panukalang-batas na inuutos sa City Hall na ipatupad ang mga batas ukol sa pagsosona at sa buwis.

Kinailangan ang Prop F dahil sa hawak nang pasakal ng Airbnb si Mayor Lee at ang Board of Supervisors (Lupon ng mga Tagapangasiwa), kasama ang espesyal na interes na pagpapatupad ng batas na isinulat ng mga lobbyist ng Airbnb.

Ngunit para sa panukalang-batas na ito na pinahahalagahan ang kapakanan ng komunidad, sisikapin pa rin ng Airbnb na hindi bayaran ang ilang taong utang nito na buwis sa hotel.

Ayaw pa ring ibigay ng Airbnb ang mahalagang impormasyon tungkol sa bilang ng mga gabi, o lokasyon o ang mga pangangasiwa nito ng hotel, na tuwirang pagsuway sa mga inuutos ng lungsod na pagrereport ng buwis sa hotel.

IBOTO ANG OO SA F –sabihin sa City Hall at sa Airbnb na sundin ang mga makatarungang patakaran na pinoprotektahan ang ating mga kapitbahayan at pampublikong pananalaping.

San Francisco Taxpayers AssociationJudge Quentin L. Kopp (Ret.), President

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Taxpayers Association.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

ANG HINDI PINANGANGASIWAANG MGA PANGMAIKLIANG-PANAHON NA PAGPAPAUPA AY LUMILIKHA NG MGA PANGMATAGALAN NA PROBLEMA

Ang mga kapitbahay, mga may-ari ng bahay, at mga nangungupahan ay nararapat para sa matatag na mga kapitbahayan at mga gusaling walang-panganib. Sa karamihan ng mga kaso, ang mga paupahang walang regulasyon ay ginagawang hotel ang mga tahanan na kung saan maraming mga estranghero ang pumapasok sa mga gusali habang ang mga kapitbahay ay walang masasabi sa nangyayari.

Higit pa doon, pinalayas ang mga nangungupahan para ang lahat ng mga apartment ay pwedeng ilista sa buong taon bilang mga paupahan sa mga bakasyonista, kahit ilegal ito. Ang mga nangungupahan na naninirahan pa rin sa mga gusaling ito ay natatakot na paghigantihan ng mga may-ari ng gusali kung magrereklamo sila.

Sa labis na kakulangan ng pabahay sa San Francisco, ang mga permanenteng residente ay hindi kailangang

Page 43: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

43

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

makipag-kumpitensya para sa pabahay sa mga turistang nagbabayagd ng triple sa mga paupahan sa pamilihan para sa mga pangmaikling-panahon. Natuklasan ng Budget and Legislative Analyst ng San Francisco na sa Haight-Ashbury, 32 porsiyento ng mauupahan na mga bakanteng tahanan ay nakalista bilang mga paupahan sa mga bakasyonista.

Pahihintulutan pa rin ng Proposisyon F ang mga tao na paupahan ang tinitirahan nilang mga tahanan nang may makatwirang mga limitasyon. Mapipigilan nito ang ilegal na mga hotel at papanagutin ang mga korporasyon para sa mga kinita sa ilegal na paraan.

Panatilihin ang ating mamahaling mga stock ng paupahan. Protektahan ang mga nangungupahan bago ang mga pakinabang ng korporasyon.Iboto ang OO sa F!

San Francisco Tenants UnionHousing Rights CommitteeCausa Justa Just CaseEviction Defense CollaborativeAnti-Eviction Mapping ProjectAIDS Housing Alliance SFBill Hirsh, Executive Director - AIDS Legal Referral Panel*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Sharebetter SF.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan:1. UNITE HERE, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. Yerba Buena Consortium.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Ang Komunidad ng Asyano (Asian Community) ay Nagsasabi ng “Oo” sa F

Sumasang-ayon ang mga nangungupahan, mga may-ari, mga organisasyong pangkomunidad! Kailangan natin ng mga makatwirang patakaran para sa Airbnb. Ayaw naming palitan ng mga hotel para sa turista ang aming mga apartment at mga kapitbahayan. Iboto ang mga kapitbahayan na ligtas at mga abot-kayang pabahay.

Iboto ang “Oo” sa F.

Rev. Norman Fong, Chinatown Community Development CenterBill Quan, SF Apartment Association*Wing Hoo Leung, Community Tenants Association*

Pam Tau Lee, Chinese Progressive Association*Katherine Chu, Asian Americans Advancing Justice-Asian Law Caucus*Supervisor Norman Yee

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SHARE BETTER SF.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. UNITE HERE, 2. SF APARTMENT ASSOC, 3. Yerba Buena Consortium.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

Mahigit na 30 taon na akong miyembro ng lupon ng Consumer Action, isang organisasyon ng pagkakasapi sa pambansang pagtatangkilik at pagtuturo sa consumer, na base sa San Francisco. Tinutulungan namin ang mga taong nagtatrabaho para siguraduhin ang kanilang mga karapatan bilang mga consumer.

Nabigo ang City Hall na talakayin ang mga problemang sanhi ng mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa sa lahat ng dako ng San Francisco. Kinakailangan ang mga limitasyon para pigilan ang masamang mga epekto nito sa pabahay at mga kapitbahayan.

Ang anumang limitasyon sa mga gabi na pwedeng paupahan sa mga turista ang isang pamahayan ay hindi maipatutupad nang walang regular na mga report ng paupahan mula sa mga naghahandog nitong mga paupahan.

Nagrereklamo ang Airbnb na ang pagsisiwalat ng kanilang data sa mga ahensyang tagapagpatupad ay magiging “paglabag sa privacy”.

Hinihiling lamang ng Proposisyon F ang mga report tuwing tatlong buwan sa mga address ng bawat unit at ang bilang ng mga gabi na pinaupahan ito. Walang sensitibo tungkol sa impormasyong iyon. Ang mga pagtutol ng Airbnb ay walang batayan at nagtatanim ng pangangamba.

Sa katunayan, ang mga kondisyon ng serbisyo (na tinatanggap ng lahat ng host at mga bisita) ay tiyakang pinahihintulutan ang AIRBNB na i-report ang data sa mga pamahalaan para sa pagpapatupad ng mga batas ng lungsod.

Inaalis ng Airbnb sa pamilihan ang pabahay na malubhang kinakailangan. Walang dahilan kung bakit

Page 44: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

44

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

dapat silang bigyan ng mga espesyal na pabor at mga paglilibre. Iboto ang Oo sa F.

Sue HestorBoard Member, Consumer Action*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Sue Hestor at ShareBetter SF.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan:1. UNITE HERE, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. Yerba Buena Consortium.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon F

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Ang “F” AY NAKATANGGAP NG BAGSAK NA GRADO

Ang San Francisco ay isang lugar na magastos tirahan at bisitahin. Mas abot-kaya ang mangupahan ng kuwarto sa mga pribadong bahay at nakakatulong ito sa mga residenteng nagsisikap na makadagdag sa kanilang kinikita.

Ang home-sharing ay nagdadala ng mga bisita sa mga kapitbahayan, hindi lamang sa downtown, at nakakatulong sa paggasta sa mga tindahan at mga restaurant at sinusuportahan ang mga trabaho sa lahat ng dako ng San Francisco. Pinapakita sa mga pagsusuri na ang mga bisita ng Airbnb ay nag-aambag ng $469 milyon sa ating ekonomiya, na tumutulong sa mga negosyo sa bawat kapitbahayan. At sinusuportahan ng mga bisitang nangungupahan ng kuwarto sa mga tahanan ang mga serbisyo ng Lungsod, sa pamamagitan ng pagbayad ng $6 milyon para sa mga occupancy tax.

Inaprobahan ng Mayor at ng Board of Supervisors (Lupon ng mga Tagapangasiwa) ang mga batas na may sentido komon para mas mabuting pangasiwaan ang home sharing. Bigyan natin ng pagkakataong makatulong ang mga batas bago natin pigilan ang pagbabago at pagbawalan ang ating mga kapitbahay na kumita ng kinakailangang karagdagang pera para manatili sa San Francisco.

IBOTO ang HINDI sa F.

San Francisco Chamber of Commerce at ang aming higit sa 1,500 lokal na negosyo

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Chamber of Commerce.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Ang Homesharing ay bahagi ng ating bagong ekonomiya at mapagkakatiwalaang ginagamit ito ng mga host sa lahat ng dako ng San Francisco. Itong panukalang-batas ay maglalagay ng labis na mga pagbabawal sa bagong ekonomiyang ito, na sasaktan ang mga residente na nasa middle class at mga nasa mababa ang kita na ginagawa ang homesharing para makatulong sa kanila na manatili sa San Francisco. Binibigyan rin nito ang mga magkakapitbahay ng karapatang idemanda ang isa’t-isa at lumilikha ng mga malubhang isyu sa privacy.

IBOTO ang HINDI sa F - masyadong matindi ito at pinaglalaban ang mga magkapitbahay.

San Francisco Democratic Party

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic County Central Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan:1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Hindi sa F! Ang ating mga tahanan ang ating puhunan para sa hinaharap

Dinidikta ng Prop. F kung ano ang magagawa natin sa ating mga bahay. Sinasabi nito kung gaano kadalas natin mapapaupahan ang isang kuwarto, pinagbabawal ang pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ng mga inlaw unit, at hinihikayat ang mga galit na kapitbahay na magdemanda dahil sa walang-halagang mga isyu. Hindi tama ito.

Ang ating mga tahanan ang pinakamalaking mga pinamumuhunanan natin. Ang mga ito ang sentro ng mga henerasyon ng ating pamilya. Ang mga ito ang pananggalang natin sa pagreretiro. Ang mga ito ang ating pamana sa ating mga anak. Ang lahat ng mga ito ay isinasapanganib ng Prop F.

Iboto ang HINDI sa Prop. F.

Asian Pacific Democratic ClubMary Jung, President, SFDCCCJason Chan Vice President, Asian Pacific Democratic ClubLinlin Wills, Noe Valley

Page 45: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

45

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Hao Zheng, Mission

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF for Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Sinisira ng Prop F ang Turismo - Ang Pinakamalaking Industriya sa San Francisco.

Ang ating lungsod ay umaasa sa turismo para pondohan ang mga lokal na parke, mga aklatan, mga bombero at higit pa. Ang mga bisita na nakikita ninyong nanginginig sa lamig sa Golden Gate Bridge ay mahalagang pinagmumulan ng kita na tumutulong na manatiling okupado at maunlad ang San Francisco.

Ang mga home sharing na paupahan ay mahalagang bahagi ng ating industriya ng turismo. Nitong nakaraang taon, 290,000 na mga bisita ang tumira sa mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa dito, na nagbigay ng higit sa $450 milyon para sa ating lokal na mga maliit na negosyo. Ang mga buwis sa mga paupahang ito ay nagbigay ng higit sa $1 milyon bawat buwan para pondohan ang mga serbisyo ng lungsod. Sa katunayan, ang Prop F ay maaaring magresulta sa pagkawala sa Lungsod ng higit na $58 milyon sa kikitain na buwis.

Tama, ang mga taong pinauupahan ang kanilang mga tahanan sa mga bisitang mula sa ibang lugar ay nagbabayad ng buwis gaya ng mga hotel. Tinatangkilik nitong mga bisita ang mga restaurant at mga negosyante sa ating kapitbahayan, at binabaling ang atensyon at mga dolyar ng mga turista sa mga lugar ng lungsod na matagal nang, at hindi makatwirang nakaligtaan ng mas maraming aktibong biyahero. Sa katunayan, higit sa 70% nitong mga bisita ay tumitira sa mga pribadong tahanan sa labas ng downtown hotel district. Mabuti ito para sa ating lungsod, sa ating mga residente at sa ating mga kapitbahayan.

Dinadala tayo ng Prop. F sa kabilang direksyon at makakasama ito sa mga maliit na negosyo sa kapitbahayan. 

Iboto ang HINDI sa F!

Alliance for JobsHispanic Chambers of Commerce of San FranciscoSan Francisco Bar Owners Alliance

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF for Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Ang Prop F ay Makakasama sa Maliit na Negosyo

Saan ninyo pinadadala ang bumibisitang mga kaibigan kapag pumupunta sila sa San Francisco? Pinadadala ninyo sila sa inyong paboritong lugar para kumain sa inyong kapitbahayan at minumungkahing pumunta sa isang paboritong lokal na tindahan para tumingin-tingin. O kaya magkasama kayong lumabas para uminom ng serbesa at tapos ay maghapunan sa isang tahimik na restauran na Thai sa may kanto.

Ganoon din ang ginagawa ng mga turistang naninirahan sa ating mga kapitbahayan. Sadya nilang iniiwasan ang mga hotel at sa halip ay piniling manirahan sa mga pribadong kuwarto ng isang tahanan, na kilala rin sa salitang home sharing. Natutuklasan nila na ang ating maliit, minamahal na mga café at gumagasta ng pera sa mga negosyo sa ating pamayanan. 

Ang ginagastang mga dolyar sa ating mga kapitbahayan ay hindi napupunta sa isang higanteng korporasyon para pumasok sa mga bulsa ng mga ilang stockholder na nasa malayong lugar. Mananatili itong pera sa ating lungsod, sa mga negosyante sa ating lugar at tutulong itong panatilihin silang bukas at maraming ginagawa.

Isinasapanganib ng Prop. F ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ng karagdagang paglilimita sa bilang ng mga araw na maaaring paupahan ang isang kuwarto at hinihikayat ang mga magkapitbahay na magdemanda sa isa’t isa. Sa madaling salita, kukunin ng Prop F ang pera sa mga lokal na mga negosyo at lilikha ng mas maraming mga demandahan para sa ating mga hukuman. Maling direksiyon ito para sa San Francisco.

HINDI sa F. Masama ito para sa mga negosyante at mga restaurant ng kapitbahayan.

David HellerPresident, Greater Geary Boulevard Merchant & Property Owners Association

Dani Sheehan-MeyerMay-ari, Cliché Noe Gifts & Home*

Ike ShehadehMay-ari, Ike’s Place

Jesse WoodwardMay-ari, HiTops & Hecho

Page 46: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

46

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Nelson ZhaoChopsticks*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF for Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Ang San Francisco ay isang lugar para sa lahat ng tao.

Pinili naming pumunta dito dahil ang San Francisco ay isang lugar na kung saan malugod na tinatanggap ang mga taong mula sa iba’t ibang background at may lahat na klase ng pangarap, at hinihikayat na maging sarili nila at umunlad. Maraming mga bagong dating sa San Francisco ang dumarating dito na walang masyadong pera, ngunit hangad nilang gawing kanilang tahanan itong dakilang lungsod. Maraming dumating dito noong nakaraang mga dekada ay nahihirapang ipagpatuloy na maging abot-kaya ang manirahan dito at kailangan ng karagdagang kita na matatanggap nila sa pagpapaupa ng bakanteng kuwarto sa kanilang tahanan.

Ang San Francisco sa ngayon ang may pinakamahal na presyo ng hotel sa alinmang lungsod sa mundo. Pinahihintulutan ng home sharing ang mga bisita at mga pamilya na hindi abot-kaya itong mga presyo, na maranasan ang ating kakaibang lungsod. Hindi abot-kaya ng maraming bisita ang $400 bawat gabi, at ang home sharing ay naghahandog ng alternatibong mababang presyo na papakinabangan ng mga residente ng San Francisco at sumusuporta sa mga lokal na maliit na negosyo sa ating mga kapitbahayan.

Kung walang home sharing, maaaring hindi maaabot-kaya kailanman ng isang lesbian mula sa Russia ang dumalaw sa San Francisco. Maaaring hindi maranasan ng same sex couple ang kasiyahan at kalayaang sumayaw sa ating Pride parade o maglakad sa kalsada sa alinman sa ating mga kapitbahayan nang lantarang naghahawakan ng kamay. Ang isang lalaking gay na tumatanggap ng disability ay maaaring mapilitang lumipat sa labas ng lungsod kung wala siyang kinikita mula sa home sharing ng kanyang tahanan.

Ang San Francisco ay isang ilaw ng pag-asa at inspirasyon para sa mga tao sa lahat ng dako ng mundo. Tiyakin natin na maaabot-kaya pa rin nila ang

maranasan ang ating lungsod, at manatiling nakatira dito!

Iboto ang Hindi sa Prop F.

Zoe DunningFirst Vice Chair, SFDCCC*

Joel EngardioBoard Member, Alice B Toklas LGBT Democratic Club*

Ken ClevelandBoard Member, Alice B Toklas LGBT Democratic Club*

Gregg De Meza, Bernal HeightsSteven Holland, Glen ParkTim Jones, CastroNatasha Khoruzhenko, Twin PeaksDelilah Lewis, MissionBob Marshall, Castro

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF For Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Huwag Alisin ang Aming Kakayahang Mapagkasya ang Aming Kinikita

Ako ay nagtrabaho ng buong buhay ko para bayaran ang mortgage sa isang bahay ng uring-manggagawa, at nagsisikap pa rin ako na manatili sa San Francisco habang umaasa sa Social Security. Sinusunod ko ang mga patakaran, binabayaran ko ang mga buwis ng hotel, at sa kailan man ay walang binabanggit na pag-aalala ang aking mga kapitbahay tungkol sa mga nangungupahan sa akin. Mangyaring huwag kaming parusahan dahil nakahanap kami ng paraan para manatiling nakatira dito sa magastos na lungsod.

Bilang isang inang nagtatrabaho, itong panukalang-batas ay magkakaroon ng mga napakasamang epekto sa aking pamilya. Ang home sharing ay isang paraan para kumita kami ng karagdagang pera para mabayaran ang aming mga babayaran at manatili sa aming Lungsod. Ang Prop F ay isang matinding panukalang-batas na pinuputol ang isang paraang kumita ng pera ang libu-libong matagal nang mga residente sa gitna ng krisis ng abot-kayang pabahay. Mangyaring iboto ang HINDI. Huwag alisin ang aming kakayahang manatili sa San Francisco.

Page 47: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

47

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Hindi nauunawaan ng mga mayamang may-akda ng Prop F ang paghamon sa maraming taga-San Francisco na mapagkasya ang kanilang kinikita. Ang mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ng kuwarto sa aming tahanan ang dahilan na narito pa rin kami sa San Francisco at pinahihintulutan kaming patuluyin nang buong taon ang bumibisitang mga kamag-anak. Hinihiling ko sa inyo na iboto ang HINDI sa F.

Ang aming kapitbahayan ay ang aming tahanan. Kami ay may isang pangmaikliang-panahon na pagpapaupa para pambayad sa pangangalagang pangkalusugan ni Sandor. Labis kaming natutuwa na ipakilala ang aming mga bisita sa lahat ng mahal namin sa San Francisco at sa aming kapitbahayan. Kung maaprobahan ang Prop F, madali kaming mademanda ng aming mga kapitbahay dahil nagpapaupa kami sa mga bisitang ito. Hindi iyon ang San Francisco na mahal namin.

Lisa Fromer-Valenzuela, The MissionEsther San Miguel, SunsetIvan Abehaus, The Mission*Sandor & Giuliana Halasz, Marina

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF For Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

ANG PROPOSISYON F AY MASYADONG MAHIGPIT, HINDI KINAKAILANGAN AT IPINAGBABAWAL ANG MAINGAT NA PANGANGASIWA NG HOME SHARING

Sa buong kasaysayan nito, ang San Francisco ang pinagsimulan ng maraming industriyang ukol sa pagbabago at mga ideya. Ang mga kasuutang maong, telebisyon, at branch banking ay lahat na nagsimula sa Ating Lungsod. Dapat maingat na pinangangasiwaan ng San Francisco, hindi pinalalayo, ang maraming mga industriyang ukol sa pagbabago na sinisimulan dito sa ika 21 Daantaon.

Sa nakaraang dalawa at kalahating taon, walang-pagod na sinikap ng mga opisyal ng Lungsod na pagtibayin ang balanseng mga solusyon sa mga paghamon na sanhi ng bumubuong ekonomiya ng home sharing. Nakarinig kami mula sa mga stakeholder (may nakatayang interes), kabilang ang mga nagpapaupa, mga may-ari ng gusali, mga nangungupahan, mga

may-ari ng hotel at mga manggagawa, mga aktibista sa kapitbahayan, mga tagataguyod ng pabahay, at mga lider ng maliit na negosyo. Ang kanilang mga pahayag ay nakatulong sa paggawa ng isang planong lubos na sumasapat sa mga pangangailangan ng lahat ng mga taga-San Francisco.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang San Francisco ay magpapatuloy na maging flexible para baguhin nang bahagya at patibayin ang mga batas ukol sa pangmaikliang– panahon na pagpapaupa sa anumang oras, sa pamamagitan ng mga aksiyon ng Planning Commission, ng Board of Supervisors, at ng Mayor. Gayunman, kung maaprobahan ang Proposisyon “F”, mawawalan ang Lungsod ng kakayahang itama nang maingat ang umiiral na batas para protektahan ang mga pangangailangan ng mga partidong nasasangkot pati na rin ng lahat ng mga residente sa San Francisco.

Kapag naging batas ang “F”, ang ibang panukalang-batas sa balota lamang ang makakapagbago sa hinaharap sa alinman sa mga probisyon nito. Kasama sa maraming mga kamalian nito, hinihigpitan ng Proposisyon “F” ang home sharing, sa ilalim ng anumang mga kalagayan, hanggang sa 75 na mga araw sa bawat taon ayon sa kalendaryo. Sa maikling panahon na ito ay napakakaunting pera ang kikitain ng maraming nagpapaupa ng tahanan na umaasa sa sapat na kinikita mula sa hosted sharing para manatili sa kanilang mga tahanan sa San Francisco.

Bigyan natin ang kasalukuyang mga regulasyon ng pagkakataong magkabisa at bigyan natin ang ating mga sarili ng flexibility na baguhin nang bahagya ang mga ito sa hinaharap para dagdagan ang pagiging mabisa ng mga ito.

ANG PROPOSISYON “F” AY MAY KAMALIAN, KULANG SA FLEXIBILITY AT SA PAGIGING MAKATARUNGAN. IBOTO ANG “HINDI” SA “F”.

Michael J. Antonini, Planning Commissioner ng Lungsod at County ng San Francisco*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF for Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Paglalabanin ng Prop F sa Isa’t Isa ang mga Magkakapitbahay

Page 48: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

48

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang tingin ng ibang lungsod sa San Francisco ay isang lider para sa mga patakaran ukol sa pagbabago na inuuna ang ating mga residente. Ang Prop F ay nagpapadala ng maling mensahe sa mga lungsod saan man, nagpapanukala ng mahigpit na regulasyon para sa home sharing na lumilikha ng insentibong pinansiyal para sa mga kapitbahay na manmanan ang kanilang mga kapitbahay.

Lahat tayo ay may kilalang dumanas ng pakikipag-away sa kanilang kapitbahay. Ang Prop F ay lumilikha ng mga paraan para kaladkarin sa hukuman ng pakialamerong kapitbahay itong mga away. Una, pinahihintulutan nitong kumita ang mga taong dinidemanda ang kanilang mga kapitbahay dahil dito sa masalimuot na bagong batas, habang sa nakaraan, ang lungsod ang benepisyaryo ng ganitong mga demanda; lumilikha ito ng insentibong kumita ng pera sa pagmamanman. Pangalawa, tinatanggal nito ang pangangailangang pagpasyahan muna ng Lungsod na may ginawang pagkakasala bago makaladkad ng sinuman ang kapitbahay sa hukuman. At bilang wakas, hindi man lang kailangang ipakita ng mga tao na sila ay nasaktan o nagdurusa o magbigay ng matibay na ebidensiya bago simulan ang isang demanda.

Napakababang pamantayan ang itinatatag ng Proposisyon F para sa mga pagdidemanda at magreresulta ito sa pagmamanman ng magkapitbahay sa isa’t isa sa paglilikha ng malalaking insentibong pananalapi para sa mga kapitbahay na magsampa ng mga demanda na walang-batayan laban sa isa’t isa. Kaya gagawin ng Prop F ang San Francisco na unang lungsod sa bansa na pinaglalaban sa isa’t isa ang mga komunidad, na iniikutan ang itinakda nang mga prosesong may sentido komon para iwasan ang pag-abuso.

Ang Prop F ay masama para sa ating kapitbahayan. Iboto ang Hindi sa Prop F.

Leah Pimentel, Nag-aalaalang Residente ng Bayview*Derek Remski, Nag-aalaalang Residente ng District 5

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF for Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Ang Prop F ay Ganap na Pinagbabawal ang Home Sharing ng mga In-Law Unit

Ang isa sa pinakamaling bahagi ng Prop F ay ganap na pinagbabawal nito ang home sharing ng mga in-law unit.

Lahat tayo ay may mga tahanang may in-law unit. Naniniwala kami na dapat kaming may parehong mga karapatan gaya sa ibang may-ari ng bahay sa San Francisco.

Sinulat ang Prop F para asintahin nang hindi makatwiran ang mga residente na may mga in-law unit. Pinagbabawal ng Prop F ang mga residenteng may “accessory dwelling units” (ekstrang mga unit ng tirahan) na kilala rin bilang “mga in-law unit” na paupahan ang kanilang mga tahanan nang pangmaikling-panahon, kahit para sa isang araw lamang!

Itong pagkakaiba ay hindi makatarungan at hindi kinakailangan, at lumilikha ng sistemang may dalawang pamantayan para sa mga may-ari ng bahay sa San Francisco. Hindi makatarungan na magkaroon ng iba’t ibang patakaran para sa iba’t ibang kapitbahayan. Bakit dapat iba ang pagtrato sa isang bahay para sa isang pamilya sa Noe Valley o sa Bernal Heights kaysa sa isang bahay sa Outer Sunset o sa Excelsior?

Naniniwala tayong lahat na kailangang pangasiwaan ang home sharing, ngunit ang ganap na pagbabawal ng home sharing sa mga in-law unit ay hindi makatarungan at masyadong mahigpit.

Iboto ang Hindi sa Prop F.

Toby Klayman & Joe Branchcomb, Bernal HeightsDoug Neilson, Noe ValleyKevin Krejci, Sunset

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF For Everyone / No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: AIRBNB.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

HINDI SA F - Hindi Kinakailangang Malaman Ng Lungsod Kung Sino Ang Natutulog Sa AKING Bahay

Inuutos ng Proposisyon F na ang mga host ng pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ay magbigay ng report sa Lungsod tuwing tatlong buwan na

Page 49: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

49

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

nakasulat kung ilang beses sila natulog sa kanilang bahay sa nakaraang tatlong buwan at kung sila ay nagkaroon ng mga bisita.

Totoo ‘yon, binibigyan ng Prop. F ang Lungsod ng karapatang malaman kung gaano kadalas ako natutulog sa bahay. Mali iyon at nakapangingilabot. At, ayon sa hatol kamakailan lamang ng Korte Suprema, malamang na labag sa Konstitusyon.

HINDI sa F. Walang pakialam ang iba kung saan ako natutulog.

JP Leddy, LGBT Community Activist

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF For Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Sino ang nanalo sa Prop F?

Pinahihintulutan ng Proposisyon F na magdemanda ang mga magkapitbahay sa isa’t isa sa mga pinaglalabanang ukol sa pangmaikliang-panahon na pagpapaupa kahit walang makitang problema ang Lungsod. Sa katunayan, inuutos ng Proposisyon F na dalawang beses na patalastasan ng Lungsod ang mga tao tungkol sa kanilang karapatan na magdemanda at pinahihintulutan pa nga ang isang di-kilalang testigo na magbigay ng pahayag sa mga reklamo ng Lungsod. Talaga bang gusto nating pag-awayin ang ang mga magkakapitbahay at hikayatin ang mga demanda?

Dahil higit sa isang taon na mula nang dumaan sa proseso ng pagbabatas at pagpapatibay, naniniwala kami na kailangan nating bigyan ng karagdagang panahon para malaman kung paano ang pagpapairal nito. Sa ilalim ng bagong pinagtibay na batas, nasa lugar na ang mga restriksiyon, mga primaryang tahanan lamang ang magagamit ng mga host, at nagtatag ng bagong tanggapan para sa pagpaparehistro at pagpapahintulot.

Inuutos ng Proposisyon F sa mga tao na nagpapaupa ng kuwarto nang wala pang 30 araw na mag-sumite ng report tuwing tatlong buwan na sinusulat kung saan sila natulog sa nakaraang tatlong buwan. Itong mga report ay magiging pampublikong impormasyon na mababasa ng kahit sino na gustong tingnan ang pribadong buhay ng ibang tao. Talaga bang gusto nating dapat i-report ng mga tao kung saan sila natutulog sa gabi? Ito ba ang impormasyon na dapat kinokolekta ng Lungsod?

Ginagawang ilegal ng Proposisyon F ang pangmaikliang-panahon na pagpapaupa ng mga in law unit. Maraming pamilya, lalo na yung mga nasa Westside, ay mga dekada nang nagpapaupa ng ganitong mga kuwarto sa mga kaibigan at mga turista. Talaga bang gusto nating lalong pahirapan ang mga pamilya na manatili sa San Francisco?

Walang pagdududa na isang malubhang isyu ang ating mataas na halaga ng pamumuhay at ang kakulangan ng abot-kayang pabahay. Bilang isang Lungsod, pinagsisikapan nating magtayo ng mga bagong bahay at protektahan ang mga taong nakakaramdam ng kagipitan. Ngunit ang Proposisyon F ay hindi ang solusyon sa mga paghamong ito. Mga magkapitbahay na nagdedemanda sa isa’t isa, pagrereport ng kung saan kayo natutulog, pinahihirapan ang mga tao na magkaroon ng dagdag na kita – hindi ito ang solusyon.

Iboto ang HINDI sa F. Sukdulan na ito.

sf.citi

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Citizens Initiative for Technology and Innovation (sf.citi).

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Binibigo ng Proposisyon F ang San Francisco

Ang aming organisasyon, ang Home Sharers of San Francisco, ay isang grupo ng magkakaibang mga mamamayan -- ang inyong mga kaibigan at mga kapitbahay -- na nagpapaupa ng mga kuwarto sa aming mga tahanan para tumulong na gawing abot-kaya ang San Francisco. Pinahihintulutan nitong mahalagang kita ang marami sa amin na suportahan ang aming tumatandang mga magulang, paglingkuran ang mga lokal na di-pinagkakakitaan, pag-aralin sa kolehiyo ang mga anak namin, at pagkasyahin ang kinikita.

Ang Proposisyon F ay may kamalian at masyadong mahigpit, lalo na dahil inaprobahan ng San Francisco ang isang bagong Ordinansa ukol sa Pangmaikliang-Panahon na Pagpapaupa, na may bisa mula Pebrero 2015. Sinusuportahan namin ang kasalukuyang batas, binabayaran ang inuutos na 14% buwis (gaya ng mga hotel), sumusunod sa restriksyon ng 90 araw bawat taon sa mga paupahan na walang host, at sinusuportahan ang pagpapatupad laban sa mga umaabuso, lalo na ang mga may-ari ng gusali na pinalalayas ang mga nangungupahan.

Habang marami sa aming mga bisita ay mga turista na naghahanap ng mas abot-kaya at tunay na karanasan ng ating magandang lungsod, kami ay nagho-host rin

Page 50: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

50

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

ng mga kaibigan at mga kamag-anak ng mga residente ng San Francisco -- halimbawa, mga lolo’t lola na dinadalaw ang mga sanggol na bagong silang at mga taong dinadalaw sa ospital ang kanilang mga mahal sa buhay. Ang aming mga bisita ay nagdaragdag sa ating ekonomiya at pinalalakas ang ating mga kapitbahayan.

Gagawing imposible ng Proposisyon F ang mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa para sa amin. Bukod pa sa mahigpit na pagbawas ng 80% sa aming pag-host kapag kami ay nasa aming mga tahanan, binibigyan ng Prop F ang mga kapitbahay ng pinansyal na insentibo na idemanda ang kahit sino, na sa kanilang palagay, ay nagpapaupa ng pangmaikling-panahon, kahit hindi talaga sila lumalabag sa batas! Hahatiin nitong panukalang-batas ang ating mga kapitbahayan at sisimulan ang kultura ng pagmamanman at pagdidemanda.

Mangyaring Iboto ang HINDI sa Prop. F para patuloy na abot-kaya nating manirahan sa San Francisco.

Salamat

Home Sharers of San FranciscoPeter Kwan, Founder & Executive Director

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Home Sharers of San Francisco.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Ang bagong pinagtibay na “Short-term Residential Rental Law” (Batas ukol sa Pangmaikling-Panahon na Paupahang Pamahayan) ng San Francisco ang nanalo ng Golden Garrotte award para sa kung saan mahusay ang pamahalaan ng lungsod – nag-iimbento ng mga bagong klase ng regulasyon, mga bagong krimen, at mga bagong paraan sa pagkontrol sa atin.

Pinag-iisipan ba ninyong paupahan ang isang kuwarto sa turista? Pinag-iisipan ba ninyo na baka gustong tumira ng inyong mga kamag-anak sa isang bahay sa inyong kapitbahayan kapag dumalaw sila? Pag-isipang muli. Tulad ng Uber at ibang mga alternatibo ng tao-sa-tao, ang pamahalaan ng lungsod ay desididong pigilan ang isang matagumpay na hilig para protektahan ang mga pansariling kapakanan na pang-ekonomiya. Ngunit hindi pinapalitan ng mga paupahan ng tahanan ang mga hotel; binibigyan lang nito ang mga tao ng mga bagong alternatibo.

Ang balotang panukalang-batas na hinarap sa inyo ay isang unti-unting pagkamatay. Ang saligang pangangasiwa ng mga regulasyon, na kasama ang bagong ahensya ng pamahalaan para ipatupad ito, ay nilikha nang palihim noong Mayo ng taong ito. Itong

balotang panukalang-batas ay dadaan sa walang-katapusang mga pagbabago na balak sugpuin ang isang inisyatiba. Binabawasan nito mula 90 sa 75 ang bilang ng mga araw sa bawat taon na pinahihintulutan ang mga paupahan. Dumaragdag ito sa mas maraming pabigat na paghahadlang, kabilang ang pagpaskil ng mga patalastas at laganap na pagpapahatid ng mga sulat sa pamamagitan ng koreo. Pinararami nito ang bilang ng mga tao na makakapagdemanda para ipatupad ang batas para isama ang kahit sinong kapitbahay na nakatira sa loob ng tiyak na distansiya, sa gayon ay lumilikha ng bagong sandata sa mga pag-aaway ng ordinaryong magkakapitbahay.

Itong regulasyon ay kailangang ipawalang-bisa, hindi palawakin.

IBOTO ANG HINDI SA F!

Libertarian Party of San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Libertarian Party of San Francisco.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

HINDI SA PROPOSISYON F

Nagkakamaling hinihiling ng Proposisyon F sa mga taga-San Francisco na pagtibayin sa pamamagitan ng pagboto ang isang komplikadong isyu na sinisikap nang lutasin ng mga opisyal ng lungsod. Sa halip na bigyan ng pagkakataong magkabisa ang mga umiiral na patakaran, mas gusto ng mga tagataguyod nito na lumikha ng isang programang nagtitipon ng data na nakakasira sa kapakanan ng isang malayang lipunan, pag-awayin ang mga magkakapitbahay na isuplong ang isa’t isa, at gawing madaling masaktan ng mga walang-kabuluhang demanda ng mapaghiganting mga kapitbahay ang mga may-ari ng bahay. Bukod pa, hindi tinatalakay ng panukalang-batas ang tunay na mga problema sa mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa, gaya ng mga nangungupahan na nilalabag ang kanilang mga kasunduan ng paupahan o iniiwasan ang mga batas ng lungsod sa pamamahala ng paupahan.

Iboto ang HINDI sa F.

Christine Hughes, ChairwomanSan Francisco Republican Party

Members (Mga Miyembro), 17th AD: Alisa Farenzena, Barry Graynor, Sarah Storelli

Members (Mga Miyembro), 19th AD: John Dennis, Howard Epstein, Terence Faulkner, Hilary Hagenbuch,

Page 51: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

51

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Stephanie Jeong, Johnny Knadler, Thomas Moyer, and Richard Worner.

Alternates (Mga Kahalili): Jamie Fisfis, Kenneth Loo, and Christina Miller

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Republican Party.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan:1. Bill Bowen, 2. David Blumberg, 3. Barry Graynor.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Ang Mga Pulis at mga Bombero ay Nagsasabi ng Hindi sa F

Sa ngalan ng mga kalalakihan at mga kababaihan ng Pulisya at mga Bombero sa San Francisco, ang inyong mga first responder (unang tumutugon) na gumigising bawat umaga para tiyaking ang lahat ay ligtas sa panganib, hinihiling namin sa inyo na iboto ang Hindi sa F nitong Nobyembre.

Ang Prop F ay isang solusyon na naghahanap ng problema. Pagkatapos ng maingat na pinag-isipang pagdedebate at pag-abot sa kompromiso sa batasan nitong nakaraang taon, mayroon nang batas na pinangangasiwaan ang mga pangmaikliang-panahon na pagpapaupa na may mga bagong restriksyon, bagong proseso ng pagpaparehistro at pagpapahintulot at nililimita ang mga host sa mga primaryang tahanan. Bago natin itigil ang lahat ng pagsusuporta, naniniwala kami na dapat bigyan ng pagkakataon itong batas na gawin ang binalik para dito alinsunod sa regulasyon, na hinuhuli rin ang mga lumalabag sa batas.

Hinihikayat ng Prop F ang mas maraming demanda na pinag-aaway ang magkapitbahay sa isa’t isa. Pinahihintulutan ng Prop F na magtestigo ang mga di-kilalang saksi sa mga reklamo ng Lungsod, at inuutos pa nga sa mga taong nagpapaupa ng kuwarto na wala pa sa 30 araw na ireport nang hayagan kung saan sila natulog sa nakaraan.

Malamang na ang pinakamalaking paghamon sa ngayon ay ang pagtalakay sa mataas na halaga ng pamumuhay at ang pagtiyak na ang lahat ay may sapat na abot-kayang pabahay para tirahan, pagtrabahuhan at magpalaki ng pamilya sa isang naiibang Lungsod. Nagkaisa ang San Francisco na protektahan ang mga tao na hindi abot-kaya ang pabahay, kaya para maipagpatuloy nating tanggapin ang mga bagong residente gaya ng lagi nating

ginagawa sa mga kadugtong na pamayanan na kung saan may pagkakataon ang lahat at walang naiiwanan.

Hindi ang Prop F ang solusyon sa ating mga paghamon. Iboto ang Hindi sa F.

San Francisco Police Officers AssociationSan Francisco Firefighters Local 79

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF for Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Sinasabi ng Bay Area Council na Iboto ang Hindi sa F

Ang mga home sharing platform gaya ng pinangangasiwaan ng Airbnb ay mga mabuting halimbawa ng bagong dynamic ng mga modelo ng negosyo na lumitaw nitong nakalipas na mga taon, na hinahamon ang karaniwang mga kinaugalian at mga pamamaraan. Ang mga regulasyon na dinivelop ng maraming dekada para tiyakin ang ligtas, makatwiran at legal na pamamahala ng mga kinaugaliang negosyo ay hindi palaging bumabagay sa mga bagong dating. Nagkakaisa ang lahat ng partido na kinakailangan ang ilang mga regulasyon; kailangang may proteksyon para sa mga consumer, para sa mga may-ari at para sa mga lungsod, ang tanong ay kung paano gagawin sa pinakamabuting paraan.

Naniniwala ang Bay Area Council na sa pamamagitan ng pagbabatas, sa alinman sa naiibang mga lungsod o mga county ng ating rehiyon, na kung saan ang mga panukalang-batas ay sinusuri, pinagtatalunan, at sinususugan nang hayagan, ay ang pinakamahusay na paraan na pangasiwaan ang lahat ng importante at komplikadong mga isyu kabilang itong mga home sharing platform.

Nitong nakaraang taon, pagkatapos ng isang importanteng debate, inaprobahan ng Board of Supervisors ng San Francisco ang mga bagong restriksyon para sa home sharing na pinirmahan para gawing batas ni Mayor Lee. Bago pa tayo nagkaroon ng pagkakataon na tingnan kung naaangkop o hind naaangkop ang mga ito, at kung kinakailang gumawa ng mga pagwawasto, ang mga kalaban ng home sharing ay nagsimulang mangolekta ng mga pirma para sa isang panukalang-batas sa balota na sinulat at hindi hiningi ang opinyon ng madla at hindi na masususugan o mapapabuti para ayusin ang di-sinasadyang mga konsekwensya na hindi muling pagbobotohan ng mga botante

Page 52: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

52

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

G Mga Pahayag Tungkol sa Renewable Energy (Enerhiya mula sa pinanggagalingan na likas na napapalitan)

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon F at G – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Mangyaring Iboto ang HINDI sa F.

Bay Area Council

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF for Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon F

Ginagawang Pampublikong Impormasyon ang Inyong Pribadong Data ng Prop F

Gusto ba ninyong malaman ng mga bureaucrat kung saan kayo natutulog sa gabi?

Inuutos ng Prop. F sa mga taong nagpapaupa ng mga kuwarto sa kanilang mga tahanan na wala pang 30 araw na mag-file ng mga report sa Lungsod tuwing tatlong buwan at isulat ang bilang ng mga gabi na

nasa bahay sila at kung sino pa ang natulog sa kanilang bahay o apartment.

Nakakagambala rin, bilang pangmadlang impormasyon na nasa pamahalaan, itong impormasyon ay nasa ilalim ng mga sunshine ordinance ng California at maaaring makuha ng kahit sino.

Huwag papasukin ang pamahalaan sa ating mga kuwartong-tulugan. 

San Francisco Young Democrats*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SF for Everyone, No on Proposition F.

Ang kaisa-isang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Airbnb.

Walang Sinumite na Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon G

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon G

HINIHIMOK NG SIERRA CLUB ANG HINDI SA PROP G

Itong mapanlinlang na panukalang-batas ay isang atake sa solar power at renewable energy sa San Francisco.

Ang CleanPowerSF ang magiging isa sa pinaka-green na naghahandog ng kuryente sa estado kapag magsimula ito sa susunod na taon, ang mga presyo nito ay tulad sa PG&E o mas mababa pa. Ngunit ang Prop G ay magpapatong sa CleanPowerSF ng hindi kinakailangang mga restriksiyon na hindi ipapatong sa PG&E, na naglilimita sa kakayahan ng CleanPowerSF na magbenta ng solar power. Sa pagtutukoy sa mga teknikalidad, ipinaliliwanag ng Prop G na hindi “renewable” ang rooftop solar.

Ang Prop G ay tutulong na linlangin ng PG&E ang mga energy customer at sabihing ang dirty fossil at nuclear power ay kasing clean at green katulad ng mas renewable na programang CleanPowerSF.

At, sinabi ng SF Public Utilities Commission (Komisyon ng mga Pampublikong Utilidad ng SF) na patataasin ng Prop G ang presyo nang walang pakinabang sa kapaligiran.

Ang Prop G ay hindi tungkol sa “karapatang malaman.” Ito ay tungkol sa pagpapanatili ng monopoly ng PG&E.

Iligtas ang solar power sa San Francisco. Iboto ang hindi sa Prop G.

Sierra Club 

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Sierra Club.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon G

Ang Proposisyon G ay isang pag-sunggab ng kapangyarihan ng PG&E para sirain ang malayang kompetisyon sa pamilihan at protektahan ang monopoly ng mga kita nito sa dirty energy. 

Papayagan ng Proposisyon G ang PG&E na magpanggap na ang mas dirty fossil at nuclear based

Page 53: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

53

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

H Magbigay-kahulugan sa Clean, Green, at Renewable Energy

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon G at H – Mga May Bayad na Pangangatwiran

energy nito ay ‘mas green’ kaysa sa mas clean, renewable, batay sa pamayanan na programa ng CleanPowerSF ng San Francisco. 

Ang CleanPowerSF ay maghahandog ng 33% hanggang 50% renewable na kuryente sa parehong presyo ng PG&E o mas mababa pa (Ang PG&E ay nagbebenta lamang ng 25% renewable na kuryente.) 

Pagbabawalan ng mga restriksiyon ng Proposisyon G ang CleanPowerSF na tawaging clean energy ang rooftop solar!

Para suportahan ang TUNAY na clean energy, iboto ang HINDI sa Proposisyon G! 

San Francisco Green Party (Partidong Green ng San Francisco)San Francisco Latino Democratic Club (Kapisanan ng mga Latinong Demokratiko ng San Francisco)Haight Ashbury Neighborhood Council(Konseho ng Kapitbahayn ng Haight Ashbury)350 San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Sierra Club, Our City San Francisco.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon G

Iboto ang HINDI SA G para sa KAPALIGIRAN!!!

Ang CleanPowerSF ay maghahandog sa mga taga-San Francisco ng tunay na clean, green energy para labanan ang climate change (pagbabago ng klima) at bawasan ang pollution! Huwag paniniwalaan ang pagtatangka ng PG&E na pigilin ito

San Francisco League of Conservation Voters

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco League of Conservation Vote.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon H

SINUSUPORTAHAN NG MGA DEMOCRAT ANG CLEAN, GREEN POWER! 

Ang Prop H ay maglilikha ng mga magagandang lokal na trabaho habang nagtatayo ng bagong, clean energy sa San Francisco.

Iboto ang Oo sa Prop H para sa hinaharap na may clean energy. 

San Francisco Democratic Party (Partidong Demokratiko ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmumulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic County Central Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon H

Tinitiyak ng Prop H na magkapantay ang larangan ng labanan ng PG&E at ng programang CleanPowerSF na batay sa komunidad ng San Francisco. 

Ang Prop H ay ang pinagkasunduang proposisyon para palitan ang Prop G. Ang mga tagataguyod ng Prop G ay kontra na ngayon sa Prop G at sinusuportahan ang Prop H. (Pagbabawalan ng Prop G ang CleanPowerSF na tawaging clean ang rooftop solar!) 

Pinapayagan ng Prop H ang CleanPowerSF na tawagin nang wasto ang rooftop solar na clean energy. 

Ang CleanPowerSF ay maghahandog ng 33% hanggang 50% renewable na kuryente sa parehong presyo ng PG&E o mas mababa pa (Ang PG&E ay nagbebenta lamang ng 25% renewable na kuryente.) 

Para protektahan ang kompetisyon ng tunay na clean energy, Iboto ang Oo sa Prop H! 

San Francisco Green Party (Partidong Green ng San Francisco)San Francisco Latino Democratic Club (Kapisanan ng mga Latinong Demokratiko ng San Francisco)Haight Ashbury Neighborhood Council (Konseho ng Kapitbahayn ng Haight Ashbury)350 San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmumulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Haight Ashbury Neighborhood Council, Our City San Francisco.

Page 54: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

54

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon H – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon H

Sinusuportahan ng International Brotherhood of Electrical Workers (Pandaigdig na Samahan ng mga Lalaking Manggagawa sa mga Trabahong May Kinalaman sa Elektrisidad), Local 1245 ang Prop. H dahil makakatulong na bawasan nito ang paggamit ng huwad na “mga REC” sa supply ng kuryente ng bagong sistema ng electric utility ng Lungsod.

Sa darating na mga ilang buwan, ang mga taga-San Francisco ay kusang irerehistro sa isang bagong sistema (nang walang pahintulot nila). Bagamat pwede ninyong “piliin na hindi sumali,” ang katotohanan na pinili ng mga politiko na pilitin kayong irehistro sa kanilang bagong sistema ay katwiran na lalong importante na panagutin sila.

Nitong nakaraang mga taon, ang mga politiko ng San Francisco at ang San Francisco Public Utilities Commission (Komisyon ng mga Pampublikong Utilidad ng San Francisco), na mamamahala sa bagong sistema, ay nagtangkang makipag-areglo sa mga polluter na gaya ng Shell Oil na bumili ng kuryente. Balak nilang tawaging “green” ang dirty power sa pamamagitan ng pagbili ng mga credit na walang-halaga. 

Tutulong ang Prop. H na ihinto ang panlilinlang na iyon. Malinaw na sinasabi na problema itong mga credit at ipinagkakatiwala sa Lungsod na limitahan ang mga ito.

Ang aming unyon ang unang nagmungkahi at nagsulat ng Prop G, na inilagay sa balota na may suporta ng higit sa 17,000 taga-San Francisco. Nag-aalala kami na ang plano ng San Francisco na bumili ng power mula sa maruruming pinagkukunan ay makakasira sa mga trabahong middle class at makakapinsala sa ating kapaligiran.

Pagkatapos na napagtibay ito, nakipagkasundo kami sa isang pakikipagkompromiso, na nasa balota bilang Prop H. Sinusuportahan ng IBEW ang Prop H.

Patuloy naming sinisikap na panagutin ang mga politiko sa katotohanan kaya hinihimok namin kayo na iboto ang OO sa H. 

Ito ding mga politiko na sumusuporta sa isang bagong plano ng kuryenteng pamamahalaan ng Lungsod, katatapos lamang baguhin ang batas ng San Francisco para payagan silang iwasan ang mga saligang mabubuting pangangalaga ng pamahalaan. Pinalibre nila ang mga power contract ng SFPUC sa pag-bid na maaaring makipaligsahan, sa pagkuha ng lokal na mga trabahador at iba pang mga importanteng patakaran na sumusuporta sa lokal na ekonomiya ng lungsod

Tingnan ang Visit www.StoptheShellShock.com para sa patuloy na balita tungkol sa plano ng Lungsod na kusang pagrerehistro sa inyo sa bagong programa ng energy nang walang pahintulot ninyo.

Mangyaring Iboto ang OO sa Prop H. Huwag payagan ang San Francisco na tawaging “green” ang dirty brown power sa pamamagitan ng pagbili ng mga credit na walang-halaga

Sinulat ng Truth In Energy, Yes on H.

Ang tunay na (mga) pinagmumulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Truth in Energy, Yes on H.

Ang tanging nagbigay ng kontribusyon sa komite na tuman-ggap ng tunay na pinagmumulan: IBEW Local 1245.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon H

Walang Sinumite na Mga Pangangatwirang Bayad na KONTRA sa Proposisyon H

Page 55: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

55

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Oo sa I ang Sinasabi ng mga Tagataguyod ng mga Karapatan ng mga Nangungupahan

Dose-dosenang mga nangungupahan ang pumupunta sa aming mga opisina araw-araw, na nag-aalala na baka paalisin sila sa kanilang tinitirahan at natatakot na mapipilitan silang umalis sa Lungsod. Lalong kapansin-pansin ito sa Mission District na kung saan mabilis na pinaaalis ng luxury development ang matagal nang mga residente at mga negosyo.

Nakikita natin ang mga apartment na may dalawang kuwartong-tulugan sa gitna ng Mission na pinauupahan ng $6,000 hanggang $9,800 bawat buwan, at mga condo na may dalawang kuwartong-tulugan na binebenta ng $1,500,000 hanggang $2,500.000. Ginagatungan nitong pabahay na luxury ang speculation at nagsasanhi ng mga panggigipit sa pagpapaalis na nakikita natin sa Mission.

Kailangan nating mag Pause for a Plan (Huminto nang Sandali para Magplano) at gawing abot-kaya muli ang Mission. 

Iboto ang oo sa Proposisyon I

San Francisco Tenants UnionCausa Justa:Just CauseHousing Rights Committee of San FranciscoCommunity Tenants AssociationAIDS Housing Alliance

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes to Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinusuportahan ng mga Manggagawa ang Proposisyon I

Sinusuportahan ng mga pamilyang nagtatrabaho ang Proposisyon I. Magpatayo tayo ng pabahay na abot-kaya namin.

Jobs With Justice San Francisco

ISan Francisco Labor CouncilUnite Here Local 2United Educators of San FranciscoSEIU Local 1021Teamsters local 856SEIU United Service Workers West

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinasabi ng mga kapitbahayan sa San Francisco na “Tulungan kami at suportahan ang Prop I!”

Ang bukod-tanging kultura ng Mission ay nasasapanganib ng hindi makontrol na development na nagpaalis sa malaking bahagi ng populasyon ng Latino, pinalabas ang middle class at ginawang mga tech office at mga pampribadong lugar ng shopping ang mga artist studio at mga maliit na negosyo.

Huminto tayo nang sandali nang 18 buwan, maliban para magpatayo ng pabahay na 100% abot-kaya para sa mga taga-San Francisco na nasa mababa at kalagitnaan ang kita. Tapos mag-develop ng isang Neighborhood Stabilization Plan (Plano sa Pagpapatibay ng Kapitbahayan)!

Ang San Francisco ay isang lungsod ng mga kapitbahayan. Ang bawat isa ay may karapatang panatilihin ang bukod-tanging pamana nito at magkaroon ng tunay na input at impluwensya sa kung ano at para kanino ang itatayo.

Kung mawala ang katangi-tanging SF Mission District, malamang na ang ibang mga kapitbahayan ang sunod na target ng mga impluwensya ng pangangailangan at supply.

Makiisa sa Mission para mas kaunti ang posibilidad na isasapanganib ang ating mga pamayanan ng mga developer, mga realtor, mga pulitiko, at ng SF Planning Department sa pag-drawing ng mga blueprint para burahin tayo.

Iboto ang OO sa Prop I!

Pagsuspinde ng Market-Rate Development (Pagpapaayos o Pagpapatayo ng mga Gusali na Pauupahan sa Umiiral na Presyo) sa Mission District

Page 56: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

56

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Coalition for San Francisco NeighborhoodsSunset Parkside Education and Action Committee (SPEAK)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Coalition For San Francisco Neighborhoods, Yes on Prop I.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinusuportahan ng mga Supervisor ng San Francisco ang Proposisyon I

Ang pagpapatayo ng pabahay na hindi abot-kaya ng karamihan sa atin ay hindi lulutas sa krisis ng pabahay. 90% ng tinayong pabahay sa Mission ay hindi abot-kaya ng karamihan sa mga taga-San Francisco. Kailangan nating pansamantalang pagdadahan-dahanin ang pagpapatayo ng mga luxury unit at magpatayo ng klase ng pabahay na abot-kaya ng karamihan ng mga taga-San Francisco. 

Iboto ang Oo sa Proposisyon I

Supervisor David CamposSupervisor Eric MarSupervisor John AvalosSupervisor Jane KimSupervisor Norman Yee

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Ang mga matagal nang nangungupahan sa Mission District ay pinaaalis mula dito sa kapitbahayan na may maraming sasakyang pampubliko at malalakad – at mula sa San Francisco - ng mga realtor, mga developer at mga speculator. Ang ating mga pampublikong transportasyon at mga highway ay punong-puno ng mga commuter na mababa- hanggang sa nasa kalagitnaan ang kita na naglalakbay ng napakahabang mga distansiya para makarating sa kanilang mga trabaho sa San Francisco dahil hindi nila abot-kaya ang tumira dito. Hindi ito sustainable.

Ang Mission District ang pinakapopular na lugar sa Bay Area para sa development ng mga pabahay na luxury at ipinagbibili sa umiiral na presyo. Mga ilang parcel na lang na hindi pa nadedevelop ang nananatili. Ang mga residente ng Mission District ay humihiling

ng 18 buwang pansamantalang pagtigil sa pagbibigay ng permit para sa pabahay na luxury sa kanilang kapitbahayan. Bigyan ang pamayanan ng panahon na gumawa ng plano para sa mga natitirang parcel at lumikha ng isang pamayanan na sustainable at binubuo ng mga taong mula sa iba’t ibang level ng ekonomiya at lipunan.

Mangyaring makiisa sa amin sa pagboto na iligtas at tulungan ang isang pamayanang pangkapaligiran ng mga taong magkakaiba. Mahal namin ang Mission. Oo sa I.

Sierra ClubSan Francisco TomorrowSan Francisco Green Party

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Sierra Club.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

SINUSUPORTAHAN NG MGA DEVELOPER NG ABOT-KAYANG PABAHAY ANG PROP I

Inaprobahan ng maraming botante nitong nakaraang taon ang Housing Balance mandate (utos sa Pagbalanse ng Pabahay) para magpatayo ng hindi bababa sa 50% pabahay na abot-kaya ng mula sa mababa hanggang sa nasa kalagitnaan ang kita na mga taga-San Francisco. Ang development ng pinagbibili sa umiiral na presyo ay abot-kaya lamang ng 10% ng mga taga-San Francisco subalit ito ang karamihan ng tinatayong pabahay. Ang Mission ang masdyadong naapektuhan.

Sinusuportahan namin ang isang Pause for a Plan (Huminto nang Sandali para Magplano) na pinahihintulutan ang Lungsod at ang pamayanan ng pagkakataong mag-develop ng Balanse sa Pabahay na naghahandog ng pabahay para sa lahat.  

Council of Community Housing Organizations

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco informa-tion clearing house.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Iboto ang Prop I ang Sinasabi ng mga Lider ng San Francisco

Page 57: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

57

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Sa nakalipas na dekada, nakita natin ang mabilis na pagdami ng pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo/luxury sa lahat ng dako ng San Francisco na naglilikha ng kawalan ng balanse sa pabahay na abot-kaya natin at sa pabahay na hindi natin abot-kaya. Ang Mission ang pinakanaapektuhan nito.

Tutulong ang Prop I na papanatilihin ang kapitbahayan na nawalan ng 8,000 Latino sa sa mga ilang taon lamang at tutulungan ang Lungsod na ibalanse ang luxury development sa pabahay na abot-kaya ng mga guro, mga nagtatrabaho sa pamahalaan, mga kusinero, at mga manggagawa.

Oo sa Prop I para sa isang Lungsod na matitirahan nating lahat.

Gordon Mar, Jobs with Justice*Tom AmmianoLouise RenneDavid TalbotJane MorrisonDouglas EngmanSue HesterCalvin Welch

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumipirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinasalakay ang Mission

Marami sa atin ay naninirahan o nagtatrabaho sa Mission nang maraming dekada na, ang mga ilan ay maraming henerasyon na. Natatakot tayong mawala sa atin ang ating kapitbahayan at itong bukod-tanging katangian. Higit sa 8,000 Latino ang napaalis na dito nitong nakaraang labinlimang taon at magpapatuloy itong pagpapaalis hanggat walang ginagawa.  

Tutulong ang Proposisyon I na itakda sa ibang direksiyon ang ating hinaharap sa pagpapaliban sa luxury development na sumira sa ating kapitbahayan at sa pagpapahintulot na sumali ang pamayanan sa proseso ng pagpaplano na magtatakda sa atin sa mas mabuting direksiyon.

Iboto ang Oo sa Proposisyon I.

Mission Economic Development AgencyMission Neighborhood CentersJamestown Community CenterPODER, Oscar GrandeMission Peace CollaborativeRita AlviarOur Mission No Eviction, Roberto HernandezBrava! For Women in the Arts; Anastacia Powers CuellarSan Francisco Latino Democratic Club, Gabriel MedinaChicano Latino Caucus, California Democratic Party Gladys Soto

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Oo sa Prop I Ang Sinasabi ng LGBT Community

Bilang mga mamamayan at mga organisasyong LGBT, sinusuportahan namin ang Prop I. Importante sa LGBT community itong pansamantalang paghinto ng luxury development sa Mission dahil alam namin na kapag mawalan ng pabahay ang mga uring manggagawa, gayon din ang mga LGBT. Sa kabila ng pag-asenso ng mga ilan sa aming komunidad, ang mga LGBT ay madali pa ring mapaalis. Hinihiling lamang ng Prop I ang pansamantalang paghinto ng luxury development at inuutos sa lungsod na makipagtulungan sa mga miyembro ng pamayanan na magdevelop ng isang plano ng pagpapatibay para sa kapitbahayan na inuuna ang pagiging abot-kaya, pagkakaiba, at ang pamayanan.

Taos-puso naming sinusuportahan ang Prop I.

Harvey Milk LGBT Democratic ClubTom AmmianoTom Temprano, Immediate Past President, Harvey Milk LGBT Democratic Club*Cleve JonesE. Lito Sandoval, V.P. of Communications, SF Latino Democratic Club*TAJA’s CoalitionStephany Ashley, Past President, Harvey Milk LGBT Democratic Club*AIDS Housing Alliance SF, Brian Bassinger

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumipirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Page 58: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

58

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinasabi ng mga Guro na Pause for a Plan (Huminto nang Sandali para Magplano) at Iboto ang Oo sa I

Bilang mga guro, nakita naming tinataboy ng pabahay na luxury ang maraming pamilya sa kanilang mga tahanan at palabas ng Lungsod. Ang isa sa bawat 25 estudyante sa San Francisco ay walang tirahan habang ang iba naman ay nakatira sa mga nagsisiksikang lugar.

Ang isang mapananatiling pangmatagalang solusyon ay nangangailangan ng maikling paghinto sa luxury development para makapagpatayo tayo ng pabahay na abot-kaya ng karamihan sa atin.

Iboto Ang Oo Sa Prop I.

Ken Tray, United Educators of San Francisco*Rafael Mandelman, Pres. City College Board of Trustees*John Rizzo, City College Board of TrusteesBrigitte Davila, City College Board of TrusteesNancy Obregon, Teacher

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumipirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinusuportahan ng mga Senior at ng mga May Kapansanan ang Proposisyon I

Habang ang ating Lungsod ay naghahandog ng maraming pabahay para sa mga taong kumikita nang higit pa sa karaniwang kinikita, ang karamihan sa amin ay nahihirapang makahanap at manatili sa pabahay na abot-kaya namin. Ang mga senior at ang mga may kapansanan ay lalong naaapektuhan ng sobrang

pagpapatayo ng pabahay na luxury at ang kakulangan sa pagpapatayo ng abot-kayang pabahay. 

Oras na para magbago. Tayo’y mag Pause for a Plan (Huminto nang Sandali para Magplano) at magpatayo ng pabahay na abot-kaya nating lahat.

Iboto ang Oo sa Proposisyon I

Senior Disability ActionGray Panthers of San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinusuportahan ng Filipino Community ang Prop I.

Alam na alam ng Filipino community ang mga epekto ng pagpapaalis at gentrification. Mula sa real estate development na naghikayat sa pagbuwag ng Manilatown, hanggang sa mga pagpapaalis sa SOMA ng mga pamilyang Filipino, nakita namin ang mga panganib sa kayarian ng aming komunidad. Ang di-mapigilang development ay nagresulta sa kakulangan ng abot-kayang pabahay at ang pag-alis ng libu-libong pamilyang Latino sa Mission. Pahihintulutan ng Prop I ang pamayanan na magdevelop ng isang masaklaw na plano para sa pag-unlad na magkakaloob ng pagbabalanse ng mga development na abot-kaya at na ipinagbibili sa umiiral na presyo.

Iboto ang oo sa I.

South of Market Community Action NetworkManilatown Heritage Foundation

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinusuportahan ng mga Artist ang Proposisyon I

Ang mga artist ng Pacific Felt Factory ay lubos na nag-aalaala sa kawalan ng studio, pagtatanghal, workshop,

Page 59: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

59

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

mga espasyo ng gallery at mga lugar na pangkultura sa Mission District dahil sa hindi mapiligang development.

May pagkakataon tayo na balansehin ang pagpapanatili ng mga Sining sa pamamagitan ng pagplano ng development na binibigyang-lugar ang pag-unlad ng mga bagong pamahayan.

Kailangan nating pagtibayin kaagad ang Proposisyon I bago mawala sa San Francisco ang pagiging iba’t iba ng mga residente at ang mayamang kultura.

Protektahan ang Sining sa San Francisco. Oo sa Proposisyon I! Papanatilihin ang Mission! Iligtas ang Lungsod!

www.pacificfeltfactory.com

Pacific Felt Factory

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Personal na pera ni Linda Kahn.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Oras na para kontrolin ng bawat isa sa mga kapitbahayan sa San Francisco ang kanilang mga hinaharap. Ang Proposisyon I ang unang hakbang sa pagpapanatili sa Mission District na isang tumataginting na sentro ng sining at kultura.

Sa kasalukuyan, ang mga malaking developer ang may kontrol, na tinataboy ang kultura ng ating lungsod na tanyag sa buong daigdig kasama ang maraming matagal nang mga residente. Kailangan pa nga natin ng pabahay, ngunit pabahay na sumasapat sa mga kinakailangan ng ating populasyon ng mga taong mula sa iba’t ibang kultura, at lalo na ang mga pinakanaapektuhan ng krisis ng pagpapaalis sa inuupahan.

Tinitiyak ng Proposition I na mas maraming sinasama ang development sa pamamagitan ng pag-utos sa mga lider ng Lungsod at mga developer na nagkakaisa ang mga taga-San Francisco sa pagsuporta sa mga tao sa halip ng mga mapagkakakitaan, at sa pagprotekta sa sining at kultura bilang kayamanan para sa lahat.

Huwag magmadaling magpatayo na walang pagplano na pamamahalaan-ng-pamayanan!

Walang pagpapaalis nang walang kapalit!

Hayaan ang Mission na manatiling ang Mission!

Cultural Action Network (CAN) www.cansf.org

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Cultural Action Network funds.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinusuportahan ng mga Maliit na Negosyo sa Mission ang Proposisyon I

Ang pabahay na luxury sa Mission ang nagpataas ng mga renta, nagsanhi ng mga pagpapaalis, at sumira sa maraming maliliit na negosyo na maraming dekadang nagsilbi sa pamahayang ito. Nabawasan ang aming mga customer nang halos kalahati, at kung magpapatuloy ito, ganap na magbabagung-anyo ang aming kapitbahayan. 

Kailangan nating Huminto nang Sandali para bawasan ang tindi, at ng isang Plano na magpapanatili sa ating mga residente at mga negosyo at magpatayo ng pabahay na abot-kaya nating lahat. Ang Proposisyon I ay tutulong na iligtas ang mga residente at mga negosyo sa Mission.

Iboto ang Oo sa Prop I

Calle 24 Latino Cultural DistrictHispanic Chamber of Commerce of San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

Sinusuportahan ang Prop. I ng mga Tagataguyod ng mga Nangungupahan Para sa Aksiyon ng Batasan.

Kami ay mga abogado na, sa araw-araw, ay kumakatawan sa mga nangungupahan na hinaharap ang pagpapaalis. Nasasaksihan namin ngayon ang mabilis na pagtaas ng mga renta at speculative pressures na nililikha ng sobrang daming itinatayong mga bagong pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo/luxury. Itong pagtaas ang dahilan kung bakit ginagawa ng mga landlord ang anumang sa palagay nila ay magagawa nila para makakuha ng mas mataas na renta sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga nangungupahan na kontrolado ang kanilang renta.

Linalabanan ng mga landlord at ng mga realtor itong panukalang-batas dahil umuobra para sa kanila ang kasalukuyang sitwasyon. Sinasabi nila na patataasin

Page 60: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

60

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

ng Proposisyon I ang mga renta, ngunit kung talagang akala nila na tataas ang mga renta dahil sa Proposisyon I, susuportahan ba nila ito? 

Huwag paniwalaan ang mga kasinungalingan. Iboto ang Oo sa I.

Tenant Advocates for Legislative Action

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Committee to Save the Mission, Yes on Prop. I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Yerba Buena Consortium, 2. Mission Economic Development Association, 3. Mission Neighborhood Centers.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon I

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

KAILANGAN NG SAN FRANCISCO ANG PAMAHAYAN - HINDI SA I 

Ang paghinto sa pagpapatayo ng pabahay sa Mission ay walang ginagawa para sa pagligtas o pagpapatayo ng abot-kayang pabahay. Kabaliktaran pa nga ang ginagawa nito. 

Ang pagpapatayo ng pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo ay naglilikha ng abot-kayang pabahay sa pamamagitan ng mga bayad ng developer sa Office of Housing (Opisina para sa Pabahay) ng Lungsod. Kailangang kasama sa bagong pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo ang mga abot-kayang unit sa mismong puwesto o sa ibang puwesto. Kaya sa oras na huminto ang pagpapatayo ng pabahay, kahit pansamantala, hihinto rin ang pagpapatayo ng mga abot-kayang pabahay.

Ihihinto ng moratorium ang LAHAT ng bagong pagpapatayo ng pabahay sa Mission habang dinaragdagan ang umiiral na mga gastos ng pabahay, na ginagawang lalong pang hindi abot-kaya ang mga presyo ng bahay.

ILIGTAS ANG ABOT-KAYANG PABAHAY! IBOTO ANG HINDI SA PROP I! 

Ang San Francisco Chamber of Commerce at ang aming 1,500 lokal na negosyo.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Chamber of Commerce.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

LABANAN ang Moratorium sa Mission

Ang Mission District sa San Francisco ay dumaranas ng krisis sa abot-kayang pabahay na inaalala ng maraming residente. Gayunman, napakaimpotante na sa ating pagsisikap na ayusin ang problema, ay HINDI natin pinalalala ang problema

Maaaring mabuti ang hangarin ng mga sumusuporta sa Proposisyon I, ang Moratorium sa Pabahay, ngunit naliligaw ng landas, dahil ang mungkahi ay lumalabag sa modern economics at sa sentido comon. Ang paghinto ng pagpapatayo ng bagong pabahay ay magreresulta lamang sa mas lalong pagdagdag sa mga gastos sa pabahay at palulubhain ang mga pagpapaalis ng mga tao.

Oo nga, kailangan nating magpatayo ng higit pang abot-kayang pabahay, lalo na sa Mission, para sa lahat ng pamantayan ng kita. Gayunman, ang San Francisco gaya ng maraming ibang lungsod sa US ay hinaharap ang bumababang mga pondo para sa abot-kayang pabahay mula sa mga pamahalaang pederal at estado. Ang bagong pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo ay isang malaking pinagmumulan ng pondo para sa abot-kayang pabahay na pinopondohan ng lungsod. Sa katunayan, ang Inclusionary Housing Requirement (Kautusan sa Pagsasama ng Pabahay) ng lungsod, na inuutos sa mga developer ng pabahay na magbayad ng Affordable Housing Fee (Bayad para sa Abot-kayang Pabahay) sa lungsod, ay ang pinakamalaking nag-iisang pinagmumulan ng pondo na magagamit sa Mayor’s Office of Housing and Community Development (Tanggapan ng Alkalde para sa Pagpapaunlad ng Pabahay at ng Pamayanan), ang ahensya ng lungsod na ang tungkulin ay pondohan ang bagong abot-kayang pabahay.

Ihihinto ng Prop I ang pagpapatayo ng humigit-kumulang na 1,500 bagong bahay, pati ang daan-daang permanenteng abot-kayang bahay. Batay sa isang kamakailan lamang na pagsusuri ng pinondohan ng lungsod na mga development sa pabahay, gagastos ang mga nagbabayad ng buwis sa San Francisco ng halos $1 bilyon para ipatayo itong lahat ng unit bilang abot-kayang pabahay. Sinasapanganib ng Prop I ang isang mahalagang pinagmumulan ng pondo para sa mga abot-kayang pabahay na proyekto ng lungsod, karagdagan sa paglimita ng magagamit na mga bagong bahay.

Habang patuloy na dumarami ang mga residente ng San Francisco sa higit sa 10,000 residente bawat taon, kailangan tayong maghanap ng mga tunay na solusyon para sa mga paghamon sa pabahay na

Page 61: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

61

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

hinaharap ng lungsod. Hindi ang Prop I, na maglilimita sa pagpondo para sa abot-kayang pabahay at sa supply ng bagong pabahay, ang solusyong iyon.

Iboto ang HINDI sa Prop I, HINDI sa moratorium sa pabahay!

San Francisco Housing Action Coalition

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Housing Action Coalition.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Ang solusyon sa kakulangan ng pabahay ay higit pang pabahay -hindi 1,500 mas kaunting mga bahay, na ang talagang mangyayari kung masusunod ang tinatawag na “di-pinagkakakitaang” mga developer ng pabahay na tumatangkilik sa Prop I.

Ihihinto ng Mission Moratorium ang pagpapatayo ng naaprobahan nang pabahay na ipagbibili sa umiiral na presyo, at ihihinto rin ang pagpapatayo ng daan-daang unit ng abot-kayang pabahay.

Sinasabi ng mga tagataguyod ng Prop I na dapat maging abot-kaya ang lahat ng bagong pabahay, ngunit nakaligtaan nilang banggitin kung sino ang magbabayad para sa abot-kayang mga pabahay na ito.

Kung maaprobahan ang Prop I, ang mga nagbabayad ng buwis ang masasabit na palitan ang abot-kayang pabahay na hahadlangan nito, at ang makikinabang ay ang mga grupong “di-pinagkakakitaan” na magtatayo ng mga ito. Ang “abot-kayang” mga unit na tinayo nitong mga grupo sa pabahay ay nagkakahalaga ng higit sa $800,000 bawat unit para ipatayo. Nangangahulugang ang pagpalit lamang sa nawalang pabahay, kung maaprobahan ang Prop I, ay maaaring magkagastos ang mga nagbabayad ng buwis ng higit sa $1 bilyon.

Sa ngayon, ang mga developer ng pabahay ay inuutusang magtayo ng abot-kayang pabahay kapag nagtatayo sila ng pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo. Sa paghinto sa pagtatayo ng pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo, pinuputol natin ang ating pangunahing pinagkukunan ng abot-kayang pabahay at pinipilit ang mga nagbabayad ng buwis na bayaran ito.

Ang pagtigil sa pagtatayo ng pabahay sa kalagitnaan ng kakulangan ng pabahay ay hindi natin kailangan sa ngayon. Ang mga taga-San Francisco ay nararapat sa tunay na mga solusyon sa mga paghamon sa pabahay sa lungsod --hindi ang wala sa ayos na isinaisip na mga panukalang-batas gaya ng Prop I.

Iboto ang HINDI sa Prop I.

Professional Property Management Association of San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Professional Property Management Association of San Francisco.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Habang sinasabi ng mga tagataguyod ng Prop I na gusto nilang magbigay ng abot-kayang pabahay, ihihinto lamang ng panukalang-batas ang pagpapatayo ng mga bagong bahay --halos 1,500 unit ng pabahay, pati ang daan-daang abot-kayang mga unit ng pabahay. Kailangan ng mga taga-San Francisco ang higit pang pabahay, hindi mas kaunti.

Hindi lamang ihihinto ng Prop I ang pagdevelop ng bagong pabahay, lubhang lilimitahan nito ang pagpondo sa mga proyekto ng lungsod para sa mga bagong abot-kayang pabahay. Ang mga developer ay inuutusang isama ang abot-kayang mga unit sa kanilang mga proyekto o mag-ambag sa mga proyekto ng lungsod para sa abot-kayang pabahay. Kapag walang bagong konstruksyon, ang lungsod ay mawawalan ng kailangang-kailangang kita at suporta para dito sa mga bagong abot-kayang bahay.

Batay sa pinondohan ng lungsod na proyekto ng mga abot-kayang pabahay sa kamakailan lamang, kung papalitan ng lungsod ang abot-kayang pabahay na nawala alinsunod sa Prop. I, ito ay magkakahalaga ng higit sa $800,000 bawat unit. Nangangahulugang ang pagkawala lamang ng pabahay kung maaaprobahan ang Prop I, ay maaaring magkagastos ng higit sa $1 bilyon ang mga nagbabayad ng buwis.

Karagdagan sa paghinto sa pagpapatayo ng parehong pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo at abot-kaya, pipigilan rin ng Prop. I ang mga major na pagkukumpuni kung sakaling magkasunog.

Hindi sa Prop I. Ang mga taga-San Francisco ay nararapat sa mga tunay na solusyon sa ating mga paghamon sa pabahay.

San Francisco Apartment Association

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Apartment Association PAC.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. West Coast Property Management, 2. Essex Property Trust, 3. Malta and Company Inc.

Page 62: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

62

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Nakatira ako sa Mission nang maraming taon na --itong kapitbahayan, na binubuo ng pambihirang mga taong mula sa iba’t ibang kultura, ang aking tahanan.

Ang pagkakaintindi namin ay mas maraming tao ang gustong tumira sa San Francisco. Gusto lamang naming masigurado na sila ay may mga matitirahan din. Kaya mahigpit akong laban sa Prop. I.

Para panatilihing magkakaiba ang mga residente sa ating mga kapitbahayan, kailangan natin ng higit pang pabahay sa San Francisco, hindi mas kaunti.

Ngunit ihihinto ng Prop I ang konstruksyon ng 1,500 bagong bahay, kabilang ang daan-daang abot-kayang mga unit. Mas lalong palulubhain ang problema ng pagpapaalis ng mga residente.

Humingi tayo ng makahulugang patakaran sa pabahay sa San Francisco, hindi ang wala sa ayos na isinaisip na mga panukalang-batas gaya ng Prop I.

Iboto ang HINDI sa Prop I.

Marina Franco, matagal nang residente ng Mission District

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Apartment Association PAC.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. West Coast Property Management, 2. Essex Property Trust, 3. Malta and Company Inc.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Ako ay ipinanganak at lumaki sa San Francisco. Pinakikiusapan ko kayong labanan ang Prop I.

Marami tayong paghamon sa pagiging abot-kaya, ngunit ang moratorium sa pabahay ay walang gagawin kundi palulubhain ang problema. Hindi ihihinto ng moratorium ang mga pagpapaalis o lilikha ito ng anumang abot-kayang pabahay. Alam natin na sa dakong huli, pinalulubha nito ang tindi sa isang limitadong supply.

Iboto ang Hindi sa moratorium na ito. Sa halip, magtulungan tayong magkasundo sa ating mga hangarin, malinaw na unawain ang kasalukuyang sitwasyon, at simulan ang tunay na mga solusyon. Magkasama nating matatagpuan ang ating pinagkakaisahan at makatwirang landas pasulong para sa kabutihan ng lahat ng mga taga-San Francisco sa kasalukuyan at sa hinaharap.

Mangyaring iboto ang HINDI sa Prop I.

Bruce Agid, Matagal nang Residente ng San Francisco

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on I, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI, Inc. Coin Libraries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Huwag isara ang pinto sa mga oportunidad para sa mga taga-San Francisco – Iboto ang HINDI sa Prop I 

Ang aking unang apartment sa San Francisco ay sa Mission noong 1976. Mura lang ang mga renta noon at ang mga kabataan na kaunti lamang ang kita ay nakahanap ng mga tirahan sa mataginting na kapitbahayang iyon. Sa ngayon, ang Mission ang isa sa pinakamataas na renta sa bansa at hindi kayang tumira doon ng maraming kabataang taga-San Francisco. Ang moratorium sa pagpapatayo ng bahay ay magpapalubha sa sitwasyon. Importante na malugod na tinatanggap ang mga taong lumilipat sa ating bantog na lungsod at magkaroon ng parehong oportunidad na natanggap ko. Kailangan nating magpatayo ng pabahay para sa lahat ng pamantayan ng kita at hindi IHINTO ang konstruksyon ng mga bahay.

Ann Belden, Matagal nang Residente ng San Francisco at may-ari ng maliit na negosyo*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumipirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI Inc. Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Kailangan ng mga taga-San Francisco ang higit pang pabahay—hindi ang moratorium sa bagong pabahay.

Ihihinto ng Prop I ang paglikha ng 1,495 bagong pabahay at daan-daang abot-kayang unit ng pabahay. Kailangan nating magpatayo nitong mga bagong bahay, para sa ang ating mga nurse, mga librarian,

Page 63: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

63

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

mga nagtatrabaho sa konstruksyon, mga bombero, mga guro at marami pang iba ay patuloy na matatawag na tahanan ang San Francisco. Iboto ang Hindi sa Prop I.

Ang Prop I ay mangangahulugang mas kaunting trabaho na mataas ang kita, mas kaunting kita sa buwis na susuporta sa mas mabuting lungsod, at mas kaunting abot-kayang bahay.

At ang lalong masama ay kung hindi tayo magpapatayo ng mga bagong bahay, ang mga matagal nang residente at mga bagong residente ay makikipagkumpitensya sa isa’t isa para sa kakaunting makukuha, abot-kayang mga bahay, na magpapataas sa mga presyo at lalong magpapasama sa mga problema ng pagpapaalis para sa mga pamilya sa lahat ng dako ng lungsod na mababa-ang-kita o middle-income.

Iboto ang Hindi sa Prop I.

Vince Courtney Sr.Miyembro ng Unyon, Laborers’ Local 261*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumipirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.v

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI Inc. Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Ang hindi natin kailangan ay ang moratorium sa bagong pabahay—pati ang kailangang-kailangang mga bagong abot-kayang pabahay. Mangyaring makiisa sa amin sa pagboto ng HINDI sa I!

Umuunlad ang San Francisco. At kung hindi tayo magpapatayo ng mga bagong bahay para sa mga taong lumilipat dito, papalitan ng mga bagong residente ang mga kasalukuyang residente. Ang Prop I ay nangangahulugang mas maraming pagpapaalis. HINDI sa I.

Kailangan natin ng higit pang pabahay, hindi mas kaunti, para dito sa mga bagong residente. Ngunit ihihinto ng Prop I ang development ng 1,495 unit at daan-daang abot-kayang unit ng pabahay. Si Ted Egan, ang chief economist ng lungsod ay humiling ng 100,000 bagong unit para masapatan ang kasalukuyang pangangailangan at tulungang patatagin

ang mga presyo. Dapat tayong makipagtulungan para ipatayo itong mga bagong bahay, hindi hadlangan ang development ng mga bagong bahay, para ang ating mga guro, mga nagtatrabaho sa konstruksyon, mga bombero at mga iba pa, ay patuloy na matatawag na tahanan ang San Francisco.

Ang Prop I ay hindi ang solusyon sa mga paghamon sa pabahay sa San Francisco. Ipinapangako ng Prop I na gagawin lamang na mas mahirap at mas mahal ang tumira sa San Francisco. Iboto ang HINDI sa Prop I.

UA Local 38, Plumbers and Pipefitters

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on I, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI, Inc. Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Mangyaring makiisa sa San Francisco Young Democrats sa pagboto ng HINDI sa I.

Kailangan natin ng higit pang abot-kayang pabahay. At ang Prop I ay hindi magpapatayo ng isang solong unit ng abot-kayang pabahay.

Ihihinto ng Prop I, ang Moratorium sa Pabahay, ang konstruksyon ng halos 1,500 bahay—pati ang daan-daang unit na abot-kaya. Kung walang bagong pabahay, ang mga taong lumilipat sa San Francisco ay makikipag-agawan para sa iilang matitirahang bahay—na magpapataas sa mga presyo, daragdagan ang mga pagpapaalis at gagawing lalong malubha para sa buong lungsod ang problema ng pagpapaalis.

Ang San Francisco ay lugar ng oportunidad. Kailangan nating magpatayo ng bagong pabahay para sa lahat ng pamantayan ng kita—ang Prop I, isang panukalang-batas na minadali sa balota, ay palulubhain lamang ang problema.

Ang Prop I ay hindi ang tunay na solusyon. Iboto ang HINDI sa Prop I.

San Francisco Young Democrats

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI, Inc., Coin Laundries.

Page 64: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

64

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Hindi sa I—Gagawin nitong mas mahal AT mas mapanganib ang lungsod.

Tatanggalin kaagad ng Prop I ang halos 1,500 bagong bahay na kailangan natin para sa mga importanteng manggagawa gaya ng mga pulis, mga bombero, mga guro, mga nurse at marami pang iba.

Tatanggalin nito ang mga bagong pondo na lilikha nitong mga bagong bahay—mga pondo na sumusuporta sa pulisya, bombero, mga paaralan, sa kalusugan, mga park at mga iba pang serbisyo.

Ang hindi alam ng maraming tao ay hahadlangan nito ang rehabilitasyon ng nasira at inabandonang mga gusali sa Mission, na alam ng aming mga miyembro na mga pang-akit sa krimen.

Mangyaring makiisa sa San Francisco Police Officers Association sa pagboto ng HINDI sa I.

SF Police Officers Association

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI, Inc. Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Kailangan natin ng higit pang mga pabahay para sa middle class.

Kailangan natin ng higit pang mga trabaho para sa middle class.

Ang hindi natin kailangan ay ang naliligaw ng landas na Prop I, na mangangahulugang mas kaunting abot-kayang pabahay at lalong kaunting mga trabaho na mataas ang sahod para sa mga manggagawang hindi nagtapos ng kolehiyo.

Sa kalkulasyon ni Ted Egan, ang Chief Economist ng San Francisco, kailangan ng San Francisco ng 100,000 bagong unit ng pabahay para masapatan ang kinakailangan sa pamilihan, at sa gayong paraan, ay tatatag ang mga presyo. At nagkaroong ng makabuluhang pag-unlad sa mga nakaraang taon, na kung saan higit sa 50,000 bagong unit ang itinatayo noong katapusan ng 2014.

Ngunit ihihinto ng Prop I ang konstruksyon ng hanggang sa 1,500 bagong bahay, pati ang daan-

daang mga unit na ang presyo ay mas mababa sa umiiral na presyo.

Ang Prop I ay hindi lamang nangangahulugang ang pagkawala ng bago at abot-kayang pabahay, ngunit ito ay nangangahulugan din ng pagkawala ng mga trabaho sa lungsod. Ipinapalagay ng Planning Department na pipigilan ng panukalang-batas ang pag-aproba ng 24 na mga proyekto sa Mission. Ang mga nagtatrabaho sa pagtatayo nitong mga development, pati ang maraming mula sa Mission District ay mawawalan ng kanilang mga trabahong mataas ang sahod.

Kinakailangan ng mga taga-San Francisco ang mga tunay na solusyon sa krisis ng pabahay – hindi ang mga panukalang batas na may motibong pampulitika, gaya ng Prop I, na hindi magtatagumpay at mas palulubhain ang kasalukuyang sitwasyon.

Iboto ang Hindi sa Prop I.

Residential Builders Association

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI, Inc Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Umuunlad ang San Francisco sa maraming paraan. Ang biglang pag-unlad ng lokal na ekonomiya—ang halos 400,000 bagong trabaho sa nakaraang 4 na taon —ay dahilan kaya higit na kanais-nais na tirahan at pagtrabahuhan ang San Francisco. Nangangahulugan rin na sa pagdagsa ng mga bagong residente, mga 10,000 bawat taon na ngayon, hinaharap ng San Francisco ang isang malubhang kakulangan sa pabahay.

Iminumungkahi ng mga tagataguyod ng Prop I na limitahan ang supply ng pabahay—hinihinto ang paglikha ng 1,495 mga bagong bahay, pati ang daan-daang mga unit na mas mababa sa umiiral na presyo. Palulubhain lamang nito ang krisis ng pabahay sa pamamagitan ng hindi paglikha ng mga bagong unit at sa pagdagdag sa mga pagpapaalis, habang tumataas ang mga presyo ng mga bahay na nakatayo na.

Ipinapalagay ni Ted Egan, ang Chief Economist ng Lungsod, na kailangan ng San Francisco ang 100,000 bagong unit para masapatan ang pangangailangan. Kaya ang Prop I ay isang malaking hakbang na paatras.

Page 65: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

65

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ayaw tanggapin ng mga tagataguyod ng Prop I na may problema habang hinihingi nila na “abot-kaya” ang lahat ng mga unit. —ngunit sa ilalim ng Prop I, makikita natin ang pagkawala ng mga unit na abot-kaya. Inuutusan ang mga developer na magsama ng abot-kayang mga unit sa kanilang mga development o mag-ambag sa lungsod ng hanggang 20 porsiyento ng development para sa pagpondo sa mga proyektong abot-kayang pabahay. Kapag walang development, makikita ng lungsod ang pagbaba sa pagpondo at malamang na hindi maaabot ng lungsod ang iminungkahing mga proyekto ng abot-kayang pabahay.

Minadali ang Prop I, ito ay naliligaw ng landas at ang konsekuwensiya ay magiging kakaunting pabahay para sa mga taga-San Francisco o isang malaking bagong pagbubuwis para pondohan ang pabahay na nawawala sa atin.

Kailangan natin ng higit pang pabahay, hindi mas kaunti.

IBOTO ang HINDI sa Prop I.

San Francisco Alliance for Jobs and Sustainable Growth

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI Inc. Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Ang sagot sa krisis ng pabahay ay higit pang lahat ng klase ng pabahay, pati abot-kayang pabahay. Ngunit ihihinto kaagad ng Prop I ang konstruksyon ng mga bago at abot-kayang pabahay sa Mission, pati ang rehabilitasyon ng anumang mga sirang bahay.

Ayon sa Planning Department ng Lungsod ng San Francisco, ihihinto ng Prop I ang konstruksyon ng 1,495 mga unit ng pabahay, pati ang daan-daang unit na mas mababa sa umiiral na presyo.

Hindi mahusay ang pagkakasulat ng ng panukalang-batas at ihihinto rin nito ang mga upgrade na pangkaligtasan at rehabilitasyon ng mga sirang bahay, gaya ng mga unit na nawala sa sunog kamakailan lamang. At sa pagmamadaling ilagay sa balota ang Prop I, ito ay lumalabag sa maraming mga batas ng estado at ng lungsod.

Ang Prop I ay pinondohan ng isang “di-pinagkakakitaang” grupo ng pabahay na

binabayaran para magpatayo at pamahalaan ang subsidized housing (pabahay na tinutustusan ng pamahalaan).

Sinasabi nila na gusto nilang “abot-kaya” ang lahat ng tinatayong pabahay sa Mission. Ngunit hindi nila sinasabi kung magkano ito.

Batay sa mga tantiya kamakailan lamang mula sa pinondohan ng lungsod na mga proyekto ng abot-kayang pabahay, gagastos ang mga nagbabayad ng buwis ng hindi kukulangin sa $1 bilyon para palitan ang mga unit ng pabahay na nawala sa Prop I, sa Mission District lamang. Ang kabuuang budget sa kasalukuyan para sa lahat ng mga kinakailangang abot-kayang pabahay ng lungsod ay halos babayaran lamang ang mga pagkawala sa pabahay sa isang kapitbahayan lamang, sa ilalim ng Prop I.

Kailangan ng San Francisco ng higit pang pabahay para sa lahat ng mga taga-San Francisco – hindi kailangan ng San Francisco ng isang di-mapagtitiwalaang pampulitikang panukalang-batas na pahihintuin ang konstruksyon ng pabahay.

Hindi sa Prop I.

Coalition for Better Housing

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI, Inc Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Ang pinakamahalagang bahagi ng aming pakay ay tulungan ang mga tao na makahanap ng mga bahay at mga apartment na abot-kaya nila. Bilang mga realtor na nagsisikap na tulungan ang mga taga-San Francisco na makahanap ng abot-kayang lugar na matitirahan, alam namin kung paano makakapinsala ang Prop I kung ito ay maaprobahan.

Hinihinto nitong panukalang batas ang paglikha ng halos 1,500 bagong bahay -- at malamang na marami pa. Hinihinto nito ang rehabilitasyon ng mga bahay na napinsala ng sunog o na kailangan ng higit na malaking pagkumpuni. At kinukuha nito mula sa abot-kayang pabahay ang perang kailangan natin, dahil ang paglikha ng mga bagong bahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo ay tumutulong na pondohan ang abot-kayang pabahay sa San Francisco.

Page 66: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

66

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Kailangan ng aming mga kliyente ang higit pang abot-kayang mapagpipilian, hindi ang mas kaunting mga bahay

Mangyaring Iboto ang HINDI sa I at makakuha ng karagdagang impormasyon sa sfrealhousingsolutions .com.

San Francisco Association of Realtors

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI, Inc Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

HINDI SA I – Ito ay isang Moratorium sa Bagong Pabahay! Sasaktan nito ang pamayanang Asian Pacific nang husto – ngunit sasaktan nito ang bawat pamayanan at kapitbahayan sa San Francisco.

Ihihinto ng Prop I ang paglikha ng halos 1,500 bagong bahay, pati ang daan-daang abot-kayang bahay. Ang Prop I ay mangangahulugang lalong kaunting pabahay ang makukuha, mas mataas na mga presyo sa pabahay at higit pang mga pagpapaalis na, na nagtataboy mula sa kanilang mga bahay ang matagal nang mga residente. Palulubhain ng Prop I ang problema ng pagpapaalis para sa buong lungsod.

Hindi lamang hinihinto ng Prop I ang paglikha ng mga bagong bahay, ngunit sinasapanganib nito ang importanteng pinagmumulan ng pondo para sa mga proyekyo ng abot-kayang pabahay ng lungsod. Ang mga bayad mula sa mga developer na nagtatayo ng mga bagong bahay ang sumusuporta sa mga proyekto ng abot-kaya pabahay, at kung wala nitong mga bagong proyekto, ang lungsod ay mawawalan ng labis na kinakailangang kita para suportahan itong mga bagong abot-kayang bahay.

Ang Prop I ay magreresulta sa pagkawala ng mga trabaho. Bababaan nito ang kita sa buwis na kinakailangan para sa lahat, mula sa pulisya hanggang sa mga park hanggang sa pagkumpuni ng mga kalye at mass transit. At simula lamang ito. Kung kailangan nating gamitin ang mga pondo ng nagbabayad ng buwis para palitan ang pabahay na nawala natin, aabutin ito ng higit sa $1 billion!

Kailangan natin ng mga tunay na solusyon para sa lalong abot-kaya, makukuhang pabahay—hindi isang pampulitikang panukalang-batas na minadali sa balota

at na magpapalubha lamang sa krisis ng pabahay sa San Francisco.

Iboto ang Hindi sa Prop I.

Asian Pacific Democratic Club

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI, Inc. Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Ang San Francisco ay isang lungsod na mataginting at binubuo ng mga taong mula sa iba’t ibang kultura, at gayon din ang Mission District. Dahil dito, parami nang parami ang mga taong gustong tumira sa Mission—at sa San Francisco—na nagsasanhi sa dumaragdag na pangangailangan para sa pabahay

Iminumungkahi ng Proposition I, ang Mission Moratorium, na ihinto ang konstruksyon ng 1,495 bagong pabahay sa Mission District. Ang paghinto sa konstruksyon ng bagong pabahay ay hahayaang mag-agawan ang dumaraming bilang ng mga taga-San Francisco para sa may-hanggahang bilang ng matitirahang mga unit, na pinatataas ang mga presyo ng pabahay at lalong pinalulubha ang problema ng pagpapaalis—sa Mission at para sa buong lungsod.

Hindi lamang hinihigpitan ng Prop I ang supply ng pabahay, matinding lilimitahan rin ang maaaring mga pondo para sa mga proyektong abot-kayang pabahay ng lungsod. Karaniwang nag-aambag ang mga developer ng hanggang 20 porsiyento ng kanilang mga development para sa konstruksyon ng mga proyektong abot-kayang pabahay ng lungsod. Ang layunin ni Alkalde Ed Lee sa pagpapatayo at rehabilitasyon ng 30,000 unit ng pabahay bago mag 2020, na hindi kukulangin sa isang katlo ng mga unit ay isosona na maging permanenteng abot-kaya para sa mga pamilyang mababa at katamtaman ang kita, ay depende sa mga bayad na ito.

Sa ilalim ng Prop I, kailangang lalong umasa ang lungsod sa mga nagbabayad ng buwis para bayaran ang nawalang pondo para sa mga proyekto ng abot-kayang pabahay.

Kinakailangan ng mga taga-San Francisco ang mga solusyon na makahulugan, alinsunod sa mga patakaran, sa ating mga paghamon sa pabahay – hindi ang mga madalian, pampulitikang panukalang-batas na palulubhain lamang ang sitwasyon. Hindi Prop I

Page 67: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

67

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

ang solusyon sa mga paghamon sa pabahay para sa San Francisco. Hindi sa Prop I.

GrowSFAdvocates for San Francisco Housing

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI Inc, Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Gaya ng napakaraming mga pamayanan ng immigrant bago sa amin, nauunawaan ng mga pamayanan ng Asian at Pacific Islander na ang pagtanim ng malalim ng mga ugat sa ating pamayanan ay nangangahulugang maghanap ng mga bahay na abot-kaya namin.

Kaya mahigpit naming linalabanan ang Prop I, na gagawin ang San Francisco na lalong hindi abot-kaya para sa aming pamayanan at bawat residente.

Ang Prop. I ay hindi magbibigay ng isang solo na bagong abot-kayang unit. Sa halip, ang pagboto ng “oo” sa Prop I ay maghihinto ng paglikha ng 1,495 bagong bahay, pati ang daan-daang bagong abot-kayang bahay.

Sa pagtatakda sa supply ng pabahay, hindi hinihinto ng Prop I ang mga pagpapaalis—daragdagan nito ang mga pagpapaalis dahil sa pagpapataas ng mga presyo, na lalong sinasapanganib na mawala sa amin ang aming mga bahay.

Hindi sa Prop I. Kailangan natin ng higit pang pabahay at higit pang abot-kayang pabahay—hindi ang isang panukalang batas na masama ang pagkakasulat na nagpapalubha ng problema.

Chong Liang Guo, BetterHousingPolicies.org

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: BetterHousingPolicies.org.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

HINDI HINIHINTO ANG MGA PAGPAPAALIS--HINDI NAGTATAYO NG HIGIT PANG PABAHAY

Itong panukalang-batas na ihinto ang konstruksyon ng mga pabahay sa kapitbahayan ng Mission ay isang idea na naliligaw ng landas. Palulubhain lamang nito ang mga bagay para sa mga pamilyang nagtatrabaho

dahil pataas nang pataas araw-araw ang presyo sa konstruksyon, ginagawang mas mahirap ang pagiging abot-kaya ng pabahay. Sagutin ng “HINDI” ang Mission Moratorium. Kailangan nating magpatayo ng abot-kayang pabahay na para sa lahat ng mga pamantayan ng kita.

Iboto ang Hindi sa I - Magpatayo ng mga abot-kayang pabahay ngayon din! 

San Francisco Democratic Party

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic County Central Committee.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

HINDI SA PROPOSISYON I

Pinapagtuloy ng San Francisco ang tradisyon nitong malugod na tinatangap ang mga taong bagong dating. Sa ngayon, marami sa mga bagong dating ang naaakit sa Mission dahil sa mataginting, sagana sa kultura, buhay lungsod nito, sa sikat ng araw dito, sa access sa transportasyon at sa pagkakataong mag-network at magkaroon ng panghabang-panahong pagkakaibiganan.

Kung maaprobahan ang Proposisyon I, ang mga taong gustong tumira sa Mission ay hindi makakahanap ng bagong pabahay, makikikumpitensya sila sa mga kasalukuyang residente para sa isang nakatayo na, tinakdaan at limitadong stock ng pabahay. Tataasan nito ang presyo para sa lahat, at lilikha ng insentibo para sa mga landlord na gamitin ang Ellis Act para paalisin ang mga nangungupahan.

Ang lubos na masasaktan ng Proposisyon I ay ang mga kasalukuyang residente sa Mission, iyon ding mga tao na gustong tulungan ng mga tagataguyod nito. Mabuti ang intensyon nitong panukalang-batas; ang hindi sinasadyang mga konsekuwensiya nito ay makasasakit sa pamayanan at ilalagay ang Mission district sa ilalim ng kahirapan ng walang-katiyakang pabahay sa maraming taon.

Iboto ang HINDII sa Proposisyon I.

Christine Hughes, ChairwomanSan Francisco Republican Party

Mga miyembro, 17th AD: Charles Cagnon, Alisa Farenzena, Barry Graynor, Laura Peter, Lisa Remmer, at Dana Walsh.

Page 68: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

68

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon I – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Mga miyembro, 19th AD: Rudy Asercion, John Dennis, Howard Epstein, Terence Faulkner, Gil Gonzales, Hilary Hagenbuch, Stephanie Jeong, Johnny Knadler, Joan Leone, Rodney Leong, at Richard Worner.

Mga halili: Conchita Applegate, Christopher L. Bowman, Brian DiCrocco, Jamie Fisfis, at Kenneth Loo

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Republican Party.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Bill Bowen, 2. David Blumberg, 3. Barry Graynor.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Palulubhain ng Prop I ang mga problema sa pabahay ng ating Lungsod sa pamamagitan ng paghinto ng development ng lahat ng bagong pabahay na ipinagbibili sa umiiral na presyo sa Mission District—linilimita ang supply ng pabahay at sinasapanganib ang pagpondo ng lungsod para sa bagong abot-kayang pabahay.

Wala na ngang sapat na abot-kayang pabahay para sa lahat na nakatira o gustong tumira sa San Francisco. Patataasin lamang ng Proposisyon I o ng Mission Moratorium ang mga gastos at palulubhain ang problema ng pagpapaalis para sa mga taga-San Francisco.

Sa madaling salita, ito ay tungkol sa mga batas ng supply at pangangailangan. Sa nakalipas na apat na taon, nagkaroon ng dagdag na 400,000 bagong trabaho sa Bay Area. Habang umuunlad ang lokal na ekonomiya, na ginagawa ang Bay Area na lalong kaakit-akit na tirahan, patuloy na lalaki ang pangangailangan para sa pabahay, patuloy na tataas ang mga presyo at mga renta sa pabahay, at lulubha lamang ang kasalukuyang sitwasyon.

Ihihinto ng Prop I ang konstruksyon ng halos 1,500 bagong unit ng pabahay, pati ang daan-daang unit na abot-kaya, na ginagawang lalong mahirap ang makahanap ng makukuha, abot-kayang pabahay. Dahil inuutusan ang mga developer na mag-ambag ng 10 hanggang 20 porsiyento ng mga gastos ng development sa mga proyektong abot-kayang pabahay ng lungsod, ang Prop I ay mangangahulugang isang malaking pagkawala ng mga pondo para sa mga proyektong abot-kayang pabahay.

Hindi lamang palulubhain ang mga bagay ng Prop I sa paghadlang sa konstruksyon ng bagong pabahay, ngunit hinahadlangan din nito ang pagkumpuni ng nakatayo nang mga pabahay pagkatapos ng sunog.

Kung magkasunog sa bahay ng isang residente, ang may-ari ay hindi makatatanggap ng mga kinakailangang permit para kumpunihin ang kanilang mga bahay—isa pang pagkawala ng matitirahang pabahay sa lungsod.

Kailangan ng mga taga-San Francisco ang tunay na mga solusyon sa ating mga paghamon sa pabahay—hindi iyong mga madalian, pampulitikang panukalang-batas na palulubhain lamang ang sitwasyon, gaya ng Prop I.

Hindi sa Prop I.

San Francisco Bay Area Renters Federation

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Franciscans for Real Housing Solutions, No on I.

Ang tatlong pinakamalaking nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Stop the Housing Tax, No on G, 2. San Francisco Apartment Association PAC, 3. RRTI Inc., Coin Laundries.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon I

Ang mga panukalang-batas tulad nito ang dahilan kung bakit masyadong magastos tumira sa San Francisco.

IBOTO ANG HINDI SA PROP I. 

Ang krisis ng pabahay ng San Francisco ay ang resulta ng walang sapat na pabahay para sa mga taong gustong tumira dito.

Lalong palulubhain ng Prop I ang problema. Sa hindi pagpapahintulot ng bagong konstruksyon ng pabahay, lalong patataasin ng Prop I ang presyo ng mga bahay na nakatayo na at hihikayatin ang lalong pagpapaalis.

Ang pagdagdag sa supply ng pabahay sa lahat ng mga pamantayan ng kita ang tanging paraan lamang para pabawahin ang labis na mga kagipitan na kasalukuyang dinaranas ng San Francisco. Ang moratorium ng Prop I ay magkakaroon ng epektong kabaliktaran sa hangad ng mga tagataguyod nito na ginagawang lalong kakaunti ang mga oportunidad sa pabahay para sa lahat.

Iboto ang HINDI sa Prop I.

Para sa kumpletong patnubay sa botante ng SPUR, tingnan ang www.spur.org

SPUR

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: SPUR.

Page 69: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

69

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon J – Mga May Bayad na Pangangatwiran

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon J

SINUSUPORTAHAN NG MGA DEMOCRAT ANG LOKAL NA MGA NEGOSYONG LEGADO!

Pinoprotektahan ng Proposisyon J ang ilan sa pinakamatagal nang mga negosyong legado sa San Francisco sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaloob para tulungan ang mga ito na manatiling bahagi ng kayarian ng Lungsod.

Iboto ang Oo sa J para panatilihin ang mga negosyong legado!

San Francisco Democratic Party (Partidong Demokratiko ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic County Central Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon J

IBOTO ANG OO SA J

PAHALAGAHAN ANG ATING PAMANA NG PAGIGING MAGKAIBA, KULAY, SAYA, AT MAALAGANG MGA TAO. KUNG HINDI SA ATING KASAYSAYAN, TAYO AY MAGIGING ISANG PAMAYANAN NG MGA ZOMBIE NA ABALA SA MGA CELL PHONE. YAONG MGA TAO NA HINDI NAKAKARINIG, NAKAKAKITA O NAKAKAPAGSALITA PARA SA KOMUNIDAD, NGUNIT NAGHAHANAP NG SUNOD NA MAMAHALING RESTAURANT.

DENISE D’ANNE

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Denise D’Anne.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon J

Iniligtas Natin Ang Flower Mart -- Iligtas Natin Ngayon Ang Mga Iba Pang Legadong Negosyo sa San Francisco

Nitong nakaraang taon, ang isang malaking developer na taga ibang lugar ay nagbantang gigibain ang pinagpipitagang Flower Mart ng San Francisco, na

Jnagsapanganib ng maraming maliliit na negosyo at daan-daang mga trabaho.

Maaari sana silang maging isa pang biktima ng hibang na merkado ng real estate sa San Francisco. Sa halip, maipagmamalaki namin na kami ay lumikha ng koalisyon na binuo ng mga nagtitinda, mga manggagawa, at mga kapitbahay para makamit ang isang matatag na kompromisong pinagkasunduan at mailigtas ang Flower Market.

Matibay naming sinusuportahan ang Proposisyon J dahil tutulong ito sa daan-daan pang mga negosyong legado – ang maliliit na mga negosyong pag-aari ng pamilya at ang minamahal na mga institusyon na puso at diwa ng ating mga kapitbahayan at ng ating lungsod.

Bilang isang lungsod, kailangan nating magpakita ng pagsusuporta para sa ating mga di-pinagkakakitaan, mga artist, maliliit na negosyo, mga manggagawa, at mga nangungupahan. Magagawa natin iyan sa maraming paraan sa eleksyong ito, kabilang ang pagboto ng OO sa J.

Aaron PeskinArt Agnos

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Aaron Peskin.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon J

Sinusuportahan ng San Francisco Historic Preservation Commissioners (Mga Komisyoner ng Pagpapanatili sa mga Makasaysayan sa San Francisco) ang Prop J

Iboto ang Oo sa Prop J

Ang kasaysayan ng San Francisco ay nakasulat sa ating mga Negosyong Legado.

Sina Etta James, Janis Joplin at Jerry Garcia ay unang nagtanghal sa ating mga entablado. Sinulat nina Mark Twain, Jack London, at Jack Kerouac ang kanilang mga obra maestra sa ating mga cafe at mga restaurant. At ang mga kilusang pampulitika na bumago sa mundo ay nagsimula sa ating mga bar at sa mga bulwagan ng ating mga di-pinagkakakitaan.

Ang Prop J ay magkakaloob ng mga panukalang-batas para panatilihin ang ating makasaysayang maliliit na negosyo, at tutulong na panatilihing itong pamana

Legacy Business Historic Preservation Fund

Page 70: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

70

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon J – Mga May Bayad na Pangangatwiran

para sa mga hinaharap na henerasyon sa San Francisco.

Mangyaring makipag-isa sa amin sa pagboto ng Oo sa Prop J.

President, Historic Preservation Commission, Andrew Wolfram*Vice President, Historic Preservation Commission, Aaron Jon Hyland*Historic Preservation Commissioner, Diane Miyeko Matsuda*Historic Preservation Commissioner, Jonathan Pearlman*

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumipirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Architectural Heritage.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon J

Sinusuportahan ng mga May-ari ng mga Legadong Negosyo ang Prop J

Pinaglingkuran ng mga legadong negosyo ang mga mamamayan ng San Francisco sa mga panahon ng mga lindol, sa great depression, at sa dalawang digmaang pandaigdig.

Kami ang lugar kung saan ninyo pinagdiwang ang inyong kaarawan, kung saan kayo nakipagkasundong magpakasal, kung saan kayo umibig sa ating kagilagilalas na lungsod.

Umunlad kami sa mga dekada dahil tulad ninyo, kami ay mga taga-San Francisco.

Ang Prop J ay isang desenteng panukalang-batas na binibigyang priyoridad ang pagprotekta sa mga legadong negosyo ng ating lungsod sa pamamagitan ng pagkaloob ng mga insentibo sa mga may-ari ng negosyo at gusali na nagpapanatili ng makasaysayang mga negosyo.

Sama-sama nating pinagsikapan ito sa simula palang. Salamat San Francisco sa iyong mga taong pagsusuporta. Inaasahan naming ipagpatuloy ang paglilingkod sa iyo nang marami pang taon sa hinaharap.

Mangyaring Iboto ang Oo sa Prop J

Janet Clyde, Co-owner of (Kasosyong May-ari ng) Vesuvio CaféAndrea Cochran, Co-owner of (Kasosyong May-ari ng) Hotel Utah Saloon

Erica Perry Cooper, Owner of (May-ari ng) Two Jacks SeafoodIsabel Fondevila, Executive Director of (Punong Direktor ng) Roxie TheaterLou Giraudo, Owner of (May-ari ng) Boudin BakeryAnthony Huerta, Co-owner of (Kasosyong May-ari) ng Lone Star SaloonLila Thirkield, Owner of (May-ari ng) The Lexington ClubPete Mulvihill, Co-owner of (Kasosyong May-ari ng) Green Apple BooksPeter Quartaroli, Managing Partner of (Namamahalang Kasosyo ng) Sam’s Grill & SeafoodMartha Sanchez, Co-owner of (Kasosyong May-ari ng) Casa SanchezNancy Tom Chan, Managerng Golden Gate Fortune Cookie Factory

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Harvey Milk LGBT Democratic Club PAC.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon J

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon J

Iboto ang Hindi sa Proposisyon J. Ang mga Legacy Business Grants (Mga Kaloob sa mga Legadong Negosyo) ayon sa panukalang ito ay may seryosong mga balakid.

Ang mga legadong negosyo at ang kanilang mga landlord na kumikita nang malalaking halaga sa sarili nilang pagsisikap ay kwalipikadong tumanggap ng mga kaloob taun-taon. Ang mga nagbabayad ng buwis, pati ang mas bagong mga negosyo na nagpapakahirap, ang nagbabayad ng gastos.

Ang Mayor (Punong-bayan) at ang sinumang miyembro ng Board of Supervisors ay maaaring magnomina nang walang-limit sa Legacy Registry (Rehistro ng Legado). Bawat taon isang bagong grupo ng 300 negosyong nasa Rehistro ay maaaring maging karapat-dapat na tumanggap ng mga kaloob taun-taon. 

May panganib na itong mga kaloob ay magiging mga regalo na pinopondohan ng mga nagbabayad ng buwis na ipinagkakaloob para sa mga benepisyong natanggap.

Sinusubukan nitong panukalang-batas na pangalagaan ang negosyo. Kailan pa naging Konserbatibo ang progresibong San Francisco? 

Iboto ang Hindi.

Page 71: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

71

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon J at K – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Libertarian Party of San Francisco (Partidong Libertarian ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Libertarian Party of San Francisco.

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon J

HINDI SA PROPOSISYON J

Sinusuportahan namin ang lahat ng legal na mga negosyo sa San Francisco na walang pabor. Alinsunod sa Proposisyon J ang mga binotong pulitiko ay pipili ng mga panalo at mga natalo sa pamamagitan ng pagbabaling ng daan-daan ng milyun-milyong dolyar ng nagbabayad ng buwis sa kanilang mas nagugustuhang “legadong” mga negosyo at mga landlord na pangkomersyal, na hindi isinasaalang-alang ang pangangailangan o ang maliwanag na pamantayan para sa kapakanan ng komunidad. Itaguyod ang pagiging matapat ng pamahalaan; pangalagaan ang pagiging pantay-pantay para makipagkompitensya ang lahat ng mga negosyo.

Iboto ang HINDI sa Proposisyon J.

Christine Hughes, Chairwoman (Tagapangulong Babae)San Francisco Republican Party (Partidong Republican ng San Francisco)

Members (Mga Miyembro), 17th AD: Alisa Farenzena, Barry Graynor, at Lisa Remmer 

Members (Mga Miyembro), 19th AD: John Dennis, Howard Epstein, Gil Gonzales, Stephanie Jeong, at Rodney Leong

Alternates (Mga Kahalili): Christopher L. Bowman, Jamie Fisfis, at Kenneth Loo

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Republican Party.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. Bill Bowen, 2. David Blumberg, 3. Barry Graynor.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

Dito sa walang-katulad at laganap na krisis ng abot-kayang pabahay, ang 75% sa atin ay napupuwera sa bilihan ng bahay (housing market)--mula sa lubos na mababa ang kita, mababa, katamtaman at kahit ang nasa-kalagitnaan-ang-kita na taga-San Francisco.

Itong panukalang-batas ukol sa mga Surplus na Lupaing Pampubliko ang makatitiyak na susundin ng lungsod ang kagustuhan ng mga botante at gagawing priyoridad ang permanenteng abot-kayang pabahay kapag nagdedesisyon kung anong gagawin sa mga surplus na lugar na hindi na nito kailangan.

OO sa Proposisyon K para sa Abot-kayang Pagpapabahay

San Francisco Council of Community Housing Organizations (Konseho ng mga Organisasyon ng Pamayanang Pagpapabahay ng San Francisco)Affordable Housing Alliance (Samahan para sa Abot-kayang Pabahay)Nonprofit Housing Association of Northern California

K Surplus na mga Lupaing Pampubliko

(Asosasyon ng Pagpapabahay na Di-pinagkakakitaan ng Hilagang Dako ng California)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

Mga Surplus na Lupain na nasa Kamay ng Pamayanan!

Iboto ang OO sa Prop K

Asian Neighborhood Design (Disensyo ng mga Kapitbahayang Asyano)Dolores Street Community Services (Mga Serbisyong Pangkomunidad ng Dolores Street) – pending signed control sheet 9/3PODERChinatown Community Development Center (Sentro ng Pagpapaunlad ng Komunidad ng Chinatown)Mercy HousingTODCOSouth of Market Community Action Network (Network ng Aksiyong Pangkomunidad ng South of Market)

Page 72: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

72

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon K – Mga May Bayad na Pangangatwiran

San Francisco Housing Development (Pagpapaunlad ng Pagpapabahay ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

OO SA K ANG SINASABI NG MGA PAMILYANG NAGTATRABAHO

Ang Prop K ay magkakaloob ng mga lugar para sa kinakailangang pagpapabahay na abot-kaya at para sa mga nagtatrabaho para sa ating mga pamayanan, at maglilikha ng mga lokal na trabaho sa konstruksiyon, mga palingkuran at pamamahala ng propiyedad.

San Francisco Labor Council (Konseho ng Manggagawa ng San Francisco)Service Employees Union Local 1021 (Unyon ng mga Palingkurang Empleyado Lokal 1021)Jobs with Justice San Francisco (Mga Trabahong May Katarungan ng San Francisco)Lita Blanc, United Educators of San Francisco* (Nagkakaisang mga Tagapagturo ng San Francisco)

*Para lamang sa mga layunin ng identipikasyon; pumipirma ang may-akda bilang indibidwal at hindi sa ngalan ng isang organisasyon.

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Labor Council, Jobs with Justice San Francisco, Service Employees Union Local 1021, Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

OO SA K ANG SINASABI NG MGA SERBISYONG PANGKALUSUGAN & PANTAO

Ang mabuting pampublikong pangkalusugan ay nagsisimula sa ligtas, desente, at abot-kayang pabahay! Iboto ang OO sa Proposisyon K para iukol ang surplus na lupaing pampubliko para sa abot-kayang pabahay!

San Francisco Human Services Network (Network ng mga Serbisyong Pantao ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Human Services Network.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

Sinusuportahan ng mga Kapitbahayan ng San Francisco ang Prop K!

Iboto ang OO sa Surplus na Lupain para sa gamit ng Publiko

Mayroon tayong krisis ng abot-kayang pabahay!

Kailangan nating paupahan ang mga hindi ginagamit/hindi lubos na ginagamit na ari-arian ng lungsod at magpatayo ng mga bahay para sa mga mahihirap na pamilyang mababa ang kita na middle class!

Huwag paalisin yung mga tinutulungan nitong panukalang-batas.

IBOTO ANG OO SA K!!!

Coalition for San Francisco Neighborhoods (Koalisyon para sa mga Kapitbahayan ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Surplus Lands for Public Use.

Ang dalawang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium LLC, Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

OO SA K ANG SINASABI NG MGA NANGUNGUPAHAN

Bilang mga organisasyong batay sa komunidad, alam namin na ang abot-kayang pabahay ay kailangan para mapanatili ang di-pagpupuwera sa sinuman batay sa anumang katangian, ang buhay na buhay na mga kultura at ang maraming pagkakaiba-iba ng ating mga komunidad. Kailangan natin ang Prop K para pangalagaan ang lungsod na mahal natin.

Senior & Disability Action (Aksiyon para sa Senior at May Kapansanan)Community Tenants Association (Asosasyon ng mga Nangungupahan sa Komunidad)San Francisco Tenants Union (Unyon ng mga Nangungupahan sa San Francisco)Harvey Milk LGBT Democratic Club (Kapisanang Demokratiko ng Harvey Milk LGBT)AIDS Housing Alliance/SF (Samahan ng AIDS para sa Pagpapabahay/SF)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Surplus Lands for Public Use.

Page 73: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

73

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon K – Mga May Bayad na Pangangatwiran

Ang dalawang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium LLC, Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

Kailangan nating dagdagan ang mga pagkakataon para sa pagpapabahay para sa mga taga- San Francisco.

Iboto ang OO sa Proposisyon K.

Homeownership San Francisco (Pagmamay-ari ng Tahanan San Francisco)Mission Economic Development Agency (Ahensiya ng Pagpapaunlad ng Kabuhayan sa Mission) San Francisco Community Land Trust (Tiwala sa Lupaing Pangkomunidad ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Surplus Lands for Public Use*; San Francisco Community Land Trust.

Ang dalawang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan *: Yerba Buena Consortium LLC, Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

ABOT-KAYANG PABAHAY ANG KALUTASAN SA PAGKAWALANG TIRAHAN.

Naaapektuhan tayong lahat ng krisis sa pagpapabahay sa San Francisco, lalo na ang ating mga anak. Paglaanan natin ang ating hinaharap - ngayon.

Iboto ang OO sa Proposisyon K

Community Housing Partnership Coalition on Homelessness Hospitality HouseFaithful FoolsTenderloin Neighborhood Development (Pagpapaunlad sa Kapitabahayan ng Tenderloin)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Surplus Lands for Public Use.

Ang dalawang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

Hinihikayat ng Prop K ang pagpapatayo ng abot-kayang pabahay sa surplus na lupaing pag-aari ng lungsod para sa mga pamilyang nasa mababa at nasa kalagitnaan ang kita.

Iboto ang OO sa K para sa mga tahanan na abot-kaya!

San Francisco Democratic Party (Partido Demokratiko ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: San Francisco Democratic Party County Central Committee.

Ang tatlong nagbigay ng pinakamalalaking kontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: 1. TMG Partners, 2. SFPOA, 3. PG&E.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

Itong panukalang-batas ay lalong magpapatatag ng surplus land act ng estado sa lokal na antas. Ang pagtitiyak na bibigyang priyoridad ng mga lokal na ahensiya ang mga lupaing pampubliko bilang isang mahalagang estratehiya para maharap natin ang ating krisis sa abot-kayang pabahay ay nangunguna sa kaisipan ng lahat sa buong estado, at muli, nakatutuwang makita ang San Francisco na nangunguna sa pagtatakda ng pamantayan. OO sa Prop K.

Senator (Senador) Mark LenoAssemblymember (Miyembro ng Asamblea), Phil TingAssemblymember (Miyembro ng Asamblea), David Chiu

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Surplus Lands for Public Use.

Ang dalawang nagkontribusyon sa komite na tumanggap ng tunay na pinagmulan: Yerba Buena Consortium, Council of Community Housing Organizations.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

PINAPANATILI NG PROP K ANG LUPAING PAMPUBLIKO PARA SA PAMPUBLIKONG PAGGAMIT

Dapat bigyan-priyoridad ng mga pampublikong ahensiya ang lupaing pampubliko para sa mga pangangailangan ng ating mga kapitbahayan, kabilang ang abot-kayang pabahay para tulungan ang mga taong naninirahan at nagtatrabaho sa San Francisco. Tutulong ang Prop K na magpatayo ng mga pamayanan na abot-kaya at magkakaiba-iba, na pagbabalansehin na may open space at mga pook ng serbisyo sa pamayanan na kailangan para sa mga komunidad na tunay na malapit sa mga istasyon ng mga sasakyang pampubliko at nalalakad. Ang Prop K ay malikhaing solusyon sa pagpaparami sa supply ng tunay na abot-kayang pabahay para sa kasalukuyan at sa mga darating pang mga henerasyon, at matalinong

Page 74: 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota Mga May Bayad na ...sfelections.sfgov.org/sites/default/files/Documents/ElectionsArchives/... · 1 Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota

74

Ang mga pangangatwiran ay mga opinyon ng mga may-akda at hindi siniyasat ng anumang opisyal na ahensiya para sa kawastuhan. Nilimbag ang mga pangangatwiran gaya ng sinumite. Hindi winasto ang mga maling spelling o grammar mula sa bersiyong Ingles nito. Isinalin itong teksto sa pinakamalapit na maaari sa orihinal, sa panahon ng pagsasalin.

Mga Lokal na Panukalang-batas sa Balota – Proposisyon K – Mga May Bayad na Pangangatwiran

pamumuhunanan sa maipagpapatuloy na hinaharap ng lungsod.

Sierra ClubSan Francisco Tomorrow (San Francisco sa Kinabukasan)San Francisco Green Party (Partidong Green ng San Francisco)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: the authors.

May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

Iboto ang OO sa Proposisyon K

Siguraduhin nating mananatiling abot-kayang lungsod ang San Francisco at patuloy nating pinaglilingkuran ang mga pamilyang naglingkod.

Swords to Plowshares (Mga Tabak Gagawing Sudsod)

Ang tunay na (mga) pinagmulan ng pondo para sa singil sa paglilimbag nitong pangangatwiran: Swords to Plowshares.

Katapusan ng Mga May Bayad na Pangangatwiran na PABOR sa Proposisyon K

May Bayad na Pangangatwiran na KONTRA sa Proposisyon K

HINDI SA PROPOSISYON K

Pinaka-priyoridad dapat sa San Francisco ang pagpapabahay para sa mababa, katamtaman, at nasa-kalagitnaan-ang-kita.

Habang tinatanggap ang pangangailangang ito, sa katotohanan, iuutos ng Proposisyon K na ang limitadong supply ng surplus na mga lupaing pampubliko sa San Francisco ay bigyan ng priyoridad para sa pagpapabahay at mga serbisyo para sa mga walang tirahan.

Kailangang matalo ang Proposisyon K para ang mga pagpapabahay na itinayo sa surplus na mga lupaing-bayan sa Lungsod ay maglalarawan ng mga pangangailangan na hindi natugunan tulad ng nabanggit sa report ng Mayor’s Office of Economic and Workforce Development (Opisina ng Punong-Bayan para sa Pagpapaunlad ng Kabuhayan at Mga Manggagawa) noong nakaraang Hulyo. Mga pamilyang katamtaman ang kita ang bumubuo sa halos kalahati ng pangangailangang iyon.

Bukod pa, dapat maipakita ng anumang pagpapabahay na itatayo sa surplus na mga lupaing pampubliko ang katangian, densidad at pagsosona ng nakapaligid na mga kapitabahayan.

Iboto ang HINDI sa Proposisyon K

Christine Hughes, ChairwomanSan Francisco Republican Party (Partidong Republican ng San Francisco)

Members (Mga Miyembro), 17th AD: Charles Cagnon, Alisa Farenzena, Laura Peter, and Dana Walsh.

Members (Mga Miyembro), 19th AD: John Dennis, Howard Epstein, Terence Faulkner, Gil Gonzales, Hilary Hagenbuch, Stephanie Jeong, and Richard Worner.

Alternates (Mga Kahalili): Conchita Applegate, Christopher L. Bowman, Jamie Fisfis, Kenneth Loo.