7
1 Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas . ALAMIN MO GRADE VI LOKASYONG INSULAR AT BISINAL NG PILIPINAS

13 - Lokasyong Insular at Bisinal Ng Pilipinas

Embed Size (px)

DESCRIPTION

education

Citation preview

  • 1

    Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas

    .

    ALAMIN MO

    GRADE VI

    LOKASYONG INSULAR AT BISINAL NG PILIPINAS

  • 2

    Ano ang malaking anyong tubig na nakapalibot sa Pilipinas sa dakong

    silangan?

    kanluran?

    timog?

    hilaga?

    Ito ang isang paraan ng paglalarawan ng kinalalagyan ng ating bansa. Mayroon

    pa ba kayang iba? Ito ang pag-aaralan natin sa modyul na ito.

    Isulat ang nawawalang titik upang mabuo ang pangalan ng bansa.

    1. Bansang nasa hilaga ng Taiwan at Pilipinas.

    2. Malaking bansa sa hilagang kanluran ng Pilipinas.

    3. Lalawigan sa bansang Tsina na nasa hilaga ng Pilipinas.

    4. Bansang nasa timog-kanluran ng Pilipinas.

    5. Bansang nasa kanluran ng Thailand at Pilipinas.

    PAGBALIK-ARALAN MO

    H P N

    M L Y S A

    T S A

    T I A

    M Y

  • 3

    Pag-aralan ang mapang ito ng Asya.

    1. Ano ang malaking anyong tubig na nasa gawing kanluran ng Pilipinas?

    2. Saang direksyon matatagpuan ang Karagatang Pasipiko?

    3. Anong anyong tubig ang nasa dakong hilaga ng bansang Pilipinas?

    4. Saang direksyon matatagpuan ang Bashi Channel?

    Ito ang paglalarawan ng lokasyon ng ating bansa ayon sa kalapitan nito sa mga anyong

    tubig na tinatawag na lokasyong insular.

    PAG-ARALAN MO

  • 4

    Tingnan muli ang mapa, anu-ano naman ang bansang karatig ng Pilipinas?

    Anong mga bansa ang nasa gawing kanluran?

    Sa dakong hilaga, anu-anong bansa ang matatagpuan doon?

    Mayroon din bang bansa sa bahaging timog? Ano-ano ang mga ito?

    Sa silangang bahagi naman ng bansa natin, matatagpuan ang Estados Unidos, Hawaii,

    Marianas at Guam.

    Malalaman din ang kinalalagyan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga karatig-bansa nito.

    Ito ay tinatawag na lokasyong bisinal.

    Balikan muli ang mapa ng Asya sa pahina 3.

    Gamitin ang krokis sa ibaba sa pagtukoy ng mga anyong tubig sa bawat direksyon. Isulat

    sa iyong kwaderno ang sagot.

    PAGSANAYAN MO

    Hilaga

    Hilagang silangan

    Silangan

    Timog

    Kanluran

    Timog silangan Timog kanluran

    Hilagang kanluran

  • 5

    1. Hilaga : _____________________________

    2. Hilagang Silangan : ___________________

    3. Hilagang Kanluran : ___________________

    4. Silangan : ____________________________

    5. Kanluran : ____________________________

    6. Timog : _______________________________

    7. Timog Silangan : _______________________

    8. Timog Kanluran : _______________________

    Ang lokasyong insular ay paglalarawan ng lokasyon ng bansa sa pamamagitan ng mga anyong tubig na nakapaligid dito.

    Ang lokasyong bisinal ay paglalarawan ng kinalalagyan ng bansa sa pamamagitan ng mga karatig-bansa nito.

    Paano mo dapat gamitin ang globo upang mapakinabangan pa ng mga susunod na mag-aaral sa

    pagtalunton ng ibat ibang lugar sa daigdig?

    TANDAAN MO

    ISAPUSO MO

  • 6

    Basahin at unawain ang tula.

    Naibigan mo ba ang tula? Ano ang natutuhan mo sa mensahe nito? Makakaya

    mo bang isaulo ito?

    Tingnan ang mapa sa pahina 3. Hanapin ang mga lugar ayon sa hinihingi sa bawat bilang. Isulat

    ang titik ng tamang sagot sa iyong kwaderno.

    GAWIN MO

    PAGTATAYA

    Itong Pilipinas ang mahal kong bayan

    Namumukod tangi di-mapapantayan

    Tila nakalutang sa dakong silangan

    Malalaking dagat ay matatagpuan.

    Sa dakong hilaga ay ang Bashi Channel

    At doon sa timog ay Celebes naman

    Dagat Timog Tsina ay nasa kanluran

    Karagatang Pasipiko ay nasa silangan.

    Marami rin namang bansa sa paligid

    Tulad nitong Taiwan, Tsina, Korea, Hapon

    Sa bandang hilaga naman naroroon

    At sa silangan nitoy Micronesia naman.

    Doon nga sa timog nitong Pilipinas

    Silangang Malaysia, Brunei, Indonesia

    At lalong marami roon sa kanluran

    Kampuchea, Laos, Burma, Thailand at Vietnam.

    (Hango sa sanayang aklat sa Makabayan nina L. Raganit at Mr. Agapay)

    Itong Pilipinas

    3

  • 7

    1. Anong kapuluan ang nasa timog ng Pilipinas? A. Guam

    B. Taiwan

    C. Indonesia

    D. Kanlurang Malaysia

    2. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Vietnam?

    A. Hilaga

    B. Timog

    C. Silangan

    D. Kanluran

    3. Anong anyong tubig ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?

    A. Dagat Celebes

    B. Dagat Mindanao

    C. Dagat Timog Tsina

    D. Karagatang Pasipiko

    4. Saang direksyon ng Pilipinas matatagpuan ang Dagat Celebes?

    A. Hilaga

    B. Timog

    C. Silangan

    D. Kanluran

    5. Ang Hapon ay nasa hilaga ng Pilipinas. Alin ang isa pang bansa na nasa hilaga

    nito?

    A. Taiwan

    B. Malaysia

    C. Thailand

    D. Indonesia

    Ang tulang Itong Pilipinas na binasa mo ay maaari ring isaawit sa himig ng Paru-parong Bukid. Subukin mo nga. Nasiyahan ka ba sa pag-awit?

    PAGPAPAYAMANG GAWAIN

    Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na

    modyul.