20
Araling Panlipunan Unang Markahan Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks 9 1st GENERATION MODULES - VERSION 2.0 __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

  • Upload
    others

  • View
    39

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 1:

Kahulugan ng Ekonomiks

9

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 2: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 1: Kahulugan ng Ekonomiks Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________ Department of Education – Region VII, Division of Cebu Province Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

Telefax: (032) 255-6405; (032) 255-4401

E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat : Violeta S. Rosacena

Tagasuri : Elma M. Larumbe (QA, Moderator)

Tagapamahala

Schools Div. Superintendent : Marilyn S. Andales

Asst. Schools Div. Supt. : Leah B. Apao

: Ester A. Futalan

: Cartesa M. Perico

CID Chief : Mary Ann P. Flores

EPSVR in LRMDS : Isaiash T. Wagas

EPSVR – AP : Rosemary N. Oliverio

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 3: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

i

Araling Panlipunan 9 Unang Markahan – Modyul 1:

Kahulugan ng Ekonomiks

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 4: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

ii

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul para sa araling Kahulugan ng Ekonomiks.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa

pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang

matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12

habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa

pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang

pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

matulungan ang mga mag-aaral upang makamit ang ika-21 siglong mga kasanayan habang

isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita mo ang kahong ito sa

pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung

paano gagamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad

nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahang mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

ukol sa Kahulugan ng Ekonomiks.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong

matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Mga Tala para sa Guro

Ang pahayag na ito ay naglalaman ng mga paalala,

pantulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-

aaral.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 5: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

iii

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat

mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na

ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung

nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),

maaari mong laktawan ang bahaging ito ng

modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang

matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang

aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala

sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang

kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,

gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan

kang maunawaan ang bagong konsepto at mga

kasanayan.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 6: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

iv

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay

at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa.

Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa

huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan

ang patlang ng pangungusap o talata upang

maproseso kung anong natutuhan mo mula sa

aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo

upang maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng

buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat

ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong

kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 7: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

v

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng

mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anomang marka o sulat

ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa

pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin

lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-

aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng

tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga

kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-

iisa.

Umaasa kaming, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang

pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 8: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

1

Alamin

Panimula

Pangunahing tunguhin sa pag-aaral ng Araling Panlipunan ang makahubog ng

mamamayang mapanuri, mapagnilay, mapanagutan, produktibo, makakalikasan,

makatarungan at makataong mamamayan ng bansa at daigdig. Ang modyul na ito ay

nakatuon sa pag-aaral ng Ekonomiks. Nilalayon nito na malinang ang kakayahan ng mag-

aaral sa paggawa ng matalinong desisyon na makatutulong sa paglutas sa suliranin ng

kakapusan, upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan. Inaasahan ang

mga kaalaman at mga gawain ng modyul na ito ay makatutulong upang higit na maunawaan

ang mga pangunahing kaisipan at kaalaman lalo na sa sitwasyong kinahaharap ng bansa at

ng buong mundo sa kasalukuyan. Sinisikap na mapaunawa sa mga mag -aaral ang

kahalagahan ng paglinang sa kakayahang gumawa ng mahalagang desisyon na magagamit

lalo na kapag nahaharap sa matinding krisis. Ang mga gawain ng modyul na ito ay dinisenyo

sa simple ngunit sa makabuluhang pamamaraan. Binubuo ang yunit na ito sa mga

sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-

ekonomiya at Pagkonsumo.

Sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nakabubuo ng sariling konsepto ng ekonomiks batay sa natutunang kahulugan.

2. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay bilang isang

mag-aaral at kasapi ng pamilya.

3. Nagkakaroon ng malawak na pag-unawa sa kahalagahan ng pagbuo ng mahahalagang

desisyon sa buhay.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 9: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

2

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot

at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, hango sa salitang oikos na

nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala.

A. Astronomiya B. Kasaysayan C. Ekonomiks D. Siyensya

2.Kung ikaw ay isang taong rasyunal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng

desisyon?

A. Ang mga dinadaluhang okasyon

B. Ang mga hilig at kagustuhan

C. Ang opportunity cost sa pagdedisisyon ng isang bagay

D. Paniniwala, mithiin at tradisyon

3. Ito ay isang Agham Panlipunan na nag-aaral sa kung paano matutugunan ang mga

walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng limitadong

pinagkukunang-yaman.

A. Kasaysayan B. Ekonomiks C. Heograpiya D. Sikolohiya

4. Ito ay kaakibat ng buhay ng tao na naglalarawan sa kaniyang kakayahan at

pinagkukunang-yaman.

A. Kakapusan B. Kakulangan C. Kagustuhan D. Kayamanan

5. Ito ang ginagamit ng tao upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan.

A. Kakayahan

B. Kayamanan

C. Pinagkukunang-yaman

D. Talino

6. Isinulat niya ang aklat na An Inquiry to the Wealth of Nations.

A. Adam Smith B. Alfred Marshall C. Aristotle D. Socrates

7. Ito ang unang katawagan sa ekonomiks ______________.

A. political economy B. political policy C. social economy D. social policy

8. Alin sa mga sumusunod na katanungan ang pinakaangkop na naglalarawan sa

kahulugan ng Ekonomiks?

A. Ano ang kakainin ng Pamilya Reyes sa hapunan?

B. Bakit palaging walang pera si Aling Tinay?

C. Paano mababayaran ang utang ni Mang Pedro?

D. Paano matutugunan ang mataas na pangangailangan sa bigas?

Subukin

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 10: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

3

Balikan

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kahon ng mga sitwasyon na sa tingin mo ay nagpapakita ng isang matalinong desisyon at ekis (x) naman kung hindi.

1. Sumasangguni sa mga kaibigan sa pagpili ng kukuning kurso sa kolehiyo. 2. Mas pinili ni Riza na sumakay ng pedicab para hindi mahuli sa klase kahit ang bahay nila ay 10 metro lamang ang layo mula sa paaralan. 3. Sa pagpili ng ulam sa canteen binili ni Ramon ang kaniyang paboritong chicken joy kahit may baon siyang isda at ampalaya na luto ng kaniyang nanay. 4. Sinisikap ng kapatid ni Lorenz na matahi ang mga lumang notebook na pwede pang masulatan kaysa bumili ng bago. 5. Kahit kapos na sa oras sa pag-aaral para sa malalapit na pasulit, mas pinili muna ni Aljohn ang makipaglaro ng ML sa kaklase.

7. 6. Bago bumili ng sangkap para sa mga lulutuin sa kaniyang karendirya, ay sinusuri muna ni Aling Tessa ang mga presyo at kalidad ng mga ito.

7. Ginugugol ni Lisa ang kaniya vacant time sa paaralan sa pagpunta sa library para makapagbasa ng mga aklat na may kinalaman sa kaniyang bagong aralin.

8. Pinipilit ni George ang kaniyang mga magulang na siya ay mag-enrol sa

Nautical, dahil karamihan sa kaniyang kaklase ay nakagpag-enrol na sa kursong ito.

9. Sinisikap ni Jerry na makahabol sa kaniyang first period na subject kahit huli na siyang gumising.

10. Inipon ni Kayla ang perang ibinigay ng kaniyang tita noong kaarawan niya.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 11: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

4

Tuklasin

ALIN ANG PIPILIIN KO?

Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang pipiliin

mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon at sa ikaapat na

kolum ang dahilan ng iyong pasya.

Option A Option B Desisyon Dahilan 1.Pagpapatuloy ng

pag-aaral sa kolehiyo

Pagtatrabaho

pagkatapos ng high

school

2.Paglalakad papunta

sa paaralan

Pagsakay ng jeep o

tricycle papunta sa

paaralan

3.Paglalaro ng ML sa

internet cafe

Pagpasok sa klase

4.Pananaliksik sa silid-

aklatan

Pamamasyal sa parke

5.Pakikipagkwentuhan

sa kapitbahay

Paggawa ng

assignment

Pamprosesong Tanong:

1.Bakit kailangang isaalang-alang ang mga pagpipilian sa paggawa ng desisyon?

2.Ano ang naging batayan mo sa paggawa ng desisyon? Naging makatuwiran ka ba

sa iyong pasya?

Suriin

Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon

naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga

gawaing inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na

layunin ng bahaging ito ay matutunan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya

tungkol sa ekonomiks. Mula sa mga inihandang gawain at teksto ay inaasahang

magagabayan ka nito upang masagot kung ano ang kahulugan ng ekonomiks sa

pang-araw-araw na buhay bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga impormasyong nasa

ibaba.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 12: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

5

Bawat tao ay gumagawa ng kaniyang sariling desisyon araw-araw. Mayroon siyang

nakakamit na pakinabang sa pagsasagawa nito. Ito ay ang kanyang pagtugon sa kanyang

pangangailangan at kagustuhan. Ang pagdedesisyon ay may mga kabutihang naidudulot sa

kaniyang sarili, ngunit minsan ay nagreresulta ng kapinsalaan. Kung sa gayon mahirap bumuo

ng mga desisyon na kapaki-pakinabang para sa lahat. Kaya, nangangailangan ito ng isang

masusing pag-aaral sa iba’t ibang aspekto ng pagdedesisyon. Ito ang tuon ng Ekonomiks.

Bago dumating ang ika-18 siglo, walang pormal na pag-aaral ang ekonomiks.

Naipakilala ni Adam Smith ang kauna-unahang komprehensibong pag-aaral sa ekonomiks

noong 1776 nang isulong niya ang sistema ng pamilihan batay sa doktrina ng kapitalismo

bilang sagot sa suliranin. Ito ay inilatag sa kanyang aklat na An Inquiry to the Wealth of

Nations.Tinawag na political economy ang dating katawagan ng ekonomiks, dahil ayon sa

isang ekonomista na si Gerardo Sicat, maraming katanungan sa ekonomiya ang may

implikasyong pampulitika at pampublikong patakaran. Napakilala ang ekonomiks bilang

ganap na disiplina noong 1870 sa pangunguna ni Alfred Marshall.

KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano

tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang

limitadong pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na hango

sa salitang oikos na nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala (Viloria,2000).

Ang ekonomiya at sambahayan ay maraming pagkakatulad (Mankiw,1997). Ang

sambahayan tulad ng lokal at pambansang ekonomiya ay gumagawa rin ng mga desisyon.

Nagpaplano ito kung paano mahahati -hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano

hahatiin ang mga limitadong yaman sa maraming pangangailangan at kagustuhan. Ang

pagpapasya ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung magkano ang ilalaan sa

pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na nakapagbibigay ng

kasiyahan sa pamilya.

Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang

desisyon. Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at

serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino at gaano karami ang gagawin. Lumalabas

ang mga batayang katanungang nabanggit ang dahilan sa suliranin sa kakapusan. May

kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at walang katapusan ang

pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng mekanismo sa

pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.

Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao

at may limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang-likas at kapital.

Ang yamang-likas ay maaaring mauubos at hindi na napapalitan sa paglipas ng panahon.

Samantala ang yamang-kapital (capital goods) tulad ng makinarya, gusali, at kagamitan sa

paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring malikha. Sa gayon

kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang pang-

ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat. Tingnan ang pigura sa ibaba.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 13: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

6

Ang kakapusan na pinagtutuunan ng pag-aaral ng ekonomiks ay ang pang-araw araw na

suliraning kinakaharap hindi lamang ng pamayanan at sambahayan, kundi ng bawat

indibidwal pati ang mga mag-aaral na katulad mo.

Ngayon na nabasa mo na ang konsepto sa ekonomiks, tingnan natin ang iyong

kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain.

Gawain: MIND MAPPING

Panuto: Iayos ang ginulong na pigura ng mind map. Isulat sa text box ng mind map ang mga

konseptong nakalahad sa talahanayan sa ibaba. Gamiting batayan sa pagbuo ang

arrows at lines.

Mga Konsepto

Walang katapusang

pangangailangan at

kagustuhan ng tao

EKONOMIKS Kakapusan sa

pinagkukunang-yaman

Pagyamanin

Ano ang

gagawin?

Paano

gagawin?

Para

kanino?

Gaano karami?

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 14: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

7

Mind Map ng Batayang Katotohan sa Pag-aaral ng Ekonomiks

Isaisip

Panuto: Isulat sa patlang ang nawawalang salita na bubuo sa pangungusap.

Ang _______________at _________________ay maraming pagkakatulad

(Mankiw,1997). Ang sambahayan, tulad ng lokal at pambansang ekonomiya, ay gumagawa

rin ng mga desisyon. Nagpaplano ito kung paano mahahati-hati ang mga gawain at

nagpapasya kung paano hahatiin ang mga _____________ sa maraming pangangailangan

at kagustuhan. Ang _______________ ng sambahayan ay maaaring nakatuon sa kung

magkano ang ilalaan sa pangangailangan sa pagkain, tubig, tirahan, at ibang mga bagay na

nakapagbibigay ng _____________ sa pamilya.

Ang pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at

serbisyo ang gagawin, paano gagawin, para kanino at gaano karami ang gagawin. Lumalabas

ang mga batayang katanungang nabanggit dahilan sa suliranin sa _________. May

kakapusan dahil may limitasyon ang mga _________ at walang katapusan ang

pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng __________ sa

pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 15: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

8

Mula sa mga salitang nahanap sa gawaing nasa itaas, gumawa ng isang maikling

sanaysay na nagpapabatid sa konseptong natutunan sa ekonomiks. Magsulat ng hindi

kukulangin sa sampung pangungusap. Gamiting gabay sa pagsulat ang rubriks sa

pagmamarka.

Rubriks:

A. Nagagamit ng wasto ang mg salitang nahanap. - 4

B. Nauugnay ang sanaysay sa konsepto ng ekonomiks. - 3

C.Nakasusulat nang may pagsaalang -alang sa wastong gramatika. - 3__

Kabuuang Puntos 10

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag/tanong. Isulat ang titik ng

tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?

A. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning

pangkabuhayan na kinaharap.

B. Ito ay ang pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga

suliraning pangkabuhayan.

C. Ito ay tumutukoy sa siyensya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa

kanyang pagdedesisyon.

D. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kanyang walang

katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.

2. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia,na hango sa salitang oikos na nangangahulugang bahay, at nomos na pamamahala.

A. Astronomiya B. Ekonomiks C. Kasaysayan D. Siyensya

3. Kung ikaw ay isang taong rasyunal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?

A. Ang mga dinadaluhang okasyon

B. Ang mga hilig at kagustuhan

C. Ang opportunity cost sa pagdedesisyon

D. Ang paniniwala, mithiin at tradisyon

Isagawa

Tayahin

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 16: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

9

4. Nagpaplano ito kung paano mahahati -hati ang mga gawain at nagpapasya kung paano hahatiin ang mga limitadong yaman sa maraming pangangailangan at kagustuhan.

A. Kilusan B. Pamahalaan C. Pamayanan D. Sambahayan

5. Ito ay kaakibat na ng buhay ng tao na naglalarawan sa limitadong pinagkukunang-yaman.

A. Kakapusan B. Kakulangan C. Kagustuhan D. Kayamanan 6. Ito ang tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. A. Kakayahan B. Kayamanan C. Pinagkukunang-yaman D. Talino

7. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng wastong paggamit ng kaalaman sa ekonomiks?

A. Pagbili ng bagong sapatos B. Pagtitipid ng perang kinita sa isang buwan C. Pamamasyal sa mall o pamilihan D. Pagpunta sa Boracay

8. Alin sa mga sumusunod na katanungan ang pinakaangkop na naglalarawan sa kahulugan ng ekonomiks?

A. Paano matutugunan ang mataas na pangangailangan sa bigas? B. Paano mababayaran ang utang ni Mang Pedro? C. Bakit palaging walang pera si Aling Tinay? D. Ano ang kakainin ng Pamilya Reyes sa hapunan?

9. Maraming katanungan sa ekonomiya ang may implikasyong pampulitika at pampublikong patakaran, kaya bago nabuo ang konsepto ng ekonomiks ito ay tinatawag na_____________.

A political economy B. political policy C. social economy D. social policy

10. Sino sa mga sumusunod na mga ekonomista ang nagpakilala sa ekonomiks bilang isang ganap na disiplina noong 1876?

A. Adam Smith B. Alfred Marhsall C. Gerardo Sicat D. Socrates

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 17: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

10

Karagdagang Gawain

REFLECTIVE JOURNAL WRITING

Para lalo pang mapalawak ang iyong kaisipan, sumulat ng isang reflective journal

tungkol sa pangyayari na iyong naranasan na nagpapakita ng kahalagahan sa

paggamit ng iyong kalaaman sa kahulugan ng Ekonomiks. Sikaping magsulat ng hindi

hihigit sa sampung pangungusap. Gamitin ang rubriks bilang gabay sa gawaing ito.

Rubriks para sa pagsusulat ng reflective journal

Mga Krayterya 4 3 2 1

Lalim ng repleksiyon

Napakalalim na nakikita ang pag-uugnayan ng dating kaalaman at karanasan sa bagong kaalaman

Malalim na nakikita ang pag-uugnayan ng dati at bagong kaalaman

Mababaw at hindi gaanong nakikita ang pag-uugnayan ng dati sa bagong kaalaman

Napakababaa na walang pag-uugnayn ang dati at bagong kaalaman

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 18: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

11

Isaisip

1.Ekonomiya 2.Sambahayan 3.Limitadong resources 4.Pagpapasya 5.Kasiyahan 6.Kakapusan 7.Pinagkukunang-yaman 8. Mekanismo

Susi sa Pagwawasto

Balikan

1.√ 2.x 3.x 4.√ 5.X 6.√ 7.√ 8.X 9.√

10.√

Subukin

1.C

2.C

3.B

4.A

5.C

6.B

7.A

8.D

Tayahain Mo

1.D 2.B 3.C 4.B 5.A 6.C 7.B 8.A 9.A 10.B

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 19: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

12

Mga Sanggunian

1. Ekonomiks_Araling Panlipunan_Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, 2015

2.Mankiw, N.Gregory.”Principles pf Microeconomics(1997)”. Harvard University(2013)

3..https://www.slideshare.net/olhen/pagtataya-ng-na

tutuhan-araling-panlipunan

1st GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Page 20: 1st GENERATION MODULES - VERSION 2bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/AP-9-Q... · sumususunod na paksa: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks, Sistemang Pang-ekonomiya at

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]