21
510 2 MGA HARI 11 Pahinga – dalawang pangkat sa kanila ang magbabantay sa Bahay ni Yawe at kay Haring Yoas. 8 Mananatili kayo sa kanyang tabi na may hawak na sandata ang bawat isa, at patayin ninyo ang sinu- mang pumasok sa inyong hanay. Panga- lagaan ninyo ang hari saanman siya mag- punta.” 9 Ginawa nga ng mga pinuno ng mga bantay ang sinabi sa kanila ng punong- paring si Yoyada, at dumating silang ka- sama ang lahat nilang tauhan, ang mga hindi manunungkulan sa Araw ng Pahi- nga, pati ang mga maglilingkod sa araw na iyon. 10 Ipinagkatiwala ni Yoyada sa mga pinuno ang mga sibat at kalasag ni Haring David na nasa Bahay ni Yawe. 11 At pumuwesto ang mga bantay mula sa ti- mog na sulok ng Bahay hanggang hilaga, sa paligid ng altar at ng Bahay ni Yawe. 12 At inilabas ng paring si Yoyada ang anak ng hari, pinutungan ng korona at sinuutan ng mga pulseras, at inihayag at pinahiran bilang hari. Nagpalakpakan ang lahat, nagsigawan at sinabi: “Mabuhay ang Hari!” 13 Nang marinig ni Atalia ang pag-i- ingay ng mga tao, nilapitan niya ang mga taong nakapaligid sa Bahay ni Yawe. Nakatayo ang hari sa tabi ng haligi, ayon sa kaugalian at kasama niya ang mga pinuno at mga taga-ihip ng trumpeta. Masayang-masaya ang mga mamama- yan at hinihipan ang kanilang mga trum- peta. 14 Pagkakita nito, winarak ni Atalia ang kanyang damit at sumigaw: “Katak- silan, kataksilan!” 15 Iniutos ng paring si Yoyada sa mga pinuno: “Paligiran siya at ilabas sa patyo, at patayin ang sinumang magtatangkang magtanggol sa kanya.” Ganito ang iniutos niya dahil naisip niyang “Hindi siya dapat mamatay sa Bahay ni Yawe.” 16 Hinuli nila si Atalia, at pagdating sa palasyo ng hari sa tabi ng pasukan ng mga kabayo ay saka siya pinatay. 17 Pinagtipan ni Yoyada si Yawe, ang hari at ang bayan upang sila ang maging bayan ni Yawe. Pumunta sa templo ng Baal ang lahat ng mamamayan at giniba iyon. 18 Dinurog nila ang mga altar at mga diyus-diyusan at pinatay si Matang pari ng Baal sa harap ng kanyang altar. At naglagay ng mga bantay ang paring si Yoyada sa buong Bahay ni Yawe. 19 Isi- nama niya ang mga pinuno, mga bantay ng hari, mga bantay na Kariteo at ang mga mamamayan, at sinamahan nila ang hari sa palasyo, at pumasok sila sa Pinto ng Mga Bantay. Lumuklok sa trono ng hari si Haring Yoas. 20 Nagalak ang lahat ng mamamayan at naging panatag ang lunsod. Pinatay naman sa tabak si Atalia sa palasyo ng hari. Paghahari ni Yoas sa Juda 1 Pitong taon si Yoas nang magsimu- lang maghari. 2 Ikapitong taon ni Yehu noon, at apatnapung taong naghari si Yoas sa Jerusalem. Si Sibia ng Beer-seba ang kanyang ina. 3 Ginawa ni Yoas ang kalugud-lugod sa paningin ni Yawe habang pinapatnubayan siya ng paring si Yoyada. 4 Ngunit hindi inalis ang mga altar sa burol at patuloy na nag-alay roon ng mga handog at nagsunog ng insenso ang mga tao. 5 Sinabi ni Yoas sa mga pari: “Tanggapin ninyo ang lahat ng pera mula sa mga sagradong abuloy ng mga taong pumupunta para mag- alay sa Bahay ni Yawe, ang perang nakolekta, ang perang inihandog bilang pansariling pa- 12.1 Isinasalaysay ng sumusunod na anim na kabanata ang buhay ng mga kaharian ng Israel at Juda mula kay Yoas hanggang sa pagkawasak ng kaharian ng Israel (na kaharian sa hilaga) noong 721 bago dumating si Kristo. Tumagal ito nang mahigit sa sandaang taon. Nagkaroon ng apat na hari lamang ang Jerusalem na kabisera ng Juda. Naghari ng tig-apatnapung taon ang unang dalawa. Maraming pagkatalo naman sa simula ang nara- nasan ng mga anak ni Yehu sa Israel. Ang kanyang apo sa tuhod, si Yeroboam II, ang magkakamit ng panahon ng kasaganaan sa kanyang mga tagumpay. Saman- tala’y patuloy sa pananakop ang makapangyarihang mga hari ng Asur sa lahat ng dako. Di magtatagal at manganganib ang Israel sa kanilang mga hukbo at kapangyarihan. 12

2 MGA HARI 11 - Bible Claret

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

5102 MGA HARI 11

Pahinga – dalawang pangkat sa kanilaang magbabantay sa Bahay ni Yawe atkay Haring Yoas. 8 Mananatili kayo sakanyang tabi na may hawak na sandataang bawat isa, at patayin ninyo ang sinu-mang pumasok sa inyong hanay. Panga-lagaan ninyo ang hari saanman siya mag-punta.”

9 Ginawa nga ng mga pinuno ng mgabantay ang sinabi sa kanila ng punong-paring si Yoyada, at dumating silang ka-sama ang lahat nilang tauhan, ang mgahindi manunungkulan sa Araw ng Pahi-nga, pati ang mga maglilingkod sa arawna iyon. 10 Ipinagkatiwala ni Yoyada samga pinuno ang mga sibat at kalasag niHaring David na nasa Bahay ni Yawe. 11 Atpumuwesto ang mga bantay mula sa ti-mog na sulok ng Bahay hanggang hilaga,sa paligid ng altar at ng Bahay ni Yawe.

12 At inilabas ng paring si Yoyada anganak ng hari, pinutungan ng korona atsinuutan ng mga pulseras, at inihayag atpinahiran bilang hari. Nagpalakpakan anglahat, nagsigawan at sinabi: “Mabuhayang Hari!”

13 Nang marinig ni Atalia ang pag-i-ingay ng mga tao, nilapitan niya ang mgataong nakapaligid sa Bahay ni Yawe.Nakatayo ang hari sa tabi ng haligi, ayonsa kaugalian at kasama niya ang mgapinuno at mga taga-ihip ng trumpeta.Masayang-masaya ang mga mamama-yan at hinihipan ang kanilang mga trum-peta. 14 Pagkakita nito, winarak ni Ataliaang kanyang damit at sumigaw: “Katak-silan, kataksilan!”

15 Iniutos ng paring si Yoyada sa mgapinuno: “Paligiran siya at ilabas sa patyo,at patayin ang sinumang magtatangkang

magtanggol sa kanya.” Ganito ang iniutosniya dahil naisip niyang “Hindi siya dapatmamatay sa Bahay ni Yawe.”

16 Hinuli nila si Atalia, at pagdating sapalasyo ng hari sa tabi ng pasukan ngmga kabayo ay saka siya pinatay.

17 Pinagtipan ni Yoyada si Yawe, anghari at ang bayan upang sila ang magingbayan ni Yawe. Pumunta sa templo ngBaal ang lahat ng mamamayan at ginibaiyon. 18 Dinurog nila ang mga altar at mgadiyus-diyusan at pinatay si Matang pari ngBaal sa harap ng kanyang altar.

At naglagay ng mga bantay ang paringsi Yoyada sa buong Bahay ni Yawe. 19 Isi-nama niya ang mga pinuno, mga bantayng hari, mga bantay na Kariteo at angmga mamamayan, at sinamahan nila anghari sa palasyo, at pumasok sila sa Pintong Mga Bantay. Lumuklok sa trono ng harisi Haring Yoas.

20 Nagalak ang lahat ng mamamayanat naging panatag ang lunsod. Pinataynaman sa tabak si Atalia sa palasyo nghari.

Paghahari ni Yoas sa Juda• 1 Pitong taon si Yoas nang magsimu-lang maghari. 2 Ikapitong taon ni Yehu

noon, at apatnapung taong naghari si Yoas saJerusalem. Si Sibia ng Beer-seba ang kanyangina. 3 Ginawa ni Yoas ang kalugud-lugod sapaningin ni Yawe habang pinapatnubayan siyang paring si Yoyada. 4 Ngunit hindi inalis angmga altar sa burol at patuloy na nag-alay roonng mga handog at nagsunog ng insenso angmga tao.

5 Sinabi ni Yoas sa mga pari: “Tanggapinninyo ang lahat ng pera mula sa mga sagradongabuloy ng mga taong pumupunta para mag-alay sa Bahay ni Yawe, ang perang nakolekta,ang perang inihandog bilang pansariling pa-

• 12.1 Isinasalaysay ng sumusunod na anim nakabanata ang buhay ng mga kaharian ng Israel at Judamula kay Yoas hanggang sa pagkawasak ng kaharian ngIsrael (na kaharian sa hilaga) noong 721 bago dumatingsi Kristo. Tumagal ito nang mahigit sa sandaang taon.

Nagkaroon ng apat na hari lamang ang Jerusalemna kabisera ng Juda. Naghari ng tig-apatnapung taonang unang dalawa.

Maraming pagkatalo naman sa simula ang nara-nasan ng mga anak ni Yehu sa Israel. Ang kanyang aposa tuhod, si Yeroboam II, ang magkakamit ng panahonng kasaganaan sa kanyang mga tagumpay. Saman-tala’y patuloy sa pananakop ang makapangyarihangmga hari ng Asur sa lahat ng dako. Di magtatagal atmanganganib ang Israel sa kanilang mga hukbo atkapangyarihan.

12

Page 2: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

511 2 MGA HARI 13nata, ang malaya at kusang-loob na ibinigay saBahay ni Yawe. 6 Makatatanggap ang bawat isamula sa kanyang panunungkulan ngunit kaila-ngang ipaayos ninyo ang Bahay ni Yawe saanman may makitang anumang pinsala.”

7 Ngunit sa ikadalawampu’t tatlong taon ngpaghahari ni Yoas, hindi pa rin naipaaayos ngmga pari ang Bahay ni Yawe. 8 Kaya ipinatawagng hari ang paring si Yoyada kasama ang ibapang pari, at sinabi sa kanila: “Bakit hindi paninyo naipaaayos ang Bahay? Mula ngayon,hindi na kayo tatanggap ng pera sa inyongpanunungkulan, kundi ilalaan iyon para sa pag-papaayos ng Bahay.” 9 Pumayag ang mga parina hindi na sila tatanggap ng pera sa mga tao atsila mismo ang mamamahala sa pagpapaayosng Bahay. 10 Kaya nagpagawa ang paring siYoyada ng isang kahon na may butas sa takip.Inilagay niya iyon sa tabi ng altar, sa gawingkanan sa pagpasok sa Bahay ni Yawe, at dooninilagay ng mga paring nasa may mga pintuanang lahat ng perang inialay sa Bahay ni Yawe.

11 Tuwing makikita nilang puno na ang ka-hon, isang kalihim ng hari ang darating at ka-sama ang punong-pari ay kukunin nila at bibi-langin ang pera. 12 At ibibigay naman nila angnabilang na pera sa mga namamahala sa pag-papaayos sa Bahay, na sila namang nagba-bayad mula sa perang ito sa mga karpintero attagalatag ng tisa. 13 Mula rin sa perang ito nilakinukuha ang pambili ng bato, kahoy at lahat ngkailangan sa pagpapaayos sa Bahay ni Yawe.14 Ngunit hindi ginamit sa pagpapagawa ng mgapilak na planggana, panggupit ng mitsa, mang-kok, trumpeta, o anumang bagay na ginto opilak ang perang ibinigay para sa Bahay niYawe, 15 kundi ginamit na lahat para bayaranang mga nag-aayos sa Bahay ni Yawe. 16 Hindihinihingan ng kuwenta ang mga namamahalasa pagbabayad sa mga manggagawa, sapagkatgumagawa sila nang buong tapat. 17 Ang peralamang na iniaalay na hain para sa utang at hainpara sa kasalanan ang para sa mga pari.

18 Umahon noon si Hazael na hari ng Arampara salakayin ang Gat. Nasakop niya iyon atbumaling naman pa-Jerusalem. 19 Kaya kinuhani Yoas na hari ng Juda ang lahat ng maha-halagang bagay na ibinukod at inialay ng kan-yang mga ninunong sina Yosafat, Yoram atOcozias na mga hari ng Juda; pati ang lahat nginialay niya, at lahat ng gintong makita niya sakabang-yaman ng Bahay ni Yawe at sa bahay nghari. At ipinadala niya ang mga ito kay Hazael nahari ng Aram na umalis naman sa Jerusalem nadala ang mga ito.

20 Ang iba pang tungkol kay Yoas at lahat

niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa MgaHari ng Juda.

21 Nagsabwatan laban sa kanya ang ilan sakanyang mga pinuno at pinatay siya sa Bet-Milohabang papunta siya sa Sila. 22 Sina Yozakar naanak ni Simet at Yosabad na anak ni Somer angpumatay sa kanya. Inilibing siya kasama ngkanyang mga ninuno sa lunsod ni David, at siAmasias na kanyang anak ang humalili sakanya bilang hari.

Paghahari ni Yoacaz sa Israel1 Sa ikadalawampu’t tatlong taon ngpaghahari sa Juda ni Yoas na anak ni

Ocozias, nagsimula namang maghari si Yoacazna anak ni Yehu sa Israel sa Samaria; labimpi-tong taon siyang naghari. 2 Ginawa niya angmasama sa paningin ni Yawe at hindi niyatinalikuran kundi patuloy pang ginawa ang mgakasalanan ni Yeroboam na anak ni Nabat, nanagbulid sa Israel sa pagkakasala. 3 Kaya nag-apoy ang galit ni Yawe sa Israel, at sa buongpanahong iyo’y ipinaubaya sila ni Yawe sa mgakamay ni Hazael na hari ng Aram at ni Ben-Hadad na anak ni Hazael.

4 Ngunit nanalangin si Yoacaz kay Yawe, atpinakinggan siya nito sapagkat nakita ni Yaweang kaapihan ng Israel, kung paano sila inaaping hari ng Aram. 5 At binigyan ni Yawe ang Israelng isang tagapagligtas na nagpalaya sa kanilasa pang-aapi ng Aram, kayat muling namuhaynang panatag ang mga Israelita sa kanilang mgatahanan, tulad nang dati.

6 Ngunit hindi nila tinalikuran ang mga ka-salanang ipinagawa ni Yeroboam sa Israel atmaging ang sagradong poste ay nanatili pa ringnakatayo sa Samaria. 7 Walang natira sa hukboni Yoacaz kundi limampung mangangabayo,sampung karwaheng-pandigma at sampun-libong sundalo sapagkat nilipol ng hari ng Aramang lahat at pinalis na parang alikabok.

8 Ang iba pang tungkol kay Yoacaz, lahat ngkanyang ginawa at ang kanyang kagitingan aynasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ng Israel.9 Nahimlay si Yoacaz sa piling ng kanyang mganinuno, at inilibing sa Samaria. At si Yoas nakanyang anak ang nagharing kahalili niya.

Yoas, hari ng Israel10 Sa ikatatlumpu’t pitong taon ng paghahari

ni Yoas sa Juda, nagsimulang maghari si Yoasna anak ni Yoacaz sa Israel sa Samaria; labing-anim na taon siyang naghari. 11 Ginawa niya angmasama sa paningin ni Yawe; hindi niya tina-likuran ang mga kasalanang ipinagawa sa Israelni Yeroboam na anak ni Nabat. 12 Ang iba pang

13

Page 3: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

5122 MGA HARI 13tungkol kay Yoas, ang kanyang kagitingan atang pakikipaglaban niya kay Amasias na haring Juda ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Hari ngIsrael. 13 Nahimlay si Yoas sa piling ng kanyangmga ninuno at inilibing sa Samaria kasama ngmga naging hari ng Israel. At si Yeroboam anglumuklok sa kanyang trono.

Pagkamatay ni Eliseo14 Nang magkasakit nang malubha si Eliseo,

na magdadala sa kanya sa kamatayan, pinun-tahan siya ni Yoas na hari ng Israel at nanangisito sa harap niya at sinabi: “Ama ko! Ama ko!Karwahe at mga kabayo ng Israel!” 15 Sinabi niEliseo sa kanya: “Kumuha ka ng pana at mgapalaso.” Kaya kumuha nga siya ng pana at mgapalaso. 16 At sinabi ni Eliseo sa hari: “Ipatong moang iyong kamay sa pana,” at ipinatong ngaiyon ng hari. At ipinatong ni Eliseo ang kanyangkamay sa kamay ng hari, 17 at sinabi: “Buksanmo ang bintana sa gawing silangan.” Binuksanng hari ang bintana. At sinabi ni Eliseo: “Tudla!”At tumudla nga siya. Sinabi ni Eliseo: “Palaso ngtagumpay ni Yawe, palaso ng tagumpay labansa Aram! Tatalunin mo ang Aram sa Afek hang-gang lubusan mo itong mawasak!” 18 At idi-nugtong pa niya: “Kunin mo ang mga palaso.”Kinuha nga niya. Sinabi ni Eliseo sa hari: “Itudlamo sa lupa.” Tatlong beses na tumudla ang hariat tumigil. 19 Kaya nagalit sa kanya ang tao ngDiyos at sinabi: “Tumudla ka sana nang lima oanim na beses upang sa gayo’y matalo mo angAram hanggang mawasak mo ito nang lubusan.Ngunit ngayon, tatlong beses mo lamang ma-tatalo ang Aram.”

20 Namatay si Eliseo at inilibing. At may su-malakay namang isang pangkat ng mga Moa-bita tulad ng ginagawa nila taun-taon. 21 Mayinililibing noon na isang patay. Pagkakita ngmga tao sa mga Moabita, agad nilang inihagisang bangkay sa libingan ni Eliseo, at nagsitakassila. Ngunit pagsayad na pagsayad ng bangkayng lalaki sa mga buto ni Eliseo, nabuhay anglalaki at tumayo.

22 Inapi ni Hazael na hari ng Aram ang mgaIsraelita sa buong panahon ng paghahari niYoacaz. 23 Ngunit nahabag sa kanila si Yawe atnagmagandang-loob at nagpakita ng malasakitsa kanila dahil sa Pakikipagtipan niya kinaAbraham, Isaac at Jacob, kayat ayaw niya si-lang lubusang wasakin o ipagtabuyang malayosa kanyang mukha. 24 Namatay si Hazael na haring Aram, at ang kanyang anak na si Ben-Hadadang nagharing kahalili niya. 25 At binawi namankay Ben-Hadad ni Yoas na anak ni Yoacaz angmga lunsod na inagaw ni Hazael kay Yoacaz.

Tatlong beses siyang nilupig ni Yoas, at nabawinito sa kanya ang mga lunsod ng Israel.

Amasias, hari ng Juda

1 Sa ikalawang taon ng paghahari saIsrael ni Yoas na anak ni Yoacaz, nag-

simula namang maghari si Amasias na anak niYoas na hari ng Juda. 2 Dalawampu’t limang taonsiya nang magsimulang maghari, at dala-wampu’t siyam na taon siyang naghari sa Jerusa-lem. Ang kanyang ina ay si Yoadin ng Jerusalem.3 Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yawe,ngunit hindi tulad ng kanyang amang si Davidkundi ang kanyang amang si Yoas ang tinularanniya. 4 Hindi pa rin inaalis ang mga altar sa mgaburol, at patuloy pa rin ang mga tao sa pag-aalayng mga handog doon at pagsusunog ng insenso.

5 Nang matatag na ang kanyang paghahari,pinatay niya ang mga pinunong pumatay sakanyang amang hari, 6 ngunit hindi niya pinatayang mga anak ng mga mamamatay-tao bilangpagsunod sa nasusulat sa Batas ni Moises kungsaan iniutos ni Yawe: “Hindi ninyo papatayinang mga ama dahil sa kanilang mga anak, o angmga anak dahil sa kanilang ama; kundi paru-sahan ang bawat isa dahil sa sariling pagkaka-sala.”

7 Nilupig ni Amasias ang sampunlibong Edo-mita sa Lambak ng Asin, at sinakop din ang Batoat tinawag iyong Yoktel na pangalan niyonhanggang ngayon.

8 At nagpadala ng mga sugo si Amasias kayYoas na anak ni Yoacaz na anak naman ni Yehu,na hari ng Israel, para sabihin dito: “Umahon karito at tingnan natin kung sino sa ating dalawaang mas magaling.” 9 Nagpadala ng sagot siYoas na hari ng Israel kay Amasias na hari ngJuda: “Isang palumpong ng Lebanon ang nag-papasabi sa sedro ng Lebanon: ‘Ibigay mo angiyong anak na babae para maging asawa ngaking anak.’ Ngunit dumaan ang mababangisna hayop ng Lebanon at niyurakan ang palum-pong. 10 Nagmamalaki ka ngayon dahil nalupigmo ang mga Edomita. Makuntento ka na la-mang sa iyong katanyagan at manahimik sasarili mong bahay, at baka madisgrasya ka pa atang bayan ng Juda.”

11 Ngunit hindi iyon pinakinggan ni Amasias,kaya umahon si Yoas na hari ng Israel, at hinarapniya ito sa Bet-sames ng Juda. 12 Nilupig ng Israelang Juda, at nagsitakas pauwi ang bawat isa.13 Hinuli ni Yoas na hari ng Israel si Amasias naanak ni Ocozias sa Bet-sames, at dinala saJerusalem.

14

Page 4: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

513 2 MGA HARI 15Gumawa siya ng butas na dalawandaang

metro ang luwang sa pader ng Jerusalem mulasa Pintuan ng Efraim hanggang sa Pintuan saPanulukan. 14 Kinuha niya ang lahat ng ginto atpilak, lahat ng nakita niya sa Bahay ni Yawe atsa kabang-yaman ng bahay ng hari, pati mgabihag, at bumalik sa Samaria.

15 Ang iba pang tungkol kay Yoas, ang kan-yang kagitingan at ang pakikipaglaban niya kayAmasias na hari ng Juda ay nasa Mga Pang-yayari sa Mga Hari ng Israel. 16 Nahimlay si Yoassa piling ng kanyang mga ninuno, at inilibing saSamaria kasama ng kanyang mga ninuno. At siYeroboam na kanyang anak ang nagharingkahalili niya.

17 Tungkol naman kay Amasias: nabuhay pasiya nang labinlimang taon pagkamatay ni Yoasna hari ng Israel. 18 Ang iba pang tungkol kayAmasias ay nasa Mga Pangyayari sa Mga Haring Juda. 19 May mga taong nagsabwatan labansa kanya sa Jerusalem. Kaya nagtago si Ama-sias sa Lakis pero hinabol siya ng mga iyon atpinatay sa lunsod na iyon. 20 Ikinarwahe nilamula roon ang kanyang bangkay, at inilibingsiya sa lunsod ni David, sa Jerusalem kasamang kanyang mga ninuno. 21 At kinuha ng lahat ngmamamayan ng Juda si Ozias (Azarias) nalabing-anim na taong gulang, at inihayag siyanghari bilang kahalili ng kanyang amang si Ama-sias. 22 Muli niyang itinayo ang Elat at ibinalik saJuda, pagkamatay ng kanyang amang hari.

Yeroboam II, hari ng Israel• 23 Nagsimulang maghari sa Samaria si

Yeroboam na anak ni Yoas na hari ng Israel saikalabinlimang taon ng paghahari ni Amasias naanak ni Yoas na hari ng Juda. Apatnapu’t isangtaon siyang naghari. 24 Ginawa niya ang ma-sama sa paningin ni Yawe. Hindi nga niya tina-likuran ang mga kasalanang ipinagawa sa Israelni Yeroboam na anak ni Nabat. 25 Ibinalik niya sadati ang hangganan ng Israel mula sa bungad ngHamat hanggang sa Dagat na Patay ayon sasalita ni Yaweng Diyos ng Israel, sa pamama-gitan ng kanyang lingkod na propetang si Jonas

• 14.23 Ang talatang ito lamang ang inilalaan ngBiblia para sa paghahari ni Yeroboam II na hari ngIsrael (783-743) gayong siya ang nagpanumbalik ngkadakilaan at kasaganaan ng kaharian.

Pinakahuling pagmamagandang-loob lamang ngDiyos para sa hinamak na sambayanan niya ang na-kikita ng awtor sa mga tagumpay ni Yeroboam II.

Ang kasaganaan namang iyon ang nagbigay-daansa pagsasamantala sa sambayanan. Ito ang panahonng pamamahayag nina Propeta Oseas at Amos sakawalang-paniwala ng lahat na magiging maikli ang

naturang kasaganaan sapagkat hindi ito nasasalig sakatarungan. Pagkamatay ni Yeroboam, palapit na sawakas nito ang kaharian ng Samaria.

Sa kabilang dako nama’y patuloy ang pagkakahiwa-hiwalay sa relihiyon. Malayo ang mga Israelitang nasahilaga mula sa sentro ng relihiyon sa Jerusalem, athindi magagawang mapanatili ang kanilang pananam-palataya sa harap ng mga kaugaliang pagano.

• 15.8 Inilalarawan dito ang pagbagsak ng kaha-rian sa hilaga. Nabihag ang Samaria sa taong 721 bago

na anak ni Amitai ng Gat-Hefer. 26 Nakita niYawe ang napakapait na paghihirap ng Israel,alipin man o malaya, at walang makatutulong saIsrael. 27 Ipinasya ni Yawe na huwag pawiin angpangalan ng Israel sa silong ng langit, kayatiniligtas niya ang mga ito sa pamamagitan ngkamay ni Yeroboam na anak ni Yoas.

28 Ang iba pang tungkol kay Yeroboam, lahatng kanyang ginawa at kagitingan, ang pakiki-paglaban niya at kung paano niya naibalik saIsrael ang Hamat at Damasco ay nasa MgaPangyayari sa Mga Hari ng Israel. 29 Namatay siYeroboam at inilibing kasama ng mga hari ngIsrael. At si Zacarias na kanyang anak angnagharing kahalili niya.

Azarias, hari ng Juda1 Nagsimulang maghari si Azarias naanak ni Amasias na hari ng Juda, sa

ikadalawampu’t pitong taon ng paghahari niYeroboam sa Israel. 2 Labing-anim na taon siyanang magsimulang maghari at limampu’t da-lawang taon siyang naghari sa Jerusalem. SiYecolia na taga-Jerusalem ang kanyang ina.

3 Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yawe,gaya ng kanyang amang si Amasias. 4 Ngunithindi pa rin giniba ang mga altar sa mga burol,at nagpatuloy ang mga tao sa pag-aalay ng mgahandog doon at pagsusunog ng insenso.

5 Pinarusahan siya ni Yawe. Nagkasakit siyang ketong, at naging ketongin hanggang mama-tay. Nakatira siya sa isang bukod na bahay, at siYotam na kanyang anak ang namahala sa sam-bahayan ng hari at nakapangyari sa mga ma-mamayan.

6 Ang iba pang tungkol kay Azarias at lahatniyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa MgaHari ng Juda. 7 Namatay si Azarias at inilibing salunsod ni David kasama ng kanyang mga ni-nuno. At si Yotam na kanyang anak ang humalilisa kanya.

Mga huling hari ng Israel• 8 Sa ikatatlumpu’t walong taon ng pag-

hahari ni Azarias sa Juda, nagsimula namang

15

Page 5: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

5142 MGA HARI 15maghari sa Israel sa Samaria si Zacarias na anakni Yeroboam. Anim na buwan siyang naghari.9 Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yawe,tulad din ng kanyang mga ninuno; hindi tina-likuran ang mga kasalanang ipinagawa sa Israelni Yeroboam na anak ni Nabat.

10 Nakipagsabwatan si Sallum na anak niYabes laban kay Zacarias at sinalakay niya ito saYibleam, pinatay, at hinalinhan bilang hari.

11 Ang iba pang tungkol kay Zacarias ay nasaMga Pangyayari sa Mga Hari ng Israel. 12 Kayanatupad ang salita ni Yawe kay Yehu: “Lulukloksa trono ng Israel ang iyong mga anak na lalakihanggang sa ikapat na salinlahi.” At iyon ngaang nangyari.

13 Sa ikatatlumpu’t siyam na taon ng pag-hahari ni Uzias sa Juda, nagsimulang maghari siSallum na anak ni Yabes. Isang buwan siyangnaghari sa Samaria. 14 At naghimagsik si Me-nahem na anak ni Gadi laban sa kanya sa Tirsa.Pumunta siya sa Samaria at pinatay si Sallum salunsod na iyon. Pagkapatay niya kay Sallum,siya ang nagharing kahalili nito.

15 Ang iba pang tungkol kay Sallum at angkanyang pakikipagsabwatan ay nasa Mga Pang-yayari sa Mga Hari ng Israel.

16 Sinakop ni Menahem ang Tapua at pinatayang lahat ng tagaroon. Winasak niya ang nasa-sakupan nito mula Tirsa sapagkat ayaw nilasiyang pagbuksan ng mga pintuan. At winak-wak niya ang sinapupunan ng lahat ng buntis.

17 Nagsimulang maghari sa Israel si Mena-hem na anak ni Gadi sa ikatatlumpu’t siyam nataon ng paghahari ni Azarias sa Juda. Sampungtaon siyang naghari sa Samaria. 18 Ginawa niyaang masama sa paningin Yawe; hindi niya tina-likuran ang mga kasalanang ipinagawa sa Israelni Yeroboam na anak ni Nabat.

19 Sa panahon niya, sinalakay ni Pul na haring Asur ang Israel. At kinailangan ni Menahemna magbigay sa kanya ng sanlibong baretangpilak para tanggapin siya nito bilang kakampi atpanatiliin sa kapangyarihan. 20 Hiningi ni Me-nahem ang pera mula sa lahat ng mayayamanat kinikilalang tao sa Israel para ibigay sa hari ng

Asur: limampung pirasong pilak mula sa bawatisa. Kaya umatras ang hari ng Asur at hindi natumigil pa sa lupain.

21 Ang iba pang tungkol kay Menahem atlahat ng kanyang ginawa ay nasa Mga Pang-yayari sa Mga Hari ng Israel. 22 Nahimlay siMenahem sa piling ng kanyang mga ninuno, atsi Pekaya na kanyang anak ang nagharing ka-halili niya.

23 Sa ikalimampung taon ng paghahari niAzarias sa Juda, nagsimulang maghari sa Israelsa Samaria si Pekayang anak ni Menahem.Dalawang taon siyang naghari. 24 Ginawa niyaang masama sa paningin ni Yawe; hindi niyatinalikuran ang mga kasalanan ni Yeroboam naanak ni Nabat na nagbulid sa Israel sa pagkaka-sala.

25 Naghimagsik laban sa kanya ang kanyangheneral na si Peka na anak ni Romelias. Pi-namunuan nito ang limampung tauhan mula salalawigan ng Galaad at pinuntahan siya nito saSamaria para patayin sa tore ng palasyo. Pagka-patay sa hari, si Peka ang nagharing kahaliliniya.

26 Ang iba pang tungkol kay Pekaya at lahatniyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa MgaHari ng Israel.

27 Sa ikalimampu’t dalawang taon ng pag-hahari ni Azarias sa Juda, nagsimulang magharisa Israel sa Samaria si Pekang anak ni Romelias.Dalawampung taon siyang naghari at ginawaniya ang masama sa paningin ni Yawe. 28 Hindiniya tinalikuran ang mga kasalanan ni Yero-boam na nagbulid sa Israel sa pagkakasala.

29 Sa panahon ni Pekang hari ng Israel, duma-ting si Tiglat-Pileser na hari ng Asur at sinakopang Ayon, Abel-Bet-Maaka, Yanoa, Kedes,Hasor, ang mga teritoryo ng Galaad at Galilea, atang buong lupain ng Neftali; at idineport angmga mamamayan sa Asur. 30 At nakipagsab-watan si Oseas na anak ni Ela laban kay Pekanganak ni Romelias, pinatay ito, at nagharing ka-halili nito. 31 Ang iba pang tungkol kay Peka at salahat ng kanyang ginawa ay nasusulat sa MgaPangyayari sa Mga Hari ng Israel.

kay Kristo. Idineport sa kabilang hangganan ngimperyo ng mga Asirio ang mga tagaroon, at ipinalitnaman sa kabilang lugar ang mga taga-malayongprobinsyang iyon para ihalo sa mga tagabukid. Ganitoang kaugalian ng mga mananakop na Asirio: alisan nglugar at paghalu-haluin ang mga tao para mahadla-ngan ang pag-aalsa.

Mula sa sandaling ito, ang mga Samaritano o mgaIsraelitang tagahilaga ay magiging isang bayan na ngmga mestiso sa lahi at sa relihiyon. Kayat hinding-hindisila ituturing ng mga Israelitang taga-Juda bilang mga

kapantay nila. Pagkaraan ng pitong dantaon, sapanahon ni Jesus, ang mga Samaritano ang magigingmga karatig-bayang dapat iwasan sapagkat masmaraming pagdududa sa isa’t isa kaysa mga ala-ala.

Kaya naglalaho ang pinakaimportante sa mga ka-hariang nagmula kina David at Solomon dalawangdantaon mula nang mamatay si Solomon. Isang pag-asa ang maiiwan sa mga Judio: sa pagdating ngMesiyas, muli niyang pag-iisahin ang Juda at Israel attatawagin niya ang lahat ng nagkalat sa mga bansa(tingnan Ez 37:15).

Page 6: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

515 2 MGA HARI 17Yotam, hari ng Juda

32 Sa ikalawang taon ng paghahari sa Israel niPekang anak ni Romelias, nagsimulang mag-hari si Yotam na anak ni Uzias na hari ng Juda.

33 Dalawampu’t limang taon si Yotam nangmagsimulang maghari, at labing-anim na taonsiyang naghari sa Jerusalem. Si Yerusang anakni Zadok ang kanyang ina.

34 Ginawa niya ang tama sa paningin ni Yawe,tulad ng kanyang ama. 35 Ngunit hindi pa rinwinasak ang mga altar sa burol kaya patuloyang mga tao sa pag-aalay ng mga handog atpagsusunog ng insenso roon.

Itinayo niya ang Pintuan sa Itaas ng Bahay niYawe.

36 Ang iba pang tungkol kay Yotam at sa lahatniyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa MgaHari ng Juda. 37 Nang panahong iyon, ipinadalani Yawe sina Resin na hari ng Aram at Pekanganak ni Romelias laban sa Juda.

38 Namatay si Yotam sa piling ng kanyangmga ninuno, at inilibing kasama nila sa lunsod niDavid, ang lunsod ng kanyang ama. At si Ahazna kanyang anak ang nagharing kahalili niya.

Ahaz, hari ng Juda1 Sa ikalabimpitong taon ng paghahari niPekang anak ni Romelias, nagsimulang

maghari si Ahaz na anak ni Yotam na hari ngJuda. 2 Dalawampung taon si Ahaz nang mag-simulang maghari, at labing-anim na taon si-yang naghari sa Jerusalem. Hindi niya ginawaang tama sa paningin ni Yaweng kanyang Diyos,di tulad ng kanyang amang si David. 3 Lumakadsiya sa mga daan ng mga hari ng Israel atsinunog pa ang kanyang anak na lalaki bilanghandog ayon sa kasuklam-suklam na kaugalianng mga bansang pinalayas ni Yawe mula salupain para mapasa-Israel ang kanilang lupain.4 Nag-alay siya ng mga handog sa mga altar saburol, sa mga dalisdis at sa lilim ng bawatmalabay na punungkahoy.

5 At umahon sina Resing hari ng Aram atPekang anak ni Romelias na hari ng Israel parasalakayin ang Jerusalem. Pinaligiran nila iyonpero hindi nila malupig. 6 Nang panahong iyon,nabawi ni Resing hari ng Aram ang Elat para samga Edomita, at pinalayas doon ang mga Judio.At pinasok ng mga Edomita ang Elat at doon silananirahan hanggang sa panahong ito.

7 Nagpadala ng mga sugo si Ahaz kay Tiglat-Pileser na hari ng Asur para sabihing: “Alipin moako at anak. Pumarito ka at iligtas ako sa mgakamay ng hari ng Aram at ng hari ng Israel nasumalakay sa akin.” 8 Kinuha ni Ahaz ang pilak

at ginto sa Bahay ni Yawe at sa mga kabang-yaman ng bahay ng hari, at ipinadala bilangregalo sa hari ng Asur. 9 Pinakinggan siya ng haring Asur at sinalakay nito ang Damasco; sinakopniya ang lunsod at idineport ang mga mama-mayan sa Kir, at pagkatapos ay pinatay si Resin.

10 Kaya pumunta si Haring Ahaz sa Damascopara makipagkita kay Tiglat-Pileser na hari ngAsur. At nang makita niya ang altar sa Da-masco, ipinadala niya sa paring si Urias angsukat ng altar, pati ang disenyo na kanyangkinopya nang tamang-tama hanggang sa hulingdetalye.

11 Itinayo ng paring si Urias ang altar batay sadisenyong ipinadala ng hari mula sa Damasco.Natapos niya ito bago dumating si Haring Ahaz.12 Pagbalik ng hari mula sa Damasco at pag-kakita niya sa altar, lumapit siya roon at nag-alay ng mga handog. 13 Inialay niya sa altar angkanyang mga sinunog na handog, ibinuhos angalak at ang dugo ng kanyang handog sa mabu-ting pagsasamahan.

14 Inalis niya sa harapan ng bahay – sa pagi-tan ng bagong altar at ng Bahay ni Yawe – angtansong altar sa harap ni Yawe at inilipat ito sagawing hilaga ng bago niyang altar.

15 Inutusan ni Haring Ahaz ang paring si Urias:“Sa malaking altar na ito mo susunugin angpang-umagang handog at mga panggabingalay, ang handog ng hari, at ang handog ng mgamamamayan ng lupain, at ang mga handog napagkain at inumin. Dito mo ibubuhos ang lahatng dugo ng mga susunuging handog at mgaalay. At tungkol naman sa tansong altar, ako naang bahala roon.” 16 Ginawa ng paring si Uriasang iniutos sa kanya ng hari.

17 Dinistrungka ng hari ang mga panel ngmga patungan, inalis ang hugasan sa ibabawniyon at ibinaba rin ang malaking plangganangmula sa ibabaw ng mga tansong toro na sumu-sunong dito, at inilagay sa batong patungan.18 At dahil sa hari ng Asur, inalis niya ang mataasna trono sa loob ng Bahay ni Yawe at ang nasalabas na pasukan ng hari.

19 Ang iba pang tungkol kay Ahaz at sa lahatniyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa MgaHari ng Juda. 20 Nahimlay si Ahaz sa piling ngkanyang mga ninuno at inilibing kasama nila salunsod ni David. At si Ezekias na kanyang anakang nagharing kahalili niya.

Wakas ng kaharian ng Israel sa hilaga1 Sa ikalabindalawang taon ng pag-hahari ni Ahaz sa Juda, nagsimula

namang maghari sa Israel si Oseas na

16

17

Page 7: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

5162 MGA HARI 17

anak ni Ela. Siyam na taon siyang nagharisa lunsod ng Samaria, 2 at ginawa niyaang masama sa paningin ni Yawe perohindi naman kasinsama ng mga naginghari ng Israel.

3 Dumating si Salmaneser na hari ngAsur kasama ang kanyang hukbo parasalakayin si Oseas na sumuko naman atnagsimulang magbayad ng buwis sakanya. 4 Ngunit nabisto ng hari ng Asur namay pakana si Oseas laban sa kanyadahil nagpadala ito ng mga sugo kay Sona hari ng Ehipto, at hindi na nagbabayadng buwis, di tulad ng dati nitong ginagawataun-taon. Kaya dinakip siya ni Salma-neser at ibinilanggo.

5 Sinakop ng hukbo ng hari ang buongIsrael at pumunta sila sa Samaria at ki-nubkob iyon nang tatlong taon. 6 Sa ika-siyam na taon ni Oseas, nabihag ng haring Asiria ang Samaria at ipinadeport angmga Israelita sa Asur. Pinatira niya angmga iyon sa Hala sa baybayin ng IlogHabor sa Gozan, at sa mga lunsod ng mgaMedo.

Mga sanhi ng pagbagsak ng Israel• 7 Nangyari ito dahil nagkasala ang

mga anak ng Israel kay Yaweng kanilangDiyos na siyang naglabas sa kanila mulasa lupain ng Ehipto sa ilalim ng ka-pangyarihan ni Paraon. Sumamba silasa mga diyus-diyusan, 8 at sumunod samga kaugalian ng mga bansang pina-layas ni Yawe para mapasa-Israel anglupain.

9 Maraming ginawa nang lihim ang mgaanak ng Israel na hindi bagay kay Yawengkanilang Diyos. Nagtayo sila ng mga altarsa lahat ng bayan, mula sa mga torengbantayan hanggang sa mga napapader-ang bayan. 10 Naglagay sila ng mga re-bulto at sagradong poste sa lahat ng burolat sa lilim ng bawat mayabong na puno.11 Doon sila nagsunog ng insenso sa mgaaltar sa kaburulan, gaya ng mga bansangpinalayas ni Yawe sa harap nila.

Gumawa sila ng mga kasamaan naikinagalit ni Yawe. 12 Pinaglingkuran nilaang kasuklam-suklam nilang mga diyus-diyusan sa kabila ng sinabi sa kanila niYaweng “Huwag ninyong gawin ito.” 13 Bi-nalaan ni Yawe ang Israel at Juda sa pa-mamagitan ng mga propeta na nakaka-kita ng pangitain: “Talikuran ninyo ang

• 17.7 Naglaho ang kaharian ng Israel nangmalupig ng mga Asirio ang Samaria. Napakaliit atnakabukod ito para labanan ang makapangyarihangkaratig-bansa. Gayunpaman, ipinadidiskubre sa atinng Biblia ang mas malalim na sanhi ng kapahamakangito: nagtaksil sila kay Yaweng kanilang Diyos.

Pinaglingkuran nila ang kasuklam-suklam nilangmga diyus-diyusan.

Gayong imahen ang unang kahulugan ng diyus-diyusan, ang mga imahen ni Kristo at ng kanyang mgalingkod ay hindi diyus-diyusan gaya ng akala ng mgamay makitid na pag-iisip. Ang diyus-diyusan ayanumang iniidolo natin at ipinapalit sa iisang Diyos saating puso at buhay. Siya ang Diyos na buhay nanagbibigay-buhay sa lahat ng naglilingkod sa kanya.

Naghahatid naman ng pagkakasakit at kalituhan angmga diyus-diyusan sa lipunang naglilingkod sa mgaito. Maging ang mga ito’y mga kasangkapan, mgasangkap ng maluhong buhay, mga diyus-diyusanglaman at dugo, tuwing pipiliin natin sila, lagi natingnadaramang malungkot tayo at di-malinis.

Subalit may iba pang kahulugan ang pagsasadiyus-diyusan ng Israel. Ang mga diyus-diyusan ang sagisagat instrumento ng banyagang kulturang walangkinalaman sa kanila. Kasama ng mga diyus-diyusan

ang mga Kananeo at mga Asirio, inimporta rin nila angpagsamba sa sex, kasakiman at karahasan. Kinali-mutan nila ang mga problema ng kanilang lipunan atnawala ang pagkauhaw sa katarungan na kanilangmana.

Ganito rin ngayon ang pagkaalipin ng mga tao samga diyus-diyusan ng konsumerismo… Buong mgapamilya ang nangangayupapa sa harap ng TV, mga“deboto” sa panonood ng mga komersiyal ng kasa-kiman, mga kung anu-anong palabas at ng kunganumang plano para sa kanila ng isang konsume-ristang lipunan. Kayat nawawalang-kakayahan sila napaunlarin ang kanilang buhay sa tunay nilang kalaga-yan. At nagiging magandang pangarap na lamang angpagtatayo ng bansa sa katarungan.

Sumunod sila sa mga diyus-diyusang walang-saysay at sila mismo’y nawalang-kabuluhan din (15).Sasabihin din ni Jeremias: “Naglingkod sila sa mgabanyagang diyos kayat ipadadala ko silang alipin sa mgalupaing banyaga” (Jer 16:13). Tingnan din ang MgaHukom 3:7 at Rom 1:24. Kaya sa pagwawalang-halagasa Diyos nagmumula ang pagkabulok ng tao. At isangmapang-aliping lipunan ang inihahanda ng sinumangnaglilingkod sa sarili niyang mga pagnanasa at hanga-rin.

Page 8: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

517 2 MGA HARI 17

inyong masasamang gawi at sundin angaking mga utos at tuntunin, ayon sa mgabatas na iniutos ko sa inyong mga ninunoat ipinahatid sa pamamagitan ng akingmga lingkod na propeta.”

14 Ngunit hindi sila nakinig, at tumanggiring gaya ng kanilang mga ninunong hindinaniwala kay Yaweng kanilang Diyos.15 Binale-wala nila ang kanyang mgabatas at ang pakikipagtipang itinakdaniya sa kanilang mga ninuno, pati angmga babalang ibinigay niya sa kanila.Sumunod sila sa mga diyus-diyusangwalang-saysay at sila mismo’y nawalang-kabuluhan din sa pagtulad nila sa mgabansang nakapaligid sa kanila, sa kabilang sinabi ni Yawe: “Huwag ninyo silangtularan.”

16 Tinalikuran nila ang lahat ng utos niYawe at gumawa ng dalawang guyangtanso. Gumawa sila ng mga sagradongposte at lumuhod sa harap ng lahat ngbituin sa langit, at sumamba sa Baal.

17 Sinunog nila bilang handog ang kani-lang mga anak na lalaki at babae, nang-hula sila at nangkulam, at ipinagbili angsarili sa paggawa ng masama sa paninginni Yawe na ikinagalit nito.

18 Kaya labis na napoot si Yawe sa Israelat itinapon sila nang malayo sa kanya, atang tribu lamang ng Juda ang itinira.

19 Ngunit hindi rin sinunod ng Juda ang mgautos ni Yaweng kanilang Diyos kundi ginaya angmga kaugalian ng Israel. Kaya itinakwil ni Yaweang buong lahi ng Israel. 20 Hinamak sila atipinaubaya sa mga kamay ng mga mangungu-limbat hanggang dumating ang araw na itaponniya silang malayo sa kanya.

21 Nang humiwalay ang Israel sa kaharian niDavid at hiranging hari si Yeroboam na anak niNabat, inilayo niya ang mga ito kay Yawe. Kaya

pinapagkasala niya nang malubha ang mga ito.22 Sinundan ng mga Israelita si Yeroboam salahat niyang kasalanan, at hindi na tumigil23 hanggang itapon ni Yawe ang Israel nangmalayo sa kanya gaya ng sinabi niya sa pama-magitan ng kanyang mga lingkod na propeta.Kaya pinalayas sa sariling lupain ang Israel atidineport sa lupain ng Asur hanggang ngayon.

Ang simula ng mga Samaritano• 24 Pinapunta ng hari ng Asur ang mga taga-

Babilonia, Cuta, Ava, Hamat at Sefarvayim atpinatira sa mga bayan ng Samaria kapalit ngmga Israelita. Inokupa ng mga taong ito anglupain ng Samaria at nanirahan sa mga bayannito.

25 Sa simula ng kanilang pagtira roon, hindinila sinamba si Yawe kayat nagpadala si Yaweng mga leon na pumatay sa marami sa kanila.26 At sinabi ito sa hari ng Asur: “Hindi alam ngmga taong idineport mo at pinatira sa mgalunsod ng Samaria kung paano dapat para-ngalan si Yaweng Diyos ng lupaing iyon kayatnagpadala siya ng mga leon na pumapatay sakanila.”

27 Kaya iniutos ng hari ng Asur: “Pabalikin saSamaria ang isa sa mga paring idineport natinmula roon. Maninirahan siyang kasama ng mgataong iyon para turuan sila kung paano para-rangalan ang Diyos ng lupaing iyon.” 28 Kayadumating ang isa sa mga paring ipinadeportmula sa Samaria, nanirahan ito sa Betel attinuruan ang mga tao kung paano pararangalansi Yawe.

29 Subalit gumawa ng sariling diyos angbawat isa sa mga bansang ito sa kani-kanilanglunsod na tirahan, at inilagay ang mga iyon samga Bahay sa burol na itinayo ng mga taga-Samaria. 30 Gumawa ng isang Sukot ang mgataga-Babilonia, gumawa ng isang Nergal angmga taga-Cuta, ng isang Asima ang mga taga-Namat, 31 ng mga Nimhaz at Tartak ang mgataga-Ava. Sinunog naman ng mga taga-Sefar-vayim ang kanilang mga anak sa karangalannina Adramelek at Anamelek na kanilang mgadiyos.

32 Pinarangalan nga nila si Yawe pero humi-rang din sila ng mga pari mula sa sarili nilang

• 24. Dumaranas ng mga paghihirap ang mgadayuhang dinala sa Samaria. Nagbubunga ito ng ka-balisahan sa relihiyon sa kanila: “Galit kaya sa atin angdiyos ng lupaing ito dahil hindi tayo nag-aalay sa kanyang mga handog?”

Sa harap ng reaksyong ito ng mga taong relihiyosopero sinauna ang kultura, binibigyang-diin ng sumulatang mga hinihingi ng pananampalataya:

– hindi sapat ang parangalan si Yawe kasama ngibang mga diyos. Siya lamang ang kaisa-isahan, athinihingi niyang wasakin ng tao ang lahat ng diyos nainimbento nito;

– hindi sapat ang mag-alay ng mga handog kayYawe: ang pagtupad sa kanyang kalooban angkailangan.

Page 9: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

5182 MGA HARI 17lahi, na naglingkod para sa kanila sa mga Bahaysa burol. 33 Pinarangalan nila si Yawe pero kasa-bay namang pinaglingkuran din ang kanilangmga diyos, ayon sa mga kaugalian ng mgabansang kanilang pinagmulan.

34 Hanggang sa araw na ito’y sinusunod nilaang matatanda nilang kaugalian.

Hindi nila pinarangalan si Yawe. Hindi nganila sinunod ang mga tuntunin at kaugalian, angBatas o mga utos na ibinigay ni Yawe sa mgaanak ni Jacob na pinangalanan niyang Israel.35 Nakipagtipan si Yawe sa kanila at iniutos:“Huwag kayong sasamba sa ibang diyos, oyuyuko sa harap nila o maglilingkod sa kanila omag-aalay sa kanila ng mga handog. 36 Si Yawelamang na naglabas sa inyo mula sa lupain ngEhipto sa lakas ng kanyang braso ang inyongsasambahin; sa kanyang harapan lamang kayoyuyuko at sa kanya lamang kayo mag-aalay ngmga handog. 37 Sundin ninyo ang mga tuntunin,mga pasya, ang Batas at mga utos na isinulatniya para sa inyo. Tuparin ninyo ang mga itomagpakailanman at huwag sasamba sa ibangmga diyos. 38 Huwag ninyong limutin ang pa-kikipagtipan ko sa inyo at huwag kayong sa-samba sa ibang diyos. 39 Kay Yaweng inyongDiyos lamang kayo sasamba at palalayain niyakayo sa kamay ng lahat ninyong kaaway.”

40 Ngunit hindi sila nakinig kundi ginawa parin ang nakaugalian na nila.

41 Kaya sumamba kay Yawe ang mga taongito kasabay ng paglilingkod din sa kanilang mgadiyos. At pagkatapos ay ipinagpatuloy namanng kanilang mga anak at ng mga anak ngkanilang mga anak ang gawain ng kanilang mganinuno.

Ezekias, hari ng Juda• 1 Sa ikatlong taon ng paghaharisa Israel ni Oseas na anak ni Ela,

nagsimula namang maghari sa Juda siEzekias na anak ni Ahaz.

2 Dalawampu’t limang taon siya noon,at dalawampu’t siyam na taon siyangnaghari sa Jerusalem. Si Abiyang anak niZacarias ang kanyang ina. 3 Ginawa niyaang tama sa paningin ni Yawe tulad ngkanyang ninunong si David.

4 Siya ang nag-alis ng mga altar saburol, winasak niya ang nakatayong mgabato at pinutol ang mga sagradong poste.

Sinira rin niya ang tansong ahas naginawa ni Moises sa disyerto sapagkathanggang sa panahong iyo’y pinag-aalayan pa ito ng mga Israelita at tinawagna Nehustan.

5 Nagtiwala siya kay Yawe nang higit sasinumang hari ng Juda na nauna o su-munod sa kanya, at hindi siya kailanmanlumayo kay Yawe. Sinunod niya ang mgautos na ibinigay ni Yawe sa pamamagitanni Moises. 6 Kaya sumakanya si Yawe:nagtagumpay siya sa lahat ng kanyangginawa. 7 Naghimagsik siya laban sa haring Asiria at hindi na napailalim dito. 8 Ni-lupig niya ang mga Pilisteo hanggangGaza, at sinakop ang kanilang mga lupain

• 18.1 Nagsisimula ang huling bahagi ng mgaaklat ng Mga Hari: ang kasaysayan ng nag-iisangkaharian ng Juda. Pinasisigla ng pagbagsak ng Sama-ria at paglalaho ng kaharian sa hilaga ang pagpapani-bago sa relihiyon sa timog.

Ginawa ni Ezekias ang tama sa paningin ni Yawe.Ito ang panahong kakampi ni Haring Ezekias (716-687 bago kay Kristo) si Propeta Isaias. Kung hindi mansiya nagkaroon ng kahit na kaunti ng pananampala-taya ni David, itinalaga niya ang sarili sa pagtataguyodsa katapatan kay Yawe.

Siya ang nag-alis ng mga altar sa burol. Mapa-pansin natin dito ang pagsisikap ng mga hari ng Judapara di magkaroon ng iba pang lugar ng pagsambaliban sa Templo ng Jerusalem. Nagpupunta ang mgatao sa maraming santuwaryo sa mga probi-probinsyapara mag-alay ng kanilang mga handog kay Yawe nakaraniwa’y nahahaluan ng maraming kaugaliangpagano. Sa pagtatampok sa monopolyo ng Templo ngJerusalem kung saan pinangangalagaan ng mga pariat mga Levitang may pinag-aralan ang kadalisayan ng

pananampalataya, pinapaboran ni Ezekias ang re-porma sa relihiyon.

Tungkol naman sa tansong ahas na sinira niEzekias, tingnan ang Blg 21:4.

Totoo rin na maraming pari at Levitang tumakas sahilaga ang dumating sa timog sa mga huling araw ngSamaria. Nagawa ng ilan sa kanila na panatilihin angpananampalataya kay Yawe at ang pagkakaisa ngrelihiyon. Dala nila ang mga sagradong libro at mara-ming matatandang tradisyon tungkol kay Moises at sanakaraan ng Israel. Magiging napakahalaga ng pang-yayaring ito para sa pagsulat sa Biblia at sa reporma niYosias sa susunod na dantaon (2 H 22).

Sa taong 701 bago kay Kristo, kinubkob ni Sena-kerib ang Jerusalem at kinailangang magbayad nangmalaki si Ezekias para palayuin ito.

Mula sa 18:17 hanggang sa wakas ng kabanata 19,matutunghayan natin ang mahimalang pagpapalayasa Jerusalem. Sa totoo’y may dalawang salaysay namaaaring nagsasaad ng dalawang magkasunod napagpapalaya sa dalawang pagsalakay ng mga Asirio.

18

Page 10: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

519 2 MGA HARI 18

mula sa mga toreng bantayan hanggangsa napapaderang mga lunsod.

9 Sa ikapat na taon ng paghahari niEzekias na ikapitong taon naman niOseas na anak ni Ela na hari ng Israel,sinalakay ni Salmaneser na hari ng Asiriaang Samaria at kinubkob ito. 10 At pagka-raan ng tatlong taon, nasakop niya anglupain. Sa ikanim na taon ni Ezekias, nasiya namang ikasiyam na taon ni Oseasna hari ng Israel, nasakop ang Samaria.11 Ipinadeport ng hari ng Asiria ang mgaIsraelita sa Asiria at pinatira ang mga iyonsa Hala, sa itaas ng Habor na ilog ngGozan at sa mga lunsod ng mga Medo.

12 Nangyari ito sapagkat hindi nila pi-nakinggan ang tinig ni Yaweng kanilangDiyos, at sumira sila sa kanyang Tipan;hindi nila pinakinggan o isinagawa anginiutos ni Moises na lingkod ni Yawe.

Pagsalakay ni Senakerib• 13 Sa ikalabing-apat na taon ng pag-

hahari ni Ezekias, nilusob ni Senakerib nahari ng Asiria ang lahat ng napapaderanglunsod ng Juda at sinakop ang mga iyon.14 Nagpasabi si Ezekias na hari ng Juda

kay Senakerib na nasa Lakis: “Hindi tamaang ginawa ko. Itigil mo ang iyong pag-salakay at gagawin ko ang lahat ng sa-sabihin mo.” Pinapagbayad ng hari ngAsiria si Ezekias ng tatlundaang baretangpilak at tatlumpu ng ginto.

15 At ibinigay sa kanya ni Ezekias anglahat ng perang nakuha sa Bahay ni Yaweat sa mga kabang-yaman ng palasyo nghari. 16 Nang panahong iyon, iniutos niEzekias na tanggalin sa mga pintuan ngBahay ni Yawe ang mga gintong ipinala-muti niya mismo sa mga iyon, at ibinigayniya ito sa hari ng Asiria.

17 Mula sa Lakis, sinugo ng hari ngAsiria ang isa sa kanyang mga heneralkasama ang isang malaking hukbo kayHaring Ezekias sa Jerusalem. Umahonsila sa Jerusalem at tumigil sa may pada-luyan ng tubig ng Tangkeng nasa Itaas sadaan ng Bukid ng Tagapaglaba. Tinawagng heneral ang hari, 18 at dumating siEliakim na anak ni Helkias na tagapama-hala ng palasyo kasama ang sekretar-yong si Sobna at ang tagapagtalang siYoas na anak ni Asaf.

19 Sinabi ng heneral sa mga ito: “Sa-

Makipagkasundo kayo sa akin at sumuko (b. 31).Nagmumungkahi ng kapayapaan ang hari ng Asiria sakundisyong ipadedeport ang mga taga-Jerusalem.Nangangahulugan ito para sa mga Judio ng pagkawalang kanilang pambansa at panrelihiyong buhay sapangangalat nila sa ibang mga bayan. Nanganga-hulugan din ito na wala nang kapangyarihan ang mgainapo ni David at ayon sa kaisipan ng panahong iyon,nalupig na rin si Yawe ng mga diyos ng mga mana-nakop. At dahil sa mga dahilang ito kaya kikilos siYawe.

Inaanyayahan tayo ng mga pangyayaring ito namaniwala sa pagsaklolo ng Diyos. Kapag nangakosiyang kikilos, hindi siya magkukulang sa kanyangpangako kung hindi tayo magsasawang umasa sakanya. Laban sa lahat ng inaasahan ng tao, hindi pa rinnagagalaw ang Jerusalem. Ito ang larawan ng pinu-nong gustong ibagsak ng mga tao dahil sa kanyangkatapatan at nananatili naman siyang matatag. Ito angestudyanteng may isang salita kahit na pagtawanan ngkanyang mga kabarkada ang kanyang pananampa-lataya. Ito ang mga kabataang nananatiling malinis saisang kulturang walang moralidad. Ito ang Iglesya nanangaunti na sa iilang mananampalataya at parangnalupig na ng mga puwersang pulitikal subalit lagi paring nagtatagumpay.

• 13. Taong 701, pinapunta ng hari ng Asur angkanyang mga heneral mula sa Lakis para pasukuinsi Ezekias. Pero kailangang bumalik siya sa kanyanglupain at hindi niya natupad ang kanyang mgabanta. Isinasalaysay ito sa 18:17-19 at nagtataposnaman sa 19:36-37.

Taong 690, bagong pakikisangkot na isina-salaysay sa 19:10-35. Sa pagkakataong iyon,“lumabas ang Anghel ni Yawe at pinatay ang san-daa’t walumpu’t limang libong sundalo sa kampong mga Asirio”. Isinasalaysay ni Herodoto na kila-lang paganong manunulat ng kasaysayan ang big-lang pagkalipol ng hukbong ito dahil sa isang epi-demya. Isang napakanatural na pangyayari! Subalitsa mismong panahong pabagsak na ang Banal naSiyudad at parang mabibigo ang mga pangako ngDiyos, may ilang mga dagang nagkakalat ng naka-mamatay na virus. Hindi nagkakamali ang awtor ngBiblia sa pagkakita niya rito ng isang pagpapahayagng Diyos. Lumaya ang Jerusalem gaya ng ibinalitani Isaias.

Halos inuulit lamang sa aklat ni Isaias kab. 36 at37 ang dalawang kabanatang ito. Kaya naman angsalaysay ng unang pagpapalaya ang binibigyang-pansin natin dito. At sa Isaias 37 naman binibig-yang-diin ang ikalawang pagpapalaya.

Page 11: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

5202 MGA HARI 18

bihin ninyo kay Ezekias ang mensahengito ng dakilang hari ng Asiria: Ang lakinaman ng tiwala mo! 20 Akala mo’y maru-nong ka at may lakas sa labanan, peromagaling ka lamang sa salita. At sino angpinanananganan mo sa paghihimagsik saakin?

21 Nananangan ka sa Ehipto, isang ba-ling tungkod na bumubutas sa palad ngsumasandig sa kanya. Ganyan si Paraonghari ng Ehipto para sa lahat ng suma-sandig sa kanya. 22 Maaari rin namangsabihin mo sa akin: ‘Kay Yaweng Diyosnamin lamang kami sumasandig.’ Di ba’tkanya ang mga dambana at mga altar saburol na ipinaalis ni Ezekias nang sabihinnito sa mga taga-Juda at Jerusalem: ‘Saaltar na ito lamang kayo sasamba?’

23 Kaya makipagkasundo sa hari ngAsiria na aking panginoon. Bibigyan kitang dalawanlibong kabayo kung may sa-pat kang mangangabayo. 24 Pero ni hindimo nga kayang paurungin ang pinaka-mahinang heneral ng aking panginoon!Ikaw na sa Ehipto umaasa para sa mgakarwahe at mangangabayo! 25 Sa akalamo ba’y aahon ako para lusubin at wa-sakin ang lupaing ito nang walang pahin-tulot ni Yawe? Siya mismo ang nagsabi saakin na magpunta rito at sakupin ito.”

26 At sinabi nina Eliakim, Sobna at Yoassa heneral: “Maaari kayang sa Arameoninyo kausapin ang inyong mga lingkoddahil iyon ang naiintindihan namin.Huwag sana kayong magsalita sa amin saHebreo nang naririnig ng mga nasa taasng pader.”

27 Ngunit sinabi ng heneral: “Sa akalaba ninyo’y sa inyong panginoon at sa inyolamang ako sinugo ng aking panginoonpara sabihin ang mga bagay na ito at hindisa mga taong nakaupo sa pader nakasama ninyong kakain ng inyong dumiat iinom ng inyong ihi?”

28 At tumindig ang heneral at sumigawnang malakas sa wikang Hebreo: “Pa-kinggan ninyo ang salita ng dakilang hari

ng Asiria: 29 H’wag kayong palinlang kayEzekias! Hindi niya kayo maililigtas!30 H’wag kayong maniwala sa kanyakapag sinabi niyang dapat magtiwala kayYawe, na kayo’y tiyak na ililigtas ni Yaweat hindi niya ibibigay ang lunsod na ito sakamay ng hari ng Asiria. 31 H’wag si Eze-kias ang pakinggan ninyo kundi ang haring Asiria na nagsasabing: ‘Makipag-kasundo kayo sa akin at sumuko.’ At ma-kakakain ang bawat isa sa kanyang uba-san at puno ng igos, at iigib ng tubig mulasa kanyang balon. 32 At darating ako atdadalhin kayo sa isang lupaing tulad ng sainyo, sa lupain ng mga trigo at bagongalak, lupain ng tinapay at ubasan, ng la-ngis at pulot-pukyutan. Kaya mabubuhaykayo, sa halip na mamatay sa gutom!

Huwag kayong palinlang kay Ezekiasna nagsasabi sa inyo na ililigtas kayo niYawe. 33 Nailigtas ba ng mga diyos ng mgabansa ang kanilang lupain mula sa kamayng hari ng Asiria? 34 Nasaan ang mgadiyos ng Hamat at Arpad? Nasaan na angmga diyos ng Sefarvayim, Hena at Iva?Nailigtas ba nila ang Samaria sa akingkamay? 35 Sino sa mga diyos ng mga lu-paing ito ang nakapagligtas ng kanyangbayan sa aking mga kamay? Paano nga-yon maililigtas ni Yawe ang Jerusalem saaking mga kamay?”

36 Nanatiling walang imik ang lahat sa-pagkat utos ng hari na huwag silang sa-sagot.

37 At bumalik kay Ezekias si Eliakimkasama sina Sobna at Yoas na punit angmga damit, at sinabi sa kanya ang winikang heneral.

1 Nang marinig ito ni Haring Eze-kias, pinunit niya ang kanyang

damit, nagsuot ng sako at pumunta saBahay ni Yawe. 2 Pinapunta niya kay Pro-peta Isaias na anak ni Amos si Eliakimna tagapamahala ng palasyo, si Sobnangsekretaryo at ang mga nakatatandangpari na pawang nakadamit ng sako. 3 At

19

Page 12: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

521 2 MGA HARI 19

sinabi nila kay Isaias: “Ito ang ipinasasabini Ezekias: Araw ngayon ng pagkabalisa,parusa at kahihiyan, gaya ng kung pa-anong may sanggol na isisilang ngunitwalang lakas na mailuwal. 4 Marinig sanani Yawe ang mga salita ng heneral nasinugo ng kanyang panginoong hari ngAsiria. Pagalitan sana siya ni Yawengiyong Diyos dahil sa mga katagang bini-tiwan niya, na hinahamak ang Diyos nabuhay. Kayat ipanalangin mo ang ilan saating nangalabi.”

5 Nang dumating kay Isaias ang mgaopisyal ni Haring Ezekias, 6 sinabi niya samga ito: “Sabihin ninyo sa inyong pangi-noon ang salitang ito ni Yawe: Huwagmatakot dahil sa narinig mong kalapas-tanganang pinagsasabi laban sa akin ngmga kampon ng hari ng Asiria. 7 Makinigka! Liligaligin ko siya sa mga balita kayababalik siya sa kanyang bansa at doonsiya mamamatay sa tabak.”

8 Umalis nga ang heneral at nang ma-balitaan niyang umalis ang hari sa Lakis,natagpuan niya ito na nakikipaglaban saLibna. 9 Nabalitaan pala ni Haring Sena-kerib na sasalakayin siya ni Tirhakangharing Kusita ng Ehipto.

Sulat ng hari ng Asur kay Ezekias10 Kaya muli siyang nagpadala kay Ezekias

ng mga sugong tinagubilinan niya ng ganito:“Sabihin ninyo kay Ezekias na hari ng Juda:Huwag kang palinlang sa iyong Diyos na pina-nanaligan mo dahil sa sinabi niyang hindi ma-huhulog ang Jerusalem sa mga kamay ng haring Asiria. 11 Tiyak na narinig mo na kung anoang ginawa ng mga hari ng Asiria sa mgalupaing kanilang winasak. At maliligtas ka ba?12 Iniligtas ba ng mga diyos ang mga lupaingwinasak ng aking mga ninuno? Ang Gozan atHaran, ang Resef at ang mga taga-Eden na nasaTel-asar? 13 Nasaan ang mga hari ng Hamat, ngArpad, ng lunsod ng Sefarvayim, ng Hena at ngIva?”

14 Kinuha ni Ezekias sa mga sugo ang sulat atpagkabasa’y nagpunta sa Bahay ni Yawe. Ini-ladlad niya iyon sa harap ni Yawe at 15 nana-langin: “O Yaweng Diyos ng Israel na nakalukloksa trono sa mga kerubim! Tanging ikaw ang

Diyos ng lahat ng kaharian sa lupa; ikaw anglumikha ng langit at lupa. 16 Makinig ka, Yawe, atako’y dinggin! Buksan ang iyong mga mata attumingin! Pakinggan ang mga salitang ipinadalani Senakerib para hamakin ang Diyos na buhay!17 Totoo nga, Yawe, na nilipol ng mga hari ngAsiria ang lahat ng bansa at lupain. 18 Sinunognila’t winasak ang mga diyos ng mga iyonsapagkat hindi naman tunay na mga diyos kundimga kahoy at batong likha lamang ng kamay ngtao. 19 Ngayon, O Yaweng Diyos namin, iligtasmo kami sa kanyang kamay upang malaman nglahat ng kaharian sa lupa na tanging ikaw, Yawe,ang Diyos.”

Pumasok si Isaias sa mga pangyayari20 At ipinasabi ni Isaias na anak ni Amos kay

Ezekias: “Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ngIsrael: “Dininig ko ang iyong panalangin tungkolkay Senakerib ng Asiria. 21 Ito ang sinabi ni Yawelaban sa kanya:

‘Minamata ka at pinagtatawanan ng Dala-gang Sion;

umiiling sa likuran mo ang Dalagang Jerusa-lem.

22 Sino’ng hinamak mo’t nilapastangan,sinigawa’t tinitigan?Ang Banal ng Israel!23 Sa ’yong mga sugo, hinamak mo ang Pa-

nginoonSapagkat sinabi mo: Sa dami ng karwahe ko,naakyat ko ang napakatataas na mga bun-

dok,ang pinakamatayog na lugar ng Lebanon.Pinutol ko ang pinakamatataas niyang sedro,ang pinakamagagandang mga sipres.Narating ko ang pinakamalalayong tuktokat masusukal na gubat.24 Naghukay ng mga balon at uminom;tinuyo ng aking mga talampakan ang lahat

ng batis ng Ehipto.25 Hindi mo ba naririnig na itinakda ko na ito

noon pa mang una?Isasagawa ko ngayon ang binalak ko noon:gigibain ang napapaderang mga lunsodat gagawing bunton ng mga guho.26 Nanlulupaypay ang mga tagaroon,gulung-gulo at nasisiraan ng loob,tulad ng damo at murang halaman,ng damo sa mga bubungan,na nalalanta na bago pa man sumupling.27 Alam ko kung kailan ka tumatayo o na-

uupo,at kung kailan ka galit sa akin.

Page 13: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

5222 MGA HARI 1928 Dahil sa galit mo sa akinat dahil narinig ko ang kayabangan mo,ilalagay ko ang aking kawit sa ilong moat ang aking bokado sa iyong bibig,at pababalikin kita sa daang iyong pinangga-

lingan.29 Ito ang magiging tanda para sa iyo,

Ezekias: sa taong ito’y kakanin mo ang anu-mang natira sa pag-aani at sa susunod na taonnaman ang anumang kusang sumisibol. Ngunitsa ikatlong taon ay maghahasik kayo at mag-aani, magtatanim ng ubas at kakain ng bunganito.

30 May malalabi sa bayan ng Juda na mulingmag-uugat sa ilalim at magbubunga sa ibabaw.31 Sapagkat may malalabi mula sa Jerusalem atmay mga natirang buhay na nagmumula saBundok Sion. Ang selosong pag-ibig ni Yawe atng mga Hukbo ang magsasakatuparan nito.

32 Kaya ito ang sinasabi ni Yawe tungkol sahari ng Asiria: Hindi siya makapapasok sa lun-sod na ito, ni makatutudla isa mang palaso.Hindi niya ito malulusob nang may toreng de-gulong ni makukubkob ito. 33 Hindi nga siyamakapapasok sa lunsod na ito, babalik siya sadaang kanyang pinanggalingan. Ito ang salita niYawe. 34 Ipagtatanggol ko ang lunsod na ito atililigtas alang-alang sa aking sarili at kay Davidna aking lingkod.”

35 Nang gabi ring iyon ay lumabas ang Anghelni Yawe at pinatay ang sandaa’t walumpu’tlimang libong lalaki sa kampo ng mga Asirio. Saoras ng paggising kinabukasan, hayun! pataynang lahat, mga bangkay na lamang.

36 Kaya pauwing umalis si Senakerib nahari ng Asiria, at nanirahan sa Nineve.

37 Nang sumasamba siya sa templo ngkanyang diyos na si Nisrok, pinatay siyasa tabak ng kanyang mga anak na sinaAdramelek at Sareser na nagsitakas na-man sa lupain ng Ararat. At ang kanyanganak na si Esarhadon ang nagharing ka-halili niya.

Nagkasakit si Ezekias1 Nang mga araw na iyon, nagka-sakit nang malubha si Ezekias at nasa

bingit na ng kamatayan. Pinuntahan siya ngpropetang si Isaias na anak ni Amos, at sinabi:“Ito ang sabi ni Yawe: Isaayos mo na ang iyongsambahayan pagkat mamamatay ka na; hindika na gagaling.”

2 Humarap sa dingding si Ezekias at nana-

langin kay Yawe, 3 “O Yawe! Alalahanin monglumakad ako sa harap mo nang buong puso’tkatapatan, ginawa ko ang nakalulugod sa iyongpaningin.” At buong kapaitang umiyak si Eze-kias.

4 Hindi pa nararating ni Isaias ang gitnangpatyo nang dumating sa kanya ang salita niYawe: 5 “Bumalik ka at sabihin kay Ezekias napinuno ng aking bayan ang sinasabi ni YawengDiyos ng kanyang amang si David: Narinig koang iyong dalangin at nakita ang iyong mgaluha. Pagagalingin kita. Sa ikatlong araw mulangayon, aakyat ka sa Bahay ni Yawe. 6 Darag-dagan ko pa ng labinlimang taon ang iyongbuhay, at ililigtas kita at ang lunsod na ito mulasa kapangyarihan ng hari ng Asiria. Ipagta-tanggol ko ito alang-alang sa akin at sa akinglingkod na si David.”

8 Sinabi ni Ezekias kay Isaias: “Ano angmagiging palatandaan na pagagalingin ako niYawe at papanhik ako sa Bahay ni Yawe sa loobng tatlong araw?” 9 Sumagot si Isaias: “Ito angmagiging palatandaan mo sa ngalan ni Yawe, natutuparin nga ni Yawe ang kanyang sinabi:‘Gusto mo bang ang anino ng ikalawang pala-pag ay umabante nang sampung baitang oumatras?” 10 Sinabi ni Ezekias: “Madaling uma-bante nang sampung baitang ang anino peromagiging kahanga-hanga kung aatras ito nangsampung baitang.” 11 Tumawag ang propetangsi Isaias kay Yawe, at baitang-baitang na pina-atras ni Yawe ang anino sa sampung baitang sahagdan na dating sinasakop nito.

7 At sinabi ni Isaias: “Magdala rito ng pina-tuyong bunga ng igos.” Nagdala nga niyon atitinapal iyon sa sugat, at siya’y gumaling.

12 Nagpadala noon ng mga sulat at isangregalo kay Ezekias si Merodac-Baladan na anakni Baladang hari ng Babilonia, sapagkat nabali-taan niyang nagkasakit ito. 13 Ikinatuwa ito niEzekias, at ipinakita sa mga sugo ang kanyangkabang-yaman – ang pilak, ang ginto, ang ma-bangong rekado at pabangong-langis, ang kan-yang mga sandata at lahat ng laman ng kanyangmga bodega. Walang bagay sa palasyo o sakaharian niya na hindi ipinakita ni Ezekias sakanila.

14 At pinuntahan ng propetang si Isaias siEzekias, at nagtanong: “Ano’ng sabi ng mgataong iyon at saan sila galing?” Sumagot anghari: “Galing sila sa isang malayong lupain, saBabilonia.” 15 Sinabi ni Isaias: “At ano ang nakitanila sa iyong bahay?” Sumagot ang hari: “Nakitanila ang lahat ng nasa bahay ko; walang nasakabang-yaman na hindi ko ipinakita sa kanila.”

16 Kaya sinabi ni Isaias kay Ezekias: “Pa-

20

Page 14: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

523 2 MGA HARI 21kinggan mo ang salitang ito ni Yawe: 17 Daratingang araw na lahat ng nasa bahay mo at lahat ngtinipon ng iyong mga ninuno hanggang sa arawna ito ay hahakutin sa Babilonia; walang mati-tira, sabi ni Yawe. 18 At kukunin ang ilan sa iyongmga anak na lalaki na sarili mong dugo at lamanpara maging mga eunuko sa palasyo ng hari ngBabilonia.” 19 Sumagot si Ezekias kay Isaias:“Maganda ang sinabi ni Yawe,” sapagkat naisipniya: “Ayos lang, basta panatag at ligtas ako sabuhay ko.”

20 Ang iba pang tungkol kay Ezekias at anglahat tungkol sa kanyang kagitingan, kungpaano niya itinayo ang malaking tangke ngtubig at kung paano ito nagbigay ng tubig salunsod ay nasa Mga Pangyayari sa mga Hari ngJuda. 21 Nang mahimlay si Ezekias sa piling ngkanyang mga ninuno, si Manases na kanyanganak ang naghari ng kahalili niya.

Manases, hari ng Juda• 1 Labindalawang taon si Manases nangmaging hari at limampu’t limang taon

siyang naghari sa Jerusalem. Hefziba ang pa-ngalan ng kanyang ina.

2 Ginawa niya ang masama sa paningin niYawe at tinularan ang kasuklam-suklam na mgakaugalian ng mga bansang pinalayas ni Yawe salupain para ibigay iyon sa mga Israelita. 3 Itinayoniyang muli ang mga altar sa burol na winasakng kanyang amang si Ezekias, at nagtayo pasiya ng mga altar para sa Baal. Gumawa siya ngsagradong posteng gaya ng ipinagawa ni Ahabna hari ng Israel. Lumuhod siya sa harap ng lahatng bituin sa langit at sinamba ang mga iyon.4 Nagtayo siya ng mga altar sa patyo ng Bahayni Yawe na siyang tinukoy ni Yawe sa pagsasa-bing: “Sa Jerusalem ko patitirahin ang akingPangalan.”

5 Nagtayo siya ng mga altar para sa mgabituin sa langit sa dalawang patyo sa Bahay niYawe. 6 Sinunog niya bilang handog ang kan-yang anak na lalaki. Ginamit niya ang panghu-hula at mahika, at nagtalaga ng mga manghu-hula at salamangkero. Marami siyang ginawangmasama sa paningin ni Yawe, na ikinagalit nito.

7 At nagtayo pa siya ng sagradong postengAsera sa Bahay ni Yawe gayong sinabi ni Yawekay David at sa anak nitong si Solomon:

8 “Sa Bahay na ito ko ilalagay ang aking Pa-ngalan magpasawalang-hanggan sapagkatpinili ko ang Jerusalem mula sa lahat ng tribu ngIsrael. Hindi ko na pagagalain pa ang Israel namalayo sa lupaing bigay ko sa kanilang mganinuno, kung sisikapin nilang tuparin ang buongbatas na bigay sa kanila ng aking lingkod na siMoises.”

9 Ngunit hindi sila nakinig. Iniligaw sila niManases, at mas masahol pa ang ginawa nilakaysa mga bansang pinaalis ni Yawe sa harapng mga Israelita. 10 Kaya nagsalita si Yawe sapamamagitan ng kanyang mga lingkod na pro-peta at sinabi:

11 “Pinag-ibayo ni Manases na hari ng Judaang mga kasuklam-suklam na gawain, at masmasahol pa ang ginawa niya kaysa mga Amor-reo noon. Pinapagkasala niya ang sambayananng Juda sa pamamagitan ng kanyang mgadiyus-diyusan.

12 Kaya dadalhan ko ang Jerusalem at Judang isang napakalaking kapahamakan na mapa-pahugong sa mga tainga ng sinumang maka-rinig nito. Sasapitin ng Jerusalem at ng mga harinito ang kapalaran ng Samaria at ng samba-hayan ni Ahab. 13 Pupunasin ko ang Jerusalemtulad ng pagpupunas sa pinggang nililinis naitinataob pagkatapos. 14 Palalayasin ko ang na-lalabi pa sa aking bayan at ibibigay sila sakamay ng kanilang mga kaaway para biktima-hin at samsaman. 15 Sapagkat ginawa nila angmasama sa aking paningin at ginalit ako mula saaraw na lumabas mula sa Ehipto ang kanilangmga ninuno hanggang ngayon.”

16 Nagpadanak din ng dugo ng mga walang-sala si Manases at napuno nito ang Jerusalem samagkabilang-dulo. Bukod pa rito’y pinapag-kasala niya ang Juda, kaya ginawa nila angmasama sa paningin ni Yawe. 17 Ang iba pangtungkol kay Manases, ang lahat niyang ginawaat lahat niyang kasalanan ay nasa Mga Pangya-yari sa Mga Hari ng Juda.

18 Nahimlay si Manases sa piling ng kanyang

• 21.1 Patuloy ang malungkot na karanasan ngbayan ng Diyos. Pagkatapos ni Ezekias at ng kanyangmga reporma, kabaligtaran naman ang naging saloo-bin ng kanyang anak na si Manases. Isa siyang haringwalang pananampalataya na bukod sa lantarang pag-tataguyod sa pagsamba sa mga diyus-diyusan ay pinag-uusig pa ang mga tapat kay Yawe gaya ng ginawa niIzebel sa Israel isang dantaon na ang nakalilipas. Satulong ng kanyang gobyernong di-makadiyos at punong mga krimen, nagtagumpay si Manases na sirain ang

pag-asang iniatang ng mga reporma ni Ezekias sa mgainapo ni David.

Mas masahol pa ang ginawa nila kaysa mga bansa.Mas madaling nalilihis ng landas ang mananampalata-yang hindi nananatiling tapat kaysa isa nang masama.

Apatnapu’t limang taon ng pagtahimik o pagtatagong mga tapat at mga propeta ang kanyang paghahari.Labis-labis ang pagtataksil sa Tipan ni Yawe kayatpagkamatay ni Manases, siya ang pinapanagot ng mgapropeta sa pagbagsak ng Jerusalem.

21

Page 15: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

5242 MGA HARI 21mga ninuno, at inilibing sa hardin ng kanyangbahay, na halamanan ng Uza. At si Amon nakanyang anak ang nagharing kahalili niya.

19 Dalawampu’t dalawang taon si Amon nangmagsimulang maghari, at dalawang taon siyangnaghari sa Jerusalem. Ang pangalan ng kan-yang ina ay Mesulemet na anak ni Harus, mulasa lunsod ng Yotba. 20 Ginawa niya ang masamasa paningin ni Yawe, tulad ng kanyang amang siManases. 21 Ganap niyang sinundan ang mgayapak ng kanyang ama – pinaglingkuran niyaang mga diyus-diyusang pinaglingkuran ngkanyang ama at niyukuan niya ang mga iyon.22 Iniwan niya si Yaweng Diyos ng kanyang mganinuno, at hindi tinahak ang landas ni Yawe.

23 Nagsabwatan ang mga opisyal ni Amonlaban sa kanya, at pinatay siya ng mga ito sakanyang bahay. 24 Ngunit pinatay naman ngmga mamamayan ang lahat ng nagpakanalaban sa hari, at si Yosias na kanyang anak anginiluklok nilang haring kahalili niya.

25 Ang iba pang tungkol kay Amon at lahatniyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari sa MgaHari ng Juda. 26 Inilibing siya sa kanyang puntodsa halamanan ng Uza. At si Yosias na kanyanganak ang nagharing kahalili niya.

Nadiskubre ang Aklat ng Batas• 1 Walong taon si Yosias nangmagsimulang maghari at tatlum-

pu’t isang taon siyang naghari sa Jeru-salem. Ang kanyang ina ay si Yedidanganak ni Asias ng Boskat. 2 Ginawa niyaang tama sa paningin ni Yawe, at sinun-dan ang mga yapak ng kanyang amang siDavid, na hindi lumihis sa kanan man o sakaliwa.

3 Sa ikalabingwalong taon ng kanyangpaghahari, sinugo ni Haring Yosias sa

Bahay ni Yawe ang kanyang sekretaryongsi Safan na anak ni Asalia na anak namanni Mesulam, at sinabi: 4 “Puntahan mo angpunong-paring si Helkias at ibigay sakanya ang perang inialay ng mga tao saBahay ni Yawe, na nilikom ng mga ban-tay-pinto. 5 At kapag napag-isa na angmga iyon ay ipagkatiwala naman sa mganamamahala sa Bahay ni Yawe. Babaya-ran nila sa perang ito ang mga nagku-kumpuni sa Bahay. 6 Bayaran ang mgakarpintero, mga tagapagtayo at mga kan-tero. At pabilhin din sila ng mga kahoy atmga batong kailangan sa pagpapaayosng Bahay. 7 Ngunit huwag silang hihinganng kuwenta ng gastos sapagkat matata-pat silang tao.”

8 Sinabi noon ng punong-paring si Hel-kias sa sekretaryong si Safan: “Natag-puan ko ang Aklat ng Batas sa Bahay niYawe.” Ibinigay niya iyon kay Safan, atbinasa naman nito iyon. 9 Nagpunta siSafan sa hari at sinabi: “Nalikom nanamin ang pera sa Bahay at naipagkati-wala na sa mga namamahala sa Bahaypara maipaayos ito.” At idinugtong niya:“May ibinigay na libro sa akin ang paringsi Helkias.”

10 At binasa ni Safan ang aklat sa harapng hari. 11 Nang marinig ng hari ang ni-lalaman ng aklat, winarak niya ang kan-yang damit, 12 at iniutos kina Helkias, Ahi-kam na anak ni Safan, Akbor na anak niMikayas at sa sekretaryong si Safan at saministro niyang si Asaias: 13 “Sige, ita-

• 22.1 Sinundan ni Yosias ang mga yapak ngkanyang amang si David. Sa mga huling araw ngkaharian ng Juda, isang haring “tulad ni David” angmagtatalaga ng kanyang sarili sa pagpapanibagong-sigla sa pananampalataya at pakikipagtipan ni Yawe atsa muling pananakop sa lupain ng mga ninuno.

Pagkamatay ng mga haring umusig sa kanila, dahan-dahang nagigising ang mga tapat. Sa taong 622 bagodumating si Kristo, niyanig ang kaharian ng di-sinasadyang pagkadiskubre sa “Batas”.

Natagpuan ko ang Aklat ng Batas sa Bahay niYawe. Sa panahon ng mga naunang kaharian, nali-mutan na o itinago ang mga sagradong aklat. Sigura-dong ang nadiskubre ay ang importanteng bahagi ngGenesis, Exodo at Deuteronomio. Ang huling aklat na

ito ay dala ng mga Levita at mga paring dumating mulasa hilaga nang bumagsak ang Samaria. Binibigyang-diin nito ang katapatan sa Tipan ni Yawe, inihahayagnang walang pag-aatubili na buhay o kamatayan itopara sa bayan ng Diyos.

Mapapansin ang bigat ng banal na salita.Mula noo’ypag-uukulang-pansin ni Yosias (na dalawampu’t animna taon lamang) nang higit sa lahat ang paghubog ngkanyang buhay at ng kanyang bayan ayon sa mgahinihingi ng Batas. Maliwanag para sa kanya na angproteksyon lamang ni Yawe ang tanging makapag-liligtas sa kanyang bayan sa harap ng malalakingbansa. Binibigyang-idea tayo ng paglalarawan sa lahatng dapat wasakin tungkol sa alon ng paganismo nalumunod sa lahat sa panahon ni Manases.

22

Page 16: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

525

nong ninyo kay Yawe kung ano ang ibigsabihin ng nilalaman ng librong ito nanatagpuan mo. Tanungin ninyo siya parasa akin, para sa bayan at sa buong Juda.Hindi pinakinggan ng ating mga ninunoang sinasabi sa aklat na ito, ni ang mgaordinansa, kaya nag-aapoy ang galit niYawe laban sa atin.”

14 Kinonsulta ng paring si Helkias at ninaAhikam, Akbor, Safan at Asaias ang propetangsi Hulda na maybahay ni Salum na anak ni Tikbana anak naman ni Harhas, na tagapag-ingat ngmga damit. Sa bagong lunsod sa Jerusalem siyanakatira.

15 Sumagot si Hulda: “Sabihin ninyo sa taongnagsugo sa inyo sa akin na 16 ito ang sinasabi niYawe: Dadalhan ko ng kapahamakan ang lugarna ito at ang mga tagarito ayon sa lahat ng salitasa librong binasa ng hari ng Juda, 17 sapagkatiniwan nila ako at nagsunog sila ng insenso sakarangalan ng ibang mga diyos. Napopoot akosa lugar na ito dahil sa lahat nilang ginawa, at dimaapula ang apoy ng aking poot.

18 Sabihin ninyo ang sagot na ito sa hari ngJuda na nagsugo sa inyo para sumangguni kayYawe. Ito ang sinasabi ni Yaweng Diyos ngIsrael: Narinig mo ang mga salitang iyon. Ngunithindi aabot sa iyo ang mga babala ng librongito 19 dahil naantig ang iyong puso at nagsisi kasa harap ni Yawe nang marinig mo ang sinabi kolaban sa lugar na ito at sa mga tagarito namagiging paksa ng pagtataka at sumpa. Wina-rak mo ang iyong damit at umiyak sa harap ko,at dininig kita, sabi ni Yawe. 20 Kayat makakapi-ling mo ang iyong mga ninuno; mamamatay kaat ililibing na mapayapa. At hindi makikita ngiyong mga mata ang alinman sa mga ka-pahamakang ipadadala ko sa lugar na ito.”

Repormang panrelihiyon ni Yosias1 Tinawag ng hari sa kanyang tabiang lahat ng matatanda sa Juda at

Jerusalem. 2 At umakyat siya sa Bahay niYawe, kasunod ang mga sambayanan ngJuda at Jerusalem. Sumama sa kanyaang mga pari at ang mga propeta, at angbuong bayan, mula sa pinakabata hang-gang sa pinakamatanda. Nang nagkaka-tipon na ang lahat, binasa ng hari angAklat ng Batas na natagpuan sa Bahay niYawe.

3 Tumayo ang hari sa tabi ng haligi;pinagtibay niya ang tipan sa harap niYawe sa pangangakong susunod sakanya, buong puso at buong espiritungsusundin ang mga utos, pasya at kauga-lian ni Yawe, at tutuparin ang tipan ayonsa nasusulat sa Aklat.

Kasama niyang pinanumpaan ng bu-ong bayan ang tipan.

4 At iniutos ng hari sa punong-paring siHelkias at sa iba pang mga paring ma-baba ang ranggo, at sa lahat ng bantay-pinto na ilabas ang lahat ng bagay naipinagawa para sa Baal, Asera at sa mgabituin sa langit. Ipinasunog ng hari angmga iyon sa labas ng Jerusalem, sa ti-wangwang na lupain ng Kidron, at ipina-dala ang abo sa Betel.

5 Pinalayas ni Yosias ang mga paga-nong paring hinirang ng mga hari ng Judana nag-alay ng mga handog sa mga altarsa burol sa iba’t ibang lunsod ng Juda atsa mga karatig ng Jerusalem, ang mganag-alay ng insenso sa Baal, sa araw, sabuwan, sa mga bituin at sa buong kalangi-tan. 6 Inilabas sa Jerusalem ang Sagra-dong Posteng nasa Bahay ni Yawe, dinalasa batis ng Kidron at doon sinunog, atitinapon ang abo sa libingang-bayan.

7 Ipinagiba ng hari ang bahay ng mgabaklang nagbibili ng sarili (tulad ng gina-gawa sa kulto ng Asera). Nasa loob ito ngmga patyo ng Bahay ni Yawe, at sa bahayding ito naghahabi ng belo ang mga ba-bae para sa Asera.

8 Pagkatapos nito, pinapunta niya saJerusalem ang lahat ng paring nasa mgalunsod ng Juda, at winasak niya ang lahatng altar sa burol na pinag-alayan nila nghandog mula Berseba sa timog hanggangGeba sa hilaga. Winasak niya ang Altar ngmga Pintuan na nasa bungad ng Pintuanni Josue na gobernador ng lunsod. Nasagawing kaliwa ito ng pintuang pasukan nglunsod.

9 Ang mga pari namang naglingkod samga altar sa burol ay hindi na nakapag-

2 MGA HARI 23

23

Page 17: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

526

alay ng handog sa Bahay ni Yawe saJerusalem. Kumain sila ng tinapay nawalang lebadura kasama ng iba pangmga pari.

10 Ipinagiba ng hari ang lugar na tinawag naTopet sa lambak ng Ben-Hinom upang walanang makapagsunog ng kanilang anak na lalakiat babae ayon sa ritwal ni Molek. 11 Inalis niya sapasukan ng Bahay ni Yawe ang mga kabayongitinalaga ng mga hari ng Juda sa araw; nasabulwagan ang mga ito, malapit sa bahay niNatanmelek na isang opisyal sa palasyo. Atsinunog ang mga karwaheng inihandog sa araw.12 May mga altar na ipinatayo ng mga hari ngJuda sa bubungan ng palasyo ni Ahaz. Mayroonding mga altar na ginawa ni Manases sa dala-wang patyo sa Bahay ni Yawe. Ipinawasak nalahat ni Yosias ang mga ito hanggang magingpulbos at ipinatapon sa batis ng Kidron.

13 Giniba ng hari ang mga altar sa burol nanakaharap sa Jerusalem, sa timog ng Bundokng Mga Olibo. Itinayo ang mga ito ni Solomonghari ng Israel para kay Astarteng diyos ng mgaSidonio; kay Kemos na diyos ng Moab; at kayMilkom na diyos ng mga Amonita. 14 Dinurog nghari ang mga sagradong bato, pinutol ang mgasagradong poste, at tinambakan ng mga buto ngtao ang mga lugar na ito para gawing di-malinis.

• 15 Naroon din ang santuwaryo ng Betel nakinaroroonan ng altar na itinayo ni Yeroboam nahari ng Israel; ang pagsambang ito ang nagingpagkakasala ng Israel. Winasak ng hari angsantuwaryo at ang altar; sinunog niya at dinurogang santuwaryo at sinunog din ang sagradongposte. 16 Sa paglinga ni Yosias, nakakita siya ngmga nitso sa bundok; ipinahukay niya ang mgabuto at ipinasunog ang mga iyon sa altar paralapastanganin ito. Kaya natupad ang salita niYawe na ipinahayag ng tao ng Diyos habangnakatayo si Yeroboam sa tabi ng altar sa isangpiyesta. Napansin ni Yosias ang libingan ngtaong ito ng Diyos, 17 at sinabi niya: “Anongbantayog ang nakikita kong iyon?” Sinabi sakanya ng mga tagalunsod: “Iyon ang libingan ngtao ng Diyos na dumating galing Juda para

ipahayag ang ginawa mo ngayon sa altar ngBetel.” 18 Iniutos ng hari: “Bayaan ninyong ma-nahimik ang kanyang mga buto.” At hindi ngaginalaw ang kanyang mga buto, kasama angmga buto ng propetang taga-Samaria.

19 Inalis din ni Yosias ang lahat ng templo saburol sa mga lunsod ng Samaria. Ikinagalit ngani Yawe ang mga itinayong iyon ng mga hari ngIsrael. At ginawa ng hari sa mga iyon ang ginawaniya sa templo ng Betel.

20 Pinatay niya sa mga altar ang lahat ng paring mga altar sa burol na natagpuan doon, atnagsunog siya ng mga buto ng tao sa mga altar.At saka siya nagbalik sa Jerusalem.

21 Iniutos ito ng hari sa buong bayan: “Ipagdi-wang ang Paskuwa sa karangalan ni Yawenginyong Diyos, ayon sa nasusulat sa Aklat na itong Tipan.”

22 Wala pang Paskuwang naipagdiriwang natulad nito mula sa panahon ng Mga Hukom nanamahala sa Israel, o noong panahon ng mgahari ng Israel at ng Juda. 23 Ipinagdiwang angPaskuwa sa Jerusalem sa ikalabingwalong taonni Haring Yosias.

24 Sinunod ni Yosias ang lahat ng sinasabi ngBatas na nasusulat sa aklat na natagpuan ngparing si Helkias sa Bahay ni Yawe. Iniligpit niyaang mga espiritista at mga manghuhula, angmaliliit na diyos ng sambahayan at marurumingdiyus-diyusan, at lahat ng kasuklam-suklam nabagay na nakita sa lupain ng Juda at Jerusalem.

25 Hindi pa kailanman nagkaroon ng haringtulad niya, na nagbalik kay Yawe nang buoniyang puso, buong kaluluwa at buong lakas, atsumunod sa lahat ng Batas ni Moises; at hindi narin nakakita pa ng isang haring tulad niya.

26 Sa kabila nito’y hindi pa rin nilayuan niYawe ang lagablab ng kanyang poot. Nag-apoyito laban sa Juda dahil sa mga pinakanakaiinisna gawa ni Manases. 27 Kaya sinabi ni Yawe:“Ilalayo ko rin sa aking harap ang Juda, kungpaano kong inilayo ang Israel; hindi ko naisasaalang-alang ang Jerusalem na lunsod naaking pinili ni ang Bahay na sinabi kong ‘Ditonananahan ang aking Pangalan’.”

• 28 Ang iba pang tungkol kay Yosias at anglahat ng kanyang ginawa ay nasa Mga Pang-

• 23.15 Sinasamantala ni Yosias ang pagkabulokng imperyo ng Asiria. Katatapos pa lamang niyangsakupin ang isang bahagi ng lupain ng Israel sa hilaga nasandantaon nang probinsya ng Asiria. Doon ma’y wa-wasakin din niya ang lahat ng santuwaryo; diyus-diyusanat mga kaugaliang labag sa mga hinihingi ni Yawe.

Ilang taong naniwala ang mga propeta na hindi namagkakatotoo ang malimit na pagbabanta ni Yawe na

naghahayag ng ganap na pagkawasak ng Israel. Maynakita pa nga sila sa ginagawang pagbawi na balita ngmaliligayang araw kung kailan muling pag-iisahin ngMesiyas ang Juda at Israel bilang iisang bayang mayiisang tipan (Jer 31:31).

• 28. Namatay si Yosias na haring repormador nabiktima ng isang pagkakamaling pampulitika. Ilang

2 MGA HARI 23

Page 18: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

527yayari sa Mga Hari ng Juda. 29 Nang panahongiyon, tumawid sa Ilog Eufrates si Paraong Nekong Ehipto para makianib sa hari ng Asur. Lu-mabas si Haring Yosias para makipagharap ditongunit pinatay siya ni Neko sa Megiddo nangmakita siya nito. 30 At mula sa Megiddo ay dinalasa Jerusalem ng mga alipin ni Yosias ang kan-yang bangkay na sakay sa isang karwahe, atinilibing siya sa kanyang libingan. At kinuha ngmga mamamayan si Yoacaz na anak ni Yosias,pinahiran ng langis at ginawa itong hari nakahalili ng kanyang ama.

Mga anak ni Yosias31 Dalawampu’t tatlong taon si Yoacaz nang

magsimulang maghari, at tatlong buwan siyangnaghari sa Jerusalem. Si Hamital na anak niJeremias ng Libna ang kanyang ina. 32 Ginawaniya ang masama sa paningin ni Yawe, tulad ngkanyang mga ninuno. 33 Ikinadena ni ParaongNeko si Yoacaz sa Ribla, sa lupain ng Hamat,sapagkat ayaw niya itong maghari sa Jerusa-lem. At pinagbuwis niya ang lupain ng sandaangbaretang pilak at sampu ng ginto. 34 At inilagayniyang hari si Eliakim na anak ni Yosias bilangkahalili ng kanyang ama, at pinalitan ng Yoakimang pangalan nito. Ngunit isinama niya siYoacaz at dinala sa Ehipto, at doon ito namatay.

35 Ibinigay ni Yoakim ang pilak at ginto kayParaon. At para mabayaran ang buwis na iyonna itinakda nito sa kanya, pinatawan niya buwisang buong lupain. Kailangang magbayad ngkanyang kota ang bawat isa batay sa kanyangari-arian. Kaya siningil ni Yoakim sa buongbayan ang ginto at pilak na ibibigay kay Paraon.

36 Dalawampu’t limang taon si Yoakim nangmagsimulang maghari at labing-isang taonsiyang naghari sa Jerusalem. Si Zobidang anakni Pedayas ng Ruma ang kanyang ina. 37 Ginawaniya ang masama sa paningin ni Yawe tulad ngkanyang mga ninuno.

Pananakop ni Nabucodonosor1 Nang panahong iyon, sinalakay niNabucodonosor na hari ng Babilonia

ang lupain. Tatlong taong napailalim sa kanya siYoakim at saka naghimagsik.

2 Nagpadala si Yawe ng mga pangkat ng mgaKaldeo, Arameo, Moabita at Amonita laban kayYoakim. Sinalakay nila ang lupain ng Juda atwinasak ito ayon sa salita ni Yawe na ipinahayagsa pamamagitan ng kanyang mga lingkod napropeta.

3 Nangyari ang lahat ng ito nang dahil lamangsa utos ni Yawe. Niloob niyang palayasin sakanyang harapan ang bayan ng Juda dahil samga kasalanan ni Manases at sa lahat ng ginawanito, 4 at dahil sa dugo ng mga walang-sala napinadanak nito at pumuno sa buong Jerusalem.Dahil sa lahat ng ito kaya ayaw magpatawad niYawe.

5 Ang iba pang tungkol kay Yoakim at salahat niyang ginawa ay nasa Mga Pangyayari saMga Hari ng Juda. 6 Nahimlay si Yoakim sapiling ng mga ninuno. At si Yoakin na kanyanganak ang nagharing kahalili niya.

7 Hindi na muling umalis sa sariling lupainang hari ng Ehipto sapagkat nasakop na ng haring Babilonia ang lahat niyang lupain mula sabatis ng Ehipto hanggang Ilog Eufrates.

Unang pagkatapon• 8 Labingwalong taon si Yoakin nang

humalili siya sa kanyang ama, at tatlongbuwan siyang naghari sa Jerusalem. SiNehustang anak ni Elnatan ng Jerusalemang kanyang ina. 9 Ginawa niya ang ma-sama sa paningin ni Yawe, tulad ng kan-yang ama.

10 Dumating nang panahong iyon angmga opisyal ni Nabucodonosor na hari ng

dantaon nang naiipit ang Israel ng Ehipto at Asiria oAsur. Ang Asiria ang pinakabrutal at pinakamalupit nabansa noon. Nang simulang wasakin ng Babilonia samga taong iyon ang kapangyarihan ng Asiria, naba-hala ang Paraon sa paglakas ng bagong “malakingkapangyarihang” ito. Kaya gusto niyang tulungan angAsiria na nanghihina na at kalimutan na ang matagalna nilang paglalaban.

Hindi ito pinayagan ni Yosias: inaasam ng kama-layang Judio ang pagkawasak ng “malupit na bansa”(tingnan ang mga propesiya ni Nahum). Paano mapa-hihintulutan ng Diyos ang pagkamatay ni Yosias naharing banal at repormador? Malaking eskandalo ito sakamalayang Judio kaya minabuti ng sumulat ng librongito na tumahimik na lamang. Pagkaraan ng mahabam-panahon, sisikaping ipaliwanag ang malungkot na

2 MGA HARI 24

24

wakas ni Yosias sa pamamagitan ng isang pagkakama-ling nagawa niya (2 Kro 35:21). Medyo binibigyang-inspirasyon din ng kanyang pagkamatay ang dakilangpropesiya ni Zacarias (12:10) at ang pangalan ngMegiddo na naging sagisag na ng isang sumpa sa Biblia(Pag 16:16).

• 24.8 Nagaganap sa dalawang yugto ang pag-kawasak sa kaharian ng Juda:

– 598 bago kay Kristo. Kamamatay pa lamang niYoakim. Sa siyudad na nakukubkob, sumuko angkanyang anak na si Yoakin. Unang pagkatapon saBabilonia ng mga elite ng lupain. Pinilit ng mgaKaldeo (ang mga taga-Babilonia) si Sedekias namaging hari.

– 587. Naghimagsik si Sedekias laban sa mga

Page 19: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

528

Babilonia para salakayin ang Jerusalemat pinaligiran ng mga ito ang lunsod.11 Dumating naman si Nabucodonosornang kinukubkob na ng kanyang mga ta-uhan ang siyudad.

12 Sumuko si Yoaking hari ng Juda, ka-sama ang kanyang ina, ang kanyang mgaalipin, mga pinuno at mga opisyal ng pa-lasyo. Ikawalong taon noon ng paghaharini Nabucodonosor. Ibinilanggo siya niNabucodonosor 13 at kinuha ang mga ka-yamanan sa Bahay ni Yawe at sa bahay nghari. Sinira rin niya ang lahat ng bagay nayari sa ginto na ginawa ni Solomong haring Israel sa santuwaryo ni Yawe. Kayanatupad ang salita ni Yawe.

14 Ipinadeport ni Nabucodonosor anglahat ng mga pinuno at mga kilalang tao,ang mga panday at mga manggagawa,lahat ng lalaking magigiting at mandi-rigma. Sampung libong lahat ang ipina-deport sa Babilonia. Ang mga karaniwangtao lamang ang naiwan. 15 Dinala ring bi-hag ni Nabucodonosor si Yoakin, ang inanito at mga asawa, ang mga opisyal sapalasyo at ang mga kilalang tao ng lupain.

16 Kaya ipinadeport sa Babilonia ng haring Babilonia ang lahat ng pitong libongmahahalagang tao, sanlibong panday atmanggagawa at lahat ng magigiting namandirigma.

17 Ginawa niyang hari ng Jerusalem siMatanias na tiyo ni Yoakin bilang kahalilini Yoakin, at ginawang Sedekias angpangalan nito.

18 Dalawampu’t isang taon si Sedekias

nang maghari at labing-isang taon siyangnaghari sa Jerusalem. Si Hamutal naanak ni Jeremias ng Libna ang kanyangina. 19 Ginawa niya ang masama sa pa-ningin ni Yawe, tulad din ng ginawa niYoakin. 20 Kaya bumagsak ang galit niYawe sa Jerusalem at Juda, hanggangpalayasin niya ang mga ito sa kanyangharapan.

Sinakop at winasak ng mga Kaldeo angJerusalem

1 Sa ikasiyam na taon ng pagha-hari ni Sedekias, sa ikasampung

araw ng ikasampung buwan, dumating saJerusalem si Nabucodonosor na hari ngBabilonia, kasama ang buo niyang hukbo.Nagkampo sila sa labas ng lunsod at nag-tayo ng pangkubkob sa paligid nito. 2 Ki-nubkob ang lunsod hanggang sa ika-labing-isang taon ni Sedekias.

3 Sa ikasiyam na araw ng ikapat nabuwan, tumindi ang taggutom sa lunsod,at walang tinapay na makain ang mgamamamayan. 4 Kayat nang mabutas angpader ng lunsod, nagsitakas sa dilim nggabi ang buong hukbo ng Juda sa pintu-ang nasa pagitan ng dalawang pader namalapit sa hardin ng hari, samantalangnakapaligid pa sa lunsod ang mga Kaldeoat tumakas sila pa-Araba.

5 Hinabol ng mga Kaldeo si HaringSedekias at naabutan siya sa kapataganng Jerico. Kayat napahiwalay sa kanyaat nagkawatak-watak ang buo niyanghukbo.

6 Nabihag ng mga Kaldeo ang hari at

2 MGA HARI 24

Kaldeo. Dumating naman ang mga ito para wasakinang Jerusalem pati na ang Templo nito. Ikalawangpagkatapon sa Babilonia.

Sinasabi ng Biblia na hindi sana nangyari ang pagka-wasak na ito pati na ang nangyari sa Samaria, dahilmatapat ang Diyos sa kanyang pakikipagtipan, kunghindi naipon nang naipon ang mga pagkakasala atmga paghihimagsik. Hanggang sa pinakahuling san-dali, maililigtas pa sana ang lahat kung nakinig lamangsi Haring Sedekias sa mga babala ni Propeta Jeremias(Jer 38).

Subalit salungat sa anumang inaasahan ninuman,muling isisilang ang bansang Judio mula sa mga abo

nito, animnapung taon pagkawasak nito. Ipinapakitasa atin ng kasaysayan ang mga malalaking imperyongmga Heteo, Asirio at Kaldeo; ganap na naglaho angmga ito. Tanging mga estatwa na lamang nila angmakikita sa mga museo, at saka lamang nahukay angkanilang mga talaan pagkaraan ng tatlumpung dan-taon ng ganap na pagkalimot. Subalit babalik sakanilang lupain ang bayan ng Juda. Matapos dalisayinng pagsubok at pasiglahin ng mga propeta, mag-babalik sila sa paghanap ng isang Bagong Pakikipag-tipang mas tapat at mas panloob sa kanilang Diyos.Babalik sila mula sa pagkatapon sa paggabay ni Zoro-babel na inapo ni Haring Yoakin at ninuno ni Jesus.

25

Page 20: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

529 2 MGA HARI 25

dinala siya sa Ribla sa lupain ng Hamat atdoon siya hinatulan ng hari ng Babilonia.7 Sa harap niya, pinatay ng hari ng Babi-lonia ang kanyang mga anak na lalaki.Pagkatapos ay dinukit nito ang kanyangmga mata, ikinadena sa dalawang tanika-lang tanso at dinala sa Babilonia.

8 Sa ikapitong araw ng ikalimang bu-wan ng ikalabinsiyam na taon ni Nabu-codonosor na hari ng Babilonia, pinasokni Nabuzaradang pinuno ng mga bantayat opisyal ng hari ng Babilonia ang Jeru-salem. 9 Sinunog nito ang Bahay ni Yaweat ang palasyo ng hari, at lahat ng maha-halagang bahay sa Jerusalem. 10 Ginibang hukbong Kaldeo sa pamumuno ng pi-nuno ng mga bantay ang lahat ng paderna nakapaligid sa Jerusalem.

11 Binihag at dinala ni Nabuzaradangpinuno ng mga bantay ang labi ng mgataumbayang nanatili sa lunsod, ang mgasumapi sa hari ng Babilonia at ang nala-labi pa sa mga manggagawa. 12 Ngunitiniwan niya ang mga hamak at karani-wang tao para magtrabaho sa mga uba-san at magbungkal ng lupa.

13 Sinira ng mga Kaldeo ang mga hali-ging tanso, ang mga patungan at angDagat na tanso sa Bahay ni Yawe, at di-nala sa Babilonia ang lahat ng tanso.

Ikalawang pagkatapon14 Tinangay rin nila ang mga kaldero, pala,

panggupit ng mitsa, mga kutsara at lahat ngbagay na tanso na ginagamit sa altar. 15 Kinuhanaman ng pinuno ng mga bantay ang mga insen-saryo, mga plangganang gamit sa pagwiwisik atlahat ng yari sa ginto o pilak. 16 Ang dalawanghaligi, ang Dagat at ang mga patungang ipina-gawa ni Haring Solomon para sa Bahay ni Yawe– di matimbang sa bigat ang lahat ng tansong ito!

17 May taas na dalawampu’t pitong talam-pakan ang bawat haligi. Nasa ibabaw ng bawatisa ang pinakatuktok na tanso na apat na talam-pakan ang taas at napaliligiran ng isang lambatng mga palamuting prutas na tanso.

18 Dinala ring bihag ng pinuno ng mga bantayang punong-paring si Serayas, at ang puma-pangalawa ritong si Sofonias, pati ang tatlongbantay-pinto.

19 Kinuha rin niya sa mga nasa lunsod angisang opisyal na pinuno ng hukbo, at limangtagapayo ng hari na nakita sa lunsod, pati angkalihim ng pinuno na namamahala sa pagpa-palista sa mga sundalo, at animnapu sa mgatauhan nito na natagpuan sa lunsod. 20 Kinu-hang lahat ito ni Nebuzaradan at dinala sa haring Babilonia sa Ribla. 21 Ipinapatay sila ng haring Babilonia doon sa Ribla sa lupain ng Hamat.Kaya itinapon ang Juda, malayo sa sarilinglupain.

Gedalias, gobernador ng Juda

22 Sa mga nanatili sa bayan ng Juda na iniwanni Nabucodonosor na hari ng Babilonia, itina-laga niyang gobernador si Gedalias na anak niAhikam na anak naman ni Safan. 23 Nang maba-litaan ng mga pinuno ng hukbo at ng kanilangmga tauhan na si Gedalias ang hinirang ng haring Babilonia bilang gobernador, pinuntahan nilasi Gedalias sa Mizpa. Sila ay sina Ismael na anak

KAHARIAN NINADAVID AT SOLOMON

Page 21: 2 MGA HARI 11 - Bible Claret

530ni Netanias, Yohanan na anak ni Karea, si Sera-yas na anak ni Tanhumet na Netofita, si Yaza-nias na anak ng Maakati, at ang mga tauhan ngmga ito. 24 Nanumpa si Gedalias at sinabi sakanila at sa kanilang mga tauhan: “Huwag ka-yong matakot na pasakop sa mga Kaldeo. Ma-natili kayo sa lupain at paglingkuran ang hari ngBabilonia, at magiging mabuti ang lahat para sainyo.”

25 Ngunit sa ikapitong buwan, si Ismael naanak ni Netanias na anak ni Elisama, na kamag-anak ng hari, ay dumating kasama ang sampuniyang tauhan, at pinatay si Gedalias pati angmga Judio at mga Kaldeong kasama nito saMizpa. 26 Kaya nagsitakas pa-Ehipto ang buongbayan, mula sa pinakaaba hanggang sa pinaka-

dakila, kasama ang mga pinuno ng hukbo, dahilsa takot sa mga Kaldeo.

27 Sa ikatatlumpu’t pitong taon ng pagka-deport kay Yoaking hari ng Juda, nagsimulangmaghari si Evil-Merodak na hari ng Babilonia, atnang taon ding iyon sa ikadalawampu’t pitongaraw ng ikalabindalawang buwan, nahabag siyakay Yoakin at pinalaya ito mula sa pagka-bilanggo. 28 Mabait siyang kinausap nito at pina-kitunguhan nang mas mabuti kaysa iba pangmga haring kasama nito sa Babilonia.

29 Hinubad ni Yoakin ang damit ng bilanggo,at kumain siyang kasalo ang hari sa nalalabi paniyang buhay.

30 Araw-araw siyang sinusustentuhan nghari ng Babilonia sa lahat ng araw ng kanyangbuhay.

2 MGA HARI 25