24
(PAGE 231) Tinatawag na “Mga Bilang” ang librong ito dahil nagsisimula ito sa mga bilang ng isang senso ng bayang Hebreo. Para rin dito ang sinasabi sa introduksyon sa Levitico: ang mga senso, mga pangyayari at mga deklarasyon ni Yawe kay Moises ay isang paraan lamang ng paglalahad sa mga batas na tinipon o inedit ng mga pari ng Israel pagkatapos ng panahon ni Moises. Pero hindi gawa-gawa lamang ang lahat ng nasa kasaysayang ito: batay ito sa matatandang tradisyong may kinalaman sa panahon ng pananatili sa disyerto. Makikita ang mga ito partikular sa mga Kabanata 11-14 at 20-25 na umuulit nang ilang beses sa mga pangyayari sa Exodo sa ibang kaanyuan. Pagkatapos ng paglabas sa Ehipto, inilalahad ang aklat ng Mga Bilang bilang isang martsa ng bayan ng Diyos patawid sa disyerto. Sa pagmamartsang ito, nag-iipon ang bayan ng mga karanasang kikintal sa buong hinaharap nito. MGA BILANG

231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

231

(PAGE 231)

Tinatawag na “Mga Bilang” ang librong ito dahil nagsisimula ito sa mga bilang ng isangsenso ng bayang Hebreo. Para rin dito ang sinasabi sa introduksyon sa Levitico: ang mga senso,mga pangyayari at mga deklarasyon ni Yawe kay Moises ay isang paraan lamang ng paglalahadsa mga batas na tinipon o inedit ng mga pari ng Israel pagkatapos ng panahon ni Moises.

Pero hindi gawa-gawa lamang ang lahat ng nasa kasaysayang ito: batay ito sa matatandangtradisyong may kinalaman sa panahon ng pananatili sa disyerto. Makikita ang mga ito partikularsa mga Kabanata 11-14 at 20-25 na umuulit nang ilang beses sa mga pangyayari sa Exodo saibang kaanyuan. Pagkatapos ng paglabas sa Ehipto, inilalahad ang aklat ng Mga Bilang bilangisang martsa ng bayan ng Diyos patawid sa disyerto. Sa pagmamartsang ito, nag-iipon ang bayanng mga karanasang kikintal sa buong hinaharap nito.

MGABILANG

Page 2: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

232Ang senso ng labindalawang tribu

• 1 Sa unang araw ng ikalawang buwanng ikalawang taon pagkaalis nila sa lupain

ng Ehipto, nagsalita si Yawe kay Moises saToldang Tagpuan sa disyerto ng Sinai: 2 “Italaninyo ang buong pamayanan ng Israel, ayon samga angkan at ang sambahayan ayon sa ama,bilangin ang lahat ng lalaki. 3 Ilista ninyongdalawa ni Aaron ang lahat ng lalaking maydalawampung taong gulang pataas na puwe-deng makipagdigma, ayon sa kani-kanilangmga pangkat.

4 Tutulungan kayo ng isang lalaki sa bawattribu, na siyang pangulo ng kanyang samba-hayan ayon sa ama. 5 Ito ang mga pangalan ngmga tutulong sa inyo:

sa Ruben: si Elisur na anak ni Sedeur. 6 SaSimeon: si Selumiel na anak ni Surishaddai. 7 SaJuda: si Naason na anak ni Aminadab. 8 SaIsacar: si Netanel na anak ni Suar. 9 Sa Zabulon:si Eliab na anak ni Helon. 10 Sa mga anak ni Jose:sa Efraim: si Elisama na anak ni Amihud; at saManases: si Gamaliel na anak ni Pedasur. 11 SaBenjamin: si Abidan na anak ni Gideoni. 12 SaDan: si Ahiezer na anak ni Amishaddai. 13 SaAser: si Pagiel na anak ni Ocran. 14 Sa Gad: siEliasaf na anak ni Deuel. 15 Sa Neftali: si Ahira naanak ni Enan.”

16 Ito ang mga ipinahayag sa pamayanan namga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel.

17 Kaya kinuha nina Moises at Aaron ang mgalalaking ito na sila mismo ang pumili, 18 attinipon ang buong pamayanan sa unang arawng ikalawang buwan. Inilista ang lahat na maydalawampung taong gulang pataas, at binilangang kanilang mga pangalan at pamilya, ayon saangkan at sambahayan ayon sa pinakaama,19 gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises. Ito angpaglilista sa kanila sa disyerto ng Sinai.

20 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Ruben na panganay niIsrael, na may dalawampung taong gulangpataas at puwedeng makipagdigma: 21 46,500ang nailista sa tribu ng Ruben.

22 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Simeon, na may dala-wampung taong gulang pataas at puwedengmakipagdigma: 23 59,300 ang nailista sa tribung Simeon.

24 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Gad, na may dalawam-pung taong gulang pataas at puwedeng ma-kipagdigma: 25 45,650 ang nailista sa tribu ngGad.

26 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Juda, na may dalawam-pung taong gulang pataas at puwedeng ma-kipagdigma: 27 74,600 ang nailista sa tribu ngJuda.

28 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Isacar, na may dala-wampung taong gulang pataas at puwedengmakipagdigma: 29 54,400 ang nailista sa tribung Isacar.

30 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Zabulon, na may dala-wampung taong gulang pataas at puwedengmakipagdigma: 31 57,400 ang nailista sa tribung Zabulon.

32 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Jose, na may dalawam-pung taong gulang pataas at puwedeng maki-pagdigma: 33 40,500 ang nailista sa tribu ngEfraim. 34 Binilang rin ayon sa mga angkan atsambahayan ang mga inapo ni Manases, namay dalawampung taong gulang pataas atpuwedeng makipagdigma: 35 32,200 ang nai-lista sa tribu ng Manases.

36 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Benjamin, na maydalawampung taong gulang pataas at puwe-deng makipagdigma: 37 35,400 ang nailista satribu ng Benjamin.

38 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Dan, na may dalawam-pung taong gulang pataas at puwedeng ma-kipagdigma: 39 62,700 ang nailista sa tribu ngDan.

40 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Aser, na may dalawam-pung taong gulang pataas at puwedeng ma-kipagdigma: 41 41,500 ang nailista sa tribu ngAser.

42 Binilang ayon sa mga angkan at samba-hayan ang mga inapo ni Neftali, na may dala-wampung taong gulang pataas at puwedengmakipagdigma: 43 53,400 ang nailista sa tribung Neftali.

44 Ito ang mga nailista sa sensong ginawa

mga hukbo ni Yawe para sakupin ang lupang pangako.Nangunguna ang kalalakihan ng tribu ng Levi o mgaLevitang responsable sa pagsamba. Kaya naiintin-dihan nating bayang “banal” ang bayang ito na naka-talaga sa Diyos.

• 1.1 Ano ang ibig sabihin ng sensong ito ng Israelna may maraming pag-uulit at ng mahusay na ayos ngmga kampo ng labindalawang tribu? Medyo katulad itong isang magandang esksena sa drama: makikita angIsrael bilang isang bayang may kaayusan, papunta ang

MGA BILANG 1

1

Page 3: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

233nina Moises at Aaron at ng labindalawang pinu-no ng Israel, isa para sa bawat angkan ayon sapinakaama. 45-46 Ang kabuuan ng mga Israeli-tang may dalawampung taong gulang pataas atpuwedeng makipagdigma na nailista ayon sakani-kanilang mga sambahayan: 603,550.

47 Hindi naman kasamang inilista ang mgaLevita sa kanilang tribu. 48 Sinabi nga ni Yawekay Moises: 49 “Huwag mo nang ilista ang tribung Levi at huwag isama sa ibang mga Israelita.50 Itatalaga mo ang mga Levita para sa Tirahanng Pahayag, sa lahat ng kasangkapan nito at salahat ng naroon. Sila ang magpapasan ngTirahan at ng lahat ng kasangkapan nito. Silaang maglilingkod dito at titira sa paligid ngTirahan. 51 Kung ililipat ang Tirahan, ang mgaLevita ang magkakalag nito; at kung magka-kampo ang Tirahan, ang mga Levita ang magta-tayo nito. At mamamatay naman ang sinumangtagalabas na lumapit doon.

52 Magkakampo ang mga Israelita sa kani-kanilang mga lugar, sa paligid ng kani-kanilangbandila, ayon sa kani-kanilang mga batalyon.53 Magkakampo naman ang mga Levita sa pa-ligid ng Tirahan ng Pahayag para hindi bagsa-kan ng galit ang pamayanan ng Israel. Kaya angmga Levita ang mamamahala sa Tirahan ngPahayag.”

54 At ginawa nga ito ng mga Israelita gaya nginiutos ni Yawe kay Moises.

Ang “mga hukbo ng Israel”1 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron:2 “Magkakampo ang mga Israelita sa pa-

ligid ng kani-kanilang bandila, sa ilalim ngbandila ng kani-kanilang sambahayan; magka-kampo sila sa harap at sa paligid ng ToldangTagpuan. 3 Nasa silangan, paharap sa sinisi-katan ng araw, ang mga nasa bandila ng kampong Juda at nakaayos nang grupu-grupo. Pinunong Juda si Naasong anak ni Aminadab, 4 atumabot sa 74,600 ang kanyang batalyon ayonsa senso.

5 Nasa tabi naman nila ang tribu ng Isacar. SiNetanel na anak ni Suar ang kanilang pinuno 6 atumabot sa 54,400 ang nailistang nasa ilalimniya.

7 Sumunod naman ang tribu ng Zabulon. SiEliab na anak ni Helon ang kanilang pinuno, 8 atumabot sa 57,400 ang nailistang nasa ilalimniya.

9 Kabuuan ng mga nailista sa kampo ngJuda: 186,400 ayon sa kani-kanilang mga ba-talyon. Sila ang mangunguna sa paglakad.

10 Nasa gawing timog naman ang bandila ngkampo ng Ruben na nakaayos nang grupu-

grupo. Si Elisur na anak ni Sedeur ang kanilangpinuno, 11 at umabot sa 46,500 ang kanyangbatalyon ayon sa senso.

12 Nasa tabi nila ang tribu ng Simeon. SiSelumiel na anak ni Surishaddai ang kanilangpinuno, 13 at umabot sa 59,300 ang mga nai-listang nasa ilalim niya.

14 Pagkatapos nama’y ang tribu ng Gad; siEliasaf na anak ni Deuel ang kanilang pinuno,15 at umabot sa 45,650 ang mga nailistang nasailalim niya.

16 Kabuuan ng mga nailista sa kampo ngRuben: 151,450 ayon sa kani-kanilang mgabatalyon. Sila ang pangalawa sa paglakad.

17 Ganito aalis ang Toldang Tagpuan: nasagitna ng mga kampo ang kampo ng mga Levita.Kung paano sa kampo, gayon din sa paglakad:ang bawat isa sa sariling lugar, ayon sa kanya-kanyang bandila.

18 Nasa gawing kanluran ang bandila ngkampo ng Efraim na nakaayos nang grupu-grupo. Si Elisama na anak ni Amihud ang kani-lang pinuno, 19 at umabot sa 40,500 ang mganailistang nasa ilalim niya.

20 Katabi nila ang tribu ng Manases. Si Gama-liel na anak ni Pedasur ang kanilang pinuno, 21 atumabot sa 32,200 ang mga nailistang nasailalim niya. 22 Sumunod naman ang tribu ngBenjamin. Si Abidan na anak ni Gideoni angkanilang pinuno, 23 at umabot sa 35,400 angmga nailistang nasa ilalim niya.

24 Kabuuan ng mga nailista sa kampo ngEfraim: 108,100 ayon sa kani-kanilang mgabatalyon. Sila ang papangatlo sa paglakad.

25 Nasa gawing hilaga ang bandila ng kampong Dan na nakaayos nang grupu-grupo. SiAhiezer na anak ni Amishaddai ang kanilangpinuno, 26 at umabot sa 62,700 ang mga nailis-tang nasa ilalim niya.

27 Nasa tabi nila ang tribu ng Aser. Si Pagiel naanak ni Ocran ang kanilang pinuno 28 at umabotsa 41,500 ang mga nailistang nasa ilalim niya.29 At ang tribu ng Neftali. Si Ajira na anak ni Enanang kanilang pinuno, 30 at umabot sa 53,400 angmga nailistang nasa ilalim niya.

31 Kabuuan ng mga nailista sa kampo ng Dan:157,600 ayon sa kanilang mga bandila. Ito angmahuhuli sa paglakad.”

32 Ito ang mga Israelitang nailista ayon samga sambahayan ng kanilang mga ama-ama.Kabuuan ng mga nailista: 603,550 ayon sakani-kanilang mga batalyon sa mga kampo.

33 Hindi inilistang kasama ng ibang mgaIsraelita ang mga Levita, ayon sa iniutos ni Yawekay Moises.

34 Tinupad ng mga Israelita ang lahat ng

MGA BILANG 2

2

Page 4: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

234iniutos ni Yawe kay Moises. Ayon sa kani-kanilang mga bandila sila nagkampo at umalis,ang bawat isa ayon sa sariling angkan at sam-bahayan ng kanilang mga ama-ama.

Ang tribu ng Levi

• 1 Narito ang mga inapo nina Aaron atMoises nang kausapin ni Yawe si Moises sa

Bundok Sinai. 2 Narito ang mga pangalan ngmga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, siAbihu, si Eleazar at si Itamar. 3 Ito ang mgapangalan ng mga anak ni Aaron, na paringpinahiran at itinalaga sa pagpapari. 4 Ngunitnamatay sa harap ni Yawe sina Nadab at Abihunang mag-alay sila ng di-banal na apoy sa harapni Yawe sa disyerto ng Sinai; at wala silang anak.Kaya sina Eleazar at Itamar ang naging parikasama ang kanilang amang si Aaron.

5 Sinabi ni Yawe kay Moises: 6 “Ipatawag moang tribu ng Levi at iharap mo sila sa paring siAaron para tulungan nila siya. 7 Sila ang tutupadsa kanyang tungkulin at ng buong pamayanansa harap ng Toldang Tagpuan sa paglilingkod saTirahan. 8 Iingatan nila ang lahat ng gamit ngToldang Tagpuan at magbabantay sa ngalan ngmga Israelita sa paglilingkod sa Tirahan. 9 Ipag-kakatiwala mo ang mga Levita kay Aaron at sakanyang mga anak bilang “bigay”, ibinigay ngasila sa akin ng mga Israelita. 10 Itatalaga monaman si Aaron at ang kanyang mga inapo samga tungkulin ng pagkapari, at mamamatayang sinumang tagalabas na makialam.”

11 At sinabi ni Yawe kay Moises: 12 “Ako angkumuha sa mga Levita mula sa mga Israelita sahalip ng mga isisilang na panganay ng mgaIsraelita. Kaya akin ang mga Levita. 13 Akin anglahat ng panganay; nang patayin ko ang mga

panganay sa lupain ng Ehipto, itinalaga ko saaking sarili ang lahat ng panganay sa Israel.Maging tao o hayop, akin silang lahat. Ako siYawe.”

14 Nagsalita si Yawe kay Moises sa disyerto ngSinai: 15 “Ipalista mo ang mga anak ng Levi ayonsa mga sambahayan ng kanilang mga ama-amaat mga angkan; isama mo ang mga lalakingmay isang buwang gulang pataas.” 16 Kaya ini-lista sila ni Moises gaya ng iniutos sa kanya niYawe.

17 Narito ang mga pangalan ng mga anak niLevi: Gerson, Kehat at Merari.

18 Narito naman ang mga pangalan ng mgaanak ni Gerson, ayon sa mga angkan: Libni atSemei. 19 Mga anak ni Kehat, ayon sa mgaangkan: Amram, Yishar, Hebron at Uziel. 20 Mgaanak ni Merari, ayon sa mga angkan: Mahli atMusi. Ito ang mga angkan ng Levi ayon sa mgasambahayan ng kanilang mga ama-ama.

21 Kay Gerson ang mga angkan nina Libni atSemei; ito ang mga angkan ni Gerson, 22 at7,500 ang nailistang lalaking may isang buwanpataas. 23 Sa gawing kanluran sa likod ng Tira-han nagkampo ang mga angkan ng mga Ger-sonita. 24 Si Eliasaf na anak ni Lael ang pinuno ngkanilang sambahayan. 25 Sa Toldang Tagpuan,sila ang nangasiwa sa Tirahan, sa Tolda at sapanakip nito, sa kurtinang nasa may pintuan ngToldang Tagpuan, 26 sa mga kurtina ng patyo, atsa kurtina sa may pintuan ng patyo na nasapaligid ng Tirahan, at pati na sa altar at sa mgatali para sa paggawa.

27 Kay Kehat ang mga angkan ng mgaAmramita, mga Yisrahita, mga Hebronita atmga Uzielita. Ito ang mga angkan ng mgaKehatita, 28 at 8,300 ang nailistang lalaking may

• 3.1 Tungkol sa mga pari at mga Levita angmga kabanata 3, 4 at 8.

Noong panahon ni Abraham, ang bawat pinuno ngangkan ang pinakapari ng kanyang grupo: siya mismoang nag-aalay ng mga handog (Gen 15:10), nagsasa-gawa sa mga sagradong seremonya (Gen 28:18) atnagbabasbas sa ngalan ng Diyos (Gen 27:27).

Malamang na humirang si Moises ng mga lalakingmamamahala sa pagtuturo ng mga batas ni Yawe saIsrael. Nakalaan ang misyong ito para sa grupongtinatawag na tribu ng Levi na siguro’y isang tribu ngmga mandirigma sa simula. Sa pangyayari tungkol saGintong Guya, sila ang pumanig kay Moises sa pag-papanumbalik sa kaayusan.

Subalit patuloy pa rin sa pagdiriwang ang mgapinuno ng mga angkan at ang mga pari nang walangbatas o kontrol (tingnan Mga Hukom 17).

Nilikha nina David at Solomon ang kaparian ng mgaJudio: mula noo’y ang mga lalaking mula sa tribu ngLevi lamang ang magiging mga pari. Sa reporma

marahil ni Yosias ginawa ang pagkakaroon mismo ngmga antas sa mga Levita. Tinawag na mga pari angmga nasa mas mataas na ranggo, at mga Levita namanang mga nasa mas mababa (tingnan 2 Mga Hari 22:8).Malamang na ang mga bumalik sa Jerusalem sa utos niYosias at pinagbawalang magdiwang sa Templo angmga unang “Levita” na mas mababa ang ranggo,samantalang nakita naman ng kaparian ng Jerusalemna pinagtibay ang kanilang mga pribilehiyo. Silangmga “pari” sa Templo ang mula noo’y bumuo ng isangmas mataas na hanay. At para maiba sila sa mismongtribu ng Levi, sinabi nilang mga inapo sila ni Aarongkapatid ni Moises.

Ipinalalagay ng Aklat ng Mga Bilang, sa kathang-isip,na si Moises ang nag-organisa ng lahat ng ito.

Ang mga Levita ang kumakatawan sa mga panganayna anak ng Israel na iniligtas ni Yawe sa unang Paskuwanang mamatay ang mga panganay na anak ng Ehipto.Dahil iniligtas sila ni Yawe kaya sa kanya sila mulanoon.

MGA BILANG 2

3

Page 5: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

235isang buwan pataas. Sila ang namahala ngsantuwaryo. 29 Sa gawing timog ng Tirahan nag-kampo ang mga angkan ng mga Kehatita. 30 SiElisafan na anak ni Uziel ang pinuno ng kanilangsambahayan.

31 Sila ang namamahala sa Kaban, mesa,kandelabra, mga altar, mga gamit sa santu-waryo at kurtina. 32 Si Eleazar na anak ni Aarongpari, ang kataas-taasang pinuno ng mga Levita;siya ang tagapamahala sa mga nagbabantay sasantuwaryo.

33 Kay Merari ang mga angkan ng mgaMahlita at Musita. Ito ang mga angkan ng mgaMerarita, 34 at 6,200 ang nailistang lalaking mayisang buwan pataas. 35 Si Suriel na anak niAbihail ang pinuno ng sambahayan ng mgaangkan ni Merari. Sa gawing hilaga ng Tirahansila nagkampo. 36 Sila ang namamahala sa mgatabla ng Tirahan, sa mga pahalang, mga haligi,mga tuntungan, at sa lahat ng gamit sa paggawanito, 37 pati na sa mga haligi sa paligid ng patyo,at mga tuntungan ng mga ito, sa mga tulos atmga tali.

38 Sa unahan ng Tirahan, sa silangan, saharap ng Toldang Tagpuan, paharap sa sini-sikatan ng araw, sina Moises at Aaron naman atang mga anak nito ang nagbabantay sa san-tuwaryo. Nagbabantay sila sa ngalan ng mgaIsraelita at mamamatay ang sinumang tagala-bas na lumapit.

39 Kabuuan ng mga lalaking Levita na mayisang buwan pataas na inilista nina Moises atAaron ayon sa mga angkan gaya ng iniutos niYawe: 22,000.

40 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Ilista mo anglahat ng panganay na lalaki sa mga Israelita namay isang buwan pataas, at bilangin ang kani-lang mga pangalan. 41 At saka mo iukol sa akinang mga Levita bilang kahalili ng lahat ngpanganay ng mga Israelita, pati ang kanilangmga hayupan sa halip ng lahat ng panganay ngmga hayupan ng mga Israelita. Ako si Yawe.”

42 Kaya inilista ni Moises ang lahat ng panga-nay ng mga Israelita gaya ng iniutos sa kanyani Yawe. 43 Kabuuan ng mga nailistang panga-

nay na lalaking may isang buwan pataas:22,273.

44 At sinabi pa ni Yawe kay Moises: 45 “Ihalilimo ang mga Levita sa mga panganay ng mgaIsraelita, at ang mga hayupan ng mga Levita sakanilang mga hayupan. Akin na ang mga Levita– ako si Yawe. 46 Bilang pantubos sa dalawan-daa’t pitumpu’t tatlong panganay ng mgaIsraelita na higit pa sa bilang ng mga Levita,47 tatanggap ka ng limang shekel sa bawat ulo,ayon sa shekel ng santuwaryo (dalawampungkusing ang katimbang ng isang shekel).48 Ibigay mo ang halagang ito kay Aaron at sakanyang mga anak bilang pantubos sa lumabisna bilang.”

49 Kaya tinanggap ni Moises ang pilak napantubos sa mga natirang hindi pa natutubos ngmga Levita. 50 Tumanggap siya sa mga pa-nganay ng mga Israelita ng 1,365 shekel napilak, ayon sa shekel ng santuwaryo. 51 At ibini-gay niya ang perang pantubos kay Aaron at sakanyang mga anak, gaya ng iniutos sa kanya niYawe.

Mga angkan ng mga Levita:ang mga Kehatita

• 1 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron:2 “Bilangin mo ang mga Kehatitang mga

anak ni Levi ayon sa mga angkan at samba-hayan ng mga ama-ama, ang lahat ng lalakingKehatita 3 mula tatlumpu hanggang limampungtaong gulang; silang puwedeng makipagdigmaang gaganap sa mga tungkulin sa ToldangTagpuan.

4 Ito ang tungkulin ng mga Kehatita sa Tol-dang Tagpuan: para sa pinakabanal na mgabagay ang mga ito. 5 Sa paglipat ng kampo,pagkapasok ni Aaron at ng kanyang mga anak,sila ang magbababa ng kurtina at itatabing ito saKaban ng Pahayag. 6 Ilalagay sa ibabaw angisang takip na malambot na katad at lalataganito ng isang telang asul-purpura. At saka nilailalagay ang mga pampasan sa Kaban.

7 Ilalatag naman ang isang telang asul-pur-pura sa hapag ng mga Tinapay ng Presensya at

• 4.1 Sa Israel, bawat lalaking ipinanganak sa tribung Levi ay pari. Bukod pa rito’y nakatalaga sa kunganong paglilingkod ang bawat pamilya ng nasabingtribu. Ito ang itinuturo ng sensong ito sa tribu ng Levi.Panghabampanahon at panghabambuhay na nakata-laga sa paglilingkod sa Diyos ang mga Levita (at angkanilang mga anak). Sa pamamagitan lamang ngkanilang presensya’y ipinaaalaala nila sa Israel na ito’yisang bayang nakalaan para sa paglilingkod sa Diyos.

Hawak pa rin ng kaparian ng Israel ang kanilangpuwesto sa Templo nang panahon ni Kristo. Pero

mula pa sa simula nito, hindi na ipinalagay ng iglesyana sakop siya ng kaparian. Para sa kanya, wala nang“Bahay ng Diyos’ sa piling ng mga bahay ng mga tao(Jn 2:19; Pag 21:22): si Jesus ang Bagong Templo “napinananahanan ng buong kabuuan ng pagka-Diyos(Col 2:9). Mula noon, hindi na kinailangan ng iglesyaang isang “kapariang” mag-aasikaso sa paglilingkod saTemplo, hindi na nito kailangan ang mga “Levita”.Mga “ministro” ang kailangan ngayon ng iglesya, at saiba’t ibang paglilingkod nila matitiyak ang paglaki ngbuong Katawan (Ef 4:11-12).

MGA BILANG 4

4

Page 6: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

236ilalagay roon ang mga plato, mga kopa, at mgamangkok at mga sisidlan para sa pagbubuhos.Laging mananatili roon ang tinapay. 8 Ilalatagnila sa ibabaw ng mga ito ang isang telanggranate at tatakpan ito ng malambot na katad.At saka ilalagay ang mga pampasan.

9 Kukuha sila ng telang asul-purpura at ta-takpan nito ang kandelabra at ang mga ilawannito, pati ang mga pang-ipit ng mitsa, mgasahuran, at ang iba’t ibang mga lata ng langis naginagamit doon. 10 Pagkatakip nila ng malambotna katad sa kandelabra at sa lahat ng gamit nito,ilalagay ang mga ito sa isang balangkas.

11 Ilalatag nila ang isang telang asul-purpurasa ibabaw ng altar na ginto, at tatakpan din ito ngmalambot na katad. At saka nila ilalagay angmga pampasan. 12 Kukunin ang lahat ng gamitsa santuwaryo, ilalagay nila ang mga ito sa isangtelang asul-purpura, tatakpan ng malambot nakatad at ilalagay ang lahat sa isang balangkas.

13 Pagkaalis ng mga abo sa altar, lalatagan itong isang damit na eskarlata. 14 Dito ilalagay anglahat ng gamit sa altar: ang mga lalagyan ngbaga, mga tinidor, mga pala, mga mangkok –ang lahat ng gamit sa altar. Ilalatag dito angisang malambot na katad bilang panakip at sakailalagay ang mga pampasan.

15 Pagkatapos ni Aaron at ng kanyang mgaanak na balutin ang santuwaryo at lahat nggamit dito para sa paglipat ng kampo ay sakapapasok ang mga Kehatita para pasanin angmga iyon. Hindi nila hihipuin ang mga banal nabagay at baka sila mamatay. Ito ang tungkulinng mga Kehatita sa Toldang Tagpuan.

16 Ito naman ang pamamahalaan ni Eleazarna anak ng paring si Aaron: ang langis ng ilawan,ang mabangong insenso, ang palagiang handogna pagkain, ang langis na pamahid – ang buongTirahan at lahat ng narito – ang santuwaryo atlahat ng kagamitan nito.”

17 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron:18 “Huwag ninyong pabayaang maglaho sa mgaLevita ang tribu at mga angkan ng mga Kehatita.19 Huwag sila hayaang mamatay paglapit nila sakabanal-banalang lugar. Kaya ito ang gagawinninyo para mabuhay sila: papasok si Aaron atang kanyang mga anak at itotoka sa bawat isaang kanya-kanyang gagawin at papasanin.20 Ngunit huwag silang basta na lamang puma-sok para tingnan ang mga nasa santuwaryo,kung hindi’y mamamatay sila.”

Ang mga Gersonita21 Nagsalita si Yawe kay Moises: 22 “Ilista rin

ang lahat ng lalaking Gersonita 23 na maytatlumpu hanggang limampung taong gulangayon sa kanilang mga sambahayan ng mgaama-ama at mga angkan. Ililista mo ang mgapuwedeng makipagdigma upang maglingkodsa Toldang Tagpuan.

24 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ngmga Gersonita, ang kanilang gagawin at papa-sanin. 25 Papasanin nila ang mga kurtina ngTirahan, ang Toldang Tagpuan at ang panakipnito at ang pambalot na malambot na katad, angkurtina sa pasukan ng Toldang Tagpuan 26 angmga kurtina ng patyo at sa may pintuan ngpatyo, na nakapaligid sa Tirahan at sa altar, atang mga panali at lahat ng gamit sa kanilanggawain at lahat ng kagamitan nila. 27 Pamama-halaan ni Aaron at ng kanyang mga anak angpaglilingkod ng mga Gersonita sa lahat nilanggagawin at papasanin. Ipagkakatiwala ninyo sakanila ang mga papasanin nila. 28 Ito ang pagli-lingkod ng mga Gersonita sa Toldang Tagpuan;si Itamar na anak ng paring si Aaron ang kani-lang tagapamahala.

Ang mga Merarita29 Ililista mo rin ayon sa mga angkan at sam-

Pero lumago ang iglesya sa pagdaan ng mga dan-taon; bansa-bansang nagpabinyag ang mga tao atsumapi sa bagong relihiyon sa pagsunod sa kanilanghari o prinsipe. Nadarama ng karamihan ang panga-ngailangan sa isang relihiyon kahit hindi pa naririnigang tawag sa pananampalataya. Naging kristiyano angkaramihan dahil lamang inalis ng Kristiyanismo satrono ang matatandang paniniwala. Sa kristiyanongparaan, ang Iglesya ay naging kung ano noon angmatandang Israel: isang relihiyosong bayang pinasiglang isang di-nakikitang pagkakasama-sama ng mgamananampalataya. Lumaganap ang mga pamaya-nang Kristiyano, at napalitan ng pagsimba sa sim-bahan ang mga pagtitipon sa mga bahay-bahay. Saganitong paraan naihanda ang daan sa mas mahirappang mga ministeryo: hiningi ng bagong sitwasyonang pagbabalik sa pananaw ng Matandang Tipan.

Kailangan na ang “mga pari” at “klero” para magling-kod sa mga “mananampalataya”, ang mga “bininya-gan lamang”.

Sa pagsapit lamang ng ika-20 dantaon mulingpinagaralan ang binyag. Saka lamang naging masmalinaw na, bagamat kailangan ang mga minis-teryo, hindi kinakailangang ipagkatiwala lahat ito samga paring hindi mag-aasawa, na isinapi at hinubogsa mga seminaryo sa kanilang kabataan, sa halipna piliin sa loob ng pamayanang Kristiyano dahilsa mga katutubong kakayahang napatunayan na sakanila.

Palayasin sa kampo (5:1). Alalahanin nating sinulatang lahat ng ito sa matalinhagang paraan. Ang kampoang sumasagisag para sa Banal na Lugar, ang Templo.Isang paraan ito ng pagsasabi kung sino ang hindipuwedeng pumasok sa Templo.

MGA BILANG 4

Page 7: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

237bahayan ng mga ama-ama ang mga Meraritang30 may tatlumpu hanggang limampung taonggulang. Ililista mo ang mga puwedeng makipag-digma para maglingkod sa Toldang Tagpuan.31 Ito ang kanilang paglilingkod sa ToldangTagpuan, ang dapat pasanin sa ilalim ng kani-lang pamamahala: ang mga tabla ng Tirahankasama ang mga pahalang nito, ang mga haligiat mga tuntungan, 32 at ang mga haligi sa paligidng patyo, at ang mga tuntungan ng mga ito, mgatulos at panali, at lahat ng saklaw ng mga ito atlahat ng gamit sa kanilang gawain. Tatatakanmo ang lahat ng bagay na dapat pasanin sailalim ng kanilang pamamahala.

33 Ito ang paglilingkod ng mga angkan ngmga Merarita sa Toldang Tagpuan, sa ilalim ngpamamahala ni Itamar na anak ng paring siAaron.”Senso ng mga Levita

34 Kaya inilista nina Moises at Aaron at ngmga pinuno ng pamayanan ayon sa kanilangmga angkan at sambahayan ng mga ama-amaang mga Kehatitang 35 may tatlumpu hangganglimampung taong gulang. Sila ang mga nag-lilingkod sa Toldang Tagpuan; 36 at umabot sa2,750 ang mga nailista sa kanilang mga ang-kan. 37 Ito ang paglilista sa mga lalaki sa mgaangkang Kehatita. Sila ang mga naglilingkod saToldang Tagpuan; inilista sila nina Moises atAaron, ayon sa iniutos ni Yawe kay Moises.

38 Inilista rin ang mga Gersonita ayon sa mgaangkan at sambahayan ng mga ama-ama, 39 namay tatlumpu hanggang limampung taon. Silaang mga puwedeng makipagdigma na dapatmaglingkod sa Toldang Tagpuan. 40 Umabot sa2,630 ang mga nailista ayon sa kanilang mgaangkan at sambahayan. 41 Ito ang paglilista samga Gersonitang maglilingkod sa ToldangTagpuan, na inilista nina Moises at Aaron ayonsa iniutos ni Yawe.

42 Inilista rin ang mga Merarita ayon sakanilang mga angkan at mga sambahayan ngmga ama-ama, 43 na may tatlumpu hangganglimampung taon. Sila ang mga puwedeng ma-kipagdigma na dapat maglingkod sa ToldangTagpuan. 44 Umabot sa 3,200 ang mga nailistasa kanilang mga angkan at mga sambahayan.45 Ito ang paglilista sa mga angkan ng mgaMerarita na inilista nina Moises at Aaron, ayon sainiutos ni Yawe kay Moises.

46 Ito ang kabuuan ng mga Levitang inilistanina Moises at Aaron at ng mga pinuno ng Israel,ayon sa mga angkan at mga sambahayan ngkani-kanilang mga ama, 47 na may tatlumpuhanggang limampung taong gulang; sila ang

makapaglilingkod sa Toldang Tagpuan at ma-kapagpapasan. 48 Umabot sa 8,580 ang mganailista. 49 Inilista sila ni Moises ayon sa utos niYawe at tinokahan ang bawat isa sa kanyangpaglilingkod at pagpapasan. Ganito ang iniutosni Yawe kay Moises.

Iba’t ibang batas

1 Nagsalita si Yawe kay Moises: 2 “Iutosmo sa mga Israelita na palayasin sa kampo

ang lahat ng ketongin, lahat ng may tulo at lahatng naging di-malinis sa paghipo sa patay.3 Palayasin mo sila sa kampo, lalaki man obabae, at baka gawin nilang di-malinis angkampong pinananahanan ko.” 4 Ganoon ngaang ginawa ng mga Israelita: pinalabas nila sakampo ang mga iyon, ayon sa iniutos ni Yawekay Moises.

5 Nagsalita si Yawe kay Moises: 6 “Sabihin mosa mga Israelita: Kung may lalaki o babaengmagtaksil kay Yawe sa pagkakasala sa kanyangkapwa, dapat siyang managot. 7 Pagkaaminniya ng kanyang kasalanan, isasauli niya angbagay na dahilan ng kanyang pagkakasala, atdadagdagan pa ng ikalimang bahagi para sanagawan niya ng kasalanan.

8 Ngunit kung wala ang nagawan niya ngkasalanan at walang kamag-anak na mapag-sasaulian, kay Yawe isasauli ang bagay at ma-papasapari ito. Bukod pa ito sa barakong tu-pang pambayad-sala na iaalay ng pari parahumingi ng tawad. 9 Mapapasapari rin ang lahatng banal na abuloy na ibinibigay sa kanya ngmga Israelita. 10 Sa bawat isa ang ibinukodniyang banal; sa bawat pari ang ipinagkakaloobsa kanya.

11 Sinabi ni Yawe kay Moises: 12 “Sabihin mosa mga Israelita:

Ipagpalagay nang may nangaliwa at nag-taksil na maybahay sa kanyang asawa. 13 Na-kipagtalik siya sa ibang lalaki at hindi nalamanng kanyang asawa dahil inilihim niya ang kan-yang karumihan at walang saksing nakahuli sakanya sa akto. 14 Ngunit umiral ang selos salalaki at pinaghinalaan ang kanyang mayba-hay, o kaya’y umiral din ang selos sa lalaki atpinagdudahan ang kanyang maybahay kahit nahindi ito naging di-malinis. 15 Kung magka-gayo’y ihaharap ng lalaki sa pari ang kanyangasawa at magdadala rin ng handog na nauukoldito: ang ikapu ng isang efang harinang sebada.Hindi niya ito bubuhusan ng langis o magsu-sunog kaya ng insenso: pagkaing handog ngselos nga iyon, na isang pang-alaalang handogpara alalahanin ang isang pagkakasala.

MGA BILANG 5

5

Page 8: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

23816 Palalapitin ng pari ang babae at tatayo

naman ito sa harap ni Yawe. 17 Kukunin ng pariang sagradong tubig at lalagyan niya ito ngkaunting alabok na kinuha niya sa sahig ngTirahan. 18 At habang nakatayo ang babae saharap ni Yawe, aalisin ng pari ang takip nito saulo at ilalagay sa mga palad ng babae ang pang-alaalang handog na pagkain (ang handog ngselos); at nasa kamay naman ng pari ang mapaitna tubig ng kasawiampalad.

19 Pasusumpain ng pari ang babae sa pagsa-sabing: ‘Kung wala ngang lalaking sumiping saiyo at hindi ka nangaliwa at nadungisan sa pilingng ibang lalaki, lalabas kang matuwid sa mapaitna tubig ng kasawiampalad. 20 Ngunit kungnangaliwa ka sa piling ng ibang lalaki at naki-pagtalik sa iyo ang di mo asawa…’ 21 At sasa-bihin ng pari sa babae ang ganitong sumpa:‘Gawin ka nawa ni Yawe na halimbawa ng isangisinumpa at itinakwil; matuyo ang iyong hita atbumukol ang iyong tiyan. 22 Pasukin sana ngtubig na ito ng kasawiampalad ang iyong mgalamang-loob para bumukol ang iyong tiyan atmatuyo ang iyong hita!’ At sasagot ang babae:‘Amen, amen!’

23 Isusulat ng pari ang sumpang ito sa isangpapel, at saka buburahin sa mapait na tubig.24 At ipaiinom sa babae ang mapait na tubig ngkasawiampalad at papasok sa kanya ang tubigat magiging mapait.

25 Tatanggapin ng pari sa kamay ng babaeang pagkaing handog ng selos at iiindayog saharap ni Yawe at dadalhin sa altar. 26 Kukuhasiya ng isang dakot sa pang-alaalang handog napagkain at susunugin ito sa altar at ipaiinom angtubig sa babae.

27 Pagkainom niya, kung tunay siyang na-ngaliwa at nagtaksil sa kanyang asawa, papa-sok sa kanya ang tubig ng kasawiampalad atmagiging mapait: bubukol ang kanyang tiyan atmatutuyo ang kanyang hita, kayat magiginghalimbawa siya ng isang isinumpa. 28 Subalitkung hindi naman nadungisan ang babae atmalinis pa, lalabas siyang matuwid at magka-kaanak pa.

29 Ito nga ang batas ng selos tungkol sa ba-baeng nangaliwa habang nasa poder ng kan-

yang asawa at nadungisan, 30 o kung pinama-yanihan kaya ng selos ang isang lalaking naghi-hinala sa kanyang asawa. Ihaharap niya angbabae kay Yawe at ilalapat ng pari sa kanya angbuong batas na ito. 31 Kaya mawawalan ng salaang lalaki, at dadalhin naman ng babae angkanyang kasalanan.Ang mga Nasireo

• 1 Nagsalita si Yawe kay Moises: “Ka-usapin mo ang mga anak ng Israel, 2 at

sabihin sa kanila – Kung may lalaki o babaenggagawa ng natatanging panata, ang panata ngpagtatalaga ng sarili para kay Yawe bilang isangNasir, 3 hindi siya iinom ng alak at matapang nainumin. Hindi siya iinom ng sukang gawa sa alako sa matapang na inumin, at hindi rin siya iinomng katas ng ubas o kakain ng ubas o pasas.

4 Sa buong panahong nabubuhay siya bilangisang Nasir, hindi siya kakain ng anumanggaling sa ubasan, mula sa buto hanggang sabalat.

5 Sa buong panahon ng kanyang panata ngpagtatalaga, hindi sasayaran ng labaha angkanyang ulo. Magiging banal siya at pahahabainniya ang kanyang buhok hanggang mataposang pagtatalaga niya kay Yawe. 6 Sa buongpanahon ng kanyang pagtatalaga sa kara-ngalan ni Yawe, hindi siya lalapit sa sinumangpatay, 7 maging iyon ang kanyang ama, ina, okapatid, kung hindi’y madudungisan siya sa-pagkat taglay niya sa kanyang ulo ang tanda ngpagkakatalaga niya sa Diyos. 8 Sa buong pa-nahon ng kanyang pagiging Nasir, nakatalagasiya kay Yawe.

9 Kung may biglang mamatay sa tabi niya,nadungisan ang kanyang ulong nakatalaga.Kailangan siyang linisin sa ikapitong araw atahitin ang kanyang ulo sa araw na iyon. 10 Saikawalong araw, magdadala siya sa pari sapintuan ng Toldang Tagpuan ng dalawang batu-bato o dalawang batang kalapati. 11 Ihahandogng pari ang isa bilang handog para sa kasalanan,at ang isa pa bilang sinunog na handog, kayamagbabayad-sala siya para sa kanya sapagkatnagkasala ito dahil sa isang patay.

Sa araw ding iyon, itatalagang muli ng Nasirang kanyang ulo 12 at magdadala siya ng isang

• 6.1 Ang mga Nasireo ay mga lalaking nagtalagang kanilang sarili sa Diyos, pansamantala man opanghabambuhay. Isang nasireo si Samson (MgaHukom 13:5) at malamang na gayon din si JuanBautista (tingnan Lucas 1:15). May mga nasireo rin samga unang Kristiyanong lahing-Judio (Mga Gawa21:23). Tingnan din ang panata ni Pablo (Mga Gawa18:18).

MGA BILANG 5

6

Wala tayong alam na mga konggregasyong relihi-yoso sa Israel gaya ng meron tayo ngayon sa Iglesya.Kayat ang batas tungkol sa mga nasireo ay nagpapa-hintulot sa sinumang mananampalataya na personalna italaga ang sarili sa Diyos.

• 22. Ang pagbabasbas ni Moises na laging gina-gamit ni San Francisco ng Assisi.

Page 9: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

239korderong isang taong gulang bilang hain parasa utang. Hindi ibibilang ang mga nagdaangaraw sapagkat nadungisan ang kanyang pagta-talaga.

13 Ito ang batas-Nasireo: Sa oras na mataposang panahon ng kanyang pagkabanal, dadalhinsiya sa may pintuan ng Toldang Tagpuan.14 Iaalay niya ang kanyang handog kay Yawe:isang taong gulang na tupang walang kapin-tasan bilang susunuging handog, isang taonggulang na babaeng tupa na walang kapintasanbilang hain para sa kasalanan, isang tupanglalaki na walang kapintasan bilang hain samabuting pagsasamahan, 15 isang basket natinapay na walang lebadura at gawa sa pinongharina na hinaluan ng langis at biskwit na walanglebadura na pinahiran ng langis, at mga pag-kaing handog at mga inuming handog.

16 Iaalay ng pari ang mga iyon sa harap niYawe at isasakripisyo ang hain para sa kasala-nan at ang susunuging handog. 17 Iaalay namanniya kay Yawe ang tupang lalaki bilang hain samabuting pagsasamahan, pati ang basket ngmga tinapay na walang lebadura, at iaalay ngpari ang kanyang handog na pagkain at inumin.18 At pagkatapos ay aahitan ng Nasireo sa maypintuan ng Toldang Tagpuan ang kanyangpinabanal na ulo, kukunin ang buhok, at ilalagaysa apoy na nasa ilalim ng hain sa mabutingpagsasamahan.

19 Matapos ahitin ng Nasireo ang kanyangpinabanal na buhok, kukunin naman ng pari angisang lutong balikat ng tupang lalaki, isangtinapay na walang lebadura at isang biskwit nawalang lebadura mula sa basket, at ilalagay angmga ito sa mga kamay ng Nasireo. 20 Iiindayogng pari ang mga iyon sa harap ni Yawe atmagiging banal ang mga iyon, at mapapasa-pari, pati ang dibdib na iniindayog at ang hitangibinukod. Pagkatapos nito’y makaiinom na ngalak ang Nasireo.

21 Ito ang batas-Nasireo sa paghahandogniya kay Yawe ng kanyang alay dahil sa kan-yang pagkabanal, bukod pa sa ibang kayaniyang gawin. Tutuparin ang batas ng kanyangpagkabanal ayon sa ginawa niyang panata.”

Ang pagbabasbas• 22 Nagsalita si Yawe kay Moises:

23 “Sabihin mo kay Aaron at sa kanyangmga anak: Ganito ninyo basbasan angmga anak ng Israel, sabihin ninyo sakanila:

24 Pagpalain ka nawa ni Yawe at inga-

tan! 25 Pagningningin ni Yawe ang kan-yang mukha sa iyo at magmagandang-loob sa iyo. 26 Humarap nawa sa iyo siYawe at bigyan ka ng kapayapaan!

27 Ganito nila ipapatong ang aking Pa-ngalan sa mga anak ng Israel, at pagpa-palain ko sila.”

Paghahandog ng mga karwahe1 Nang matapos itayo ni Moises ang Tira-han, pinahiran niya at itinalaga ito pati ang

lahat ng kasangkapan nito, ang altar at lahat nggamit. 2 Nag-alay naman ang mga pinuno ngIsrael na mga ulo ng mga sambahayan ngkanilang mga ama-ama. Sila ang mga pinunong mga tribu na namahala sa senso. 3 Dinala nilasa harap ni Yawe ang kanilang handog: anim nakaritong may takip at labindalawang baka, natig-isang kariton para sa bawat dalawangpinuno, at tig-isang baka naman mula sa bawatpinuno. Inialay nila ang mga ito sa harap ngTirahan.

4 At sinabi ni Yawe kay Moises: 5 “Tanggapinmo sa kanila ang mga ’yan para sa paglilingkodsa Toldang Tagpuan at ibigay sa mga Levitaayon sa kani-kanilang mga tungkulin.”

6 Kaya tinanggap ni Moises ang mga karitonat mga baka, at ibinigay sa mga Levita. 7 Ibinigayniya ang dalawang kariton at ang apat na bakasa mga Gersonita ayon sa kanilang mga tung-kulin, 8 at ang apat na kariton at walong baka samga Merarita ayon sa kanilang mga tungkulin,sa pamamahala ni Itamar na anak ng paring siAaron. 9 Hindi niya binigyan ang mga Kehatitasapagkat sa kanila nakatoka ang santuwaryo, atsa balikat pinapasan ang lahat.

10 Nag-alay ang mga pinuno sa araw ngpagtatalaga at paghirang sa altar. At dinala nilaang kanilang mga handog sa harap ng altar.11 Ngunit sinabi ni Yawe kay Moises: “Tig-iisangaraw na mag-aalay ng kanilang handog sapagtatalaga ng altar ang bawat pinuno.”

12 Si Naasong anak ni Aminadab mula satribu ng Juda ang nagdala ng kanyang alay saunang araw. 13 Narito ang alay niya: platongpilak na sandaa’t tatlumpung shekel ang tim-bang ayon sa shekel ng santuwaryo at plangga-nang pilak na pitumpung shekel na parehongpuno ng pinong harinang hinaluan ng langisbilang pagkaing handog, 14 gintong mangkok nasampung shekel na puno naman ng insenso,15 tig-isang toro at barakong tupa at isang taongtupa bilang susunuging handog, 16 barakongkambing bilang hain para sa kasalanan, 17 at

MGA BILANG 7

7

Page 10: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

240dalawang baka at tiglilimang barakong tupa atkambing at iisahing taong tupa bilang hain samabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Na-asong anak ni Aminadab.

18 Si Netanel na anak ni Suar na pinuno ngIsacar naman ang nag-alay sa ikalawang araw.19 Narito ang dala niyang alay: platong pilak nasandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayonsa shekel ng santuwaryo at plangganang pilakna pitumpung shekel na parehong puno ngpinong harinang hinaluan ng langis bilangpagkaing handog, 20 gintong mangkok na sam-pung shekel na puno naman ng insenso, 21 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupabilang susunuging handog, 22 barakong kam-bing bilang hain para sa kasalanan, 23 at dala-wang baka at tiglilimang barakong tupa at kam-bing at iisahing taong tupa bilang hain samabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Ne-tanel na anak ni Suar.

24 Sa ikatlong araw nama’y si Eliab na anak niHelon na pinuno ng Zabulon ang nag-alay.25 Narito ang kanyang alay: platong pilak nasandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayonsa shekel ng santuwaryo at plangganang pilakna pitumpung shekel na parehong puno ngpinong harinang hinaluan ng langis bilang pag-kaing handog, 26 gintong mangkok na sampungshekel na puno naman ng insenso, 27 tig-isangtoro at barakong tupa at isang taong tupa bilangsusunuging handog, 28 barakong kambingbilang hain para sa kasalanan, 29 at dalawangbaka at tiglilimang barakong tupa at kambing atiisahing taong tupa bilang hain sa mabutingpagsasamahan. Ito ang alay ni Eliab na anak niHelon.

30 Sa ikapat na araw ay si Elisur na anak niSedeur na pinuno ng Ruben ang nag-alay.31 Narito ang kanyang alay: platong pilak nasandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayonsa shekel ng santuwaryo at plangganang pilakna pitumpung shekel na parehong puno ngpinong harinang hinaluan ng langis bilangpagkaing handog, 32 gintong mangkok na sam-pung shekel na puno naman ng insenso, 33 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupabilang susunuging handog, 34 barakong kam-bing bilang hain para sa kasalanan, 35 at dala-wang baka at tiglilimang barakong tupa atkambing at iisahing taong tupa bilang hain samabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Elisurna anak ni Sedeur.

36 Si Selumiel na anak ni Surishaddai napinuno ng Simeon naman ang nag-alay sa ika-limang araw. 37 Narito ang kanyang alay: pla-

tong pilak na sandaa’t tatlumpung shekel angtimbang ayon sa shekel ng santuwaryo at plang-ganang pilak na pitumpung shekel na parehongpuno ng pinong harinang hinaluan ng langisbilang pagkaing handog, 38 gintong mangkok nasampung shekel na puno naman ng insenso,39 tig-isang toro at barakong tupa at isang taongtupa bilang susunuging handog, 40 barakongkambing bilang hain para sa kasalanan, 41 atdalawang baka at tiglilimang barakong tupa atkambing at iisahing taong tupa bilang hain samabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Selu-miel na anak ni Surishaddai.

42 Si Eliasaf na anak ni Deuel na pinuno ngGad naman ang nag-alay sa ikanim na araw.43 Narito ang kanyang alay: platong pilak nasandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayonsa shekel ng santuwaryo at plangganang pilakna pitumpung shekel na parehong puno ngpinong harinang hinaluan ng langis bilangpagkaing handog, 44 gintong mangkok na sam-pung shekel na puno naman ng insenso, 45 tig-isang toro at barakong tupa at isang taong tupabilang susunuging handog, 46 barakong kam-bing bilang hain para sa kasalanan, 47 at dala-wang baka at tiglilimang barakong tupa at kam-bing at iisahing taong tupa bilang hain samabuting pagsasamahan. Ito ang alay ni Eliasafna anak ni Deuel.

48 Sa ikapitong araw nama’y si Elisama naanak ni Amihud na pinuno ng Efraim ang nag-alay. 49 Narito ang kanyang alay: platong pilakna sandaa’t tatlumpung shekel ang timbangayon sa shekel ng santuwaryo at plangganangpilak na pitumpung shekel na parehong puno ngpinong harinang hinaluan ng langis bilang pag-kaing handog, 50 gintong mangkok na sampungshekel na puno naman ng insenso, 51 tig-isangtoro at barakong tupa at isang taong tupa bilangsusunuging handog, 52 barakong kambingbilang hain para sa kasalanan, 53 at dalawangbaka at tiglilimang barakong tupa at kambing atiisahing taong tupa bilang hain sa mabutingpagsasamahan. Ito ang alay ni Elisama na anakni Amihud.

54 Sa ikawalong araw ay si Gamaliel na anakni Pedasur na pinuno ng Manases ang nag-alay.55 Ito ang kanyang alay: platong pilak na san-daa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sashekel ng santuwaryo at plangganang pilak napitumpung shekel na parehong puno ng pinongharinang hinaluan ng langis bilang pagkainghandog, 56 gintong mangkok na sampung she-kel na puno naman ng insenso, 57 tig-isang toroat barakong tupa at isang taong tupa bilang

MGA BILANG 7

Page 11: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

241susunuging handog, 58 barakong kambing bi-lang hain para sa kasalanan, 59 at dalawangbaka at tiglilimang barakong tupa at kambing atiisahing taong tupa bilang hain sa mabutingpagsasamahan. Ito ang alay ni Gamaliel na anakni Pedasur.

60 Nang ikasiyam na araw ang nag-alay ay siAbidan na anak ni Gideoni na pinuno ng Ben-jamin. 61 Ito ang kanyang alay: platong pilak nasandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayonsa shekel ng santuwaryo at plangganang pilakna pitumpung shekel na parehong puno ngpinong harinang hinaluan ng langis bilang pag-kaing handog, 62 gintong mangkok na sampungshekel na puno naman ng insenso, 63 tig-isangtoro at barakong tupa at isang taong tupa bilangsusunuging handog, 64 barakong kambing bi-lang hain para sa kasalanan, 65 at dalawangbaka at tiglilimang barakong tupa at kambing atiisahing taong tupa bilang hain sa mabutingpagsasamahan. Ito ang alay ni Abidan na anakni Gideoni.

66 Nang ikasampung araw ang nag-alay ay siAhiezer na anak ni Amishaddai na pinuno ngDan. 67 Ito ang kanyang alay: platong pilak nasandaa’t tatlumpung shekel ang timbang ayonsa shekel ng santuwaryo at plangganang pilakna pitumpung shekel na parehong puno ngpinong harinang hinaluan ng langis bilang pag-kaing handog, 68 gintong mangkok na sampungshekel na puno naman ng insenso, 69 tig-isangtoro at barakong tupa at isang taong tupa bilangsusunuging handog, 70 barakong kambing bi-lang hain para sa kasalanan, 71 at dalawangbaka at tiglilimang barakong tupa at kambing atiisahing taong tupa bilang hain sa mabutingpagsasamahan. Ito ang alay ni Ahiezer na anakni Amishaddai.

72 Nang ikalabing-isang araw ang nag-alayay si Pagiel na anak ni Ocran na pinuno ng Aser.73 Ito ang kanyang alay: platong pilak na san-daa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sashekel ng santuwaryo at plangganang pilak napitumpung shekel na parehong puno ng pinongharinang hina-luan ng langis bilang pagkainghandog, 74 gintong mangkok na sampung she-kel na puno naman ng insenso, 75 tig-isang toroat barakong tupa at isang taong tupa bilangsusunuging handog, 76 barakong kambing bi-lang hain para sa kasalanan, 77 at dalawangbaka at tiglilimang barakong tupa at kambing atiisahing taong tupa bilang hain sa mabutingpagsasamahan. Ito ang alay ni Pagiel na anak niOcran.

78 Nang ikalabindalawang araw ang nag-alay

ay si Ahira na anak ni Enan na pinuno ng Neftali.79 Ito ang kanyang alay: platong pilak na san-daa’t tatlumpung shekel ang timbang ayon sashekel ng santuwaryo at plangganang pilak napitumpung shekel na parehong puno ng pinongharinang hinaluan ng langis bilang pagkainghandog, 80 gintong mangkok na sampungshekel na puno naman ng insenso, 81 tig-isangtoro at barakong tupa at isang taong tupa bilangsusunuging handog, 82 barakong kambingbilang hain para sa kasalanan, 83 at dalawangbaka at tiglilimang barakong tupa at kambing atiisahing taong tupa bilang hain sa mabutingpagsasamahan. Ito ang alay ni Ahira na anak niEnan.

84 Ito ang nangyari sa pagtatalaga at pag-hirang ng altar. Nagbigay ang mga pinuno ngIsrael ng labindalawang platong pilak, labin-dalawang plangganang pilak at labindalawangmangkok na ginto. 85 Sandaa’t tatlumpungshekel ang timbang ng bawat platong pilak atpitumpung shekel naman ang bawat plangga-nang pilak. Kabuuang pilak ng mga ito: dala-wanlibo’t apatnaraang shekel ayon sa shekel ngsantuwaryo. 86 Mangkok na ginto na puno nginsenso: labindalawa – tig-sampung shekel angtimbang ng bawat isa ayon sa shekel ng san-tuwaryo. Kabuuang ginto ng mga mangkok:sandaa’t dalawampung shekel.

87 Kabuuan ng mga hayop na susunuginghandog: tig-labindalawang toro, barakong tupa,at tupang iisahing taon pati na ang mga pag-kaing handog. Labindalawang barakong kam-bing bilang hain para sa kasalanan. 88 Kabuuanng mga hayop para sa hain sa mabuting pagsa-samahan: dalawampu’t apat na baka, tig-anim-napung barakong tupa at kambing at iisahingtaong tupa.

Ganito itinalaga ang altar pagkahirang dito.89 Nang pumasok si Moises sa Toldang Tagpuanpara makipag-usap sa Kanya, narinig niya angtinig na nagsasalita mula sa ibabaw ng Lugar ngPagpapatawad na nasa itaas ng Kaban ngPahayag, sa pagitan ng dalawang kerubim, atnakipag-usap siya sa Kanya…

1 Nagsasalita si Yawe kay Moises: 2 “Sabihinmo kay Aaron: Ihanda mo ang pitong

ilawan para tanglawan ng mga ito ang lugar saharap ng kandelabra.” 3 Gayon nga ang ginawani Aaron: inihanda niya ang mga ilawan sa harapng kandelabra gaya ng iniutos ni Yawe kayMoises. 4 Ganito ang pagkakagawa sa kandela-bra: pinukpok na ginto ang pinakakatawan nitoat mga sanga. Ginawa ito ayon sa pangitaingipinakita ni Yawe kay Moises.

MGA BILANG 8

8

Page 12: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

242Inialay kay Yawe ang mga Levita

5 Sinabi ni Yawe kay Moises: 6 “Ibukod mo angmga Levita sa mga Israelita at linisin sila. 7 Itoang gagawin mo para linisin sila. Wisikan mosila ng panlinis na tubig na banal; mag-ahit silasa buong katawan at labhan ang kanilang mgadamit at magiging malinis sila.

8 At kukuha sila ng isang toro at pagkainghandog na pinong harinang hinaluan ng langis,at kukuha ka naman ng isa pang toro bilang hainpara sa kasalanan. 9 Palalapitin mo ang mgaLevita sa harap ng Toldang Tagpuan at titipuninmo ang buong pamayanan ng mga Israelita.10 Palapitin mo ang mga Levita sa harap ni Yaweat ipapatong naman sa kanila ng mga Israelitaang kanilang mga kamay. 11 Pagkaraa’yiiindayog ni Aaron ang mga Levita para ihandogsila ng mga Israelita kay Yawe, at maglilingkodsila kay Yawe.

12 Ipapatong naman ng mga Levita ang kani-lang mga kamay sa ulo ng mga toro. Iaalay moang isa bilang hain para sa kasalanan at ang isapa bilang susunuging handog sa paghingi ngtawad para sa mga Levita. 13 Iutos mong tumayoang mga Levita sa harap ni Aaron at ng kanyangmga anak at iindayog mo sila para ihandog kayYawe. 14 Ganito mo ibubukod ang mga Levita saibang mga Israelita at magiging akin sila.

15 Pagkatapos ay makalalapit na ang mgaLevita para maglingkod sa Toldang Tagpuan;nilinis mo na nga sila at iniindayog bilanghandog kay Yawe.

16 “Naibigay” na sila; ibinigay nga sila sa akinmula sa mga anak ng Israel at kinuha ko silangkapalit ng mga panganay na isisilang sa Israel.

17 Akin nga ang lahat ng panganay sa Israel,maging tao o hayop; itinalaga ko sila sa akinnang hampasin ko ang lahat ng panganay salupain ng Ehipto. 18 Ngunit inihalili ko ang mgaLevita sa mga panganay ng Israel. 19 Ibinibigayko ngayon ang mga Levita kay Aaron at sakanyang mga anak upang gampanan ang pagli-lingkod ng mga anak ng Israel sa Toldang Tag-puan at para humingi ng tawad para sa mgaIsraelita para walang datnan ng salot sa Israel sapaglapit nito sa santuwaryo.”

20 Ginawa nga nina Moises at Aaron at ngbuong pamayanan ng Israel ang lahat ng iniutosni Yawe kay Moises tungkol sa mga Levita.21 Ganito ang ginawa sa kanila ng mga Israelita:pagkabayad-sala ng mga Levita at pagkalabanila ng kanilang mga damit, iniindayog sila niAaron sa harap ni Yawe. At humingi siya ngtawad para sa ikalilinis nila. 22 Pagkatapos ay

dumating ang mga Levita para maglingkod saToldang Tagpuan sa pamamahala ni Aaron atng kanyang mga anak. At tinupad ang iniutos niYawe kay Moises tungkol sa mga Levita.

23 Nagsalita si Yawe kay Moises: 24 “Tungkolito sa mga Levita. Mula dalawampu’t limangtaong gulang pataas, papasok sa samahan angLevita para maglingkod sa Toldang Tagpuan.25 At pagsapit niya nang limampung taong gu-lang, aalis siya sa samahan at hindi na magli-lingkod. 26 Tutulungan niya ang kanyang mgakapatid sa pagtatanod sa Toldang Tagpuanpero hindi na siya magtatrabaho. Ito ang gaga-win mo tungkol sa pagtatanod ng mga Levita.”

Ang petsa ng pagdiriwang ng Paskuwa1 Nagsalita si Yawe kay Moises sa dis-yerto ng Sinai sa unang buwan ng ikala-

wang taon pagkaalis nila sa lupain ng Ehipto:2 “Ipagdiwang ng mga Israelita ang Paskuwa satakdang panahon. 3 Ipagdiriwang ninyo ito saikalabing-apat ng buwang ito sa pagtatakip-silim, ayon sa lahat ng tuntunin at mga kau-galian.”

4 Kaya inutusan ni Moises ang mga Israelitana ipagdiwang ang Paskuwa. 5 Ipinagdiwangnila ang Paskuwa sa disyerto ng Sinai sa pagta-takipsilim sa ikalabing-apat na araw ng unangbuwan, gaya ng iniutos ni Yawe kay Moises.

6 Ngunit may ilang naging di-malinis dahil saisang patay kaya hindi nila naipagdiwang angPaskuwa sa araw na iyon. Pinuntahan ng mga itosina Moises at Aaron nang araw ding iyon, 7 atsinabi nila sa kanya: “Naging di-malinis mankami dahil sa isang patay, e bakit naman kamipagbabawalang mag-alay ng handog kay Yawesa takdang panahon kasama ng ibang mgaIsraelita?” 8 Sumagot si Moises sa kanila: “Hin-tayin ninyong marinig ko ang iuutos ni Yawetungkol sa inyo.”

9 At nagsalita si Yawe kay Moises: 10 “Sabihinmo sa mga Israelita: Kung may isang di-malinisdahil sa isang bangkay o kung may naglalakbayna malayo sa inyo o sa mga inapo ninyo at gustoniyang ipagdiwang ang Paskuwa ni Yawe,11 ipagdiwang nila ito sa ikalawang buwan, sapagtatakipsilim ng ikalabing-apat na araw ngbuwang iyon. Kakanin nila ito nang may tinapayna walang lebadura at mapapait na gulay.12 Wala silang ititira dito para sa umaga at walasilang babaliing buto, kundi susundin ang lahatng tuntunin ng Paskuwa.

13 Kung mayroon namang malinis at hindinaglalakbay na di magdiwang ng Paskuwa, ita-takwil siya ng kanyang mga kamag-anakan.Mananagot sa kanyang kasalanan ang hindi

MGA BILANG 8

9

Page 13: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

243mag-alay ng handog ni Yawe sa takdang pana-hon.

14 Kung may dayuhang nakikipamayan sainyo na gustong magdiwang ng Paskuwa niYawe, susundin niya ang mga tuntunin at ka-ugalian ng Paskuwa. Iisa lamang ang batas parasa dayuhan at sa katutubo.”

Ang ulap na tanda ng paggabayng Diyos

15 Nang itayo ang Tirahan, tinakpan itong ulap sa may gawi ng Tolda ng Pa-hayag, at pag gabi nama’y may lumilitawna parang apoy sa ibabaw ng Tirahanhanggang umaga. 16 Ganito ang lagingnangyayari: sa araw ay tinatakpan ngulap ang Tirahan at sa gabi nama’y mayparang apoy.

17 Pag tumaas ang ulap mula sa Tolda,umaalis naman ang mga Israelita at saanman tumigil iyon, doon nagka-kampo angmga anak ng Israel. 18 Sa utos ni Yawe,umalis at naglakad ang mga Israelita at sautos din ni Yawe sila nagkampo. Habangnakalatag ang ulap sa Tirahan, namama-lagi naman sila sa kampo.

19 Kapag maraming araw na nananatiliang ulap sa Tirahan, sinusunod ng mgaIsraelita ang bilin ni Yawe at hindi silalumalakad. 20 Kung minsan nama’y iilangaraw lamang sa Tirahan ang ulap ngunitsa utos ni Yawe’y nagkakampo sila, at sautos din ni Yawe sila lumalakad.

21 Kung minsan nama’y mula haponhanggang umaga lamang nananatili angulap; kaya sa pagtaas ng ulap kina-u-magahan sila umaalis. Minsa’y isang arawat isang gabing nananatili ang ulap, at pagpumaitaas na ito ay saka rin sila umaalis.22 Kung minsan nama’y dalawang araw oisang buwan o isang taon ang ulap saTirahan kayat tumitigil din ang mgaIsraelita sa kampo at hindi umaalis; atkapag napaitaas na ito ay saka sila nag-lalakbay.

23 Sa utos ni Yawe sila nagkakampo, atsa utos din ni Yawe sila naglalakbay; sinu-sunod nila ang inutos ni Yawe kay Moises.

1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Gumawaka ng dalawang trumpetang pinukpok na

pilak na gagamitin mo sa pagtitipon sa pama-yanan at sa pagtatayo ng kampo.

3 Pag-ihip sa mga ito, magtitipong kasamamo sa may pintuan ng Toldang Tagpuan angbuong pamayanan. 4 Kung isa lamang ang pina-tunog, ang mga pinuno, mga ulo ng mga angkanng Israel ang magtitipong kasama mo.

5 Kung may matunog na pag-ihip naman,aalis ang kampong nasa silanganan at lalakad.6 Pag muling umiihip nang matunog, aalis na-man ang kampong nasa timog at lalakad. Saikatlong pag-ihip, ang kampong nasa kanluranang lalakad; at sa ikapat na pag-ihip, ang kam-pong nasa hilaga ang lalakad. Hihipan ninyonang matunog para sa paglakad. 7 Ngunit hindimatunog ang pag-ihip para tipunin ang pama-yanan.

8 Ang mga paring anak ni Aaron ang iihip samga trumpeta; magiging palagiang kaugalianang paggamit nito para sa inyong mga inapo.

9 Kapag nasa sariling lupain na ninyo kayo atmakikipagdigma sa kaaway na sumasalakay sainyo, hihipan ninyo nang matunog ang mgatrumpeta, at aalalahanin kayo ni Yaweng inyongDiyos at ililigtas sa inyong mga kaaway.

10 Sa inyong mga piyesta, mga pagdiriwangat bagong buwan, hihipan ninyo ang trumpetahabang iniaalay ang mga susunuging handog atmga hain sa mabuting pagsasamahan upangalalahanin kayo ng inyong Diyos. Ako si Yawenginyong Diyos.”

Ang paglakad ng “hukbo ng Israel”11 Sa ikadalawampung araw ng ikalawang

buwan ng ikalawang taon, tumaas ang ulapmula sa Tirahan ng Pahayag. 12 Kaya grupu-grupong umalis ang mga Israelita mula sadisyerto ng Sinai hanggang lumatag ang ulap sadisyerto ng Paran.

13 Ito ang unang paglakad nila na iniutos niYawe kay Moises. 14 Unang lumakad ang ban-dila ng kampo ng Juda na nakahanay ayon sakani-kanilang batalyon. Nanguna sa mga taga-Juda si Naasong anak ni Aminadab, 15 si Neta-nel na anak ni Suar naman sa mga taga-Isacar,16 at si Eliab na anak ni Helon ang sa mga taga-Zabulon.

17 Nang maibaba na ang Tirahan, lumakadang mga Gersonita at mga Merarita na may dalasa Tirahan.

18 Kaya lumakad ang bandila ng kampo ngRuben na nakahanay nang pangkat-pangkat.Pinangunahan ni Elisur na anak ni Sedeur ang

MGA BILANG 10

10

Page 14: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

244mga taga-Ruben, 19 ni Selumiel na anak ni Su-rishaddai ang mga taga-Simeon, 20 at niEliasaf na anak ni Deuel ang mga taga-Gad.21 At lumakad ang mga Kehatita na maypasan sa mga sagradong bagay ng Tirahan,na kaila-ngan munang itayo pagdating nila.22 Kasunod na lumakad ang bandila ng kampong Efraim na grupu-grupong nakahanay. Pi-nangunahan ni Elisama na anak ni Amihudang mga taga-Efraim, 23 ni Gamaliel na anakni Pedasur ang mga taga-Manases, 24 at ni

• 10.29 Dito nagsisimula ang isang serye ngmga matatandang tradisyon na bubuo sa pinaka-diwa ng mga kabanata 11-14. Sa bahaging ito,normal na letra ang ginagamit natin para sa mata-tandang salaysay na ito at pahilig na letra namanpara sa mga parteng galing sa mga paring nag-editsa aklat ng Mga Bilang.

• 11.1 Dalawang alaala ang pinagsasama sa kaba-natang ito:

– tungkol sa mga pugo at sa manna ang isa, atkahawig ng nasa Exodo 16.

– ang isa nama’y tungkol sa kaloob na “Espiritu niYawe” sa matatanda o mga pinuno ng Israel.

MGA BILANG 10Abidang anak ni Gideoni ang mga taga-Ben-jamin.

25 Sa likuran ng buong kampo ang bandila ngkampo ng Dan na pangkat-pangkat nanakahanay. Pinangunahan ni Ahiezer na anak niAmishaddai ang mga taga-Dan, 26 ni Pagiel naanak ni Ocran ang mga taga-Aser, 27 at ni Ahirana anak ni Enan ang mga taga-Neftali.

28 Ito ang hanay sa paglakad ng mga Israelita,ayon sa kani-kanilang mga pangkat sa pag-alisnila.

MGA ALAALA SA DISYERTO: UNANG BAHAGI

• 29 Sinabi ni Moises kay Hobab na anak niReuel na Madianitang biyenan ni Moises: “Aaliskami patungo sa lugar na ipinangako ni Yawe naibibigay sa amin. Sumama ka sa amin atmapapabuti ka, sapagkat nangako si Yawe ngkaligayahan sa Israel.” 30 Sumagot siya: “Hindiako sasama sa inyo, uuwi na lamang ako saaking lupa at angkan.” 31 Sumagot naman siMoises: “Huwag mo kaming iwan sapagkat ikawang may alam kung saan tayo makapag-kakampo sa disyerto, kayat ikaw ang magigingpinakamata namin. 32 Kung sasamahan mokami, makakahati ka sa pagpapala ni Yawe saamin at mapapabuti ka.”

33 Lumakad na sila mula sa Bundok niYawe para sa tatlong araw na pagla-lakbay, at nanguna sa kanila sa loob ngtatlong araw ang Kaban ng Pakikipagti-pan ni Yawe, sa paghanap ng lugar nakanilang mapagpapahingahan.

34 Nasa ibabaw nila ang ulap ni Yawekung araw, nang lisanin nila ang kampo.

35 Tuwing aalis ang Kaban ng Pakiki-pagtipan, sinasabi ni Moises: “Tumindigka, Yawe, at pangalatin ang iyong mgakaaway; magsitakas nawa sa harap moang mga namumuhi sa iyo.” 36 At sinasabinaman niya sa paghimpil niyon: “Bumalikka, Yawe, sa di mabilang na libu-libo ngIsrael.”

• 1 Nangyari na naghahanap ngaway ang bayan kay Yawe. Narinig

sila ni Yawe at nag-apoy ang kanyangpoot. Naglagablab sa kanila ang isangapoy mula kay Yawe at sinunog ang nasalabas ng kampo. 2 At sumigaw kay Moisesang sambayanan, at namagitan siya kayYawe para sa kanila, at namatay angapoy. 3 Tinawag nilang Tabera ang lugarna iyon, sapagkat doon naglagablab sakanila ang apoy ni Yawe.

4 Napakatatakaw ang mga patapongkasama nila, at pati ang mga Israelita ayumiyak at nagsabi: “Sino ang magbibigaysa amin ng makakaing karne? 5 Naaalaalanamin ang isdang kinakain namin nanglibre sa Ehipto, ang mga pipino, mgamilon, mga puero, mga sibuyas at mgabawang. 6 Wala na kami ngayong ganangkumain; wala na kaming makitang anu-man, wala liban sa manna.”

7 Parang buto ng kulantro at mukhang be-delyo ang manna. 8 Naglilibot ang sambayanansa pangunguha nito, at saka ginigiling sa gili-ngang-bato o binabayo sa lusong. Isinasaingnila iyon sa palayok o ginagawang tinapay nalasang tinapay na may langis. 9 Pagpatak nghamog sa kampo kung gabi, kasama nitongbumababa ang manna.

11

Page 15: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

24510 Narinig ni Moises ang iyakan ng sam-

bayanan, pami-pamilya, sa bungad ngkani-kanilang tolda, at lubhang nagalit siYawe.

Hindi ito naging kasiya-siya kayMoises, 11 kaya sinabi ni Moises kay Yawe:“Ba’t naman napakasama ng trato mo saiyong lingkod? Dahil ba hindi mo akomahal at ipinapapasan mo sa akin angbuong sambayanang ito? 12 Bakit, ako baang naglihi sa buong sambayanang ito?Ako ba ang nagsilang sa kanila? Atngayo’y ipinakakarga mo pa sila sa akingkandungan tulad ng pagkarga ng isangyaya sa sanggol na pinasususo, patungosa lupaing ipinangako mo sa kanilangmga ninuno? 13 Saan ako kukuha ngkarne para sa buong bayang ito pag iyaknila sa akin sa pagsasabing – Bigyan mokami ng karneng makakain! 14 Hindi komakakargang mag-isa ang buong sam-bayanang ito; napakabigat na pasanin itopara sa akin. 15 Mabuti pang patayin mona nga ako kung ganito rin lang ang tratomo sa akin, kung may nalalabi ka pangpagtingin sa akin, at nang hindi ko namakita pa ang iyong galit.”

16 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Tipuninmo rito ang pitumpung lalaki mula samatatanda ng Israel na kinikilala mongmga matatanda ng bayan at mga opisyalnila, at dalhin sila sa Toldang Tagpuan atpatayuin sila roong kasama mo. 17 Ba-baba ako para makipag-usap sa iyo, atkukuha ako sa espiritung sumasaiyo atilalagay ko sa kanila. Mula ngayon, kaisa

mo silang magpapasan sa sambayanankaya hindi mo na sila papasaning mag-isa.

18 Sabihin mo sa sambayanan: Mag-pakabanal kayo para bukas, at kakainkayo ng karne. Narinig kayo ni Yawe sainyong pagtangis nang sabihin ninyong –Sino ang magbibigay sa amin ng ma-kakaing karne? Mabuti pa nang nasaEhipto kami! – Bibigyan kayo ni Yawe ngkarne at kakain kayo, 19 hindi lamangisang araw o dalawa o lima o sampu odalawampung araw 20 kundi isang buongbuwan hanggang lumabas iyon sa inyongmga ilong at magsawa kayo. Sapagkatitinakwil ninyo si Yawe na inyong kapiling,at nanangis kayo sa harap niya at inyongsinabi – Bakit ba kami nakaalis-alis pa saEhipto?”

21 At sinabi ni Moises: “Animnaraanglibong kawal ang kasama ko, at sinasabimong – Bibigyan ko sila ng karne at ka-kanin nila iyon sa loob ng isang buwan!22 Makakasapat ba sa kanila kung katayinman ang isang buong tupahan o baka-han? Makasasapat ba sa kanila kung huli-hin man ang lahat ng isda sa dagat?”

23 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Maikliba ang bisig ni Yawe? Makikita mo ngayonkung totoo o hindi ang aking salita.”

Ibinigay ni Yawe ang kanyang espiritu samga pinuno

• 24 Lumabas si Moises at sinabi sasambayanan ang mga salita ni Yawe.Tinipon niya ang pitumpung lalaki mula

• 24. Mula sa mga kilos at gawa ng mga propetaunang nalaman ng mga Israelita ang tungkol saEspiritu ng Diyos. Ang mga propeta ang mga taongmay alam sa mga lihim ng Diyos, mga taong binabaha-ginan ng Diyos ng kanyang karunungan, mga taongnagkaroon ng walang-katapat na lakas sa ilang mgapagkakataon. Sa kanilang mga pagkilos naunawaanng mga Israelita na ibinibigay ng Diyos ang kanyangespiritu gaya ng isang marahas na hanging di inaasa-han (kapwa nangangahulugan ng espiritu at hangin sawikang Hebreo ang salitang ruah).

Para maintindihan ang salaysay na ito, makabubu-ting ikumpara ito sa 1 Sam 10:1-13 at 19:18-24.

Itinuturo sa atin ng istoryang ito na kumikilos ang

Espiritu sa maraming iba’t ibang paraan (tingnan1 Cor 12 at 14). Isang bagay ang magsabi at gumawang kakaibang mga bagay, o magsalita sa iba’t ibangwika, atbp. Ibang bagay naman at siyang mas impor-tante ang makatanggap ng pananagutang pamunuanat turuan ang bayan ng Diyos. Ang espiritu ni Moises(na hindi naman nagsalita sa iba’t ibang wika o nagpro-pesiya habang wala sa sarili) na kinatawan ng Diyos,ang gagawa ng mga kakatwa at propetikong pagha-hayag sa pitumpung matatanda.

Ipinakikita rin ng nangyari kina Eldad at Medad nahindi laging sa mga opisyal na pamamaraan ibinibigayng Diyos ang kanyang espiritu. Totoo ngang nasalistahan sina Eldad at Medad pero wala naman sila sa

MGA BILANG 11

Page 16: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

246sa matatanda at pinatayo sila sa paligidng Tolda.

25 Bumaba si Yawe na nasa ulap atkinausap si Moises. Kumuha siya sa espi-ritung sumasakanya at inilagay sa pitum-pung matatanda. Nang sumakanila angespiritu, nagpropesiya ang mga ito. Perohindi na naulit pa iyon.

26 Dalawang lalaki ang naiwan sakampo; Eldad ang pangalan ng isa at angisa nama’y Medad. Gayunman, suma-kanila rin ang espiritu sapagkat kabilangsila sa listahan bagamat hindi sila nag-punta sa Tolda.

Nang magpropesiya sila sa loob ngkampo, 27 isang kabataang lalaki angtumakbo kay Moises at nagsabi: “Nagpo-propesiya rin sina Eldad at Medad sakampo.” 28 Sinabi naman ni Josueng anakni Nun na sapul pagkabata’y naglilingkodna kay Moises: “Panginoon kong Moises,sawayin mo sila!”

29 Ngunit sinabi ni Moises: “Nanga-ngamba ka bang baka ako madaig? Pro-peta nga sana ang buong bayan ni Yawe atibigay ni Yawe sa kanila ang kanyangespiritu.”

30 At bumalik sa kampo sina Moises atang matatanda ng Israel.

31 Umihip ang hangin galing kay Yawe, nanagtaboy sa mga pugo mula sa dagat, at ibi-nagsak ang mga ito sa paligid ng kampo, nasinghaba ng maghapong paglakad sa isang tabi,at halos gayundin sa kabila; at halos tatlongtalampakan mula sa lupa ang bunton ng mgaito.

32 Maghapon at magdamag na nanguha ngmga pugo ang sambayanan, pati na ng sumu-

nod na araw. Ang may pinakakaunting nakuhaay nakakuha ng sampung homer, at ibinilad nilaang mga iyon para sa kanila sa paligid ngkampo. 33 Kinakagat pa lamang nila ang karnenang maglagablab ang poot ni Yawe laban sabayan, at hinampas niya sila ng napakalubhangsalot.

34 Tinawag na Kibrot-hat-Taava ang lugar naiyon sapagkat doon nila inilibing ang mgamatatakaw na iyon. 35 Mula sa Kibrot-hat-Taava, naglakbay ang sambayanan patungongHaserot, at doon sila nanatili.

Hinamon nina Miriam atAaron si Moises

• 1 Nagsalita laban kay Moises sinaMiriam at Aaron dahil sa babaeng

taga-Kus na pinakasalan nito, 2 at sinabinila: “Sa pamamagitan lamang ba niMoises nagsasalita si Yawe? Hindi ba nag-sasalita rin siya sa pamamagitan namin?”At narinig iyon ni Yawe.

3 Ngunit si Moises ay taong tunay namababang-loob, higit kaysa sinuman sabalat ng lupa. 4 At biglang sinabi ni Yawekina Moises, Aaron at Miriam: “Halika-yong tatlo sa Toldang Tagpuan.” At nag-punta naman ang tatlo.

5 Bumaba si Yawe na nasa haliging ulap,tumayo sa pintuan ng Tolda, at tinawagsina Aaron at Miriam. Kapwa lumabas angdalawa, 6 at sinabi ni Yawe: “Makinig kayongmabuti sa aking mga salita –

Kung may propeta sa piling ninyo,nagpapakilala ako sa kanya sa isang

pangitainat kinakausap siya sa isang panaginip.7 Subalit hindi gayon para sa aking ling-

kod na si Moises,

tabi ni Moises. Kaya hindi dapat magulat ang mgaawtoridad ng bayan ng Diyos na may mga pagkaka-taong kung saan sila wala ay saka ibinibigay angEspiritu nang hindi humihingi sa kanila ng permiso:ganito ang mangyayari kay Cornelio (Gawa 10) at kayPablo (Gawa 9).

Propeta nga sana ang buong bayan ni Yawe atibigay sa kanila ang kanyang espiritu (tingnan Joel3:1 at Mga Gawa 2:17).

• 12.1 Titiyakin ni Jesus sa Ebanghelyo na walangsinumang propeta ang kinikilala ng sarili niyang

angkan (tingnan Mc 6:4). Tinutuligsa nina Miriam atAaron na mga kapatid ni Moises ang mga ginagawanito, at maaaring may katwiran sila. Ngunit isangparaan ito nila para ipantay ang sarili kay Moises, atkumilos ang Diyos para ipagtanggol ang kanyangpropeta.

Dalawang bagay ang nililiwanag ng sagot ngDiyos:

– May natatanging lugar si Moises sa pagbubunyagng Diyos: siya ang magtatayo sa mga pundasyon ngpananampalataya sa Diyos na Tagapagpalaya, Ma-katarungan, Banal at Mahabagin, na hinding-hindi

MGA BILANG 11

12

Page 17: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

247ang aking katiwala sa buo kong sam-

bahayan.8 Kinakausap ko siya nang harap-hara-

pan,tuwiran at hindi sa talinhaga,at nakikita niya ang anyo ni Yawe.Bakit hindi kayo natakot magsalita

laban sa aking lingkod, laban kay Moi-ses?”

9 Naglagablab sa kanila ang galit niYawe, at umalis.

10 Lumayo ang ulap mula sa ibabaw ngTolda, at hayan, si Miriam – simputi ngniyebe sa ketong. Humarap si Aaron kayMiriam, at nakita niyang ketongin na ito.11 Kaya sinabi niya kay Moises: “Akingpanginoon, huwag mo sana kaming pa-rusahan sa pagkakasalang nagawa namindahil sa aming kahangalan. 12 Huwag mosiyang pabayaang matulad sa sanggol naagas na halos ubos na ang lamanpaglabas sa sinapupunan ng kanyangina.”

13 Kaya tumawag si Moises kay Yawe:“Pagalingin mo sana siya, O Diyos.”14 Ngunit sinabi ni Yawe kay Moises:“Kung niluran siya sa mukha ng kanyangama, hindi ba siya magtatago sa loob ngpitong araw dahil sa kahihiyan? Pana-tilihin mo siya sa labas ng kampo sa loobng pitong araw, pagkatapos ay sakalamang siya muling tatanggapin.”

15 Kaya nanatili si Miriam sa labas ng

kampo sa loob ng pitong araw, at hindinaglakbay ang sambayanan hangganghindi siya pinapapasok na muli.

16 Pagkatapos niyon, umalis ang sam-bayanan mula sa Haserot at nagkampo saDisyerto ng Paran.Nagpadala si Moises ng mga espiyapara maniktik sa Lupang Pangako

1 At kinausap ni Yawe si Moises, atsinabi: 2 “Magsugo ka ng mga lalaki para

magsiyasat sa lupain ng Kanaan na ibinibigayko sa mga anak ng Israel; magsugo ka ng isanglalaki para sa bawat tribu ng mga ninuno, namga pinuno ang lahat sa kanila.”

3 Kayat isinugo ni Moises ang mga lalakingito mula sa Disyerto ng Paran ayon sa utos niYawe, mga pinuno ng mga Israelita silang lahat,4 narito ang kanilang mga pangalan:

Si Sammua na anak ni Zacur mula sa tribu ngRuben, 5 si Safat na anak ni Huri mula sa tribu ngSimeon, 6 si Kaleb na anak ni Yefone mula satribu ng Juda, 7 si Igal mula sa tribu ng Isacar, 8 siOseas na anak ni Nun mula sa mga anak ni Josesa tribu ng Efraim, 9 si Palti na anak ni Rafu mulasa tribu ng Benjamin, 10 si Gadiel na anak ni Sodimula sa tribu ng Zabulon, 11 si Gaddi na anak niSusi mula sa mga anak ni Jose sa tribu ngManases, 12 si Ammiel na anak ni Gemali mulasa tribu ng Dan, 13 si Setur na anak ni Mikaelmula sa tribu ng Aser, 14 si Nahabi na anak niVapsi mula sa tribu ng Neftali, 15 si Guel na anakni Maki mula sa tribu ng Gad.

• 16 Ito ang mga pangalan ng mga la-laking isinugo ni Moises upang maniktiksa lupain. Ngunit tinawag na Josue niMoises si Oseas na anak ni Nun.

mababago ng sino pa mang propeta. Isa pa’ykakailanganin ng mga propetang kilalanin sila ng mgaawtoridad ng bayan ng Diyos, na mga kahalili niMoises.

– Kinausap ko siya nang harap-harapan. Ang mgapangitain at mga panaginip ay pupuwedeng magingparaan ng pakikipag-usap ng Diyos sa mga propeta.Ngunit mas mababang klaseng pamamaraan ang mgaito. Maraming klase ng espiritu ang gumagawa nangganito at maaari din namang maging mga ilusyonggaling sa demonyo ang mga ito. Kayat kay Moises atsa mga dakilang propeta, espiritu sa espiritu angpakikipag-usap ng Diyos sa kanila. At sa pag-angkinniya sa kanilang kalayaan, binago niya sila at pinaba-nal.

Si Moises ay taong tunay na mababang-loob: angmaliwanag na tanda na nakatagpo niya ang Diyos.

• 13.16 Nang panahong iyo’y Kanaan ang tawagsa lupang ipinangako sa mga Hebreo, at mga Kananeoang mga nakatira roon. Paglipas lamang ng mgapanahon saka iyon tatawaging Israel dahil ang mgaIsraelita na ang nagmay-ari niyon. Tatawagin din iyongPalestina. Sa kanilang mga pangarap, paraiso angtingin nila sa lupang ito. Pumutol sila ng isangsangang may buwig na ubas na pinasan ng dalawasa kanila sa isang pingga. Inilalarawan ng kagila-gilalas na detalyeng ito ang magandang lupaing “dina-daluyan ng gatas at pulot-pukyutan”. Ginagamit pa rinng mga Israelita sa kasalukuyan ang larawang ito bilangsagisag ng kanilang bansa.

Isa sa mabibigat na kasalanan ng Israel ang inilalara-wan sa atin ng Biblia sa bahaging ito, gaya ng nasa Ex32. Hindi sana naging napakahirap para sa Israel angmaniwala kay Yawe kung hindi nito hiningi sa kanila na

MGA BILANG 13

13

Page 18: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

24817 Kaya pinapunta sila ni Moises para

maniktik sa lupain ng Kanaan, at sinabi sakanila: “Umahon kayo sa Negeb tungo sakaburulan, at tingnan ang lagay ng lupa18 at kung ang bayang naroo’y malakas omahina, marami o kakaunti. 19 Tingnandin ninyo kung maganda o masama anglupaing tinitirhan nila at kung anong klaseng mga siyudad mayroon sila – mgakampo lamang ba o napapaderan?20 Tingnan ninyo kung mataba o hindi anglupa, kung may mga puno o wala. La-kasan ninyo ang inyong loob at kumuhang bunga ng lupain.” Panahon noon ngunang hinog na ubas.

21 Umakyat nga sila at ginalugad anglupain mula sa disyerto ng Zin hanggangsa Rehob, malapit sa bungad ng Emat.22 Umahon sila sa Negeb at dumating saHebron na isang matandang lunsod naitinayo pitong taon bago pa ang Soan saEhipto; doon nakatira sina Ahiman, Sesaiat Tolmai na mga anak ni Enak.

23 At dumating sila sa Lambak ng Eskolkung saan sila pumutol ng isang sangangmay buwig ng ubas. Pinasan ito ng dalawasa kanila sa isang pingga. Nagdala rin silang igos at iba pang prutas. 24 Dahil sabuwig ng ubas na pinutol doon ng mgaanak ng Israel, tinawag nilang Lambak ngEskol (Buwig) ang lugar na iyon.

25 Bumalik sila pagkatapos ng apat-napung araw na paniniktik sa lupain.26 Dumating sila at nakipagkita kayMoises, kay Aaron at sa buong pama-yanan ng mga Israelita sa disyerto ngParan sa Kades. Nag-ulat sila sa kanila atsa buong pamayanan, at ipinakita angbunga ng lupain.

27 At iniulat nila kay Moises: “Pumasokkami sa lupaing pinapuntahan mo saamin, at totoo ngang dinadaluyan ito nggatas at pulot-pukyutan! Narito angbunga niyon. 28 Pero napakalalakas ngbayang nakatira sa lupain; naglalakihanat napapaderan ang mga siyudad, atnakita pa namin doon ang mga inapo ngmga higante. 29 Nakatira ang mgaAmalecita sa lupain ng Negeb, at nasakaburulan naman ang mga Heteo,Hebuseo at Amorreo; at nasa baybay-dagat at sa pampang ng Jordan ang mgaKananeo.”

30 Pinatahimik ni Kaleb ang sambaya-nang laban kay Moises, at sinabi: “Kaila-ngang umahon tayo at agawin ang lupainsapagkat tiyak na kaya natin ito.” 31 Ngu-nit sinabi ng mga lalaking kasama niyangumahon: “Hindi natin malulusob angbayang iyon sapagkat mas malakas silakaysa atin.”

32 At masama ang ipinamalita nila samga Israelita tungkol sa lupaing kanilangginalugad: “Ang lupaing nilibot naminpara tiktikan ay lupaing lumalamon salahat ng tagaroon, at napakalalaki anglahat ng taong nakita namin. 33 Nakakitapa kami ng mga higante (sila ang mgaanak ni Enac mula sa lahi ng mga hi-gante). Sa tingin nami’y para kaming mgabalang sa harap nila, at gayon nga siguroang tingin nila sa amin.”

Ang paghihimagsik ng bayan sa Kades• 1 At humiyaw ang buong pama-yanan, at magdamag na umiyak

ang mga tao. 2 Nagreklamo ang lahat nganak ng Israel laban kina Moises at Aaron,

sakupin ang lupain, bagay na ikinatakot naman nila.Gayundin naman, napakaraming Kristiyano ngayonang nakadarama ng lubos na pag-aalab ng espiritupero natatakot naman sa oras na hingin sa kanila ngIglesya na makisangkot sa gawa ng katarungan atpagkakasundo sa lahat ng larangan ng kasalukuyangdaigdig.

• 14.1 May mga karanasan tayong magugunita nakatulad na katulad ng paghihimagsik na ito.

Masamang tagapayo ang takot at ginagawa nitongmarahas ang mga duwag.

Pinapatay ng mga taong may mapurol na diwa angmga propeta para panatiliin ang kanilang kapa-natagan o kaya’y para bumalik “sa pagkaalipin saEhipto”.

Ngunit ang Diyos ang sumasaklolo sa taongnakikipagharap sa pulutong nang dahil sa kanya.

Hanggang kailan sila tatangging maniwala saakin? Insulto sa Diyos ang pagiging takot kumilos.

MGA BILANG 13

14

Page 19: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

249at sinabi ng buong pamayanan sa kanila:“Buti pang namatay na kami sa Ehipto osa disyertong ito! 3 Ba’t ba kami dinadalani Yawe sa lupaing ito para lamang ma-buwal sa tabak, at masamsam sa aminang aming mga asawa at maliliit na bata?Di ba mas mabuti pang bumalik saEhipto?” 4 At sinabi nila sa isa’t isa: “Pu-mili tayo ng pinuno at bumalik na tayo saEhipto.”

5 Nagpatirapa sina Moises at Aaron saharap ng buong pagtitipon ng pama-yanan ng mga anak ng Israel. 6 Winaraknaman ni Josueng anak ni Nun, at niKaleb na anak ni Yefone, na kasama samga naniktik sa lupain, 7 at sinabi sabuong pamayanan ng mga anak ngIsrael: “Napakaganda ang lupaing pi-nuntahan namin at ginalugad. 8 Kung ka-siya-siya tayo kay Yawe, dadalhin niyatayo sa lupaing ito at ibibigay ito sa atin,isang lupaing dinadaluyan ng gatas atpulot-pukyutan. 9 Huwag lamang kayongmaghihimagsik kay Yawe, at huwag ma-takot sa mga taong nasa lupain sapagkatsila ang uubusin natin! Wala na ang ka-nilang pananggalang at sumasaatin na-man si Yawe. Huwag kayong matakot sakanila!”

10 Binantaan silang babatuhin ng bu-ong pamayanan nang biglang lumitawang Luwalhati ni Yawe sa ToldangTagpuan sa harap ng lahat ng anak ngIsrael.

11 Sinabi ni Yawe kay Moises: “Hang-gang kailan ako hahamakin ng bayangito? Hanggang kailan sila tatangging ma-niwala sa akin sa kabila ng mga tanda naginawa ko sa piling nila? 12 Padadalhan ko

sila ng salot at pupuksain, pero gagawinkitang isang bansang mas malaki at masmalakas kaysa kanila.”

13 Sinabi naman ni Moises kay Yawe:“Alam ng mga Ehipsiyo na inilabas mo saiyong kapangyarihan ang bayang ito mulasa piling nila, 14 at sinabi nila ito sa mganaririto sa lupain. Nabalitaan na nila,Yawe, na kapiling ka ng bayang ito, atnakita ka nila nang harap-harapan, at angiyong ulap ay namamalagi sa kanila, atnangunguna ka sa kanila sa isang haligingulap kung araw at sa haliging apoy kunggabi. 15 At ngayo’y minsanan mong pu-puksain ang bayang ito?

Kaya sasabihin ng mga bansang naka-balita tungkol sa iyo: 16 Hindi na kaya niYawe na dalhin ang bayang ito sa lupaingipinangako niya sa kanila kaya niya silapinagpapatay sa disyerto. 17 Panginoonko, makita nawa ngayon ang iyongkapangyarihan pagkat ayon sa iyong mgasalita, 18 hindi ka madaling magalit atmayaman sa kabutihang-loob. Pina-patawad mo ang kasalanan at paghi-himagsik, ngunit naghihiganti ka atpinarurusahan ang mga anak hanggangsa ikatlo at ikapat na salinlahi dahil sakasamaan ng kanilang mga magulang.19 Patawarin mo na sana ang pagkakasalang bayang ito, ayon sa masagana mongawa, tulad ng pagpapatawad mo sabayang ito mula pa sa Ehipto hanggangngayon.”

20 At sinabi ni Yawe: “Pinatawad ko nasila ayon sa iyong mga salita, 21 ngunitkung paanong buhay ako at pinupusposng Luwalhati ni Yawe ang daigdig, 22-

23 isinusumpa kong hindi nila makikita

MGA BILANG 14

Iniuukol din ang mga salitang ito sa mga tao ngayon na,sa harap ng mga sugat ng lipunan, ay nagsasabing:wala nang magagawa pa.

Patawarin mo sana ang pagkakasala ng bayangito. Minsan pang lumilitaw si Moises sa kanyangpapel bilang tagapamagitan. Sa personal na paki-kipagniig niya kay Yawe, natutuhan ni Moises nasagana pala sa kagandahang-loob at puno ng awaang Diyos.

Nagpapatawad nga ang Diyos. Subalit hindi nito

hinahadlangan na pagbayaran ng mga tao ang bigatng kanilang mga pagkakamali. Ang paghihimagsik saKades at ang sumunod na pagkalupig ang dahilan ngmatagal na pananatili ng mga Hebreo sa disyerto. Sakatunayan, may katagalan nga, apatnapung taon, angitinigil nila sa may malapit sa Kades, na waring naha-hadlangan sa pagpasok sa lupain ng Kanaan. Malupitang salita: mamamatay sa pintuan ng LupangPangako ang lahat ng tumangging makilahok sapaglupig.

Page 20: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

250ang lupaing ipinangako ko sa kanilangmga ninuno. Sapagkat nakita nilang lahatang aking Luwalhati at ang mga tanda naginawa ko sa Ehipto at sa disyerto, ngunitsampung beses pa rin nila akong sinubokat hindi pinakinggan ang aking tinig. Walaisa man sa mga humamak sa akin angmakakakita niyon. 24 Ang lingkod kong siKaleb lamang ang makapapasok doonsapagkat may naiiba siyang espiritu atdahil lubos siyang sumunod sa akin.Dadalhin ko siya sa lupaing pinuntahanniya at aariin iyon ng kanyang mga inapo,25 samantalang nasa lambak ang mgaAmalecita at mga Kananeo.

Kaya babalik kayo bukas at aalis pa-punta sa disyerto sa daang patungo saDagat ng Mga Tambo.”

26 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron:27 “Hanggang kailan magrereklamo sa akin angmasamang pamayanang ito? Narinig ko na angmga reklamo ng mga reklamador na Israelitangito. 28 Sabihin mo sa kanila – Buhay ako, wika niYawe, kaya gagawin ko sa inyo ang lahat ngnarinig kong sinabi ninyo. 29 Lahat kayo, nadalawampung taong gulang o higit pa atkabilang sa senso, na nagrereklamo sa akin,mabubuwal sa disyertong ito ang inyong mgabangkay. 30 Hindi kayo papasok sa lupaingisinumpa kong paninirahan ninyo, malibankay Kaleb na anak ni Yefone, at kay Josuenganak ni Nun. 31 Ngunit ang inyong mga anak nasinabi ninyong masasamsam sa inyo ang da-dalhin ko roon at sila ang makaaalam sa lu-paing tinanggihan ninyo. 32 Mabubuwal sadisyerto ang inyong mga bangkay, 33 at lalaboyrito sa loob ng apatnapung taon ang inyong mgaanak, kasama ang kanilang mga kawan, pasan

ang bigat ng inyong kataksilan hanggang bu-magsak na patay sa disyerto ang kahuli-hu-lihan sa inyo.

34 Batay sa bilang ng mga araw na ginugol sapaniniktik sa lupain – isang taon para sa bawataraw, apatnapung araw – apatnapung taonninyong papasanin ang bigat ng inyong mgapagkakasala at malalaman ninyo ang paglabanko. 35 Akong si Yawe ang nagsalita. Tiyak nagagawin ko ito sa buong masamang pama-yanan – pinagkaisahan nila ako. Mauubos silasa disyertong ito, at dito sila mamamatay.”

36 Ang mga lalaking isinugo ni Moises upangmaniktik sa lupain at nagbalik sa pamayananang silang nagpareklamo laban sa kanya sapagkakalat ng masamang balita tungkol salupain. 37 Nangamatay sila dahil sa salot saharap ni Yawe. 38 Tanging si Josueng anak niNun at si Kaleb na anak ni Yefone ang natirangbuhay sa mga umalis para maniktik.

39 Nang isalaysay ito ni Moises sa mga Is-raelita, buong kapaitang nagluksa ang sam-bayanan. 40 Maaga silang gumising at umakyatsa bundok, at sinabi: “Narito kami! Nagkasalakami ngunit handa kaming pumunta sa lugarna ipinangako ni Yawe.” 41 Ngunit sinabi niMoises: “Bakit ninyo sinusuway ang utos niYawe? Hindi ito magtatagumpay. 42 Huwagkayong aakyat, sapagkat wala sa inyo si Yawe,kung hindi’y malulupig kayo ng inyong mgakaaway. 43 Haharapin kayo roon ng mgaAmalecita at mga Kananeo, at tiyak na mabu-buwal kayo sa tabak, sapagkat tumalikod kayosa pagsunod kay Yawe at wala siya sa inyo.”

44 Nagpilit pa rin silang umakyat sa tuktok ngbundok, ngunit hindi umalis mula sa loob ngkampo ang Kaban ng Pakikipagtipan ni Yawe osi Moises.

45 Kaya bumaba ang mga Amalecita at mgaKananeo na nakatira sa kaburulan, at nilupigsila at hinabol hanggang Horma.

MGA BILANG 14

KARAGDAGAN PANG MGA BATAS

• 1 Sinabi ni Yawe kay Moises: 2 “Sabi-hin mo sa mga Israelita: Ito ang gagawin

n’yo pagkapasok sa lupaing titirhan ninyopagkabigay ko nito sa inyo upang magingkalugud-lugod kay Yawe ang amoy ng handog

na baka o tupa. 3 Kung may handog na pinadaansa apoy kay Yawe, o susunuging handog o hainsa pagtupad ng isang panata o kusang-loob naalay o dahil sa inyong mga pagdiriwang, 4 angnag-aalay kay Yawe ay mag-aalay ng pagkaing

• 15.1 Mga batas at mga kaugalian ng Israel angmuli nating matutunghayan sa mga kabanata 15-19.

– 15:17. Ang paanyayang ialay ang mga unanganing tinapay, o mga unang tinapay na gawa sa harina

ng inaning trigo. Ang bayan ng Diyos ang magigingbayang may magandang pinag-aralan at maykagandahang asal na hindi kumakain nang hindinagpapasalamat o sinisilbihan muna ang sarili kundi

15

Page 21: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

251handog na ikapung efang harina na hinaluan ngsangkapat na hing langis. 5 At daragdagan pa nginuming handog na sangkapat na hing alak parasa bawat batang tupang susunuging handog oisasakripisyo. 6 Para naman sa barakong tupa,magdadala ka ng dalawang ikapung efa ngpinong harinang hinaluan ng sangkatlong hinglangis bilang pagkaing handog, 7 at ng sangkat-long hing alak bilang inuming handog, para sakalugud-lugod na amoy kay Yawe.

8 Kung mag-aalay ka ng isang toro bilangsusunuging handog, o pagtupad sa isang panatao hain sa mabuting pagsasamahan kay Yawe,9 magdadagdag ka ng tatlong ikasampung efang pinong harinang hinaluan ng kalahating hinglangis bilang pagkaing handog, 10 at ng kalahat-ing hing alak bilang inuming handog, para sakalugud-lugod na amoy kay Yawe. 11 Ganito rinang gagawin sa bawat toro, barakong tupa,batang tupa o kambing. 12 Kung marami anginyong mga handog, gawin n’yo ito sa bawat isa.

13 Gagawin ito ng lahat ng katutubo paramaging kalugud-lugod kay Yawe ang amoy ngkanilang handog na pinadaan sa apoy. 14 Susu-nod din sa batas na ito ang dayuhang nasa pilingninyo o sa piling ng inyong mga inapo sa pag-aalay ng haing pinadaan sa apoy bilang ka-lugud-lugod na amoy kay Yawe. 15 Sa pamama-yan, iisang tuntunin lamang ang iiral sa inyo atsa dayuhan; panghabampanahong tuntunin itosa inyong mga salinlahi: pareho lamang kayo ngdayuhan sa harap ni Yawe. 16 Iisang tuntunin atiisang kaugalian lamang para sa inyo at sadayuhang nakikipamayan sa inyo.”

17 Nagsalita si Yawe kay Moises: 18 “Sabihinmo sa mga Israelita: Pagkapasok ninyo sa lu-paing pagdadalhan ko sa inyo, 19 makakakainkayo ng tinapay. Kaya mag-aabuloy kayo kayYawe. 20 Maghahandog kayo ng isang bibingkana pinakauna sa inyong giikan bilang pinakaunasa inyong minasang harina. 21 Sa inyong mgasalinlahi, mag-aalay kayo kay Yawe ng handogmula sa inyong pinakaunang minasang harina.

22 Kung magkamali kayo sa hindi ninyo pag-tupad sa lahat ng kautusang ito na itinuro niYawe kay Moises – 23 ang lahat ng iniutos niya sapamamagitan ni Moises mula sa una niyangpagsasalita hanggang sa mga sali’t salinlahininyo – 24 kung nagawa ito na di sinasadya ngpamayanan, maghahandog ang buong pama-

yanan ng isang batang toro bilang susunuginghandog na kalugud-lugod ang amoy kay Yawe,kasama ang kinaugaliang handog na pagkain atinumin, at isang barakong kambing bilang hainpara sa kasalanan. 25 Kaya hihingi ng tawad angpari para sa buong pamayanan ng mga Israelita,at patatawarin sila sapagkat pagkakamalilamang ito, at dinala nila kay Yawe ang kanilangalay na isang handog na pinadaan sa apoy atang hain para sa kasalanan dahil sa kanilangpagkakamali. 26 At patatawarin ang buongpamayanan ng mga Israelita pati ang dayuhangnasa piling nila sa di sinasadyang pagkakasalang buong bayan.

27 Kung may tao namang nagkasala nang disinasadya, mag-aalay siya ng isang taong gu-lang na babaeng kambing bilang hain para sakasalanan. 28 Hihingi ng tawad ang pari sa harapni Yawe para sa nagkasala nang di sinasadya, atpatatawarin siya sa pamamagitan nito. 29 Iisalamang ang inyong batas sa nagkasala nang disinasadya: para sa katutubong Israelita at parasa dayuhang nasa piling ninyo.

30 Ngunit kung may kusang magkasala, ma-ging katutubo o dayuhan, nilalait nito si Yawe:aalisin siya sa kanyang bayan. 31 Dahil hinamakniya ang salita ni Yawe at nilabag ang kanyangutos, hindi na siya mabubuhay at siya lamangang mananagot sa kanyang kamatayan.”

Ang parusa sa nagtatrabaho saAraw ng Pahinga

32 Habang nasa disyerto pa ang mga Israelita,may lalaking natagpuang nangangahoy saAraw ng Pahinga. 33 Iniharap siya ng mga naka-huli sa kanya kina Moises at Aaron at sa buongpamayanan. 34 Ikinulong siya dahil wala pangipinahahayag na dapat gawin sa kanya. 35 Atsinabi ni Yawe kay Moises: “Mamamatay angtaong iyan; babatuhin siya ng buong pama-yanan sa labas ng kampo.” 36 Kaya inilabas siyang buong pamayanan sa kampo at binato hang-gang mamatay, gaya ng iniutos ni Yawe kayMoises.

37 Sinabi ni Yawe kay Moises: 38 “Sabihin mosa mga Israelita na gumawa sila ng mga palawitsa dulo ng kanilang mga damit at lagyan ngsinulid na asul na mapula-pula sa bawat palawit.39 Magkakaroon kayo ng mga palawit, at pagmakikita ninyo ito’y maaalala ninyo ang lahat

MGA BILANG 15

iaalay nila sa Levita o sa dukha ang pinakaunang partena nangangahulugan ng pag-aalay nito sa Diyos.

– 15:37. Ang sinulid na kulay-murado ay maiha-hambing sa mga insigniya na isinusuot ngayon ngmaraming tao. May halaga lamang ang panlabas na

tandang ito kung tunay na nasa kalooban ang isina-sagisag nito. Sinang-ayunan ni Jesus ang kautusangito (Mt 9:20) ngunit tinuligsa niya ang mga nagsusuotng mga palawit na ito na pakitang-tao lamang (Mt23:5).

Page 22: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

252ng utos ni Yawe kaya tutuparin ninyo ang mgaiyon at hindi na kayo magbibili ng inyong sarilisa pagliligaw sa inyo ng sariling puso at mgamata. 40 Kaya aalalahanin ninyo at isasabuhayang lahat ng aking mga utos upang maitalagakayo sa inyong Diyos. 41 Ako si Yaweng inyongDiyos ang naglabas sa inyo mula sa Ehiptoupang akong si Yawe ang maging Diyos ninyo.”

Mga pagmamagaling ni Kora;paghihimagsik nina Datan at Abiram

• 1 Naghimagsik laban kay Moisessi Kora na anak ni Isar na anak

naman ni Kehat mula sa tribu ng Levi, atsina Datan at Abiram na mga anak niEliab na anak naman ni Pelu mula sa tribung Ruben. 2 Sumama sa kanya ang da-lawandaa’t limampung Israelita na mgakilalang pinuno sa pamayanan at mgamiyembro ng sanggunian.

3 Nagtipon sila laban kina Moises atAaron, at sinabi: “Sobra na! Banal angbuong pamayanan at sumasakanila siYawe. Kaya bakit hangad ninyong maka-pangyari sa pamayanan ni Yawe?”

4 Nang marinig ito ni Moises, nagpa-tirapa siya. 5 At sinabi niya kay Kora at samga tagasunod nito: “Ipakikita ni Yawebukas ng umaga kung sino ang kanya atkung sino ang banal at palalapitin niya sakanya. Palalapitin niya mismo sa kanyaang kanyang pipiliin. 6 Ikaw, Kora, ka-sama ang lahat mong tagasunod – kuninninyo ang inyong mga insensaryo. 7 Pu-nuin ang mga iyon bukas ng nagbaba-gang uling at lagyan ng insenso sa harapni Yawe, at pipiliin ni Yawe kung sino angbanal. Sumusobra na kayong mga anakng Levi!”

8 Sinabi rin ni Moises kay Kora: “Makinigkayo ngayon sa akin, mga anak ng Levi.

9 Maliit na bagay pa ba para sa inyo naibinukod kayo ng Diyos ng Israel mula sapamayanan ng Israel para ilapit sa kanyaupang maglingkod sa Banal na Tolda niYawe, at tumayo sa harap ng pamayananpara maglingkod sa ngalan nila? 10 Inilapitka niya sa kanya, ikaw at lahat ng kapatidmong Levita, at ngayo’y inaambisyon n’yoring magpari. 11 Ano ba ang pakialam ditoni Aaron at nagrereklamo kayo laban sakanya? Si Yawe ang pinaghimagsikan moat ng iyong mga tagasunod.”

12 Ipinatawag ni Moises sina Datan atAbiram na mga anak ni Eliab, ngunitsinabi ng mga ito: “Hindi kami pupunta.13 Hindi pa ba sapat na ilabas mo kamimula sa isang lupaing dinadaluyan nggatas at pulot-pukyutan para patayinkami sa disyerto? At ngayo’y gusto mopang panginoonin ka namin! 14 Hindi monaman kami nadala sa lupaing dina-daluyan ng gatas at pulot-pukyutan, onapamanahan ng mga bukirin at ubasan.Akala mo ba’y bulag ang mga taong ito?Hindi kami pupunta.”

15 Galit na galit si Moises at sinabi niyakay Yawe: “Huwag mong kalugdan angkanilang handog. Hindi ako kumuha niisa mang asno mula sa kanila, ni walaakong sinaktang sinuman sa kanila.”

16 Sinabi ni Moises kay Kora: “Ikaw atang lahat mong kasamahan ay haharapkay Yawe bukas, ikaw at sila, kasama siAaron. 17 Dalhin ng bawat isa sa inyo angkanyang insensaryo, lagyan iyon ng in-senso at ialay sa harap ni Yawe – dalawan-daa’t limampung insensaryo – at gayun-din ang gagawin ni Aaron.” 18 Kaya kinuha

MGA BILANG 15

• 16.1 Banal ang buong pamayanan at sumasa-kanila si Yawe. Totoo nga, pero may herarkiyanggaling sa Diyos. Ito ang itinuturo ng kabanatang ito atpagkatapos ay aalalahanin naman ni Pablo: “Walangmaaaring umangkin sa tungkulin ng pagkapari kundiang tinawag ng Diyos tulad ni Aaron” (Hebreo 5:4).

Dalawang magkaibang salaysay ang pinagsama sapagsulat ng pahinang ito:

– sa una’y inaangkin ni Kora ang mga pribilehiyo ngmga paring anak ni Aaron; at nilamon siya ng apoyna galing sa langit kasama ng dalawandaan niyangkakampi;

– sa ikalawan nama’y nagrebelde sina Datan atAbiram mula sa tribu ng Ruben laban kay Moiseshanggang lamunin ng lupa ang mga ito.

16

Page 23: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

253ng bawat isa ang kanyang insensaryo, atnilagyan iyon ng apoy at insenso, at tu-mayo sa bungad ng Toldang Tagpuan,kasama sina Moises at Aaron.

19 Tinipon ni Kora ang buong pamaya-nan laban sa kanila sa pintuan ng ToldangTagpuan, at napakita sa buong pamaya-nan ang Luwalhati ni Yawe.

20 Sinabi ni Yawe kina Moises at Aaron:21 “Lumayo kayo sa pamayanang ito atagad ko silang uubusin.” 22 Ngunit nag-patirapa sila at sinabi: “O Diyos, Diyos ngmga espiritu ng sangkatauhan, magagalitka ba sa buong pamayanan dahil lamangsa kasalanan ng isang tao?”

23 Sumagot si Yawe kay Moises: 24 “Ka-usapin mo ang pamayanan at sabihin ito:Lumayo kayo sa mga tolda nina Kora,Datan at Abiram!”

25 Tumindig si Moises at pumunta kinaDatan at Abiram, at sumunod naman sakanya ang mga matatanda ng Israel.26 Kinausap niya ang pamayanan atsinabi: “Lumayo kayo sa mga tolda ngmga masamang taong ito, at huwaghipuin ang alinman sa kanilang ari-arian,kung hindi’y mamamatay kayo dahil salahat nilang kasalanan.” 27 Nagsilayo ngasila sa mga tolda nina Kora, Datan atAbiram; at nagsilabas naman sina Datanat Abiram at tumayong kasama ng kani-kanilang asawa at mga anak at maliliitna bata sa pintuan ng kani-kanilang mgatolda.

• 28 At sinabi ni Moises: “Sa ganitoninyo malalaman na isinugo nga ako niYawe upang gawin ang lahat ng ito, athindi ito galing sa akin. 29 Kung sila aymamatay tulad ng sinuman, at singilintulad ng sinumang tao, hindi ako sinugo

ni Yawe kung gayon. 30 Ngunit kunggagawa ng himala si Yawe, at ngumangaang lupa at nilulon sila, kasama ang lahatnilang ari-arian at mananaog silang bu-hay sa Lugar ng mga Patay, malalamanninyo na kinasuklaman ng mga taong itosi Yawe.”

31 Pagkatapos masabi ni Moises anglahat ng ito, nahati ang lupa, 32 nguma-nga at nilulon ang mga iyon pati angkanilang mga sambahayan, at lahat ngtauhan ni Kora at lahat nilang ari-arian.

33 Bumaba silang buhay sa Lugar ngmga Patay, pati ang lahat nilang ari-arian;tumikom ang lupa sa kanila at naglahosila sa pamayanan. 34 Sa kanilang mgasigaw, nagtatakbo ang lahat ng Israelitangnasa kanilang paligid, habang sinasabi“Baka tayo malulon ng lupa!”

35 At biglang lumabas ang apoy mulakay Yawe at tinupok ang dalawandaa’tlimampung lalaking nag-aalay ng in-senso.

• 1 Kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi:2 “Sabihin mo kay Eleazar na anak ni

Aarong pari na kunin mula sa sunog ang mgainsensaryo at ikalat ang apoy sa malayo, dahilsagrado na ngayon 3 ang mga insensaryo sa-pagkat binawian ng buhay ang mga lalaking itodahil sa kanilang kasalanan. Ipapanday mo angmga insensaryo para ibalot sa altar dahil naialayna ang mga ito sa harap ni Yawe at nagingsagrado. Magiging tanda ang mga ito para samga Israelita.”

4 Kaya kinuha ng paring si Eleazar ang mgatansong insensaryong dala ng mga lalakingnasunog, at pinanday ang mga iyon para ipam-balot sa altar 5 at magsilbing paalala sa mgaanak ng Israel na walang sinumang paring hindiinapo ni Aaron ang makalalapit para magsunogng insenso sa harap ni Yawe, kung hindi’y ma-gagaya siya kay Kora at sa mga tagasunod nito,tulad ng sinabi ni Yawe kay Eleazar sa pama-magitan ni Moises.

• 28. Ikumpara ang Mga Bilang 16:28 sa Juan5:19 at 5:36.

• 17.1 Iba’t ibang kababalaghan ang nagpapa-kita ng awtoridad ni Aaron at ng bisa ng kanyangpanalangin sapagkat isa siyang paring pinili ng

Diyos. Ang tungkod ni Aaron (17:23) ang larawanng pagiging mabunga na ibinibigay ng Diyos sa lahatng aksyong isinasagawa dahil sa utos niya at sa lahatng buhay na itinatalaga sa kanya (Jer 17:8; Slm92:15).

MGA BILANG 17

17

Page 24: 231 MGA BILANG - bibleclaret.org TESTAMENT/1-Ang Batas (Limang... · mga pinuno ng mga tribu ayon sa mga pina-kaama, mga ulo ng mga angkan ng Israel. 17 Kaya kinuha nina Moises at

254MGA BILANG 17Nanalangin si Aaron para sa bayan

6 Kinabukasan, nagreklamo ang buong pa-mayanan ng mga anak ng Israel laban kinaMoises at Aaron, at sinabi: “Kayo ang nagpapa-patay sa bayan ni Yawe.” 7 Nang magkatiponang pamayanan laban kina Moises at Aaron,humarap sila sa Toldang Tagpuan at binalot itong Ulap, at lumitaw ang Luwalhati ni Yawe. 8 Atnagpunta sa bungad ng Toldang Tagpuan sinaMoises at Aaron.

9 Kinausap ni Yawe si Moises, at sinabi:10 “Lumayo ka sa pamayanang ito; uubusin kosila ngayon din.” Nagpatirapa ang dalawa salupa. 11 At sinabi ni Moises kay Aaron: “Kuninmo ang iyong insensaryo at lagyan ng apoygaling sa altar, lagyan mo ng insenso at pu-munta ka agad sa pamayanan upang mag-bayad-sala kay Yawe para sa kanila. Lumabasna ang poot mula kay Yawe, at nagsimula na angsalot.”

12 Ginawa nga ni Aaron ang sabi ni Moises, attumakbo sa gitna ng pamayanan, ngunit nag-simula na ang salot sa sambayanan. Inilagayniya ang insenso at nagbayad-sala para sakanila. 13 Tumayo siya sa pagitan ng mga buhayat mga patay, at tumigil ang salot. 14 Labing-apat na libo’t pitundaan ang namatay sa salot,bukod sa mga namatay dahil kay Kora. 15 Atnagbalik si Aaron kay Moises sa bungad ngToldang Tagpuan; tumigil na ang salot.

Ang tungkod ni Aaron

16 Nagsalita si Yawe kay Moises, at sinabi:17 “Sabihin mo sa mga anak ng Israel na bigyanka ng mga tungkod, isa para sa bawat tribu,labindalawang tungkod na lahat para sa mgapinuno ng labindalawang tribu. Isulat mo angpangalan ng bawat isa sa kanyang tungkod, 18 atisulat mo naman sa tungkod ni Levi ang panga-lan ni Aaron sapagkat siya ang una sa mgaangkan ni Levi.

19 At ilagay mo ang mga iyon sa ToldangTagpuan sa harap ng Kaban ng Kautusan naating tagpuan. 20 Ang may-ari ng tungkod nasisibol ang siyang hinirang ko; sa ganitongparaan ko patatahimikin ang mga reklamo ngmga Israelita laban sa inyo.”

21 Kinausap ni Moises ang mga Israelita, atbawat isa sa kanilang mga pinuno ay nagbigaysa kanya ng tungkod – labindalawang tungkodna lahat para sa kanilang mga tribu, at kabilangdito ang tungkod ni Aaron. 22 Inilagay ni Moisesang mga tungkod sa harap ni Yawe sa Tolda ngKaban ng Kautusan. 23 Kinabukasan, nagpuntasi Moises sa Tolda ng Kaban ng Kautusan – at

hayun! umusbong ang tungkod ni Aaron nakumakatawan sa tribu ng Levi. Bumukad angmga buko, namukadkad ang mga bulaklak, atnagbunga ng hinog na almond.

24 Inilabas ni Moises ang lahat ng tungkodmula sa harap ni Yawe at ibinalik sa mga anakng Israel; tiningnan nila ang mga ito, at kinuhang bawat isa ang kanyang tungkod.

25 At sinabi ni Yawe kay Moises: “Ibalik moang tungkod ni Aaron sa harap ng Kaban ngKautusan, at ingatan bilang tanda sa mga re-beldeng ito upang hindi ko na marinig pa angkanilang mga reklamo at hindi sila mamatay.”26 Ginawa nga ni Moises ang iniutos ni Yawe.

Mga pari para sa bayan27 Sinabi ng mga anak ng Israel kay Moises:

“Mamamatay kaming lahat! Masasawi kami!28 Mamamatay ang sinumang lumapit sa Tira-han ni Yawe! Mamamatay ba kaming lahat?”

1 Sinabi ni Yawe kay Aaron: “Ikaw atang iyong mga anak kasama ang iyong

sambahayan ang manananagot sa santuwaryo– ikaw at ang iyong mga anak ang mananagot sasariling pagkapari. 2 Palapitin mo rin ang mgakamag-anakan mo, ang tribu ng Levi na siyangtribu ng iyong ama. Isama sila at patulungin sainyo ng mga anak mo sa paglilingkod sa Toldang Pahayag.

3 Makikisali sila sa iyong paglilingkod at sapaglilingkod sa buong Tolda pero hindi silalalapit sa mga bagay na sagrado o sa altar, atbaka sila at kayo ay mamatay. 4 Maisasamaninyo sila sa buong paglilingkod sa ToldangTagpuan ngunit hindi na lalapit pa ang sinu-mang tagalabas.

5 Kayo ang mamamahala sa paglilingkod sasantuwaryo at sa altar kaya di na muling babag-sak ang Galit sa mga Israelita.

6 Ako ang pumili ng iyong mga kapwa-Levitamula sa mga Israelita; ibinigay sila kay Yawe,kaya ibinibigay sila sa inyo para maglingkod saToldang Tagpuan. 7 Tanging sa iyo at sa iyongmga anak lamang ang pagkapari sa lahat ngginagawa sa altar o sa loob ng kurtina. Sa inyoko ibinibigay ang pagkapari at mamamatay angiba pang lalapit.”

Ang bahaging para sa mga pari8 Sinabi ni Yawe kay Aaron: “Ipinagkatiwala

ko sa iyo ang aking bahagi sa mga banal nahandog ng mga Israelita. Sa paghirang sa iyo atsa iyong mga anak, ibinigay ko sa inyo ang mgaito: panghabampanahong tuntunin ito. 9 Ito ang

18