50
IKATLONG MARKAHANG PROYEKTO PROYEKTO SA ARALING PANLIPUNAN PANGKAT 2

2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

IKATLONG MARKAHANG PROYEKTO

PROYEKTOSA

ARALING PANLIPUNAN

PANGKAT 2

Page 2: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Topic :

IMPERYALISMOAT

KOLONYALISMO

Page 3: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

UNANG YUGTONG

IMPERYALISMONG KANLURANIN

Page 4: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

MGA UNANG RUTA NG KALAKALAN Tatlong Ruta o daan:

1. Hilagang Ruta- mula Peking(Beijing), papuntang disyerto ng Gitnang Asya, dumaraan sa mga lungsod ng Samarkand at Bokhara, tinatawid ang Caspian Sea at ang Black Sea, at nagtatapos sa lungsod ng Constantinople.

2. Panggitnang Ruta- mula sa India, ang mga kalakal ay dinadala ng mga sasakyang pandagat hanggang sa Ormuz sa Persian Gulf. Bumabiyahe patungo sa mga lungsod ng Antioch, Aleppo, at Damascus.

3. Timog na Ruta- mula sa India babagtasin ang Indian Ocean, babaybayin ang Arabia tuloy sa Red Sea hanggang sa Cairo at Alexandria sa Egypt.

Page 5: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

LIMITADONG KAALAMAN NG MGA KANLURANIN TUNGKOL SA ASYA Kaunti lamang ang alam ng mga kanluranin tungkol sa mga

lugar na may produktong kinasasabikan nila. Ilan sa mga Akda tungkol sa Asya:

1.Krusada o Crusades (1096-1273) Serye ng kampanya ng mga Kristianong Kabalyero na ang layunin

ay bawian ang Jerusalem mula sa Muslim.

2.Ang Paglalakbay ni Marco Polo o The Travels of Marco Polo Tinawid niya ang Gitnang asya hanggang China. Nanirahan at

naging tagapayo ng Emperador ng Dinastiyang Yuan. Isinulat niya ang aklat na ito at sa tulong na ito maraming nabatid

ang kanluranin mula tungkol sa Asya.

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 6: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

o PAGSASARA NG MGA RUTANG PANGKALAKALAN

Ang tatlong rutang naguuganay sa Asya at Kanluranin ay laging bukas sa kalakalan. Noong ika-14 hanggang ika-15 siglo, sinalakay ang Silangang

Rehiyon ng Mediterranean Sea ng mga Seljuk Turk. Sa pagtatagumpay na ito, sila ay nabigyan ng kapangyarihan sa mga rutang pangkalakalan sa Asya.

o MONOPLYO NG ITALIAN Ang mga lungsod estado ng Venice, Genoa, at Florence sa Italy,

ang pinayagan ng mga Seljuk Turk na mamili sa daungan nila. Kapakipakinabang sa mga Italian ang pamamalakad na ito,

dinadala nila ang mga kalakal ng Asya sa Kanlurang Europa at ipinagbibili sa mataas na halga dahil kinasasabikan nila ito, isa na dito ang rekado na mahalaga na pampalasa sa pagkain, gamot at pampreserba.

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 7: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

PAGHAHANAP NG BAGONG RUTA Dahil hindi sang-ayon ang mga Kanlurang Europa na bumili na

mataas na presyo ng mga Italian at upang sirain ang monoployo ng Italian, sila ay naghanap ng bagong ruta patungong India at china upang maiwasan na din ang dating ruta na noon ay sakop ng mga Seljuk Turk.

MGA PAGBABAGO SA PAGLALAYAG Mula ika -12 na siglo, mas malalaki na ang mga barko sa paglalayag

at may mga bagong tuklas na instrumento, ito ay ang compass at astrolabe kaya mas higit na madaliang paghahanap ng bagong ruta.

Compass- kagamitan na malalaman kung saan patungo ang barko. Astrolabe- gingamit upang malaman ang latitude ng barko pahilaga

o patimog mula sa equator.

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 8: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

PANAHON NG PAGGALUGAD AT PAGTUKLAS Panahon ng Pagtuklas (1450-1650)

Pinasigla ng paghahanap ng mga bagong ruta patungong Asya, maraming bagong lupain ang ang natuklasan ng Kanluranin sa kauna-unahang pagkakataon.

Higit na naging mahalaga ang mga lupaing ito kasya sa mga ruta na siyang unang layunin ng mga Kanluranin.

MGA BAGONG RUTA PATUNGONG ASYA Sa pangunguna ni Prisipe Henry, nagalugad ang mga baybayin ng

Africa. Natuklasan ang mga pulo ng Azores, Canary, at Cape Verde. Bartolomeu Diaz (1488)- narating niya ang dulo ng Africa, na tinawag ng

hari ng Portugal na, “Cape of Good Hope”, pangalan na pinapahiwatig ng matas na pag-asa na makakamit nila ng kanilang layunin.

Vasco de Gama(1498)- natagpuan niya ang bagong ruta patungong Asya. Narating niya ang Calicut sa kanlurang India.

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 9: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

• MERKANTILISMO Noong ika-16 siglo , ang mga bansa sa Europa ay naniniwala

sa prinsipyong pang-ekonomiya na maaaring maging instrumento upang mapataas ang pambansang kapangyarihan na kung tawagin ay merkantilismo.

Ang Merkantilismo ay ang kabuuang dami ng ginto’t pilak sa isang bansa .

Dalawang silbi ng kolonya sa bansa:

1. Una , ang pinagkukunan ng hilaw na sangkap o materyales .

2. Ikalawa , ang mga taga-bili ng produkto.Nais ding palawigin ng mga Spain at Portugal ang kristiyanismo sa mga kolonya nito .

Page 10: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

• MGA SAKOP NG PORTUGAL Ang mga bansang napili ng Portugal sa Asya ay ang Hormuz sa Persian

Gulf, Aden sa Red Sea, Cochin at Goa sa India, Malacca sa Malaya , Ternate sa Moluccas, at Macao sa China .Karaniwan sa mga sinakop ng mga Portugal ay ang mga daungan upang makontrol ang daanan ng kalakalan.Dalawang taong nanguna sa pamumuno sa piling lugar :

1. Fransisco de Almeida – ang viceroy ng Portugal.

2. Alfonso de Albuquerque – ang nagtalaga sa Goa bilang kapitolyo ng imperyo ng Portugal sa Asya .

Noong 1580 nasakop ng Spain ang Portugal at nanatili na lupang-sakop ng Spain ang Portugal ng 60 taon. At naglaho ang imperyo ng portugal .

Noong 1640 ay nakamit ng Portugal ang kalayaan ngunit ang mga nasakop nitong mga bansa ay nasakop na rin sila tulad ng Netherlands at England.

Page 11: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

MGA SAKOP NG SPAIN Matagumpay na nakamit ni Ferdinand Magellan ang paggalugad sa

mga bagong ruta sa asya . Naglayag siya pakanluran upang makarating ng Silangan . Tinawid ang Atlantic Ocean, binaybay ang South America.Natagpuan

niya ang dulo ng South America at tinawid ang Pacific Ocean. Noong 1521 narating ni Magellan ang Pilipinas . Kasalungat naman ng natagpuang ruta na natuklasan ni Magellan

ang rutang dinaanan ni Vasco da Gama. Ang ibang kapuluan ay kanyang inangkin para sa Spain, ngunit hindi

siya nakapagtatag ng pamayanan sa pilipinas. Noong 1565, pormal na sinakop ng Spain ang Pilipinas sa

pangunguna ni Miguel Lopez de Legazpi . Sa pagtatapos ng ika-16 siglo, ang soberanya ng Spain ay napalawig

sa buong pilipinas .

Page 12: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

MGA SAKOP NG NETHERLANDS Noong ika-17 siglo nagsimula ang pakikipagsapalaran ng Netherlands. Naantala ang Netherlands dahil sa pakikibaka nila upang makalaya sa mga

kamay ng Spain. Nakamit ng Netherlands ang kalayaan noong 1648. Binuo ng Netherlands ang Dutch East India Company upang maging unang

hakbang para makasakop ng lupain . Dutch East India Company - isang kompanya ng mga namumuhunan na

binuo upang mapalawig ang kalakalan sa pamamagitang ng pagsakop sa mga lupain .

Sinimulan ng Netherlands ang pagkakaroon ng sakop na lupain sa Asya. Pakay ng mga Neterlands na sakupin ang molluccas. Noong 1619, itinatag nila ang Batavia (Jakarta) sa Java bilang sentro ng

kanilang imperyo . Noong 1635, sinakop nila ang Formosa. Naagaw nila ang Malacca sa

Portugese . Ang pagkakuha ng Netherlands sa Malacca ang nagbigay kapangyarihan sa

komersyo sa Timog Silangang Asya .

Page 13: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

MGA SAKOP NG ENGLAND Nagsimula ang pagsakop ng mga lupain ng mga England ng itatag ang

English East India Company noong 1600. Ang pakay ng mga ito ang ay magtatag ng ugnayang pangkalakalan sa

Sumatra, Moluccas, at Java. Ngunit hindi pinahintulutan ng Dutch na manatili sila sa mga lugar na

iyon kaya nilisan ng mga English ang Moluccas matapos ang Amboina Massacre.

Sa India, matagumpay na nagkaroong ng mga sakop na lupain ang England .

Ang pamayanang pangkalakalan na itinatag ng English sa India ay ang Surat (Kanlurang Baybayin).Sinundan ang Surat ng Bombay, Madras at Calcutta .

At nakapagtatag ng palagiang pamayanan ng pangkalakalan.

Page 14: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

MGA SAKOP NG FRANCE Katulad ng ginawa ng mga English, tinangka ring magkaroon ng sakop

ng France sa India at nagtatag rin ng French East India Company noong 1664.

At nakapagtatag ang mga French sa India tulad ng Chandarnagore, Mahe at Karikal .

• PAG-AAKIN NG INDIA Naging magkaagaw ang France at England sa India. Noong 1756, napahayag ng digmaan ang hari ng Bengal laban sa

English. Pumanig sa kanya ang French. Isang makapangyarihang hukbo ang ipinadala sa Madras sa

pamumuno ni Robert Clive upang mapalaya ang Calcutta. Tinalo ni Clive ang Laban ng Plassey ang hukbo ng hari ng Bengal . Hinangad ng France na magibabaw sa India, ngunit napasailalim ang

India sa England.

Page 15: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

IKALAWANG YUGTONG

IMPERYALISMONG KANLURANIN

Page 16: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

INDUSTRIYALISASYON Nagsimula sa panahon ng Industriyalisasyon ang pangangailangan ng

hilaw na materyales o sangkap tulad ng mga produktong :• Mineral (langis at uling)• Agrikultural (kape, asukal, bulak, tsaa, at tabako)• Gubat (teak at goma) Ang mga produktong ito ay matatagpuan sa asya. Merkantilismo ang namayani sa unang yugto ng imperyalismo, sa

ikalawang yugto ay Kapitalismo ang naging prinsipyong pang-ekonomiya.

Ang paghahanap ng mga bagong pagkukunan ng mga hilaw na sangkap ang naging tunggalian ng mga Kanluranin.

Page 17: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

PAMUMUHUNAN Itinuring ng mga Kanluranin ang bansang Asyano na mapagkukunan

ng pakinabang o tubo sa panahon ng kapitalismo. Marami sa kanila ang may labis na kapital, kaya naakit sila sa

posibilidad na mapalago ang kanilang pera sa pamamagitan ng pagkakagay ng kapital sa mga pataniman at minahan na sagana ang Asya.

• WHITE MAN’S BURDEN Naniniwala ang mga Kanluranin na mas nakahihigit ang kabihasnan

nila kaysa sa mga Asyano. Sa palagay nila ay kailangan nilang turuan ang mga asyano , ang mga

pari, manggagamot, guro, at tagapangasiwa ay nagtungo sa asya upang tuparin ang tungkuling tinawag na “white man’s burden” .

Ito ay ang pagbibigay-katwiran ng mga Kanluranin sa ginawa nilang pananakop sa Asyano .

Page 18: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA INDIA Noong 1784, sinubaybayan ng England ang pamamahala sa India ng Engish East

India Company. Ang opisyal nito ay ang umuupong gobernador heneral ngunit ang pamahalaan ng

England ang pumipili sa kanya.

• ANG REBELYONG SEPOY (1857) Noong 1857 nag-alsa ang mga sundalong Indian o Sepoy. Dahil sa mga balita na ang bagong cartridge ay ipinagagamit sa kanila ay

nilangisan ng mantika mula sa hayop. Tutol dito ang Hindu at Muslim dahil bawal sa kanila ang baka at baboy.

Matindi rin ang hinaing ng Sepoy sa English dahil sa diskriminasyon ng lahi o racism .

Tumindi ang paghihimagsik sa pamumuno ng mga pinuno ng India. Nakuhang muli ng English ang Delhi mula sa pagkakabawi nito sa kanila ng Indian.

Ang pagkabigo ng rebelyon ay ang ginamit na dahilan para tuluyang sirain ang English East India Company.

Noong 1858,nabuwag ang English East India Company. Isang viceroy ang hiniang upang mamahala sa India sa ngalan nghari ng England

Page 19: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

• TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA BURMA Ninais na noon pa ng England na msakop ang Burma (Myanmar). Dahil ito ang

inaasahan nilang magtatanggol sa kanila sa mga nakasakop sa India. Sa ika-19 siglo, Ang England ay ipinasailalim sa hari ng Burma sa isang

mapagsilbing ugnayan o dependent relations, tulad ng ginawa nito sa mga hari sa India.

• DIGMAANG ANGLO-BURMESE Ang paglusob ng Burma sa estado ng Assam, Arakan, at Manipur ang naging

sanhi ng Unang Digmaang Anglo-Burmese (1824-1826) Ngunit natalo ang Burma dahil sa natamong pinsala at sa malakas na pwersa

ng Arakan at Tenasserim. Ng sila ay mtalo, sapilitan silang pinapirma sa kasunduan ng England na

Kasunduang Yandabo (Treaty of Yandabo). Pumayag itong magbigay ng bayad-pinsala at tinanggap ang British Resident. Nasundan ito ng Ikalawang at Ikatlong Digmaang Anglo-Burmese, nabigo parin

ang Burma na panatilihin ang kanilang kalayaan. Dahil sa sunod sunod na pagkatalo, ginawa na lamang ng England ang Burma

na isang lalawigan ang India.

Page 20: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA SINGAPORE Dahil sakop ng dutch ang India, hindi pinahintulutan ng Dutch na

makipagkalakalan ang England sa Indonesia maliban sa Batavia, Upang mapanatili ang monopolyo ng kalakalan sa lugar.

• PAGTATATAG NG SINGAPORE Thomas Stamford Raffles- gobernador ng isang hipilan sa Sumatra. Iminungkahi niya ang pagtatag ng isang daungan sa timog ng Malaya. Ang Singapore ang napiling lugar ni Raffles, dahil sa estratehikong

lokasyon nito. At dahil narin sa matatagpuan ito sa timog na dulo ng Malaya, at madali

itong maipagtatanggol ang daungan.

• TAGUMPAY NG IMPERYALISMO SA MALAYA Noong ika-19 siglo, umiwas sa anunmang pakikialam ang England sa

Malaya na ang kahihinatnan ay ang pagtatag ng pulitikal na pamamahala. Dahil malayang nakakalahok ang mga mangangalakal ng England kaya

sapat na sa kanila ang ganong kalakalan.

Page 21: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

STRAITS SETTLEMENTS Noong 1826, ang sakop na lupain ng England sa Malaya ay may tatlong

daungan na matatagpuan sa Straits of Malacca. Ang Penang, Singapore, at Malacca ay pinagsama-sama at tinawag na

Straits Settlemets. Ang tatlong daungan na ito ay ang naging sentro ng distribusyon ng mga

produkto ng England at India, na humikayat sa iba pang mangangalakal na tumungo rito mula sa ibang bahagi ng Timog Silangang Asya.

• RESIDENT SYSTEM Pinangangambahan ng Malaya na kapag hindi na nakialam ang England

sa pagsubaybay sa kanilang pamahalaan ay hindi na maipagtatanggol ang kanilang karapatan, at makikialam na naman ang ibang bansa sa Kanluran, tulad ng Germany. Dahil dito binuo ang Resident System.

Sa ilalim ng sistemang ito ay tutuparin ang sultan at Resident.

Page 22: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Federated Malay States Apat na estado sa Malaya ang pumayag tumanggap ng Resident.

Perak, Selangor, Pahang, Negri Sembilan Federated Malay States- pinagsama-sama ng apat na estado na

pinamumunuan ng isang Resident-General na nakatira sa Kuala Lumpur.

Unfederated Malay States Noong 18,binuo ng apat na karagdagang estado ang Unfederated

Malay States : Kedah Perlis Kelantan Trengganu

Page 23: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

UNANG DIGMAANG OPYO Noong 1839 nagsimula ang digmaan ng China at England. Sanhi ng

digmaan ay ang ginagawang pagsira ng mga opisyal ng adwana ng Canton sa opyo na nais ipagbili ng mga English. Naging mahalaga ang opyo para sa mga Tsino na imporatanteng sangkap ng medisina na kalaunan ay maraming nalulong dito.

Tumagal ang digmaan ng 3 taon.Natalo ang China sa kawalan ng

hukbong pandagat. Treaty of Nanking(Kasunduang Nanking)-Agosto 29, 1842 Pumayag ang China na magbukas ng limang daungan para sa

kalakalan ng mga Kanluranin Isalin ang pamamahala ng Hong Kong sa England. Magbigay bayad-pinsala para sa opyo na nasira ng mga opisyal ng

adwana Pairalin ang isang katamtaman na buwis sa mga kalakal ng mga

Kanluranin.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 24: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ikalawang Digmaang Opyo Muling sumiklab ang ang digmaang China at England noong 1856. Sanhi ng digmaan ay ang pagpigil ng mga opisyal ng adwana sa isang

barkong nangangalakal ng opyo. Sumali ang mga Frances sa digmaan dahil sa pagtrato ng mga Tsino sa

misyonerong French. Pinilit nilang palayasin ang emperador at sinunog ang magandang palasyo.

Ang Kasunduang Tianjin Kasunduang Tianjin- pumayag ang China na magbukas ng 11

karagdagang daungan para sa mga kanluranin, gaing legal ang opyo, tumanggap ng mga diplomatikong Kanluranin, ipagtanggol ang mga misyonerong Kristyano, at bigyan ng pribilehiyong extraterritorry.

Extraterritorry-pagpapairal sa batas ng dayuhang bansa sa hurisdiksyon ng isang bansa

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 25: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Paghahati ng China sa mga Spheres of Influence Digmaang Opyo- isa sa mga kinahinatnan ay ang pagkawala

ng kapangyarihan ng China sa mga lugar sa kanyang paligid kabilang sa mga kinuha ng mga French ay ang IndoChina at ng British ay ang Burma.

Treaty of Shimonoseki- inilipat sa Japan ang lahat ng karapatan ng China sa Korea, Formosa, at mga Pulo ng Pescadores.

Isa-isang nagtayo ang mga kanluranin ng kanilang Spheres of infuence sa China.

Sphere of Influence- ang isang bansang Kanluranin ay may karapatan sa mga lupain kung tawagin ay concesssion.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 26: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Concession- ang bansang Kanluranin ay nakatatamasa ang extraterritoriality. Ang sphere of influence ng Britain ay sa lambak ng Yangtze River, ang

Germany ay sa Shantung at ang French ay sa Timog. Open Door- papayagan ng mga bansang may sphere of influence ang mga

mangangalakal ng ibang bansa na makipagkalakalan sa pantay na katayuan. Maraming sumang-ayon sa patakarang ito at nakatulong na mapantili ng

China ang kanilang teritoryo. Tagumpay ng Imperyalismo sa East Indies

Umiwas ang mga Dutch sa direksyong pamamahala sa Esat Indies hanggang sa kalagitnaan ng 18 siglo.

Mas pinili nilang pumasok sa mga kasunduan kung saan ang mga lupaing nasakop nila ay ipinamamahala na lamang sa mga katutubong pinuno kapalit ng pangakong ay sa mga Dutch mapupunta.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 27: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Tagumpay ng Imperyalismo sa Pilipinas Dahil sa mahigit na 300 taon na pananakop ng mga Espanyol

sa Pilipinas,ilan sa mga patakaran nila ay ang pagbabayad ng mabigat na buwis, pagpapatupad ng sapilitang paggawa at diskriminasyon.

Maraming rebelyon ang ipinadama ng Pilipinas sa Spain, ngunit ang ganitong pagkilos ay madaling nasupil ng mga Espanyol.

Sa pagtatapos ng pananakop ng Spain ay pumasok ang higit na malakas na bansa, ang United States. Sinakop ang Pilipinas sa kabila ng pagtutol ng nanghihimagsik na mga Pilipino.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 28: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Ang Culture System 19 siglo- humina ang katayuang pananalapi ng Netherlands

dulot ng Digmaang Napoleon(Napolenic Wars) sa Europa. Johannes van den Bosch- nagmukahi tugkol sa produksyon

ng mga pananim na maaring ipagbili sa pandaigdigang pamilihan na tinawag na culture system o cultivation system. Sa ilalim nito, kailangang ilaan ng bawat isang magsasaka ang sanlimang saklaw ng kanyang bukid. Ang pagluluwas ay pamamahalaan ng mga Dutch at ipagbibili sa Netherlands. Masahol ang dinanas ng mga Indonesian sa pagtatanim sa ilalim ng sistemang ito.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 29: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Tagumpay ng Imperyalismo sa Indochina Ang orihinal na dahilan ng panghihimasok ng France sa

Vietnam ay ang pagpapalaganap ng Katolisismo.

Pagsakop ng Cochin sa China Ginamit ng pamahalaan ni Emperador napoleon III ang mga ulat ng

pangaapi ng mga Katoliko sa Vietnam bilang pagkakataon upang makialam at kumuha ng lupain sa timog Vietnam.

1862- pumirma ng kasunduan ang emperador ng Vietnam kung saan inilipat sa France ang tatlong lalawigan na kung tawagin ay Cochin China. Pumayag din magbukas ng daungan na gagamitin ng mga mangangalakal na french, magbigay ng bayad-pinsala at bigyan ng France na maglayag sa Mekong River.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 30: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Protektorado sa Vietnam 1882- isang misyong pangmilitar ng France ang nagpunta sa

hanoi. Marring tinutulan ng China ang panghihimasok ng France ngunit madaling nagapi ito ng mga French.

1884- pumayag ang china na ilagay ang Vietnam sa ilalim ng proteksyon ng France.

Protektorado sa Cambodia Kasabay ng pagsakop ng Cochin China noong 1862,

ipinagbunyi ng France ang kanyang pagiging makapangyarihan sa Cambodia. Nagmungkahi ang France na gawing protektorado ang Cambodia at wala ng nagawa ang Cambodia dito.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 31: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Protektorado ng Laos Ginamit ng mga French ang pagpapatalsik sa dalawang

kababayan sa Siam bilang dahilan upang humingi ng bayad-pinsala. Hiniling ng mga French nag buong kaliwang pampang ng mekong River, lugar na kinatatayuan ng Laos. Sa harap na pagsasara na ginawa ng French sa daloy ng mga barko sa Menam River wlang nagawa ang Siam at isinuko ang Laos.

Kasunduang Kanagawa Sumang-ayon na rin ang Japan na lumagda sa Kasunduang

Kanagawa(Traety of Kanagawa) sa pagitan nila ng Estados Unidos noong 1854. Sa ilalim ng kasunduang ito, pumayag ang Japan na magbukas ng dalawang daungan, Shimoda at Hakodate, at magpakita ng mabuting pakikitungo sa mga nasisiraan ng barko.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 32: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Tagumpay ng Imperyalismo sa Japan Kakaiba ang naging reaksiyon ng Japan sa China nang

manghimasok ang mga Kanluranin. Noong ika-19 siglo, madalas maglayag sa hilagang Pacific Ocean ang mga barko ng United States. Dahil sa haba ng kanilang mga paglalayag, kailangan nila ang mga lugar kung saan maaaring tumigil ang kanilang mga barko upang kumuha ng pagkain, tubig, at fuel.

• Si Commodore Matthew Perry• Ipinadala ni President Millard Fillmore(United States), sa Japan

noong 1853. Ang pakay niya ay hilingin sa Japan ang pagbubukas ng kanilang bansa sa kalakalan ng mga ng mga banyaga. Bumalik si Perry nang sumunod na taon upang magdala ng ragalo sa pinuno ng Japan, tulad ng aklat, baril at iba pa.

Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin

Page 33: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

MGA EPEKTONG

IMPERYALISMO ATKOLONYALISMO

SA ASYA

Page 34: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Unang Yugto ng Kolonyalismo Ang Timog at Timog Silangang Asya ang unang nakaranas ng

Kolonyalismo sa Asya sa ilalim ng Portuguese at Espanyol. Tumungo ang mga Kanluranin sa lugar na ito dahil sagana ito sa rekado.

Mga Epekto ng Pananakop ng mga Portuguese Ang Timog Asya ang unang narating ng mga Portuguese. Noong

1510, ang Goa ang unang nasakop ng Portuguese, na nang lumaon ay naging isang malaking lungsod. Sinakop din ang Mallaca upang maging ganap na monoployo ng mga Portuguese ang kalakalan sa pampalasa. Sinukap din nilang mapahinuhod ang mga Moluccas upang mapasakamay nila ang kinikilalang pangunahing pinagmumulan ng pampalasa.

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

Page 35: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Maging sa China ay nagpadala ng ekspidisyon ang mga Portuguese. Narating nila ang Macao, malapit sa daungan ng Canton at nagtatag dito ng isang daungang pangkalakalan. Ikinalat din nila ang Katolisismo na naging bunga ng alitan sa mga Hindu o Muslim. Ang alitang ito ay humantong sa pagpatay ng lokal sa populasyon. Isa din sa patakaran nila ay pagkakasundo sa lalaking Poruguese at babaeng Hindu.

Upang maging ganap na monoployo ng kalakalan, mahigpit nilang binantayan ang Indian Ocean. Lahat ng produkto na kinakalakal ay kailangang may permiso. Ang negatibong epekto nito ay pagtataboy o displacement sa mga dati ng nangangalakal.

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

Page 36: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Pananakop ng Espanyol sa Pilipinas Ginawang sentro ang Maynila bilang entrepot. Dalawang uri ng lamang sa pamayanan:

1. Nakahilera sa anyong tubig

2. Nakapulutong sa mga kagubatan Maghatid ng “sibilisasyon”sa pamamagitan ng pagtatatag ng

mga lungsod at ipakilala ang Kanluraning Katolisismo. Ipinatupad ang “reduccion”- ang pagtitipon ng mga tao sa isang

lugar na pinili ng mga prayle upang doon sila gawarang ng edukasyong ispiritwal.

Nakapaloob sa gawain na ito na dapat silang panatilihin sa ilalim ng kampana(bajo las campana).

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

Page 37: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Pagtatatag ng “pueblo” na katumbas ng bayan sa wikang Espanyol.

Makikita dito ang direktang impormasyon ng pilosopiyang Kanluranin.

Nakabatay ang layout ng mga kalye sa cuadricula at nakaayos sa loob ng plaza complex.

Mahalagang bahagi ng Plaza Complex Plaza Mayor- nakalaang bukas na espasyo Simbahan at kumbento Casa Tribunal- sentro ng kapangyarihang lokal Kabahayan sa Elite o uring principalia

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

Page 38: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

Bagong pamumuhay ng mamamayan sa paglikha ng mga pueblo

Nalayo ang mga tao sa kanilnang pinagkukunan ng pagkain

Lumipat na ang sentro ng ng pang araw-araw na pamumuhay at libangan patungo sa loob ng pueblo

Dito din nagaganap ang proseso ng alkulturasyon Ito ay tumutukoy sa proseso kung saan ang isang lipunan

ay nakatanggap ng elemento, katangian o impluwensiya ng kultura ng isa pang lipunan.

Nagwakas ang masiglang ugnayang pangkalakalan ng Pilipinas sa Asya.

Ipinatupad ang kalakalang galyon Epekto nito ay ang subsistence farming Sapilitang pag gawa

Page 39: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

Mga Epekto ng Pananakop ng mga Dutch sa Moluccas1. Nang tuluyang lumaya ang Netherlands sa kamay ng Spain, Sinikap nilang

maging makapangyarihang mangangalakal na hahalili sa mga Portugues sa pananaig ng Asya-Europa. Malaki ang pagtatagumpay ng mga Dutch sa pagnenegosyo Kaysa misyonaryo.

2. Hindi naging interesado ang mga Dutch na Direktang pamunuan ang kanilang kolonya , dahil ginamit lamang ang lokal na pinuno na syang naguutos na magtanim ng mga rekado at binigyang karapatan pa nito ang mangulekta ng na buwis .

3. Naging mahigpit ang kalakalan at pagtatanim, ang produksyon ay palaging tama lang, hindi n a pinahihintulutan na sumubra upang ang suplay ay hindi na magbagsak-presyo. At ang pampalasa ay tanging ibinibenta lamang sa DUTCH EAST INDIA COMPANY(DEIC). Labis na naapektuhan ang kalakalan dahil di naatupag ang pagtatanim ng produktong pangangalakal.

4. Mga Hamon kinaharap ng mga Dutch ay: 1620 , 36 na kababaihan ang ipinadala sa Asya upang magtatag ng

pamayanang Dutch, nang lumaon, itoy hindi nagtagumpay 1652 , ipinatigil ang imigrasyon at tanging lalaking DEIC na lamang, isang

kondisyon ang dapat tuparin at iyon ang: maging Kristiano ang mga babaeng Asyano at ang anak nito.

Page 40: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO Ang Rebolusyong Industriyalna naganap sa England

noong ika-18 siglo ay nagbigay-daan sa pag-igting ng kapitalismo. Ang dating industriya na yaring-kamay ay napalitan ng mekanisadong produksyon na bunga ng paggamit ng mga makinarya sa pabrika. Ang Engalnd, France, United States at Russia ay nagunahan upang magparami ng kani-kanilang mga kolonya.

Page 41: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

MGA EPEKTO NG PANANAKOPNG ENGLISH SA INDIA Naging isang malakas na bansa ang England sa ilalim ng

pamumuno ni Elizabeth I. Itinatag ang English East India Company(EEIC) at ginawaran ng karapatang makipagkalakalan sa malayong teritoryo.

Natalo ng mga English ang mga Portuguese at ang mga French kung kaya nilang pasukin ang India. Tatlo ang pinakamahalagang daungan ng mga English sa India: Madras, Calcutta, at Bombay.

Ang mga magsasakang Indian ay sapilitang pinagtanim ng opyo at malaki ang kinita nila sa kalakalan ng opyo.

Unti-unting nagpalaganap ng isang sistema ng edukasyon na nakabatay sa pamantayang English na nagbigay daan sa proseso ng akulturasyon ng mga Indian. Sa unibersidad na itinayo ng mga English ang naging daan upang magkaroon ng mga gradweyt na may impluwensiyang English at manatiling tapat sa England.

Page 42: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

English ang wika na kanilang ginagamit sa mga pamntasa at hukuman. Bahagi rin ng “pagsisibilisa” sa mga Indian ang pakikialam sa mga taal na kaugaliang Indian. Halimbawa ang pagbabawal sa sati o sutee at ang batas na nagpapahintulot na muling makakapagasawa ang mga balo.

Naging prayoridad ang mga linya ng transportasyon at komunikasyon tulad ng pagpapagawa ng riles ng tren na nagbigay daan sa komersyalisasyon ng agrikultura. Napadali ang pagluwas ng mga produkto at direktang inululan ang mga hilaw na materyales sa England. Muli ding binalik ang yaring produkto ng India na ibinibenta sa murang halaga, dahil dito labis na naapektuhan ang industriya ng India.

Ipinakilala ang telegraph na nagkaroon ng ugnayan ang India at Europa noong 1865.

Page 43: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

Naging prayoridad ang mga linya ng transportasyon at komunikasyon tulad ng pagpapagawa ng riles ng tren na nagbigay daan sa komersyalisasyon ng agrikultura. Napadali ang pagluwas ng mga produkto at direktang inululan ang mga hilaw na materyales sa England. Muli ding binalik ang yaring produkto ng India na ibinibenta sa murang halaga, dahil dito labis na naapektuhan ang industriya ng India.

Ipinakilala ang telegraph na nagkaroon ng ugnayan ang India at Europa noong 1865.

Page 44: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

EPEKTO NG IMPERYALISMO SA CHINA 1. Sa pagnanais ng China na pigilan ang kalakalan ng opyo

nagkaroon ng dalawang Digmaang Opyo.

2. Nang maganap ang Digmaang Opyo, nakakita ng pagkakataon ang United States na pwersahin ang hina na magbukas ng mga karagdagang daungan para sa mangangalakal na amerikano.

3. Napilitang makipagkasundo ang China sa Kasunduan ng Wanghsia(Treaty of Wanghsia) na nagpapahintulot na dumaong ang barkong pandigma ng mga Amerikano sa alinmang daungan at ang pagbibigay ng karapatang magtatag ng mga simbhan sa ilang lalawigan ng China.

Page 45: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

4. Maging ang France ay sapilitang pinalagda ng Kasunduan ng Whampoa(Treaty of Whampoa, Oktubre 1844) na nasasaad nag pagpayag na magpadala ng misyenerong French sa malalayong lalawigan ng China na labis na naging makapangyarihan sa timog China.

5. Sa papamagitan ng Kasunduan ng Peking(1860) malaking bahagi ng Manchuria ang napasakamay ng pamahalaang China.

6. Sa pagkatalo ng China sa digmaan, naging dahilan ito upang mahati ito sa Spheres of Influence.

7. Napilitang lumagda ang China sa Unequal Treaties.8. Dumagsa din ang mga misyonero kasabay ng paglaganap ng

Katolisismo.9. Nawalan din ng hurisdiksyon ang mga Tsino sa mga dayuhan na

gumagawa ng krimen o katiwalian sa bansa.

Page 46: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

PAGSIDHI NG IMPERYALISMO SA TIMOG SILANGANG ASYA AT NAGING EPEKTO NITO 1824- nagkasundo ang English at Dutch na paghatian ang

kapuluang Timog Silangang Asya. 1858- inukopa ng mga French ang Saigon sa Vietnam upang

gamiting itong daungan. Nahati ang buong Timog Silangang Asya maliban sa Thailand(Siam)

at nagbago din ang anyo ng kanilang rehiyon. Nagkaroon ng ng permanenteng hangganan ang bawat bansa at

umusbong din ang mga kolonyal na lungsod tulad ng Maynila. Natali ang mga lokal na ekonomiya at ang etniko ng mga taga-Timog

Silangang Asya.

Page 47: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

ANG MGA EUROPEO SA KANLURANG ASYA Ang kanlurang Asya ang pinakahuling rehiyon ng bumagsak sa kamay

ng mga Europeo.Dahil sa unti-uniting paghina ng Islam na dati ay malakas, naagaw ng mga Russian ang ilan sa kanilang mahahalagang teritoryo. Sunod-sunid ang pagkatalo ng mga Muslim mula sa kamay ng mga english at French.

Pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig(1918), bumagsak na ang Imperyong Ottoman. Sumailalaim ang Kanlurang Asya sa mga Kanluranin. Ipinairal sa rehiyon ang mandate system na isang konsepto ng imperial trusteeship. Nangangahulugan ito na ang isang bansa na naghahanda sa pagsasarili at pagiging makaya ay kailangang sumailalim muna sa patnubay ng Europeo.

Page 48: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

Mga Epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo sa Asya

Makabagong Anyo ng Imperyalismong Kanluranin Bagamat lumaya ang mga Asyano mula sa pagsakop ng mga

Kanluranin, naisakatuparan din ang panghihimasok sa maraming bansa sa Asya sa pamagitan ng neokolonyalismo o makabagong anyo ng kolonyalismo.

Tahasang sinakop ng mga Kanluranin amg mga Asyano sa pamamagitan ng pwersang militar. Sa pagkakaloob ng tulong pinansiyal at militar ng mga Kanluranin sa maraming bansa sa Asya, naimpluwensyahan nila ang mga patakaran at pamamlakad dito.

Nilusob ng mga Amerikano at mga kaalyadong bansa si Saddam Hussein at maprotektahan ang interes nila, partikular na sa langis.

Nilusob din nila ang Afghanistan upang pabagsakin ang mga Taliban na namumuno. Ginamit ng mga Kanluranin ang katwiran na dapat labanan ang terorismo at gaing ligtas ang daigdig.

Page 49: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

END OF THE SLIDE

Page 50: 2athenarptgrp2 120122234719-phpapp01(6)

GROUP 2

MEMBERS : AGUILAR , MICHELLE

BENTULAN , RONALYN DOMINGO , RHEYJAN LABACLADO , KENT

SUBMITTED TO :MR. GEORGE G. GOZUN