Upload
deathghurl03
View
173
Download
10
Embed Size (px)
DESCRIPTION
For Julie Anne San Jose and Elmo Magalona's fans! :) For three years, umasa si Julie Anne na makapasok sa Music Club para mapalapit sa all-time crush niya na si Elmo. Pero pano nalang kung ang lahat ng taong nasa paligid niya ay laban sa kanya? Ano nalang mangyayari sa ating bida? Makuha kaya niya ang atensyon ni Elmo na matagal na niyang pinapangarap?
Citation preview
A JULIELMO SHORT LOVE STORY
“Never lose hope when it comes to love.”
+Julie Anne San Jose
+Elmo Magalona
+Caila
+Caryl
+Aldrin
Chapter 1
Julie Anne
Ako si Julie Anne San Jose. Pero pwede niyo kong tawaging Julie Anne. Three years ko nang
tina-try sumali sa Music Club ng school namin, kaso ni minsan hindi ako pumasa. Bakit? Kasi
wala daw akong appeal.
Bukod na so “out” na raw yung eyeglasses, para raw sinaunang panahon pa raw yung gupit
ko na full bangs. Eh bakit ba? Nakakahiya kayang pumorma noh. Bukod sa pagtitinginan ka na,
babastusin ka pa. Yung iba mag miminiskirt ng ubod ng ikli, manung panindigan at nag miniskirt
pa kung maya’t maya yung paghila sa laylayan. Nakakaloko din nuh?
At eto pa isa. Gusto kong sumali sa Music Club kasi, crush ko yung president dun. Hihi. His
name is Elmo Magalona. Ang cute ng name nuh? Tapos magaling siyang mag-rap. Matangos ang
ilong, maputi tapos nakakaakit yung mga mata. Ginagawa ko talaga ang lahat para tuwing
hapon, kapag may meeting yung Club, e makasama ko siya sa isang room kahit na malayo kami
sa isa’t isa.
Siguro ganun nga kapag may crush, kontento na kahit sa malayo ka lang aagaw ng tingin.
Fourth Year High School na ko, kaya my goal is to be in that Club. Last year na to kaya HINDI
PWEDENG hindi ako makasama sa Music Club! A big, BIG, NO!
Isang hapon, galing ako ng library at may tinapos akong essay. Agad-agad akong pumunta sa
locker ko para kunin yung gitara ko. Today yung audition para sa mga Clubs kaya kailangan
maaga ako. Hindi ko rin kinalimutang i-ponytail sa dalawa yung buhok ko at suklayin yung bangs
ko para maganda bagsak nun. Syempre kailangan, presentable naman itsura ko kasi ang alam
ko si Elmo mismo yung magjujudge.
Isinukbit ko yung strap at huminga ng malalim. Itinaas ko yung kamao ko. “Kaya mo yan Julie
Anne. Fight!”
Tumakbo ako papunta sa second floor. Tumingin-tingin ako dun sa glass door pero wala
akong makita sa loob at puro reflection lang nakikita ko. Binuksan ko na yung pintuan unti-unti
at sumilip ako.
Marami na palang nauna sakin. Nakaupo silang lahat sa may likuran, yung iba kinokondisyon
yung boses nila, yung iba naman hawak-hawak yung musical instruments nila. Pumasok ako ng
nakayuko. Pumunta ko sa pinakasulok. Ang daming tao. Nakakahiya.
Pang number 42 ako. Hay matagal tagal pa yun. Pamaya-maya, bumukas na yung pintuan at
pumasok na si Elmo. Grabe, ang cool talaga niya! Kahit T-shirt at pants lang suot niya, iba pa rin
dating niya. Nagsigawan yung mga babae nung makita nila si Elmo.
At ako naman? Nabingi ko sa tibok ng puso ko. Kinabahan ako. Para bang yung nakikita ko
nalang sa harapan ko ay si Elmo. Lalo na nung hinubad niya yung shades niya at umupo dun sa
table na nakaharap sa stage. Ang cute talaga niya!
“Magsisimula na tayo,” sabi ni Elmo sa mic. “Number 1, umakyat ka na.”
38…
39…
40…
41…
Lalo na kong kinabahan. Hindi ko na alam gagawin ko. Nagpapawis yung kamay ko. Kinuha ko
yung picture ni Elmo na laging nakaipit sa likuran ng ID holder ko. Tinitigan ko yun tapos
pumikit. “Please, Elmo! Help me! Help me!” sabi ko ng mahina.
Nagulat nalang ako ng biglang may kumuha ng picture sa kamay ko. Dumilat ako at nakita ko
si Caryl. Ang alam ko may crush din siya kay Elmo. Maganda siya. Malayong malayo sa akin.
Nangiti siya at tumingin sakin. “Akala mo ba e matutulungan ka nito? FYI, hindi umeepekto sa
mga nerd ang charm ni Elmo kahit gano katindi pa paghingi ng tulong mo dito. Kasi, Elmo
belongs to the cool guys, like us and he wants a cool girl . . .” Tumaas kilay niya. “Like me.”
“Wag mong pupunitin yan, please.” Inabot ko yung picture pero itinaas niya yun.
“Don’t worry. I won’t. Kasi iba gagawin ko.” Tumalikod siya at iwinagayway yung picture ni
Elmo. “LOOK GUYS! THE NERD GIRL HAS A CRUSH ON ELMO!”
Natigilan ako. Nanginig yung tuhod ko. Natigil yung nag-aaudition sa harapan at humarap
silang lahat sa akin. Masyado akong nanliit sa may sulok. Tumingin sakin si Caryl na may evil
smile.
Nagbulung-bulungan yung iba. “Ang kapal!”
“Ew! Hindi ko akalaing may nerd na magtatangkang sumali sa fans club ni Elmo.”
“She doesn’t deserve to have Elmo.”
“Hanggang panaginip na lang yan!”
Napayuko nalang ako at nangilid yung luha ko. Humigpit yung kamay ko sa pagkakahawak ng
strap ng bag nung gitara. Aalis na sana ko pero tumayo si Elmo at humarap sa amin. “Ano’ng
nangyayari dyan?” tanong niya.
“Look,” sabi ni Caryl at ipinakita yung picture ni Elmo. “That nerd girl has a crush on you.
Ugh! How pathetic.”
“Well, I don’t care. You, Number 42,” itinuro ako ni Elmo. “Ikaw na susunod.” Tapos umupo
ulit siya. “Bilisan mo at may kailangan pa kong asikasuhin.”
Medyo nahurt ako sa sinabi niya na yun. Na wala siyang pakialam kung crush ko siya. “H-
Hindi na ko mag-aaudition.”
“Mabuti pa nga!” sabi ni Caryl.
“Come on, I don’t have all time. Pumunta ka na sa stage,” Elmo said.
“Sorry, pero–”
“Kung ayaw mo, sige umalis ka na. I don’t have time for an undecided person like you. Next!”
Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko akalaing ganun pala ko kawalang kwenta kay Elmo.
Pero kaya ako nasasaktan ng ganito kasi umaasa pa ko na magkakagusto sakin si Elmo e.
Kasalanan ko din to. Lumakad ako papunta kay Elmo.
Tiningnan ko siya ng may nangingilid na luha sa mga mata ko. Tumingin siya sa akin. “What?”
tanong niya.
Huminga ko ng malalim at sumigaw, “Simula ngayon, hindi na kita crush! Tandaan niyong
lahat yan!” Tapos tumakbo ako paalis pero hanggang sa labas, rinig ko pa rin yung tawanan ng
mga tao doon sa loob.
Chapter 2
Julie Anne
Buong hapon akong nakaupo dun sa cubicle. Naubos ko na nga ata yung tissue kakaiyak e.
Nakakainis talaga. Pero ano pa ba iniexpect ko? Nun pa man outcast na ko sa kanila e.
At last, lumabas na ko ng cubicle at tumingin sa salamin. Pulang pula yung mukha ko. Hindi
ako pwedeng umuwi ng ganito. Siguradong tatadtarin lang ako ng tanong ni Mommy. Hindi ko
naman pwedeng sabihin sa kanya yung mga nangyari e. Baka ilipat pa ko ng school nun.
Hindi rin ako makapaniwala dun sa sinabi ko. Hindi ko na crush si Elmo? Sure ba ko dun?
Pero wala na kong magagawa e. Tapos na yun kaya ang kailangan ko nalang e panindigan yun.
Lumabas ako ng CR at lumakad papuntang gate. Naku, palubog na pala yung araw. Wala na
ding estudyante sa school, puro janitors nalang at nag-uuwian na rin yung teachers. Lumakad
nalang ako papunta dun sa favorite park ko malapit dito sa school. Maliit lang yun, pero napaka-
peaceful. Dun ako nakakapag-isip ng payapa.
Pupunta na sana ko dun sa may swing, favorite spot ko din yun dito, pero may nakita kong
nakaupong iba. Bumilis yung tibok ng puso ko. Nakaupo dun si Elmo, inuugoy ng marahan yung
swing. Parang may iniisip.
Aalis na sana ko pero bigla akong tinawag ni Elmo. “Wait! Di ba ikaw yung nag-audition
kanina?”
Hindi ako lumingon. Iniba ko yung boses ko. “Ha? Ah, h-hindi. Nagkakamali ka. Hindi ako
yun!” Ano bang kaengotan toh? Obvious naman na ako yun e! Saka, bat iniba ko ba yung boses
ko? Julie Anne naman!
“Hindi. I’m sure na ikaw yun.” Naramdaman kong tumayo siya kasi tumunog yung swing.
Papalapit siya sakin! Anong gagawin ko?! Naku naman! Help me!
“Ah, s-sige mauna na ko! Bye!” Tapos tumakbo ko. Tumakbo ko ng tumakbo hanggang sa
humupa yung tibok ng puso ko. Hanggang sa napagod ako at umupo ako sa isang waiting shed.
Sumandal ako at tumingala. Inilagay ko yung gitara ko sa tabi ko. “Hay, ano ka ba naman Julie
Anne! Ang bobo bobo mo talaga.”
“Miss, ikaw lang bang mag-isa?”
Tumingin ako sa gilid ko. May tatlong lalaking nakatayo. Mukha silang mga siga. May mga
tattoo at nakangiti sa akin. Kinabahan ako. Mag gagabi na rin, at yung mga oras na ganito yung
masyadong delikado.
Kinuha ko yung gitara ko at tatayo na sana pero hinila ko paupo nung isang lalaking
nakabandana. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. “Oh, aalis ka na agad? Hindi ba pwedeng
samahan mo muna kami dito?”
Amoy alak yung hininga niya. Mga lasing ata toh. “Pasensya na pero kailangan ko ng umalis.”
Nagtawanan sila tapos yung nakaupo sa tabi ko hinawakan yung hita ko. Lalo akong
kinabahan kaya inalis ko yung kamay niya. Hinawakan niya yung braso ko habang yung isa ay
kinuha yung gitara ko.
“Bitawan mo ko!” sigaw ko.
“Wag ka naman pasaway, miss.” Nakakasuka talaga yung amoy ng hininga niya.
Hinawakan pa nung isang lalaki yung isang braso ko. Tumayo ako pero sumunod sila.
Matibay yung pagkakahawak nila sakin. Nahulog yung salamin ko at ang masama pa e
natapakan nung nakabandana. Sumigaw ako ng sumigaw dun pero walang nakakarinig sakin.
Umiiyak na rin ako nun, hanggang sa napansin ko nalang na may nagflash.
Natigilan kaming lahat. Itinaas ko yung ulo ko. Nakita ko si Elmo na may hawak na cellphone
sa kamay niya. “Bitawan niyo siya.”
“Sino ka ba?” tanong nung isang lalaki.
“Isang pindot lang at makakarating sa uncle kong pulis yang mga panget niyong mukha,” sabi
ni Elmo.
“Asar!” Binitawan ako nung mga lalaki tapos sunud-sunod na tumakbo paalis. Napaupo ako
at umiyak.
“Ayos ka lang?” tanong sakin ni Elmo habang nakaluhod sa tabi ko.
Tumango ako.
“Hindi pa naman ako nahuli di ba? Wala namang ibang ginawa yung mga gagong yun sayo?”
Umiling ako. “S-salamat.”
Ngumiti siya. “Hatid na kita?”
Kinuha niya yung gitara ko at siya na yung nagdala. Humingi din siya ng sorry dahil dun sa
pagtataray niya kanina. Madami lang daw siyang iniintindi. At dahil sa pagkaalala ko dun,
nagblush na naman ako.
“May sakit ka ba?” tanong niya.
“H-Ha? Wala ah.” Hinawakan ko yung pisngi ko. Grabe, namumula na naman ako!
“Bakit namumula mukha mo?”
Umiling ako. “Wag mo nalang akong pansinin.”
Nangiti siya. “Ah alam ko na. Kinikilig ka noh?”
Napatingin ako sa kanya. Napanganga ko. “Hindi ah! Ang kapal mo!”
Tumawa si Elmo. “E di ba crush mo ko? Kaya natural lang yun.”
“Di ba sabi ko sayo hindi na kita crush! Nakalimutan mo na ba?”
“Hindi ako naniniwala dun.” Ngumiti na naman siya. Bat ba biglang naging ganito siya? Ano
ba nangyayari? Hay! Ang gulo!
Dumaan kami sa bahay ni Elmo kasi nandun yung kotse niya. Malapit lang din pala sa school
yung bahay nila. At ang yaman pala niya. Wow, may sariling kotse tapos maganda ang bahay!
Sakto naman na pagdating namin don e umulan. Buti nalang at hindi na ko nabasa.
Hinanap ni Elmo yung driver niya. Naghintay muna ko dun sa may terrace nila. After a few
minutes, bumalik siya sakin. “I’m sorry, uhm . . .”
“Julie Anne,” sabi ko.
“I’m sorry Julie Anne, pero nasira daw kotse ko eh. Yung kotse naman nina Mommy eh wala
dito kasi nasa Baguio siya kasama yung mga kapatid ko.”
“Ganun ba, okay lang. Pwede bang makahiram nalang ng payong?”
“Ay!” Napakamot nalang siya sa ulo. “Wala eh, dala rin nina Mommy. Alam kasi nilang
magiging maulan ngayon e. Ano kaya kung, dumito ka nalang muna?”
“H-HA???” Nagulat ako. Ako, dito kina Elmo magpapalipas ng gabi? Oh my!
“E wala tayong magagawa e. Tawagan mo nalang yung Mommy mo dun sa landline.”
Wala akong magagawa e. Pahamak naman yung panahon na to kahit kelan oh! Pero mabait
din pala yung kapalaran sakin kasi ngayon, kahit isang gabi lang, makakasama ko si Elmo. At
makikilala ko pa siya ng mabuti.
Pumunta ko ng sala at hinanap yung landline nila. Dinial ko yung number namin sa bahay. Si
Mommy yung sumagot. “Hello, Ma? Hindi ako makakauwi ngayon. Sa bahay ako ng isang
kaibigan matutulog.”
Chapter 3
Julie Anne
“Si ate talaga, oo,” sabi ni Elmo habang pinipilit na buksan yung kwarto nung ate niya. “Nilock
pa talaga yung room nila. Para namang may magnanakaw.”
“Uhm, yamu na, Elmo, sa sala nalang ako matutulog.”
“Hindi, nakakahiya naman sayo. Dun ka nalang sa kwarto ko matulog.”
Montik ko ng maibagsak yung baso sa kamay ko. Ano raw? “H-Ha?”
“Sabi ko, sa kwarto ko nalang ikaw matulog.”
“Ay naku, wag na! Dito nalang talaga ko! Ayos na ko dito.” Umupo ako dun sa sofa para
ipakita sa kanya na desidido na ko na dito nalang matulog.
“Ah sige. Pero bahala ka, mag-isa ka lang dito. Tapos pinapatay ng katulong namin yung ilaw
pag matutulog na kaming lahat.”
Medyo kinilabutan ako dun sa sinabi ni Elmo. Hindi kaya may . . .
“Ah Elmo, tanong ko lang…”
Lumingon siya sakin. “Ano yon?”
Lumunok muna ko. “Ah, may… kasi, uhm.. May multo ba dito sa bahay niyo?”
Nangiti si Elmo. Parang ayoko nung ngiti niya na yun ah. Siguro iniisip niya na duwag ako.
“Don’t worry. Mabait naman yun eh.”
Lalong tumaas yung balahibo ko dun sa sinabi niya. “Huwag ka namang magbiro ng ganyan.”
Nag-shrug siya tapos umakyat na papunta sa kwarto niya. Ano kaya ibig sabihin nun? “Hindi
ako natatakot noh!” sigaw ko sa kanya. “Dito nalang ako!”
Sumandal ako sa sofa tapos sumibangot. “Akala niya ha. Matapang ata ako.”
Naligo ako dun sa bathroom, tapos pinahiram muna ko ng damit ni Elmo. Damit yun nung
Ate Maxene niya. Pinalabhan niya rin yung mga damit ko dun sa katulong nila. Actually, hindi ko
nga mapigilang ngumiti eh. Hihi.
Kumain kami ng sabay. Ang saya nung una, nagtatawanan kami. Pero simula nung sagutin
niya yung call galing sa Mommy daw niya, biglang naiba yung aura niya. Biglang tumahimik sa
table, nakakabingi nga eh.
Ganun ba talaga pag sikat at mayaman? Madaming problema?
Pumunta ko ng sala, nakita kong may mga unan dun. Nangiti ako sa nakita ko. Papaakyat na
ulit si Elmo nang tawagin ko siya, “Elmo!” Tumingin siya sakin. “Thank you ha? Good night.”
Ngumiti siya. “Night.”
Nang tumingin ako sa orasan, nakita kong mag-eeleven na pala. E may pasok pa bukas.
Humiga na ko sa sofa, tapos ipinikit ko na yung mga mata ko.
Tic, toc…
Tic, toc…
Bumiling ako. Hindi ako makatulog. Ang ingay nung orasan! Napakatahimik naman kasi dito
eh. Hindi ko kayang matulog ng ganitong katahimik. Samin kasi maingay yung electric fan kaya
hindi ko masyadong naririnig yung mga nasa paligid ko.
Nakakatakot tuloy.
Meow…
Nadilat ako. Bigla akong kinilabutan.
Awoooooooo…
Bigla akong napaupo. Ang dilim sa sala. Buti nalang at maliwanag yung buwan. Hindi ko
naman pwedeng buksan yung ilaw at nakakahiya naman, ako na nga lang yung nakikitulog dito
masyado pa kong choosy. Saka hindi ako makakatulog ng nakabukas yun eh.
Huminga ko ng malalim. Pinilit kong ikalma yung puso ko. “Relax ka lang Julie Anne. Wala
namang multo eh. Hindi totoo yung mga yun. Tinatakot mo lang yung sarili mo. Oo, tama.
Tinatakot mo lang sari–”
Bang!
Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. At ang susunod ko nalang na nalaman ay itinatakbo
na ko ng mga paa ko. Tumakbo ko sa hagdan paakyat. Kumatok ako sa pintuan. Malakas. Pabilis
ng pabilis. Hanggang sa . . .
“Sino ba yan?” medyo naiinis na tanong ni Elmo. Halatang naabala ko siya sa pagtulog niya
kasi hindi pa siya makadilat ng maayos.
“E-elmo,” nanginginig kong sabi.
“Oh, Julie Anne? Bakit?” Napansin niyang nanginginig ako. Actually, hindi ko nga napansin na
nangingilid na yung luha ko eh.
“P-pwede bang d-dito nalang ako m-matulog?”
Tumaas yung kilay niya. “Bakit? May nangyari ba?”
“W-wala naman, malamig lang kasi dun sa baba eh. Okay lang ba?”
“Osige.”
Pinapasok niya ko sa kwarto niya. Pagkasara niya ng pinto agad siyang humiga sa kama niya
at pumikit. Pamaya maya, dumilat ulit siya at tumingin sakin. “O, bat nakatayo ka pa jan?”
“H-ha? Uhm. Kasi…” Kasi hindi ko maihakbang yung mga paa ko. Ang lakas ng tibok ng puso
ko. Grabe. Andito ko ngayon. Kasama si Elmo. Sa isang kwarto. Kami lang dalawa. Ang tagal ko
nang hinintay na mapalapit kay Elmo pero ngayon namang andito na ko, nabobobo ko. Ano ka
ba Julie Anne!
Hinulog ni Elmo yung isang unan sa tabi ng kama niya. At ang tanging sinabi lang niya ay,
“Malambot yan.”
Tumaas yung kilay ko. “Hoy, wag mong sabihing. Diyan mo ko sa lapag patutulugin?”
“Bakit may problema ba?”
“Ay wala! Wala! Walang problema. Sabi ko nga diyan ako eh,” sabi ko habang papunta dun
sa tabi ng kama ni Elmo.
“Good.” Tapos bumiling siya.
Ngumuso ako. “Tss. Parang hindi lalaki toh. Yung iba ibibigay yung kama nila para dun
matulog yung babae eh. Crush ko ba talaga tong lalaking toh?” sabi ko ng mahina.
“Hoy, ano bang binubulung-bulong mo dyan?”
“Ah wala! Hehe. Sabi ko ang sarap mahiga dito. Matigas,” sabi ko ng makahulugan.
“Ah, akala ko naman nangungulam ka na e.” Tapos bumiling na ulit siya.
“Tss. Tingnan mo toh. Hindi man lang tinamaan sa sinabi ko.” Humiga na ko. Grabe, ang tigas
nung sahig! At ang lamig pa! Hindi man lang nagkusang magbigay ng kumot yun. Hay naku.
Nagpabaling-baling lang ako dun. Hindi ako makatulog! Grr! Tumihaya nalang ako. Nabibingi
ko sa katahimikan. Pero ngayon, hindi na tic, tic… tic, toc… yung naririnig ko, kundi…
Lub, dub…
Lub, dub…
Ba’t ganito? Napakabilis ng tibok ng puso ko. Ipinatong ko yung kamay ko sa dibdib ko,
naramdaman ko yung bawat pagtibok ng puso ko. Umupo ako para silipin si Elmo kung tulog na
siya.
Nakaharap sakin si Elmo. Ang amo pa rin ng mukha niya kahit natutulog. Gusto ko siyang
kunan ng picture. Ang cute cute talaga niya. Ang haba din ng mga pilik-mata niya.
Ipinatong ko yung braso ko sa kama niya. Tinitigan ko siya ng matagal pero hindi ako
nagsasawa. Huminga ako ng malalim.
“Kung alam mo lang Elmo,” sabi ko ng mahina. “Kung alam mo lang kung gaano mo
pinapabilis yung pagtibok ng puso ko twing nakikita kita. Kahit sa malayo lang kita nakikita non
at hindi mo ko napapansin, para pa rin akong tumakbo ng malayong malayo. Lalo na ngayon na
sobrang lapit mo na sakin. Para nang sasabog yung puso ko.”
Hinawi ko yung buhok sa noo niya. Ngumiti ako. “Kontento na ko ng ganito. Kontento na
kong gustuhin ka ng palihim. Kahit nasa malayo ako, okay lang. Basta ang importante, nandiyan
ka lang.”
Naramdaman kong bigla nalang may tumulo na luha sa mga mata ko. Pinunasan ko yun.
“Ba’t ba umiiyak ako?” Natawa nalang ako ng mahina. Ano ba naman toh. Siguro ganito lang
talaga kapag alam mo na wala kang pag-asa. Bigla-bigla ka nalang maiiyak. Masakit din kasi eh.
Alam ko na hindi kami bagay. Napakataas niya samantalang ako . . .
Tinitigan ko nalang ulit siya. Hanggang sa magsawa ako. Hanggang sa tumatak na sakin na
hindi talaga pwedeng mapansin niya ko. At dahil sa pagtitig ko sa kanya ng sobrang tagal, hindi
ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Chapter 4
Elmo
Hindi ako makatulog. Ewan ko ba. Ang tagal ko na rin bumibiling-biling pero hindi talaga ako
makatulog e. Siguro hindi lang talaga ako sanay na may ibang tao sa kwarto ko. At babae pa.
Hay…
Pamaya-maya, naramdaman ko na parang umupo si Julie Anne. Siguro hindi rin siya
makatulog. Nagpanggap nalang ako na tulog. Ayokong malaman niya na hindi rin ako
makatulog, baka kung ano pa isipin niya noh.
Kailangan ipakita ko na kampante lang ako. Na parang wala siya sa loob ng kwarto ko. Then
naramdaman ko na parang may pumatong sa gilid ng kama ko. Pamaya-maya, nagsalita siya.
“Kung alam mo lang Elmo. Kung alam mo lang kung gaano mo pinapabilis yung pagtibok ng
puso ko twing nakikita kita. Kahit sa malayo lang kita nakikita non at hindi mo ko napapansin,
para pa rin akong tumakbo ng malayong malayo. Lalo na ngayon na sobrang lapit mo na sakin.
Para nang sasabog yung puso ko.”
Ano ba tong sinasabi niya? Alam kong crush niya ko pero hindi ko akalain na ganito pala
nararamdaman niya.
Naramdaman ko yung daliri niya sa noo ko. Ang lamig. Medyo nakonsensya tuloy ako at dun
ko siya pinatulog.
“Kontento na ko ng ganito. Kontento na kong gustuhin ka ng palihim. Kahit nasa malayo ako,
okay lang. Basta ang importante, nandiyan ka lang... Ba’t ba umiiyak ako?”
Teka, umiiyak siya? Ganon ba talaga kalalim yung pagkagusto niya sakin? Nagpalipas muna
ko ng ilang sandali bago ko dumilat. Nakita ko siyang nakadukdok sa gilid ng kama ko,
natutulog. May luha pa sa mata niya.
Pinunasan ko yun at tinitigan ko siya. Kinuha ko yung kumot tapos ipinatong ko sa likod niya.
Nangiti ako. Ewan ko. Siguro natuwa ako dun sa mga sinabi niya.
Humiga na ulit ako. Tiningnan ko muna siya at sinabi ko ng mahina, “Good night, Julie Anne.”
Tapos pumikit na ko.
Chapter 5
Julie Anne
Pagdilat ng mata ko, ang una ko nakita ay yung mukha ni Elmo. Inaninag ko muna yun at nun ko
lang napansin na sobrang lapit nung mukha niya sakin! Gising na siya at nakangiti pa! Biglang
nanlaki yung mga mata ko. Sa gulat ko, napaurong nalang ako.
“Good morning, Sleeping Beauty,” sabi niya.
Parang naputulan ako ng dila. Ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang ako
sa kanya.
Bumangon na si Elmo tapos tinitigan niya ko. Mukhang puyat siya. “Mahimbing tulog mo
noh?”
“H-ha? Ah, oo. Ikaw?”
Umiling siya. “Hindi. Yun ang pinakamasamang tulog ko simula nung ipanganak ako. Ang
ingay mong matulog eh. Para kong may katabing baka.”
Ngumuso nalang ako. Wala namang mangyayari kung papatulan ko siya eh. Tapos, biglang
may bigla akong naalala…
“Elmo. Uhm, kagabi ba, may narinig kang sinabi ko?”
“Ha?” tanong niya.
“Wala naman akong sinabing kakaiba habang natutulog ka?”
“Wala. Bakit meron ba?”
“Ha? Ah, wala. Hehe.” Wew, buti nalang.
Ngumiti siya. “Sige, magbibihis na ko. Magbihis ka na rin. Kunin mo nalang kay yaya yung
damit mo.”
Tumango ako. Pagkabihis namin, kumain na kami. Sabay na rin kaming pumunta ni Elmo sa
school. Sabi ko maglalakad nalang ako, pero sabi niya wag na daw, sumakay nalang ako. Ewan
ko ba, pero feeling ko napakabait niya ngayon sakin. Ganun ba talaga epekto ng puyat?
Pagbaba na pagbaba palang namin ng kotse, nakita kong nagtinginan lahat ng estudyante
sakin. Yung iba nagbulungan. Yumuko nalang ako at lumakad habang nakatingin lahat ng pares
ng mata sakin.
Pumunta ko ng locker at nilagay ko yung gitara ko dun. Sa wakas, nakahinga na rin ng
maluwag. Kung anu-ano na namang storya kakalat sa campus niyan. Baka akalain nilang kami na
ni Elmo. Baka maapektuhan yung popularity niya. Tsk. Hindi pwedeng mangyari yun.
Pamaya-maya, may lumapit sakin. “Hi.”
Ngumiti ako. “Hello.”
“I’m Caila,” sabi nung girl sa tabi ko. Inabot niya yung kamay niya at kinuha ko naman yun.
Maganda siya, medyo brown yung buhok at maputi. Para siyang taga-ibang bansa. Nakikita ko
siya minsan dito sa campus pero hindi ko alam yung pangalan niya. Ang alam ko lang ay sikat
siya tapos mabait daw.
“Julie Anne,” sabi ko.
“Nakita kita kaninang bumaba sa kotse ni Elmo. Kayo ba?”
Ito na nga ba sinasabi ko eh. “Nako, hindi! Nagkakamali ka. Isinabay lang ako ni Elmo
papunta dito.”
“Ah ganun ba. Okay. So, Julie Anne, gusto mo bang sabay na tayong maglunch mamaya?”
“Ha? Uhm, sige.”
“Great!” Ngumiti si Caila. “Kita nalang tayo dun sa may rest area ah?”
Lumipas yung first half of the day ng mabilis. At katulad nga ng napag-usapan, sabay kaming
naglunch ni Caila. Nakaupo kami dun sa may bermuda. Mabilis ko siyang nakapagpalagayan ng
loob. Magkaugali pala kami. Mahilig din siya sa music. Wala kaming ginawa dun kundi
magtawanan.
Nagkwento siya tungkol sa sarili niya. At ako rin, nagkwento din ako tungkol sakin. Siya yung
first friend ko dito sa school. Isipin mo, three years wala akong naging kaclose. Ang hirap nun di
ba? Well, wala kasing gustong makisalamuha sa isang loser na katulad ko, hanggang sa
dumating nga si Caila…
“Caila?”
Natigil kami sa tawanan. Tumingin kami sa taas at nakita ko namin si Caryl. “Oh, Caila?
Halika, join us,” sabi ni Caila.
“Are you out of your mind?” sabi ni Caryl. Napayuko nalang ako. “I can’t believe na sasama
ka sa isang babaeng katulad niya.”
“Why? Ano bang masama?”
Natawa si Caryl. “Well, alam mo bang pwedeng bumaba yung popularity mo?”
“I don’t care about popularity. Mas importante sakin ang kaibigan,” sabi ni Caila. Natuwa ako
dun sa sinabi niya. Umalis nalang si Caryl. Buti naman. Akala ko magkakagulo eh.
“Thanks Caila ha,” sabi ko.
“Wala yun.” Ngumiti siya sakin.
Pagkatapos naming kumain, naghiwalay na kami. After school, kinuha ko na ulit yung gitara
ko. At ngayon ko lang natandaan na ngayon pala yung first meeting ng Clubs for this year.
Nalungkot akong bigla. Naalala ko kasi yung nangyari kahapon.
Wala na talaga kong pag-asa para makasali sa Music Club. Pumunta ko ng second floor.
Nanatili akong nakatayo dun sa may pintuan ng Music Room. Ano bang ginagawa ko dito?
Minabuti kong umalis nalang. Wala na rin naman akong magagawa eh. Umupo ako sa may
bench dun sa baba sa may ilalim ng puno. Kinuha ko yung gitara ko. Ikakanta ko nalang tong
lungkot na nararamdaman ko.
*Singing* Terrified by Katharine Mcphee
You by the light is the greatest find
In a world full wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely to the other side
You said it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love and I'm terrified
For the first time in the last time in my only life
This could be good, it's already better than last
And love is worse than knowing you're holding back
I could be all that you needed if you let me try
You said it again my hearts in motion
Every word feels like a shooting start
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love and I'm terrified
For the first time in the last time in my only
I only said it 'cause I mean it, I only mean 'cause it's true
So don't you doubt what I've been dreaming
'Cause it fills me up and holds me close whenever I'm without you
You said it again my hearts in motion
Every word feels like a shooting star
Watching the shadows burning in the dark
And I'm in love and I'm terrified
For the first time in the last time in my only life
“Ang galing mo palang kumanta.” Napatingin ako sa kaliwa. Pumapalakpak si Caila. Tinabihan
niya ko sa bench. “Ba’t hindi ka mag-audition sa Music Club?”
“Tinry ko eh. Kaso may hindi magandang nangyari eh.”
“Ah ganun ba? Ayos lang yun.” Hinawakan ni Caila yung kamay ko. “Baka hindi lang to yung
oras mo. Malay mo may dadating pa na mas deserving para sayo.”
Nginitian ko siya. “Thanks, Caila ha.”
“Wala yun. Nga pala, mukang may pinaghuhugutan yung kanta mo ah? Inlove ka ba?”
“H-ha?” Medyo nahiya ako dun sa tanong niya. Ngumiti siya.
“Inlove ka noh?”
“Ah eh, oo eh.”
Tumingin siya sakin ng nakangiti. At mukha pa siyang excited. “Sino? Dali!”
“Eh, secret eh. Sorry.”
Ngumuso siya. “Sayang naman. Pero sige hindi na kita pipilitin. Kelan pa?”
“More than three years na.”
“At hindi pa rin niya nasusuklian yang pagtingin mo?”
Tumango ako tapos yumuko. Tinapik niya ko sa balikat. “Ayos lang yan,” sabi ni Caila. “Kung
gusto mong mapansin ka niya, gumawa ka ng bagay na makukuha yung atensyon niya.
Magperform ka sa program. Bigyan mo siya ng regalo. Basta kahit ano na makakapagpabago ng
tingin niya sayo.”
Napatingin ako sa kanya. “Ganun ba yun?”
“Oo, ganun yun! Umaasa ko sayo.” Ngumiti siya tapos tumayo na. “Sige, mauna na ko ah?
May aattendan kasi kong dinner e.”
“Okay, ingat.” Nag-wave ako sa kanya habang paalis siya. Iniligpit ko yung gitara ko then
isinukbit ko na yung strap. Aalis na sana ko pero biglang may tumawag sakin.
“Julie Anne!”
Paglingon ko, nakita ko si Elmo na papatakbo sa direksyon ko. At habang papalapit siya,
papabilis naman yung tibok ng puso ko. “E-Elmo?”
“Pwede bang humingi ng favor?”
“A-ano ba yun?”
May ibinigay siya saking nakatiklop na papel. “Pwede bang ikaw na mag-announce dun sa
may Music Room kung sinu-sino yung nakapasa sa audition? May emergency eh. Tinawagan
ako ni Mommy. Napaaga uwi nila galing Baguio.”
Kinuha ko yung papel. “Ah ganun ba. O sige, ako bahala.”
Tinapik niya ko sa braso. Ngumiti siya. “Thanks ah.” Tapos tumakbo na siya papunta sa kotse
niya at umalis.
Pumunta ko sa second floor gaya nga nung sabi niya. Nagdalawang-isip akong pumasok nung
umpisa pero huminga ko ng malalim at itinulak yung pinto. Nagtinginan sakin yung lahat nung
nasa loob.
“Ano’ng ginagawa mo dito?” sabi ni Caryl.
“Ibinigay sakin ni Elmo yung papel nung mga nakapasa sa audition kahapon. Sabi niya
iannounce ko raw sa inyo.”
Nagtawanan sila. “Oh please,” sabi ni Caryl. “Ba’t naman ibibigay ni Elmo sayo yun?”
“May emergency daw eh,” sabi ko.
Hinablot ni Caryl yung papel sa kamay ko. Binuksan niya yun at tumingin sakin. “Well, hindi
ka nga nagsisinungaling. Pero kahit na…”
Si Caryl yung nagbasa nung mga pumasa. Nangiti siya nung sinabi niya yung pangalan niya.
Mukhang proud na proud pa nga sa sarili niya eh. At nung makakalahati na, ibinigay niya sakin
yung papel. “Ikaw na nga magbasa, nakakapagod eh. At para na rin magsink-in sayo na hindi ka
nakapag-audition.”
Kinuha ko yung papel at yumuko. Binasa ko yung susunod na pangalan. “Pauline.”
“Lakasan mo! Hindi namin marinig!” sigaw nung isang babae.
“Pambihira!” dugtong pa nung isa.
Kaya nilakasan ko. Binasa ko yung mga pangalan hanggang sa dulo. Nakaprint yun kaya
madaling basahin. Pagkatapos kong basahin yung panghuling pangalan, napansin kong may
nakasulat sa ibaba ng papel.
Blue ballpen yung ipinangsulat. Nagulat ako ng makita ko yung pangalan ko. At hindi lang
yon, may message pa: ‘Ang galing mo palang kumanta. Ayos din yung paggigitara mo. Nice
version of Terrified.’ Tapos may smiley face.
Napanganga ko. Nandun si Elmo. Narinig niya yung kanta ko. At dahil dun, kasama na ko sa
Music Club.
Chapter 6
Julie Anne
Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Kasali na ko sa Music Club. Twing hapon nakikita ko
na si Elmo. At syempre pati sina Caryl na kahit two weeks na ang lumipas e hindi pa rin tanggap
na kasama na ko.
At sa two weeks na yun, naging kaclose ko na si Elmo. Minsan iniimbitahan niya kong mag-
ice cream o kaya maglibot. Walang mapaglagyan yung tuwa ko twing magkasama kami.
Madami na din akong nalaman tungkol sa family niya. Yung mga hilig niya. Favorite color. Yung
mga ganung bagay…
Hindi na rin ako nagsusuot ng salamin kasi sabi ni Elmo na mas bagay sakin yung walang
salamin. Kaya kinareer ko na! Nagpagupit na ko ng buhok! Hehe. Imbis na full bangs, pinagupit
ko nung katulad sa uso ngayon, yung nakaside yung bangs? Tapos nagpa-layer na rin ako.
Yung maluwang kong t-shirt pinalitan ko na ng medyo fit na t-shirt tapos nagsusuot na rin
ako ng skinny jeans. Hindi nga makapaniwala si Mommy nung una eh, pero sinuportahan na rin
niya ko kasi nakita niyang masaya ako.
Isang araw, pumunta ko sa rooftop gaya ng napag-usapan namin ni Elmo. May ginawa raw
kasi siyang kanta at gusto niya na ako yung gumawa ng tono. Tumakbo ko sa hagdan papunta
ng rooftop. Medyo nabuksan ko na yung pintuan ng bigla akong natigilan dahil narinig ko yung
boses ni Elmo.
At may kausap siya.
“Bakit?” sabi ni Elmo.
“You know I love you, Elmo,” sabi nung kausap niya. Parang pamilyar sakin yung boses niya.
Hindi ko lang maalala kung kaninong boses yun.
“I know that.”
“At alam mo rin sa sarili mo na nahihirapan ka na. Alam ko yun. Kaya nga, pinapalaya na kita.
Hindi naman toh yung gusto mo eh.”
Teka, may GIRLFRIEND si Elmo? Kelan pa? Parang tinusok nang milyung-miyong karayom
yung puso ko. Ang tagal na naming magkasama pero nagyon ko lang nalaman na may girlfriend
pala siya. At sa ganitong paraan pa.
“Don’t say that,” sabi ni Elmo. “Alam mo namang hindi ko magagawang hiwalayan ka. Kasi
ikaw ang fiancée ko.”
Parang nahulog yung buong mundo ko sa paanan ko. Kumirot yung puso ko. Parang hindi ako
makahinga. Ang alam ko nalang ngayon ay umiiyak ako. Tuluy-tuloy yung pagbagsak ng luha
mula sa mga mata.
Napaupo ako dun sa may hagdan. Tinakpan ko ng mga kamay ko yung mukha ko. Sumisikip
yung dibdib ko.
“Pero, Elmo . . .”
“Shh. Let’s not just talk about that, Caila.”
Nahulog yung mga kamay ko sa hita ko. Nanghina yung buong katawan ko. Parang ilang
segundo nalang e babagsak na ko. Si Caila? Siya yung papakasalan ni Elmo? Yung best friend ko.
Si Caila…
“Alam mo rin naman na after college, saka tayo ikakasal di ba? Kaya, wag muna natin pag-
usapan yan Caila.”
*Music Playing: Can’t Cry Hard Enough by Bellfire*
Hindi ko na kayang makinig pa, kaya umalis na ko. Tumakbo ko paalis. Basang basa ng luha
yung mukha ko. Para kong baliw na tumatakbo kung saan-saan. Hindi ko alam kung saan ako
pupunta.
Dinala nalang ako ng mga paa ko dun sa favorite park ko. Nahinto ako. Nakikita ko pa rin si
Elmo na nakaupo dun sa may swing. Yung unang beses na kinausap niya ko bilang kakilala. Kung
saan nagsimula ang lahat.
Pero ngayon, unti-unti nang nabubura yun. Parang babalik na naman sa wala. Sa dati. May
kanya-kanya kaming mundo. Siya, masaya sa piling ni Caila. At ako naman . . .
Lumapit ako sa may swing. Umupo ako dun. Hinawakan ko yung chain kung saan dati
nakahawak si Elmo. Ito na siguro yung huling beses na mahahawakan ko yung kamay niya. Kahit
dito lang. Kahit dito lang sa malamig na bakal na hawak-hawak ko.
Kinuha ko yung gitara ko. Ito lang ang bukod tanging takbuhan ko. Itong gitara na toh ang
nakakaalam ng lahat ng tungkol sakin. Ng lahat ng sakit at pag-asa ko.
*Singing: Teardrops on my guitar by Taylor Swift*
Drew looks at me
I fake a smile so he won't see
What I want and I need
And everything that we should be
I'll bet she's beautiful
That girl he talks about
And she's got everything
That I have to live without
Drew talks to me
I laugh 'cause it's just so funny
I can't even see
Anyone when he's with me
He says he's so in love
He's finally got it right
I wonder if he knows
He's all I think about at night
He's the reason for the teardrops on my guitar
The only thing that keeps me wishing on a wishing star
He's the song in the car I keep singing
Don't know why I do
Drew walks by me
Can he tell that I can't breathe?
And there he goes, so perfectly
The kind of flawless I wish I could be
She better hold him tight
Give him all her love
Look in those beautiful eyes
And know she's lucky 'cause
He's the reason for the teardrops on my guitar
The only thing that keeps me wishing on a wishing star
He's the song in the car I keep singing
Don't know why I do
So I drive home alone
As I turn out the light
I'll put his picture down
And maybe get some sleep tonight
'Cuz he's the reason for the teardrops on my guitar
The only one who's got enough of me to break my heart
He's the song in the car I keep singing
Don't know why I do
He's the time taken up but there's never enough
And he's all that I need to fall into
Drew looks at me
I fake a smile so he won't see
Pinahiran ko yung luha ko. Wala na kong magagawa kundi tanggapin yung mga nangyari.
Kakalimutan ko nalang si Elmo. Tutal ako lang naman tong umaasa eh. Binibigyan ko ng
kahulugan yung mga ginagawa niya para sakin.
Ako lang tong nagpapakatanga. Yung habol ng habol. Bagay naman sila ni Caila eh. Wala
akong maipipintas sa kanya. Napakabait niya, at nararapat lang si Elmo sa kanya. Ayoko rin
namang masira yung friendship namin. Lalo lang akong mahihirapan.
Lalo lang akong masasaktan.
Chapter 7
Julie Anne
*Music Playing: Di ko na kaya – Faith Cuneta*
One week na simula nung malaman ko yung katotohanan. Nagsimula na ring mabahala sina
Mommy at Daddy. Lagi nalang daw kasi kong tulala. Lagi nalang din daw akong nagkukulong sa
kwarto. Hindi ko alam pero gabi-gabi akong umiiyak.
Paggising ko sa umaga kelangan ko pang hintaying makaalis yung parents ko para lang
makalabas ng kwarto. Ayoko kasing makita nila na mugto yung mata ko.
Ilang araw ko na ring iniiwasan si Elmo. Nagdadahilan nalang ako para lang hindi ako
makasama sa kanya. Hindi na rin ako umaattend ng mga meeting nung Music Club. At ngayon
ngang hapon, sasabihin ko kay Elmo na hindi na ko magmemember sa Club.
Napakahirap. Ang sakit. Pero kailangan kong tiisin. Alam kong lilipas din tong sakit na
nararamdaman ko.
Kapag naman kasama ko si Caila, pinipilit kong maging normal. Nakikitawa pa rin ako sa
kanya, nakikipagkwentuhan, kaso masyado na kong kilala ni Caila eh, nagtatanong na siya kung
ano daw ba problema. Bakit daw lagi akong malungkot.
Nagdadahilan nalang ako. Sinasabi ko na family problems. Pagkatapos non, syempre mag-
aadvice siya sakin. Magpapasalamat ako tapos pupunta ko ng banyo tapos iiyak na naman. Lagi
nalang ganun eh. Isang linggo kong ganun.
Walang tigil sa kaiiyak.
Nung hapon na yun, pumunta ko ng second floor. Matagal na kong nakatayo dun sa harap
nung Music Room pero hindi ko pa kayang buksan yung pintuan. Ano kaya sasabihin ni Elmo
pag sinabi kong aalis na ko sa Club? Magagalit kaya siya? Alam na kaya niyang iniiwasan ko siya?
Pamaya-maya, bumukas yung pintuan at naglabasan yung Music Club members. Bigla akong
kinabahan. At nung pumasok ako at nakita kong nag-aayos ng mga papel si Elmo sa may table,
biglang naging blangko yung isip ko.
Sumikip na naman yung dibdib ko. Ang sakit twing nakikita ko si Elmo. Lalo na twing kasama
niya si Caila ng palihim kasi ayaw pa nilang ipaalam na engage na sila. Yumuko nalang ako
habang papalapit kay Elmo.
Tumingin siya sakin at ngumiti. “Oh, Julia Anne? Ba’t hindi ka ulit nakaattend sa meeting
kanina? One whole week kang walang attendance ah.”
Huminga ko ng malalim para lang mapigilan kong umiyak. “K-kasi may inaayos lang akong
problema. Sorry kung hindi na ko nakakaattend. Saka gusto ko nga rin palang sabihin sayo na…
na aalis na ko sa Club.”
Natigilan si Elmo. Tumingin siya sakin, mukhang nagulat siya sa sinabi ko. “Bakit naman?
Ganun ba katindi problema mo? Alam mo namang pwede kang magsabi sakin ng kahit ano.
Baka sakaling gumaan yang nararamdaman mo.”
Nangilid yung luha ko.
Magsabi ng kahit ano? Eh ikaw nga hindi mo sinabi sakin yung tungkol sa inyo ni Caila eh! At
hanggang ngayon itinatago mo pa rin! Kaya pano pa ko magsasabi sayo?!
Yun yung gusto kong sabihin sa kanya. Pero baka magkagulo lang. “Ah hindi, ayos lang. Kaya
ko na toh. Pasensya na talaga. Sige, aalis na ko.”
*Music Playing: Because I miss you–Jung Yong Hwa*
“Teka lang, Julie Anne.” Hinawakan ako sa braso ni Elmo. Nagkatinginan kami. Ako yung
unang umalis ng tingin. Hindi ko siya kayang tingnan ng hindi nadudurog yung puso ko.
“Iniiwasan mo ba ko?,” tanong niya. “Isang linggo ka na kasing ganyan eh. Hindi na tayo
nagkakasama katulad nung dati. Lagi ka nalang wala. Ano ba talaga yung problema? Ako ba?
May nagawa ba kong hindi maganda? Sorry na kung meron man. Pero, please, wag mo naman
akong tratuhin ng ganyan.”
Lalong nangilid yung luha ko. Yumuko ako. Pero huli na, tumulo na yung luha ko. “Tumingin
ka sakin Julie Anne.”
Umiling ako. “Please, tumingin ka.”
“Elmo–”
“Tumingin ka!” Biglang tumaas yung ulo ko. Nakita kong galit yung mga mata ni Elmo. Tama
toh. Dapat lang na magalit sakin si Elmo. Para maging mapayapa na yung puso ko. “Sabihin mo
sakin Julie Anne. Ano ba talaga problema mo?”
“Bitiwan mo ko Elmo, please–”
“Hindi kita bibitawan hangga’t hindi natin naaayos toh.” Lalong humigpit yung hawak ni Elmo
sa braso ko.
“Please, nasasaktan ako–”
“Sabihin mo muna!”
“IKAW!”
Hinihingal ako. Naramdaman kong tumulo ng sabay-sabay yung luha ko. Patuloy na sumisikip
yung dibdib ko. Hindi ako makahinga. Kitang-kita yung pagkagulat sa mukha ni Elmo kasi medyo
napanganga siya.
“Ikaw yung problema ko!”
Binitawan na niya yung braso ko. Mukhang kinakabahan na rin siya. Ayoko talagang sabihin
yun eh, pero wala akong choice. Saka matagal ko na ring gustong sabihin sa kanya yun eh. Hindi
na ko aatras.
“Ako? Bakit? A-ano bang ginawa ko? Ano bang gusto mong gawin ko?”
“Magalit ka! Magalit ka sakin! PARA HINDI NA KO NASASAKTAN NG GANITO!”
“Julie Anne.” Tinangka niya kong hawakan sa braso pero lumayo ako. Nakakain ko na yung
luha ko. Ang alat. Pero bakit pait yung nararamdaman ko sa puso ko?
“Gusto kong magalit ka sakin, Elmo! Para madali na kitang makalimutan! Para hindi na ko
mahirapan pa ng ganito! Ang hirap eh. Ang sakit-sakit. Tuwing nakikita kita, parang dinudurog
yung puso ko!”
“Huminahon ka Julie Anne.” Hinawakan niya yung kamay ko pero hinila ko yung kamay ko.
Sigurado kong naguguluhan na rin siya kasi hindi niya malaman yung gagawin niya.
“Okay lang, Elmo. At least, alam kong nasa mabuting kamay ka. Alam kong aalagaan ka ni
Caila.”
Nanlaki yung mga mata niya. “San mo nalaman yung tungkol samin ni Caila?”
“Dun sa may rooftop. Nung sabi mong magkita tayo. Aksidente kong narinig yung pinag-
uusapan niyo. Kaya . . .” Yumuko ako at pinunasan yung luha sa mata ko. “Wag kang mag-alala
dahil irerespeto ko yon. Pipilitin na kitang kalimutan. At sana, gawin mong madali para sakin
yun. Lalayo muna ko sayo. Hanggang mawala tong sakit sa puso ko.”
Tumalikod ako at lumakad ako palayo. Hindi niya ko sinundan. Masakit man pero yun ang
tama. Ayoko nang umasa. Ayoko nang masaktan pa. Tama na. Hindi ko na kaya…
Hinawakan ko yung doorknob at inikot… Nang maramdaman kong may mga braso na
umakap sa likuran ko. Nanlaki yung mga mata ko. Sa sobrang gulat ko, hindi ako nakakilos.
Naramdaman ko yung mukha ni Elmo sa may leeg ko.
At naramdaman ko rin yung init ng hininga niya. “Please,” sabi niya ng mahina. “Huwag kang
umalis Julie Anne. Please.”
“Elmo.”
“Huwag mo kong kalimutan… Ayokong kalimutan mo ko. Ayokong lumayo ka sakin. Ayokong
mawala ka sa buhay ko. Ayokong mapunta ka sa iba. Ayokong umiyak ka ng dahil sakin. Ayoko
nun Julie Anne. Ayoko.” Pamaya-maya, naramdaman ko nalang na may basa sa leeg ko…
“Elmo. Huwag kang umiyak.”
“Nahihirapan na rin ako Julie Anne eh. Hindi ko na kayang tiisin pa. Yung engagement na yun,
labag sa loob ko yun. Si Mommy yung nakipagkasundo sa pamilya nina Caila. Pero ginagawa ko
lang yun para sa Daddy kong namayapa na. Kasi kaibigan ni Daddy yung Mommy ni Caila. Sabi ni
Mommy, matutuwa daw si Daddy pag ginawa ko yun.”
Humigpit yung akap niya sakin. “Sana maintindihan mo ko. Naiipit lang ako. Ikaw talaga
gusto ko, Julie Anne. Ikaw lang.”
Lumakas yung tibok ng puso ko sa narinig ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapaniwala
sa mga nangyayari. Gusto ko ni Elmo? Totoo ba to? Hindi ba ko nananaginip?
So yung mga tawag pala kay Elmo na dati, para pala sa engagement niya yun. Kaya pala
tuwing matatapos yung tawag lagi siyang tumatahimik. Kasi hindi niya gusto yun. Pero . . .
Humarap ako sa kanya. Nasa likod ko pa rin yung mga kamay niya. Hinawakan ko yung pisngi
niya at pinunasan ko yung luha sa ilalim ng mata niya. “Shh. Huwag ka nang umiyak,” sabi ko ng
mahina. “Hindi na ko aalis. Ngayong sinabi mo sakin na ayaw mo kong mawala, hindi na ko aalis
kelan man. Nandito lang ako.”
Ngumiti siya at inakap ako. Gumaan yung pakiramdam ko. Ito yung napakatagal ko nang
pinangarap, yung maakap siya, yung marinig yung mga ganung salita at yung maramdaman ko
na may halaga talaga ko sa buhay niya.
Itinapat ni Elmo yung bibig niya sa tenga ko. Ang init ng hininga niya. Ibinulong niya yung
tatlong salitang tuluyang lumusaw sakin. “I love you.”
Napakalakas ng tibok ng puso ko. Pero ngayon, hindi na siya yung parang tinutusok ng
napakaraming karayom, tumutalon siya ngayon dahil sa nag-uumapaw na kaligayahan. Ngumiti
ako. Bumulong din ako sa kanya. “I love you too.”
Naramdaman ko yung ngiti niya sa balikat ko. At hindi ko rin mapigilan yung ngiti sa labi ko.
At mukhang naramdaman niya rin yun.
“Baka naman hindi na bumalik yang bibig mo sa kakangiti ah?”
Nagulat ako dun sa sinabi niya. Binitawan ko siya. “Ang kapal mo ah! Hindi ako ngumingiti
noh.”
“Naku, kunwari ka pa. Kung alam ko lang eh matagal mong hinintay toh.”
“Excuse me! Wag kang mafeeling ah!”
“Alam ko namang lagi kang kinikilig kapag nakikita mo ko eh!” Inakap ako ni Elmo. Pero this
time, nanghaharot na siya.
“You wish! Kinikilabutan kaya ako twing nakikita kita! Bitiwan mo nga ako!” Nakawala ako sa
pagkakaakap niya. Nakangiti ako.
Tumawa si Elmo. “Kaya ka kinilabutan kasi ako ang pinakagwapong nilalang na nakita mo!”
Dinilaan ko siya. Nangiti si Elmo. “Aba dumidila ka pa dyan ah! Naku kapag naabutan kita,
lagot ka sakin!”
“Kung kaya mo!” Naghabulan kami dun sa loob ng Music Room. Nagtawanan, nagharutan,
hanggang sa mapagod kami. Hinatid niya ko pauwi, okay na sana eh, kaso nakita siya nina
Mommy at Daddy.
Grabe kaba ko nun! Pati si Elmo ramdam ko na kinakabahan nun. Haha! Akala ko nga
pagagalitan ako eh pero natuwa pa sila. Ang akala daw kasi nila tatanda akong dalaga eh! Haha!
Kaya naging supportive na rin sila pero syempre, meron pa rin daw limitations. Pero mukha
naman daw mabait si Elmo eh kaya maluwag sila.
Sinabi na rin ni Elmo yung tungkol samin sa family niya. Nung una medyo hindi pabor yung
Mommy niya pero malaunan, pumayag na rin siya kasi nakita niya na masaya si Elmo.
Kinausap din namin si Caila. Kinabahan ako nun, pero nandun naman si Elmo sa tabi ko para
alalayan ako. Naintindihan naman kami ni Caila. Talagang napakabait niya. Kahit daw na hindi
na sila ni Elmo, magbest friend pa rin kami. Wala pa rin daw magbabago.
After a few months, naka-move on na rin si Caila. Meron na nga siyang bagong boyfriend.
Syempre daw, lagi pa rin may puwang sa puso niya si Elmo pero mapagkakatiwalaan ko daw
siya. At ni minsan, hindi naman nawala yung tiwala ko sa kanya.
At syempre, ayun, yung fansclub ni Elmo, nagluksa, lalo na si Caryl. Pero natanggap na din
nila at naging supportive nalang kasi ganun daw yung totoong fans. Si Caryl tinatry nang maging
mabait sakin. Naiba na yung katayuan ko sa school, pinapansin na nila ko.
Nawala na rin yung tulak dito, tulak doon. Haha!
Nagbakasyon kaming lahat sa Palawan. Ako, si Elmo, si Caila at si Aldrin, yung boyfriend niya.
May rest house kasi sina Elmo dun saka sabi ko dream kong mapunta sa Palawan. Eh hindi ko
naman inaasahan na after two days eh pupunta na agad kami! Haha! Si Elmo talaga…
Nauna na sina Caila at Aldrin dun sa rest house. Sila na daw yung bahalang magluto ng
dinner. So naglakad lakad muna kami ni Elmo sa may dalampasigan.
*Music Playing: Endless Love – Glee Cast*
Magkahawak kami ng kamay habang kinikiliti ng maputing buhangin yung paa ko. Huminga
ko. Ang sarap ng simoy ng hangin. Umupo kami sa buhangin ni Elmo. Nakasandal yung ulo ko sa
balikat niya.
Pamaya-maya, may shooting star na dumaan. Itinuro ko yun. “Uy, may shooting star oh! Bilis
magwish ka Elmo!”
“Sige.” Tapos pumikit siya. Tinitigan ko lang siya habang nagwiwish siya. Bumilis na naman
yung tibok ng puso ko. Ilang beses ko nang tinitigan yung mukha niya ng ganitong kalapit pero
hindi pa rin nagsasawa sa pagtibok ng ganito yung puso ko.
Pagdilat niya, tumingin siya sakin. “Ikaw ba, nagwish ka na ba?”
Umiling ako. “Bakit?” tanong niya.
Ngumiti lang ako sa kanya. “Kasi nakuha ko na yung pangarap ko eh.”
Ngumiti siya dahil dun sa sinabi ko. Nagkatitigan kami. Ang lamlam ng mga mata niya.
Tuwing tinitingnan ko yun, parang dagat yung nakikita ko. Maganda. Makinang. At malalim.
Napakalakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko na yata naririnig yung tubig sa dagat eh. Pamaya-
maya, naramdaman ko yung labi niya sa bibig ko. Ang lambot. Hindi ako makapaniwala sa
nangyayari. Parang mababaliw na ko.
Ipinikit ko yung mata ko. Hinayaan kong akapin ako ng pangyayari.
Yun yung gusto kong kiss. Magkadikit lang yung labi, mababaw, pero puno ng lambing at
pagmamahal. Then naramdaman kong ngumiti siya sa labi ko. “Masyado ka yatang nag-eenjoy
ah?”
Nanlaki yung mata ko. Bigla akong natawa kaya napaurong ako. “Kapal mo! Baka ikaw nga
nag-eenjoy dyan eh!”
Natawa siya. “Sino ba unang bumigay?”
“E sino ba unang ngumiti?”
Nagtawanan kami. Nagulat nalang kami sa putok na galing sa malayo. Nagliwanag yung
buong paligid. Sinundan pa yun ng napakaraming putok. Parang mga bulaklak na sumasabog sa
kalangitan yung fireworks.
Wala ngang imposible kung titibayan mo lang ang loob mo. Lahat ng pangarap ay makakamit
basta pagsisikapan. Lahat ng tagumpay ay makakamit basta’t malinis ang kalooban. Walang
nasaktan. At laging tapat.
Hindi ako naniniwala sa walang hanggang pagmamahal nung bata pa ako. Kasi ang akala ko
ay mawawala na yung pagmamahal na yun oras na mamatay na ang isang tao. Pero kinain ko
lahat yun. Kasi nung nakilala ko si Elmo, siya yung nagpatunay sakin na ang pagmamahal ay
hindi puro saya. May kakambal din yun na kalungkutan, tampuhan at iyakan. Pero ang mas
importante ay nanatili kayong matatag sa mga oras na yon.
Ang pagmamahal ay hindi binibilang sa pamamagitan ng napakaraming malalambing na
salitang sinasabi niyo sa isa’t isa, kundi ang bawat hininga niyo na inaalay niyo sa isa’t isa.
Ganun katindi yung pagmamahal ko kay Elmo, na kahit sa kamatayan ay hindi mawawala. At
handang sisirin ang pinakamalalim na dagat, tawirin ang pinakamahabang bundok at liparin ang
pinakamalaking kalawakan.
Ganun ang pagmamahal. At si Elmo lang ang nakapagturo sakin ng lahat ng yon. Ipaglalaban
ko siya kahit ano’ng mangyari. Hindi na ko muling mawawalan ng pag-asa. Kahit na ipahanap pa
sakin ang dulo ng kawalan…
--END--
By: Nikkidoo
http://www.wattpad.com/4155821-a-crush-forever-a-julielmo-short-love-story