5
Abegail P. Cabasa IV-Mere Barbe Foucault Sektor ng Agrikultura Ang Kahalagahan at Kondisyon ng Agrikultura sa Ekonomiya Ang Pilipinas ay pinagpala sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman, lalo na ang ating kalupaan. Nakatulong din ang ating klima kaya tayo ay nakilala bilang isang bansang agrikultura. Ang Agrikultura ay isang agham na may kinalaman sa paghahalaaman at pagpaparami ng mga hayop. Ang sektor ng agrikultura ay isa sa mahalagang sektor ng ekonomiya gampanin sa pagpapaunlad ng bansa. Kahalagahan ng Agrikultura 1. Bumibili ng mga produkto ng Industriya Ginagamit ng mga industriya ang hilaw na materyales na mula sa agrikultura upang makalikha ng mga produkto. Ang mga produkto nagawa ng industriya ay bibilhin ng mga magsasaka upang matugunan ang kanilang pangangailangan, Ang mga kinita ng mga agrikultura ay ginagamit na panbili na mga produkto ng industriya tulad ng makinarya, sapatos, damit radyo at iba pa. 2. Pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales Ang mga hilaw na materyales na ginagamit ng industriya ay buhat sa agrikultura. . Malaki ang pakinabang ng industriya sa mga hilaw na materyales ng agrikultura. . Ang mga punongkahoy ay pinagmulan ng maraming produkto, tulad ng tabla at muwebles.

Abegail P

Embed Size (px)

Citation preview

Abegail P. CabasaIV-Mere Barbe Foucault

Sektor ng AgrikulturaAng Kahalagahan at Kondisyon ng Agrikultura sa Ekonomiya

Ang Pilipinas ay pinagpala sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman, lalo na ang ating kalupaan.

Nakatulong din ang ating klima kaya tayo ay nakilala bilang isang bansang agrikultura.

Ang Agrikultura ay isang agham na may kinalaman sa paghahalaaman at pagpaparami ng mga hayop.

Ang sektor ng agrikultura ay isa sa mahalagang sektor ng ekonomiya gampanin sa pagpapaunlad ng bansa.

Kahalagahan ng Agrikultura

1. Bumibili ng mga produkto ng Industriya

Ginagamit ng mga industriya ang hilaw na materyales na mula sa agrikultura upang makalikha ng mga produkto.

Ang mga produkto nagawa ng industriya ay bibilhin ng mga magsasaka upang matugunan ang kanilang pangangailangan,

Ang mga kinita ng mga agrikultura ay ginagamit na panbili na mga produkto ng industriya tulad ng makinarya, sapatos, damit radyo at iba pa.

2. Pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales

Ang mga hilaw na materyales na ginagamit ng industriya ay buhat sa agrikultura.. Malaki ang pakinabang ng industriya sa mga hilaw na materyales ng agrikultura.. Ang mga punongkahoy ay pinagmulan ng maraming produkto, tulad ng tabla at muwebles.Ang puno ng niyog ay tinawag ng tree of life na may malaking naianbag sa industriya.

3. Nagpapasok ng dolyar sa bansa

Marami sa ating produktong agrikultural ang pinakakakitaan ng dolyar ng ating bansa.

Ang pagbebenta sa ibang bansa ng mga prutas,abaka,asukal, at iba pa. Ang mga dolyar na ito ang ginagamit na pambili ng mga imported na materyales

at mga makinarya na kailangan ng ating industriya. Ang mga agri-based products, tulad ng niyog ,asukal,prutas at iba pa ang

pinakamalaking ambag sa sektor ng agrikultura.

Ang produktong mineral at petrolyo ay may ambag din sa kita ng bansa. Ang mga produktong ito ng agrikultura ang patuloy na pinagyayaman dahil sa

naitutulong ng mga ito sa ekonomiya.4. Nagbibigay ng Hanapbuhay

Nagbibigay ng maraming trabaho ang agrikultura. Ang ating mga manggagawa na di-makapagtapos ng pag-aaral ay nagiging

kapaki-pakinabang sa agrikultura. Kailangang magsikap at matiyaga ang mga mamamayan na nabigyan ng

hanapbuhay sa pamamagitan ng agrikultura.

Mga Suliraning Kinakaharap ng Sektor ng Agrikultura

1. Kakulangan ng Sapat na Imprastruktura at puhunan

Isa sa mga dahilan ng mabagal na pag-unlad ng agrikulturaay ang kakulangan sa imprastraktura at puhunan.

Ito ay bunga rin na kawalan ng puhunan na magagamit ng mga mangingisda. Hirap din ang mga magsasaka at mangingisda na paramihan ang kanilang

produksyon dahil wala silang salapi. Kaya, ang magsasaka ay di-gaanong kanilang pangangailangan

2. Pagdagsa ng dayuhang Produkto

Ang Globalisasyon at liberalisasyon ang mga dahilan ng pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa ating pamilihan,kung kaya nagkaroon ng kakumpentisiya ang ating mga lokal na produkto.

Ano ang Globalisasyon at Liberalisasyon?

Ang globalisasyon ay ang mabilis na paglago at pagdami bg mga nag uugnayang bansa sa daigdig na nagbubunga ng malayang pagdaloy ng panlabas na puhunan, produkto at teknolohiya.

Samantalang ang liberalisasyon naman ay may kinalaman sa mabilis na paglago ng kalakalang panlabas at pamumuhunan.

3. Mababang Presyo ng Produktong Agrikultura Ang mga ani ng mga magsasaka at mangingisda ay mabibili lamang sa murang

halaga, kaya hirap ang mga ito na magkaroon ng malaking tubo na kailangan sa pagtugon sa kanilang pangangailangan.

Kaya kahit di-sapat ang presyo sa ginastos sa pagtatanim ay ginagawa na ng mga magsasaka at mangingisda na ibenta ang mga produktong agrikultural.

4. Kakulangan sa Makabagong Kagamitan at teknolohiya

Ang mga magsasaka ay patuloy na gumagamit ng mga lumang kagamitan sa pagsasaka,tulad ng araro at kalabaw na nagiging dahilan ng mabagal nilang gawain.

Dahil sa kakulangan sa Edukasyon,napakahirap ituro sa mga magsasaka ang paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya na mas komplikado kumpara sa kanilang nakasanayan.

Higit pa rito ang hindi sapat na pondo ng gobyerno sa pagpapaunlad ng agham at teknolohiyang agrikultura.

5. Implementasyon ng tunay na Reporma sa lupa Napakaraming batas ang inaprubahan ukol sa reporma sa lupa,ngunit hanggang

ngayon ay di-madama ng mga magsasaka ang pagpapatupad ng tunay na reporma sa lupa.

Mahalaga ito dahil kapag pag aari ng magsasaka ang lupa, pagyayabungin niya ito at patataasin at gagawing produkto.

6. Paglaganap ng Sakit at Peste

Maraming hayop ang namamatay at di-napakikinanbangan na dulot ng mga virus at bakterya na namiminsala sa mga hayop at halaman.

Isa sa mga ito ay ang bird’s flu o aviav flu at dinoflagellates na kadalasan ay buhat sa ibang bansa.

Ang pagkamatay ng mga hayop , isda at halaman ay nagiging dahilan ng pagkalugi at paghihirap ng mga magsasaka at mangingisda.

Mga Solusyon sa mga Suliranin ng Agrikultura

Bagama’t nahaharap sa maraming suliranin ang sektor ng agrikultura, naghahangad pa rin ang pamahalaan na bigyang solusyon ang mga nasabing suliranin.

Ang pagbibigay-pansin sa mag suliranin ng sektor ng agrikultura ay magbibigay-daan sa pagbabago at pag-unlad ng agrikultura sa bansa.

Nagpapatupad ang ibat’-ibang ahensiya ng pamahalaan ng mga programa upang lutasin ang suliranin ng sektor ng agrikultura.

Ang pagpapatayo ng mga imprasturktura tulad ng imbakan, kalsada,tulay at irigasyon ay malaki ang naitutulong sa pagpapabilis ng pagmamahagi ng mga produktong agrikultural sa bansa.

Pagbibigay ng subsidy, pagtatatag ng kooperatiba ng mga magsasaka, pagkakaroon ng proteksiyonismo at implementasyon ng reporma sa lupa ay nakatutulong din sa pag-unlad ng agrikultura.